Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2025-03-23 15:24:34

I woke up early the next morning. Kaunti lang ang tulog ko dahil punong-puno ang isip ko ng mga nalaman ko kahapon.

Hindi matanggap ng utak ko na magagawa iyon ni Papa sa ama ni Severino. Kailangan ko makaalis dito sa isla at malaman kay Papa kung ano ba talaga ang nangyari.

Nagluluto ako ng almusal habang naghahanda pa si Severino sa kanyang pagpasok sa trabaho. Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Tumayo ang mga balahibo ko sa batok, lalo na noong bahagyang lumapat ang kanyang labi sa aking tainga.

"Severino..." halos wala sa sarili kong nasabi.

Tuluyang nagtindigan ang bawat hibla ng balahibo sa aking katawan nang lumapat ang kanyang malambot na labi sa aking batok at marahang humalik doon. Ang kanyang mahihigpit na braso ay pumulupot sa aking baywang.

Magkahalong kaba at hindi maipaliwanag na excitement ang aking naramdaman. Ngayon ay nasa leeg ko na ang kanyang mga halik.

"Severino, ano... y-yung niluluto ko..."

Ngunit parang wala siyang narinig mula sa akin. Pinatay niya lamang ang stove 'tsaka ako hinarap sa kanya.

Agad niya akong siniil ng malalalim at sabik na halik sa labi. Naramdaman ko ang pag-angat ng aking katawan at binuhat niya ako paakyat ng hagdan.

Naging mabilis ang pangyayari. Naramdaman ko na lang ang malambot na kama sa aking likod. Nasa leeg ko muli ang kanyang mga halik. Binuksan ko ang aking mga mata at sandaling napatitig sa ceiling bago iginala ang paningin sa paligid. Nasa aming kuwarto kami. 

Halos hindi ko makilala ang aking sariling boses nang angkinin ng kanyang bibig ang aking dibdib. Marahas niyang binaba ang suot kong bestida at narinig ko pa ang pagkakapunit nito.

Ngayon ko lang din napansin na hindi pa pala siya nakapagbihis at tanging puting tuwalya lang ang nakapulupot sa kanyang baywang.

"Severino... sandali lang..." pigil ko sa kanya sa kabila ng aking mga daing at singhap.

"What? Aren't you my wife? This is your duty, Renata," he said coldly, his grip tightening around me.

Nang tuluyan siyang pumwesto sa gitna ng aking mga hita, halos hindi ko na malaman kung saan kakapit. Sa huli, ipinulupot ko ang aking nanghihinang mga braso sa kanyang batok.

Ang kanyang bawat paggalaw ay may halong dahas na nasasaktan na ako. Hindi ko lubusang naintindihan kung bakit. Kung dahil ba sa pisikal o emosyonal na sakit... at naglandas ang luha sa aking pisngi habang inaangkin niya ako.

Hindi pa siya nakontento at dinala pa ako sa may bintana at doon muling naglabas pasok sa akin. Hindi siya tumigil hangga't hindi siya napapagod, hangga't hindi nauubos ang lakas na meron siya. Hindi ko nga halos nabilang kung ilang posisyon ba ang ginawa niya sa akin.

Agad siyang lumayo sa akin at tinungo ang bathroom. Sandali akong natulala bago tuluyang umalis sa kama. Binalikan ko ang naiwan sa kusina at naghain.

Bumaba si Severino na nakabihis na, at tahimik kaming kumain. Bumaling siya sa akin bago tuluyang lumabas sa pintuan ng aming unit.

"Mag-iingat ka—"

Hindi niya ako pinatapos at malakas na isinardo ang pintuan.

I was expecting him to be home at least before dinner, pero almost midnight na ngunit hindi pa rin nakakauwi si Severino.  Ito na yata ang pinakamatagal niyang uwi.

Narinig ko helicopter na palapag sa helipad kaya agad akong napatayo upang salubungin sana si Severino, ngunit iba ang bumungad sa akin.

Si Severino nga iyon... mariing nakikipaghalikan sa isang babae habang bumababa ng helicopter.

Nag-uwi siya ng babae...?

I looked at him in disbelief. Paano niyang nagawa na mag-uwi ng babae sa bahay namin?!

"Severino..." Nanginig ang aking labi sa nakikita.

Natigil sila sa tawag ko. Bumaling sa akin ang mukhang lasing na si Severino at ang dalang babae. Nakapulupot pa ang mga braso noong babae sa leeg ni Severino. Nakasuot ito ng revealing at maiksing pulang dress na hapit na hapit sa magandang hubog ng kanyang katawan.

"Sino siya?" tanong noong babae, nakakunot ang noo sa akin.

"Just my wife. Don't mind her." Hinawakan ni Severino ang pisngi ng babae upang muling ibaling ito sa kanya.

Ngumisi iyong babae at muli silang naghalikan—sa aking harapan! 

Just my wife?!

Nilagpasan nila akong parang hangin at walang nakita. Mula sa sala paakyat ng hagdan, patuloy sila sa paghahalikan. Para akong naipako sa aking kinatatayuan. Narinig ko ang pag-lock ng pinto ng aming kuwarto. Napaawang ang aking labi at nanghihinang napaupo sa malamig na sahig ng living room.

Bakit... paano... Umiling ako kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha. Talaga bang gusto niya ako magdusa at pagbayarin sa sinasabi niyang pagpatay ni Papa kay Tito Emilio kaya niya ito ginagawa ngayon?

Dinig na dinig ko mula rito sa sala ang malakas na ungol ng babae, tila ba enjoy na enjoy. Pati ang mga gamit, naririnig ko rin ang pagbagsakan. Sa tingin ko, nililibot nila ang buong kwarto...

Makalipas ang ilang sandali, nakarinig ako ng mga yapak. Hindi ko alam kung gaano katagal na ba akong nakaupo at tulala rito sa sofa ng living room.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang babae. Halos magdilim ang paningin ko, at gusto ko siyang sugurin at pagsasampalin. Ngunit wala. Nanatili lamang akong wala sa sarili.

Hinahanap yata niya ang kanyang stiletto.

At nang makita ang mga ito, para bang invisible ako rito at hindi niya ako nakikita. Tuluy-tuloy lamang ang lakad niya paalis, at tinungo ang helicopter na maghahatid sa kanya paalis ng isla.

Makalipas ang ilang minuto, tumayo ako’t dinala ng aking mga paa sa kuwarto namin ni Severino. Dumapo ang aking mga mata sa kanyang mahimbing na natutulog doon. Gusot ang aming bedsheets at nagkalat ang kanyang mga damit sa sahig.

Nanginginig ang mga kamay kong pinulot ang mga ito. Sinarado ko ang pinto noong lumabas ako. Humilig ako rito at napahagulhol.

Buong magdamag akong umiyak sa living room.

Nagising na lang ako nang may sikat na ang araw, pero nang silipin ko si Severino, naroon pa siya sa kuwarto namin at mahimbing na natutulog.

Bumaba ako at tinungo ang kusina para magluto ng almusal. Gulo-gulo ang buhok ko at hindi pa ako nagsusuklay. Kaya naman nang sumulpot si Severino, napatitig siya agad sa akin.

"Breakfast ka na..." bati ko sa kanya.

Wala siyang damit pang-itaas, at tanging iyong pajamang isinuot ko sa kanya kagabi ang kanyang suot. Ilang sandali siyang tumitig sa akin bago nag-iwas ng tingin.

Umupo siya roon, at nagsimula akong pagsilbihan siya.

Isang masakit na realisasyon ang pumuno sa akin kagabi.

Iyon ang katotohanang hindi ako narito upang ituring niyang asawa. Narito ako bilang isang kabayaran. Bayad sa nagawa ni Papa. Narito ako para tanggapin ang lahat ng pagpapahirap niya.

Nag-angat ako ng tingin at pinagmasdan siyang tahimik na kumakain.

Marami nga ang nagbago sa loob ng ilang taon o... nagbago nga ba siya? O hindi ko naman talaga siya lubusang nakilala noon?

Pakiramdam ko, ibang Severino ang nakilala ng batang si Renata noon.

Ni hindi ko na masilayan ang kanyang mga ngiti—ang ngiting awtomatikong lumilitaw noon sa tuwing nakikita niya ako kapag dumadalaw siya sa mansyon.

Ibang-iba na siya sa Severino ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE    Chapter 4

    "I'm pregnant..."Nanginginig ang mga daliri kong mahigpit na nakahawak sa limang pregnancy test na pare-parehong may dalawang malinaw na guhit. Parang sinasakal ang dibdib ko habang nakatitig sa resulta. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nito—may buhay sa loob ko. Isang biyaya, pero sa sitwasyon namin ni Severino, hindi ko alam kung matatawag ko nga itong isang pagpapala.Mabigat ang mga hakbang ko palabas ng banyo. Gabi na, at tulad ng dati, wala pa si Severino. Alam ko na kung saan siya nagpunta, at kung anong ginagawa niya kasama ng kung sinong babae ang pinili niyang paglibangan ngayong gabi. Halos isang buwan pa lang mula nang ikasal kami, pero pakiramdam ko ay taon na akong nakakulong sa isla, sa relasyon kung saan wala akong halaga. Hindi ako asawa—isang kabayaran lang ako, isang bagay na pagmamay-ari niya.Naupo ako sa gilid ng kama, pilit pinipigil ang luhang nagbabadyang pumatak. Hindi ko gustong lumaki ang anak ko sa ganitong sitwasyon. Hindi ko hahayaang maranasan niya an

    Last Updated : 2025-03-23
  • SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE    Chapter 1

    Sunod-sunod na ubo ni Papa ang gumising sa akin kaya dali-dali akong bumangon at sumilip sa kanyang kwarto.Naabutan ko ang stepmother kong si Josefina na halos mandiri kay Papa habang pinupunasan niya ang bibig ni Papa na may dugo."Si Renata na lang ang pag-asa mo na maipagamot ka, Rene! Bakit ba ayaw mo pa pumayag!" pagalit na wika ni Josefina. "Mas magiging maayos din ang buhay nating lahat!"Kumunot ang noo ko at hindi iyon maintindihan. Anong magagawa ko para maipagamot si Papa? At bakit ayaw pumapayag ni Papa sa bagay na iyon kung gagaling naman siya?"Mas... gugustuhin ko pang mamamatay, Josefina. Hindi ko maaatim na... gawin yun ni Renata," umuubo at hirap na sagot ni Papa. Tumalikod siya kay Josefina at humarap sa dingding.Napabuntong-hininga si Josefina at iling-iling na tumayo. Nang bumaling siya sa pintuan ay nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin."Pagkatapos mo maglinis ng bahay ay puntahan mo ako sa kwarto ko. May importante akong sasabihin sayo," halos pabu

    Last Updated : 2025-03-23
  • SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE    Chapter 2

    Ikakasal ako ngayon kay Severino... Parang wala ako sa sarili nang tahakin ko ang makitid na boardwalk na tila nagsilbing aisle. Marahan akong nag-angat ng tingin, at doon, muling nagtagpo ang mga mata namin ni Severino. Nagkatitigan kami hanggang sa siya ang unang bumitaw, bahagyang umiwas ng tingin. Napayuko ako at nagpatuloy sa aking paglalakad patungo sa kanya.Tinitigan ko lamang ang nakalahad niyang kamay, kaya siya na mismo ang kumuha sa akin. Kasabay ng mahina kong paghinga, hinarap namin ang taong siyang magkakasal sa amin.Kasal... Talaga bang ikinakasal ako ngayon?Nagsimula ang seremonya, ngunit para akong wala sa loob. Hindi ko halos marinig ang sinasabi ng taong nasa harapan namin—lahat ay parang lumalabo, parang panaginip na hindi ko kayang gisingan."I do."Para akong naiangat mula sa alon ng kawalan nang marinig ko ang boses ni Severino. Nasa harapan ko siya ngayon. Totoo ito. Ikinakasal kami.Alam kong may posibilidad na magkita kaming muli, pero hindi ko inakalan

    Last Updated : 2025-03-23

Latest chapter

  • SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE    Chapter 3

    I woke up early the next morning. Kaunti lang ang tulog ko dahil punong-puno ang isip ko ng mga nalaman ko kahapon.Hindi matanggap ng utak ko na magagawa iyon ni Papa sa ama ni Severino. Kailangan ko makaalis dito sa isla at malaman kay Papa kung ano ba talaga ang nangyari.Nagluluto ako ng almusal habang naghahanda pa si Severino sa kanyang pagpasok sa trabaho. Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Tumayo ang mga balahibo ko sa batok, lalo na noong bahagyang lumapat ang kanyang labi sa aking tainga."Severino..." halos wala sa sarili kong nasabi.Tuluyang nagtindigan ang bawat hibla ng balahibo sa aking katawan nang lumapat ang kanyang malambot na labi sa aking batok at marahang humalik doon. Ang kanyang mahihigpit na braso ay pumulupot sa aking baywang.Magkahalong kaba at hindi maipaliwanag na excitement ang aking naramdaman. Ngayon ay nasa leeg ko na ang kanyang mga halik."Severino, ano... y-yung niluluto ko..."Ngunit parang wa

  • SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE    Chapter 2

    Ikakasal ako ngayon kay Severino... Parang wala ako sa sarili nang tahakin ko ang makitid na boardwalk na tila nagsilbing aisle. Marahan akong nag-angat ng tingin, at doon, muling nagtagpo ang mga mata namin ni Severino. Nagkatitigan kami hanggang sa siya ang unang bumitaw, bahagyang umiwas ng tingin. Napayuko ako at nagpatuloy sa aking paglalakad patungo sa kanya.Tinitigan ko lamang ang nakalahad niyang kamay, kaya siya na mismo ang kumuha sa akin. Kasabay ng mahina kong paghinga, hinarap namin ang taong siyang magkakasal sa amin.Kasal... Talaga bang ikinakasal ako ngayon?Nagsimula ang seremonya, ngunit para akong wala sa loob. Hindi ko halos marinig ang sinasabi ng taong nasa harapan namin—lahat ay parang lumalabo, parang panaginip na hindi ko kayang gisingan."I do."Para akong naiangat mula sa alon ng kawalan nang marinig ko ang boses ni Severino. Nasa harapan ko siya ngayon. Totoo ito. Ikinakasal kami.Alam kong may posibilidad na magkita kaming muli, pero hindi ko inakalan

  • SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE    Chapter 1

    Sunod-sunod na ubo ni Papa ang gumising sa akin kaya dali-dali akong bumangon at sumilip sa kanyang kwarto.Naabutan ko ang stepmother kong si Josefina na halos mandiri kay Papa habang pinupunasan niya ang bibig ni Papa na may dugo."Si Renata na lang ang pag-asa mo na maipagamot ka, Rene! Bakit ba ayaw mo pa pumayag!" pagalit na wika ni Josefina. "Mas magiging maayos din ang buhay nating lahat!"Kumunot ang noo ko at hindi iyon maintindihan. Anong magagawa ko para maipagamot si Papa? At bakit ayaw pumapayag ni Papa sa bagay na iyon kung gagaling naman siya?"Mas... gugustuhin ko pang mamamatay, Josefina. Hindi ko maaatim na... gawin yun ni Renata," umuubo at hirap na sagot ni Papa. Tumalikod siya kay Josefina at humarap sa dingding.Napabuntong-hininga si Josefina at iling-iling na tumayo. Nang bumaling siya sa pintuan ay nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin."Pagkatapos mo maglinis ng bahay ay puntahan mo ako sa kwarto ko. May importante akong sasabihin sayo," halos pabu

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status