Share

Kabanata 3

Author: youreminestrawberry
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"A-ALLEN..." napasinghap ako ng inalis niya kaagad ang kamay niya na nakahawak ng mahigpit sa bewang ko. Dahilan iyon para mawalan ako ng balanse at muntik na namang matumba. Mabuti nalang at napahawak ako sa braso niyang...matigas?

Bakit ang tigas?

Inialis ko iyon sa isipan ko. Sa malaki at mukhang matigas pa lang na katawan ni Allen, halata ng naggy-gym siya.

"B-Bakit?" tanong ko ng makita ang pikon niyang mukha. Nakita kong inayos niya ang tayo niya at saka humarap sa gilid niya. Seryoso niya iyong tinitingnan. Ano bang meron d'yan? Toilet bowl lang naman nakalagay d'yan, ah?

Tiningnan ko siya ng naguguluhan. Gusto kong magtanong kung bakit bigla niya nalang akong binitawan. Narealize niya ba na mali ang ginagawa niya? Nagui-guilty ba siya sa pagkakahawak ng kamay niya sa bewang ko?

Tumikhim ako at tiningnan siya ulit. Kating kati na ang bibig ko na magtanong. Wala kasing isa man lang na nagsalita sa amin nang binitawan niya agad ako kanina.

"A-Allen?" kinagat ko agad ang pang ibabang labi ko nang tawagin ko siya. Inayos ko ang tayo ko at saka sinulyapan ang kamay niya. Nagbabakasakali na ginalaw galaw niya iyon.

"A-Allen...ano paborito mong pagkain?" isang malutong na mura sa sarili ko ang gusto kong isigaw. What the fugde! Bakit 'yon ang tinanong ko!!

Naghintay ako ng magiging reaksyon niya. Napapikit pa 'ko na baka hindi niya nagustuhan ang tanong ko.

Tiningnan ko siya. Nakita kong nakatayo pa rin siya sa pwesto niya at seryoso pa rin ang mukha na nakatingin sa gilid.

Ano ba'ng tinitingnan niya?

Dahan dahan kong hinakbang ang mga paa ko. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa sistema ko. Kagat kagat ko pa rin ang pang ibabang labi ko.

Natigil lang ako sa paghakbang ng tumingin sa akin ang abo niyang mga mata. Nakita kong humarap siya sa akin at nagulat ako sa sunod niyang ginawa, kinuha niya ang kanan kong kamay bago ako kinaladkad kung saan siya nakatayo. Iniharap niya ako sa kanina niya pa tinitingnan.

"Help..." unang basa ko sa unang salitang nakalagay sa dingding malapit sa Toilet Bowl na may harang.

"Me...Thara?" tiningnan ko siya ng naguguluhan. Hindi man lang siya lumingon sa akin. Imbis, binitawan niya ang kamay ko. Nakita kong may kinuha siyang bagay sa kanyang bulsa. Ipinakita niya iyon sa akin.

Cellphone?

May pinindot pindot siya roon at ilang segundo pa bago niya ulit ipinakita sa akin.

'Let's go somewhere.'

Ha?

Tiningnan ko siya. Nakita kong iniwas niya ang tingin niya sa akin. Ginalaw galaw niya ang kamay niya. Hindi ko alam kung ano'ng ibig niyang sabihin sa galaw niyang iyan. Itinaas niya ang kaliwa niyang kamay at saka itinuro ang taas.

Ano daw?

Kinuha niya ang kamay ko. Napatingin ako doon. Naramdaman kong napatingin siya sa akin at sinundan kung saan ako nakatingin. Napalunok ako.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko bago siya sinulyapan. Hindi ko alam pero basta nalang ako tumango. Naging dahilan iyon ng pagkangiti ko nang tumaas ang gilid ng labi niya.

Napangiti ko ba siya?

Agad akong napasunod sa kanya nang hilahin niya ang kamay ko. Nakita kong lumabas kami ng CR. Nakarinig pa kami ng tawanan papalapit na papalapit sa Living room.

Nakita kong napatingin siya sa isang hagdan kong saan papunta ang kuwarto ko. May hagdan papuntang Living room at may hagdan din papuntang Dining room.

"S-Saan tayo?" tanong ko. Agad niya akong tiningnan. Seryoso ang mukha niya. Nakita kong napatingin siya sa ilong at labi ko bago umiwas ng tingin. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Naramdaman kong pinisil pisil niya ang kamay ko dahilan para madiinan ko ang pagkagat ng labi ko.

Bwisit, ang sakit!

Tumakbo siya papuntang hagdan. Napatakbo din ako. Dali dali niya iyong inakyat habang sinusulyapan ako. Tinitingnan niya siguro kung nakasunod ba ako.

Nang makaakyat na, ramdam ko na kaagad ang pawis na nabubuo sa noo ko.

Ang bilis niya.

Hinarap niya ako. Nakita kong kinagat niya ang pang ibabang labi niya habang nakatingin sa labi ko. Iniwas niya agad ang tingin niya ng itinigil ko ang pagkagat ko sa labi ko. Alam kong pulang pula na iyon dahil sa kagat ko.

May kinuha siyang cellphone sa kanyang bulsa. May pinindot pindot siya roon bago iyon inilahad sa akin.

'Where's your room? Doon tayo mag usap.'

Napabaling ako sa kanya nang mabasa ang mga salita na nakalarawan sa cellphone niya.

"D-Doon..." turo ko sa ikalimang kuwarto na makikita lang sa bahagi na kinatatayuan namin. Tumango tango siyang nakasunod sa nakaturo kong daliri.

Kinuha niya ang cellphone niyang hawak ko at saka ulit hinawakan ang kamay ko. Nahihiyang napayuko ako bago kinagat ulit ang pang ibabang labi ko.

Naglakad siya na hawak ang kamay ko sa itinuro kong bahagi ng kuwarto ko. Nahihiya ako sa sarili ko. Lalo na sa kanya.

Nang nasa harap na ng kuwarto, tumingin siya sa akin at sa magkahawak naming mga kamay. Tiningnan ko siya. Nakita kong sinulyapan niya ulit ako at sa hindi malamang dahilan, gusto kong sumigaw nang tumaas ulit ang gilid ng labi niya.

Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan!

Napayuko ako dahil sa hiya. "Isang ngiti mo pa, kakainin talaga kita ng buo," bulong ko, sinisigurado na hindi niya iyon maririnig.

Nakita kong binuksan niya ang pintuan ng kuwarto ko. Tumingin ako sa kanya. Napaiwas agad ako ng tingin nang tumingin din sa akin ang kulay abo niyang mga mata.

Pumasok kami sa loob ng kuwarto ko. Napalunok pa ako dahil magulong kama agad ang bumungad sa amin. Tinatamad ako kanina kaya hindi ko naayos. Tiningnan ko siya, wala man lang siyang karea-reaksyon nang makita ang magulo kong kama.

Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto. Nilingon ko iyon at nakita ang kamay ni Allen doon. Siya ang nagsarado.

Bakit parang...parang sa pelikula lang? Tapos, didilim ang paligid matapos masarado ang-

"Bwisit," nasabi ko sa sarili ko. Ano ba 'yan!

Napabaling ako kay Allen nang maramdaman ko ang kamay niya na pinipisil ang kamay ko. Napatingin din ako sa magkahawak naming kamay.

Ulit ko siyang tiningnan nang hindi pa rin siya tumitigil na pisilin ang kamay ko. Nakatingin lang siya sa mga gamit ko. Seryoso siya. Para bang may tinitingnan siya sa mga gamit kong magulo malapit sa kama.

May hinahanap ba siya?

"Allen?" agad kong naitikom ang bibig ko nang lumingon agad siya sa akin. Napakunot ang noo niya ng mapansin ako.

"U-Uhm, bakit tayo n-nandito?" tanong ko.

Nakita kong napatingin siya sa suot ko. Nakatitig lang siya doon ng ilang segundo.

Ano'ng....

"A-Allen...bakit?" tiningnan ko din ang damit ko banda sa may dibdib kung saan siya nakatingin. Agad niyang iniwas ang paningin niya doon. Naguguluhan man, pilit kong nilinisan ang utak ko.

Sumunod ako sa kanya nang magkalad siya papalapit sa magulo kong kama. Huminto siya at nilingon ako. Agad na bumalik ang hiya ko nang tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. Ginalaw niya ang mga kamay niya at ang huli kong matandaan na galaw niya ay inilahad niya ang kanan niyang kamay sa harap ko bago itinuro ang ikaapat niyang daliri sa kanan.

May kinuha siya sa kanyang bulsa bago iyon ipinasok sa ikaapat niyang daliri. Nagulat pa ako dahil singsing ang ipinasok niya roon.

Napatingin ako sa kanya. Nakita kong may kislap sa mga mata niya nang tumingin din siya sa akin. Napalunok ako. Tumaas ang gilid ng labi niya at saka kinuha ang kamay ko. Ulit, may kinuha siya sa kanyang bulsa at sa pagkakataong ito, may hinala na ako.

May kinuha siya roon na singsing. Kaparehas na kaparehas ng singsing na nasa ikaapat niyang daliri. Kinakabahan na hinintay kong ipasok niya iyon sa daliri ko.

Tiningnan niya muna ako. Tiningnan ko rin siya. Gusto kong magsalita pero parang hangin lang ang lalabas sa bibig ko kapag ginawa ko iyon.

Dahan-dahan niyang ipinasok ang singsing sa ikaapat ko ding daliri. Napasinghap man dahil sa ganda ng singsing, nagtataka pa rin akong tumingin sa kanya.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at may pinindot pindot doon. Ipinakita niya iyon agad sa akin.

'Help. I need your help, Thara.'

"A-Anong tulong ang sinasabi mo?" tanong ko nang mabasa ko ang inilagay niya roon.

Binitawan niya ang kamay ko. Napalunok agad ako. Ginalaw niya ang isa niyang kamay papunta sa bewang ko. Napasinghap ako.

"A-Ano'ng ginagawa mo..." kinakabahan ko siyang tiningnan. Nagulat ako dahil parang mas kinakabahan pa siya sa ginagawa niya kaysa sa nararamdaman ko.

Kitang kita ko kung paano niya pinunit ang damit ko. Ginamit niya na din ang isa niyang kamay sa pagpunit ng damit ko. Tiningnan niya ako ng may pagsisisi. Hindi ako makatingin sa kanya. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.

Hinawakan niya ako sa pisngi. Halos hindi ako makagalaw nang maramdaman ko ang lambot ng labi niya sa pisngi ko. Isang sulyap pa ang ginawa niya bago ulit tinuloy ang pagpunit ng damit ko.

"A-Allen..." tawag ko sa kanya ng kaunting punit niya na lang ay makikita na ang balat ko. Malapit na din bumagsak ang mga luha ko.

Tiningnan niya ako. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisisi. Ngunit, hindi niya magawang tumigil sa hindi ko malamang dahilan.

Naramdaman kong iniupo niya ako sa kama. Tiningnan ko siya at saka naiiyak na umiling. Ngumiti siya. Agad na nawala ang kaba na nararamdaman ko dahil lang sa isang ngiti niya.

Inihiga niya ako ng dahan dahan. Pumaibabaw siya sa akin at saka hinaplos ang pisngi ko. Basang basa na iyon dahil sa mga luhang kanina pa pala tumakas sa mga mata ko.

Ilang segundo ang lumipas, nakarinig kami ng malalakas na katok sa labas ng kuwarto ko.

"Thara! Thara! Nand'yan ka ba?! Nad'yan din ba 'yang manyak na 'yan?! Thara, buksan mo ang pinto!" sigaw ng sigaw ang nasa labas. Boses pa lang, alam ko na si Stephen iyon. May mga boses pa akong naririnig na halos mga salita ay mura.

"A-Allen..." tiningnan ko si Allen. Umiling siya at saka umalis sa ibabaw ko. Seryoso niya muna akong tiningnan bago inumpisahan niyang hubarin ang damit niya sa pang itaas. Hanggang sa matanggal na iyon. Agad niya akong sinulyapan. Nong una, akala ko huhubadin niya na rin ang pang ibaba niyang damit, ngunit nagulat nalang ako ng tumalikod siya sa akin at agad na naglakad papuntang pintuan.

Dali dali kong kinuha ang mga damit kong punit na punit na. Pilit ko iyong idinidikit sa katawan ko. Ginamit ko ang isa kong kamay na pahiran ang mga luha ko.

"Thara! Tatawag kami ng pulis! Huwag kang mag ala-Ikaw!" agad akong napatingin sa bukas ng pintuan ng kuwarto ko.

Nakita ko roon si Allen na nakahiga at hawak ang kanyang labi. Si Stephen na nasa ibabaw niya at pilit siyang pinapaharap. Nakita ko din ang mga taong kasama namin kanina. Mga kaibigan ito ni Stephen. Nakatingin sila sa akin ng gulat. Ang iba parang napaatras.

Naiiyak na napatabon ako sa mukha ko. Narinig ko kaagad ang malakas na sigaw nila Mommy nang tuloy na tuloy ng umagos ang mga luha ko.

Narinig ko pang inaawat nila si Stephen dahil mura ito ng mura.

Naramdaman ko nalang na may yumakap na sa nanginginig kong katawan. Hindi man lang ako tumingin kung sino ang may gawa non.

Related chapters

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 4

    "A-ANTHARA? Anak?" rinig kong tawag sa akin ni Mommy sa labas ng kuwarto ko. Ilang oras na akong nagkukulong dito. Natatakot akong lumabas. Wala na din sina Stephen at mga kaibigan niya. Nong pinaalis sila ni Daddy, dumating na din ang mga pulis para tingnan ang mga nagyayari."Mag usap tayo, please?" kanina pa si Mommy sa labas. Ngunit, hindi ko man lang siya sinagot o pinapasok man lang. Gusto kong mapag isa. Napakaraming tanong ang gusto kong masagot ng sarili ko.Bakit ang bilis? Bakit ang bilis kong sumunod sa mga sinasabi niya? Bakit...bakit naiisip ko pa rin kung ano ang nararamdaman niya ngayon samantalang alam ko naman na mali iyong gagawin niya sa akin simula nong pumasok kami sa kuwarto ko? Bakit hindi ko man lang siya itinulak o sinigawan man lang?Kakakilala palang namin, e! Bakit ganito agad?"Anthara, please! Kausapin mo si Mommy..." wala pa akong sapat na lakas para tumayo. Wala pa akong ganang makipag usap sa kung sino. Kahit na kila Mommy.Ipinikit ko ang mga mata ko

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 5

    PASULYAP sulyap lang ang ginagawa ko kay Allen at sa mga pinsan niya din kuno na ngayon ay kausap nila Daddy sa inuupuan kanina naming upuan sa harap. Nasa sofa na kami ng opisina. Kasama ko pa rin si Mommy. Nakayuko lang siya at tahimik.Gusto ko ng umalis at bumalik sa kuwarto ko dahil sa kabang kanina pa ako sinaniban.Ulit, Sinulyapan ko ang nasa harapan. Nakatayo si Allen at ang dalawang pinsan niya sa gilid ni Tito Fanio. Habang ang isa niya namang pinsan ay nakaupo sa inuupuan ko kaninang upuan.Agad kong iniwas ang paningin ko ng muntik niya ng hulihin ng mga mata niya ang mata ko. Kanina pa kami panakaw sa isa't isa ng tingin. Kapag nakayuko ako, ramdam ko kaagad ang titig niyang halos baliwin ako sa pag iisip."Sa papel nalang para madali. Marami na ang nasakripisyo ng pamangkin ko. Mas okay kung tayo lang ang nakakaalam para hindi na gumawa ng eksena iyong babae." Nakinig lang ako sa pag uusap nila Tito Fanio at Daddy. Napakadami ko pang tanong na gustong itanong kay Daddy

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 6

    "SIGURADO ka bang ayos lang ang suot ko, Mie?" tanong ko kay Mommy habang umiikot na nakatingin sa malaking salamin ng kuwarto nila Daddy.Dalawang araw na ang nakalipas simula noong bumisita sila ni Allen sa bahay. Gusto kong sumama ngayon kila Mommy dahil may mahalaga akong itatanong sa may ari ng kulay abong mga mata. Letse na 'yon! Hindi ako pinatulog ng dalawang araw!Nang bumalik kasi akong opisina ni Daddy para sana silipin kung nandoon pa ba siya, may nakita akong papel malayo layo sa pintuan ng opisina. Doon ko lang naalala na may ibinigay palang papel sa akin non si Allen. Dahil siguro sa pagmamadali ko, nahulog ko 'yong papel.Hay nako, naiinis ako!Bakit ba iyon ang isinulat niya don? Ano niya ba ako?"Oo nga! You look cute." Tiningnan ko si Mommy. Nakangiti siya habang nakatingin sa puting dress na suot ko.Agad napunta ang atensyon ko sa cellphone ko nang sandali itong nag ingay. Nasa harapan lang ng kama ito nakalagay. Malapit lang kami sa kama kaya rinig na rinig agad

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 7

    "H-HALI KA NA, LUIS!" medyo napataas ang boses ko ng sabihin ko iyon kaya agad na napakunot ang noo ni Luis.Hindi ko na pinansin ang balak niya sanang sabihin. Hinawakan ko na ang kamay niya at tumalikod na. Hindi na ako tumingin kila Allen nang makita ko iyong babae."Hey, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Luis na ngayon ay sumusunod sa akin. Papasok na kaming mansyon. Kanina niya pa ako tinatanong kung may problema ba. Iling lang ang sagot ko sa kanya kaya tanong pa rin siya ng tanong."Sigurado ka? Namumutla ka kanina, e." Napalunok ako nang ibulong niya nalang iyong huling salita. Huminto siya sa paghakbang kaya napahinto din ako dahil hawak ko pa rin ang kamay niya.Nilingon ko siya. Nakita kong nakataas ang kaliwang kilay niya."Are you sure wala kang nakitang multo or something na nakapagpaputla sayo?" napabuga agad ako ng hangin nang tanungin niya iyon."Wala akong nakita, okay?" naalala ko na naman ang pagmumukha ng Allen na iyon. Bwisit. "A-Ang lamig kasi don kaya...ka

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 8

    ILANG beses ko ng pinilit na tapusin ang pagkakahalik ni Allen sa akin. Ilang ulit ko na siyang tinulak ngunit hindi man lang siya natinag. Mas dinikit niya pa lalo ang katawan niya sa katawan ko.Kitang kita ko kung gaano siya nang aasar sa ginagawa niya. Dinidilat niya ang mga mata niya kapag tinutulak ko siya tapos bibilisan pa ang paggalaw ng labi niya sa labi ko.Aaminin ko, gusto ko ring pumikit at namnamin ang labi niya, ngunit ano'ng karapatan ko kung gagawin ko iyon?Wala na rito ang babaeng tumawag kanina kay Allen. Umalis na ito kaagad nang makarecover sa pagkakagulat. Nakakapagtaka nga at hindi niya man lang ako sinugod o sinabunutan man lang. Kasi, di ba. Baka isa na naman iyon sa babae ni Allen. May babae na nga siya kanina sa kotse niya, meron na namang bago."Ay Diyos ko, patawad po ma'am, sir!" gulat na napatingin ako sa pintuan ng kuwarto, may nakatalikod na matandang babae at papaalis na ito ng kuwarto.Holy shoes!Iniwas ko kaagad ang labi ko kay Allen. Pilit man n

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 9

    "ANAK, DITO!" sabay kaming napabaling ni Luis sa sumigaw nang luminga linga kami para sana maghanap ng panibagong uupuan."Mommy!" napangiti agad ako nang tumayo siya at si Daddy. Naglakad ako papuntang malapad na mesa nila. Hinay hinay lang akong papunta sa kanila dahil madami pang taong nakatayo at baka magtulakan pa kapag nagkamali ako ng hakbang."Dahan dahan lang." Halos mapatalon ako nang may biglang humawak sa bewang ko at bumulong ng sobrang lapit sa tainga ko."L-Luis, ano ba! Nakakagulat ka, alam mo ba 'yon? Bwisit." Mahinang tawa lang ang nagawa niyang iparinig sa akin matapos ko siyang inis na tiningnan. Hay nako.Naglakad kami papalapit kila Mommy na ngayon ay awkward na nakatingin sa amin. Napakunot ang noo ko at saka napabaling sa mga kasama nila. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang sila Tito Fanio at ang asawa nitong si Tita Kace pala ang kausap nila."Ija…remember your Tita Kace? Iyong sumama sa inyo ni Luis mamasyal noong elementary kayo?" ngumiti ako at tu

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 10

    "ANONG ngiti 'yan, ah?" napabaling ako sa boses na nanggagaling sa gilid ko. Napangiti ako bago umiling kay Mommy."Wala po. Malapit na po ba tayo?" tiningnan ko ang labas ng bintana nitong kotseng sinasakyan namin. Paalis na kaming mansyon. Nakapagpaumanhin na rin ako kila Tita kanina dahil sa pagsigaw ko kay Luis. Mabuti nalang at naiintindihan nila. Kaso, mukhang hindi pa maayos kay Luis ang pagsigaw ko at pag alis sa harapan niya ng ganon ganon nalang kanina.Ilang minuto lang kaming ipinagdrive ng driver papuntang bahay namin. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan sa harap ng bahay, agad akong nagpasalamat sa driver at saka dali dali sila Mommy na hinalikan sa pisngi.Kita ko man sa mga mukha nila ang pagkabigla, tumalikod rin ako at tumatakbong nakangiti papuntang loob ng bahay.Nang makapasok, pumunta agad akong kuwarto. Binuksan ko ang pintuan nito at saka mas lalong napangiti nang makita ang malambot kong kama. Tumakbo ako ng napakabilis papunta roon at saka pa tumayo sa kama.

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 11

    "L-LUIS, tama na. Umalis nalang tayo." Agad na napabaling ang ulo ni Luis sa akin. Ang pikon na ekspresyon niya ay kaagad na napalitan ng naguguluhan. Ngunit, dahan dahan pa rin siyang tumango at tipid na ngumiti sa akin.Halos mawala ang mga mata ko sa gulat at kaba nang mapabaling ang ulo ko sa lalaking ngayon ay hawak hawak na ang kwelyo ni Luis."Al, Huwag mo ng patulan!" rinig kong sigaw ni Damaris na nasa gilid ko na pala at naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang pulso ko. Inilakad niya ako papuntang exit ng Cafe. Habang si Faxon ay inaawat na ang dalawa dahil kaunting tulakan nalang nila ay magsusuntukan na sila.Lumingon ako kila Allen nang nanunubig ang mga mata. Malapit na kami ni Damaris sa labas ng pintuan ngunit tumigil pa rin ako para lang tingnan kung ano na ang nagaganap sa dalawa.Gusto kong tumakbo at puntahan sila para patigilin. Lalo na si Allen. May dugo na siya sa kanyang labi at ang kanyang dibdib ay tumataas baba na."A-Allen…" bulong ko. Nakita kong itinul

Latest chapter

  • My Mute Billionaire Husband   Wakas

    ILANG linggo na ang nakalipas, but still, I am here, kissing my wife na para bang ilang taon siyang nawala sa akin."A-Al, ano ba!" Nagluluto siya ngayon ng pagkain naming dalawa habang ako ay nasa likuran niya at iniistorbo siya.Napatawa ako ng mahina at saka pinagpatuloy pa ang paghalik sa batok niya. Ang sarap niyang inisin. Ngunit, kailangan ko rin limitahan iyong ginagawa ko. Ayokong iwasan niya ako 'pag nagalit ko na siya ng tuluyan."Umupo ka na," utos niya. Kaagad ko siyang sinunod at saka naghintay na sa lamesa. Nakita kong umupo siya sa harapan ko. Inilapag niya iyong ilang mga naluto niya kanina noong wala pa ako.Kanina kasi nang hindi pa ako dumating sa bahay nila, ni isa wala pa siyang naluto. Sinabi sa akin ni Tito Ed na mahilig raw magluto si Thara, so I asked her kung totoo nga ba iyon ng tuluyan na akong makabisita sa kanila. Hindi niya naman iyon itinanggi kaya naging madali lang sa aking paglutuin siya para sa hapunan naming dalawa.Napangiti ako nang mukhang masa

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 51

    Allen HolmesI WAS stunned. For a moment, I though it was just my brain who's making this things up."Anak!" Nang marinig ang boses ni Mama, kaagad ko siyang nilingon at saka ko nakita silang lahat na magkakasama. Ibinalik ko iyong paningin sa asawa ko na ngayon ay nakahiga na sa lupa habang uubo ng dugo.Hindi ako makagalaw. Parang humina iyong oras dahilan para hindi kaagad ako makapagreak. Napailing iling ako at saka gumalaw.Dali dali kong nilapitan si Thara na ngayon ay nahihirapan. Kaagad na nanginig ang mga kamay ko ng mabuhat ko siya papaharap sa akin.Dugo. Napakaraming dugo ang nasa balikat at bibig niya. Napasinghap ako at nangilid ang mga luha sa mata.Dream. Panaginig lang 'to lahat.Ilang beses akong suminghap hanggang sa napansin ko ang mga taong nakapaligid na ngayon sa amin ni Thara.Damn it!Nilingon ko si Trisha. Kitang kita ko sa ekspresyon niya ang gulat habang nakatitig sa aming magkalapit ni Thara. She's still holding her gun na siyang dahilan ng pagsuka ng dugo

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 50

    Anthara Murillo"B-BABY!" Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy. Muntik lang akong mahulog sa kinahihigaan ko, bumangon agad siya at saka lumapit sa kinaroroonan ko. Tipid akong napangiti dahil sa napapansin kong mga galaw niya."A-Are you okay? May...masakit ba? Asan? Saang parte ng katawa—""M-Mie, ayos lang ako." Hindi ko mapigilan hindi mapabuga ng hangin dahil sa hindi mapakali niyang ekspresyon. Alam kong nag aalala lang siya, ngunit, sa maliit lang na bagay?"S-Sorry. Baka kasi may masakit. Maayos ka na ba talaga?" Tumango ako. Naramdaman ko kaagad iyong dalawa niyang kamay na yumakap sa katawan ko."I really thank Him for giving you back to us." Napansin ko ang garalgal sa tono ng boses ni Mommy. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa mga naramdaman nila ni Daddy noong nawawala pa ako.Kung sana ay nag ingat lang ako at pinaglabaan ko iyong sarili ko. Puno rin kasi ng takot iyong reaksyon ko non kaya hindi na ako nakalaban pa. At kung lumaban pa ako, baka bumalik lang rin sa akin iy

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 49

    MABILIS na pinaandar ko ang sasakyan ko papalayo roon sa building ni Luis at ng mga kasama niya. Nauna na akong umalis sa kanila habang sumisinghap.Shit! Shit!Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ko. Still, hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig kanina.Narinig kong nag ingay ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha iyon at saka nagpokus pa sa pagmamaneho."Damn! Nakita na si Thara!" sagot ni Faxon sa kabilang linya. Napangiti ako. So, it was true.Napapikit ako kahit na patuloy pa rin na gumagalaw ang sasakyan ko. I'm glad that she's safe now."Safe..." naibulong ko. Dinilat ko ang mga mata ko at saka inihinto ang sasakyan matapos maging minuto na ang segundo sa pagmamaneho. Lumabas ako ng sasakyan. Kaagad na naalerto ako nang makita ko ang mga pinsan ko sa labas ng Police Station. Nakita kong agad akong napansin ni Damaris. Naiiyak siyang napapikit bago dali daling tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako nang nasa harapan ko na siya."Al...nakita n-na siya..." Hindi ako nagsalit

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 48

    Anthara Murillo"ANO'NG ibig mong sabihin?" tanong ko sa mapapel na babaeng 'to. Gustong gusto ko na siyang sugurin para makaganti sa pagkulong niya sa akin rito sa kuwarto, ngunit hindi ko kaya.Nakagapos iyong dalawang kamay ko ng makapal na lubid habang nakaupo sa kama. Ilang araw na ako rito. Ngunit, ngayon lang tuluyan na humarap sa akin ang babaeng 'to."I really don't get it kung bakit hindi tinuloy ni Luis iyong pagrape sayo noong araw na iyon." Naismid siya nang matalim ko siyang pagmasdan.Napakawalang hiya niya!"Kahit na napainom ko na siya non ng gamot, hindi niya pa din nagawa." Umiling iling siya habang may hawak na alak sa kanang kamay. Nakita ko siyang lumapit sa akin. Kaagad na napaalerto ako at saka siya mas sinamaan pa ng tingin.Bakit niya ba 'to ginagawa? Dahil ba sa pagmamahal niya sa lalaking mahal ko rin?Napatawa ako ng mahina kahit na umiinit na iyong gilid ng mga mata ko. Hindi pwedeng makita niya sa reaksyon ko na kinakabahan ako sa mga gagawin niya."Alam

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 47

    "NAKAKAPAGSALITA ka?" tanong ni Faxon nang makaalis na kami sa mansion ng Lolo ko. Narito na kami ngayon sa opisina ng kompanya ko, nag iisip ng mga balak gawin para mapadali ang paghahanap kay Thara.I missed her, badly. Dahil sa kapabayaan kong magpauto sa kompanya ko, hindi ko siya nagawang iligtas.Napapikit ako. Sumandal ako sa swivel chair ko rito sa opisina at saka nag isip pa ng mga posible kong magawa para tuluyan ng mahanap si Thara.Ininom ko ang alak na nasa maliit na baso. Hawak hawak ko ito at nasa kanan kamay ko.Where is she? Kunti nalang at mababaliw na ako sa kakaisip kung ano na ngayon ang nangyayari sa kanya."Hey, nakakapagsalita ka nga?" Kanina pa tanong ng tanong ang isang 'to.Napapikit ako ng mariin."Damn, man. Magsalita ka naman." Binuksan ko ang mga mata ko. Hirap na hirap na nga ako sa isang salita pa lang. I can't even mention my own name. Kahit ang sa asawa ko. Salitang 'ra' lang ang kaya kong banggitin."Okay okay. I'm just curious, that's all. Come on.

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 46

    Allen HolmesNASAAN siya? Hindi ko na tinapos pa ang mga mahahalagang papeles na kailangan ng lagyan ng perma ko.Si Thara. I can't reach her."Where the hell are you? Bakit ka umalis?" ang Lolo ko. Kanina niya pa ako tinatawagan ngunit agad ko rin na pinapatay ang tawag. Gusto niya akong pabalikin si opisina ng kompanya ko, ngunit ayoko. Alam kong nakabantay siya sa akin and I don't like it.Wala na sa atensyon ko iyong mga papeles na iyon. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang makitang ligtas ang asawa ko.Fanio texted me while I was busy dealing with my workers earlier. Sinabi niya sa mensahe na may gulo raw na nagaganap sa Hospital namin ngayon. I texted back and asked him where is my wife, but then, he didn't answer. Siya iyong nagbabantay ngayon sa Hospital dahil siya lang naman ang wala pang ginagawa sa kompanya. And, base sa ilang text ni Damaris sa akin kung ano na ang mga nangyayari sa kanila ni Thara, sinabi niyang pupunta na naman silang Ospital para bisitahin ang mga m

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 45

    "BAKIT...hindi mo sinabi?" tanong ko kay Allen nang nasa harapan na kami ng kotse niya. Umalis ako nang kuwarto nila Mommy at saka dumiretso na sa labas ng Ospital. Ngunit, sumunod siya sa akin. Kaya ginawa ko ng pagkakataon iyon para matanong siya kung bakit niya iyon ginawa ng hindi ko man lang nalalaman.Hindi nag ingay si Allen. Nanatili lang ang paningin niya sa sasakyan niyang nasa gilid ko lang."A-Allen...ano ba talaga?" kanina pa gustong maglandasan ng mga luha ko pero, para ano pa? Para maramdaman niyang ayaw kong maikasal sa kanya?Well, no. Kasal na kami. Ang...kinaiinisan ko lang, e bakit hindi ko man lang nalaman? Bakit hindi niya man lang ako tinanong? Hindi ba may karapatan din ako? Ako iyong papakasalan niya.Nakakagulat man sa totoo lang iyong mga nalaman ko kanina, mas sobra sobra iyong inis ko sa kanya dahil sa hindi niya man lang muna ako tinanong."Alam mo...dahil sa mga ginawa mong iyon, iniisip ko kung baka alam mo na iyong sagot ko. Iniisip ko kung...baka pina

  • My Mute Billionaire Husband   Kabanata 44

    TIPID akong ngumiti kay Mommy nang tanungin niya kami ni Allen kung kumain na ba kami. Nakaupo kaming magkatabi ni Allen sa malapad na sofa habang iyong isang kamay niya ay nasa balikat ko nakalapat. Nasa harapan namin sila Mommy at Daddy ngunit tudo pa rin siya bulong sa akin ng salitang 'sorry'.Halos sampong beses na niya yata iyong binubulong sa tainga ko dahilan para mapansin na kami ni Daddy."May pinag uusapan kayo?" nakataas iyong isang kilay niya. Kaagad na umiling iling ako sa tanong ni Daddy."W-Wala po." Nginitian ko siya. Ilang segundo niya muna kaming pinagmasdan bago bumalik sa pakikipag usap kay Mommy na ngayon ay abala sa pag aayos ng mga pagkain sa lamesa."Sorry.." bulong ulit ng katabi ko. Kanina pa ako nakikiliti kaya tudo yuko ako at pasikritong pumipikit para hindi mapansin ni Daddy."Ayos na, okay? Tumigil ka na…" sinabi ko bago napasinghap. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang agad na pagtaas ng gilid ng labi niya. Hinalikan niya ako ng mabilisan sa pisngi dahi

DMCA.com Protection Status