"A-ANTHARA? Anak?" rinig kong tawag sa akin ni Mommy sa labas ng kuwarto ko. Ilang oras na akong nagkukulong dito. Natatakot akong lumabas. Wala na din sina Stephen at mga kaibigan niya. Nong pinaalis sila ni Daddy, dumating na din ang mga pulis para tingnan ang mga nagyayari.
"Mag usap tayo, please?" kanina pa si Mommy sa labas. Ngunit, hindi ko man lang siya sinagot o pinapasok man lang. Gusto kong mapag isa. Napakaraming tanong ang gusto kong masagot ng sarili ko.Bakit ang bilis? Bakit ang bilis kong sumunod sa mga sinasabi niya? Bakit...bakit naiisip ko pa rin kung ano ang nararamdaman niya ngayon samantalang alam ko naman na mali iyong gagawin niya sa akin simula nong pumasok kami sa kuwarto ko? Bakit hindi ko man lang siya itinulak o sinigawan man lang?Kakakilala palang namin, e! Bakit ganito agad?"Anthara, please! Kausapin mo si Mommy..." wala pa akong sapat na lakas para tumayo. Wala pa akong ganang makipag usap sa kung sino. Kahit na kila Mommy.Ipinikit ko ang mga mata ko. Nagbabakasakaling mawala kahit saglit ang mga iniisip ko. Pinilit ko ang sarili ko na matulog. Nagtagumpay naman ako. Ang huling narinig ko lang ay ang pagmamakaawa ulit ni Mommy na papasukin ko siya sa loob ng kuwarto ko.Nagising ako dahil sa kaunting init na naramdaman ko banda sa may pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko. Nakita kong bukas ng kaunti ang bintana ko sa harap. Gusto kong tumayo pero parang nakakapagod.Napatingin ako sa cellphone kong nasa gilid ko lang nang may nagtext roon. Hindi lang text. Kundi napakaramingtext, at tawag. Hindi ko pala napatay 'to.Kinuha ko ang cellphone ko at saka tiningnan ang mga mensaheng ipinadala ng halos lahat mga kakilala ko.Stephen:Sorry at nahuli kami kahapon. Ayos ka lang ba? Kung alam ko lang na gagawin niya iyon, edi sana sinapak ko na ang atay niya.Agad akong napangiti nang mabasa ang unang mensahe ni Stephen. Kahit na may pagkabading iyon, sweet at maalalahanin pa rin naman iyon. Lalo na sa mga pinsan naming babae.Mommy:Let's talk anak, please. :-(Alam kong nag aalala na sila sa akin. Na baka may gawin akong ikakapahamak ko. Kaso, hindi ko pa talaga gustong magpakita.Luis:Are you okay? Sinabi sa akin ni King ang nangyari. Sino kasama mo ngayon?Nang mabasa ang ikatlong mensahe, Ilang segundo muna akong napatunganga habang hawak ang cellphone ko. Hindi ako makapagreak.Si Luis?"Anak? Gising ka ba?" agad kong nabitawan ang cellphone ko nang makarinig ng katok sa labas ng kuwarto ko. Si Mommy."O-Opo..." napatingin ulit ako sa cellphone kong nahulog sa kama.No way! Nakabalik na ba siya?!"Anak..." napabaling ako sa nakasarado kong pintuan. Umupo ako sa kama. Inayos ko muna ang buhok ko at saka tiningnan sa salamin ang mukha ko kung maayos lang ba.Napabuga agad ako ng hangin nang makita ang pagod kong mukha. Inilagay ko pabalik ang maliit na salamin sa lamesa na nasa gilid ko. Umupo ako sa gilid ng kama. Tumayo ako ng dahan dahan para buksan na ang pinto ng kuwarto ko.Hindi ko pa sila gustong makausap. Ngunit, gusto kong siguraduhin kung nakabalik na ba ang kaibigan ko."T-Thara...Anak...Uhm, kamusta ang pakiramdam mo?" iyan agad ang ibinungad na tanong sa akin ni Mommy nang mabuksan ko ang pintuan.Pinilit kong ngumiti ngunit hindi pa kaya ng nararamdaman ko. Baka kasi kapag pinilit ko pa ang sarili ko, lalandas na naman ang mga luha kong walang tigil sa pagbagsak kahapon.Gusto ko na sanang magtanong, ngunit nakita kong napatingin si Mommy sa pisngi ko. Nabigla ako ng may nabuong luha sa gilid ng mata niya."I-I'm sorry, Anak..." bulong niya habang nakatingin sa mukha ko. Naguguluhan kong siyang tiningnan.Umiling iling siya. Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay."P-Patawarin mo si Mommy mo..." niyakap ako ni Mommy. Narinig ko na din ang hagulgol niya sa balikat ko habang nakayakap siya sa akin.Agad ko siyang niyakap pabalik. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nagsosorry. Ngunit, parang hindi ito ang tamang oras."Anthara.." napabaling ako sa gilid ko ng may magsalita roon. Nakita ko si Daddy na naglalakad papalapit sa amin ni Mommy.Nakita kong natigil si Mommy sa paghikbi. Tiningnan niya si Daddy. Nakita kong napayuko agad siya at napatingin sa akin."In my office. May pag uusapan tayo." Kay Daddy agad napunta ang tingin ko. Seryoso ang kanyang mukha ngunit parang hindi siya makatingin sa akin.Tiningnan niya si Mommy. "Come on." Napalunok agad ako ng marinig ang malamig niyang boses. Nakita kong tumango si Mommy at may kung anong emosyon na tumingin sa akin.Hinawakan niya ang kamay ko. Nag umpisa siyang maglakad ng tumalikod na si Daddy. Sumunod nalang din ako sa kanila.Nang nasa harapan na ng opisina, binuksan iyon ni Daddy ng walang alinlangan. Pumasok kami sa loob. Napunta kaagad ang atensyon ko kay Mommy ng magsalita siya."A-Ano'ng pag uusapan natin?" tanong ni Mommy nang makaupo na si Daddy sa kanyang swevil chair. Umupo din kami sa dalawang upuan na nasa harapan ng malapad na lamesa niya."Tungkol sa...nangyari kahapon." Nakinig lang ako sa mga pinag uusapan nila."Hindi pa siya maayos." Nilingon ko si Mommy. Nakayuko siya."Then, let's wait kung kailan maayos na siya para-""Para ano, Ed? Para makuha mo ang gusto mo?! Sa tingin mo ba tatanggapin ng anak natin ang mga pinanggagagawa ninyo!" napakunot kaagad ang noo ko. "God! Just tell her the truth, Ed!" Agad akong napatingin kay Mommy nang medyo tumaas ang kanyang boses. Nakita kong napatingin din siya sa akin. Iniwas niya kaagad ang paningin niya.Tiningnan niya ulit si Daddy. "Kapag may nangyaring masama sa anak natin, hinding hindi kita papatawarin!" tumayo si Mommy at naiiyak na tiningnan si Daddy."A-Ano'ng totoo?" tanong ko, hindi na makapagpigil na magtanong. Napabuga ng hangin si Daddy. Tumayo siya at naglakad papalapit kay Mommy bago ako tiningnan."It's just an act. Walang kasalanan si Allen."Naguguluhan kong tiningnan si Daddy."What act?" tanong ko. Nakatunganga akong humarap kay Mommy. Nakita ko siyang naiiyak na umiwas ng tingin sa akin."T-Teka nga. Ano'ng act? A-At, si Allen?" agad na napalitan ang naguguluhan kong ekspresyon ng inis. Tumayo ako at tiningnan ang reaksyon ni Mommy. May hinala akong may hindi sila sinasabi sa akin.Nakita kong napayuko si Mommy at napayakap sa dibdib ni Daddy. Rinig ko ang hikbi niya roon.Si Allen."S-Si Allen? Walang kasalanan? B-Bakit, Dad? Bakit walang kasalanan si Allen!"Tiningnan ko si Daddy nang nagmamakaawa. Ngunit, ganoon din ang ginawa niya. Iniwas niya rin ang paningin niya sa akin."Ayaw niyang maikasal kay Trisha. Fanio said, Allen knows what Trisha's going to do kapag naikasal na sila." Naguguluhan ko pa rin na tiningnan si Daddy ng magsalita siya.Sino si Trisha? Anong kasal?"Kasal? Si Allen? Si Allen ikakasal?" may tabang sa tanong ko, inaamin ko 'yon.Ilang segundo pa bago ko narinig ang sagot ni Daddy."Yes." Bagsak ang balikat akong napayuko. "Pero ayaw niyang maikasal sa babaeng pera lang ang habol sa kanya at sa pamilya niya. That's why Fanio and I decided na tulungan siya." Napatingin ako kay Daddy."B-Bakit tumutulog si Tito Fanio? Alam din ni Tito Fanio?" tanong ko. Yumuko ako ng kaunti para pahiran ang bumagsak kong luha.Hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit ginawa iyon ni Allen. Dahilan bang manggamit siya ng ibang babae para lang hindi maikasal sa Trishang 'yon!"That's why pinapunta ko kayo dit-" naputol ang sasabihin ni Daddy ng makarinig kami ng katok sa labas ng opisina.Nakita kong tiningnan muna ako ni Daddy bago binitawan si Mommy sa pagkakayakap. Naglakad siya papalapit sa pintuan. Habang ako, hindi mapakali."You're here." Sabay kaming napalingon ni Mommy sa pintuan ng magsalita si Daddy.Halos hindi ako makagalaw ng makita kung sino sino ang nasa labas ng pinto. Nakatayo roon ang isang matangkad na lalaking dahilan ng pag iyak ko kahapon.Allen.May mga kasama siyang kasing edad niya lang at matatangkad din. May nakita pa akong humabol sa kanila. Si Tito Fanio."Nandito siya." Lumingon sa akin si Daddy. Ngunit, hindi siya ang tinitingnan ng mga mata ko.Napalunok ako ng inumpisahan na niyang ihakbang ang mga paa niya papasok.Lumingon ako kay Mommy. Nakita kong nakatingin siya sa akin. Napakabilis ng kurap ko, dahil na rin siguro sa nararamdaman kong kaba.Ibinalik ko ang tingin sa naglalakad. Nang magkasalubong ang kulay abo niyang mga mata at ang mga mata ko, hindi ako makapagsalita. Parang hindi ako makahinga ng maayos. Ramdam kong medyo tumataas at bumababa ang dibdib ko dahil sa kaba."A-Allen..Ijo..." rinig kong tawag ni Mommy. Napalunok ako. May sasabihin ba siya?Nakita kong tumigil sa paghakbang si Allen. Sa akin pa din ang mga mata niya. Halos mawala ang lahat ng dugo ko sa mukha nang tumaas ang gilid ng labi niya bago humarap kay Mommy. Iginalaw niya ang mga kamay niya at saka ako ulit sinulyapan.Gusto kong sapakin ang sarili ko para ipaalala ang ginawa niyang pambabastos sa akin kahapon.Ngunit, bakit parang may nararamdaman pa rin akong kakaiba sa sarili ko dahil lang sa ngumiti siya? Baliw na ba ako? Or, baka naman may mali na sa utak ko.PASULYAP sulyap lang ang ginagawa ko kay Allen at sa mga pinsan niya din kuno na ngayon ay kausap nila Daddy sa inuupuan kanina naming upuan sa harap. Nasa sofa na kami ng opisina. Kasama ko pa rin si Mommy. Nakayuko lang siya at tahimik.Gusto ko ng umalis at bumalik sa kuwarto ko dahil sa kabang kanina pa ako sinaniban.Ulit, Sinulyapan ko ang nasa harapan. Nakatayo si Allen at ang dalawang pinsan niya sa gilid ni Tito Fanio. Habang ang isa niya namang pinsan ay nakaupo sa inuupuan ko kaninang upuan.Agad kong iniwas ang paningin ko ng muntik niya ng hulihin ng mga mata niya ang mata ko. Kanina pa kami panakaw sa isa't isa ng tingin. Kapag nakayuko ako, ramdam ko kaagad ang titig niyang halos baliwin ako sa pag iisip."Sa papel nalang para madali. Marami na ang nasakripisyo ng pamangkin ko. Mas okay kung tayo lang ang nakakaalam para hindi na gumawa ng eksena iyong babae." Nakinig lang ako sa pag uusap nila Tito Fanio at Daddy. Napakadami ko pang tanong na gustong itanong kay Daddy
"SIGURADO ka bang ayos lang ang suot ko, Mie?" tanong ko kay Mommy habang umiikot na nakatingin sa malaking salamin ng kuwarto nila Daddy.Dalawang araw na ang nakalipas simula noong bumisita sila ni Allen sa bahay. Gusto kong sumama ngayon kila Mommy dahil may mahalaga akong itatanong sa may ari ng kulay abong mga mata. Letse na 'yon! Hindi ako pinatulog ng dalawang araw!Nang bumalik kasi akong opisina ni Daddy para sana silipin kung nandoon pa ba siya, may nakita akong papel malayo layo sa pintuan ng opisina. Doon ko lang naalala na may ibinigay palang papel sa akin non si Allen. Dahil siguro sa pagmamadali ko, nahulog ko 'yong papel.Hay nako, naiinis ako!Bakit ba iyon ang isinulat niya don? Ano niya ba ako?"Oo nga! You look cute." Tiningnan ko si Mommy. Nakangiti siya habang nakatingin sa puting dress na suot ko.Agad napunta ang atensyon ko sa cellphone ko nang sandali itong nag ingay. Nasa harapan lang ng kama ito nakalagay. Malapit lang kami sa kama kaya rinig na rinig agad
"H-HALI KA NA, LUIS!" medyo napataas ang boses ko ng sabihin ko iyon kaya agad na napakunot ang noo ni Luis.Hindi ko na pinansin ang balak niya sanang sabihin. Hinawakan ko na ang kamay niya at tumalikod na. Hindi na ako tumingin kila Allen nang makita ko iyong babae."Hey, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Luis na ngayon ay sumusunod sa akin. Papasok na kaming mansyon. Kanina niya pa ako tinatanong kung may problema ba. Iling lang ang sagot ko sa kanya kaya tanong pa rin siya ng tanong."Sigurado ka? Namumutla ka kanina, e." Napalunok ako nang ibulong niya nalang iyong huling salita. Huminto siya sa paghakbang kaya napahinto din ako dahil hawak ko pa rin ang kamay niya.Nilingon ko siya. Nakita kong nakataas ang kaliwang kilay niya."Are you sure wala kang nakitang multo or something na nakapagpaputla sayo?" napabuga agad ako ng hangin nang tanungin niya iyon."Wala akong nakita, okay?" naalala ko na naman ang pagmumukha ng Allen na iyon. Bwisit. "A-Ang lamig kasi don kaya...ka
ILANG beses ko ng pinilit na tapusin ang pagkakahalik ni Allen sa akin. Ilang ulit ko na siyang tinulak ngunit hindi man lang siya natinag. Mas dinikit niya pa lalo ang katawan niya sa katawan ko.Kitang kita ko kung gaano siya nang aasar sa ginagawa niya. Dinidilat niya ang mga mata niya kapag tinutulak ko siya tapos bibilisan pa ang paggalaw ng labi niya sa labi ko.Aaminin ko, gusto ko ring pumikit at namnamin ang labi niya, ngunit ano'ng karapatan ko kung gagawin ko iyon?Wala na rito ang babaeng tumawag kanina kay Allen. Umalis na ito kaagad nang makarecover sa pagkakagulat. Nakakapagtaka nga at hindi niya man lang ako sinugod o sinabunutan man lang. Kasi, di ba. Baka isa na naman iyon sa babae ni Allen. May babae na nga siya kanina sa kotse niya, meron na namang bago."Ay Diyos ko, patawad po ma'am, sir!" gulat na napatingin ako sa pintuan ng kuwarto, may nakatalikod na matandang babae at papaalis na ito ng kuwarto.Holy shoes!Iniwas ko kaagad ang labi ko kay Allen. Pilit man n
"ANAK, DITO!" sabay kaming napabaling ni Luis sa sumigaw nang luminga linga kami para sana maghanap ng panibagong uupuan."Mommy!" napangiti agad ako nang tumayo siya at si Daddy. Naglakad ako papuntang malapad na mesa nila. Hinay hinay lang akong papunta sa kanila dahil madami pang taong nakatayo at baka magtulakan pa kapag nagkamali ako ng hakbang."Dahan dahan lang." Halos mapatalon ako nang may biglang humawak sa bewang ko at bumulong ng sobrang lapit sa tainga ko."L-Luis, ano ba! Nakakagulat ka, alam mo ba 'yon? Bwisit." Mahinang tawa lang ang nagawa niyang iparinig sa akin matapos ko siyang inis na tiningnan. Hay nako.Naglakad kami papalapit kila Mommy na ngayon ay awkward na nakatingin sa amin. Napakunot ang noo ko at saka napabaling sa mga kasama nila. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang sila Tito Fanio at ang asawa nitong si Tita Kace pala ang kausap nila."Ija…remember your Tita Kace? Iyong sumama sa inyo ni Luis mamasyal noong elementary kayo?" ngumiti ako at tu
"ANONG ngiti 'yan, ah?" napabaling ako sa boses na nanggagaling sa gilid ko. Napangiti ako bago umiling kay Mommy."Wala po. Malapit na po ba tayo?" tiningnan ko ang labas ng bintana nitong kotseng sinasakyan namin. Paalis na kaming mansyon. Nakapagpaumanhin na rin ako kila Tita kanina dahil sa pagsigaw ko kay Luis. Mabuti nalang at naiintindihan nila. Kaso, mukhang hindi pa maayos kay Luis ang pagsigaw ko at pag alis sa harapan niya ng ganon ganon nalang kanina.Ilang minuto lang kaming ipinagdrive ng driver papuntang bahay namin. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan sa harap ng bahay, agad akong nagpasalamat sa driver at saka dali dali sila Mommy na hinalikan sa pisngi.Kita ko man sa mga mukha nila ang pagkabigla, tumalikod rin ako at tumatakbong nakangiti papuntang loob ng bahay.Nang makapasok, pumunta agad akong kuwarto. Binuksan ko ang pintuan nito at saka mas lalong napangiti nang makita ang malambot kong kama. Tumakbo ako ng napakabilis papunta roon at saka pa tumayo sa kama.
"L-LUIS, tama na. Umalis nalang tayo." Agad na napabaling ang ulo ni Luis sa akin. Ang pikon na ekspresyon niya ay kaagad na napalitan ng naguguluhan. Ngunit, dahan dahan pa rin siyang tumango at tipid na ngumiti sa akin.Halos mawala ang mga mata ko sa gulat at kaba nang mapabaling ang ulo ko sa lalaking ngayon ay hawak hawak na ang kwelyo ni Luis."Al, Huwag mo ng patulan!" rinig kong sigaw ni Damaris na nasa gilid ko na pala at naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang pulso ko. Inilakad niya ako papuntang exit ng Cafe. Habang si Faxon ay inaawat na ang dalawa dahil kaunting tulakan nalang nila ay magsusuntukan na sila.Lumingon ako kila Allen nang nanunubig ang mga mata. Malapit na kami ni Damaris sa labas ng pintuan ngunit tumigil pa rin ako para lang tingnan kung ano na ang nagaganap sa dalawa.Gusto kong tumakbo at puntahan sila para patigilin. Lalo na si Allen. May dugo na siya sa kanyang labi at ang kanyang dibdib ay tumataas baba na."A-Allen…" bulong ko. Nakita kong itinul
"GOD! Ayos lang naman kung maghalikan kayo, e. Basta huwag mo na 'yang ganyan!" halos mapatalon ako dahil sa sigaw ni Mommy. Nandito ako ngayon sa kuwarto nila at nahihiya ako dahil sa nadatnan nilang posisyon namin ni Allen kanina.Masakit pa ang likod ko dahil sa bilis ng pagkakatulak nila kanina sa pintuan."M-Mie, wala, okay? Walang mangyayari. Nadaganan ko lang siya dahil sa pagkakatulak niyo sa pintuan." Iniwas ko ang tingin ko sa kanila.Narinig ko kaagad ang tikhim ni Mommy. Tiningnan ko siya at nakita kong hindi mapalagay ang mukha niya. Ganoon din kay Daddy. Ngunit, hindi mo masyadong makikita iyon dahil umiiwas siya sa mga mata kong naguguluhan.Galit ba sila?"Bakit?" tanong ko nang nagtataka ang ekspresyon. Ang gulo ng mga mukha nila. Tiningnan ako ni Daddy at saka napabuga ng hangin."Hindi ko alam na mangyayari 'to. Na magagawa niya 'to."Ha?"Sino? Ano'ng ginawa?" nakakunot na ngayon ang noo ko.Bigla bigla nalang silang naging ganito. At kanina pa ako nagtataka kung b
ILANG linggo na ang nakalipas, but still, I am here, kissing my wife na para bang ilang taon siyang nawala sa akin."A-Al, ano ba!" Nagluluto siya ngayon ng pagkain naming dalawa habang ako ay nasa likuran niya at iniistorbo siya.Napatawa ako ng mahina at saka pinagpatuloy pa ang paghalik sa batok niya. Ang sarap niyang inisin. Ngunit, kailangan ko rin limitahan iyong ginagawa ko. Ayokong iwasan niya ako 'pag nagalit ko na siya ng tuluyan."Umupo ka na," utos niya. Kaagad ko siyang sinunod at saka naghintay na sa lamesa. Nakita kong umupo siya sa harapan ko. Inilapag niya iyong ilang mga naluto niya kanina noong wala pa ako.Kanina kasi nang hindi pa ako dumating sa bahay nila, ni isa wala pa siyang naluto. Sinabi sa akin ni Tito Ed na mahilig raw magluto si Thara, so I asked her kung totoo nga ba iyon ng tuluyan na akong makabisita sa kanila. Hindi niya naman iyon itinanggi kaya naging madali lang sa aking paglutuin siya para sa hapunan naming dalawa.Napangiti ako nang mukhang masa
Allen HolmesI WAS stunned. For a moment, I though it was just my brain who's making this things up."Anak!" Nang marinig ang boses ni Mama, kaagad ko siyang nilingon at saka ko nakita silang lahat na magkakasama. Ibinalik ko iyong paningin sa asawa ko na ngayon ay nakahiga na sa lupa habang uubo ng dugo.Hindi ako makagalaw. Parang humina iyong oras dahilan para hindi kaagad ako makapagreak. Napailing iling ako at saka gumalaw.Dali dali kong nilapitan si Thara na ngayon ay nahihirapan. Kaagad na nanginig ang mga kamay ko ng mabuhat ko siya papaharap sa akin.Dugo. Napakaraming dugo ang nasa balikat at bibig niya. Napasinghap ako at nangilid ang mga luha sa mata.Dream. Panaginig lang 'to lahat.Ilang beses akong suminghap hanggang sa napansin ko ang mga taong nakapaligid na ngayon sa amin ni Thara.Damn it!Nilingon ko si Trisha. Kitang kita ko sa ekspresyon niya ang gulat habang nakatitig sa aming magkalapit ni Thara. She's still holding her gun na siyang dahilan ng pagsuka ng dugo
Anthara Murillo"B-BABY!" Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy. Muntik lang akong mahulog sa kinahihigaan ko, bumangon agad siya at saka lumapit sa kinaroroonan ko. Tipid akong napangiti dahil sa napapansin kong mga galaw niya."A-Are you okay? May...masakit ba? Asan? Saang parte ng katawa—""M-Mie, ayos lang ako." Hindi ko mapigilan hindi mapabuga ng hangin dahil sa hindi mapakali niyang ekspresyon. Alam kong nag aalala lang siya, ngunit, sa maliit lang na bagay?"S-Sorry. Baka kasi may masakit. Maayos ka na ba talaga?" Tumango ako. Naramdaman ko kaagad iyong dalawa niyang kamay na yumakap sa katawan ko."I really thank Him for giving you back to us." Napansin ko ang garalgal sa tono ng boses ni Mommy. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa mga naramdaman nila ni Daddy noong nawawala pa ako.Kung sana ay nag ingat lang ako at pinaglabaan ko iyong sarili ko. Puno rin kasi ng takot iyong reaksyon ko non kaya hindi na ako nakalaban pa. At kung lumaban pa ako, baka bumalik lang rin sa akin iy
MABILIS na pinaandar ko ang sasakyan ko papalayo roon sa building ni Luis at ng mga kasama niya. Nauna na akong umalis sa kanila habang sumisinghap.Shit! Shit!Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ko. Still, hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig kanina.Narinig kong nag ingay ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha iyon at saka nagpokus pa sa pagmamaneho."Damn! Nakita na si Thara!" sagot ni Faxon sa kabilang linya. Napangiti ako. So, it was true.Napapikit ako kahit na patuloy pa rin na gumagalaw ang sasakyan ko. I'm glad that she's safe now."Safe..." naibulong ko. Dinilat ko ang mga mata ko at saka inihinto ang sasakyan matapos maging minuto na ang segundo sa pagmamaneho. Lumabas ako ng sasakyan. Kaagad na naalerto ako nang makita ko ang mga pinsan ko sa labas ng Police Station. Nakita kong agad akong napansin ni Damaris. Naiiyak siyang napapikit bago dali daling tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako nang nasa harapan ko na siya."Al...nakita n-na siya..." Hindi ako nagsalit
Anthara Murillo"ANO'NG ibig mong sabihin?" tanong ko sa mapapel na babaeng 'to. Gustong gusto ko na siyang sugurin para makaganti sa pagkulong niya sa akin rito sa kuwarto, ngunit hindi ko kaya.Nakagapos iyong dalawang kamay ko ng makapal na lubid habang nakaupo sa kama. Ilang araw na ako rito. Ngunit, ngayon lang tuluyan na humarap sa akin ang babaeng 'to."I really don't get it kung bakit hindi tinuloy ni Luis iyong pagrape sayo noong araw na iyon." Naismid siya nang matalim ko siyang pagmasdan.Napakawalang hiya niya!"Kahit na napainom ko na siya non ng gamot, hindi niya pa din nagawa." Umiling iling siya habang may hawak na alak sa kanang kamay. Nakita ko siyang lumapit sa akin. Kaagad na napaalerto ako at saka siya mas sinamaan pa ng tingin.Bakit niya ba 'to ginagawa? Dahil ba sa pagmamahal niya sa lalaking mahal ko rin?Napatawa ako ng mahina kahit na umiinit na iyong gilid ng mga mata ko. Hindi pwedeng makita niya sa reaksyon ko na kinakabahan ako sa mga gagawin niya."Alam
"NAKAKAPAGSALITA ka?" tanong ni Faxon nang makaalis na kami sa mansion ng Lolo ko. Narito na kami ngayon sa opisina ng kompanya ko, nag iisip ng mga balak gawin para mapadali ang paghahanap kay Thara.I missed her, badly. Dahil sa kapabayaan kong magpauto sa kompanya ko, hindi ko siya nagawang iligtas.Napapikit ako. Sumandal ako sa swivel chair ko rito sa opisina at saka nag isip pa ng mga posible kong magawa para tuluyan ng mahanap si Thara.Ininom ko ang alak na nasa maliit na baso. Hawak hawak ko ito at nasa kanan kamay ko.Where is she? Kunti nalang at mababaliw na ako sa kakaisip kung ano na ngayon ang nangyayari sa kanya."Hey, nakakapagsalita ka nga?" Kanina pa tanong ng tanong ang isang 'to.Napapikit ako ng mariin."Damn, man. Magsalita ka naman." Binuksan ko ang mga mata ko. Hirap na hirap na nga ako sa isang salita pa lang. I can't even mention my own name. Kahit ang sa asawa ko. Salitang 'ra' lang ang kaya kong banggitin."Okay okay. I'm just curious, that's all. Come on.
Allen HolmesNASAAN siya? Hindi ko na tinapos pa ang mga mahahalagang papeles na kailangan ng lagyan ng perma ko.Si Thara. I can't reach her."Where the hell are you? Bakit ka umalis?" ang Lolo ko. Kanina niya pa ako tinatawagan ngunit agad ko rin na pinapatay ang tawag. Gusto niya akong pabalikin si opisina ng kompanya ko, ngunit ayoko. Alam kong nakabantay siya sa akin and I don't like it.Wala na sa atensyon ko iyong mga papeles na iyon. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang makitang ligtas ang asawa ko.Fanio texted me while I was busy dealing with my workers earlier. Sinabi niya sa mensahe na may gulo raw na nagaganap sa Hospital namin ngayon. I texted back and asked him where is my wife, but then, he didn't answer. Siya iyong nagbabantay ngayon sa Hospital dahil siya lang naman ang wala pang ginagawa sa kompanya. And, base sa ilang text ni Damaris sa akin kung ano na ang mga nangyayari sa kanila ni Thara, sinabi niyang pupunta na naman silang Ospital para bisitahin ang mga m
"BAKIT...hindi mo sinabi?" tanong ko kay Allen nang nasa harapan na kami ng kotse niya. Umalis ako nang kuwarto nila Mommy at saka dumiretso na sa labas ng Ospital. Ngunit, sumunod siya sa akin. Kaya ginawa ko ng pagkakataon iyon para matanong siya kung bakit niya iyon ginawa ng hindi ko man lang nalalaman.Hindi nag ingay si Allen. Nanatili lang ang paningin niya sa sasakyan niyang nasa gilid ko lang."A-Allen...ano ba talaga?" kanina pa gustong maglandasan ng mga luha ko pero, para ano pa? Para maramdaman niyang ayaw kong maikasal sa kanya?Well, no. Kasal na kami. Ang...kinaiinisan ko lang, e bakit hindi ko man lang nalaman? Bakit hindi niya man lang ako tinanong? Hindi ba may karapatan din ako? Ako iyong papakasalan niya.Nakakagulat man sa totoo lang iyong mga nalaman ko kanina, mas sobra sobra iyong inis ko sa kanya dahil sa hindi niya man lang muna ako tinanong."Alam mo...dahil sa mga ginawa mong iyon, iniisip ko kung baka alam mo na iyong sagot ko. Iniisip ko kung...baka pina
TIPID akong ngumiti kay Mommy nang tanungin niya kami ni Allen kung kumain na ba kami. Nakaupo kaming magkatabi ni Allen sa malapad na sofa habang iyong isang kamay niya ay nasa balikat ko nakalapat. Nasa harapan namin sila Mommy at Daddy ngunit tudo pa rin siya bulong sa akin ng salitang 'sorry'.Halos sampong beses na niya yata iyong binubulong sa tainga ko dahilan para mapansin na kami ni Daddy."May pinag uusapan kayo?" nakataas iyong isang kilay niya. Kaagad na umiling iling ako sa tanong ni Daddy."W-Wala po." Nginitian ko siya. Ilang segundo niya muna kaming pinagmasdan bago bumalik sa pakikipag usap kay Mommy na ngayon ay abala sa pag aayos ng mga pagkain sa lamesa."Sorry.." bulong ulit ng katabi ko. Kanina pa ako nakikiliti kaya tudo yuko ako at pasikritong pumipikit para hindi mapansin ni Daddy."Ayos na, okay? Tumigil ka na…" sinabi ko bago napasinghap. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang agad na pagtaas ng gilid ng labi niya. Hinalikan niya ako ng mabilisan sa pisngi dahi