"Kumusta ang pakiramdam mo? I hope na napapabilis ang paggaling mo ngayong may caregiver ka na. Huwag ka sanang masyadong masakit magsalita sa kanya para tumagal ang caregiver mo. Mahirap ka pa namang alagaan dahil sa ugali mo," wika ni lola Laurel.
Ngumisi si Brandon. "Bakit? Nagsumbong ba sa iyo ang babaeng iyon? Mukhang tanga eh." Bumuga ng hangin ang matanda. "Wala siyang sinusumbong na kahit ano. Napapansin ko lang sa tuwing lalabas siya sa kuwarto mo, malungkot ang mga mata niya. At naririnig ko ang pagsigaw mo sa kanya. Huwag ka namang umastang parang binili mo ang pagkatao niya. Tandaan mo, lahat tayo pare-parehas lang. Pare-parehas lang na sa hukay ang bagsak natin kaya matuto kang maging mabuti sa kapwa mo." Asar na pinatunog ni Brandon ang kanyang labi. "Lola, bakit parang kinakampihan niyo ang babaeng iyon? Parang nagmamalaki pa nga ang babaeng iyon! Parang ang gusto niya, siya pa ang masunod! Siya ba ang boss sa aming dalawa?" Tumaas ang kilay ni lola Laurel. "Paanong nagmamalaki? Wala naman siyang pinagmamalaki. Sadyang mapagmataas ka lang, Brandon. Ayusin mo iyang ugali mo hangga't maaga pa dahil malapit na rin akong mapagod sa iyo. Wala akong ibang ginawa kun'di ang mahalin ka at alagaan ka. Pero iyong sinusukli mo sa akin, pagiging sakit sa ulo ko? Saan ba ako nagkulang ng pagpapalaki sa iyo? Bakit lumaki kang ganiyan ang ugali? Matigas ang puso at minamaliit ang taong hindi mo katulad ang estado sa buhay?" malungkot ang tinig na wika ng lola Laurel. Napakurap ng ilang beses si Brandon. Kahit siya minsan ay hindi alam kung bakit hirap siyang maging mabait. Kung bakit hirap siyang maging mapagpakumbaba. Kung bakit hirap siyang magbigay ng kahit kaunting pagmamahap sa isang tao. Hindi niya rin alam kung bakit may galit sa puso niya. Siguro, dahil kulang siya sa pagmamahal ng isang magulang. At kahit pinalaki siya ng kanyang lola, hindi niya maiwasang mainggit sa mga kaibigan niyang kompleto ang pamilya. At galit na galit siya sa kanyang ama dahil sa ginawa nitong pambababae. Na kung saan siya ang naging dahilan para mawalanang mommy niya. Sa sobrang stress, hindi na kinaya ng mommy niya ang sakit. Dagdag pa doon, hindi rin maganda ang ugali ng daddy niya. Mapagmataas ito at mapanglait. "Mawawala ako ng isang linggo dito. Niyaya ako ng mga kaibigan ko na mag-relax. Hindi pa naman ako ganoon katanda. I'm only sixty years old at malakas pa. Hindi pa uugod-ugod. Gusto kong mag-relax muna. At ayoko munang isipin ka. Sa totoong lang, sumasakit ang ulo ko kapag naiisip ko ang mga pinaggagawa mo. Lalo na ang pagiging matigas ang ulo mo. Pakiusap ko lang sana huwag mong sasaktan ang damdamin ni Bea. Hindi mo alam ang pinagdadaanan no'n bago siya napunta dito. Matuto kang magkaroon ng awa sa kapwa mo." Matapos iyong sabihin ng kanyang lola Laurel, lumabas na ito sa kanyang silid. Mariing napapikit si Brandon sabay asar na natawa. "Tsk! Ano bang pakialam ko sa babaeng iyon? Basta wala siyang ginagawang katangahan, hindi ako magagalit sa kanya," inis niyang bulong sa sarili. SAMANTALA, abala si Bea sa pagtutupi ng kanyang mga damit nang marinig niya ang tawag ni Brandon. Dali-dali siyang nagpunta sa kuwarto nito at hindi na nga natapos ang kanyang ginagawa. "Wala na bang ibibilis pa ang paglakad mo? Kailangan kapag tinawag kita, ilang minuto muna ang lilipas bago ka makarating sa kuwarto? Nasaan ka ba? Hindi ba sinabi ko sa iyo na diyan ka lang palagi sa kuwarto mo? Para sa tuwing tatawagin kita, lalapit ka agad!" bulyaw sa kanya ng binata. Napapitlag si Bea bago mahigpit na hinawakan ang kanyang damit. "P-Pasensya na po, sir.. nagtutupi po kasi ako ng damit, sir. Hindi na po mauulit, sir," wika niya sabay yuko. Umarko ang kilay ni Brandon. "At talagang nangatwiran ka pa? Kasama ba sa trabaho mo sa akin ang pagtutupi mo ng damit? 'Di ba dapat ako ang priority mo? Bilisan mo ang kilos mo sa susunod! Ayokong naghihintay pa ako! Kaya nga tayo magkatabi ng kuwarto para isang tawag ko lang sa iyo, lalapit ka na agad eh!" Napapakurap na lang si Bea sa malakas na pagsigaw sa kanya ni Brandon. Nanginginig ang kanyang kalamnan sa takot. Iwas na iwas siyang makagawa ng mali pero mukhang hindi niya iyon magagawa. Talagang magkakamali siya sa mata ni Brandon. "Bilisan mo! Alalayan mo ako patungo sa banyo dahil kanina pa ako gustong dumumi! Tanginang ito eh! Napakabagal kumilos!" Hindi na lang siya nagsalita. Inalalayaan na lang niya si Brandon patungo sa banyo. Padabog na isinara ni Brandon ang pinto ng banyong iyon. Hinawakan ni Bea ang kanyang dibdib dahil naninikip iyon. Nangingilid na rin ang luha niya sa mata. Nanlalambot ang tuhod niyang umupo sa gilid. 'Hanggang kailan ko ba mararanasan ang ganito? Ang palagi na lang sinisigawan? Hanggang kailan ba ako magiging alipin ng mga taong mapagmataas?' lumuluhang wika ni Bea sa isipan."Ikaw pala ang caregiver ng pinsan kong gago?" wika ni Lewrick, ang pinsan ni Brandon. Mabagal na tumango si Bea. "Yes po, sir. Ako nga po," magalang niyang sagot. Hindi niya maiwasang titigan ang binatang si Lewrick. Matanda lang ng dalawang taon si Brandon sa binata. Katulad ni Brandon, guwapo rin ang binatang si Lewrick. May dugo kasing Spanish kaya naman makalaglag panty ang itsura. Nakapang-aakit ang titig nito habang si Brandon, nakatatakot na parang nanlalapa. Bad boy look na masungit ang itsura ni Brandon habang si Lewrick naman ay good boy na playboy look. "Bakit ka pala naging caregiver niya? Hindi sa binobola kita pero masyado kang maganda para maging caregiver. You look like a model. Sigurado akong sinisigawan ka niya kapag may mali kang nagawa, tama?" Alanganing ngumiti si Bea sabay tango ng mabagal. "Pero ayos lang naman po. Kakayanin ko po ang trabaho na ito at masasanay din po ako sa ugali ni sir Brandon." Bumuntong hininga si Lewrick. "Well, hindi ko alam kun
"Ayusin mo nga iyang kama ko. Masyadong magulo," utos ni Brandon sa dalaga. Agad namang kumilos si Bea. Nang maalala niyang malapit ng mag-isang Linggo ang bed sheet sa kama ni Brandon, kumuha na siya ng bagong bed sheet at saka iyon pinalitan. "Bumibilis ka na rin kahit papaano sa pagkilos mo. Dapat ganiyan palagi, ha? Hindi iyong pagong ka kung kumilos. Nakakainis kasi kapag pagong," nakangising sabi ni Brandon kay Bea. "Salamat po sa compliment, sir," seryosong wika ni Bea bago tipid na ngumiti. Mag-iisang buwan na rin si Bea bilang caregiver niya. At nasanay na rin ito sa bunganga niyang walang preno kung magsalita at masyadong mapanakit. At sa loob ng isang buwan iyon, naging maayos ang pag-aalaga sa kanya ni Bea. Sa makatuwid, medyo nakakahakbang na siya ng mabilis kahit papaano. "Pagkatapos kong kumain, mayamaya samahan mo ako sa garden. Gusto kong maglakad kahit kaunti," malumanay niyang sabi. "Sige po, sir. Wala pong problema." Tumaas ang isa niyang kilay. "Alalayan
Mariing pumikit si Bea nang maalala kung paano siya hinalikan ni Brandon. Ala una na ng madaling araw ngunit hindi pa rin siya makatulog. Madalas na alas diyes o alas onse ng gabi, tulog na siya. Pero dahil sa ginawa kanina sa kanya ni Brandon, hindi magawang makatulog. 'Ninakaw niya ang first kiss ko at bakit parang nagustuhan ko pa iyon!' inis niyang sigaw sa isipan. Hindi niya akalain na ganoon pala ang pakiramdam kapag nahalikan ng isang lalaki. Nakakapanghina at parang mauubusan siya ng hangin sa katawan. Nakalulunod. Hindi niya alam kung talagang ganoon kasarap ang pakiramdam kapag hinahalikan o sadyang masarap lang talagang humalik si Brandon. Na parang iyon talaga ang talento niya. 'Bakit ba ako natutuwa? Punyemas na iyan hindi ako malanding babae!' muling sigaw niya sa isipan. Bumangon siya at saka sinampal ang sarili. Naiinis siya kung bakit parang natutuwa pa siyang hinalikan siya ni Brandon. At naiisip tuloy niyang malandi siyang babae dahil parang pumayag na r
Nagpaalam si Bea na mag-day off muna siya dahil masyado siyang napagod kay Brandon at nai-stress siyang bigla sa kalokohang pinaggagawa nito sa kanya. Tatlong beses na siyang hinalikan ni Brandon. Ngunit naiinis siya sa sarili dahil sa lahat ng iyon, nasarapan siya. "Buwisit talaga ang lalaking iyon!" inis niyang sabi sa sarili habang naglalakad. Nang matapat siya sa inuupahan ng kaibigan niyang si Baks, tatlong beses siyang kumatok. Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang pinto at nakangiting sinalubong siya ng kaniyang kaibigan. "Wow! Ang ganda mo lalo! Bakit bigla kang naging blooming? Maganda ka naman talaga, in born na iyan pero bakit parang mas lalo ka yatang gumanda? Anong ginawa mo? Mukhang hiyang ka yata sa pagiging caregiver mo?" nanlalaki matang tanong sa kanya ni Baks. Humalukipkip siya at saka pumasok na sa loob ng inuupahan nito. Naupo siya sa sofa doon. "Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo? Anong hiyang? Anong blooming? Stress nga ako sa inaalagaan ko! Animal na
"Bukas, dito ka na sa kuwarto ko matutulog." Nanlaki ang mga mata ni Bea sa kanyang narinig. "Po? Pe-Pero bakit? May kuwarto naman po ako. At isa pa, hindi naman kita boyfriend, sir para tabihan kita sa pagtulog," gulat na sambit ng dalaga. Tinawanan siya ni Brandon. "At ano bang akala mo sa akin? Gusto kang makatabi? Dalawang kama dito sa kuwarto ko. Magkatapat lang tayo ng higaan. Hindi tayo magtatabi. Ang suwerte mo naman kung gagalawin kita. Hindi basta-bastang mga babae ang ginagalaw ko, Bea. Hindi ang katulad mo na mababang uri. Mayayaman at anak ng mga kilalang tao ang mga babaeng pinapatulan ko. Itatak mo iyan sa kukote mo." Napayuko na lamang si Bea sa sinabing iyon ni Brandon. Nanliit na naman siya sa sinabi ng binata. Tama naman ito. Nasisi tuloy niya ang kanyang sarili kung bakit naisip pa niyang may gagawing masama sa kanya ang binata. Sino nga ba siya ulit? Ah, isang caregiver lang. Kaya hindi siya pagnanasaan ni Brandon. Marahil wala lang itong choice dahil siya
Nagkaroon na nga ng dalawang kama sa kuwarto ni Brandon. Maayos at malaki naman ang kama ni Bea kaya makakatulog siya ng maayos. Nakahinga siya ng maluwag dahil may sarili na siyang kama. Hindi niya kasi gustong makatabi sa iisang kama ang masungit niyang boss. "Baka mag-inarte ka pa niyan? Magkalayo ang kama natin sa isa't isa. At malaking kama iyang binili ko para maayos ang tutulugan mo. May balak ka pa bang magreklamo?" kunot noong wika ni Brandon. Mabilis na umiling si Bea. "Wala po akong balak magreklamo, sir. Maraming salamat po sa maayos at komportableng matutulugan." "Mabuti naman kung ganoon. Akala ko, may lakas ka pa ng loob mag-reklamo. Dapat nga, maging masaya ka pa at magpasalamat dahil dito ka pa sa kuwarto ko matutulog. Makakasama mo ang isang katulad ko. Tama ba?" mayabang na wika ni Brandon. Napangiwi si Bea. "Sige po, sir. Salamat po," walang gana niyang sabi. 'Ang yabang talaga ng lalaking ito. Feeling niya sobrang guwapo niya. May mas guwapo pa naman sa
"Naramdaman mo ba iyon? Itutusok ko iyan sa iyo kapag malikot ka," pilyong wika ni Brandon sabay tawa. Hindi alam ni Brandon kung bakit gustong-gusto niyang asarin si Bea. Wala naman siyang balak na gahasain ang dalaga. Kahit na sa totoo lang, hindi niya maiwasang maakit sa magandang katawan ng dalaga. Maganda si Bea at kaakit-akit ang katawan. Aminado siya doon. Ngunit ayaw niyang magkaroon ng damdamin para sa dalaga. Tama lang na magkaroon siya ng pagnanasa sa dalaga. Hanggang doon lang. Hanggang pagnanasa lang pero walang pag-ibig. "Natatawa ako sa iyo. Ang lamig-lamig sa kuwarto ko pero pawisan ka. Bakit? Ramdam mo ba ang alaga ko sa puwetan mo?" nakangisi niyang sabi. Narinig niya ang paglunok ng laway ni Bea. "S-Sir, hindi niyo po dapat pinadadama iyan sa akin. Ayoko po niyan. Takot po ako diyan." Humagalpak siya ng tawa at saka lumayo sa dalaga. "Ano? Takot? Bakit? Anong akala mo dito? Nangangagat? Nakakamatay? Nagbibigay nga ito ng bagong buhay eh!" Pinagmasdan n
"Hoy, Bea gumising ka na! Tanghali na pero nandiyan ka pa rin sa higaan mo natutulog? Abala wala na tayong makain pasarap buhay ka pa diyan? Bumangon ka ng babae ang kapal na masyado ng pagmumukha mo!" malakas na sigaw ng babae.Ginising si Bea ng matinis na boses ng tiyahin niyang si Lolita. Kinusot-kusot niya ang kanyang mata sabay unat. Pagkatingin niya sa may pinto, matalim na nakatingin sa kanya si Lolita. "Ano? Magtititigan na lang tayong dalawa dito, ha? Aba! Umayos ka! Hindi puwedeng panay lang ang tulog mo dito! Hindi ka prinsesa!" bungangerang sabi ni Lolita kay Bea. Dito kasi sa bahay ni Lolita nakatira si Bea simula nang mamatay ang mga magulang niya. Wala rin siyang ibang matirahan dahil si Lolita lang ang kapatid na kadikit ng mama niya. Simula nang tumira siya sa bahay ng kanyang tiyahin, hindi na naging maganda ang takbo ng buhay ni Bea. Para siyang ginawang katulong doo. Para ngang hindi kamag-anak ang turing ni Lolita sa kanya kung utus-utusan siya nito."Maglinis
"Naramdaman mo ba iyon? Itutusok ko iyan sa iyo kapag malikot ka," pilyong wika ni Brandon sabay tawa. Hindi alam ni Brandon kung bakit gustong-gusto niyang asarin si Bea. Wala naman siyang balak na gahasain ang dalaga. Kahit na sa totoo lang, hindi niya maiwasang maakit sa magandang katawan ng dalaga. Maganda si Bea at kaakit-akit ang katawan. Aminado siya doon. Ngunit ayaw niyang magkaroon ng damdamin para sa dalaga. Tama lang na magkaroon siya ng pagnanasa sa dalaga. Hanggang doon lang. Hanggang pagnanasa lang pero walang pag-ibig. "Natatawa ako sa iyo. Ang lamig-lamig sa kuwarto ko pero pawisan ka. Bakit? Ramdam mo ba ang alaga ko sa puwetan mo?" nakangisi niyang sabi. Narinig niya ang paglunok ng laway ni Bea. "S-Sir, hindi niyo po dapat pinadadama iyan sa akin. Ayoko po niyan. Takot po ako diyan." Humagalpak siya ng tawa at saka lumayo sa dalaga. "Ano? Takot? Bakit? Anong akala mo dito? Nangangagat? Nakakamatay? Nagbibigay nga ito ng bagong buhay eh!" Pinagmasdan n
Nagkaroon na nga ng dalawang kama sa kuwarto ni Brandon. Maayos at malaki naman ang kama ni Bea kaya makakatulog siya ng maayos. Nakahinga siya ng maluwag dahil may sarili na siyang kama. Hindi niya kasi gustong makatabi sa iisang kama ang masungit niyang boss. "Baka mag-inarte ka pa niyan? Magkalayo ang kama natin sa isa't isa. At malaking kama iyang binili ko para maayos ang tutulugan mo. May balak ka pa bang magreklamo?" kunot noong wika ni Brandon. Mabilis na umiling si Bea. "Wala po akong balak magreklamo, sir. Maraming salamat po sa maayos at komportableng matutulugan." "Mabuti naman kung ganoon. Akala ko, may lakas ka pa ng loob mag-reklamo. Dapat nga, maging masaya ka pa at magpasalamat dahil dito ka pa sa kuwarto ko matutulog. Makakasama mo ang isang katulad ko. Tama ba?" mayabang na wika ni Brandon. Napangiwi si Bea. "Sige po, sir. Salamat po," walang gana niyang sabi. 'Ang yabang talaga ng lalaking ito. Feeling niya sobrang guwapo niya. May mas guwapo pa naman sa
"Bukas, dito ka na sa kuwarto ko matutulog." Nanlaki ang mga mata ni Bea sa kanyang narinig. "Po? Pe-Pero bakit? May kuwarto naman po ako. At isa pa, hindi naman kita boyfriend, sir para tabihan kita sa pagtulog," gulat na sambit ng dalaga. Tinawanan siya ni Brandon. "At ano bang akala mo sa akin? Gusto kang makatabi? Dalawang kama dito sa kuwarto ko. Magkatapat lang tayo ng higaan. Hindi tayo magtatabi. Ang suwerte mo naman kung gagalawin kita. Hindi basta-bastang mga babae ang ginagalaw ko, Bea. Hindi ang katulad mo na mababang uri. Mayayaman at anak ng mga kilalang tao ang mga babaeng pinapatulan ko. Itatak mo iyan sa kukote mo." Napayuko na lamang si Bea sa sinabing iyon ni Brandon. Nanliit na naman siya sa sinabi ng binata. Tama naman ito. Nasisi tuloy niya ang kanyang sarili kung bakit naisip pa niyang may gagawing masama sa kanya ang binata. Sino nga ba siya ulit? Ah, isang caregiver lang. Kaya hindi siya pagnanasaan ni Brandon. Marahil wala lang itong choice dahil siya
Nagpaalam si Bea na mag-day off muna siya dahil masyado siyang napagod kay Brandon at nai-stress siyang bigla sa kalokohang pinaggagawa nito sa kanya. Tatlong beses na siyang hinalikan ni Brandon. Ngunit naiinis siya sa sarili dahil sa lahat ng iyon, nasarapan siya. "Buwisit talaga ang lalaking iyon!" inis niyang sabi sa sarili habang naglalakad. Nang matapat siya sa inuupahan ng kaibigan niyang si Baks, tatlong beses siyang kumatok. Ilang minuto ang lumipas, bumukas ang pinto at nakangiting sinalubong siya ng kaniyang kaibigan. "Wow! Ang ganda mo lalo! Bakit bigla kang naging blooming? Maganda ka naman talaga, in born na iyan pero bakit parang mas lalo ka yatang gumanda? Anong ginawa mo? Mukhang hiyang ka yata sa pagiging caregiver mo?" nanlalaki matang tanong sa kanya ni Baks. Humalukipkip siya at saka pumasok na sa loob ng inuupahan nito. Naupo siya sa sofa doon. "Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo? Anong hiyang? Anong blooming? Stress nga ako sa inaalagaan ko! Animal na
Mariing pumikit si Bea nang maalala kung paano siya hinalikan ni Brandon. Ala una na ng madaling araw ngunit hindi pa rin siya makatulog. Madalas na alas diyes o alas onse ng gabi, tulog na siya. Pero dahil sa ginawa kanina sa kanya ni Brandon, hindi magawang makatulog. 'Ninakaw niya ang first kiss ko at bakit parang nagustuhan ko pa iyon!' inis niyang sigaw sa isipan. Hindi niya akalain na ganoon pala ang pakiramdam kapag nahalikan ng isang lalaki. Nakakapanghina at parang mauubusan siya ng hangin sa katawan. Nakalulunod. Hindi niya alam kung talagang ganoon kasarap ang pakiramdam kapag hinahalikan o sadyang masarap lang talagang humalik si Brandon. Na parang iyon talaga ang talento niya. 'Bakit ba ako natutuwa? Punyemas na iyan hindi ako malanding babae!' muling sigaw niya sa isipan. Bumangon siya at saka sinampal ang sarili. Naiinis siya kung bakit parang natutuwa pa siyang hinalikan siya ni Brandon. At naiisip tuloy niyang malandi siyang babae dahil parang pumayag na r
"Ayusin mo nga iyang kama ko. Masyadong magulo," utos ni Brandon sa dalaga. Agad namang kumilos si Bea. Nang maalala niyang malapit ng mag-isang Linggo ang bed sheet sa kama ni Brandon, kumuha na siya ng bagong bed sheet at saka iyon pinalitan. "Bumibilis ka na rin kahit papaano sa pagkilos mo. Dapat ganiyan palagi, ha? Hindi iyong pagong ka kung kumilos. Nakakainis kasi kapag pagong," nakangising sabi ni Brandon kay Bea. "Salamat po sa compliment, sir," seryosong wika ni Bea bago tipid na ngumiti. Mag-iisang buwan na rin si Bea bilang caregiver niya. At nasanay na rin ito sa bunganga niyang walang preno kung magsalita at masyadong mapanakit. At sa loob ng isang buwan iyon, naging maayos ang pag-aalaga sa kanya ni Bea. Sa makatuwid, medyo nakakahakbang na siya ng mabilis kahit papaano. "Pagkatapos kong kumain, mayamaya samahan mo ako sa garden. Gusto kong maglakad kahit kaunti," malumanay niyang sabi. "Sige po, sir. Wala pong problema." Tumaas ang isa niyang kilay. "Alalayan
"Ikaw pala ang caregiver ng pinsan kong gago?" wika ni Lewrick, ang pinsan ni Brandon. Mabagal na tumango si Bea. "Yes po, sir. Ako nga po," magalang niyang sagot. Hindi niya maiwasang titigan ang binatang si Lewrick. Matanda lang ng dalawang taon si Brandon sa binata. Katulad ni Brandon, guwapo rin ang binatang si Lewrick. May dugo kasing Spanish kaya naman makalaglag panty ang itsura. Nakapang-aakit ang titig nito habang si Brandon, nakatatakot na parang nanlalapa. Bad boy look na masungit ang itsura ni Brandon habang si Lewrick naman ay good boy na playboy look. "Bakit ka pala naging caregiver niya? Hindi sa binobola kita pero masyado kang maganda para maging caregiver. You look like a model. Sigurado akong sinisigawan ka niya kapag may mali kang nagawa, tama?" Alanganing ngumiti si Bea sabay tango ng mabagal. "Pero ayos lang naman po. Kakayanin ko po ang trabaho na ito at masasanay din po ako sa ugali ni sir Brandon." Bumuntong hininga si Lewrick. "Well, hindi ko alam kun
"Kumusta ang pakiramdam mo? I hope na napapabilis ang paggaling mo ngayong may caregiver ka na. Huwag ka sanang masyadong masakit magsalita sa kanya para tumagal ang caregiver mo. Mahirap ka pa namang alagaan dahil sa ugali mo," wika ni lola Laurel. Ngumisi si Brandon. "Bakit? Nagsumbong ba sa iyo ang babaeng iyon? Mukhang tanga eh." Bumuga ng hangin ang matanda. "Wala siyang sinusumbong na kahit ano. Napapansin ko lang sa tuwing lalabas siya sa kuwarto mo, malungkot ang mga mata niya. At naririnig ko ang pagsigaw mo sa kanya. Huwag ka namang umastang parang binili mo ang pagkatao niya. Tandaan mo, lahat tayo pare-parehas lang. Pare-parehas lang na sa hukay ang bagsak natin kaya matuto kang maging mabuti sa kapwa mo." Asar na pinatunog ni Brandon ang kanyang labi. "Lola, bakit parang kinakampihan niyo ang babaeng iyon? Parang nagmamalaki pa nga ang babaeng iyon! Parang ang gusto niya, siya pa ang masunod! Siya ba ang boss sa aming dalawa?" Tumaas ang kilay ni lola Laurel. "Paa
"Kumain na po kayo, sir," magalang na sabi ni Bea matapos ilapag ang pagkain ni Brandon sa mesa doon, sa gilid ng kanyang higaan. "Nandito ka pa rin pala. Akala ko, suko ka na?" nakangising tanong sa kanya ng binata. Pilit na ngumiti si Bea. "Kumain na po kayo, sir," tanging nasabi niya. Sa totoo lang, hindi niya alam kung hanggang saan ang pasensya niya para kay Brandon. Kung kakayanin niya bang pahabain ang pasensya niya kung ganoon naman ang ugali ng aalagaan niya pero, naisip niyang wala siyang choice. Wala siyang ibang mapupuntahan. Mabait ang lola ni Brandon at libre siya sa lahat. Kahit anong pagkain ang gusto niyang kainin doon, walang problema. At kung sakaling may request siyang ulam, wala ring problema. "Tsk. For sure wala ka ng ibang mapupuntahan kaya ka mag-i-stay dito para alagaan ako, tama?" "O-Opo, sir," nauutal niyang sagot sabay yuko. Narinig niya ang mahinang tawa ni Brandon. "Kung gusto mong tumagal dito at makaipon ng kakarampot na halaga, ayusin