ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, matapos ang nangyari sa club, isang linggo na ring naghahanap ng trabaho si Bea. Hindi niya talaga kaya ang trabahong mayroon ang kaibigan niyang si Baks.
"Ano? Nakahanap ka na ba?" tanong ni Baks sa kanya. "Marami na akong nakita at pinagpasahan ng resume pero wala pang tumatawag. Panay kasambahay ang hanap o 'di kaya caregiver, pinatos ko na. Sana tawagan na ako ngayon. Pasensya ka na, Baks. Hindi ko talaga kaya ang trabaho doon sa club. Hindi ko kayang pasukan ako ng maraming stick." "Ayos lang. Naiintindihan kita. Sana makahanap ka ng trabaho mo," wika ni Baks bago ngumiti ng tipid. "Salamat, Baks. Wala talaga akong balak maging caregiver dahil nakaka-stress mag-alaga ng matanda. Pero malaki ang sahod. Sayang. Makakaipon din ako. Tiis na lang talaga." "Oo kaysa naman pilitin mo ang sarili mo dito sa trabaho ko. At least diyan makakaipon ka. Batukan mo na lang iyong matandang aalagaan mo kapag pasaway," wika ni Baks sabay tawa. Kinabukasan, nakatanggap ng message si Bea. Tanggap na siya bilang caregiver ng isang matanda. Laking tuwa niya dahil may trabaho na rin siya sa wakas. Nagpaalam at nagpasalamat siya kay Baks dahil stay in siya sa kanyang papasukan. "Magandang araw po, nandito po ba si Miss Laurel? Iyong naghahanap ng caregiver?" tanong niya sa kasambahay ng malaking bahay na pinuntahan niya. "Opo, dito nga. Kayo na siguro ang sinasabi niyang caregiver na dadating. Halika dito sa loob. Pumasok po kayo sa loob." Nalula si Bea sa laki ng bahay doon. Lalo na sa maraming sasakyan na nakaparada sa malawak na garahe. "Magandang araw po sa inyo. Ako po si Bea iyong kausap niyo po," magalang niyang sabi sa babaeng tingin niya nasa edad sixty. "Magandang araw din sa iyo, hija. Ngayon na ang start mo. Nakahanda na rin ang magiging kuwarto mo. Iyong kasambahay ko ng si manang ang magpapaliwanag sa iyo ng mga gagawin mo. Basta, huwag mo sanang sukuan ang apo ko. Alam kong nakakainis siya pero sana, alagaan mo pa rin siya hanggang sa makalakad siya." Kumunot ang noo ni Bea. "Apo? Akala ko matanda ang aalagaan ko?" "Matanda na nga. Matandang walang pinagkatandaan. Ang apo kong si Brandon ang aalagaan mo. Nadisgrasya kasi siya sa sinasakyan niyang motor limang araw na ang nakalilipas. Makakalakad pa rin siya pero hindi agad-agad dahil nabugbog ng husto ang mga binti niya," paliwanag ni Miss Laurel. "Okay sige po. Bahala na po. Gagawin ko ang best ko." "Kapag nakita ko ang effort mo sa apo ko, mas tataasan ko pa ang sahod mo. Kaya sana, pilitin mong habaan ang pasensya mo. Kapag nakalakad na ulit ang apo ko, tapos na ang pagiging caregiver mo. Puwede ka na maghanap ng ibang trabaho. Iyong hindi ka mai-stress. Kaya sana, pilitin mong kumalma palagi at umintindi," nakikiusap nitong sabi. Tumango na lamang si Bea. Sinamahan siya ng kasambahay doon sa kanyang kuwarto. At pagkatapos, itinuro ang kuwarto ni Brandon. Tatlong beses siyang kumatok doon bago niya binuksan ang pinto at pumasok. Laking gulat niya nang makilala ang binata. "Ikaw? Ikaw ang aalagaan ko?!" bulalas ni Bea. Ngumisi ang binata. "Wow! Ikaw pala na sumuntok sa akin! Bakit ikaw pa? Baka imbes na gumaling ako, lalo lang akong magkasakit dahil mapanakit ka! Umayos ka. Subukan mo lang akong saktan ulit, malilintikan ka sa akin," pagbabanta ni Brandon. "Eh kung hindi sana kung anu-ano ang pinagsasabi mo sa club na iyon, hindi ka masasaktan! Manyakis ka kasi!" asik ni Bea sa binata. : "Malay ko ba! Akala ko nga, isa ka sa mga bayarang babae doon dahil iyong suot mo, masyadong revealing. Sa tingin mo ba, walang magmamanyak sa iyo sa ganoong suot mo? Kung umasta ka akala mo malinis ka." Humalukipkip si Bea. "Hindi naman talaga ako isa sa mga bayarang babae doon. Susubukan ko pa lang kaso hindi ko naman kaya. Nakakainit ng ulo kapag nababastos kaya iyon, nasaktan kita. Pasensya na. Walang wala kasi ako tapos kailangan ko ng pera kaya ayon, naisipan kong maging babaeng de pukpok. Kaso, hindi ko nga kaya, so ito ako ngayon. Caregiver mo. Ano pala ang nangyari sa iyo? Bakit ka nadisgrasya?" "Hindi pa ba sa iyo sinabi ni lola?" "Well, kasalanan mo naman kaya ka nagkaganyan. Iinom inom ka ng sobra tapos magmamaneho ka ng mabilis. Iyan, kinarma ka tuloy." Naningkit ang mata ni Brandon. "Hoy, ikaw! Manahimik ka na nga lang diyan! Ikuha mo nga ako doon ng pagkain! Hindi iyong ang dami mo pang sinasabi na parang nanay kita. Bilis ang kilos!" Umirap si Bea. "Okay po. Masusunod," aniya sabay alis. Mabilis siyang kumilos para hindi magalit sa kanya ang binata. Pagkabalik niya sa kuwarto nito, inilapag niya sa mesa ang dala niyang pagkain. "Ano? Ganiyan na lang iyan?" nakaarko ang kilay ni Brandon. "Anong ganiyan na lang iyan? Ayan na ang pagkain mo. Kumain ka na." Ngumisi ang binata. "Anong kumain na ako? Subuan mo ako! Kaya nga caregiver kita. Aalagaan mo ako! Bilisan mo ang kilos mo. Ano ba ang akala mo? Madali lang ang magiging trabaho mo? Malaki ang magiging sahod mo kaya dapat mong ayusin ang trabaho mo," mapagmataas na wika ni Brandon. Mariing napapikit si Bea. Sa isip niya, ibang klase ang ugali ng binata. Masyadong mapagmataas at bossy. "Ano? Bakit magpapasubo ka pa sa akin? Eh maayos naman yata ang mga braso at kamay mo?" inis na wika ni Bea. "Ah nagrereklamo ka. Okay fine, hahanap na lang ako ng ibang caregiver," pananakot ni Brandon. "Teka sandali!" sigaw ni Bea bago lumapit sa binata. "Pasensya na po, sir. Susubuan ko na po kayo," malumanay niyang sabi ngunit sa loob niya, nangingitngit na sa inis si Bea. Kung alam niya lang na si Brandon pala ang aalagaan niya, hindi na sana siya tumuloy kahit malaki pa ang sahod. Buong akala niya kasi isang matandang uugod-ugod ang aalagaan niya pero hindi pala. Parang sanggol na sinusubuan ni Bea si Brandon. Lalo pa siyang inaasar ng binata dahil sinasadya nitong maging makalat kumain. "Ano ba? Talaga bang feeling baby ka, ha? Pati sa pagkain, ang kalat ng bunganga mo! Please lang naman po, sir... huwag po kayong masyadong makalat kumain dahil mahirap maglinis," nis niyang sabi bago pinunasan ang mga kalat sa gilid ng labi ni Brandon. Sinusubukan ni Bea na kumalma ngunit sadyang umiinit ang ulo niya sa ginagawa ni Brandon. Tumaas ang kilay ni Brandon. "Bakit ba panay ang reklamo mo diyan? Nag-apply apply ka bilang caregiver dito tapos magrereklamo ka? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng caregiver, ha? Nagsasayaw?" mapang asar na wika ni Brandon. Mariing pumikit si Bea. "Kung alam ko lang na ikaw pala ang aalagaan ko, hindi na ako tumuloy. Wala naman talaga akong balak maging caregiver sa totoo lang! Wala lang talaga akong pera!" hindi niya napigilang sigaw. "Iyon na nga. Wala kang pera kaya magtiis ka bilang caregiver ko hanggang sa makalakad! Nasaan na iyong pagkain? Nagugutom pa ako!" wika ni Brandon sabay ngisi ng mapang asar. Mariing napapikit si Bea, hindi niya maiwasang masaktan sa sinabing iyon ni Brandon ngunit anong magagawa niya? Isa lamang siyang dukha. Isa lamang siyang mahirap. Kaya kailangan niyang magtiis. "Ano? Suko ka na agad? Hindi mo na ako kayang alagaan? Magsabi ka agad para makahanap kaagad ng papalapit sa iyo. Hindi iyong ikaw pa itong may ganang magsalita ng kung ano eh caregiver ka lang naman," mayabang na wika ni Brandon na lalong ikinasakit ng damdamin ni Bea."Kumain na po kayo, sir," magalang na sabi ni Bea matapos ilapag ang pagkain ni Brandon sa mesa doon, sa gilid ng kanyang higaan. "Nandito ka pa rin pala. Akala ko, suko ka na?" nakangising tanong sa kanya ng binata. Pilit na ngumiti si Bea. "Kumain na po kayo, sir," tanging nasabi niya. Sa totoo lang, hindi niya alam kung hanggang saan ang pasensya niya para kay Brandon. Kung kakayanin niya bang pahabain ang pasensya niya kung ganoon naman ang ugali ng aalagaan niya pero, naisip niyang wala siyang choice. Wala siyang ibang mapupuntahan. Mabait ang lola ni Brandon at libre siya sa lahat. Kahit anong pagkain ang gusto niyang kainin doon, walang problema. At kung sakaling may request siyang ulam, wala ring problema. "Tsk. For sure wala ka ng ibang mapupuntahan kaya ka mag-i-stay dito para alagaan ako, tama?" "O-Opo, sir," nauutal niyang sagot sabay yuko. Narinig niya ang mahinang tawa ni Brandon. "Kung gusto mong tumagal dito at makaipon ng kakarampot na halaga, ayusin
"Kumusta ang pakiramdam mo? I hope na napapabilis ang paggaling mo ngayong may caregiver ka na. Huwag ka sanang masyadong masakit magsalita sa kanya para tumagal ang caregiver mo. Mahirap ka pa namang alagaan dahil sa ugali mo," wika ni lola Laurel. Ngumisi si Brandon. "Bakit? Nagsumbong ba sa iyo ang babaeng iyon? Mukhang tanga eh." Bumuga ng hangin ang matanda. "Wala siyang sinusumbong na kahit ano. Napapansin ko lang sa tuwing lalabas siya sa kuwarto mo, malungkot ang mga mata niya. At naririnig ko ang pagsigaw mo sa kanya. Huwag ka namang umastang parang binili mo ang pagkatao niya. Tandaan mo, lahat tayo pare-parehas lang. Pare-parehas lang na sa hukay ang bagsak natin kaya matuto kang maging mabuti sa kapwa mo." Asar na pinatunog ni Brandon ang kanyang labi. "Lola, bakit parang kinakampihan niyo ang babaeng iyon? Parang nagmamalaki pa nga ang babaeng iyon! Parang ang gusto niya, siya pa ang masunod! Siya ba ang boss sa aming dalawa?" Tumaas ang kilay ni lola Laurel. "Paa
"Ikaw pala ang caregiver ng pinsan kong gago?" wika ni Lewrick, ang pinsan ni Brandon. Mabagal na tumango si Bea. "Yes po, sir. Ako nga po," magalang niyang sagot. Hindi niya maiwasang titigan ang binatang si Lewrick. Matanda lang ng dalawang taon si Brandon sa binata. Katulad ni Brandon, guwapo rin ang binatang si Lewrick. May dugo kasing Spanish kaya naman makalaglag panty ang itsura. Nakapang-aakit ang titig nito habang si Brandon, nakatatakot na parang nanlalapa. Bad boy look na masungit ang itsura ni Brandon habang si Lewrick naman ay good boy na playboy look. "Bakit ka pala naging caregiver niya? Hindi sa binobola kita pero masyado kang maganda para maging caregiver. You look like a model. Sigurado akong sinisigawan ka niya kapag may mali kang nagawa, tama?" Alanganing ngumiti si Bea sabay tango ng mabagal. "Pero ayos lang naman po. Kakayanin ko po ang trabaho na ito at masasanay din po ako sa ugali ni sir Brandon." Bumuntong hininga si Lewrick. "Well, hindi ko alam kun
"Ayusin mo nga iyang kama ko. Masyadong magulo," utos ni Brandon sa dalaga. Agad namang kumilos si Bea. Nang maalala niyang malapit ng mag-isang Linggo ang bed sheet sa kama ni Brandon, kumuha na siya ng bagong bed sheet at saka iyon pinalitan. "Bumibilis ka na rin kahit papaano sa pagkilos mo. Dapat ganiyan palagi, ha? Hindi iyong pagong ka kung kumilos. Nakakainis kasi kapag pagong," nakangising sabi ni Brandon kay Bea. "Salamat po sa compliment, sir," seryosong wika ni Bea bago tipid na ngumiti. Mag-iisang buwan na rin si Bea bilang caregiver niya. At nasanay na rin ito sa bunganga niyang walang preno kung magsalita at masyadong mapanakit. At sa loob ng isang buwan iyon, naging maayos ang pag-aalaga sa kanya ni Bea. Sa makatuwid, medyo nakakahakbang na siya ng mabilis kahit papaano. "Pagkatapos kong kumain, mayamaya samahan mo ako sa garden. Gusto kong maglakad kahit kaunti," malumanay niyang sabi. "Sige po, sir. Wala pong problema." Tumaas ang isa niyang kilay. "Alalayan
Mariing pumikit si Bea nang maalala kung paano siya hinalikan ni Brandon. Ala una na ng madaling araw ngunit hindi pa rin siya makatulog. Madalas na alas diyes o alas onse ng gabi, tulog na siya. Pero dahil sa ginawa kanina sa kanya ni Brandon, hindi magawang makatulog. 'Ninakaw niya ang first kiss ko at bakit parang nagustuhan ko pa iyon!' inis niyang sigaw sa isipan. Hindi niya akalain na ganoon pala ang pakiramdam kapag nahalikan ng isang lalaki. Nakakapanghina at parang mauubusan siya ng hangin sa katawan. Nakalulunod. Hindi niya alam kung talagang ganoon kasarap ang pakiramdam kapag hinahalikan o sadyang masarap lang talagang humalik si Brandon. Na parang iyon talaga ang talento niya. 'Bakit ba ako natutuwa? Punyemas na iyan hindi ako malanding babae!' muling sigaw niya sa isipan. Bumangon siya at saka sinampal ang sarili. Naiinis siya kung bakit parang natutuwa pa siyang hinalikan siya ni Brandon. At naiisip tuloy niyang malandi siyang babae dahil parang pumayag na r
Nagpaalam si Bea na mag-day off muna siya dahil masyado siyang napagod kay Brandon at nai-stress siyang bigla sa kalokohang pinaggagawa nito sa kanya. Tatlong beses na siyang hinalikan ni Brandon. Ngunit naiinis siya sa sarili dahil sa lahat ng iyon, nasarapan siya. "Buwisit talaga ang lalaking iyon!" inis niyang sabi sa sarili habang naglalakad. Nang matapat siya sa inuupahan ng kaibigan niyang si Baks, tatlong beses siyang kumatok. Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang pinto at nakangiting sinalubong siya ng kaniyang kaibigan. "Wow! Ang ganda mo lalo! Bakit bigla kang naging blooming? Maganda ka naman talaga, in born na iyan pero bakit parang mas lalo ka yatang gumanda? Anong ginawa mo? Mukhang hiyang ka yata sa pagiging caregiver mo?" nanlalaki matang tanong sa kanya ni Baks. Humalukipkip siya at saka pumasok na sa loob ng inuupahan nito. Naupo siya sa sofa doon. "Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo? Anong hiyang? Anong blooming? Stress nga ako sa inaalagaan ko! Animal na
"Bukas, dito ka na sa kuwarto ko matutulog." Nanlaki ang mga mata ni Bea sa kanyang narinig. "Po? Pe-Pero bakit? May kuwarto naman po ako. At isa pa, hindi naman kita boyfriend, sir para tabihan kita sa pagtulog," gulat na sambit ng dalaga. Tinawanan siya ni Brandon. "At ano bang akala mo sa akin? Gusto kang makatabi? Dalawang kama dito sa kuwarto ko. Magkatapat lang tayo ng higaan. Hindi tayo magtatabi. Ang suwerte mo naman kung gagalawin kita. Hindi basta-bastang mga babae ang ginagalaw ko, Bea. Hindi ang katulad mo na mababang uri. Mayayaman at anak ng mga kilalang tao ang mga babaeng pinapatulan ko. Itatak mo iyan sa kukote mo." Napayuko na lamang si Bea sa sinabing iyon ni Brandon. Nanliit na naman siya sa sinabi ng binata. Tama naman ito. Nasisi tuloy niya ang kanyang sarili kung bakit naisip pa niyang may gagawing masama sa kanya ang binata. Sino nga ba siya ulit? Ah, isang caregiver lang. Kaya hindi siya pagnanasaan ni Brandon. Marahil wala lang itong choice dahil siya
Nagkaroon na nga ng dalawang kama sa kuwarto ni Brandon. Maayos at malaki naman ang kama ni Bea kaya makakatulog siya ng maayos. Nakahinga siya ng maluwag dahil may sarili na siyang kama. Hindi niya kasi gustong makatabi sa iisang kama ang masungit niyang boss. "Baka mag-inarte ka pa niyan? Magkalayo ang kama natin sa isa't isa. At malaking kama iyang binili ko para maayos ang tutulugan mo. May balak ka pa bang magreklamo?" kunot noong wika ni Brandon. Mabilis na umiling si Bea. "Wala po akong balak magreklamo, sir. Maraming salamat po sa maayos at komportableng matutulugan." "Mabuti naman kung ganoon. Akala ko, may lakas ka pa ng loob mag-reklamo. Dapat nga, maging masaya ka pa at magpasalamat dahil dito ka pa sa kuwarto ko matutulog. Makakasama mo ang isang katulad ko. Tama ba?" mayabang na wika ni Brandon. Napangiwi si Bea. "Sige po, sir. Salamat po," walang gana niyang sabi. 'Ang yabang talaga ng lalaking ito. Feeling niya sobrang guwapo niya. May mas guwapo pa naman sa
"Naramdaman mo ba iyon? Itutusok ko iyan sa iyo kapag malikot ka," pilyong wika ni Brandon sabay tawa. Hindi alam ni Brandon kung bakit gustong-gusto niyang asarin si Bea. Wala naman siyang balak na gahasain ang dalaga. Kahit na sa totoo lang, hindi niya maiwasang maakit sa magandang katawan ng dalaga. Maganda si Bea at kaakit-akit ang katawan. Aminado siya doon. Ngunit ayaw niyang magkaroon ng damdamin para sa dalaga. Tama lang na magkaroon siya ng pagnanasa sa dalaga. Hanggang doon lang. Hanggang pagnanasa lang pero walang pag-ibig. "Natatawa ako sa iyo. Ang lamig-lamig sa kuwarto ko pero pawisan ka. Bakit? Ramdam mo ba ang alaga ko sa puwetan mo?" nakangisi niyang sabi. Narinig niya ang paglunok ng laway ni Bea. "S-Sir, hindi niyo po dapat pinadadama iyan sa akin. Ayoko po niyan. Takot po ako diyan." Humagalpak siya ng tawa at saka lumayo sa dalaga. "Ano? Takot? Bakit? Anong akala mo dito? Nangangagat? Nakakamatay? Nagbibigay nga ito ng bagong buhay eh!" Pinagmasdan n
Nagkaroon na nga ng dalawang kama sa kuwarto ni Brandon. Maayos at malaki naman ang kama ni Bea kaya makakatulog siya ng maayos. Nakahinga siya ng maluwag dahil may sarili na siyang kama. Hindi niya kasi gustong makatabi sa iisang kama ang masungit niyang boss. "Baka mag-inarte ka pa niyan? Magkalayo ang kama natin sa isa't isa. At malaking kama iyang binili ko para maayos ang tutulugan mo. May balak ka pa bang magreklamo?" kunot noong wika ni Brandon. Mabilis na umiling si Bea. "Wala po akong balak magreklamo, sir. Maraming salamat po sa maayos at komportableng matutulugan." "Mabuti naman kung ganoon. Akala ko, may lakas ka pa ng loob mag-reklamo. Dapat nga, maging masaya ka pa at magpasalamat dahil dito ka pa sa kuwarto ko matutulog. Makakasama mo ang isang katulad ko. Tama ba?" mayabang na wika ni Brandon. Napangiwi si Bea. "Sige po, sir. Salamat po," walang gana niyang sabi. 'Ang yabang talaga ng lalaking ito. Feeling niya sobrang guwapo niya. May mas guwapo pa naman sa
"Bukas, dito ka na sa kuwarto ko matutulog." Nanlaki ang mga mata ni Bea sa kanyang narinig. "Po? Pe-Pero bakit? May kuwarto naman po ako. At isa pa, hindi naman kita boyfriend, sir para tabihan kita sa pagtulog," gulat na sambit ng dalaga. Tinawanan siya ni Brandon. "At ano bang akala mo sa akin? Gusto kang makatabi? Dalawang kama dito sa kuwarto ko. Magkatapat lang tayo ng higaan. Hindi tayo magtatabi. Ang suwerte mo naman kung gagalawin kita. Hindi basta-bastang mga babae ang ginagalaw ko, Bea. Hindi ang katulad mo na mababang uri. Mayayaman at anak ng mga kilalang tao ang mga babaeng pinapatulan ko. Itatak mo iyan sa kukote mo." Napayuko na lamang si Bea sa sinabing iyon ni Brandon. Nanliit na naman siya sa sinabi ng binata. Tama naman ito. Nasisi tuloy niya ang kanyang sarili kung bakit naisip pa niyang may gagawing masama sa kanya ang binata. Sino nga ba siya ulit? Ah, isang caregiver lang. Kaya hindi siya pagnanasaan ni Brandon. Marahil wala lang itong choice dahil siya
Nagpaalam si Bea na mag-day off muna siya dahil masyado siyang napagod kay Brandon at nai-stress siyang bigla sa kalokohang pinaggagawa nito sa kanya. Tatlong beses na siyang hinalikan ni Brandon. Ngunit naiinis siya sa sarili dahil sa lahat ng iyon, nasarapan siya. "Buwisit talaga ang lalaking iyon!" inis niyang sabi sa sarili habang naglalakad. Nang matapat siya sa inuupahan ng kaibigan niyang si Baks, tatlong beses siyang kumatok. Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang pinto at nakangiting sinalubong siya ng kaniyang kaibigan. "Wow! Ang ganda mo lalo! Bakit bigla kang naging blooming? Maganda ka naman talaga, in born na iyan pero bakit parang mas lalo ka yatang gumanda? Anong ginawa mo? Mukhang hiyang ka yata sa pagiging caregiver mo?" nanlalaki matang tanong sa kanya ni Baks. Humalukipkip siya at saka pumasok na sa loob ng inuupahan nito. Naupo siya sa sofa doon. "Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo? Anong hiyang? Anong blooming? Stress nga ako sa inaalagaan ko! Animal na
Mariing pumikit si Bea nang maalala kung paano siya hinalikan ni Brandon. Ala una na ng madaling araw ngunit hindi pa rin siya makatulog. Madalas na alas diyes o alas onse ng gabi, tulog na siya. Pero dahil sa ginawa kanina sa kanya ni Brandon, hindi magawang makatulog. 'Ninakaw niya ang first kiss ko at bakit parang nagustuhan ko pa iyon!' inis niyang sigaw sa isipan. Hindi niya akalain na ganoon pala ang pakiramdam kapag nahalikan ng isang lalaki. Nakakapanghina at parang mauubusan siya ng hangin sa katawan. Nakalulunod. Hindi niya alam kung talagang ganoon kasarap ang pakiramdam kapag hinahalikan o sadyang masarap lang talagang humalik si Brandon. Na parang iyon talaga ang talento niya. 'Bakit ba ako natutuwa? Punyemas na iyan hindi ako malanding babae!' muling sigaw niya sa isipan. Bumangon siya at saka sinampal ang sarili. Naiinis siya kung bakit parang natutuwa pa siyang hinalikan siya ni Brandon. At naiisip tuloy niyang malandi siyang babae dahil parang pumayag na r
"Ayusin mo nga iyang kama ko. Masyadong magulo," utos ni Brandon sa dalaga. Agad namang kumilos si Bea. Nang maalala niyang malapit ng mag-isang Linggo ang bed sheet sa kama ni Brandon, kumuha na siya ng bagong bed sheet at saka iyon pinalitan. "Bumibilis ka na rin kahit papaano sa pagkilos mo. Dapat ganiyan palagi, ha? Hindi iyong pagong ka kung kumilos. Nakakainis kasi kapag pagong," nakangising sabi ni Brandon kay Bea. "Salamat po sa compliment, sir," seryosong wika ni Bea bago tipid na ngumiti. Mag-iisang buwan na rin si Bea bilang caregiver niya. At nasanay na rin ito sa bunganga niyang walang preno kung magsalita at masyadong mapanakit. At sa loob ng isang buwan iyon, naging maayos ang pag-aalaga sa kanya ni Bea. Sa makatuwid, medyo nakakahakbang na siya ng mabilis kahit papaano. "Pagkatapos kong kumain, mayamaya samahan mo ako sa garden. Gusto kong maglakad kahit kaunti," malumanay niyang sabi. "Sige po, sir. Wala pong problema." Tumaas ang isa niyang kilay. "Alalayan
"Ikaw pala ang caregiver ng pinsan kong gago?" wika ni Lewrick, ang pinsan ni Brandon. Mabagal na tumango si Bea. "Yes po, sir. Ako nga po," magalang niyang sagot. Hindi niya maiwasang titigan ang binatang si Lewrick. Matanda lang ng dalawang taon si Brandon sa binata. Katulad ni Brandon, guwapo rin ang binatang si Lewrick. May dugo kasing Spanish kaya naman makalaglag panty ang itsura. Nakapang-aakit ang titig nito habang si Brandon, nakatatakot na parang nanlalapa. Bad boy look na masungit ang itsura ni Brandon habang si Lewrick naman ay good boy na playboy look. "Bakit ka pala naging caregiver niya? Hindi sa binobola kita pero masyado kang maganda para maging caregiver. You look like a model. Sigurado akong sinisigawan ka niya kapag may mali kang nagawa, tama?" Alanganing ngumiti si Bea sabay tango ng mabagal. "Pero ayos lang naman po. Kakayanin ko po ang trabaho na ito at masasanay din po ako sa ugali ni sir Brandon." Bumuntong hininga si Lewrick. "Well, hindi ko alam kun
"Kumusta ang pakiramdam mo? I hope na napapabilis ang paggaling mo ngayong may caregiver ka na. Huwag ka sanang masyadong masakit magsalita sa kanya para tumagal ang caregiver mo. Mahirap ka pa namang alagaan dahil sa ugali mo," wika ni lola Laurel. Ngumisi si Brandon. "Bakit? Nagsumbong ba sa iyo ang babaeng iyon? Mukhang tanga eh." Bumuga ng hangin ang matanda. "Wala siyang sinusumbong na kahit ano. Napapansin ko lang sa tuwing lalabas siya sa kuwarto mo, malungkot ang mga mata niya. At naririnig ko ang pagsigaw mo sa kanya. Huwag ka namang umastang parang binili mo ang pagkatao niya. Tandaan mo, lahat tayo pare-parehas lang. Pare-parehas lang na sa hukay ang bagsak natin kaya matuto kang maging mabuti sa kapwa mo." Asar na pinatunog ni Brandon ang kanyang labi. "Lola, bakit parang kinakampihan niyo ang babaeng iyon? Parang nagmamalaki pa nga ang babaeng iyon! Parang ang gusto niya, siya pa ang masunod! Siya ba ang boss sa aming dalawa?" Tumaas ang kilay ni lola Laurel. "Paa
"Kumain na po kayo, sir," magalang na sabi ni Bea matapos ilapag ang pagkain ni Brandon sa mesa doon, sa gilid ng kanyang higaan. "Nandito ka pa rin pala. Akala ko, suko ka na?" nakangising tanong sa kanya ng binata. Pilit na ngumiti si Bea. "Kumain na po kayo, sir," tanging nasabi niya. Sa totoo lang, hindi niya alam kung hanggang saan ang pasensya niya para kay Brandon. Kung kakayanin niya bang pahabain ang pasensya niya kung ganoon naman ang ugali ng aalagaan niya pero, naisip niyang wala siyang choice. Wala siyang ibang mapupuntahan. Mabait ang lola ni Brandon at libre siya sa lahat. Kahit anong pagkain ang gusto niyang kainin doon, walang problema. At kung sakaling may request siyang ulam, wala ring problema. "Tsk. For sure wala ka ng ibang mapupuntahan kaya ka mag-i-stay dito para alagaan ako, tama?" "O-Opo, sir," nauutal niyang sagot sabay yuko. Narinig niya ang mahinang tawa ni Brandon. "Kung gusto mong tumagal dito at makaipon ng kakarampot na halaga, ayusin