"Grabe, ninong! Sobrang yaman niyo po pala!" nanlalaki ang matang wika ni Isabella habang pinalilibot ang paningin sa malaking bahay na iyon. "Walang silbi ang yaman na mayroon ako kung wala naman akong paggamitan nito. Siguro, kaya isa rin sa dahilan kung bakit hindi kami makabuo ni Clara ay dahil lolokohin lang din pala niya ako. Napakasama niya talaga. Sa tuwing maiisip ko ang ginawa niya, hindi ko maiwasang manginig sa galit," nangangalit ang ngiping wika ng kanyang ninong. "Ninong... huwag po kayong masyadong magpaka-stress. Kayo lang po ang magiging kawawa. Alam ko po na sobra kayong apektado sa ginawa niya pero kumalma lang po kayo. Makakaganti po kayo. Kahit ako rin, may galit ako kay papa. Talagang pinabayaan niya si mama. Wala man lang siyang naging reaksyon nang sabihing kong wala na si mama. Ang malas ko kung bakit siya pa ang dating tatay ko. Sa totoo lang po, sabik ako sa pagmamahal ng isang magulang. Akala ko, magkakaroon ako ng kakampi pa, dahil buhay pa siya na tat
Tanghali na nang magising si Isabella. Napasarap ang tulog niya dahil malambot ang kamang pinaghihigaan niya at malamig pa ang kuwartong iyon dahil sa aircon.Iniligpit niya ang kanyang pinaghigaan bago lumabas ng kuwartong iyon. Laking gulat niya nang makitang nakahanda na ang pagkain sa kusina. Malaki ang dining table doon at maraming pagkaing nakalagay doon."Magandang umaga po, ma'am Isabella. Kumain na po kayo," wika ni manang na kasambahay doon."Wow! Ang dami naman pong pagkain! Nasaan po si ninong? Kumain na po ba siya?""Oo nag-almusal na iyon. Maaga umalis. Ganoon naman pala si sir Maximus. Bihira lang iyang umalis ng bahay ng tanghali. Palagi siyang busy. Talagang pinananatili niyang maganda ang pamamalakad niya sa kompanya niya. At may inaasikaso rin siyang ibang negosyo. Kaya naman busy talagang tao si sir."Tumango-tango si Isabella. "Naku, masyado pong marami ang mga pagkain na ito! Samahan niyo po akong kumain dito!""Sige lang, kumain ka lang diyan ma'am.""Huwag niyo
"Magandang umaga, Isabella. Nandito ang apo kong si Jolly. Kasama ko na siya dito dahil ni-request ni ninong Maximus dahil naisip niya, baka nabuburyo ka dito. Kaya nandito ang apo ko para tulungan ako sa paglilinis at para may kausap ka rin," wika ni manang. Napangiti naman si Isabella bago tumingin sa dalagang katabi ng kasambahay. "Salamat po. Nasaan po pala si ninong?" "Nasa kuwarto niya yata. Puwede mo naman siyang puntahan doon. Kumatok ka na lang." "Hi, ma'am Isabella! I'm Jolly the great! Kumusta po kayo? Ako po ang magiging kachikahan mo for today and for tomorrow and forever if you want!" masiglang wika ni Jolly. Natawa si Isabella. "Hello sa iyo, Jolly. Huwag mo na akong tawaging ma'am. Isabella na lang." "Okay sige, keri boom iyan!" "Oh siya maiwan ko na muna kayong dalawa. Magwawalis na muna ako sa labas. Magchikahan na muna kayo," sambit ni manang bago umalis. Sumenyas si Isabella na maupo si Jolly sa sala. "Diyan ka muna sandali, ha? Sisilipin ko lang si
ISABELLA Hindi makapaniwala si Isabella sa dami ng binili sa kanya ni Maximus. Mamahalin ang lahat ng mga ito. Mula sa damit, bag, jewelries, make up at kung ano-ano pa. At ang pinaka ikinagulat niya ay nang bilhan siya ng kanyang ninong ng sasakyan. "N-Ninong... sobra-sobra na po yata ito," nanlalaki ang kanyang matang nakatingin sa sasakyang binili ni Maximus para sa kanya. "You need a car, Isabella. Mag-aaral ka. At medyo malayo ang magiging school mo dito. At dagdag pa doon, mahirap mag-commute. Aabutin ka pa ng gabi kung sakaling sasakay ka ng jeep. Isipin mo na lang ang init," paliwanag ng kanyang ninong. "Pero hindi po ako marunong mag-drive." "Ako ang bahala sa iyo. Tuturuan kita. Kapag hindi ako busy bukas, pagkatapos kong asikasuhin ang magiging secret wedding natin, uuwi ako kaagad dito at tuturuan kitang magmaneho." Pasimpleng kinagar ni Isabella ang kanyang labi sabay iwas ng tingin. Mabilis na tumibok ang kanyang puso sa hindi niya mawaring dahilan. Ngayon la
MAXIMUS Kinabukasan, naihanda na lahat ng requirements na kakailanganin para sa secret wedding nilang dalawa ng kanyang inaanak. Nakita niya ang labis na pagkabigla sa mukha ni Isabella nang sabihin niyang ikakasal na sila ng araw na iyon. Simpleng white wedding dress na hanggang tuhod ang haba ang isinuot ni Isabella. Hindi niya naiwasang mapanganga sa gandang mayroon ang kanyang inaanak. Kitang-kita ang magandang kurba ni Isabella. Tumikhim siya bago tinuon ang paningin sa judge. Hindi nga nagawang pakinggan ni Maximus nang maayos ang sinasabi nito dahil nakatuon ang paningin niya kay Isabella. Hanggang sa matapos na lang ang seremonya at i-announce na legal na silang mag-asawa, wala pa rin siyang naintindihan. "Picture po kayo Mr. and Mrs. Raiden," wika ng photographer doon. Hindi niya nagawang ngumiti sa bawat larawang kuha sa kanila. Seryoso lang ang kanyang mukha habang si Isabella, nakangiti sa bawat kuha. Ang secretary na niya ang nag-asikaso ng iba kagaya na lang ng mga
ISABELLA "Kumusta ang pakiramdam mo habang nagmamaneho? Kinakabahan ka pa ba?" tanong ni ninong Maximus niya. Mabilis siyang umiling sabay ngiti. "Hindi na po, ninong. Salamat po sa inyo. Ang galing niyong magturo." Tatlong Linggo na rin ang lumipas simula nang mag-aral siyang magmaneho. Mayroon na nga kaagad siyang lisensya. Sa pagkakaalam niya, aabot pa ng buwan ang pagkuha ng lisensya ngunit dahil may koneksyon ang ninong niya, nagkaroon siya kaagad. "Basta kapag alam mong hindi ka kakasya, huwag kang sisingit. Ayos lang din na mag-overtake ka pero huwag palagi dahil baka biglang may sumulpot sa harapan mo. Sapul ka talaga," paalala pa mg kanyang ninong. "Opo, ninong. Tatandaan ko po ang sinabi niyo. Siya nga po pala, may balita na po ba kayo kina papa at sa dati niyong kinakasama?" pag-iiba niya ng usapan. Bumuga ng hangin ang kanyang ninong bago tumingin kung saan. Kasalukuyan silang nasa loob pa ng sasakyant kagagarahe lang. Nagpraktis magmaneho si Isabella sa loob ng mala
MAXIMUS"Kumusta ka naman, Maximus? Parang hindi ka na yata masyadong stress? Nakakahinga ka na ba ng maluwag? Nakakatulog ka na ba ng maayos?" tanong ng kaibigan niyang si Johnny."Pinipilit ko. Pero kahit papaano, nasasanay na rin ako. Mahirap kung tutuusin pero, sa tingin ko ito blessing in disguise ang nangyaring ito dahil nawala ang isang taong tarantado sa buhay ko.," may diing wika niya bago siya kumuha ng alak at saka sinalinan ang kanyang baso."Wala ka pang ginagawang hakbang. Tahimik ka pa ngayon. Bakit? Akala ko ba gusto mong maghiganti sa dalawang nanggago sa iyo?"Tumikhim si Maximus. "Tama ka. Tahimik nga lang ako ngayon dahil hinahayaan ko muna silang maging masaya. Kawawa naman kasi 'di ba kung basta ko na lang sisirain ang kasiyahan nila? Ganoon ako kabait sa kanila. Kaya sige, magpakasaya muna silang dalawa dahil sa una lang naman iyan."Malakas na tumawa si Johnny sabay palakpak. "Idol na talaga kita, Maximus. Tama ang ginagawa mo. Kalmado ka lang. Kalmado pero ma
Lumipas pa ang mga araw, tuluyan na ngang makakapag-aral muli si Isabella. Sobrang saya niya dahil ang pangarap niyang makapag-aral muli ay matutupad na. "Mama... makakapagtapos po ako, pangako," bulong niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa malaking gate ng kanilang eskwelahan. Hindi siya nahirapan dahil mayroon siyang sasakyan. Noong una ay kinakabahan pa siya dahil hindi niya kasama ang kanyang ninong ngunit ngayon, malaking achievement sa kanya na nagawa niyang makapagmaneho ng mag-isa. "Room 1E," bangit niya sa unang klase na papasukan niya. Nagtanong muna siya sa isang professor doon kung saan ang gusaling tinutukoy sa hawak niyang registration form. Itinuro naman iyon ng professor at dali-dali siyang nagtungo doon. Kinakabahan siya na hindi niya alam kung bakit. Ngunit mas nananaig ang saya na kanyang nararamdaman. May iilan na siyang kaklase na naroon. Naupo siya sa bandang dulo, katabi ng pader at saka inilibot ang paningin sa paligid. Tahimik ang ibang estudyant
CARLA Nakatingin lamang si Carla sa orasan at hindi alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Nag-trending ang kanyang munting negosyo. Noong una, iilan lang ang umo-order sa kanya ng mga tinahi niyang mga damit pambata, mga pambahay ito at pantulog hanggang maraming nag-order dahil de-kalidad ngunit abot kaya ang presyo. Hanggang sa nagtahi na rin siya ng mga damit pantulog ng mga pang-adults at maraming bumili sa kanya. Nakapagpatayo siya ng malaking bahay at nagkaroon na din siya ng sampung empleyado na katulong niya sa kanyang negosyo. "Ma'am! May nag-order ng one thousand pieces nitong pang eight to ten years old na ternong pantulog! Kailangan nating magawa ito kaagad after one week!" wika ng isa niyang empleyado. Nakita niyang one thousand piece nga ang order at agad na itong nagbayad. Napalunok ng laway si Carla at sinabihan ang kanyang mga empleyado na magtahi na kaagad ng damit na iyon. Iyon ang nagpapakilig sa kanya. Kapag may um-order ng bultuhan. Naisip niyang baka s
ISABELLA "Nabubuwisit na ako sa Danica na ito. May anak na tayo lahat-lahat, bakit papansin na naman sa iyo? Ano siya, kapag trip niyang may kumamot sa pudáy niyang kulubot na mabaho, magme-message sa iyo?!" galit na tanong ni Isabella sa kanyang asawa. Bumuntong hininga si Maximus. "Honey, wala naman akong pakialam sa babaeng iyon. Kapag hindi tungkol sa business ang topic niya, hindi ko siya nire-reply-an. Gusto kong ipakita sa iyo na wala talaga akong pakialam sa kanya. At isa pa, masyado kang maganda at masarap para ipagpalit ko sa babaeng pinagsawaan na ng iba. Kaya wala kang dapat ikabahala." Nginisihan niya ang kanyang asawa. "Wala naman talaga akong ikinababahala dahil kapag nagloko ka, hinding-hindi mo makikita ang mga anak mo. Ilalayo ko sila sa iyo." Hinawakan siya ni Maximus sa magkabilang balikat. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko magagawa iyon? Siguro kailangan mo lang ng iyót, honey. Mainit na naman ang ulo mo eh. Halika na sa kuwarto. Dadahan-dahani
ISABELLA Isang taon ang lumipas, tuluyan na ngang namaalam ang ama ni Isabella. Ngunit sa isang taong iyon, nagkaroon ng good memories silang mag-ama. Palagi silang nagba-bonding at madalas silang lumalabas. Naburang bigla sa puso't isipan ni Isabella ang mga hindi magandang nagawa ni Arthuro sa kanya pati na ang mga nasabi nito. Kinuha ni Isabella ang labi ng kanyang ina at itinabi ito sa libingan ng kanyang ama. Para kapag dadalaw siya, silang dalawa na agad ang dadalawin niya "Kumusta ka, papa? Bantayan mo na lang po ako mula sa itaas. Miss na kita, papa. Miss ko na po kayo ni mama. Hindi man naging maganda ang simula natin nang makilala kita pero naging maganda naman ang dulo. Palagi niyo po akong gagabayan ni mama. Mahal na mahal ko po kayo," naluluhang wika ni Isabella habang hinahaplos ang puntod ng kanyang mga magulang. "Tara na, honey. Umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Ezekiel," wika ni Isabella bago humawak sa kanyang asawa. Limang buwan na siyang buntis sa
ISABELLA "Tulog na si papa. Kasama naman niya sa kuwarto iyong caregiver niya doon. Salamat, honey dahil pumayag kang dito na lang tumira si papa. Kahit na may ginawang hindi tama sa iyo si papa, pinatawad mo pa rin siya," malambing na wika ni Isabella nang tabihan niya sa kama ang kanyang asawa.Hinaplos ni Maximus ang kanyang buhok. "Kung ikaw nga pinatawad mo siya, sino ba ako? Kung ano ang ikaliligaya mo, iyon ang susuportahan ko. Mahal na mahal kita, honey..."Kinikilig na nginitian ni Isabella ang kanyang asawa. "Mahal na mahal din kita, honey. Dahil diyan, may reward ka sa akin."Pumuwesto siya sa pagitan ng hita ni Maximus at saka inalis ang suot nitong damit. Sinunod niyang alisin ang salawal ng kanyang asawa at wala na siyang itinira. Ang natutulog na alaga ni Maximus ay unti-unting nabuhay nang hawakan niya iyon. Napangiti si Isabella ng malawak nang manigas na ng husto ang sandata ng kanyang asawa. "Galit na galit kaagad ang oten mo, honey... simpleng haplos ko pa lang a
ISABELLATatlong araw na ang lumipas simula nang magpunta si Leah sa kanilang bahay at hindi na nawala sa isipan niya ang kanyang ama. Lalo na nang makita niya ang itsura nito. Malayong-malayo sa malakas na pangangatawan ni Arthuro noon. Sa isang iglap, biglang bumagsak ang katawan niya at tumanda ng husto ang itsura ng kanyang ama."Honey.... napansin ko sa iyo na parang ilang araw ka na yatang wala sa mood. Hindi ka ngumingiti at madalas na tikom ang bibig mo. May problema ba? Puwede ko bang malaman kung ano ang gumugulo sa iyo?" malumanay na tanong ni Maximus sa kanya.Tiningnan ni Isabella ang kanyang asawa bago bumuga ng hangin. "Si papa... naiisip ko siya. Nabalitaan kong hindi na siya makalakad. May nag-aalaga na lang sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil naaawa ako sa kanya. Parang gusto ko siyang makita. Pero alam kong hindi mo magugustuhan iyon..."Hinawakan siya ng kanyang asawa sa kamay. Napakurap siya bago tumingin kay Maximus na may ngiti sa labi. "Kahit ano pang sa
MAXIMUS "Bakit kailangan mo pang magpunta sa bahay, ha? Anong gusto mong palabasin? Gusto mong mag-away kami ng asawa ko?" galit na wika ni Maximus kay Danica. Ngumisi ang babae bago mapang-akit na tumingin sa kanya. "Hindi ko iyon gustong mangyari. Hinahanap lang talaga kita. At isa pa, ngayon na lang ulit ako nakapunta sa bahay mo. Kapag nakakapunta ako sa bahay mo, palaging may okasyon at tungkol sa negosyo o kompanya ang usapan. Hindi ba ako pwedeng magpunta doon ng walang ganap? Iyon bang makausap ka lang at makipagkwentuhan sa iyo?" Asar niyang tiningnan ang babae. "Nagawa mo ng manggulo sa amin noon ni Clara, tapos ngayon, gagawin mo na naman ulit? Hindi magkaparehas ng ugali si Clara at ang asawa kong si Isabella. Kaya huwag kang papansin sa akin kung gusto mong manahimik din ang buhay mo. Masaya kaming mag-asawa ngayon. Huwag mong sirain ang masaya naming pagsasama dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin sa iyo ng asawa ko," mayroong pagbabanta niyang sabi kay Danica.
ISABELLA Sinalubong ng matalim na tingin ni Isabella ang kanyang asawa. Nagtataka namang nakatingin din si Maximus sa kanya sabay kamot sa ulo. "Ho-Honey... may problema ba?" takang tanong ni Maximus sa kanya. Nginisihan niya ng naasar ang kanyang asawa. "Sino iyong Danica na nag-hi sa iyo? At bakit magkatabi pa kayo sa picture? Ano? May babae ka na?" Mabilis na umiling si Maximus. "Honey, wala akong babae. At kahit kailan, hindi ako magkakaroon ng babae. Magiging tapat ako sa iyo. Si Danica, matagal ng papansin sa akin iyan. Noong magkarelasyon pa kami ni Clara, papansin na talaga iyan. Pero hindi ko siya pinapansin. Ni minsan, hindi ko iyan pinagbigyan sa kama. Malandi kasi ang babaeng iyan. Kung sino-sinong lalaki ang nakatalik niyan." Umarko ang kilay niya habang nakatingin kay Maximus. "Ang ibig mong sabihin, dati pa talaga papansin sa iyo ang babaeng ito? At ngayon, may plano na namang magpapansin? Ano ba ang habol sa iyo ng babaeng ito? Séx?" Nagkibit balikat ang
ISABELLA "Nagustuhan mo ba ang ipinatayo kong private resort?" nakangiting tanong sa kanya ni Maximus. Nilibot niya ang kanyang paningin sa private resort na iyon. Kasya ang one hundred katao doon at may venue para sa event kagaya ng birthday, binyag o kahit anong okasyon na gaganapin sa resort na iyon. "Yes, honey... sobrang ganda ng resort na ito! Ewan ko na lang kung hindi palaging fully booked itong resort!" masayang sabi niya bago niya niyakap ang kanyang asawa. "Para sa iyo ang resort na ito. Ito ang pagkakaabalahan mong bisitahin kapag nabo-boring ka sa bahay. Naisip ko kasi na maganda ring may business kang sarili para hindi ka nalulungkot dahil nasa bahay ka lang. Alam kong gusto mo ring may ginagawa ka." Nahaplos naman ang puso ni Isabella sa sinabi ng kanyang asawa. Sa katunayan, nakaraan naisip niyang magkaroon sana ng sariling negosyo para may pagkakaabalahan siya. Hindi naman siya hirap sa pag-aalaga ng kanyang anak dahil may yaya naman ito. At katuwang niya rin
MAXIMUS Isang linggo ang lumipas matapos manganak ni Isabella, wala siyang ibang ginawa kun'di ang alagaan at asikasuhin ang kanyang mag-ina. Aminado si Maximus na hindi ganoon kadali ang maging isang magulang lalo na't sa edad niyang iyon, doon pa lang siya naging daddy. "Honey, matulog ka na. Ako na muna kay baby. Ang laki na ng eyebags mo," malambing na wika ng kanyang asawa sabay haplos sa kanyang braso. "No, honey... aalagaan ko kayo ni baby. Ikaw ang dapat magpahinga, hindi ako. Ang gusto ko ay matulog ka lang at kumain. Ako na ang bahala dito," wika niya bago ngumiti. "Hmm... parang hindi mo na kasi kaya, honey eh. Nakikita ko sa mga mata mong inaantok ka na. Ako na muna kay baby, please? Gusto ko rin siyang maalagaan," nakalabing wika ni Isabella. Bumuga siya ng hangin bago inabot sa kanyang asawa ang kanilang anak. Ngumiti nang malawak si Isabella nang buhatin niya ang kanilang anak. "Ang guwapo ng anak natin! Kaso wala yatang nakuha sa akin, ha. Baby pa lang pero nakik