Taming The Arrogant Boss (SPG)

Taming The Arrogant Boss (SPG)

last updateLast Updated : 2025-04-06
By:  LonelyPenUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
12views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang alipin ang turing kay Bea ng kaniyang tiyahin at pinsan. Ang sinasahod niya sa pinapasukan niyang karinderya ay sa kanila lang napupunta. Hindi na niya kinaya pa ang pang-aalipin ng mga ito sa kanya kaya humanap siya ng trabaho at natanggap siya bilang isang caregiver ng isang aroganteng binata. Magagawa niya kayang habaan ang pasensya niya sa binatang ito na magiging sakit ng kanyang ulo? Paano kung malaman niyang sinasadyang inisin siya ng binata para makuha ang kanyang loob?

View More

Latest chapter

Free Preview

K-1

"Hoy, Bea gumising ka na! Tanghali na pero nandiyan ka pa rin sa higaan mo natutulog? Abala wala na tayong makain pasarap buhay ka pa diyan? Bumangon ka ng babae ang kapal na masyado ng pagmumukha mo!" malakas na sigaw ng babae.Ginising si Bea ng matinis na boses ng tiyahin niyang si Lolita. Kinusot-kusot niya ang kanyang mata sabay unat. Pagkatingin niya sa may pinto, matalim na nakatingin sa kanya si Lolita. "Ano? Magtititigan na lang tayong dalawa dito, ha? Aba! Umayos ka! Hindi puwedeng panay lang ang tulog mo dito! Hindi ka prinsesa!" bungangerang sabi ni Lolita kay Bea. Dito kasi sa bahay ni Lolita nakatira si Bea simula nang mamatay ang mga magulang niya. Wala rin siyang ibang matirahan dahil si Lolita lang ang kapatid na kadikit ng mama niya. Simula nang tumira siya sa bahay ng kanyang tiyahin, hindi na naging maganda ang takbo ng buhay ni Bea. Para siyang ginawang katulong doo. Para ngang hindi kamag-anak ang turing ni Lolita sa kanya kung utus-utusan siya nito."Maglinis ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
K-1
"Hoy, Bea gumising ka na! Tanghali na pero nandiyan ka pa rin sa higaan mo natutulog? Abala wala na tayong makain pasarap buhay ka pa diyan? Bumangon ka ng babae ang kapal na masyado ng pagmumukha mo!" malakas na sigaw ng babae.Ginising si Bea ng matinis na boses ng tiyahin niyang si Lolita. Kinusot-kusot niya ang kanyang mata sabay unat. Pagkatingin niya sa may pinto, matalim na nakatingin sa kanya si Lolita. "Ano? Magtititigan na lang tayong dalawa dito, ha? Aba! Umayos ka! Hindi puwedeng panay lang ang tulog mo dito! Hindi ka prinsesa!" bungangerang sabi ni Lolita kay Bea. Dito kasi sa bahay ni Lolita nakatira si Bea simula nang mamatay ang mga magulang niya. Wala rin siyang ibang matirahan dahil si Lolita lang ang kapatid na kadikit ng mama niya. Simula nang tumira siya sa bahay ng kanyang tiyahin, hindi na naging maganda ang takbo ng buhay ni Bea. Para siyang ginawang katulong doo. Para ngang hindi kamag-anak ang turing ni Lolita sa kanya kung utus-utusan siya nito."Maglinis
last updateLast Updated : 2025-04-03
Read more
K-2
SUMUNOD NA ARAW, PINUNTAHAN NI BEA ang kaibigan niyang si Baks dahil balak na niyang subukan ang sinasabi nito sa kanya. "Baks!" sigaw ni Bea kaya nilingon siya ng kanyang kaibigan. "Oh bakit? Ano iyon?" tanong ni Baks nang lapitan siya nito. "Iyong... ano pala doon sa club na sinasabi mo, babayaran nila ako ng malaki kapag magpapagalaw ako sa kanila, ganoon ba?" mahinang tanong ni Bea sa kaibigan. Hinila siya ni Baks sa may gilid ng poste. "Oo, Bea ganoon nga. Syempre ano pa ba ang babayaran nila sa iyo ng malaki? Kun'di ang sarili mong katawan. Iyang virginity mo." Napalunok ng laway si Bea. "P-Paano pala kung mabuntis ako?" "Syempre gagawa ka ng paraan para hindi ka mabuntis ako. Ako kasi injectable ang gamit ko. Hindi ko kasi kaya uminom ng pills araw-araw kasi baka makalimutan ko. Kaya itong injectable ang contraceptives na naisip ko i-take. Three months ito." "Hindi ba sila gumagamit ng condom?" Pumiksi si Baks.."May ilan kasi na gusto ang walang condom kasi mas ma
last updateLast Updated : 2025-04-03
Read more
K-3
ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, matapos ang nangyari sa club, isang linggo na ring naghahanap ng trabaho si Bea. Hindi niya talaga kaya ang trabahong mayroon ang kaibigan niyang si Baks. "Ano? Nakahanap ka na ba?" tanong ni Baks sa kanya. "Marami na akong nakita at pinagpasahan ng resume pero wala pang tumatawag. Panay kasambahay ang hanap o 'di kaya caregiver, pinatos ko na. Sana tawagan na ako ngayon. Pasensya ka na, Baks. Hindi ko talaga kaya ang trabaho doon sa club. Hindi ko kayang pasukan ako ng maraming stick." "Ayos lang. Naiintindihan kita. Sana makahanap ka ng trabaho mo," wika ni Baks bago ngumiti ng tipid. "Salamat, Baks. Wala talaga akong balak maging caregiver dahil nakaka-stress mag-alaga ng matanda. Pero malaki ang sahod. Sayang. Makakaipon din ako. Tiis na lang talaga." "Oo kaysa naman pilitin mo ang sarili mo dito sa trabaho ko. At least diyan makakaipon ka. Batukan mo na lang iyong matandang aalagaan mo kapag pasaway," wika ni Baks sabay tawa. Kinabukasan, nakatan
last updateLast Updated : 2025-04-03
Read more
K-4
"Kumain na po kayo, sir," magalang na sabi ni Bea matapos ilapag ang pagkain ni Brandon sa mesa doon, sa gilid ng kanyang higaan. "Nandito ka pa rin pala. Akala ko, suko ka na?" nakangising tanong sa kanya ng binata. Pilit na ngumiti si Bea. "Kumain na po kayo, sir," tanging nasabi niya. Sa totoo lang, hindi niya alam kung hanggang saan ang pasensya niya para kay Brandon. Kung kakayanin niya bang pahabain ang pasensya niya kung ganoon naman ang ugali ng aalagaan niya pero, naisip niyang wala siyang choice. Wala siyang ibang mapupuntahan. Mabait ang lola ni Brandon at libre siya sa lahat. Kahit anong pagkain ang gusto niyang kainin doon, walang problema. At kung sakaling may request siyang ulam, wala ring problema. "Tsk. For sure wala ka ng ibang mapupuntahan kaya ka mag-i-stay dito para alagaan ako, tama?" "O-Opo, sir," nauutal niyang sagot sabay yuko. Narinig niya ang mahinang tawa ni Brandon. "Kung gusto mong tumagal dito at makaipon ng kakarampot na halaga, ayusin
last updateLast Updated : 2025-04-04
Read more
K-5
"Kumusta ang pakiramdam mo? I hope na napapabilis ang paggaling mo ngayong may caregiver ka na. Huwag ka sanang masyadong masakit magsalita sa kanya para tumagal ang caregiver mo. Mahirap ka pa namang alagaan dahil sa ugali mo," wika ni lola Laurel. Ngumisi si Brandon. "Bakit? Nagsumbong ba sa iyo ang babaeng iyon? Mukhang tanga eh." Bumuga ng hangin ang matanda. "Wala siyang sinusumbong na kahit ano. Napapansin ko lang sa tuwing lalabas siya sa kuwarto mo, malungkot ang mga mata niya. At naririnig ko ang pagsigaw mo sa kanya. Huwag ka namang umastang parang binili mo ang pagkatao niya. Tandaan mo, lahat tayo pare-parehas lang. Pare-parehas lang na sa hukay ang bagsak natin kaya matuto kang maging mabuti sa kapwa mo." Asar na pinatunog ni Brandon ang kanyang labi. "Lola, bakit parang kinakampihan niyo ang babaeng iyon? Parang nagmamalaki pa nga ang babaeng iyon! Parang ang gusto niya, siya pa ang masunod! Siya ba ang boss sa aming dalawa?" Tumaas ang kilay ni lola Laurel. "Paa
last updateLast Updated : 2025-04-05
Read more
K-6
"Ikaw pala ang caregiver ng pinsan kong gago?" wika ni Lewrick, ang pinsan ni Brandon. Mabagal na tumango si Bea. "Yes po, sir. Ako nga po," magalang niyang sagot. Hindi niya maiwasang titigan ang binatang si Lewrick. Matanda lang ng dalawang taon si Brandon sa binata. Katulad ni Brandon, guwapo rin ang binatang si Lewrick. May dugo kasing Spanish kaya naman makalaglag panty ang itsura. Nakapang-aakit ang titig nito habang si Brandon, nakatatakot na parang nanlalapa. Bad boy look na masungit ang itsura ni Brandon habang si Lewrick naman ay good boy na playboy look. "Bakit ka pala naging caregiver niya? Hindi sa binobola kita pero masyado kang maganda para maging caregiver. You look like a model. Sigurado akong sinisigawan ka niya kapag may mali kang nagawa, tama?" Alanganing ngumiti si Bea sabay tango ng mabagal. "Pero ayos lang naman po. Kakayanin ko po ang trabaho na ito at masasanay din po ako sa ugali ni sir Brandon." Bumuntong hininga si Lewrick. "Well, hindi ko alam kun
last updateLast Updated : 2025-04-06
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status