Pagkatapos ng pagpa-plano kung paano babawiin ang anak ni Klinton sa kamay ni Julio Mariano, nauna ng bumaba si Denmark at Rodrigo upang bigyan ng utos ang mga tauhan.
Nanatili sa loob ng pribadong silid sina Klinton, LV, at Lance. Ang silid na 'yon ay para sa pagpupulong ng pamilya at bawat silyang naroroon ay mayroong pangalan. Sa loob nito ay mayroong isa pang pinto. Iyon ay ang tinatawag na Equipment Room.Isa 'yong sagradong pinto, at ang tanging nakakapasok lamang sa silid na 'yon ay ang rehistrado sa finger print sensor. O mas madaling sabihin na dugong Pendilton lamang...Pumasok roon sina Klinton, LV, at Lance. Sumipol si Lance, namulsa si Klinton at nanlaki ang mata ni LV.Isa iyong madilim na silid. Mula sa kisame, pader at sahig ay kulay itim. May billiard table sa gitna at sa itaas nito ang gintong chandelier nagsisilbing liwanag sa loob nito, at ang maliliit na pulang ilaw sa palibot ng silid.Tatlong hakbang ang ginawa ni KKinabukasan, Nang pumasok sa loob ng silid na inuokopa ni Xianelle ang isang kasambahay na may dalang pagkain, nakikita niyang nababalotan ng lungkot ang mukha nito ibang-iba kagabi na may ngiti itong pinagsisilbihan siya. βMa'am, magandang umaga. Sabi ni Doktora makakatulong ito sa pagbilis ng pagaling ng sugat niyo. Kumain ka muna..." Mabait na anito. βMaraming salamat po. Na saan po ako?β Nang magising siya ng umagang 'yon, nagtataka kung saan siya dinala ni Lance at LV dahil sigurado siya na hindi siya dinala sa hospital or hotel. Ang desinyo ng silid na inuokopa niya ay masyadong elegante at napakalaki no'n. βNasa Paraiso ka, Ma'am. Huwag kang mag-alala, ligtas ka sa lugar na ito.β Paninigurado ng Mayordoma. βParaiso?" Nagugulohang tanong ni Xianelle. βOo, Paraiso De Pendilton, 'yon ang ngalan ng mansion na ito na pag-aari ng mga Pendilton.β Pendilton... Natigilan si Xianelle at nanlaki ang kaniyang mga mata! Animo'y echo na paulit-ulit niyang naririnig ang apilyedong
Sa Madrid Spain, Sa isang tanyag na hospital, kasalukuyang naka-admit si Alas na nagpapanggap bilang Ace Salvador... Nakatayo si Klinton sa labas ng ICU, kung saan pinagmamasdan ang anak mula sa malapad na salamin habang si Rodrigo ay tahimik sa gilid na pinagmamasdan ang amo na hindi mapanatag. Akala ni Klinton, sapat na ang limang taon upang maging bakal ang kaniyang puso ngunit si Ace lang pala ang makapagpapadurog nito. Sa pagkakataong 'yon, pakiramdam niyang pusong mamon siya at nadudurog ito na nakikita na nasa ganu'ng kalagayan si Ace, madaming nakakabit na tobo sa katawan nito. Hindi mapanatag ang loob ni Klinton, at hangang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit nagkaroon ng ganu'ng sakit ang anak niya! Binalingan niya si Rodrigo na siyang pinakatiwalaan niya ng anak niya. βMay hindi ka ba sinasabi sa akin? Bakit nagkaganito si Ace?! Didn't I tell you always monitor my son's health?β Malamig na tanong ni Klinton kay Rodrigo. Kung alam niya lang na may ganu
Nang araw ding 'yon dinala ni Xianelle ang anak sa doktor upang mapatingnan nito dahil may sakit ito sa puso at inisip niya rin na baka nagkaroon ito ng trauma sa nangyari sa kanilang mag-ina. Sinamahan siya ni Divine, kahit na kakalabas din nito ng hospital dahil sa mga natamong pasa. Hindi siya nito hinayaang mag-isa lalo pa't nalaman nito na ang sugat na natamo niya ay mula sa baril. Sa loob ng clinic ng doktor ni Alas. Nakaupo si Xianelle sa silya, nakakandong sa kaniya si Alas. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya habang naghihintay ng resulta ng mga test na isinagawa kay Alas. Samantala, si Ace na nagpapanggap na Alas. Pulang-pula ang mukha dahil ayaw niya sa lahat ay ang dinala siya sa doktor na wala naman siyang sakit. Sa Spain, buwan-buwan siyang pinapatingnan ni Rodrigo sa doktor at bago mangyari 'yon, mahabang pilitan muna. Hindi niya akalain na maging sa puder ng Mommy niya kailangan rin pala? Sa isip-isip niya ay hindi na kailangan pang gawin 'yon sa kaniya dahil alam
Nang malaman ni Xianelle na dadalo si Klinton sa burol ni Zarchx, imbes na sabihin ang kaniyang pakay ay hindi siya nagdalawang-isip na sumama siya kay Klinton. At pinagsisihan niya 'yon dahil hindi niya akalain na makakatanggap siya ng sampal at masasakit na salita mula sa Ina ni Zarchx. Si Xianelle ang sinisisi ng ina ni Zarchx dahil iniisip nito na kung hindi ito dumating ng gabing 'yon sa Paraiso De Pendilton, hindi aalis sina Zarchx. Hindi pa natatapos ang seremonya ay umalis na si Xianelle. Sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa mansion ni Klinton upang kunin ang kaniyang mga gamit. Habang nasa byahe ay panay ang iyak ni Xianelle. Panay naman ang sulyap kay Xianelle ng driver ng taxi na puno ng pagtataka. Nasasaktan si Xianelle na makita ang labis-labis na pangungulila ng asawa ni Zarchx. Hindi niya alam kung paano ito kakausapin, wala siyang mukhang maihaharap. Sinisisi niya ang sarili dahil may isang bata na lalaki na walang ama. Huminto ang taxi sa labas ng gate ng mansio
Sa bahay ni Divine, Malakas na isinara ni Xianelle ang pinto at kinandado ito ng maigi. Malalim na ang gabi pero kumakatok pa rin sa pintuan si Renzi at Cyrus na pilit siyang kinumbensi siya ng dalawa na bumalik sa mansion ni Klinton. Napatampal si Xianelle sa kaniyang noo at nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Nakasandal siya sa nakasarang pinto. Nang makauwi siya kanina ay naghihintay na ang dalawang gwapong binata sa kaniya at hindi siya pumayag na bumalik dahil hindi ang mga ito ang nais niyang makausap. Samantala, si Renzi at Cyrus sa labas ng pinto ay walang balak na sumuko na kumbensihin si Xianelle na umuwi sa mansion ni Klinton. βX! Parang awa mo na... Bumalik ka na please!β Pagsusumamo ni Renzi habang paulit-ulit na kinakatakot ang pinto. βPlease, X! Ikamamatay ko kapag hindi ka bumalik, parang awa mo na...Umuwi ka na baby!β Napangiwi si Cyrus sa mga pinagsasabi ni Renzi. Tinapik niya ang balikat ni Renzi at sinabing siya naman. βHindi kasi ganiyan! Watch and
Sa Madrid Spain, Palakad-lakad si Klinton sa labas ng operating room, tahimik namang nakatayo sa gilid si Rodrigo at Denmark. Hindi mapakali si Klinton dahil halos tatlong oras ng isinasagawa ang operation ng kaniyang anak. βBossββ Natigilan si Denmark na animo'y nagkamali sa address na dapat itawag sa amo. βI mean, my Lord...β Kung sa bansang Pilipinas si Klinton ay isang negosyante na may kompaya na bilyon-bilyon ang kinikita. Sa Spain ito ang pinakamakapangyarihan at kinakatakotan ng mga kapwa bigatin at mayayamang pamilya dahil isa itong tagapag-mana ng Founder ng pinakamaling organization sa buong Asia. Sa kasalukuyan ay isa ito sa pitong makapangyarihan na pumapangalawa sa founder, at balang araw ito ang magiging una sa lahat dahil sa taglay nitong galing at abilidad sa pagpapatakbo ng organization. βMy Lord, uminom ka muna.β Inabot ni Denmark ang hawak niyang malamig na bottled water. βDamn it! Bakit napakatagalβ Hindi pa natatapos magreklamo si Klinton ng bumukas ang pin
Dalawang linggo ang nakalipas... Huminto ang sinasakyang taxi ni Xianelle sa tapat ng Turner Mall kung saan siya nagta-trabaho bilang sales lady. Inabot ang bayad at bumaba ng taxi. Napatingin siya sa pambisig niyang relo, nanlaki ang kaniyang mga mata na limang minuto na siyang late! Sa isang linggo niyang pagta-trabaho bilang sales lady ay palagi siyang late kung dumating at sa araw na 'yon ang pinakamalala. Nais niya namang pumasok ng tama sa oras pero palagi pa rin siyang nahuhuli dahil sinisigurado niya na maayos na iiwan ang anak sa bahay. Nagmamadaling pumasok si Xianelle sa mall at halos takbuhin niya na ang elevator na paakyat na. βSandali!β Pigil niya na animo'y hihinto 'yon para sa kaniya. Pipigilan niya sana itong magsara ng maunahan si Xianelle na pigilan ang pinto ng lalaking nasa loob ng elevator. Tumayo ng tuwid si Xianelle ng makita at makilala kung sino ang lalaki sa loob ng elevator. Walang iba kundi ang gwapong binata na may-ari ng Turner Mall na siyang nagbig
Dumating na ang order na pagkain. Tahimik lamang na kumakain si Xianelle. Napansin ni Aidan ang pananahimik ni Xianelle tanda na apektado ito sa narinig. Niyaya niyang lumabas si Xianelle upang malaman kung bakit ito mag-isa sa buhay at mas lalong hindi kapakapaniwala na palubog na ang kompanya ng pamilya Daza. βXian, ayos ka lang?β Sumandal si Aidan sa silya. βYou didn't tell me the reason why you're living away from your family.β βIt's a long story, Aidan.β Tipid na ngumiti si Xianelle. βMatagal na βyon at ayaw ko ng alalahanin pa ang mga nangyari. Ang mahalaga sa akin ay kung ano ako ngayon at kung anong meron ako ay masaya ako at mas pipiliin ko ang ganitong buhay.β βYour father dedicate his whole life raising his business, he gave everything. Are you not afraid of losing your family business?β Natigilan si Xianelle. βAidan...β She cared alot about of her father business that's why she's making a way to help. Isang tao lang ang inaasahan niyang makakatulong sa kaniya at hindi
Kasalukuyang nasa loob ng taxi ni Alvaro ang kambal na Alas at Ace. Maagang nagising ang kambal, mahimbing pang natutulog ang kanilang Mommy ng lumabas sila ng silid. Wala ring mga katulong ang nakapansin sa kanila sapagkat abala ito sa kaniya-kaniyang trabaho at nakagawa sila ng paraan para makapuslit sa mga guwardiya.Kagabi pa nila pinagplanohan ang kanilang gagawin at kasama doon si Alvaro. Kaya paglabas nila sa Paraiso De Pendilton ay naghihintay na ang taxi ni Alvaro.Nang makasakay sa backseat ang kambal, agad na binuhay ni Alvaro ang makina at tinahak ang direksyon na ibinibigay ni Ace.Ang mga mata ni Ace ay nakatutok sa dalang laptop habang ekspertong tinitipa ang keyboard, lumabas ang sandamakmak na numero bago nagloading at lumabas ang resultaβang CCTV footage sa Paraiso De Pendilton.βMommy haven't go downstairs yet. Daddy just enter the dinning with Grandpapa. They still don't have an idea that we escape.β Isinasatinig ni Ace ang nak
Sa Clinic ng Paraiso De Pendilton, nakahiga si Denmark sa hospital bed. May benda ang ulo at may saklay ang kaliwang braso. Nakapatay ang ilaw sa silid ngunit may lampshade sa tabi ng kama na nagsisilbing liwanag.Mababaw lamang ang pagtulog ni Denmark, kumunot ang noo niya ng pakiwariβy may nakamasid sa kaniya. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata bumungad sa kaniya ang bulto ng isang babae na nakatayo sa may pintuan.Pinindot ni Xianelle ang switch ng ilaw dahilan para lumiwanag sa buong paligid.βLady Xianelle?!β Nagkukumahog na bumangon si Denmark ngunit agad ring natigilan dahil masakit pa ang katawan.βHuwag mong pilitin ang sarili mo, Denmark.β Pigil ni Xianelle nang pinipilit pa rin nitong gumalaw.βAnong ginagawa mo dito?β Sumulyap si Denmark sa likuran ni Xianelle tila may hinahanap. βHindi ka pwedeng pumunta lalo na kung wala kang permiso mula kay Boss.ββI want to talk to you.β Derektang sambit ni Xianelle.Umiwas ng tingin si Denmark. βWe are not allow to talk to you.
Iyon ang unang beses na natawag si Xianelle na kabit! Masakit sa kaniyang kaloob lalo pa't wala namang namamagitan sa kanila ni Klinton kung may nag-uugnay man sa kanilang dalawa 'yon ay ang kambal.Nagpanting ang pandinig ni Xianelle. Napaawang ang labi at hindi makapaniwalang sinalubong ang mga mata ni Don Leon.Nabuhay ang matinding galit sa dibdib ni Xianelle tila napakalalim ng pinangagalingan no'n siguro dahil na rin sa buntis siya, kaya ganu'n na lamang ang emosyon niya.Kahit kating-kati ang dila niya na sugutin ang si Don Leon ay hindi niya magawa, walang boses na lumalabas sa bibig niya.Nalipat ang mata ni Xianelle sa likod ni Don Leon. Bahagyang tumalikod si Renzi na tila iniwasan na magtagpo ang mata dahil nagpipigil ng tawa habang si Klinton naman ay namulsa, ang mga mata nito ay nakatingin sa kaniya na tila ipinagyayabang siya kay Don Leon.Kumuyom ang kamay ni Xianelle dahil mas ikinapikon niya ang uri ng tingin sa kaniya ni Klinton lalo na nang ngumisi ito bago nagsal
Sa labas ng Paraiso De Pendilton, Nakahilera ang mga kasambahay at mga guwardiya na nakasuot ng purong itim, isa na doon si Manang Lita na sasalubong sa pagdating ni Don Leon. Magkasabay na lumabas ng Paraiso De Pendilton si Klinton at Renzi. Huminto at tumayo ng tuwid si Klinton habang si Renzi ay naglakad patungo sa kakarating pa lamang na kulay gintong limousine. Binuksan ni Renzi ang backseat, lumabas doon matandang napa-gwapo sa kaniyang kasuotan na purong itim na formal suit, samahan pa ng suot nitong black leather cowboy hat at kulay silver na tungkod. Ang presensya ni Don Leon ay isinisigaw ang karahasan, karangyaan at kapangyarihan. Sa ganda ng tindig nito ay masasabi mong maskulado at napaka-gwapong binata no'ng araw. βSeΓ±ior-Dad.β Ngumiti si Renzi at bahagyang yumuko. βThank you, my boy.β Tinapik ni Don Leon ang braso ni Renzi bago tumingin sa kabuohan ng kaniyang Paraiso. Sumilay ang ngiti sa labi ni Don Leon nang makita ang mga tapat niyang tauhan na nakahilera upa
Kinabukasan...Nagising si Xianelle na wala sa kaniyang tabihan ang kambal. Bumungad sa kaniya ang malaking portrait na kasabit sa pader.Tila isang stolen shoot iyon dahil parehong naglalakad ang dalawa habang nagtatawanan. Si Klinton kasama ang isang matandang lalaki. Ang background ay ang kompanya na pinamamahalaan ni Klinton. Ang larawan ay kuha sa labas ng Pendilton Empire.βMasyado naman siyang matanda para maging ama ni Klinton.β May hawig ang dalawa.Pinakatitigan ni Xianelle ang matanda tila pamilyar ang mukha nito, iyon bang may 40's version ito. Hindi niya matukoy kung saan niya βyon nakita.Inilibot ni Xianelle ang paningin sa buong kwarto, napakalawak niyon na para bang buong floor ay sakop. Panlalaki ang desinyo at mamahalin ang lahat ng kagamitan na naroon. Masasabi niyang napakayaman ng may-ari no'n dahil may kulay ginto pang chandelier sa pinaka-sentro sa itaas.βTanghali na!β Nagmamadali siya
Sa Paraiso De Pendilton,Binuhat si Denmark at isinakay sa stretcher ng mga tauhan ni Don Leon, mabilis itong itinakbo patungo sa likod kung saan ang isang silid na nagsisilbing clinic na may kompletong kagamitan sa medisina.Isa-isang inaalalayan ng mga tauhan ni Don Leon ang mga tauhan ni Klinton na sugatan at dinala rin sa pinagdalhan kay Denmark.°°°Samantala sa loob ng Paraiso De Pendilton,Ang mga kasambahay, ilang tauhan ni Klinton at Don Leon ay nakahilera sa gilid habang nakatingin sa gawi ni Klinton.Nakaupo si Klinton sa mahabang sofa. Namumutla ang gwapong mukha ni Klinton ngunit nakaukit pa rin ang rahas.Madami na ang dugong nawala sa kaniya, nanghihina at ramdam ang pagod dahil mahabang gabing pakikipagbarilan.Nakabandera ang magandang katawan dahil hinubad
Paikot-ikot ang chopper sa tuktok ng mansion ni Klinton, tumalon ang isang sakay no'n sa bubong ng mansion. Nakasuot iyon ng purong itim na kasuotan at may takip ang mukha, tangging mata lang ang nakalabas. Nagtungo ang chopper sa gawi ng hardin at nagpaulan ng bala ang mga taong nasa loob niyon. Lahat ng pinapatamaan ng mga taong sakay ng chopper ay ang mga kasamahan ni Joko. Napatingin si Klinton sa loob ng chopper pilit na inaaninag kong sino ang sakay no'n. Sa kaniyang kinatatayuan ay hindi niya maiiwasan ang balang galing sa itaas ngunit imbes na tamaan siya ng bala, ang mga nakahawak sa kaniya ang isa-isang bumagsak. Napatingin siya sa gawi ng mga anak niya, mayroong nakapurong itim na sinakbot ang mga anak niya na itinakbo papasok sa loob. Kinuha ni Klinton ang pagkakataon na βyon at nang kaniyang mga tauhan na lumaban sa mga natitira pang mga kalaban. Hindi man matukoy ni Klinton kung sino ang sakay ng chopper at kung sino ang nagpadala niyon nasisiguro niya naman na kaka
Ang bagong dating na mga kasamahan ni Joko, dumiretso sa hardin. Nakita ng mga ito si Whike mula sa labas ng gate. Nakapalibot sa buong hardin ang mga kalaban. Karamihan sa kanila, hawak ay baril at may ilan-ilan ring may hawak na samurai. Ang mga kalaban ay walang humpay na kinakalabit ang gatsilyo na nakatutok sa bilog na lulon na katawan ni Whike. Nakatayo si Klinton sa loob ng nakalulon na katawan ni Whike habang umaalingangaw ang putol ng baril. Whike taking all the bullets for Klinton. Whike is protecting Klinton in all cost. May dugong pumapatak sa damuhan. Bumaling si Klinton ang kaniyang kanang brasoβnadaplisan βyon ng bala ni Joko. Napatingin si Klinton sa kaliwang bahagi niya nang marinig ang mabibigat na yabag, kasunod no'n ang malakas kalabog na tila may tumilapon at hiyawan ng mga kalaban. Nakarating na sa hardin si Crokon, mabagal ang bawat hakbang nito at mabigat. Sa laki ng katawan, mahaba rin ang buntot nito na kayang sumaksak ng tao, sa tigas no'n at may urmang
βMagsikalat kayo! Palibutan ang buong mansion!β Mariing utos ni Joko, ang kanang kamay ni Mr. Edwards. May suot itong earpiece kung saan may roon silang kumonikasyon ng mga kasamahan. Nakaposisyon na ang lahat ng mga kalaban, nagkalat na sila sa buong mansion. Mula sa harapan, sa likod at hardin ay may pinapunta siyang mga tao. Sa pagdating nila, wala silang nakita na kahit isang anino ng bata ni Klinton. Wala si Denmark at ayon sa kanilang nakuhang impormasyon nasa Espanya si Rodrigo na humahalili sa mga meeting na dapat dinadaluhan ni Klinton. Walang kaalam-alam si Klinton sa ginawa nilang paglusob. Wala silang ibinigay na senyales ayon sa utos ni Mr. Edwards. βMagiging madali ang misyon na 'to!β Usal ni Joko. Lingid sa kaalaman ni Joko at ng mga kasamahan niya, nakaposisyon at handa ang mga tauhan ni Klinton. Bago pa sila dumating dati nang nasa loob ang mga tauhan ni Klinton dahil umiiwas na makita sila ni Whike. Ngumisi si Joko at sinabing, βFire!β Sa isang salita ni Joko,