Share

Kabanata 2

Author: youreminestrawberry
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

BINUKSAN ko ang pintuan ng banyo ko at saka pumasok roon para maligo. Nang makapasok na, agad kong binuksan ang tubig. Hinubad ko na rin agad ang mga damit ko.

Naramdaman ko kaagad ang pinagsamang lamig at init na dumadaloy na ngayon sa buong katawan ko. Pumikit ako at dinama iyon. Nag isip isip ako ng mga bagay bagay para mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina.

Habang abala ako sa paglilinis sa katawan ko, nakarinig ako ng dalawang katok sa labas ng pintuan.

"Thara, Ija? Are you there?" rinig kong tawag ni Mommy. Tumango ako na para bang nakikita niya ako. Kinuha ko muna ang tuwalya na nakasabit malapit sa akin bago ako naglakad papalapit sa pintuan.

"Opo, bakit po?" tanong ko. Binuksan ko ang pintuan ng nakatapis. Bumungad agad sa akin ang malumanay na eskpresyon ni Mommy.

Ngumiti siya ng makita ako. "Nothing. Tapos ka na ba? Can we talk?"

Tumango ako kahit kakasimula ko pa lang maligo. Para kasing importante ang pag uusapan namin base sa reaksyon niya.

Naglakad kami papunta sa kama ko. Umupo ako roon at nakita kong ganon din ang ginawa ni Mommy. Humarap siya sa akin at saka hilaw na ngumiti.

"May problema po ba kayo?" tanong ko. May sakit ba siya?

Agad kong inilagay ang kanan kong kamay sa noo niya. Hindi naman mainit. Naramdaman kong kinuha ni Mommy ang kamay ko at saka inilagay sa pisngi niya. Tiningnan ko siya ng naguguluhan.

"Nag away ba kayo ni Daddy?" ulit kong tanong ng maging tahimik kami ng ilang segundo. Tiningnan niya ako ng seryoso bago napabuga ng hininga.

"Kaunting pikunan lang," sinabi nito at saka hinaplos haplos ang basa ko pang buhok.

"About...Allen.." agad akong naalerto ng banggitin ni Mommy ang pangalan na kanina ko pa gustong alisin sa isipan ko. Heck, bakit ba siya pumapasok sa isipan ko.

"W-What about him?" iniwas ko ang mga mata ko nang seryoso akong tiningnan ni Mommy.

"He's...He's mute. Alam mo 'yon, hindi ba?"

What?

"Mute? What do you mean...mute? Wala akong alam," sinabi ko. Totoo namang wala akong alam. Siguro, may napapansin pero hindi naman sapat iyon para malaman ko kung ano ang ibig sabihin ni Mommy.

"So...hindi mo alam?" umiling agad ako.

"Tell me, Mom. What do you mean by that? He is mute?" tanong ko. Umiling iling si Mommy sa akin at bigla nalang tumayo. Napakunot agad ang noo ko.

"I don't know kung tama ba iyong sinabi sa akin ni Fanio pero...Allen is mute. He can't speak. Hindi siya nakakapagsalita pero nakakarinig naman daw siya. Basta, Hindi ko alam kung ano ang tawag don." Then, may kinuha siyang cellphone sa kanyang bulsa at ipinakita iyon sa akin. May mga numero doon. Taka ko siyang tiningnan.

"Ano iyan?" tanong ko ng nakakunot ang noo. Kita ko ang pag awang ng kanyang labi. Maya maya pa, nagsalubong agad ang kanyang kilay.

"Really, Thara? Ano ba 'yan? Numbers 'yan, di ba? Copy this at ilagay mo sa contacts mo. Number iyan ni Allen. Pwede kayong mag usap ng mga bagay bagay d'yan. Goodness!" inis na inilagay ni Mommy ang cellphone niya sa gilid ko at saka naglakad palabas ng kuwarto ko na nakahawak sa kanyang noo.

Highblood?

***

UMAGANG UMAGA napakaingay! Bumangon ako sa pagkakahiga nang hindi ko na mapigilan ang inis. May nagtatawanan sa labas ng kuwarto ko. Hindi pa naman sound proof 'tong walang hiya kong kuwarto!

"Ano ba! May natutulog dito, oh!" sigaw ko, nakapikit pa ang kaliwang mata dahil sa antok. Walang trabaho ngayon kaya pwede akong matulog maghapon. Bwisit na number din kasi 'yan, e. Epal, hindi man lang nagreply.

"Thara? Gising ka na naman pala! Hali ka dito sa labas. Nandito sila King Stephen!" rinig kong sigaw ni Mommy sa labas.

King? Stephen? Sino 'yon?

"Ayoko!"

"Hoy, Babae! Bangon na! Ikakasal ka na! Woah!" panglalaki ang boses. Ngunit, hindi mawawala roon ang medyo kulot na tono.

"Baka sakal! Sakalin kita d'yan, e!" bumangon ako ng mainit ang ulo. Puyat ako kagabi sa walang kwentang dahilan.

Pumasok ako sa banyo ko at saka naligo roon. Pagkatapos ko maligo, kumuha ako ng mga komportableng damit na maisusuot ko.

Nakakabwisit.

Nagsuklay ako ng buhok ko na nakaharap sa salamin. Nang ang tagal matanggap ng suklay sa buhok ko dahil sa panggigigil, napasigaw nalang ako sa inis at saka padabog na lumabas ng kuwarto.

Bakit ba ako naiinis? Sino ba siya para magreply sa akin? Kakakilala pa lang namin, di ba?

Inis kong kinuha ang suklay sa buhok ko. Luminga linga ako kung may tao ba sa paligid. Wala. Umalis na ang nagtatawanan dito. Mabuti naman.

Bumaba ako sa hagdan namin kung saan papunta ang Dining room. Nang makababa na, rinig na rinig ko na agad mga tawanan ng mga aso. Mga bulldogs!

"Ija, Come join us. Nagluto ang pinsan mo at ang mga kaibigan niya." Napabaling agad ako kay Mommy ng siya ang unang nakapansin sa akin. Nakaupo siya malapit kay Daddy. Malapad ang lamesa at nasa unahan silang dalawa.

"Thara, My Precious!" napunta kay King ang atensyon ko ng sumigaw ito. Actually, Queen dapat. Bakit ba King ang pinangalan nila dito na parang Reyna naman ito kumilos.

"Huwag mo 'kong hawakan, you Imbecile." Irap at ekspresyon na pandidiri agad ang sinalubong ko sa kanya ng balak niya sana akong yakapin.

"Ay wow! Ayan na naman siya sa kanyang imbecile imbecile na 'yan!" maarteng sigaw niya gamit ang kulot na tono.

Hindi ko siya pinansin. Nag umpisa akong humakbang papunta sa malapad na lamesa. Umupo ako ng hindi pinapansin ang ibang nasa unahan ko. Hindi ko sila kilala at ayoko silang makilala. Mainit pa rin ang ulo ko sa ginawa ng weirdong 'yon!

"Gaga! Bakit hindi mo man lang sinabing ikakasal ka na, ha?" tanong ni Stephen ng makabalik siya sa kinauupuan niya malapit sa isang morenong lalaki. Hindi man lang ako natawa o nagulat sa joke niya. Sa pagmumukha niyang 'yan, alam mo na agad na joker 'yan.

"Kasi gusto ko surprise." Nakisabay nalang din ako sa trip niya. Ngunit, Maya-maya pa, nakarinig kami ng tunog ng kutsara at tinidor na halatang sinadya na magkaroon ng ingay sa pagkakahulog sa plato.

Liningon ko ng nakakunot ang noo ang kung sinong gunawa non. Ngunit, maling galaw iyon. At pinagsisisihan ko iyon. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam na nandito siya at kanina niya pa ako pinagmamasdan. Damn it! Hindi ko alam ang gagawin ko!

Ramdam ko na palipat lipat ng tingin sa amin ang mga taong nakapaligid sa lamesa. Ang inis na nararamdaman ko kanina ay napalitan na ngayon ng kaba. Napakadilim ng awra niya. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakakita non. Ang mga mata niya, napakalalim.

Ni isa walang nagsalita. Walang ingay na nabuo nang gawin niya iyon. Nakatitig lang sa akin ang kulay abo niyang mga mata. Tumayo siya, doon na ako naalerto. Gusto kong magpaliwanag pero wala akong maisip na dahilan.

Tumayo din ako at saka siya may takot na tiningnan. At doon, bigla nalang lumambot ang ekspresyon niya. Nakita kong napayuko siya at medyo ginalaw galaw niya ang mga kamay niya.

Isang sulyap lang ang ginawa niya sa akin bago siya tumalikod at tumatakbong umalis. Gusto kong baliin ang mga paa ko kung bakit tumayo nalang iyon ng ganon.

Inaamin ko, gusto ko siyang sundan. Gusto ko siyang sundan ngunit bakit? Bakit gusto ko siyang sundan? Sino ba siya? Sino ba ako? Kilala ko pa ba ang sarili ko?

"U-Uhm, Mom, Dad...Mamaya nalang ako kakain. Inaantok pa po pala ako, e!" peke akong tumawa at napakamot sa ulo ng humarap ako sa kanila. Tiningnan ako ni Mommy na para bang may gustong sabihin. Nakita kong tumango siya at hilaw na ngumiti. Bumaling ako kay Daddy at nakita ko siyang tumango ng wala man lang karea-reaksyon.

Naglakad ako paputang pintuan kong saan patungo ito sa Living room, hindi man lang binigyan pansin ang ibang tao na kumakain rin sa lamesa.

Nang makalabas na, luminga linga agad ako sa paligid dahil sa pintuan rin na ito lumabas si Allen. Gusto ko siyang makita. Gusto kong makita ulit ang reaksyon niya. Gusto ko siyang tanungi kong bakit ganoon siya makapagreact.

Naglakad ako sa bahagi kung saan may malapit sa sofa na pintuan. Madaming CR sa bahay, sigurado akong CR din 'tong titingnan ko base sa kulay ng pintuan.

Habang naglalakad papasok, bigla akong nakarinig ng tubig na kakabukas pa lang. May tao sa loob?

Dahan-dahan kong pwinesto ang tainga ko sa pintuan ng banyo. Nakarinig agad ako ng mahinang d***g ng tao. May kiskis pa akong narinig na hula ko ay sa dingding iyon nanggagaling.

"M-May tao ba sa loob?" tanong ko. Naghintay ako ng ilang segundo ngunit wala akong natanggap na sagot. Napabuga ako ng hangin. Balak kong tingnan kung sino ang tao sa loob. Baka kasi tama ang hinala ko.

Hinawakan ko ang door knob ng pintuan. Akmang bubuksan ko na iyon...nang may nauna ng magbukas at iyon ang nasa loob. Napapikit ako dahil sa pagkakadabog ng pagkabukas. Dinilat ko ang mga mata ko at tiningnan kung sino ang nasa loob.

Allen.

Nakatayo siya roon at diretsong nakatingin sa mga mata ko. Parehas na parehas ng pagkakatitig niya sa akin kahapon. Iniwas ko kaagad ang paningin ko sa kanya.

"A-Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit ka umalis d-don?" tanong ko habang nasa door knob ang tingin. Ayoko siyang tingnan. Para kasing...nahihiya ako.

Gusto kong ulitin iyong tanong ko pero sa pagkakataong ito, gusto ko na siyang tingnan. Ayokong magmukhang takot sa mga titig niya.

Huminga ako ng malalim bago dinilaan ang labi para magmukhang basa. Binalingan ko siya. Nakita kong ganon pa rin ang posisyon niya. Nakatayo siya at nakatitig pa rin sa akin. Napalunok ako ng hindi pa rin siya kumukurap. Diretso lang siyang nakatingin sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan o kung anong dahilan kaya ganyan katalim ang tingin niya sa akin.

"G-Galit ka ba?" pilit kong pinapatapang ang boses ko. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ganyan siya makatingin ngunit natatakot ako na baka dumilim na naman ang ekspresyon niya. Gusto ko man ulit iyon makita, natatakot pa rin ako na baka galit siya at nasaktan ko siya sa sinabi ko kaninang kasal.

Assumera na ba ako? Siguro nga.

"S-Sorry," sinabi ko ng nakatingin sa kanyang matalim na mga mata. Nakita kong ginalaw niya ang kanan niyang kamay. Naguluhan ako dahil may itinuro siya sa kanyang gilid.

Itinaas niya ang isa niya pang kamay which is ang kaliwa, inilahad niya iyon sa akin. Nagulat man, tinanggap ko pa rin iyon. Nakita kong lumambot agad ang kanyang mukha. Sa ikatlong pagkakataon, nakita kong dahan dahan tumaas ang gilid ng kanyang labi at saka masayang nakatingin sa akin.

Heck, pinagpapawisan ako. Humakbang ako papasok sa banyo ng nakatingin pa rin sa masaya niyang ekspresyon. Nang, makapasok na. Doon na ako naalerto. Kami lang dalawa sa banyo. Pilit ko man palinisin ang utak ko, hindi ko magawa. Hindi naman ako inosente para hindi mag isip ng mga maduming bagay.

Gosh, ano ba 'tong mga pumapasok sa utak ko.

Tiningnan ko si Allen. Agad, nawala ang kulay sa mukha ko dahil sa lapit ng katawan niya sa katawan ko. Mas lalo pa akong nabigla ng ilapit niya pa iyon. Tiningnan ko siya. Nakangiti pa din siya at mukhang nasisiyahan sa ginagawa niya.

"A-Allen..." tawag ko sa kanya ng kaunting galaw niya nalang ay magdidikit na ang mga balat namin. Muntik pa akong mawalan ng balanse. Mabuti nalang at nahawakan kaagad ni Allen ang bewang ko bago ako isinandal sa pintuan ng banyo.

Ilang segundo ang lumipas ng ganoon pa din ang posisyon namin. Hanggang sa nakaramdam ako ng kiliti malapit sa bewang ko. Kamay iyon ni Allen, alam ko. Hinahaplos niya ng pabilog ang gilid ng bewang ko dahilan para makaramdam ako ng kaunting kiliti.

"A-Allen...A-Ano ba..." mahina ko lang iyon na bulong sa kanya. Baka kasi magalit siya. At saka, inaamin ko naman na medyo ayos lang ang ginagawa niya sa akin. Hindi man lang ako nakaramdam ng inis o galit. Parang...okay lang at nasa isip ko na normal lang naman iyan.

Normal ba talaga?

Related chapters

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 3

    "A-ALLEN..." napasinghap ako ng inalis niya kaagad ang kamay niya na nakahawak ng mahigpit sa bewang ko. Dahilan iyon para mawalan ako ng balanse at muntik na namang matumba. Mabuti nalang at napahawak ako sa braso niyang...matigas?Bakit ang tigas?Inialis ko iyon sa isipan ko. Sa malaki at mukhang matigas pa lang na katawan ni Allen, halata ng naggy-gym siya."B-Bakit?" tanong ko ng makita ang pikon niyang mukha. Nakita kong inayos niya ang tayo niya at saka humarap sa gilid niya. Seryoso niya iyong tinitingnan. Ano bang meron d'yan? Toilet bowl lang naman nakalagay d'yan, ah?Tiningnan ko siya ng naguguluhan. Gusto kong magtanong kung bakit bigla niya nalang akong binitawan. Narealize niya ba na mali ang ginagawa niya? Nagui-guilty ba siya sa pagkakahawak ng kamay niya sa bewang ko?Tumikhim ako at tiningnan siya ulit. Kating kati na ang bibig ko na magtanong. Wala kasing isa man lang na nagsalita sa amin nang binitawan niya agad ako kanina."A-Allen?" kinagat ko agad ang pang ibab

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 4

    "A-ANTHARA? Anak?" rinig kong tawag sa akin ni Mommy sa labas ng kuwarto ko. Ilang oras na akong nagkukulong dito. Natatakot akong lumabas. Wala na din sina Stephen at mga kaibigan niya. Nong pinaalis sila ni Daddy, dumating na din ang mga pulis para tingnan ang mga nagyayari."Mag usap tayo, please?" kanina pa si Mommy sa labas. Ngunit, hindi ko man lang siya sinagot o pinapasok man lang. Gusto kong mapag isa. Napakaraming tanong ang gusto kong masagot ng sarili ko.Bakit ang bilis? Bakit ang bilis kong sumunod sa mga sinasabi niya? Bakit...bakit naiisip ko pa rin kung ano ang nararamdaman niya ngayon samantalang alam ko naman na mali iyong gagawin niya sa akin simula nong pumasok kami sa kuwarto ko? Bakit hindi ko man lang siya itinulak o sinigawan man lang?Kakakilala palang namin, e! Bakit ganito agad?"Anthara, please! Kausapin mo si Mommy..." wala pa akong sapat na lakas para tumayo. Wala pa akong ganang makipag usap sa kung sino. Kahit na kila Mommy.Ipinikit ko ang mga mata ko

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 5

    PASULYAP sulyap lang ang ginagawa ko kay Allen at sa mga pinsan niya din kuno na ngayon ay kausap nila Daddy sa inuupuan kanina naming upuan sa harap. Nasa sofa na kami ng opisina. Kasama ko pa rin si Mommy. Nakayuko lang siya at tahimik.Gusto ko ng umalis at bumalik sa kuwarto ko dahil sa kabang kanina pa ako sinaniban.Ulit, Sinulyapan ko ang nasa harapan. Nakatayo si Allen at ang dalawang pinsan niya sa gilid ni Tito Fanio. Habang ang isa niya namang pinsan ay nakaupo sa inuupuan ko kaninang upuan.Agad kong iniwas ang paningin ko ng muntik niya ng hulihin ng mga mata niya ang mata ko. Kanina pa kami panakaw sa isa't isa ng tingin. Kapag nakayuko ako, ramdam ko kaagad ang titig niyang halos baliwin ako sa pag iisip."Sa papel nalang para madali. Marami na ang nasakripisyo ng pamangkin ko. Mas okay kung tayo lang ang nakakaalam para hindi na gumawa ng eksena iyong babae." Nakinig lang ako sa pag uusap nila Tito Fanio at Daddy. Napakadami ko pang tanong na gustong itanong kay Daddy

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 6

    "SIGURADO ka bang ayos lang ang suot ko, Mie?" tanong ko kay Mommy habang umiikot na nakatingin sa malaking salamin ng kuwarto nila Daddy.Dalawang araw na ang nakalipas simula noong bumisita sila ni Allen sa bahay. Gusto kong sumama ngayon kila Mommy dahil may mahalaga akong itatanong sa may ari ng kulay abong mga mata. Letse na 'yon! Hindi ako pinatulog ng dalawang araw!Nang bumalik kasi akong opisina ni Daddy para sana silipin kung nandoon pa ba siya, may nakita akong papel malayo layo sa pintuan ng opisina. Doon ko lang naalala na may ibinigay palang papel sa akin non si Allen. Dahil siguro sa pagmamadali ko, nahulog ko 'yong papel.Hay nako, naiinis ako!Bakit ba iyon ang isinulat niya don? Ano niya ba ako?"Oo nga! You look cute." Tiningnan ko si Mommy. Nakangiti siya habang nakatingin sa puting dress na suot ko.Agad napunta ang atensyon ko sa cellphone ko nang sandali itong nag ingay. Nasa harapan lang ng kama ito nakalagay. Malapit lang kami sa kama kaya rinig na rinig agad

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 7

    "H-HALI KA NA, LUIS!" medyo napataas ang boses ko ng sabihin ko iyon kaya agad na napakunot ang noo ni Luis.Hindi ko na pinansin ang balak niya sanang sabihin. Hinawakan ko na ang kamay niya at tumalikod na. Hindi na ako tumingin kila Allen nang makita ko iyong babae."Hey, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Luis na ngayon ay sumusunod sa akin. Papasok na kaming mansyon. Kanina niya pa ako tinatanong kung may problema ba. Iling lang ang sagot ko sa kanya kaya tanong pa rin siya ng tanong."Sigurado ka? Namumutla ka kanina, e." Napalunok ako nang ibulong niya nalang iyong huling salita. Huminto siya sa paghakbang kaya napahinto din ako dahil hawak ko pa rin ang kamay niya.Nilingon ko siya. Nakita kong nakataas ang kaliwang kilay niya."Are you sure wala kang nakitang multo or something na nakapagpaputla sayo?" napabuga agad ako ng hangin nang tanungin niya iyon."Wala akong nakita, okay?" naalala ko na naman ang pagmumukha ng Allen na iyon. Bwisit. "A-Ang lamig kasi don kaya...ka

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 8

    ILANG beses ko ng pinilit na tapusin ang pagkakahalik ni Allen sa akin. Ilang ulit ko na siyang tinulak ngunit hindi man lang siya natinag. Mas dinikit niya pa lalo ang katawan niya sa katawan ko.Kitang kita ko kung gaano siya nang aasar sa ginagawa niya. Dinidilat niya ang mga mata niya kapag tinutulak ko siya tapos bibilisan pa ang paggalaw ng labi niya sa labi ko.Aaminin ko, gusto ko ring pumikit at namnamin ang labi niya, ngunit ano'ng karapatan ko kung gagawin ko iyon?Wala na rito ang babaeng tumawag kanina kay Allen. Umalis na ito kaagad nang makarecover sa pagkakagulat. Nakakapagtaka nga at hindi niya man lang ako sinugod o sinabunutan man lang. Kasi, di ba. Baka isa na naman iyon sa babae ni Allen. May babae na nga siya kanina sa kotse niya, meron na namang bago."Ay Diyos ko, patawad po ma'am, sir!" gulat na napatingin ako sa pintuan ng kuwarto, may nakatalikod na matandang babae at papaalis na ito ng kuwarto.Holy shoes!Iniwas ko kaagad ang labi ko kay Allen. Pilit man n

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 9

    "ANAK, DITO!" sabay kaming napabaling ni Luis sa sumigaw nang luminga linga kami para sana maghanap ng panibagong uupuan."Mommy!" napangiti agad ako nang tumayo siya at si Daddy. Naglakad ako papuntang malapad na mesa nila. Hinay hinay lang akong papunta sa kanila dahil madami pang taong nakatayo at baka magtulakan pa kapag nagkamali ako ng hakbang."Dahan dahan lang." Halos mapatalon ako nang may biglang humawak sa bewang ko at bumulong ng sobrang lapit sa tainga ko."L-Luis, ano ba! Nakakagulat ka, alam mo ba 'yon? Bwisit." Mahinang tawa lang ang nagawa niyang iparinig sa akin matapos ko siyang inis na tiningnan. Hay nako.Naglakad kami papalapit kila Mommy na ngayon ay awkward na nakatingin sa amin. Napakunot ang noo ko at saka napabaling sa mga kasama nila. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang sila Tito Fanio at ang asawa nitong si Tita Kace pala ang kausap nila."Ija…remember your Tita Kace? Iyong sumama sa inyo ni Luis mamasyal noong elementary kayo?" ngumiti ako at tu

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 10

    "ANONG ngiti 'yan, ah?" napabaling ako sa boses na nanggagaling sa gilid ko. Napangiti ako bago umiling kay Mommy."Wala po. Malapit na po ba tayo?" tiningnan ko ang labas ng bintana nitong kotseng sinasakyan namin. Paalis na kaming mansyon. Nakapagpaumanhin na rin ako kila Tita kanina dahil sa pagsigaw ko kay Luis. Mabuti nalang at naiintindihan nila. Kaso, mukhang hindi pa maayos kay Luis ang pagsigaw ko at pag alis sa harapan niya ng ganon ganon nalang kanina.Ilang minuto lang kaming ipinagdrive ng driver papuntang bahay namin. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan sa harap ng bahay, agad akong nagpasalamat sa driver at saka dali dali sila Mommy na hinalikan sa pisngi.Kita ko man sa mga mukha nila ang pagkabigla, tumalikod rin ako at tumatakbong nakangiti papuntang loob ng bahay.Nang makapasok, pumunta agad akong kuwarto. Binuksan ko ang pintuan nito at saka mas lalong napangiti nang makita ang malambot kong kama. Tumakbo ako ng napakabilis papunta roon at saka pa tumayo sa kama.

Latest chapter

  • My Mute Billionaire Husband   Wakas

    ILANG linggo na ang nakalipas, but still, I am here, kissing my wife na para bang ilang taon siyang nawala sa akin."A-Al, ano ba!" Nagluluto siya ngayon ng pagkain naming dalawa habang ako ay nasa likuran niya at iniistorbo siya.Napatawa ako ng mahina at saka pinagpatuloy pa ang paghalik sa batok niya. Ang sarap niyang inisin. Ngunit, kailangan ko rin limitahan iyong ginagawa ko. Ayokong iwasan niya ako 'pag nagalit ko na siya ng tuluyan."Umupo ka na," utos niya. Kaagad ko siyang sinunod at saka naghintay na sa lamesa. Nakita kong umupo siya sa harapan ko. Inilapag niya iyong ilang mga naluto niya kanina noong wala pa ako.Kanina kasi nang hindi pa ako dumating sa bahay nila, ni isa wala pa siyang naluto. Sinabi sa akin ni Tito Ed na mahilig raw magluto si Thara, so I asked her kung totoo nga ba iyon ng tuluyan na akong makabisita sa kanila. Hindi niya naman iyon itinanggi kaya naging madali lang sa aking paglutuin siya para sa hapunan naming dalawa.Napangiti ako nang mukhang masa

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 51

    Allen HolmesI WAS stunned. For a moment, I though it was just my brain who's making this things up."Anak!" Nang marinig ang boses ni Mama, kaagad ko siyang nilingon at saka ko nakita silang lahat na magkakasama. Ibinalik ko iyong paningin sa asawa ko na ngayon ay nakahiga na sa lupa habang uubo ng dugo.Hindi ako makagalaw. Parang humina iyong oras dahilan para hindi kaagad ako makapagreak. Napailing iling ako at saka gumalaw.Dali dali kong nilapitan si Thara na ngayon ay nahihirapan. Kaagad na nanginig ang mga kamay ko ng mabuhat ko siya papaharap sa akin.Dugo. Napakaraming dugo ang nasa balikat at bibig niya. Napasinghap ako at nangilid ang mga luha sa mata.Dream. Panaginig lang 'to lahat.Ilang beses akong suminghap hanggang sa napansin ko ang mga taong nakapaligid na ngayon sa amin ni Thara.Damn it!Nilingon ko si Trisha. Kitang kita ko sa ekspresyon niya ang gulat habang nakatitig sa aming magkalapit ni Thara. She's still holding her gun na siyang dahilan ng pagsuka ng dugo

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 50

    Anthara Murillo"B-BABY!" Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy. Muntik lang akong mahulog sa kinahihigaan ko, bumangon agad siya at saka lumapit sa kinaroroonan ko. Tipid akong napangiti dahil sa napapansin kong mga galaw niya."A-Are you okay? May...masakit ba? Asan? Saang parte ng katawa—""M-Mie, ayos lang ako." Hindi ko mapigilan hindi mapabuga ng hangin dahil sa hindi mapakali niyang ekspresyon. Alam kong nag aalala lang siya, ngunit, sa maliit lang na bagay?"S-Sorry. Baka kasi may masakit. Maayos ka na ba talaga?" Tumango ako. Naramdaman ko kaagad iyong dalawa niyang kamay na yumakap sa katawan ko."I really thank Him for giving you back to us." Napansin ko ang garalgal sa tono ng boses ni Mommy. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa mga naramdaman nila ni Daddy noong nawawala pa ako.Kung sana ay nag ingat lang ako at pinaglabaan ko iyong sarili ko. Puno rin kasi ng takot iyong reaksyon ko non kaya hindi na ako nakalaban pa. At kung lumaban pa ako, baka bumalik lang rin sa akin iy

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 49

    MABILIS na pinaandar ko ang sasakyan ko papalayo roon sa building ni Luis at ng mga kasama niya. Nauna na akong umalis sa kanila habang sumisinghap.Shit! Shit!Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ko. Still, hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig kanina.Narinig kong nag ingay ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha iyon at saka nagpokus pa sa pagmamaneho."Damn! Nakita na si Thara!" sagot ni Faxon sa kabilang linya. Napangiti ako. So, it was true.Napapikit ako kahit na patuloy pa rin na gumagalaw ang sasakyan ko. I'm glad that she's safe now."Safe..." naibulong ko. Dinilat ko ang mga mata ko at saka inihinto ang sasakyan matapos maging minuto na ang segundo sa pagmamaneho. Lumabas ako ng sasakyan. Kaagad na naalerto ako nang makita ko ang mga pinsan ko sa labas ng Police Station. Nakita kong agad akong napansin ni Damaris. Naiiyak siyang napapikit bago dali daling tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako nang nasa harapan ko na siya."Al...nakita n-na siya..." Hindi ako nagsalit

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 48

    Anthara Murillo"ANO'NG ibig mong sabihin?" tanong ko sa mapapel na babaeng 'to. Gustong gusto ko na siyang sugurin para makaganti sa pagkulong niya sa akin rito sa kuwarto, ngunit hindi ko kaya.Nakagapos iyong dalawang kamay ko ng makapal na lubid habang nakaupo sa kama. Ilang araw na ako rito. Ngunit, ngayon lang tuluyan na humarap sa akin ang babaeng 'to."I really don't get it kung bakit hindi tinuloy ni Luis iyong pagrape sayo noong araw na iyon." Naismid siya nang matalim ko siyang pagmasdan.Napakawalang hiya niya!"Kahit na napainom ko na siya non ng gamot, hindi niya pa din nagawa." Umiling iling siya habang may hawak na alak sa kanang kamay. Nakita ko siyang lumapit sa akin. Kaagad na napaalerto ako at saka siya mas sinamaan pa ng tingin.Bakit niya ba 'to ginagawa? Dahil ba sa pagmamahal niya sa lalaking mahal ko rin?Napatawa ako ng mahina kahit na umiinit na iyong gilid ng mga mata ko. Hindi pwedeng makita niya sa reaksyon ko na kinakabahan ako sa mga gagawin niya."Alam

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 47

    "NAKAKAPAGSALITA ka?" tanong ni Faxon nang makaalis na kami sa mansion ng Lolo ko. Narito na kami ngayon sa opisina ng kompanya ko, nag iisip ng mga balak gawin para mapadali ang paghahanap kay Thara.I missed her, badly. Dahil sa kapabayaan kong magpauto sa kompanya ko, hindi ko siya nagawang iligtas.Napapikit ako. Sumandal ako sa swivel chair ko rito sa opisina at saka nag isip pa ng mga posible kong magawa para tuluyan ng mahanap si Thara.Ininom ko ang alak na nasa maliit na baso. Hawak hawak ko ito at nasa kanan kamay ko.Where is she? Kunti nalang at mababaliw na ako sa kakaisip kung ano na ngayon ang nangyayari sa kanya."Hey, nakakapagsalita ka nga?" Kanina pa tanong ng tanong ang isang 'to.Napapikit ako ng mariin."Damn, man. Magsalita ka naman." Binuksan ko ang mga mata ko. Hirap na hirap na nga ako sa isang salita pa lang. I can't even mention my own name. Kahit ang sa asawa ko. Salitang 'ra' lang ang kaya kong banggitin."Okay okay. I'm just curious, that's all. Come on.

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 46

    Allen HolmesNASAAN siya? Hindi ko na tinapos pa ang mga mahahalagang papeles na kailangan ng lagyan ng perma ko.Si Thara. I can't reach her."Where the hell are you? Bakit ka umalis?" ang Lolo ko. Kanina niya pa ako tinatawagan ngunit agad ko rin na pinapatay ang tawag. Gusto niya akong pabalikin si opisina ng kompanya ko, ngunit ayoko. Alam kong nakabantay siya sa akin and I don't like it.Wala na sa atensyon ko iyong mga papeles na iyon. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang makitang ligtas ang asawa ko.Fanio texted me while I was busy dealing with my workers earlier. Sinabi niya sa mensahe na may gulo raw na nagaganap sa Hospital namin ngayon. I texted back and asked him where is my wife, but then, he didn't answer. Siya iyong nagbabantay ngayon sa Hospital dahil siya lang naman ang wala pang ginagawa sa kompanya. And, base sa ilang text ni Damaris sa akin kung ano na ang mga nangyayari sa kanila ni Thara, sinabi niyang pupunta na naman silang Ospital para bisitahin ang mga m

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 45

    "BAKIT...hindi mo sinabi?" tanong ko kay Allen nang nasa harapan na kami ng kotse niya. Umalis ako nang kuwarto nila Mommy at saka dumiretso na sa labas ng Ospital. Ngunit, sumunod siya sa akin. Kaya ginawa ko ng pagkakataon iyon para matanong siya kung bakit niya iyon ginawa ng hindi ko man lang nalalaman.Hindi nag ingay si Allen. Nanatili lang ang paningin niya sa sasakyan niyang nasa gilid ko lang."A-Allen...ano ba talaga?" kanina pa gustong maglandasan ng mga luha ko pero, para ano pa? Para maramdaman niyang ayaw kong maikasal sa kanya?Well, no. Kasal na kami. Ang...kinaiinisan ko lang, e bakit hindi ko man lang nalaman? Bakit hindi niya man lang ako tinanong? Hindi ba may karapatan din ako? Ako iyong papakasalan niya.Nakakagulat man sa totoo lang iyong mga nalaman ko kanina, mas sobra sobra iyong inis ko sa kanya dahil sa hindi niya man lang muna ako tinanong."Alam mo...dahil sa mga ginawa mong iyon, iniisip ko kung baka alam mo na iyong sagot ko. Iniisip ko kung...baka pina

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 44

    TIPID akong ngumiti kay Mommy nang tanungin niya kami ni Allen kung kumain na ba kami. Nakaupo kaming magkatabi ni Allen sa malapad na sofa habang iyong isang kamay niya ay nasa balikat ko nakalapat. Nasa harapan namin sila Mommy at Daddy ngunit tudo pa rin siya bulong sa akin ng salitang 'sorry'.Halos sampong beses na niya yata iyong binubulong sa tainga ko dahilan para mapansin na kami ni Daddy."May pinag uusapan kayo?" nakataas iyong isang kilay niya. Kaagad na umiling iling ako sa tanong ni Daddy."W-Wala po." Nginitian ko siya. Ilang segundo niya muna kaming pinagmasdan bago bumalik sa pakikipag usap kay Mommy na ngayon ay abala sa pag aayos ng mga pagkain sa lamesa."Sorry.." bulong ulit ng katabi ko. Kanina pa ako nakikiliti kaya tudo yuko ako at pasikritong pumipikit para hindi mapansin ni Daddy."Ayos na, okay? Tumigil ka na…" sinabi ko bago napasinghap. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang agad na pagtaas ng gilid ng labi niya. Hinalikan niya ako ng mabilisan sa pisngi dahi

DMCA.com Protection Status