Bigo ang puso ni Elise Carrero nang malaman niyang hindi siya mabuntis sa kabila ng ilang beses na pagsubok na bumuo ng pamilya kasama ang asawang si Riguel De Silva. Ngunit tila ba pinaglaruan pa ng tadhana ang malungkot niyang puso nang malamang lihim na nakikipagkita ang asawa sa unang babaeng minahal nito. Ang mas masakit, gustong makipaghiwalay ni Riguel. She was secretly married to the cold zillionaire who wouldn’t fall for her despite all her efforts. Baon ang katiting na dignidad ay pumayag siya sa annulment at pinirmahan ang mga papeles. Ngunit ang sana’y kalayaan niya mula sa pasakit na dulot ng asawa ay naglaho nang hilingin ng lolo nito na makita ang apo sa tuhod bago ito mamatay. Riguel couldn’t resist the dying wish of his grandfather, so he offered her a 100-million peso deal to bear his child before they annul their marriage. Pumayag si Elise para sa lolo nito, ngunit pinangako niya sa sarili na hindi na siya ang dating asawa na sunod-sunuran sa lahat ng sasabihin ni Riguel. Hindi na niya ito mamahalin kailanman… O, mapako kaya ang pangakong ‘yon?
View MoreNapatingin si Elise sa entrada ng cafeteria. Napakawapo ni Riguel na nakasuot ng itim na suit at pants. Ang seryosong emosyon sa mukha nito ay mas lalong nagpa-angat ng presensya nito. Hindi matapos ang bulungan at impit na mga tili ng mga babaeng empleyadong naroon. Naglalaway sa kanilang “Big Boss.” Sumimangot ang mukha niya at inis na tinakpan ng kamay ang gilid ng mukha niya. Ayaw niyang makita siya ni Riguel dahil wala siyang mood para i-entertain kahit pa ang mapanghusgang titig nito. May mga empleyado ring tumingin sa gawi niya. Animo’y inaalam kung paano siya gagalaw gayong naroon ang “Big Boss”. Oo nga pala’t ang nasa isip ng mga ito ay nilalandi niya ang lalaki. Pwes, kung alam lang nila. Riguel was the last person she wanted to see! Pinapanalangin nga niyang huwag masyadong magkrus ang landas nila sa opisina upang hindi naman masira ang bawat araw niya. “Tss. Tingnan mo ang babaeng ‘yan. Kung makatago ng mukha parang hindi nilandi si Mr. De Silva,” narinig niyang wika n
Lunes nang muling pumasok sa trabaho si Elise. Kabado siyang naglakad papunta sa kaniyang station, ang mga mata ay bahagyang nagpalinga-linga upang hanapin ang bisor niyang si Cynthia. Panigurado ay bubulyawan siya nito dahil ilang araw siyang wala.“Elise, mabuti naman at nandito ka na. Darating daw ang big boss!” masayang bulalas sa kaniya ni Penelope nang makalapit ito sa kaniya. “Tara sa lobby. Daming nakaabang sa kaniya doon para makita siya!” “Big boss? Hindi ba’t si Mr. Sanchez ‘yon?” kuryoso niyang tanong. “Hindi raw. Si Mr. Sanchez ang pinagkakatiwalan mag-manage ng firm pero itong big boss na makikita natin, siya talaga ang tunay na boss nating lahat. Tara na para makapwesto tayo sa bandang harap.” Hinila siya ni Penelope papuntang lobby. Napangiwi naman siya, walang interes sa magaganap.“Intern lang naman tayo. Kailangan bang pati tayo ay naroon?”“Ano ka ba? Can’t you see na pagkakataon na natin ‘to? Kailangan natin magpa-good shot sa Big Boss para hindi tayo matangga
Pagtapos ng hapunan ay nagmuni-muni si Elise sa sala bago mapagpasyahang pumanhik sa kwarto nila ni Riguel sa mansyong ‘yon ng kanilang Lolo Emilio.Nang makapasok sa kwarto ay ang mabangong shower gel ng lalaki ang agad niyang naamoy. Nakaligo na ang asawa niya at kasalukuyang nakaupo sa dulo ng kama. Napakagwapo nito kahit na sa suot na pajama, may suot na reading glasses para sa mga mata at animo’y isang modelo. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at malamig siyang tiningnan. “You took so long to get here, because you don't want to fulfill your obligation, right?” malamig na tanong nito.Kinuyom niya ang mga kamay at saka umirap. Hindi niya ito sinagot bagkus ay naglakad siya papuntang banyo upang maligo. It was a tiring day for her. Matapos maligo ay inabala niya ang sarili sa paglalagay ng skin care sa mukha at halos hating gabi nan nang matapos siya. She was wearing a white nightgown. Naramdaman niya ang madilim na tingin sa kaniya ng asawa. Hindi naman kaila sa kaniya na kahi
Puno ng panganib ang mga mata ng asawa nang tingnan siya. Para bang may malalim na pinanghuhugutan ang galit na nararamdaman. Mariin siyang hinawakan nito sa braso. His jaw clenched as he looked at her in rage. “You’re playing like a victim, huh? That won’t work on me.” “Riguel, bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!” singhal niya dito.But her husband didn’t let go of her wrist and grip it tightly, making her whimper in pain. “You were the one who forced Calista to leave in the first place. Wala kang karapatang mag-inarte nang ganiyan sa akin!” “A-Anong sabi mo?” gulat niyang wika. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito. She forced Calista to leave? Hindi niya maalalang ginawa niya ‘yon! At kahit pa gaano niya ka-ayaw sa babaeng ‘yon, hindi niya gagawin ang binibintang ni Riguel. “Do you think I wouldn’t find out about it?” Umangat ang sulok ng labi ni Riguel at sarkastikong ngumisi. “You forced her to leave two years ago and gave her a huge amount of money to hide abroa
Nagdilim ang mga mata ni Elise sa narinig at galit na inalis ang kamay ni Calista sa kaniyang braso. “Riguel told me he didn’t sleep with you.” Kung may isang bagay man siyang pinagpapasalamat ay ang pagsasabi ni Riguel nang totoo bago siya ikama nito sa kanilang tahanan. He said he wouldn’t touch Calista while he was still married to her. Sa kaniya lamang nakikipagtalik ang asawa. Siya lang ang tinatakbuhan nito kung kailangan nitong daluhan ang init ng katawan. Elise felt secretly happy to hear it all from her husband. Nanlaki ang mga mata ni Calista sa narinig, animo’y hindi ba inaasahan ng babae ang mga salitang ‘yon mula sa bibig ni elise. Ngunit agad din itong nakabawi at mayabang na ngumisi. “That’s because Riguel is a good man. He would never do something that would tarnish his name while he’s still married to you. Pero alam mo bang nangako siya sa akin na magpapakasal kami kapag na-annul na ang kasal niyo?”Masakit na marinig ‘yon para kay Elise ngunit hindi niya ha
De Silva Residence“Let’s get our annulment processed after you give birth to a child,” malamig na wika ni Riguel sa kaniya. Matapos kausapin ang Lolo Emilio nila ay napag-alaman nila sa doktor nito na hindi na maganda ang lagay ng kalusugan nito. May sakit ito sa puso at baka hindi na magtagal…“Wala namang problema sa akin. Gagawin ko ang lahat para kay Lolo Emilio,” nakahalukipkip na saad ni Elise. “Pero hindi ba’t parang unfair sa akin na mamanduhan mo lang ako ng ganito—”“One hundred million,” putol ni Riguel sa kaniya. “Ano?” naguguluhan niyang tanong. “It’s on top of the amount we agreed upon before we got married. Bibigyan kita ng isang daang milyon.”Napalunok si Elise. Malaking pera ang inaalok ni Riguel. Kung hindi niya makukuha ang pagmamahal nito ay marapat lang na maging pratikal siya. One hundred million para sa isang baby?“Sige,” matapang niyang sagot at tumango. “I will ask my assistant to give you another contract later.” “Fine. Hihintayin ko na lang,” walang
Mabilis na dumating ang araw na kinatatakutan ni Elise. Ang araw nang pagpoproseso nila ng annulment ng kasal nila ni ni Riguel sa korte. Maaga siyang bumangon para mag-asikaso. Kahit na sawi ang kaniyang puso ay nag-ayos siya. She wouldn’t want Riguel to pity her just because they were about to be separated. She wanted him to see her as a brave woman who would never tolerate cheating. Naglagay siya ng kolorete sa mukha at nagsuot ng magandang bistida. Huminga siya nang malalim, pinapatatag ang sarili. She would start a new life after the annulment. Hindi na siya iiyak pa sa maling lalaki. Pagkalabas sa dorm building ay napansin niya ang pamilyar at mamahaling itim na kotse na nakaparada sa sa tabing kalsada. Bumuga siya ng hangin at sarkastikong napangiti. Mukhang atat na atat ang asawa niyang hiwalayan siya… At talagang nagpunta pa roon para sunduin siya!Nagpanggap siyang hindi napansin ang kotse at naglakad sa terminal ng bus. Agad namang umandar ang kotse at nagtungo sa
Hindi sinagot ni Riguel ang tanong niya at tahimik na lumabas ng kanilang kwarto. Suminghap siya at tahimik na napaiyak. Hindi niya matanggap na gano’n na lang kung ipawalang-bahala ng asawa niya ang nararamdaman niya. How could he answer calls from his mistress behind her back?Dahil hindi niya malaman kung ano ang dapat maramdaman ay bumangon siya mula sa kama. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kwarto at nagtungo sa guest room kung saan siya madalas na matulog noong bago pa lang silang kasal. “Huwag mo nang isipin… matatapos din ito,” bulong niya sa sarili nang makahiga sa kama, sunod-sunod na luha ang pumapatak mula sa kaniyang mga mata, bago niya tuluyang ipikit ang mga ito para magpahinga. Kinabukasan, dahil hindi niya alam kung paano haharapin si Riguel ay sinadya niyang tanghali na bumangon. Sabado rin at hindi niya kailangan pumunta sa accounting firm kung saan siya nag-o-ojt. Pagkababa sa dining ay napansin niyang wala kahit ang anino ni Riguel. Madalas magluto si Ri
“Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko!” bulyaw sa kaniya ni Elise.Hindi nagustuhan ni Riguel ang inasal ni Elise kaya naman marahas niya itong hinawakan sa braso at inipit ang paa nito gamit ang kaniyang tuhod. “R-Riguel, nasasaktan ako. Ano ba? Pakawalan mo ako!” pakiusap ni Elise at tuluyan nang napaluha. Ni hindi niya nga malaman kung bakit siya umiiyak– kung dahil ba sa sakit na dulot ng pagtataksil ng asawa niya o dahil sa pisikal na sakit na dala ng pagkahulog sa hagdan kanina sa ospital.Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamalas na babae sa mundo dahil wala nang magandang nangyari sa buhay niya simula ng bata pa lang siya. A few years ago, she was homeless. Her father, who was supposed to be her support system, married another woman and was only good at her stepsister. Noong nasa kolehiyo naman ay niloko lamang siya ng una niyang naging nobyo. At ngayon, kung kailan naman gusto niyang paibigin sa kaniya ang asawang si Riguel, ay saka naman bumalik ang unang babaeng minahal nit
“Ms. Carrero, I’m sorry to say this but you are not pregnant.” Tila may nagbara sa lalamunan ni Elise nang marinig iyon. Kasunod niyon ay ang pagkirot ng kaniyang puso. Nag-iinit ang gilid ng kaniyang mga mata habang tulalang nakatingin sa kaniyang Obgyne. “Pero ilang araw ng masama ang pakiramdam ko, Doc. Nagsusuka ako at delay din ang period ko…” pumiyok ang kaniyang boses dahil sa nagbabadyang mga luha pero pinigilan niya ang pagkawala ng mga ito.Umiling ang babaeng doktor sa harapan niya. Kita ang awa sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.“Nakararamdam ka ng pagsusuka at pagkahilo dahil ilang araw ng hindi maganda ang kondisyon ng tiyan mo dala ng gastritis. Isa pa, maraming factors kung bakit nade-delay ang period ng isang babae. Dalawa na roon ang stress at pagpupuyat.”“B-Baka pwede nating ulitin ang mga test, Doc?” mungkahi niya, umaasang may mali sa naunang tests at baka sa pangalawa ay lalabas ng buntis siya… na may maliit na supling na sa sinapupunan niya.“I’m r...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments