"SIGURADO ka bang ayos lang ang suot ko, Mie?" tanong ko kay Mommy habang umiikot na nakatingin sa malaking salamin ng kuwarto nila Daddy.
Dalawang araw na ang nakalipas simula noong bumisita sila ni Allen sa bahay. Gusto kong sumama ngayon kila Mommy dahil may mahalaga akong itatanong sa may ari ng kulay abong mga mata. Letse na 'yon! Hindi ako pinatulog ng dalawang araw!Nang bumalik kasi akong opisina ni Daddy para sana silipin kung nandoon pa ba siya, may nakita akong papel malayo layo sa pintuan ng opisina. Doon ko lang naalala na may ibinigay palang papel sa akin non si Allen. Dahil siguro sa pagmamadali ko, nahulog ko 'yong papel.Hay nako, naiinis ako!Bakit ba iyon ang isinulat niya don? Ano niya ba ako?"Oo nga! You look cute." Tiningnan ko si Mommy. Nakangiti siya habang nakatingin sa puting dress na suot ko.Agad napunta ang atensyon ko sa cellphone ko nang sandali itong nag ingay. Nasa harapan lang ng kama ito nakalagay. Malapit lang kami sa kama kaya rinig na rinig agad namin. Naramdaman kong napatingin din si Mommy roon. Naglakad ako papalapit sa kama at saka kinuha ang cellphone para tingnan kung sino ang nagpadala ng mensahe.Si Luis.Luis:Hey, Are you free tonight? Kain tayo.Agad naging pato ang bibig ko nang mabasa ang mensahe niya. So, nakabalik na nga talaga siya. Hindi man lang nagsabi.Me:Ayoko.Binitawan ko ang cellphone ng sadya dahilan para mahulog ito sa malambot na kama. Nakakagigil!"Hey...iyan ba ang susuotin mo?" napabaling ako kay Mommy. Tumango ako at saka ngumiti.Ito nalang ang susuotin ko. Hindi naman yata 'to madaling mapunit-"Gosh." Umiling iling ako. Bakit ba iyon pa rin ang nasa isip ko? Heck, sarap samapalin ng Allen na 'yon."Thara...ayos ka lang?" nanlaki agad ang mga mata ko nang magsalita si Mommy sa harap ko. Iiling na sana ako nang tumango nalang bigla ang ulo ko.Okay, baliw na nga ako.Nakarinig ako ng mahinang tawa. Napatingin ako kay Mommy at nakita ko siyang natatawang napailing iling."Thank God, you're back, Thara. Miss na miss ko na 'yang kabaliwan mo." Napakurap kurap muna ako bago unti unting ngumiti sa sinabi ni Mommy. Hindi ko alam kung joke ba 'yon o kung ano. Kasi, hindi naman ako baliw. I'm normal.Niyakap ako ni Mommy kaya napayakap nalang din ako pabalik."Uhm..Thara? Sure ka ba talagang sasama ka sa amin? K-Kasi...Alam mo naman na alam na ng iba ang ginawa sayo ng isang Holmes." Tiningnan ako ni Mommy sa mata. Iniwas ko kaagad ang paningin ko sa kanya."Sinabi naman ni Daddy na hindi talaga gagawin iyon ni Allen, di ba? At saka, w-wala namang nangyari sa amin, Mie." May kung ano akong emosyon na pilit kong hindi dinaramdam para hindi mapansin ni Mommy.Ayokong mag isip ng kung anong madumi."O-Okay...Wala naman talaga sa plano na may mangyayari sa inyo. Don't worry. Hindi na iyon mangyayari ulit, hmm?" Hinaplos ni Mommy ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay. Tiningnan niya ako at saka nginitian. Pilit ko siyang nginitian bago niyakap para hindi niya makita ang bumubuong ekspresyon sa mukha ko.Naging mabilis ang oras. Gabi na nang matapos kaming mag ayos ni Mommy. Anniversary ng mag asawang Holmes. Not sure kung parents ba ni Allen. Madami kasing lalaking Holmes sa pamilya nila, kaya napakadami nilang magkapamilya.I don't know kung kaninong parents. At saka, hindi naman ako sasama para sa Party. Pupunta ako roon para isauli ang singsing na ilang araw na palang nasa daliri ko. At tanungin na rin si Allen kung ano ang ibig niyang sabihin sa kasal na isinulat niya sa papel."Are you ready?" rinig kong tanong ni Mommy sa likuran ko. Tiningnan ko sa malaking salamin ang kabuhuan ko. Agad akong napangiti nang makita kung gaano ako kaganda.Wala namang masama sa pagiging mahangin, di ba? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. At saka, wala naman akong tinatapakang tao."Sa tingin mo, Mie. Sobrang ganda ko ba?" tanong ko. Nilingon ko si Mommy nang nakataas ang dalawang pares ng kilay.Nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa naghihintay kong mukha."Oo. Kanino ka pa ba magmamana ng kagandahan? Alangan naman hindi ako magsabi ng totoo. Parang trinaydor ko na din ang sarili ko," sinabi ni Mommy sabay tawa ng mahina. Nakatingin lang ako sa kanya ng may magandang kurba sa labi.May pinagmanahan pala talaga.Ibinaling ko pabalik ang sarili ko sa salamin. Ano kaya ang papasok sa isip niya kapag nagkita kami at makita niya ang suot ko?Napailing iling agad ako at saka sinalubong ang dalawang kilay. Bumuga ako ng hangin. Tiningnan ko ang daliri kong may singsing at itinaas iyon malapit sa mukha ko para makita ng buo sa salamin. Tiningnan ko ulit ang singsing.Napakaganda.Natigil ako sa pagtitig sa singsing nang may magsalita sa pintuan. Si Daddy. Pinapasok siya ni Mommy sa kuwarto. Kaya pala wala na akong maramdaman na presensya sa likod ko kanina."Are you both done? Nasa labas na si Faxon." Nilingon ako ni Daddy at nakita ko agad ang ngiti sa labi niya nang tingnan niya ang kabuhuan ko. Ngayon ko lang ulit nasilayan ang ngiti niyang 'yan."You look good, Anthara." Agad akong napangiti nang sabihin iyon ni Daddy."Thank you. You too, Dad. Bagay po sa inyo 'yang dark grey suit...and you too, Mie. You look gorgeous." Ngiti lang ang natanggap ko kay Daddy habang si Mommy naman ay natawa pa at napailing iling habang nakatingin sa akin."Let's go?" tumango ako at saka kumapit sa nakalahad na braso ni Daddy. Nakita ko rin na kumapit rin si Mommy sa kabila kaya napangiti akong nakatingin sa kanya.Naglakad kami papalabas ng bahay. Even though sobrang laki nito, mas gusto kong tawag dito ay bahay. Ayokong maging masyadong sosyal. Para ka daw maarte kapag ganoon.Nakita kong may maganda at malapad na kotse nang ilang hakbang nalang ay makakalabas na kami ng bahay. May taong nakatayo pero nakayuko roon. Kung titingnan, medyo mahaba ang buhok nito. Kulay itim ang kanyang buhok. Nakapangpormal rin siyang suot.Nang tiningnan nito kung sino ang paparating, doon ko lang nakita ang mukha niya. Humarap sa amin ang mukhang teacher na pinsan ni Allen at saka ngumiti na bumati kila Mommy at Daddy.So, siya si Faxon?"Good Evening, Miss Thara." Tipid na ngiti lang ang isinauli ko sa masaya niyang ekspresyon."Anthara, This is Faxon. Isa siya sa mga bumisita sa atin noong nakaraang araw." Tinanguan ko kaagad si Daddy ng ipakilala niya sa akin si Faxon.Hindi na siya mukhang teacher ngayon. Napakapormal na ngayon ng suot niya at bumagay iyon sa klase ng gupit ng buhok niya."Pasok na po tayo?" ilang segundo ang nawala bago ulit may nagsalita. Si Faxon. Pinapasok niya kami sa loob ng magarang kotse bago siya sumunod sa pagpasok. Nakita kong may agad na pumasok rin na tao sa may driver seat.Naramdaman ko kaagad ang paggalaw ng kotse. Napatingin ako sa gilid ko ng may naramdaman akong mata na nakatingin sa akin."Bakit?" tanong ko kay Faxon nang lumingon ako sa mga mata niyang kanina pa ako pinagmamasdan.Umiling iling siya at saka ngumiti. "Are you wearing make up?" tanong niya."H-Hindi. Hindi ako marunong non, e. Powder lang ang inilagay ko sa mukha ko." Napalunok ako matapos kong masagot ang tanong niya. Nakita ko siyang tumango tango at saka ako ulit nginitian.Pilit ko siyang nginitian dahil sa ka-awkwardan na nangyayari sa amin. Sa bintana ng kotse nalang ako tumingin para maiwasan ang mga tanong niya. Nasa likod namin sila Mommy. Hindi nila kami naririnig dahil may kanya din silang pinag uusapan ni Daddy."Close kayo ni Allen?" hindi ko siya nilingon ngunit nagulat ako sa tanong niya. Gusto kong tumango ngunit parang napaka ilusyonada ko na para gawin iyon."H-Hindi ko alam, e..." iyan lang ang naisagot ko."Hmm...Nga pala. Bakit ganon ka makatingin sa akin nong bumisita kami sa inyo?" tanong niya dahilan para mapasinghap ako. Whatttt? Nakatalikod siya noong nakatingin ako sa kanya, ah!Hindi ako nagsalita. Nakaupo lang ako habang inaalala ang pagkakatitig ko kay Faxon at pagkakataas ng kilay ni Allen nang makita niyang kay Faxon ang mga mata ko.Kahit sa tanong pa ni Faxon, naaalala ko pa rin siya. Letse, kapag ako nabaliw, siya talaga sisisihin ko. Siya una kong sasabunutan."Oh...wala kang explaination don?" nabigla ako ng napakalapit na ng boses ni Faxon sa tainga ko. Napalunok ako at nag isip ng sasabihin."Uh...h-hindi naman ikaw 'yong tinitingnan ko non," sinabi ko. Napapikit ako ng marinig ang mahina niyang tawa malapit sa tainga ko.Bakit ba sobrang lapit niya?"Sorry...nabigla ba kita?" tanong niya sabay halakhak. Naramdaman kong medyo lumayo na siya sa akin.Napabuga ako ng hangin dahil sa kadaldalan niya. Ayokong sobrang lapit ng tao sa akin. Lalo na kapag hinahawakan ako.Naramdaman kong huminto ang sinasakyan naming sasakyan. Huminto kami sa isang napakalaking bahay-I mean, mansyon. Nakita kong lumabas ng sasakyan iyong nagdrive sa amin. Sinundan ko lang kung saan siya patungo. Naglakad siya papasok sa loob ng mansyon at ilang segundo pa ang lumipas, hindi na siya bumalik."Hey...galit ka ba?" rinig kong tanong ng nasa gilid ko. Kanina niya pa ako tinatanong kung napikon daw ba ako sa paglapit niya sa akin.Hindi ko talaga lubos maisip na ganito pala kadaldal ang lalaking 'to. Kasi, noong nasa bahay sila namin, mukha talaga siyang masungit at minsan lang nagsasalita."Anthara, Anak?" agad akong napatingin sa likuran ko ng magsalita roon si Mommy. "Pumasok na kayo ni Faxon sa loob. Baka naghihintay na ang mga magulang niya sa kanya." Nginitian ako ni Mommy at nakita kung tiningnan niya si Daddy."Oh, no, Tita. Hindi ako hahanapin ng mga 'yon. We can go inside. Pero kung gusto ni Thara na maglibot libot muna sa loob, I can tour her naman." Lumingon ko ng nakakunot ang noo si Faxon nang bigla nalang siyang sumabat. Ngingiti niya lang ako na sinulyapan bago humarap sa pintuan ng kotse. Nakita kong binuksan niya iyon at saka agad na lumabas.Nakarinig ako ng mahinang tawa sa likod. Liningon ko si Mommy at nakita ko siyang umiiling na nakatingin sa nakatalikod na si Faxon."He's a good guy, Thara. He won't hurt you. Don't worry, hindi ka niya hahawakan," sinabi ni Mommy habang may ngiti sa labi.Lumabas ako ng kotse ng nakakunot ang noo dahil bigla nalang nawala si Faxon.Nang hahanapin ko na sana si Faxon, napabaling muna ako kay Daddy ng magsalita siya habang nakaupo pa rin sa tabi ni Mommy sa loob ng kotse."Be careful, Anthara." Tumango ako sa habilin ni Daddy sa akin. Nakita kong tumango rin siya at saka sinarado ang pinto ng kotse. Nakita kong may pumasok agad na ibang lalaki sa loob ng sinasakyan nila. Umandar ang kotse. Ilang segundo, nakita kong nasa ibang gate ng mansyon pumason ang kotseng sinasakyan nila Mommy.Ano'ng gate iyon?Tumalikod na ako para sana hanapin si Faxon. Ngunit, nang hahanapin ko na sana siya, may nakita akong babaeng natatawang naglalakad papasok din sa loob ng mansyon. May kasama siyang matangkad na lalaki na ang hinala ko ay si Faxon.Nakakapit ang isa niyang kamay sa bewang ng babae. Malapit lang ang bibig niya sa tainga nito at parang may ibinubulong bulong siya ditong dahilan para matawa ang babae.Whattttt theeee heckkkkk?Iniwas ko kaagad ang paningin ko sa kanila nang maglakad sila ng dire-diretso papasok sa loob ng mansyon.Bwisit, akala ko ba ililibot niya ako sa loob?"Thank God you're here." Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng malambing na boses banda sa may likuran ko. Dahan dahan akong humarap sa may ari ng boses. Kilalang kilala ko ang may ari nito.Si Luis.Nakita ko siyang nakatayo malapit sa isang magarang kotse. Nakangiti siya at medyo pagod na nakatingin sa akin. Halos takbuhin ko na ang paglapit sa kanya nang ibinuka niya ang mga braso niya na para bang inuutusan akong yakapin ko siya.Nang malapit na ako sa kinatatayuan niya, gusto kong tanungin ng ilang tanong ang mga paa ko kung bakit ang nga ito tumigil dahil lang sa presensya ng lalaking may kulay abong mga mata na ngayon ay matalim na nakamasid sa akin.Allen.Nasa ika apat na kotse si Allen. Nakaparking ang kotseng sinasakyan niya katabi ng kotse ni Luis. Nakita ko pang may tao rin sa loob ng kotse niya. Ngunit, hindi ko masyadong makita kung ano o sino ang katabi niya."Hey, hindi mo man lang ba ako yayakapin? Natatakot ka pa rin ba na mahawakan?" rinig kong tanong ni Luis sa akin. Hindi ako makabaling ng tingin kay Luis. Hindi ko alam kung bakit. Napakatalim ng titig niya. Parang tinitingnan niya kung may gagawin ba akong mali.Aatras na sana ako kay Luis nang bubuksan na sana ni Allen ang kotse niya para makalabas, ngunit nang makita kong ang kasama niya sa loob ng kotse niya ay isang babae, napahinto agad ako. Mahaba ang buhok nito at maputi. Sobrang lapit nila sa isa't isa dahil sumilip ang babae sa bintana ng kotse.Agad na napakunot ang noo ko. Naguguluhan na nakatingin sa pikon niyang mukha ang babae. Habang siya ay magkasalubong ang kilay na nakamasid sa amin ni Luis.Hindi ko alam na mahilig din pala sa babae si Allen."H-HALI KA NA, LUIS!" medyo napataas ang boses ko ng sabihin ko iyon kaya agad na napakunot ang noo ni Luis.Hindi ko na pinansin ang balak niya sanang sabihin. Hinawakan ko na ang kamay niya at tumalikod na. Hindi na ako tumingin kila Allen nang makita ko iyong babae."Hey, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Luis na ngayon ay sumusunod sa akin. Papasok na kaming mansyon. Kanina niya pa ako tinatanong kung may problema ba. Iling lang ang sagot ko sa kanya kaya tanong pa rin siya ng tanong."Sigurado ka? Namumutla ka kanina, e." Napalunok ako nang ibulong niya nalang iyong huling salita. Huminto siya sa paghakbang kaya napahinto din ako dahil hawak ko pa rin ang kamay niya.Nilingon ko siya. Nakita kong nakataas ang kaliwang kilay niya."Are you sure wala kang nakitang multo or something na nakapagpaputla sayo?" napabuga agad ako ng hangin nang tanungin niya iyon."Wala akong nakita, okay?" naalala ko na naman ang pagmumukha ng Allen na iyon. Bwisit. "A-Ang lamig kasi don kaya...ka
ILANG beses ko ng pinilit na tapusin ang pagkakahalik ni Allen sa akin. Ilang ulit ko na siyang tinulak ngunit hindi man lang siya natinag. Mas dinikit niya pa lalo ang katawan niya sa katawan ko.Kitang kita ko kung gaano siya nang aasar sa ginagawa niya. Dinidilat niya ang mga mata niya kapag tinutulak ko siya tapos bibilisan pa ang paggalaw ng labi niya sa labi ko.Aaminin ko, gusto ko ring pumikit at namnamin ang labi niya, ngunit ano'ng karapatan ko kung gagawin ko iyon?Wala na rito ang babaeng tumawag kanina kay Allen. Umalis na ito kaagad nang makarecover sa pagkakagulat. Nakakapagtaka nga at hindi niya man lang ako sinugod o sinabunutan man lang. Kasi, di ba. Baka isa na naman iyon sa babae ni Allen. May babae na nga siya kanina sa kotse niya, meron na namang bago."Ay Diyos ko, patawad po ma'am, sir!" gulat na napatingin ako sa pintuan ng kuwarto, may nakatalikod na matandang babae at papaalis na ito ng kuwarto.Holy shoes!Iniwas ko kaagad ang labi ko kay Allen. Pilit man n
"ANAK, DITO!" sabay kaming napabaling ni Luis sa sumigaw nang luminga linga kami para sana maghanap ng panibagong uupuan."Mommy!" napangiti agad ako nang tumayo siya at si Daddy. Naglakad ako papuntang malapad na mesa nila. Hinay hinay lang akong papunta sa kanila dahil madami pang taong nakatayo at baka magtulakan pa kapag nagkamali ako ng hakbang."Dahan dahan lang." Halos mapatalon ako nang may biglang humawak sa bewang ko at bumulong ng sobrang lapit sa tainga ko."L-Luis, ano ba! Nakakagulat ka, alam mo ba 'yon? Bwisit." Mahinang tawa lang ang nagawa niyang iparinig sa akin matapos ko siyang inis na tiningnan. Hay nako.Naglakad kami papalapit kila Mommy na ngayon ay awkward na nakatingin sa amin. Napakunot ang noo ko at saka napabaling sa mga kasama nila. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang sila Tito Fanio at ang asawa nitong si Tita Kace pala ang kausap nila."Ija…remember your Tita Kace? Iyong sumama sa inyo ni Luis mamasyal noong elementary kayo?" ngumiti ako at tu
"ANONG ngiti 'yan, ah?" napabaling ako sa boses na nanggagaling sa gilid ko. Napangiti ako bago umiling kay Mommy."Wala po. Malapit na po ba tayo?" tiningnan ko ang labas ng bintana nitong kotseng sinasakyan namin. Paalis na kaming mansyon. Nakapagpaumanhin na rin ako kila Tita kanina dahil sa pagsigaw ko kay Luis. Mabuti nalang at naiintindihan nila. Kaso, mukhang hindi pa maayos kay Luis ang pagsigaw ko at pag alis sa harapan niya ng ganon ganon nalang kanina.Ilang minuto lang kaming ipinagdrive ng driver papuntang bahay namin. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan sa harap ng bahay, agad akong nagpasalamat sa driver at saka dali dali sila Mommy na hinalikan sa pisngi.Kita ko man sa mga mukha nila ang pagkabigla, tumalikod rin ako at tumatakbong nakangiti papuntang loob ng bahay.Nang makapasok, pumunta agad akong kuwarto. Binuksan ko ang pintuan nito at saka mas lalong napangiti nang makita ang malambot kong kama. Tumakbo ako ng napakabilis papunta roon at saka pa tumayo sa kama.
"L-LUIS, tama na. Umalis nalang tayo." Agad na napabaling ang ulo ni Luis sa akin. Ang pikon na ekspresyon niya ay kaagad na napalitan ng naguguluhan. Ngunit, dahan dahan pa rin siyang tumango at tipid na ngumiti sa akin.Halos mawala ang mga mata ko sa gulat at kaba nang mapabaling ang ulo ko sa lalaking ngayon ay hawak hawak na ang kwelyo ni Luis."Al, Huwag mo ng patulan!" rinig kong sigaw ni Damaris na nasa gilid ko na pala at naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang pulso ko. Inilakad niya ako papuntang exit ng Cafe. Habang si Faxon ay inaawat na ang dalawa dahil kaunting tulakan nalang nila ay magsusuntukan na sila.Lumingon ako kila Allen nang nanunubig ang mga mata. Malapit na kami ni Damaris sa labas ng pintuan ngunit tumigil pa rin ako para lang tingnan kung ano na ang nagaganap sa dalawa.Gusto kong tumakbo at puntahan sila para patigilin. Lalo na si Allen. May dugo na siya sa kanyang labi at ang kanyang dibdib ay tumataas baba na."A-Allen…" bulong ko. Nakita kong itinul
"GOD! Ayos lang naman kung maghalikan kayo, e. Basta huwag mo na 'yang ganyan!" halos mapatalon ako dahil sa sigaw ni Mommy. Nandito ako ngayon sa kuwarto nila at nahihiya ako dahil sa nadatnan nilang posisyon namin ni Allen kanina.Masakit pa ang likod ko dahil sa bilis ng pagkakatulak nila kanina sa pintuan."M-Mie, wala, okay? Walang mangyayari. Nadaganan ko lang siya dahil sa pagkakatulak niyo sa pintuan." Iniwas ko ang tingin ko sa kanila.Narinig ko kaagad ang tikhim ni Mommy. Tiningnan ko siya at nakita kong hindi mapalagay ang mukha niya. Ganoon din kay Daddy. Ngunit, hindi mo masyadong makikita iyon dahil umiiwas siya sa mga mata kong naguguluhan.Galit ba sila?"Bakit?" tanong ko nang nagtataka ang ekspresyon. Ang gulo ng mga mukha nila. Tiningnan ako ni Daddy at saka napabuga ng hangin."Hindi ko alam na mangyayari 'to. Na magagawa niya 'to."Ha?"Sino? Ano'ng ginawa?" nakakunot na ngayon ang noo ko.Bigla bigla nalang silang naging ganito. At kanina pa ako nagtataka kung b
"A-ALLEN?" tawag ko sa nakagapos ngayon sa katawan ko. Nakayakap pa rin ng mahigpit sa akin si Allen at mukhang walang balak akong pakawalan sa mga bisig niya."I-Ijo? Pwede ba naming mahiram muna si—" nabigla ako nang magsalita si Mommy sa gilid ko. Ngunit, mas nagulat ako nang agad na bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Allen at saka mabilis na lumingon kay Mommy.Nakita kong napayuko kaagad si Mommy nang makalingon na si Allen sa kanya. Nakita kong sinulyapan muna ako ni Allen bago tumango kay Daddy na ngayon ay nasa likod na ni Mommy. Wala na siyang kausap at sa tingin ko, kanina pa nakalabas ang mga lalaking kausap niya kanina."A-Allen…saan ka?" tanong ko nang maglakad siya papuntang pintuan nitong kuwarto.Lumingon siya sa akin at saka ako ilang segundo na tiningnan sa mata. Nakita kong ngumiti siya bago napailing iling na humarap ulit papuntang pintuan.Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.Halos sampalin ko na ng pagkalakas lakas ang ulo ko dahil sa naisip ko.Paano niya
HINDI na ako lumabas o sumunod man lang kay Mommy nang bumalik siya sa labas ng kuwarto at pumuntang kainan nitong resort kung saan daw nandoon si Daddy.Sigurado akong nadoon din si Luis dahil kasama nila si Tito Fanio. Ayokong pumunta doon at makipagplastikan sa kanya at sa Mama niyang wala ng alam kung hindi pagalitan o tanungin si Mommy ng milyon milyong mga tanong about sa pagkakaibigan nila ni Tito Fanio.Napatingin ako sa malapit na lamesa dito sa kama. May maliit na orasan doon at halos mag gagabi na pala dahil sa tagal na nagkulong ako dito sa kuwarto. Kanina pang lunch lumabas si Mommy at ngayon, mag gagabi na ng hindi ko man lang napansin.Umalis ako sa kama at naglakad papuntang teresa nitong kuwarto. Balak ko munang magpahangin para naman kahit sandali ay mawala sa isipan ko ang dalawa.Ngunit, bago ako humakbang roon. Napatingin na ako sa pinto nang medyo may ingay na nabuo roon. Tiningnan ko muna ang nasa labas ng pinto. At nong masiguradong walang tao, pumunta na akong
ILANG linggo na ang nakalipas, but still, I am here, kissing my wife na para bang ilang taon siyang nawala sa akin."A-Al, ano ba!" Nagluluto siya ngayon ng pagkain naming dalawa habang ako ay nasa likuran niya at iniistorbo siya.Napatawa ako ng mahina at saka pinagpatuloy pa ang paghalik sa batok niya. Ang sarap niyang inisin. Ngunit, kailangan ko rin limitahan iyong ginagawa ko. Ayokong iwasan niya ako 'pag nagalit ko na siya ng tuluyan."Umupo ka na," utos niya. Kaagad ko siyang sinunod at saka naghintay na sa lamesa. Nakita kong umupo siya sa harapan ko. Inilapag niya iyong ilang mga naluto niya kanina noong wala pa ako.Kanina kasi nang hindi pa ako dumating sa bahay nila, ni isa wala pa siyang naluto. Sinabi sa akin ni Tito Ed na mahilig raw magluto si Thara, so I asked her kung totoo nga ba iyon ng tuluyan na akong makabisita sa kanila. Hindi niya naman iyon itinanggi kaya naging madali lang sa aking paglutuin siya para sa hapunan naming dalawa.Napangiti ako nang mukhang masa
Allen HolmesI WAS stunned. For a moment, I though it was just my brain who's making this things up."Anak!" Nang marinig ang boses ni Mama, kaagad ko siyang nilingon at saka ko nakita silang lahat na magkakasama. Ibinalik ko iyong paningin sa asawa ko na ngayon ay nakahiga na sa lupa habang uubo ng dugo.Hindi ako makagalaw. Parang humina iyong oras dahilan para hindi kaagad ako makapagreak. Napailing iling ako at saka gumalaw.Dali dali kong nilapitan si Thara na ngayon ay nahihirapan. Kaagad na nanginig ang mga kamay ko ng mabuhat ko siya papaharap sa akin.Dugo. Napakaraming dugo ang nasa balikat at bibig niya. Napasinghap ako at nangilid ang mga luha sa mata.Dream. Panaginig lang 'to lahat.Ilang beses akong suminghap hanggang sa napansin ko ang mga taong nakapaligid na ngayon sa amin ni Thara.Damn it!Nilingon ko si Trisha. Kitang kita ko sa ekspresyon niya ang gulat habang nakatitig sa aming magkalapit ni Thara. She's still holding her gun na siyang dahilan ng pagsuka ng dugo
Anthara Murillo"B-BABY!" Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy. Muntik lang akong mahulog sa kinahihigaan ko, bumangon agad siya at saka lumapit sa kinaroroonan ko. Tipid akong napangiti dahil sa napapansin kong mga galaw niya."A-Are you okay? May...masakit ba? Asan? Saang parte ng katawa—""M-Mie, ayos lang ako." Hindi ko mapigilan hindi mapabuga ng hangin dahil sa hindi mapakali niyang ekspresyon. Alam kong nag aalala lang siya, ngunit, sa maliit lang na bagay?"S-Sorry. Baka kasi may masakit. Maayos ka na ba talaga?" Tumango ako. Naramdaman ko kaagad iyong dalawa niyang kamay na yumakap sa katawan ko."I really thank Him for giving you back to us." Napansin ko ang garalgal sa tono ng boses ni Mommy. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa mga naramdaman nila ni Daddy noong nawawala pa ako.Kung sana ay nag ingat lang ako at pinaglabaan ko iyong sarili ko. Puno rin kasi ng takot iyong reaksyon ko non kaya hindi na ako nakalaban pa. At kung lumaban pa ako, baka bumalik lang rin sa akin iy
MABILIS na pinaandar ko ang sasakyan ko papalayo roon sa building ni Luis at ng mga kasama niya. Nauna na akong umalis sa kanila habang sumisinghap.Shit! Shit!Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ko. Still, hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig kanina.Narinig kong nag ingay ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha iyon at saka nagpokus pa sa pagmamaneho."Damn! Nakita na si Thara!" sagot ni Faxon sa kabilang linya. Napangiti ako. So, it was true.Napapikit ako kahit na patuloy pa rin na gumagalaw ang sasakyan ko. I'm glad that she's safe now."Safe..." naibulong ko. Dinilat ko ang mga mata ko at saka inihinto ang sasakyan matapos maging minuto na ang segundo sa pagmamaneho. Lumabas ako ng sasakyan. Kaagad na naalerto ako nang makita ko ang mga pinsan ko sa labas ng Police Station. Nakita kong agad akong napansin ni Damaris. Naiiyak siyang napapikit bago dali daling tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako nang nasa harapan ko na siya."Al...nakita n-na siya..." Hindi ako nagsalit
Anthara Murillo"ANO'NG ibig mong sabihin?" tanong ko sa mapapel na babaeng 'to. Gustong gusto ko na siyang sugurin para makaganti sa pagkulong niya sa akin rito sa kuwarto, ngunit hindi ko kaya.Nakagapos iyong dalawang kamay ko ng makapal na lubid habang nakaupo sa kama. Ilang araw na ako rito. Ngunit, ngayon lang tuluyan na humarap sa akin ang babaeng 'to."I really don't get it kung bakit hindi tinuloy ni Luis iyong pagrape sayo noong araw na iyon." Naismid siya nang matalim ko siyang pagmasdan.Napakawalang hiya niya!"Kahit na napainom ko na siya non ng gamot, hindi niya pa din nagawa." Umiling iling siya habang may hawak na alak sa kanang kamay. Nakita ko siyang lumapit sa akin. Kaagad na napaalerto ako at saka siya mas sinamaan pa ng tingin.Bakit niya ba 'to ginagawa? Dahil ba sa pagmamahal niya sa lalaking mahal ko rin?Napatawa ako ng mahina kahit na umiinit na iyong gilid ng mga mata ko. Hindi pwedeng makita niya sa reaksyon ko na kinakabahan ako sa mga gagawin niya."Alam
"NAKAKAPAGSALITA ka?" tanong ni Faxon nang makaalis na kami sa mansion ng Lolo ko. Narito na kami ngayon sa opisina ng kompanya ko, nag iisip ng mga balak gawin para mapadali ang paghahanap kay Thara.I missed her, badly. Dahil sa kapabayaan kong magpauto sa kompanya ko, hindi ko siya nagawang iligtas.Napapikit ako. Sumandal ako sa swivel chair ko rito sa opisina at saka nag isip pa ng mga posible kong magawa para tuluyan ng mahanap si Thara.Ininom ko ang alak na nasa maliit na baso. Hawak hawak ko ito at nasa kanan kamay ko.Where is she? Kunti nalang at mababaliw na ako sa kakaisip kung ano na ngayon ang nangyayari sa kanya."Hey, nakakapagsalita ka nga?" Kanina pa tanong ng tanong ang isang 'to.Napapikit ako ng mariin."Damn, man. Magsalita ka naman." Binuksan ko ang mga mata ko. Hirap na hirap na nga ako sa isang salita pa lang. I can't even mention my own name. Kahit ang sa asawa ko. Salitang 'ra' lang ang kaya kong banggitin."Okay okay. I'm just curious, that's all. Come on.
Allen HolmesNASAAN siya? Hindi ko na tinapos pa ang mga mahahalagang papeles na kailangan ng lagyan ng perma ko.Si Thara. I can't reach her."Where the hell are you? Bakit ka umalis?" ang Lolo ko. Kanina niya pa ako tinatawagan ngunit agad ko rin na pinapatay ang tawag. Gusto niya akong pabalikin si opisina ng kompanya ko, ngunit ayoko. Alam kong nakabantay siya sa akin and I don't like it.Wala na sa atensyon ko iyong mga papeles na iyon. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang makitang ligtas ang asawa ko.Fanio texted me while I was busy dealing with my workers earlier. Sinabi niya sa mensahe na may gulo raw na nagaganap sa Hospital namin ngayon. I texted back and asked him where is my wife, but then, he didn't answer. Siya iyong nagbabantay ngayon sa Hospital dahil siya lang naman ang wala pang ginagawa sa kompanya. And, base sa ilang text ni Damaris sa akin kung ano na ang mga nangyayari sa kanila ni Thara, sinabi niyang pupunta na naman silang Ospital para bisitahin ang mga m
"BAKIT...hindi mo sinabi?" tanong ko kay Allen nang nasa harapan na kami ng kotse niya. Umalis ako nang kuwarto nila Mommy at saka dumiretso na sa labas ng Ospital. Ngunit, sumunod siya sa akin. Kaya ginawa ko ng pagkakataon iyon para matanong siya kung bakit niya iyon ginawa ng hindi ko man lang nalalaman.Hindi nag ingay si Allen. Nanatili lang ang paningin niya sa sasakyan niyang nasa gilid ko lang."A-Allen...ano ba talaga?" kanina pa gustong maglandasan ng mga luha ko pero, para ano pa? Para maramdaman niyang ayaw kong maikasal sa kanya?Well, no. Kasal na kami. Ang...kinaiinisan ko lang, e bakit hindi ko man lang nalaman? Bakit hindi niya man lang ako tinanong? Hindi ba may karapatan din ako? Ako iyong papakasalan niya.Nakakagulat man sa totoo lang iyong mga nalaman ko kanina, mas sobra sobra iyong inis ko sa kanya dahil sa hindi niya man lang muna ako tinanong."Alam mo...dahil sa mga ginawa mong iyon, iniisip ko kung baka alam mo na iyong sagot ko. Iniisip ko kung...baka pina
TIPID akong ngumiti kay Mommy nang tanungin niya kami ni Allen kung kumain na ba kami. Nakaupo kaming magkatabi ni Allen sa malapad na sofa habang iyong isang kamay niya ay nasa balikat ko nakalapat. Nasa harapan namin sila Mommy at Daddy ngunit tudo pa rin siya bulong sa akin ng salitang 'sorry'.Halos sampong beses na niya yata iyong binubulong sa tainga ko dahilan para mapansin na kami ni Daddy."May pinag uusapan kayo?" nakataas iyong isang kilay niya. Kaagad na umiling iling ako sa tanong ni Daddy."W-Wala po." Nginitian ko siya. Ilang segundo niya muna kaming pinagmasdan bago bumalik sa pakikipag usap kay Mommy na ngayon ay abala sa pag aayos ng mga pagkain sa lamesa."Sorry.." bulong ulit ng katabi ko. Kanina pa ako nakikiliti kaya tudo yuko ako at pasikritong pumipikit para hindi mapansin ni Daddy."Ayos na, okay? Tumigil ka na…" sinabi ko bago napasinghap. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang agad na pagtaas ng gilid ng labi niya. Hinalikan niya ako ng mabilisan sa pisngi dahi