01/365 days.๐ค MALIGAYANG BAGONG TAON PO SA INYONG LAHAT!๐ฅณโจ NAWAY MAGING MALIGAYA, MASAGANA AT MAPUNO NG PAGMAMAHALAN AT NG BIYAYA ANG ATING BUONG PAMILYA!๐ซถโจ
Sa Madrid Spain, Palakad-lakad si Klinton sa labas ng operating room, tahimik namang nakatayo sa gilid si Rodrigo at Denmark. Hindi mapakali si Klinton dahil halos tatlong oras ng isinasagawa ang operation ng kaniyang anak. โBossโโ Natigilan si Denmark na animo'y nagkamali sa address na dapat itawag sa amo. โI mean, my Lord...โ Kung sa bansang Pilipinas si Klinton ay isang negosyante na may kompaya na bilyon-bilyon ang kinikita. Sa Spain ito ang pinakamakapangyarihan at kinakatakotan ng mga kapwa bigatin at mayayamang pamilya dahil isa itong tagapag-mana ng Founder ng pinakamaling organization sa buong Asia. Sa kasalukuyan ay isa ito sa pitong makapangyarihan na pumapangalawa sa founder, at balang araw ito ang magiging una sa lahat dahil sa taglay nitong galing at abilidad sa pagpapatakbo ng organization. โMy Lord, uminom ka muna.โ Inabot ni Denmark ang hawak niyang malamig na bottled water. โDamn it! Bakit napakatagalโ Hindi pa natatapos magreklamo si Klinton ng bumukas ang pin
Dalawang linggo ang nakalipas... Huminto ang sinasakyang taxi ni Xianelle sa tapat ng Turner Mall kung saan siya nagta-trabaho bilang sales lady. Inabot ang bayad at bumaba ng taxi. Napatingin siya sa pambisig niyang relo, nanlaki ang kaniyang mga mata na limang minuto na siyang late! Sa isang linggo niyang pagta-trabaho bilang sales lady ay palagi siyang late kung dumating at sa araw na 'yon ang pinakamalala. Nais niya namang pumasok ng tama sa oras pero palagi pa rin siyang nahuhuli dahil sinisigurado niya na maayos na iiwan ang anak sa bahay. Nagmamadaling pumasok si Xianelle sa mall at halos takbuhin niya na ang elevator na paakyat na. โSandali!โ Pigil niya na animo'y hihinto 'yon para sa kaniya. Pipigilan niya sana itong magsara ng maunahan si Xianelle na pigilan ang pinto ng lalaking nasa loob ng elevator. Tumayo ng tuwid si Xianelle ng makita at makilala kung sino ang lalaki sa loob ng elevator. Walang iba kundi ang gwapong binata na may-ari ng Turner Mall na siyang nagbig
Dumating na ang order na pagkain. Tahimik lamang na kumakain si Xianelle. Napansin ni Aidan ang pananahimik ni Xianelle tanda na apektado ito sa narinig. Niyaya niyang lumabas si Xianelle upang malaman kung bakit ito mag-isa sa buhay at mas lalong hindi kapakapaniwala na palubog na ang kompanya ng pamilya Daza. โXian, ayos ka lang?โ Sumandal si Aidan sa silya. โYou didn't tell me the reason why you're living away from your family.โ โIt's a long story, Aidan.โ Tipid na ngumiti si Xianelle. โMatagal na โyon at ayaw ko ng alalahanin pa ang mga nangyari. Ang mahalaga sa akin ay kung ano ako ngayon at kung anong meron ako ay masaya ako at mas pipiliin ko ang ganitong buhay.โ โYour father dedicate his whole life raising his business, he gave everything. Are you not afraid of losing your family business?โ Natigilan si Xianelle. โAidan...โ She cared alot about of her father business that's why she's making a way to help. Isang tao lang ang inaasahan niyang makakatulong sa kaniya at hindi
Alas tres na ng madaling araw gising na gising pa rin si Xianelle na para bang hindi siya galing sa trabaho na hindi makaramdam ng pagod at antok dahil sa pag-iisip. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan niya o hindi si Klinton upang sabihin ang kaniyang kailangan. Nakahiga siya sa maliit na kama habang hawak-hawak ang kaniyang phone, nakatitig sa larawan nitong ipinadala sa kaniya. Sa tabihan niya, mahimbing na natutulog na anak, nakaunan ito sa kaniyang braso at mahigpit na nakayakap. โBaby... Anong gagawin ko?โ Para namang masasagot siya nito. โCall! Call ako diyan!โ Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang anak nang gumalaw ito at nagsalita habang tulog. Nanaginip ito na parang nakikipag-pustahan. Bumuntong hininga siya. โAlas naman e.โ Nitong mga nakaraang araw ay nagiging sakit ng ulo ito. Madalas itong magpasaway at nakikibarkada sa mga binatilyo na malayo ang agwat ng edad. Nag-aalala siya na sa mura nitong edad matuto ito ng mga kalokohan o kaya mapasama sa mga gulo lalo
Napakagat-labi si Xianelle at namula ang kaniyang pisngi may estrangherong damdamin ang nagparamdam nang tawagin siya nitong 'baby girlโ. Iyon ang tawag sa kaniya ni Klinton ng sila'y magkarelasyon pa. Wala siyang balak na patulan ang sinabi nito dahil hahaba lang ang usapan. Kapag nagkataon ay baka makalimutan niya pa ang totoong pakay. Huminga siya ng malalim upang pakawalan ang kabang nararamdaman at saglit na nag-ipon ng lakas ng loob. โI'm sure you heard about my father's falling company, I can't stand still watching him downfall.โ Panimula niya. โSo? Doesn't bother me at all.โ Klinton lick his lower lips while looking at the beautiful city of spain. He already had an idea. โI am asking you to help my dad.โ Nangungusap ang boses ni Xianelle. Nagsalubong ang makapal na kilay ni Klinton at naningkit ang kaniyang mga mata. Hindi siya nagkamali ng inisip na hihingiin nito sa kaniya. โI'm a business man, Xianelle. I am not a charitable person to fucking lift those falling comp
Ang inilabas na anunsyo ng Pendilton Empire ay mabilis na kumalat sa buong Pilipinas at nakapagpawindang sa lahat ng negosyante. Halos lahat ng mayayamang pamilya ay nais na magsubmit ng kanilang pinakamagandang panulaka at magkaroon ng magandang konensyon sa Pendilton Empire lalo na sa gwapong CEO na si Klinton Axis Salvador. Ang iba pa nga ay nag-iisip kung paano mapapalapit ang kanilang anak na babae sa CEO, at inisip na ipagkasundong ikasal. Nang makarating ang balitang 'yon sa pamilya Daza ay agad itong gumawa ng aksyon habang nakatanggap naman ng samu't saring papuri at pasasalamat si Alexa mula sa pamilya Daza. ยฐยฐยฐ Samantala, sa Paraiso De Pendilton, Kasalukuyang nasa malawak na sala sina Lance, LV, Renzi, Scott at Cyrus, kumakain ang mga ito ng almusal. Nang makita ni Cyrus ang kumakalat na balita sa internet ay hindi sila naniniwala hanggang sa dumating ang official announcement mula sa Pendilton Empire. Pabagsak na itinapon ni Lance ang folder na naglalaman ng announ
Hindi makapaniwalang nakatitig si Klinton sa kaniyang anak na ngayon ay gising na gising. Nagpatawag siya ng doktor, hinayaan niya ang doktor at mga nurse na suriin ang anak. Nang matapos ay lumapit sa kaniya ang lalaking doktor at nakangiting tumango. โHis perfectly fine, my Lord, please be very careful with him. Call me in case he needed.โ โThank you, Doctor. Have a great day ahead.โ Kinamayan ito ni Klinton. โYou too, my Lord. We have to go.โ โYeah. Rodrigo will lead you the way.โ Sininyasan ni Klinton si Rodrigo. Nakangiting tumango ito at binuksan ang pinto. โPlease Doctor.โ Lumabas na ang doctor at ng dalawang nurse na kasama nito pagkatapos ay sumunod si Rodrigo. Naiwan sa loob ng silid ang mag-amang Klinton at Alas. Pinagmamasdan ni Klinton ang anak, hindi niya makumpuna kung anong salita ang sasabihin sa anak lalo pa't hindi maganda ang huli nilang pag-uusap. Hindi madali para sa kaniya ngayong gising na ito dahil sa kailangan pang manganib at mag-agaw buhay ito upan
Nitong nakaraang mga araw, palaging masama ang pakiramdam ni Xianelle. Madalas pagising niya sa umaga nahihilo niya, hindi niya 'yon pinapansin dahil inisip niyang naninibago ang katawan niya dahil maghapon na naka-aircon. Hindi na siya sanay sa ganu'n. Ni-electric fan nga ay hindi sila gumagamit para tipid sa kuryente, tama na ang paypay-paypay lang. Pagkatapos kumain ng hapunan ay dumiretso agad si Xianelle sa kwarto, bakas ang pagod at panghihina, namumutla rin ang mukha. Habang naiwan naman sa maliit na sala si Divine at Ace na nagnunuod ng telebesyon at nagku-kwentuhan. Nahiga na siya sa kama at nagbalot ng kumot hanggang leeg. Doble ang kaniyang pagod at puyat dahil sa hindi siya nakatulog ng maayos sa kakaisip nitong nakaraang gabi. Samahan pa ng kaniyang narinig na balita. Nakapanghihina, talagang magkakasakit siya. Ipipikit na sana ni Xianelle ang mga mata ng mapansin ang pagpasok ng anak. Wala itong kibo at halatang hindi maganda ang araw. Kumunoy ang noo niya nang maki
Pababa na si Ace ng hagdanan nang mapagtanto niyang may isang lugar pa siyang hindi napupuntahanโang kwarto ng kanilang Daddy! Mabilis na tinungo ni Ace ang kwarto. Pagbukas niya ng pinto bumungad sa kaniya ang magulong kama. Lilisanin niya na ang kwarto nang marinig niya ang boses ni Alas sa veranda, agad niya iyong nilapitan. โI can do it, Daddy!โ Masiglang sambit ni Alas. Nakatayo si Alas sa ibabaw ng pang-isahang couch hawak ang bow and arrow, sa likuran nito si Klinton, nakatukod ang magkabilaang kamay sa railing at nakakulong doon si Alas. Parehong walang saplot pang-itaas ang mag-ama tanging jogger lamang ang suot. โPoint it to the target.โ Bahagyang inayos ni Klinton ang pagkakahawak ni Alas sa bow and arrow upang maasinta ang apple na nasa ibabaw ng coffee table sa hardin. Nakapikit ang isang mata ni Alas habang inaasinta ang apple, titig na titig naman si Klinton sa anak. Natigilan si Alas dahil hindi niya inakala na matatamaan niya ng inaasinta. โTinamaan? Tinama
โWhy are you still up?โ Balik na tanong ni Klinton. Nilapitan ni Klinton si Alas. Hinaplos niya ang buhok nito bago umuklo at ginawaran ng halik sa ulo. โI can't sleep, Daddy." Agad na ipinalibot ni Alas ang mga braso sa leeg ni Klinton dahilan para buhatin ni Klinton at muling ginawaran ng halik sa pisngi. โWhere's your mom?โ โMahimbing na po silang natutulog ni Ace. Lumabas ako ng room namin tapos pinuntahan kita sa room mo pero wala ka. Bumaba ako rito para hintayin ka dahil alam ko, uuwi ka.โ Hinaplos ni Alas ang mukha ng kaniyang Daddy dahil napansin niyang namumungay ang mata nito at naamoy niya rin ang alak. โYou look tired, Daddy, and a little tipsy. You should rest na po. Have you eaten? Because we ate already.โ Klinton lick his lower lips before nod. โYeah, yeah. I'm done. You said, you can't sleep how about we talk for a moment, handsome?โ Kumunot ang noo ni Alas. โAbout what?โ โAnything . . . ? Everything.โ Hinalikan ni Klinton sa balikat si Alas bago naglakad p
Sa loob ng opisina ni Phil, nakaupo si Xianelle sa visitors chair habang kaharap si Phil. Hindi na kailangan pang sabihin ni Xianelle kung ano ang napag-usapan nila ni Klinton dahil narinig naman 'yon ni Phil. Hiningi ni Xianelle ang kopya ng proposal na ipinasa sa Pendilton Empire, iyon ang nais niyang makita at mapag-aralan dahil sigurado siyang 'yon ang isa sa dahilan kung bakit napili ni Klinton ang papalubog nilang kumpanya. Hindi na lang 'yon tungkol sa kasunduan na meron sila ni Klinton. May kakayahan talaga ang kumpanya ng pamilya niya para piliin ni Klinton. โPag-aaralan ko ang mga ito, Phil, titingnan ko kung ano ang magagawa ko.โ Tinanggap ni Xianelle ang mga folders. โMabuti naman at nagbago ang isip mo, Miss Xianelle. Sigurado akong matutuwa si Boss na malaman na ginagawa mo 'to para sa kumpanya.โ May ngiti sa labi ni Phil. โNga pala, tawagan mo ako kung may mga kailangan ka pa. Ipapahanda ko ang opisina mo upang komportable kang mag-trabaho.โ Kailan pa siya nagkaro
โSit down, Miss Daza.โ Putol ni Klinton sa hindi maintindihang litanya nito. Natigilan si Alexa at bumaling kay Klinton. Inisip niyang namamali lang siya ng rinig dahil wala naman itong kasunod na sinabi. Napahilot sa sintido si Klinton nang magpatuloy pa si Alexa. Pinukol niya ito ng masamang tingin. โI said sit down!โ Ulit ni Klinton. Hindi 'yon ang inasahang presentasyon ni Klinton dahil napakalayo nito sa proposal na nakita niya. โB-but I'm not yet doneโ โExactly!โ Ibinato ni Klinton ang phone niya sa ibabaw ng mesa dahilan para maglikha 'yon ng ingay na ikinagulat ng lahat. โI came here personally then, you'll gonna presentโwhat do you called that? A highschool student unprepared report?โ Napayuko si Alexa dahil ramdam niya ang kahihiyan sa harap ng sarili niyang empleado at higit sa lahat sa harap ni Xianelle. Tahimik naman sina Denmark at Miss Madonna, sa simula pa lamang ay alam na nilang hindi 'yon magugustohan ng amo, suwerte na nga ito na umabot hanggang kalahati
Nang makarating sa kumpanya si Xianelle. Huminga siya malalim bago pumasok sa loob. Walang masyadong pinagbago ang kumpanya, at masasabi niyang bahagi ng kaniyang pagkabata. Agad siyang natigilan nang bumungad sa kaniya ang nakasabit sa pader sa likod ng front desk, sa tabi 'yon ng logo ng kumpanya. Isang malaking frame, malapad ang babasagin na salamin at ang nasa loob ito; guhit ng panloob na desinyo. โThis is mine...โ Usal ni Xianelle. Nilapitan 'yon ni Xianelle at tiningala. Pinakatitigan niya 'yon. Isa 'yon sa mga iginuhit niya noon. Sa unang tingin masasabi mong napakaganda no'n at madaling gawin ngunit bihira lamang ang makaguhit ng ganu'ng desinyo. โBakit naka-display ito dito?โ Sa isip ni Xianelle. Magaling si Xianelle sa pagguhit ng panloob na desinyo, bata pa lamang siya 'yon na ang hilig niya. Iyon ang minana niyang talento sa kaniyang ama. Ipinagmamalaki at mataas ang pangarap sa kaniya ng kaniyang Ama ngunit gumuho 'yon dahil sa kaniyang pagkakamali. No'ng palayasi
Naiwang nakatulala si Xianelle sa papalayong bulto ni Klinton. Nanggigilid ang mga luha niya. Imbes na bumaba ay bumalik sa silid at doon ibinuhos ang kaniyang mga luha. Mali ba na turuan ng tamang asal ang mga bata? Bakit parang pakiramdam niya'y napakasama niyang ina kapag pinalo niya ang mga bata? Hindi niya naman gawain 'yon, labag rin naman 'yon sa kalooban niya pero kailangan matuto ng kambal, hindi niya inaabuso ang mga ito. Sa inakto ni Klinton, pinuprotektahan nito ang mga bata. Ayaw nito na masaktan at napagtanto ni Xianelle na hindi nga nito gawaing saktan ang mga bata. Bakit pakiramdam niya sa kaniya pa mas delikado ang mga bata? Kung tutuusin ay napakaliit na bagay no'n pero para kay Xianelle big deal. Marahil epekto 'yon ng pagbubuntis niya, mabilis na magbago ang kaniyang mood. Madaling magalit at madamdamin. Iyong sinabing parusa ng mga anak ay siya ang gumawa. Hindi siya bumaba para kumain ng almusal. Sa kabilang banda, muntik pang mabangga ni Klinton ang kam
Paglabas ni Ace nang silid nakita niya na lumabas sa master bedroom si Xianelle. Hindi siya nito napansin, animo'y may hinahanap ito at nagmamadali.Patakbong tinungo ni Ace ang master bedroom.Maingat niyang binuksan ang pinto niyon at sumilip. Sumilay ang ngisi sa labi ni Ace. Nakadapa si Klinton sa kama habang yakap-yakap nito ang isang unan at mahimbing ang tulog. Walang ingay na lumapit si Ace sa kama. Iwinagayway niya ang kaniyang kamay sa harap ng mukha ng kaniyang Daddy upang malaman kung tulog ba ito o hindi.โAng sarap-sarap ng tulog mo ah... Samantala, napuyat ako.โ Pabulong na sumbat ni Ace habang nililibot ang paningin sa buong silid.Wala siyang mahagip na kung anong pwedeng magamit. Nakangiting tiningnan ni Ace ang kaniyang dalawang mga kamay. Tinatansya ni Ace ang kamay kung maabot nito ang pisngi ni Klinton.โAhhhhhhh!โ Ibinuwelo ni Ace ang isa niyang kamay at malakas na tumama ang palad nito sa pisngi ni Klinton.Nagising si Klinton. Sa gulat niya ay mabilis niy
โKlinton?โ Usal ni Xianelle. Itinutok ni Xianelle ang ilaw sa mukha upang siguradohin na si Klinton nga iyon. Agad namang iniwas ni Klinton ang mukha sa ilaw ng phone. Tinanggal ni Xianelle ang kamay ni Klinton sa bewang niya at bahagyang lumayo dito. Sinapo niya ang kaniyang dibdib dahil labis ang kabang naramdaman. โAnong ginagawa mo dito?โ May bahid ng inis na turan ni Xianelle. Tinutukan ni Xianelle ng ilaw si Klinton mula ulo hanggang paa. Suot pa rin nito ang kaparehong damit kanina. โKakarating mo lang?โ โYeah.โ Simpleng tugon ni Klinton ngunit bakas ang bigat roon. Tumango-tango si Xianelle. Binalikan niya ang kaniyang kinakain. Nakakailang subo na siya nang mapansin na naroon pa rin si Klinton. โAno pang tinatayo-tayo mo diyan? Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na.โ Imbes na sundin ang sinabi nito. Lumapit si Klinton kay Xianelle. Itinukod ni Klinton ang isang siko sa island counter. Gamit ang isang kamay hinaplos ang nakalugay na tuwid na tuwid na buhok ni
โYou are making me laugh, Klinton.โ Binuntunan iyon ng tawa ni Mr. Edwards. Tumawa rin si Klinton. โYou can laughed until your jaw drop. But it doesn't change the fact that I won't marry your daughter.โ Natigilan si Mr. Edwards sa pag-aakala na mali lamang ang pagkakarinig no'n. Kung ganu'n seryoso nga ito sa sinabi. Napakaraming negosyante ang nangangarap na maikasal ang anak na babae sa CEO ng Pendilton Empire, isa na doon si Mr. Edwards. โTama nga ang bali-balita...โ Komento ni Mr. Edwards. Hindi siya nakadalo sa piging ng mga Daza pero may naririnig siya sa mga taong dumalo ang tungkol sa asawa ni Klinton. โWalang kaso 'yon, hiwalayan mo ang asawa mo at pakasalan mo ang anak ko. Magiging matibay na magkakampi tayo, Mr. Salvador! Hindi mo naitatanong, maganda ang anak ko, may pinag-aralan, malaki ang maitutulong sa'yo sa kumpanya at higit sa lahat malaki ang gusto sa'yo.โ Kumuyom ang kamao ni Klinton. Hindi niya nagustuhan ang mga pinagsasabi nito. Kung makapagsalita ito ay