Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2025-03-23 11:24:01

Ikakasal ako ngayon kay Severino... 

Parang wala ako sa sarili nang tahakin ko ang makitid na boardwalk na tila nagsilbing aisle. Marahan akong nag-angat ng tingin, at doon, muling nagtagpo ang mga mata namin ni Severino. Nagkatitigan kami hanggang sa siya ang unang bumitaw, bahagyang umiwas ng tingin. Napayuko ako at nagpatuloy sa aking paglalakad patungo sa kanya.

Tinitigan ko lamang ang nakalahad niyang kamay, kaya siya na mismo ang kumuha sa akin. Kasabay ng mahina kong paghinga, hinarap namin ang taong siyang magkakasal sa amin.

Kasal...  

Talaga bang ikinakasal ako ngayon?

Nagsimula ang seremonya, ngunit para akong wala sa loob. Hindi ko halos marinig ang sinasabi ng taong nasa harapan namin—lahat ay parang lumalabo, parang panaginip na hindi ko kayang gisingan.

"I do."

Para akong naiangat mula sa alon ng kawalan nang marinig ko ang boses ni Severino. Nasa harapan ko siya ngayon. Totoo ito. Ikinakasal kami.

Alam kong may posibilidad na magkita kaming muli, pero hindi ko inakalang sa ganitong paraan. At pagkatapos ng lahat, ipinagdasal kong sana, hindi na lang kami muling nagtagpo.

"Renata Ferrer, do you before these witnesses take this man to be your lawfully wedded husband...?"

Patuloy ang pagsasalita ng opisyal na nagkakasal sa amin, ngunit nanatili lamang ang tingin ko kay Severino—sa lalaking ni hindi ako magawang tingnan.

Napangiti ako, pero may lungkot sa aking mga mata. Hindi ko maitanggi ang bahagyang saya sa aking puso sa muling pagkikita namin, pero sa parehong pagkakataon, isang mabigat na tanong ang bumibigat sa aking dibdib.

"I do."

Muling nagkatitigan kami. Unti-unting bumaba ang kanyang mukha patungo sa akin, at sa isang iglap, nagtagpo ang aming mga labi. Napapikit ako, dama ang lambot ng kanyang halik... isang halik na hindi ko alam kung may kahulugan o isa lamang pagsunod sa seremonyang nagtatali sa amin.

May munting salu-salo pagkatapos ng seremonya. Ngayon ko lang napansin ang mga tao sa paligid, lahat ay masaya, ngunit ako... hindi ko alam ang nararamdaman ko.

Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Severino, ngunit ni isang beses, hindi niya ako tinapunan ng tingin. Abala siya sa pakikipag-usap sa opisyal na nagkasal sa amin.

Sa mesang iyon, naroon din si Esme, kasama ang isang lalaking may suot na salamin—siya rin ang unang taong nakita ko sa lugar kung saan ako dinala.

"Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, Renata," puna ni Esme. "Magugutom ka niyan. Kahit kunti ay kumain ka."

Bumaling ako sa kanya, bahagyang tumikhim bago nagbigay ng tipid na ngiti. Hinawakan ko ang kubyertos at sinimulang galawin ang pagkain.

"Severino..." Mahina kong tawag sa kanya.

Papasok na kami sa silid kung saan ako unang nagising.

"What?" sagot niyang hindi man lang bumaling sa akin.

"Pwede ba akong umuwi bukas?" tanong ko sa kanya. "Gusto kong... dalawin si Papa. Nag-aalala ako sa kanya at sa sakit niya..."

"Hindi ka puwedeng umalis dito sa bahay," malamig niyang sabi.

"Pero... si Papa..."

"Hindi mo na rin kailangang alalahanin ang Papa mo, maipapagamot na siya katulad ng ipinangako ko kay Josefina."

Siya ba ang nagbigay ng pera? Iyon ba ang sinasabi ni Auntie Josefina na uuwi ito dala na ang pera para kay Papa?

Nagsimula siyang maghubad ng pang-itaas. Hinagis niya lang ito sa couch, at ako naman ay mabilis na umiwas ng tingin sa hubad niyang katawan.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng banyo. Napabuntong-hininga ako bago marahang isinara ang pinto ng silid. Naupo ako sa kama, piniling maghintay.

Suot ko pa rin ang bestidang ginamit ko sa seremonya kanina. Nang bumukas muli ang pinto ng banyo, agad akong nag-angat ng tingin—pero mabilis ko rin itong ibinaba. Nakatapis lamang siya ng puting tuwalya sa baywang.

**

Pagsapit ng umaga, nagising akong wala na si Severino sa tabi ko. May nakalatag na namang bagong damit sa kama. Nagkusot ako ng mga mata bago bumangon.

Nang bumaba ako sa living room ng malaking beach house, si Esme at ang lalaking may salamin ang sumalubong sa akin. Seryoso ang lalaki, ngunit agad akong hinawakan ni Esme sa braso at iginiya papunta sa hapag-kainan.

"Mag-breakfast ka na, Renata. Inilibot lang ni Sir Severino ang ilang bisita bago umalis," aniya.

Tumango ako. "Salamat," sabi ko nang inilagay niya ang pagkain sa aking pinggan. "Ako na lang."

"Kamusta ang gabi niyo ni Sir Severino, Renata?" nakangising tanong ni Esme.

Halos mabulunan ako kaya uminom muna ako ng tubig bago sumagot, "Nakatulog.... agad si Severino kagabi."

"Ilang araw na rin kasing walang pahinga sa kumpanya," sagot ni Esme habang umiiling.  

Napaisip ako. "Esme..."

"Hmm?"

Sinulyapan ko ang lalaking katabi niya, saka nagtanong. "Nasaan nga pala tayo?"

Bahagya siyang napaayos ng upo. "Nasa private island tayo ni Sir Severino."

Napahinto ako, dahan-dahang tumango. Hindi ko maalala kung paano kami nakarating dito.

"Chopper ang naghatid sa atin," dagdag pa niya.

Tumango ulit ako, saka muling nagtanong. "Si Auntie Josefina, hindi pa ba siya bumabalik dito?"

Napatingin si Esme sa katabi niyang lalaki. Nagkatinginan ang dalawa bago bumaling sa akin ang lalaki.

"Maaaring hindi mo na siya makita kailanman," aniya. "Dahil pag-aari ka na ni Sir Severino."

Nanlamig ang katawan ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Napailing ang lalaki, saka bumulong sa akin. "Hindi mo ba alam? Napakalaki ng utang ng Papa mo kay sir Severino. Kaya pinambayad ka ng Auntie Josefina mo dahil yun na lang ang paraan na meron kayo."

Umawang ang bibig ko sa gulat.

Ipinambayad? 

Kaya ba ayaw magpagamot ni Pap dahil ako ang magiging kabayaran ng pera na ipanggagamot sa kanya?

"Rigor, tumahimik ka nga. Kung ano-ano ang sinasabi mo kay Renata," suway ni Esme at mahina itong pinalo.

"Karapatan naman niya malaman kung bakit siya narito, Esme. Pati ba naman yun ay ipagkakait pa natin sa kanya?" pagdadahilan ni Rigor at muling sumubo.

"Anong... utang ba ang sinasabi niyo? Gaano iyon kalaki para ako ang maging kabayaran?"

"Hindi pera ang tinutukoy ko, Renata," sagot ni Rigor. "Kundi buhay... buhay ang kinuha ng Papa mo kaya buhay rin ang kinuhang kapalit ni Sir Severino."

"Ano...?" Kumakabog ang dibdib ko at nagpalipat-lipat ng tingin kina Esme at Rigor. "Kaninong buhay...?"

Ano ba ang sinasabi ng mga ito? Sino ang namatay? Halos sampung taon na mula noong huli kong nakita si Severino. Noong mga bata pa kami, madalas silang magkasama—business partners kasi noon ang mga ama namin. Pero isang araw, bigla na lang umalis ang pamilya Severino. Walang pasabi. Wala akong kahit anong balita mula sa kanila.

"Si Don Emilio... ang ama ni Sir Severino." Malamig ang tinig ni Manong Ruel. "Napatay siya ng Papa mo, Renata."

Napailing ako, halos lumuwa ang mga mata. "Hindi... Hindi totoo 'yan!" Mariing umiling si Renata. "Hindi kayang gawin 'yon ni Papa!"

"Wala kang ideya sa totoong nangyari, Renata."

Mabigat ang mga salita ni Esme. Parang tinutusok ang konsensya ko kahit wala siyang kasalanan.

"Kung totoo 'yan, bakit hindi nila kinasuhan si Papa? Bakit hindi sila dumaan sa korte?"

"Dahil walang ebidensya," bulalas ni Rigor. "Pero alam ng pamilya Severino ang totoo. At ngayon, ikaw ang kabayaran."

Napalunok ako. "Kaya ako nandito...? Para pagbayaran ang kasalanan ng Papa ko?"

"Oo."

Bago pa siya makapagsalita, bumukas ang pintuan ng kusina. Pumasok si Severino, at malamig na tumama ang tingin nito sa kanya.

Natigilan si Renata, napalunok habang mahigpit na nakakapit sa lamesa. Naramdaman niya ang panginginig ng kanyang mga daliri, ngunit hindi niya inalis ang tingin sa lalaki. Kailangan niyang marinig ang sagot, kahit pa masaktan siya rito.

"Totoo ba..." Naputol ang boses niya, ramdam ang bigat ng mga salita sa kanyang lalamunan. "Sabihin mo, totoo bang pinatay... ni Papa si Tito Emilio?"

Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Halos marinig ni Renata ang mabilis na tibok ng kanyang puso habang hinihintay ang sagot.

Severino met her gaze, his voice cold and unwavering. "That's the truth, Renata. Your father killed my father... in front of me."

Parang may bumagsak na mabigat na bagay sa loob ng kanyang dibdib. Napailing siya, pilit hinahadlangan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Hindi, hindi maaaring totoo iyon.

"Pero... baka may dahilan si Papa—"

"Kahit ano pang dahilan niya, wala siyang karapatang pumatay, Renata!" putol niya, at sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang galit sa tinig nito—isang galit na matagal nang itinatago sa ilalim ng malamig nitong panlabas na anyo.

Hindi na niya napigilan ang mga luhang kanina pa bumabanta sa kanyang mga mata. Isa-isa, tuluyang bumagsak ang mga ito sa kanyang pisngi, kasabay ng paninikip ng kanyang dibdib.

Severino exhaled sharply, his jaw tightening. "My father suffered... and I made him suffer too. I took his company... and his most beloved daughter." 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE    Chapter 3

    I woke up early the next morning. Kaunti lang ang tulog ko dahil punong-puno ang isip ko ng mga nalaman ko kahapon.Hindi matanggap ng utak ko na magagawa iyon ni Papa sa ama ni Severino. Kailangan ko makaalis dito sa isla at malaman kay Papa kung ano ba talaga ang nangyari.Nagluluto ako ng almusal habang naghahanda pa si Severino sa kanyang pagpasok sa trabaho. Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Tumayo ang mga balahibo ko sa batok, lalo na noong bahagyang lumapat ang kanyang labi sa aking tainga."Severino..." halos wala sa sarili kong nasabi.Tuluyang nagtindigan ang bawat hibla ng balahibo sa aking katawan nang lumapat ang kanyang malambot na labi sa aking batok at marahang humalik doon. Ang kanyang mahihigpit na braso ay pumulupot sa aking baywang.Magkahalong kaba at hindi maipaliwanag na excitement ang aking naramdaman. Ngayon ay nasa leeg ko na ang kanyang mga halik."Severino, ano... y-yung niluluto ko..."Ngunit parang wa

    Last Updated : 2025-03-23
  • SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE    Chapter 4

    "I'm pregnant..."Nanginginig ang mga daliri kong mahigpit na nakahawak sa limang pregnancy test na pare-parehong may dalawang malinaw na guhit. Parang sinasakal ang dibdib ko habang nakatitig sa resulta. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nito—may buhay sa loob ko. Isang biyaya, pero sa sitwasyon namin ni Severino, hindi ko alam kung matatawag ko nga itong isang pagpapala.Mabigat ang mga hakbang ko palabas ng banyo. Gabi na, at tulad ng dati, wala pa si Severino. Alam ko na kung saan siya nagpunta, at kung anong ginagawa niya kasama ng kung sinong babae ang pinili niyang paglibangan ngayong gabi. Halos isang buwan pa lang mula nang ikasal kami, pero pakiramdam ko ay taon na akong nakakulong sa isla, sa relasyon kung saan wala akong halaga. Hindi ako asawa—isang kabayaran lang ako, isang bagay na pagmamay-ari niya.Naupo ako sa gilid ng kama, pilit pinipigil ang luhang nagbabadyang pumatak. Hindi ko gustong lumaki ang anak ko sa ganitong sitwasyon. Hindi ko hahayaang maranasan niya an

    Last Updated : 2025-03-23
  • SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE    Chapter 1

    Sunod-sunod na ubo ni Papa ang gumising sa akin kaya dali-dali akong bumangon at sumilip sa kanyang kwarto.Naabutan ko ang stepmother kong si Josefina na halos mandiri kay Papa habang pinupunasan niya ang bibig ni Papa na may dugo."Si Renata na lang ang pag-asa mo na maipagamot ka, Rene! Bakit ba ayaw mo pa pumayag!" pagalit na wika ni Josefina. "Mas magiging maayos din ang buhay nating lahat!"Kumunot ang noo ko at hindi iyon maintindihan. Anong magagawa ko para maipagamot si Papa? At bakit ayaw pumapayag ni Papa sa bagay na iyon kung gagaling naman siya?"Mas... gugustuhin ko pang mamamatay, Josefina. Hindi ko maaatim na... gawin yun ni Renata," umuubo at hirap na sagot ni Papa. Tumalikod siya kay Josefina at humarap sa dingding.Napabuntong-hininga si Josefina at iling-iling na tumayo. Nang bumaling siya sa pintuan ay nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin."Pagkatapos mo maglinis ng bahay ay puntahan mo ako sa kwarto ko. May importante akong sasabihin sayo," halos pabu

    Last Updated : 2025-03-23

Latest chapter

  • SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE    Chapter 2

    Ikakasal ako ngayon kay Severino... Parang wala ako sa sarili nang tahakin ko ang makitid na boardwalk na tila nagsilbing aisle. Marahan akong nag-angat ng tingin, at doon, muling nagtagpo ang mga mata namin ni Severino. Nagkatitigan kami hanggang sa siya ang unang bumitaw, bahagyang umiwas ng tingin. Napayuko ako at nagpatuloy sa aking paglalakad patungo sa kanya.Tinitigan ko lamang ang nakalahad niyang kamay, kaya siya na mismo ang kumuha sa akin. Kasabay ng mahina kong paghinga, hinarap namin ang taong siyang magkakasal sa amin.Kasal... Talaga bang ikinakasal ako ngayon?Nagsimula ang seremonya, ngunit para akong wala sa loob. Hindi ko halos marinig ang sinasabi ng taong nasa harapan namin—lahat ay parang lumalabo, parang panaginip na hindi ko kayang gisingan."I do."Para akong naiangat mula sa alon ng kawalan nang marinig ko ang boses ni Severino. Nasa harapan ko siya ngayon. Totoo ito. Ikinakasal kami.Alam kong may posibilidad na magkita kaming muli, pero hindi ko inakalan

  • SOLD TO MARRY THE COLDHEARTED BILLIONAIRE    Chapter 1

    Sunod-sunod na ubo ni Papa ang gumising sa akin kaya dali-dali akong bumangon at sumilip sa kanyang kwarto.Naabutan ko ang stepmother kong si Josefina na halos mandiri kay Papa habang pinupunasan niya ang bibig ni Papa na may dugo."Si Renata na lang ang pag-asa mo na maipagamot ka, Rene! Bakit ba ayaw mo pa pumayag!" pagalit na wika ni Josefina. "Mas magiging maayos din ang buhay nating lahat!"Kumunot ang noo ko at hindi iyon maintindihan. Anong magagawa ko para maipagamot si Papa? At bakit ayaw pumapayag ni Papa sa bagay na iyon kung gagaling naman siya?"Mas... gugustuhin ko pang mamamatay, Josefina. Hindi ko maaatim na... gawin yun ni Renata," umuubo at hirap na sagot ni Papa. Tumalikod siya kay Josefina at humarap sa dingding.Napabuntong-hininga si Josefina at iling-iling na tumayo. Nang bumaling siya sa pintuan ay nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin."Pagkatapos mo maglinis ng bahay ay puntahan mo ako sa kwarto ko. May importante akong sasabihin sayo," halos pabu

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status