"I'm pregnant..."
Nanginginig ang mga daliri kong mahigpit na nakahawak sa limang pregnancy test na pare-parehong may dalawang malinaw na guhit. Parang sinasakal ang dibdib ko habang nakatitig sa resulta. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nito—may buhay sa loob ko. Isang biyaya, pero sa sitwasyon namin ni Severino, hindi ko alam kung matatawag ko nga itong isang pagpapala.
Mabigat ang mga hakbang ko palabas ng banyo. Gabi na, at tulad ng dati, wala pa si Severino. Alam ko na kung saan siya nagpunta, at kung anong ginagawa niya kasama ng kung sinong babae ang pinili niyang paglibangan ngayong gabi. Halos isang buwan pa lang mula nang ikasal kami, pero pakiramdam ko ay taon na akong nakakulong sa isla, sa relasyon kung saan wala akong halaga. Hindi ako asawa—isang kabayaran lang ako, isang bagay na pagmamay-ari niya.
Naupo ako sa gilid ng kama, pilit pinipigil ang luhang nagbabadyang pumatak. Hindi ko gustong lumaki ang anak ko sa ganitong sitwasyon. Hindi ko hahayaang maranasan niya ang sakit ng isang tahanang punong-puno ng galit, malamig na pakikitungo, at walang pagmamahal.
"Kailangan kong makaaalis dito..."
Hindi ko na kayang hintayin pang lumala ang lahat. Alam kong hindi madali, pero hindi ko kayang ipagkatiwala ang kinabukasan ng anak ko sa isang lalaking hindi man lang ako kayang tingnan bilang isang tao, kundi isang bagay na pag-aari at pwedeng isantabi kung kailan niya gusto.
Hindi ko alam kung paano, pero gagawin ko. Lalayo ako—para sa anak ko.
Pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak, pinunasan ko ang aking mga luha at mabilis na tinungo ang opisina ni Esme. Wala na akong ibang mapupuntahan. Siya lang ang natitirang tao sa isla na maaaring makatulong sa akin.
Pagdating ko roon, hindi ko na nagawang kumatok. Mabilis kong binuksan ang pinto at agad na bumungad sa akin si Esme na nakaupo sa kanyang desk, abala sa pagbabasa ng ilang papeles. Nagulat siya sa aking pagpasok, lalo na nang makita niya ang namumugto kong mga mata.
"Renata?" bumangon siya mula sa kanyang kinauupuan. "Anong... nangyari? Nagalit na naman ba sayo si Sir Severino?"
Hinugot ko mula sa aking bag ang limang pregnancy test na may parehong resulta. Nanginginig ang aking mga kamay nang ipakita ko iyon sa kanya.
"Buntis ako, Esme..." bulalas ko, at muling bumagsak ang aking mga luha.
Nanlaki ang mga mata niya, saka marahang hinawakan ang isa sa mga pregnancy test. "My God, Renata... Alam na ba ito ni Sir Severino? Baka matuwa siya!"
Umiling ako nang mabilis. "Wala siyang alam, at ayokong malaman niya."
Naguguluhan siyang tumingin sa akin. "But… he might be happy about this. It's his child, after all. Ayaw mo ba subukan sabihin sa kanya?"
"Hindi, Esme," mahina kong tutol. "Hindi ako tratong asawa ni Severino. Hindi ko gustong lumaki ang anak ko sa ganitong buhay—sa piling ng isang lalaking hindi marunong magmahal kundi ang sarili niyang galit at paghihiganti."
Napakapit ako sa kanyang mga kamay, nagmamakaawa. "Esme, please. Kailangan kong makaalis sa isla. Hindi pwedeng malaman ni Severino. Gusto kong manganak sa isang lugar na malayo sa kanya, kung saan hindi niya ako mahahanap."
Natahimik si Esme. Alam kong nag-aalangan siya, pero nakikita ko rin sa kanyang mga mata ang awa. Alam niyang totoo ang sinasabi ko. Alam niyang hindi ako magiging ligtas sa piling ni Severino, lalo na kapag nalaman nitong buntis ako.
"Renata... Kapag nalaman ito ni sir, magagalit siya sa atin. You know how dangerous he can be."
Napapikit ako, pilit na pinipigil ang panibagong bugso ng luha. "Alam ko. Pero mas natatakot ako sa kung anong maaaring mangyari kung manatili ako rito."
Sandali siyang nag-isip, saka bumuntong-hininga. "Sige... Tutulungan kita. Kakausapin ko si Rigor. But you have to be ready. The moment you leave, you can never come back."
Kahit may kirot sa puso ko, matibay ang loob kong tumango. "I know. Hindi na ako babalik."
Kinagabihan ay naghintay ako sa tamang oras. Kailangang mahimbing na ang tulog ni Severino bago ako lumabas ng kwarto. Habang nakahiga ako sa tabi niya, pilit kong pinakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Isa lang ang nasa isip ko—ang anak ko.
Maya-maya, naramdaman kong bumigat ang paghinga niya. Tanda na mahimbing na siyang natutulog. Dahan-dahan akong bumangon, inaingatang huwag gumawa ng ingay. Tahimik kong kinuha ang maliit kong bag na naglalaman ng kaunting damit at perang ibinigay ni Esme.
Lumakad ako papunta sa pinto, ngunit bago ko ito buksan, lumingon ako kay Severino. Sa unang pagkakataon, pinagmasdan ko siya. Hindi galit, hindi takot, kundi paalam. Ito na ang huling beses na makikita ko siya.
Mabilis akong lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon, maliban sa mahihinang alon ng dagat sa malayo. Dumaan ako sa likurang bahagi ng bahay, kung saan naghihintay si Esme.
"Sigurado ka na ba talaga dito?" mahina niyang tanong.
Tumango ako. "Buo na ang desisyon ko, Esme. Aalis ako ngayong gabi kahit anong mangyari."
Malayo pa lang ay rinig ko na ang tunog ng paparating na helicopter. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa takot o excitement, pero isa lang ang sigurado—wala nang atrasan ito.
Habang papalapit ang helicopter, mahigpit akong napakapit sa braso ni Esme. "Thank you, Esme... Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan."
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Just make sure you live a good life, Renata. For you and your child."
Nang lumapag ang helicopter, mabilis akong sumakay. Pagsara ng pinto, ramdam ko ang bahagyang pag-angat nito sa lupa. Akala ko ay tuluyan na akong nakatakas, ngunit biglang bumukas ang pinto ng mansyon.
"RENATA!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Severino, galit na galit at walang suot kundi ang kanyang pajama. Kahit madilim, kitang-kita ko ang apoy sa kanyang mga mata habang tumakbo siya papalapit.
"COME BACK HERE, RENATA!" sigaw niya, halos hindi na mapakali sa galit.
Mabilis akong tumingin sa piloto. "Bilisan mo, please!"
Narinig ko ang sunod-sunod na sigaw ni Severino habang unti-unti nang lumulutang sa ere ang helicopter. Nakita ko siyang pilit kaming hinahabol, ngunit wala siyang magawa.
"RENATA! DON'T YOU DARE LEAVE ME!"
Nang tuluyan na kaming makaangat, hindi ko napigilan ang pag-agos ng luha ko.
Sunod-sunod na ubo ni Papa ang gumising sa akin kaya dali-dali akong bumangon at sumilip sa kanyang kwarto.Naabutan ko ang stepmother kong si Josefina na halos mandiri kay Papa habang pinupunasan niya ang bibig ni Papa na may dugo."Si Renata na lang ang pag-asa mo na maipagamot ka, Rene! Bakit ba ayaw mo pa pumayag!" pagalit na wika ni Josefina. "Mas magiging maayos din ang buhay nating lahat!"Kumunot ang noo ko at hindi iyon maintindihan. Anong magagawa ko para maipagamot si Papa? At bakit ayaw pumapayag ni Papa sa bagay na iyon kung gagaling naman siya?"Mas... gugustuhin ko pang mamamatay, Josefina. Hindi ko maaatim na... gawin yun ni Renata," umuubo at hirap na sagot ni Papa. Tumalikod siya kay Josefina at humarap sa dingding.Napabuntong-hininga si Josefina at iling-iling na tumayo. Nang bumaling siya sa pintuan ay nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin."Pagkatapos mo maglinis ng bahay ay puntahan mo ako sa kwarto ko. May importante akong sasabihin sayo," halos pabu
Ikakasal ako ngayon kay Severino... Parang wala ako sa sarili nang tahakin ko ang makitid na boardwalk na tila nagsilbing aisle. Marahan akong nag-angat ng tingin, at doon, muling nagtagpo ang mga mata namin ni Severino. Nagkatitigan kami hanggang sa siya ang unang bumitaw, bahagyang umiwas ng tingin. Napayuko ako at nagpatuloy sa aking paglalakad patungo sa kanya.Tinitigan ko lamang ang nakalahad niyang kamay, kaya siya na mismo ang kumuha sa akin. Kasabay ng mahina kong paghinga, hinarap namin ang taong siyang magkakasal sa amin.Kasal... Talaga bang ikinakasal ako ngayon?Nagsimula ang seremonya, ngunit para akong wala sa loob. Hindi ko halos marinig ang sinasabi ng taong nasa harapan namin—lahat ay parang lumalabo, parang panaginip na hindi ko kayang gisingan."I do."Para akong naiangat mula sa alon ng kawalan nang marinig ko ang boses ni Severino. Nasa harapan ko siya ngayon. Totoo ito. Ikinakasal kami.Alam kong may posibilidad na magkita kaming muli, pero hindi ko inakalan
I woke up early the next morning. Kaunti lang ang tulog ko dahil punong-puno ang isip ko ng mga nalaman ko kahapon.Hindi matanggap ng utak ko na magagawa iyon ni Papa sa ama ni Severino. Kailangan ko makaalis dito sa isla at malaman kay Papa kung ano ba talaga ang nangyari.Nagluluto ako ng almusal habang naghahanda pa si Severino sa kanyang pagpasok sa trabaho. Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Tumayo ang mga balahibo ko sa batok, lalo na noong bahagyang lumapat ang kanyang labi sa aking tainga."Severino..." halos wala sa sarili kong nasabi.Tuluyang nagtindigan ang bawat hibla ng balahibo sa aking katawan nang lumapat ang kanyang malambot na labi sa aking batok at marahang humalik doon. Ang kanyang mahihigpit na braso ay pumulupot sa aking baywang.Magkahalong kaba at hindi maipaliwanag na excitement ang aking naramdaman. Ngayon ay nasa leeg ko na ang kanyang mga halik."Severino, ano... y-yung niluluto ko..."Ngunit parang wa
"I'm pregnant..."Nanginginig ang mga daliri kong mahigpit na nakahawak sa limang pregnancy test na pare-parehong may dalawang malinaw na guhit. Parang sinasakal ang dibdib ko habang nakatitig sa resulta. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nito—may buhay sa loob ko. Isang biyaya, pero sa sitwasyon namin ni Severino, hindi ko alam kung matatawag ko nga itong isang pagpapala.Mabigat ang mga hakbang ko palabas ng banyo. Gabi na, at tulad ng dati, wala pa si Severino. Alam ko na kung saan siya nagpunta, at kung anong ginagawa niya kasama ng kung sinong babae ang pinili niyang paglibangan ngayong gabi. Halos isang buwan pa lang mula nang ikasal kami, pero pakiramdam ko ay taon na akong nakakulong sa isla, sa relasyon kung saan wala akong halaga. Hindi ako asawa—isang kabayaran lang ako, isang bagay na pagmamay-ari niya.Naupo ako sa gilid ng kama, pilit pinipigil ang luhang nagbabadyang pumatak. Hindi ko gustong lumaki ang anak ko sa ganitong sitwasyon. Hindi ko hahayaang maranasan niya an