Kinabukasan, tinawagan kaagad ni Maximus ang kanyang kaibigan na si Johnny. Bago pa man umalis si Clara, nakasunod na silang dalawa. Kabadong-kabado si Maximus habang nagmamaneho.
"Sa tingin mo ba, nagsasabi ng totoo ang asawa mo?" tanong ni Johnny sa kanya habang nakasunod ang tingin sa sasakyan ni Clara sa kanilang unahan. "Hindi ko alam, Johnny. Magulo ang isip ko kagabi pa. Kung ano-ano ang iniisip ko," mabilis na sabi ni Maximus. Patuloy lang silang nakasunod sa sasakyan ni Clara hanggang sa huminto ito sa isang gusali. Nanlaki ang mga mata ni Maximus sa kaniyang nakita. Lumakad patungo ang kanyang asawa sa lalaking kanina pa naghihintay sa kanya sa gusaling iyon at saka niya ito niyakap bago hinalikan sa labi. Kitang-kita ni Maximus ang kaganapang iyon at ang labis pa niyang ikinagulat.... Ang lalaking kahalikan ng asawa niya ay walang iba kun'di ang malapit niyang kumpare. Ang kumpare niyang pinaka-close niya sa lahat ng mga kumpare niya. Ang kumpare niyang madalas niyang nakakainuman kapag may problema siya. Ang kumpareng akala niya may pakialam sa kanya at kaibigan ang turing sa kanya pero hindi pala. Dahil ang asawa niya pala ang nais ng kumpare niya. "Tangina! Si kumpareng Arthuro mo iyon, ah?" bulalas ni Johnny sa labis na pagkagulat. "Putangina nilang dalawa! Mga gago!" sigaw ni Maximus sabay hampas ng manibela. Hinawakan siya sa balikat ni Johnny at saka tinapik-tapik. "Kumalma ka lang. Susundan natin sila. Aalamin natin kung saan sila pupunta. At kapag nalaman natin, doon mo sila komprontahin. Ang kapal din ng mukha ng kumpare mong iyan, ha. Hindi ba ikaw ang tumulong sa kanya noong nalugmok siya? Tapos ito lang pala ang isusukli niya sa iyo? Aahasin ang asawa mo? Ibang klase ang kakapalan ng mukha!" "Walang hiya silang dalawa. Lalo na si Clara! Saan siya humugot ng lakas ng loob para lokohin ako? Anong ginawa ko sa kanya para gawin niya sa akin ang panlolokong ito? Naging tapat ako sa kanya at hindi ko nagawang tumingin sa iba pero siya pa itong unang nagloko sa amin? Binigay ko ang lahat ng gusto niya! Lahat! Napakagago niyang babae! Malandi! Makati siyang putangina siya!" hindi napigilang sigaw ni Maximus. "Maximus... alam kong masakit pero subukan mo munang kumalma at huwag sumabog. Kailangan natin silang mahuli sa akto. Bilang ebidensya. Nakuhaan ko naman sila ng picture. Mas maigi na mas matibay talagang ebidensya. Huli sa akto." Humugot ng malalim na hininga si Maximus habang naghihintay sa muling paglabas ng kanyang asawa pati na ng kumpare niya sa gusaling iyon. Mayamaya pa, may dalang bag ang kanyang kumpare. Pumasok na sila sa loob ng sasakyan at ang kumpare niyang si Arthuro ang nagmaneho. "Sundan na natin," sambit ni Johnny. Sinundan nga nila ang dalawa. Mahaba ang kanilang naging byahe dahil medyo malayo ang La Union mula sa kanilang bahay. Huminto sila sa isang resort doon. Agad na sumunod ang sasakyan nila papasok sa loob ng resort. Nang lumabas na ang asawa niya pati ang kumpare niya, lumabas na rin silang dalawa ni Johnny. Lakad takbo ang ginawa nila upang sundan ang dalawa. Modern kubo ang design ng mga rooms doon. Nang huminto ang asawa niya pati na ang kumpare niya sa isa sa mga iyon, dali-daling tumakbo palapit sa dalawa. Hindi na nakapasok pa ang dalawa sa loob dahil hinatak ni Maximus si Arthuro at saka sinuntok ng malakas sa mukha. Bumagsak ito. "Putangina mo ka! Ang lakas ng loob mong ahasin ang asawa ko!" malakas niyang sigaw. "Arturo!" sigaw ni Clara bago nilapitan ang lalaki. Nanlaki ang mata ni Maximus at asar na tumawa. "Wow naman, Clara! Mahal na mahal? Labis ang pag-aalala mo, ha? Ang kapal ng pagmumukha mong babae ka! Ang landi mo! Hindi ka pa nakontento sa akin? Ano pa ba ang hinahanap mo sa isang lalaki? Ano pa ba ang naging kulang sa akin para magkaroon ka ng kabit? Bakit? Mas malaki ba ang títí ng lalaking iyan para ipagpalit mo ako sa kanya? Malandi!" Nakatikim ng malakas na sampal si Clara mula kay Maximus. Hindi niya sinaktan ni isang beses si Clara simula nang magsama sila. Ngayon lang dahil sa labis na kanyang nararamdaman. Bumangon si Arthuro at niyakap si Clara. "Alam mo kung bakit ako humanap ng iba? Dahil pinabayaan mo na ako! Hindi mo namalayan na wala ka na halos oras sa akin? Puro ka na lang trabaho! Puro ka na lang negosyo! Puro ka na lang pera! Kaya hindi mo rin ako magawang mabuntis dahil wala kang oras sa akin! Gustong-gusto ko ng magkaroon tayo ng anak noon pa pero ano? Hanggang ngayon, wala pa rin tayong anak! Lumagpas na lang sa kalendaryo ang edad ko, hindi pa rin tayo nabibiyayaan ng anak dahil inuuna mo iyang pagpapayaman mo! Imbes na ang asawa mo! Imbes na ang pagbuo mo ng pamilya!" umiiyak na sigaw ni Clara. Napaawang ang labi ni Maximus. Naisip niya nga ang lahat. Naisip niya ngang nagkulang siya sa kanyang asawa ngunit hindi naman iyon sapat para lokohin siya nito. At isa pa, kapag free time niya, nilalabas niya ang kanyang asawa para bumawi. Hindi niya alam na may iba na pala ito. "Alam kong nagkulang ako sa iyo dahil naging abala ako pero sapat na bang dahilan iyan para lokohin mo ako? Bago tayo kinasal, alam mo na kung gaano ako ka-busy na tao. At sabi mo sa akin, tanggap mo iyon basta huwag lang akong magloloko. Pero ikaw pala itong magloloko sa ating dalawa?" Umagos ang luha sa mga mata ni Maximus. Unang beses na umiyak siya sa harapan ng kanyang asawa. Unang beses na nadurog ng husto ang kanyang puso para lang kay Clara. Ang puso niyang inalay niya lang sa asawa at hindi humanap ng iba pa. Tumingin siya sa kanyang kumpare. "Noong pumayag akong maging ninong ng anak mo, iyon ang araw na tinanggap kita sa buhay ko bilang kaibigan ko. Alam mong mapili ako sa kaibigan. Iilan lang kayong tinuturing kong kaibigan pero hindi mo pinahalagahan iyon. Kahit hindi ko na isumbat ang lahat sa iyo, Arthur... alam mo kung gaano karami at kalaki ang naitulong ko sa iyo kaya hindi ko matanggap na ito lang pala ang isusukli mo sa lahat ng kabutihan ko sa iyo. Doble ang sakit sa akin na ikaw pa ang kabit ng asawa ko. Ikaw na kumpare at kaibigan ko." Tinuon ni Maximus ang tingin niya sa kanyang asawa. "Clara... alam mo kung gaano kita kamahal. Alam mo iyan. Pero dahil sa ginawa mong ito, hindi na kita kayang mahalin pa. Hindi ko kayang tanggapin pa ang babaeng nilawayan na ng ibang lalaki," ani Maximus bago mabilis na lumakad paalis. Doble ang sakit na kanyang nararamdaman sa araw na iyon. Dalawang taong mahalaga sa kanya ang dumurog sa kanyang puso."Maximus... tahan na." Naniningkit na ang mga mata ni Maximus dahil kanina pa siya iyak nang iyak sa loob ng kanyang sasakyan. Durog na durog ang kanyang puso. Sobrang mahal niya ang kanyang asawa kaya hindi niya matanggap na matagal na pala siyang may ipot sa ulo. Ang babaeng pinagmamalaki niya, tinitikman na pala ng iba. At dahil ang kanyang asawa lang niya ang tanging mahal niya, masakit sa kanya na hindi na sila magkakabalikan pa. Dahil iyon ang pangako niya sa kanyang sarili. Na kapag niloko ng sinuman sa kanilang dalawang mag-asawa ang isa't isa, hindi na sila maaaring magkabalikan pa. Hindi na rin naman maganda ang kalalabasan dahil paulit-ulit lang na maisusumbat ang pagkakamaling iyon. "Umuwi na tayo. Ay teka, anong oras na rin pala. Mukhang wala ka rin sa wisyo nagmaneho. Ako naman ay gusto ring magpahinga. Maigi pang mag-booked na lang muna tayo ng matutuluyan sa lugar na ito." Patuloy lamang ang pag-agos ng kanyang luha. Idinadaan na lamang niya sa pag-iyak ang
"Sino ang dalagang iyan?" tanong ni Maximus habang nakatingin sa dalagang nakasunod ang tingin sa papalayong sasakyan ni Arthuro. Kasalukuyang naka-park ang sasakyan nila sa isang tabi na hindi mapapansin ni Arthuro kapag lumabas siya ng kanyang bahay. Kanina pa sila naghihintay ni Johnny sa paglabas ni Arthuro kasama si Clara ngunit wala pala doon ang babae. Akala ni Maximus, magkasama na ang dalawa. "Nakalimutan mo na ba? 'Di ba may nakatalik dati na babae si Arthuro noong nagpunta siya sa probinsya nila at may nabuntis siyang babae? Hindi niya pinanagutan pero ang alam ko, nagbibigay naman siya ng sustento. At sa tingin ko, ang dalagang iyan ang anak ni Arthuro. Dalaga na ito. Ikaw pa nga ang nagkuwento sa akin no'n eh! Kaya nga kayo naging magkumpare dahil inaanak mo ang dalagang iyan. Nakalimutan ko ang pangalan niya eh. Ano? Hindi mo matandaan? Kasi 'di ba no'ng pinabinyagan ang dalagang iyan, sinabi mo na ninong ka para lalong maging matibay ang pagkakaibigan ninyo. Hindi
Lumipas ang isang linggo, pinirmahan na nga ni Clara ang divorce papers na pinadala sa kanya ni Maximus. Ngayon, hawak na ito ni Maximus at ipinaasikaso na sa kanyang abogado. Gabi na ng mga oras na iyon, marami na ring nainom na alak si Maximus kaya medyo nahihilo na siya."Tama na iyan, Maximus. Nakarami ka na eh. Maigi pang matulog ka na," suway sa kanya ni Johnny."Hayaan mo na ako. Nandito lang naman ako sa bahay. Kahit magpakalasing ako, ayos lang dahil hindi naman ako magmamaneho. Masakit sa akin na inaasikaso na ng abogado ko ang divorce namin ni Clara pero wala naman akong pinagsisisihan. Sinabi kong handa akong magbayad kahit gaano pa kalaking halaga iyan basta mapabilis lang ang process ng divorce natin. Hindi ko na matiis pang may asawa akong malandi. Makati pa sa higad.""Nagpupunta ka pa rin ba sa bahay ng kumpare mo para silipin ang asawa mo doon?"Mabagal na tumango si Maximus. "Kaninang umaga, nagtungo ako doon. At nakita kong masaya na silang nagsasama. Mga putangina
Kanina pa nakatulala si Isabella dahil iniisip niya kung tatanggapin niya ba ang alok ni Maximus sa kanya. Bumangon siya mula sa kanyang higaan at nag-iisip ng malalim. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. 'Pero twenty million iyon. Napakalaking pera. Makakabili na ako ng bahay at sasakyan sa perang iyon...' sabi niya sa isipan. Humiga siyang muli at saka nagtaklob ng kumot. Kanina pag-uwi niya, pagod na pagod siya. Lakad dito, lakad doon. Ganoon ang ginawa niya. Kung saan-saan siya naglakad para humanap ng mga nakapaskil na "Hiring." Akala niya madali lang makahanap ng trabaho pero hindi pala. Kinabukasan, matapos niyang mag-almusal, naglinis na siya ng buong bahay. At nang magising ang kanyang ama pati na si Clara, binati niya ito. "Nakahanap ka na ba ng trabaho mo?" Hindi pinansin ng kanyang ama ang pagbati niya ng magandang umaga. "H-Hindi pa po, papa pero s-susubukan ko po ulit mama. Mag-aasikaso na rin po ako. Hahanap po ulit ako ng mapapasukang trabaho," nauutal
"Salamat, Isabella. Tutal nakapirma ka na rin naman dito, sasabihin ko na sa iyo ang dahilan kung bakit ikaw ang naisipan kong offer-an nito..." Kumunot ang noo ni Isabella. "B-Bakit?" "Alam mo bang ang babaeng kasama ng tatay mo ngayon, ay dati kong kinakasama? Akala ko mag-asawa kami pero hindi pala. Peke ang kasla namin at inutos iyon ng mommy ko bago siya mamatay dahil ang nanay ng kinakasama kong si Clara, kabit ng daddy ko. Naisip ko na tama pala si mommy, kung ano ang puno, siyang bunga. Kaya mabuti na lang, hindi kami totoong mag-asawa," salaysay ni Maximus. Nagulat naman si Isabella sa kanyang nalaman. "Talaga po? Hindi ko alam..." "Iyon ang totoo. At gusto kong gumanti. Kaya handa akong gumastos ng malaki para makapaghiganti lang sa kanilang dalawa. At sana, tulungan mo ako tutal, wala namang pakialam sa iyo ang tatay mo. Alam mo bang gusto niya dating ipalaglag ka ng mama mo? Pero hindi pumayag ang mama mo kaya nagtungo siya ng probinsya. Nang malaman ko iyon, nagpr
"Grabe, ninong! Sobrang yaman niyo po pala!" nanlalaki ang matang wika ni Isabella habang pinalilibot ang paningin sa malaking bahay na iyon. "Walang silbi ang yaman na mayroon ako kung wala naman akong paggamitan nito. Siguro, kaya isa rin sa dahilan kung bakit hindi kami makabuo ni Clara ay dahil lolokohin lang din pala niya ako. Napakasama niya talaga. Sa tuwing maiisip ko ang ginawa niya, hindi ko maiwasang manginig sa galit," nangangalit ang ngiping wika ng kanyang ninong. "Ninong... huwag po kayong masyadong magpaka-stress. Kayo lang po ang magiging kawawa. Alam ko po na sobra kayong apektado sa ginawa niya pero kumalma lang po kayo. Makakaganti po kayo. Kahit ako rin, may galit ako kay papa. Talagang pinabayaan niya si mama. Wala man lang siyang naging reaksyon nang sabihing kong wala na si mama. Ang malas ko kung bakit siya pa ang dating tatay ko. Sa totoo lang po, sabik ako sa pagmamahal ng isang magulang. Akala ko, magkakaroon ako ng kakampi pa, dahil buhay pa siya na tat
Tanghali na nang magising si Isabella. Napasarap ang tulog niya dahil malambot ang kamang pinaghihigaan niya at malamig pa ang kuwartong iyon dahil sa aircon.Iniligpit niya ang kanyang pinaghigaan bago lumabas ng kuwartong iyon. Laking gulat niya nang makitang nakahanda na ang pagkain sa kusina. Malaki ang dining table doon at maraming pagkaing nakalagay doon."Magandang umaga po, ma'am Isabella. Kumain na po kayo," wika ni manang na kasambahay doon."Wow! Ang dami naman pong pagkain! Nasaan po si ninong? Kumain na po ba siya?""Oo nag-almusal na iyon. Maaga umalis. Ganoon naman pala si sir Maximus. Bihira lang iyang umalis ng bahay ng tanghali. Palagi siyang busy. Talagang pinananatili niyang maganda ang pamamalakad niya sa kompanya niya. At may inaasikaso rin siyang ibang negosyo. Kaya naman busy talagang tao si sir."Tumango-tango si Isabella. "Naku, masyado pong marami ang mga pagkain na ito! Samahan niyo po akong kumain dito!""Sige lang, kumain ka lang diyan ma'am.""Huwag niyo
"Magandang umaga, Isabella. Nandito ang apo kong si Jolly. Kasama ko na siya dito dahil ni-request ni ninong Maximus dahil naisip niya, baka nabuburyo ka dito. Kaya nandito ang apo ko para tulungan ako sa paglilinis at para may kausap ka rin," wika ni manang. Napangiti naman si Isabella bago tumingin sa dalagang katabi ng kasambahay. "Salamat po. Nasaan po pala si ninong?" "Nasa kuwarto niya yata. Puwede mo naman siyang puntahan doon. Kumatok ka na lang." "Hi, ma'am Isabella! I'm Jolly the great! Kumusta po kayo? Ako po ang magiging kachikahan mo for today and for tomorrow and forever if you want!" masiglang wika ni Jolly. Natawa si Isabella. "Hello sa iyo, Jolly. Huwag mo na akong tawaging ma'am. Isabella na lang." "Okay sige, keri boom iyan!" "Oh siya maiwan ko na muna kayong dalawa. Magwawalis na muna ako sa labas. Magchikahan na muna kayo," sambit ni manang bago umalis. Sumenyas si Isabella na maupo si Jolly sa sala. "Diyan ka muna sandali, ha? Sisilipin ko lang si
CARLA Nakatingin lamang si Carla sa orasan at hindi alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Nag-trending ang kanyang munting negosyo. Noong una, iilan lang ang umo-order sa kanya ng mga tinahi niyang mga damit pambata, mga pambahay ito at pantulog hanggang maraming nag-order dahil de-kalidad ngunit abot kaya ang presyo. Hanggang sa nagtahi na rin siya ng mga damit pantulog ng mga pang-adults at maraming bumili sa kanya. Nakapagpatayo siya ng malaking bahay at nagkaroon na din siya ng sampung empleyado na katulong niya sa kanyang negosyo. "Ma'am! May nag-order ng one thousand pieces nitong pang eight to ten years old na ternong pantulog! Kailangan nating magawa ito kaagad after one week!" wika ng isa niyang empleyado. Nakita niyang one thousand piece nga ang order at agad na itong nagbayad. Napalunok ng laway si Carla at sinabihan ang kanyang mga empleyado na magtahi na kaagad ng damit na iyon. Iyon ang nagpapakilig sa kanya. Kapag may um-order ng bultuhan. Naisip niyang baka s
ISABELLA "Nabubuwisit na ako sa Danica na ito. May anak na tayo lahat-lahat, bakit papansin na naman sa iyo? Ano siya, kapag trip niyang may kumamot sa pudáy niyang kulubot na mabaho, magme-message sa iyo?!" galit na tanong ni Isabella sa kanyang asawa. Bumuntong hininga si Maximus. "Honey, wala naman akong pakialam sa babaeng iyon. Kapag hindi tungkol sa business ang topic niya, hindi ko siya nire-reply-an. Gusto kong ipakita sa iyo na wala talaga akong pakialam sa kanya. At isa pa, masyado kang maganda at masarap para ipagpalit ko sa babaeng pinagsawaan na ng iba. Kaya wala kang dapat ikabahala." Nginisihan niya ang kanyang asawa. "Wala naman talaga akong ikinababahala dahil kapag nagloko ka, hinding-hindi mo makikita ang mga anak mo. Ilalayo ko sila sa iyo." Hinawakan siya ni Maximus sa magkabilang balikat. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko magagawa iyon? Siguro kailangan mo lang ng iyót, honey. Mainit na naman ang ulo mo eh. Halika na sa kuwarto. Dadahan-dahani
ISABELLA Isang taon ang lumipas, tuluyan na ngang namaalam ang ama ni Isabella. Ngunit sa isang taong iyon, nagkaroon ng good memories silang mag-ama. Palagi silang nagba-bonding at madalas silang lumalabas. Naburang bigla sa puso't isipan ni Isabella ang mga hindi magandang nagawa ni Arthuro sa kanya pati na ang mga nasabi nito. Kinuha ni Isabella ang labi ng kanyang ina at itinabi ito sa libingan ng kanyang ama. Para kapag dadalaw siya, silang dalawa na agad ang dadalawin niya "Kumusta ka, papa? Bantayan mo na lang po ako mula sa itaas. Miss na kita, papa. Miss ko na po kayo ni mama. Hindi man naging maganda ang simula natin nang makilala kita pero naging maganda naman ang dulo. Palagi niyo po akong gagabayan ni mama. Mahal na mahal ko po kayo," naluluhang wika ni Isabella habang hinahaplos ang puntod ng kanyang mga magulang. "Tara na, honey. Umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Ezekiel," wika ni Isabella bago humawak sa kanyang asawa. Limang buwan na siyang buntis sa
ISABELLA "Tulog na si papa. Kasama naman niya sa kuwarto iyong caregiver niya doon. Salamat, honey dahil pumayag kang dito na lang tumira si papa. Kahit na may ginawang hindi tama sa iyo si papa, pinatawad mo pa rin siya," malambing na wika ni Isabella nang tabihan niya sa kama ang kanyang asawa.Hinaplos ni Maximus ang kanyang buhok. "Kung ikaw nga pinatawad mo siya, sino ba ako? Kung ano ang ikaliligaya mo, iyon ang susuportahan ko. Mahal na mahal kita, honey..."Kinikilig na nginitian ni Isabella ang kanyang asawa. "Mahal na mahal din kita, honey. Dahil diyan, may reward ka sa akin."Pumuwesto siya sa pagitan ng hita ni Maximus at saka inalis ang suot nitong damit. Sinunod niyang alisin ang salawal ng kanyang asawa at wala na siyang itinira. Ang natutulog na alaga ni Maximus ay unti-unting nabuhay nang hawakan niya iyon. Napangiti si Isabella ng malawak nang manigas na ng husto ang sandata ng kanyang asawa. "Galit na galit kaagad ang oten mo, honey... simpleng haplos ko pa lang a
ISABELLATatlong araw na ang lumipas simula nang magpunta si Leah sa kanilang bahay at hindi na nawala sa isipan niya ang kanyang ama. Lalo na nang makita niya ang itsura nito. Malayong-malayo sa malakas na pangangatawan ni Arthuro noon. Sa isang iglap, biglang bumagsak ang katawan niya at tumanda ng husto ang itsura ng kanyang ama."Honey.... napansin ko sa iyo na parang ilang araw ka na yatang wala sa mood. Hindi ka ngumingiti at madalas na tikom ang bibig mo. May problema ba? Puwede ko bang malaman kung ano ang gumugulo sa iyo?" malumanay na tanong ni Maximus sa kanya.Tiningnan ni Isabella ang kanyang asawa bago bumuga ng hangin. "Si papa... naiisip ko siya. Nabalitaan kong hindi na siya makalakad. May nag-aalaga na lang sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil naaawa ako sa kanya. Parang gusto ko siyang makita. Pero alam kong hindi mo magugustuhan iyon..."Hinawakan siya ng kanyang asawa sa kamay. Napakurap siya bago tumingin kay Maximus na may ngiti sa labi. "Kahit ano pang sa
MAXIMUS "Bakit kailangan mo pang magpunta sa bahay, ha? Anong gusto mong palabasin? Gusto mong mag-away kami ng asawa ko?" galit na wika ni Maximus kay Danica. Ngumisi ang babae bago mapang-akit na tumingin sa kanya. "Hindi ko iyon gustong mangyari. Hinahanap lang talaga kita. At isa pa, ngayon na lang ulit ako nakapunta sa bahay mo. Kapag nakakapunta ako sa bahay mo, palaging may okasyon at tungkol sa negosyo o kompanya ang usapan. Hindi ba ako pwedeng magpunta doon ng walang ganap? Iyon bang makausap ka lang at makipagkwentuhan sa iyo?" Asar niyang tiningnan ang babae. "Nagawa mo ng manggulo sa amin noon ni Clara, tapos ngayon, gagawin mo na naman ulit? Hindi magkaparehas ng ugali si Clara at ang asawa kong si Isabella. Kaya huwag kang papansin sa akin kung gusto mong manahimik din ang buhay mo. Masaya kaming mag-asawa ngayon. Huwag mong sirain ang masaya naming pagsasama dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin sa iyo ng asawa ko," mayroong pagbabanta niyang sabi kay Danica.
ISABELLA Sinalubong ng matalim na tingin ni Isabella ang kanyang asawa. Nagtataka namang nakatingin din si Maximus sa kanya sabay kamot sa ulo. "Ho-Honey... may problema ba?" takang tanong ni Maximus sa kanya. Nginisihan niya ng naasar ang kanyang asawa. "Sino iyong Danica na nag-hi sa iyo? At bakit magkatabi pa kayo sa picture? Ano? May babae ka na?" Mabilis na umiling si Maximus. "Honey, wala akong babae. At kahit kailan, hindi ako magkakaroon ng babae. Magiging tapat ako sa iyo. Si Danica, matagal ng papansin sa akin iyan. Noong magkarelasyon pa kami ni Clara, papansin na talaga iyan. Pero hindi ko siya pinapansin. Ni minsan, hindi ko iyan pinagbigyan sa kama. Malandi kasi ang babaeng iyan. Kung sino-sinong lalaki ang nakatalik niyan." Umarko ang kilay niya habang nakatingin kay Maximus. "Ang ibig mong sabihin, dati pa talaga papansin sa iyo ang babaeng ito? At ngayon, may plano na namang magpapansin? Ano ba ang habol sa iyo ng babaeng ito? Séx?" Nagkibit balikat ang
ISABELLA "Nagustuhan mo ba ang ipinatayo kong private resort?" nakangiting tanong sa kanya ni Maximus. Nilibot niya ang kanyang paningin sa private resort na iyon. Kasya ang one hundred katao doon at may venue para sa event kagaya ng birthday, binyag o kahit anong okasyon na gaganapin sa resort na iyon. "Yes, honey... sobrang ganda ng resort na ito! Ewan ko na lang kung hindi palaging fully booked itong resort!" masayang sabi niya bago niya niyakap ang kanyang asawa. "Para sa iyo ang resort na ito. Ito ang pagkakaabalahan mong bisitahin kapag nabo-boring ka sa bahay. Naisip ko kasi na maganda ring may business kang sarili para hindi ka nalulungkot dahil nasa bahay ka lang. Alam kong gusto mo ring may ginagawa ka." Nahaplos naman ang puso ni Isabella sa sinabi ng kanyang asawa. Sa katunayan, nakaraan naisip niyang magkaroon sana ng sariling negosyo para may pagkakaabalahan siya. Hindi naman siya hirap sa pag-aalaga ng kanyang anak dahil may yaya naman ito. At katuwang niya rin
MAXIMUS Isang linggo ang lumipas matapos manganak ni Isabella, wala siyang ibang ginawa kun'di ang alagaan at asikasuhin ang kanyang mag-ina. Aminado si Maximus na hindi ganoon kadali ang maging isang magulang lalo na't sa edad niyang iyon, doon pa lang siya naging daddy. "Honey, matulog ka na. Ako na muna kay baby. Ang laki na ng eyebags mo," malambing na wika ng kanyang asawa sabay haplos sa kanyang braso. "No, honey... aalagaan ko kayo ni baby. Ikaw ang dapat magpahinga, hindi ako. Ang gusto ko ay matulog ka lang at kumain. Ako na ang bahala dito," wika niya bago ngumiti. "Hmm... parang hindi mo na kasi kaya, honey eh. Nakikita ko sa mga mata mong inaantok ka na. Ako na muna kay baby, please? Gusto ko rin siyang maalagaan," nakalabing wika ni Isabella. Bumuga siya ng hangin bago inabot sa kanyang asawa ang kanilang anak. Ngumiti nang malawak si Isabella nang buhatin niya ang kanilang anak. "Ang guwapo ng anak natin! Kaso wala yatang nakuha sa akin, ha. Baby pa lang pero nakik