Dahil sa malubhang sakit ng kanyang ama, walang nagawa si Renata Ferrer nang ipagbili siya ng sariling madrasta sa isang bilyonaryong walang puso, si Severino "Sev" Morelli. Kilala si Sev bilang isang malamig, walang awa, at walang interes sa pag-ibig. Para sa kanya, lahat ng bagay ay may presyo, at si Renata? Isa lang siyang bayad na ari-arian. Ngunit hindi niya inasahan na ang babaeng ito—na pinilit lang ipasok sa kanyang buhay—ay magtutulak sa kanya sa isang bagay na hindi mabibili ng pera.
ดูเพิ่มเติม"I'm pregnant..."Nanginginig ang mga daliri kong mahigpit na nakahawak sa limang pregnancy test na pare-parehong may dalawang malinaw na guhit. Parang sinasakal ang dibdib ko habang nakatitig sa resulta. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nito—may buhay sa loob ko. Isang biyaya, pero sa sitwasyon namin ni Severino, hindi ko alam kung matatawag ko nga itong isang pagpapala.Mabigat ang mga hakbang ko palabas ng banyo. Gabi na, at tulad ng dati, wala pa si Severino. Alam ko na kung saan siya nagpunta, at kung anong ginagawa niya kasama ng kung sinong babae ang pinili niyang paglibangan ngayong gabi. Halos isang buwan pa lang mula nang ikasal kami, pero pakiramdam ko ay taon na akong nakakulong sa isla, sa relasyon kung saan wala akong halaga. Hindi ako asawa—isang kabayaran lang ako, isang bagay na pagmamay-ari niya.Naupo ako sa gilid ng kama, pilit pinipigil ang luhang nagbabadyang pumatak. Hindi ko gustong lumaki ang anak ko sa ganitong sitwasyon. Hindi ko hahayaang maranasan niya an
I woke up early the next morning. Kaunti lang ang tulog ko dahil punong-puno ang isip ko ng mga nalaman ko kahapon.Hindi matanggap ng utak ko na magagawa iyon ni Papa sa ama ni Severino. Kailangan ko makaalis dito sa isla at malaman kay Papa kung ano ba talaga ang nangyari.Nagluluto ako ng almusal habang naghahanda pa si Severino sa kanyang pagpasok sa trabaho. Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Tumayo ang mga balahibo ko sa batok, lalo na noong bahagyang lumapat ang kanyang labi sa aking tainga."Severino..." halos wala sa sarili kong nasabi.Tuluyang nagtindigan ang bawat hibla ng balahibo sa aking katawan nang lumapat ang kanyang malambot na labi sa aking batok at marahang humalik doon. Ang kanyang mahihigpit na braso ay pumulupot sa aking baywang.Magkahalong kaba at hindi maipaliwanag na excitement ang aking naramdaman. Ngayon ay nasa leeg ko na ang kanyang mga halik."Severino, ano... y-yung niluluto ko..."Ngunit parang wa
Ikakasal ako ngayon kay Severino... Parang wala ako sa sarili nang tahakin ko ang makitid na boardwalk na tila nagsilbing aisle. Marahan akong nag-angat ng tingin, at doon, muling nagtagpo ang mga mata namin ni Severino. Nagkatitigan kami hanggang sa siya ang unang bumitaw, bahagyang umiwas ng tingin. Napayuko ako at nagpatuloy sa aking paglalakad patungo sa kanya.Tinitigan ko lamang ang nakalahad niyang kamay, kaya siya na mismo ang kumuha sa akin. Kasabay ng mahina kong paghinga, hinarap namin ang taong siyang magkakasal sa amin.Kasal... Talaga bang ikinakasal ako ngayon?Nagsimula ang seremonya, ngunit para akong wala sa loob. Hindi ko halos marinig ang sinasabi ng taong nasa harapan namin—lahat ay parang lumalabo, parang panaginip na hindi ko kayang gisingan."I do."Para akong naiangat mula sa alon ng kawalan nang marinig ko ang boses ni Severino. Nasa harapan ko siya ngayon. Totoo ito. Ikinakasal kami.Alam kong may posibilidad na magkita kaming muli, pero hindi ko inakalan
Sunod-sunod na ubo ni Papa ang gumising sa akin kaya dali-dali akong bumangon at sumilip sa kanyang kwarto.Naabutan ko ang stepmother kong si Josefina na halos mandiri kay Papa habang pinupunasan niya ang bibig ni Papa na may dugo."Si Renata na lang ang pag-asa mo na maipagamot ka, Rene! Bakit ba ayaw mo pa pumayag!" pagalit na wika ni Josefina. "Mas magiging maayos din ang buhay nating lahat!"Kumunot ang noo ko at hindi iyon maintindihan. Anong magagawa ko para maipagamot si Papa? At bakit ayaw pumapayag ni Papa sa bagay na iyon kung gagaling naman siya?"Mas... gugustuhin ko pang mamamatay, Josefina. Hindi ko maaatim na... gawin yun ni Renata," umuubo at hirap na sagot ni Papa. Tumalikod siya kay Josefina at humarap sa dingding.Napabuntong-hininga si Josefina at iling-iling na tumayo. Nang bumaling siya sa pintuan ay nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin."Pagkatapos mo maglinis ng bahay ay puntahan mo ako sa kwarto ko. May importante akong sasabihin sayo," halos pabu
Sunod-sunod na ubo ni Papa ang gumising sa akin kaya dali-dali akong bumangon at sumilip sa kanyang kwarto.Naabutan ko ang stepmother kong si Josefina na halos mandiri kay Papa habang pinupunasan niya ang bibig ni Papa na may dugo."Si Renata na lang ang pag-asa mo na maipagamot ka, Rene! Bakit ba ayaw mo pa pumayag!" pagalit na wika ni Josefina. "Mas magiging maayos din ang buhay nating lahat!"Kumunot ang noo ko at hindi iyon maintindihan. Anong magagawa ko para maipagamot si Papa? At bakit ayaw pumapayag ni Papa sa bagay na iyon kung gagaling naman siya?"Mas... gugustuhin ko pang mamamatay, Josefina. Hindi ko maaatim na... gawin yun ni Renata," umuubo at hirap na sagot ni Papa. Tumalikod siya kay Josefina at humarap sa dingding.Napabuntong-hininga si Josefina at iling-iling na tumayo. Nang bumaling siya sa pintuan ay nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin."Pagkatapos mo maglinis ng bahay ay puntahan mo ako sa kwarto ko. May importante akong sasabihin sayo," halos pabu...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น