Sunod-sunod na ubo ni Papa ang gumising sa akin kaya dali-dali akong bumangon at sumilip sa kanyang kwarto.
Naabutan ko ang stepmother kong si Josefina na halos mandiri kay Papa habang pinupunasan niya ang bibig ni Papa na may dugo.
"Si Renata na lang ang pag-asa mo na maipagamot ka, Rene! Bakit ba ayaw mo pa pumayag!" pagalit na wika ni Josefina. "Mas magiging maayos din ang buhay nating lahat!"
Kumunot ang noo ko at hindi iyon maintindihan. Anong magagawa ko para maipagamot si Papa? At bakit ayaw pumapayag ni Papa sa bagay na iyon kung gagaling naman siya?
"Mas... gugustuhin ko pang mamamatay, Josefina. Hindi ko maaatim na... gawin yun ni Renata," umuubo at hirap na sagot ni Papa. Tumalikod siya kay Josefina at humarap sa dingding.
Napabuntong-hininga si Josefina at iling-iling na tumayo. Nang bumaling siya sa pintuan ay nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin.
"Pagkatapos mo maglinis ng bahay ay puntahan mo ako sa kwarto ko. May importante akong sasabihin sayo," halos pabulong niyang sabi sa akin, iniiwasan na marinig ni Papa.
Mabilis naman akong tumango sa kanya.
Sinimulan ko ang mga gawaing bahay. Tulad ng inaasahan ko ay nagkalat na naman ang mga bote ng alak sa aming sala na ininom ng stepbrother ko. Nag-ingat na lamang ako sa mga bubog galing sa nabasag na bote.
Hindi na ganon kalaki ang bahay namin ngayon. Mula sa masyon ay dito kami lumipat nang mabankrupt ang kumpanya ni Papa at magkasakit siya. Noong unang ay may kasambahay at driver pa rito, pero ngayon ay wala na. Wala na kasi kaming maipasahod sa kanila.
"Maghanda ka, ayusin mo ang sarili mo. Aalis tayo ngayon. May pupuntahan tayo," bungad ni Josefina sa akin nang puntahan ko siya.
Tumitig ako sa kanya, pero nanatili ang atensyon niya sa salamin, abala sa pag-aayos ng sarili.
"Ano pang hinihintay mo? Bilisan mo na!" Pinanlakihan pa niya ako ng mga mata nang makitang hindi pa ako kumikilos.
Tumakbo ako sa kwarto ko at at iyon nga ang ginawa ko. Isinuot ko ang isang kulay asul na dress at isang pares ng sapatos.
"Ano ba naman yang suot mo, Renata? Mas maganda pa manamit sayo ang mga Lola!" natatawang puna ng stepsister kong si Kanata nang bumaba ako sa sala.
Pinasadahan naman ako ng tingin ni Josefina at napangiwi siya. "Pwede na yan. Halika na, nariyan sa labas ang taxi."
"Saan po tayo pupunta?" tanong ko sa stepmother ko nang makasakay kami sa taxi.
Pinaypay niya ang sarili at tinaasan ako ng kilay. "Gusto mo bang ipagamot ang Papa mo?"
"Opo! Gusto ko siyang ipagamot!" mabilis kong sagot.
"Pupunta tayo sa kakilala ng Papa mo para kumuha ng pera sa kanya. Pagbalik ko mamaya ay tiyak ako na dala ko na ang pera para maipagamot siya."
Napangiti naman ako at nabuhayan ng loob na gagaling na si Papa at hindi na maghihirap sa sakit niya.
Halos dalawang oras ang lumipas ay tumigil na rin ang taxi sa harap ng isang malaking bahay. Lumabas si Josefina ng taxi at nagmadali rin akong kinalas ang aking seatbelt bago sumunod sa kanya.
Sinalubong kami ng mga naka-unipormeng lalaki at iginiya paloob ng bahay. Hindi ko naiwasang punahin ang magarbo nitong interior. Ang malaking chandelier ay nagsusumigaw ng karangyaan, kasabay ng mga mamahaling muwebles na naroon.
Isang lalaking nakasalamin at isang babae ang sumalubong sa amin. Hindi tulad ng mga naunang lalaking bumati, pareho nila akong nginitian. Bahagyang napaawang ang labi ko sa hiya. Tipid na lang akong napangiti. Napaka-pormal yata ng ayos nila, samantalang isang lumang damit lang ang suot ko.
"Mabuti naman at narito na kayo. Kanina pa kami naghihintay," bulalas ng babae sa amin.
Panibagong grupo ng mga naka-unipormeng lalaki ang dumating. Dumapo ang tingin ko sa huli. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng mabilis na pagkabog ng puso ko. Bagamat may nagbago mula sa huli ko siyang makita, hindi ako maaaring magkamali.
Ang lalaking ito ngayon sa aking harapan ay si...
"Severino Morelli..." bati ni Josefina sa kanya.
Hindi maalis ang hindi ko makapaniwalang tingin sa lalaki. Halos tumigil sa pagtibok ang aking puso at huminto ang mundo ko nang bumaling siya sa akin. Purong lamig ang una kong nakita sa kanyang mga mata, bago ito nagpakawala ng isang ngisi.
Napalunok ako’t halos magsitindigan ang mga balahibo ko.
"Mabuti naman at tumupad ka sa usapan, Josefina. Alam ba ito ni Rene?" tanong niya, matamang nakatingin.
"Hindi niya alam ang tungkol dito. Pero para sa kanya rin naman ito kaya ko ito ginagawa," sagot ni Josefina, may bahagyang pag-aalinlangan sa tinig.
"Auntie Josefina..." tawag ko sa aking stepmother para magtanong kung anong nangyayari, pero umatras siya sa akin at lumayo.
Lumapit ang dalawa sa mga naka-unipormeng lalaking naroon at hinawakan nila ako sa magkabilang braso.
Pagkalito at kaba ang bumalot sa akin.
"Auntie Josefina, ano pong... ibig sabihin nito?"
Umiling lamang ang aking madrasta, bago ako tinalikuran.
"Auntie Josefina!" pasigaw kong tawag nang palabas na ito ng bahay kasama ang iba pang tauhan. "Auntie Josefina, huwag mo akong iwan dito!"
Nilingon ko si Severino, at nakita ang seryoso niyang mga mata. Nagsimula akong magpumiglas mula sa pagkakahawak nila sa akin.
"Bitiwan niyo ako!"
Naramdaman ko na lang ang paglapat ng isang tela sa ilong ko’t bibig—at tuluyang nagdilim ang paningin ko.
**
Sapo ko ang ulo ko nang magising ako. Bumangon ako’t napaupo sa kama, inikot ang paningin sa kabuuan ng kwartong iyon. Tumigil ito sa babaeng nakaupo sa paanan ng aking kama, at may dalawang lalaki sa tapat ng pintuan.
"Mabuti naman at gising ka na." Isang ngiti ang bati sa 'kin ng babae.
"Nasaan ako…? Nasaan si Auntie Josefina? Ang sabi niya ay pupunta lang kami rito para kumuha ng pera para kay Papa. Nakakuha na ba siya ng pera?" hestirikal at sunod-sunod kong tanong.
Hindi ako niya ako sinagot. "Maligo ka na muna nang mabawasan ang bigat ng pakiramdam mo. Pagkatapos, isuot mo ang mga ito," turo niya sa paper bag at kahon ng sapatos na nakapatong sa coffee table. "Babalik ako para tulungan ka sa pag-aayos."
Wala man gaanong naiintindihan sa mga nangyayari, sinunod ko pa rin ang sinabi niya. Kahit papaano ay guminhawa nga ang pakiramdam ko matapos maligo. Isang puting bathrobe ang naroon, kaya itinakip ko iyon sa katawan ko. Lumabas ako ng bathroom at tinungo ang mga gamit na iniwan ng babae.
Una kong binuksan ang kahon... at tama nga, isang pares ng magandang gladiator sandals ang nasa loob. Kinuha ko naman ngayon ang laman ng paper bag. Isang simple at mahabang white dress…
Agad kong nilingon ang pinto nang bumukas ito.
Ang nakangiting mukha ng babae ang muling bumungad sa akin.
"Kailangan na nating magmadali para makapagsimula na."
Makapagsimula ng ano?
Pinaupo niya ako sa harap ng tukador at sinimulang lagyan ng light makeup ang aking mukha. Gusto kong magtanong at maliwanagan, pero tila hindi ako makapagsalita.
"Ikaw si Renata, hindi ba?" tanong niya habang nilalagyan ako ng eyeshadow.
Tumigil siya at iminulat ko ang aking mga mata.
"Oo… Ako nga si Renata..." mahina kong sagot.
Ngumiti siya at nagpatuloy. "Ako nga pala si Esme. Isa ako sa mga assistant ni Sir Severino."
Napaangat ako ng tingin nang muling marinig ang pangalan ng taong iyon.
"Si Severino…" halos walang boses na lumabas sa bibig ko.
Inalalayan niya ako sa pagtayo at pagharap sa isang full-length mirror. Kita ko ang aking buong repleksyon sa salamin. Pinatingkad lalo ng makeup ang mukha ko. Ang mahabang dress ay tamang-tama sa katawan ko. Hinayaan lang nakalugay ang buhok ko, bahagyang kinulot ang mga dulo.
"Napakaganda mo, Renata!" puri sa akin ni Esme. "Kung ako si Sir Severino ay matutulala ako sa ganda mo!"
Nilapitan ako ng dalawang lalaki at mahigpit ang pagkakahawak sa magkabila kong braso habang marahas nila akong hinila palabas ng silid.
"Dahan-dahan lang, hindi naman siya makakatakas dito!" suway ni Esme sa dalawang lalaki habang nakasunod sa akin. "Huwag niyo siya kaladkarin!"
Isang malamig na hangin ang dumampi sa balat ko, ngunit ang kaba sa dibdib ko ay nagbabaga, nagngangalit.
"A-Anong…" Nanginginig ang tinig ko, kasabay ng panlalamig ng mga daliri kong mahigpit na nakakuyom sa tela ng suot kong bestida.
"Magsisimula na tayo," malumanay ngunit matigas na sabi ni Esme, habang marahang itinulak ang balikat ko palapit sa dulo ng boardwalk.
Naguguluhan akong tumingin sa paligid. Ilang taong nakaputi ang naroon, tahimik na nakamasid. Ngunit ang atensyon ko ay agad na napako sa isang pigura sa kabilang dulo... si Severino. Tahimik, matikas, at hindi mabasa ang ekspresyon sa mukha. Ang mga mata niya’y tila naglalaman ng lihim na hindi ko kayang tukuyin.
"Anong nangyayari, Esme?" Halos hindi lumabas ang boses ko, nanginginig, puno ng takot. "Bakit… bakit parang ikakasal ako?"
Hindi sumagot si Esme agad. Bagkus, humugot siya ng malalim na hininga, tila pinipiling maging maingat sa mga salitang bibitawan.
"Dahil ikakasal ka nga, Renata." Nagtagpo ang mga mata namin, at sa kauna-unahang pagkakataon, napagtanto kong wala akong kawala. "Ngayon ang kasal mo kay Sir Severino."
Napaurong ako. Nanginginig ang labi ko, at agad kong iniiling ang ulo ko, umaasang biro lang ito—isang masamang biro.
Ikakasal ako ngayon kay Severino... Parang wala ako sa sarili nang tahakin ko ang makitid na boardwalk na tila nagsilbing aisle. Marahan akong nag-angat ng tingin, at doon, muling nagtagpo ang mga mata namin ni Severino. Nagkatitigan kami hanggang sa siya ang unang bumitaw, bahagyang umiwas ng tingin. Napayuko ako at nagpatuloy sa aking paglalakad patungo sa kanya.Tinitigan ko lamang ang nakalahad niyang kamay, kaya siya na mismo ang kumuha sa akin. Kasabay ng mahina kong paghinga, hinarap namin ang taong siyang magkakasal sa amin.Kasal... Talaga bang ikinakasal ako ngayon?Nagsimula ang seremonya, ngunit para akong wala sa loob. Hindi ko halos marinig ang sinasabi ng taong nasa harapan namin—lahat ay parang lumalabo, parang panaginip na hindi ko kayang gisingan."I do."Para akong naiangat mula sa alon ng kawalan nang marinig ko ang boses ni Severino. Nasa harapan ko siya ngayon. Totoo ito. Ikinakasal kami.Alam kong may posibilidad na magkita kaming muli, pero hindi ko inakalan
I woke up early the next morning. Kaunti lang ang tulog ko dahil punong-puno ang isip ko ng mga nalaman ko kahapon.Hindi matanggap ng utak ko na magagawa iyon ni Papa sa ama ni Severino. Kailangan ko makaalis dito sa isla at malaman kay Papa kung ano ba talaga ang nangyari.Nagluluto ako ng almusal habang naghahanda pa si Severino sa kanyang pagpasok sa trabaho. Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Tumayo ang mga balahibo ko sa batok, lalo na noong bahagyang lumapat ang kanyang labi sa aking tainga."Severino..." halos wala sa sarili kong nasabi.Tuluyang nagtindigan ang bawat hibla ng balahibo sa aking katawan nang lumapat ang kanyang malambot na labi sa aking batok at marahang humalik doon. Ang kanyang mahihigpit na braso ay pumulupot sa aking baywang.Magkahalong kaba at hindi maipaliwanag na excitement ang aking naramdaman. Ngayon ay nasa leeg ko na ang kanyang mga halik."Severino, ano... y-yung niluluto ko..."Ngunit parang wa
"I'm pregnant..."Nanginginig ang mga daliri kong mahigpit na nakahawak sa limang pregnancy test na pare-parehong may dalawang malinaw na guhit. Parang sinasakal ang dibdib ko habang nakatitig sa resulta. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nito—may buhay sa loob ko. Isang biyaya, pero sa sitwasyon namin ni Severino, hindi ko alam kung matatawag ko nga itong isang pagpapala.Mabigat ang mga hakbang ko palabas ng banyo. Gabi na, at tulad ng dati, wala pa si Severino. Alam ko na kung saan siya nagpunta, at kung anong ginagawa niya kasama ng kung sinong babae ang pinili niyang paglibangan ngayong gabi. Halos isang buwan pa lang mula nang ikasal kami, pero pakiramdam ko ay taon na akong nakakulong sa isla, sa relasyon kung saan wala akong halaga. Hindi ako asawa—isang kabayaran lang ako, isang bagay na pagmamay-ari niya.Naupo ako sa gilid ng kama, pilit pinipigil ang luhang nagbabadyang pumatak. Hindi ko gustong lumaki ang anak ko sa ganitong sitwasyon. Hindi ko hahayaang maranasan niya an

Sunod-sunod na ubo ni Papa ang gumising sa akin kaya dali-dali akong bumangon at sumilip sa kanyang kwarto.Naabutan ko ang stepmother kong si Josefina na halos mandiri kay Papa habang pinupunasan niya ang bibig ni Papa na may dugo."Si Renata na lang ang pag-asa mo na maipagamot ka, Rene! Bakit ba ayaw mo pa pumayag!" pagalit na wika ni Josefina. "Mas magiging maayos din ang buhay nating lahat!"Kumunot ang noo ko at hindi iyon maintindihan. Anong magagawa ko para maipagamot si Papa? At bakit ayaw pumapayag ni Papa sa bagay na iyon kung gagaling naman siya?"Mas... gugustuhin ko pang mamamatay, Josefina. Hindi ko maaatim na... gawin yun ni Renata," umuubo at hirap na sagot ni Papa. Tumalikod siya kay Josefina at humarap sa dingding.Napabuntong-hininga si Josefina at iling-iling na tumayo. Nang bumaling siya sa pintuan ay nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin."Pagkatapos mo maglinis ng bahay ay puntahan mo ako sa kwarto ko. May importante akong sasabihin sayo," halos pabu