Share

K-4

Penulis: LonelyPen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-06 19:03:39

"Sino ang dalagang iyan?" tanong ni Maximus habang nakatingin sa dalagang nakasunod ang tingin sa papalayong sasakyan ni Arthuro.

Kasalukuyang naka-park ang sasakyan nila sa isang tabi na hindi mapapansin ni Arthuro kapag lumabas siya ng kanyang bahay. Kanina pa sila naghihintay ni Johnny sa paglabas ni Arthuro kasama si Clara ngunit wala pala doon ang babae. Akala ni Maximus, magkasama na ang dalawa.

"Nakalimutan mo na ba? 'Di ba may nakatalik dati na babae si Arthuro noong nagpunta siya sa probinsya nila at may nabuntis siyang babae? Hindi niya pinanagutan pero ang alam ko, nagbibigay naman siya ng sustento. At sa tingin ko, ang dalagang iyan ang anak ni Arthuro. Dalaga na ito. Ikaw pa nga ang nagkuwento sa akin no'n eh! Kaya nga kayo naging magkumpare dahil inaanak mo ang dalagang iyan. Nakalimutan ko ang pangalan niya eh. Ano? Hindi mo matandaan? Kasi 'di ba no'ng pinabinyagan ang dalagang iyan, sinabi mo na ninong ka para lalong maging matibay ang pagkakaibigan ninyo. Hindi mo maalala?" bulalas ni Johnny.

Doon na naalala ni Maximus ang ikinuwento ni Arthuro sa kanya noon. Hindi naman niya akalain na lalaking maganda ang dalaga. Nakalimutan niya ring inaanak niya pala ito. Legit siyang naging ninong dahil nagpadala siya ng mga gamit para kay Isabella noong baby pa lang ito. Naawa kasi siya dahil walang pakialam si Arthuro kay Isabella. Kaya biglang regalo noong binyag ni Isabella, nagpadala siya ng mga gamit ng baby. Pati na ilang box ng gatas at diaper. Laking pasasalamat ng ina ni Isabella sa kanya noon. Natigil lang ang pagpapadala niya noong nag-tatlong taong gulang na si Isabella dahil naging busy na siya kompanya at negosyo.

Humugot ng malalim na paghinga si Maximus. Habang pinagmamasdan niya ang nakapikit na si Isabella dahil nagdadasal ito, hindi niya maiwasang humanga. Makinis at maputi ang dalaga. Nakasuot ito ng skinny jeans at shirt kung saan kita ang magandang kurbada ng katawan nito. Nagmana kasi si Isabella sa kanyang ina. Maganda ito at sexy. Kamukha niya ang kanyang ina. Kaya nga naakit sa kanyang ina ang ama niyang si Arthuro nang gabing may maganap sa kanila. At si Isabella na nga ang naging bunga.

"Ang ganda ng anak ni Arthuro. Mukhang maganda ang nanay kaya ganiyan. Hindi naman guwapo ang kumpare mo. Mukha ngang dugyot na driver ang itsura," mapanglait na wika ni Johnny.

Napakurap si Maximus sabay iwas ng tingin sa dalagang si Isabella nang mapagtanto niyang kanina pa pala siya nakatingin sa dalaga. Bumuga siya ng hangin bago binuhay ang makina ng kanyang sasakyan. Paglingon niya, wala na sa kinatatayuan kanina ang dalagang si Isabella.

"Saan na tayo pupunta ngayon? Hindi pala magkasama ang asawa mo pati ang kumpare mo. Mukhang nasa ibang lugar ang asawa mo tapos pinuntahan ni Arthuro. Doon sila nagtagpo dahil naisip nilang pupunta ka dito."

Asar na ngumisi si Maximus. "Babalik na tayo sa bahay. Samahan mo na lang muna akong uminom. Naisip ko na bakit ko pa pala sila kailangang sundan? Magmumukhang tanga lang pala ako kasusunod sa kanina at masasaktan lang sa makikita ko. Mainam na sa bahay na muna ako at mag-isip ng maaari kong maging plano para makaganti sa kanila."

"Tama ka diyan. Buti naisip mo ang bagay na iyan. Sige, sasamahan kitang uminom pero huwag naman sa bahay mo. Maigi doon na lang tayo sa bar na madalas kong puntahan kapag gusto kong mag-relax. Mas maigi na doon kaysa naman sa club, 'di ba? Wala ka namang planong magparaos ngayon, tama? Kaya doon na lang tayo sa bar na pinupuntahan ko. May kumakanta pa doon kaya siguradong makakapag-relax ka kahit kaunti," suhestiyon ni Johnny.

Tumango na lang si Maximus bago pinaandar ang kanyang sasakyan. At habang nagmamaneho niya, biglang pumasok sa isipan niya ang magandang mukha ng dalagang si Isabella. Mabilis siyang napailing bago pilit na inalis sa isipan ang mukha ng dalaga at nag-focus sa kanyang pagmamaneho.

SA KABILANG BANDA NAMAN, walang magawa si Isabella kaya naman naisipan na lang niyang maglinis na lamang ng bahay na iyon para kapag umuwi ang kanyang ama, malinis na ito. Saglit lang niyang nilinis ang buong bahay at saka nagpahinga. Nang makaramdam siya ng gutom, doon nagluto ng kanyang makakain. Napangiti siya habang nakatingin sa kanyang pagkain dahil marami iyon. Hindi katulad ng kakarampot na pagkaing ibinibigay sa kanya ng tiyahin niya.

Makalipas ang ilang oras, gabi na naman. Tumambay muna sa labas ng bahay si Isabella. Nakatingin siya sa mga dumadaan doon. Ilang oras din siyang nasa labas bago pumasok sa loob. Tumingin siya sa orasan at nakitang ala una na. Inaantok na siya kaya nahiga na siya sa sofa at doon nakatulog. Makalipas ang dalawang oras, nagising siya sa ingay mula sa gate. Dali-dali siyang bumangon.

"Papa..." aniya bago tumingin sa kasama nitong babae.

"Pasensya ka na kung naistorbo ko ang tulog mo. Siya pala ang tita Clara mo. Dito na siya titira. Siya ang girlfriend ko na magiging asawa ko na rin. Hinihintay ko lang na mag-divorce sila ng dati niyang asawa," paliwanag ng kanyang amang si Arthuro.

Nginitian ng matamis ni Isabella si Clara. "Hello po sa inyo, tita Clara. Ako po si Isabella."

"Hello sa iyo, Isabella. Naikuwento ka na sa akin ng papa mo. Magpahinga ka na. Pasensya na sa abala," tugon ni Clara.

"Isabella, doon ka na sa kuwartong iyon. Linisin mo na lang dahil medyo marumi diyan. Kuwarto iyon ng kapatid mong si Lance dati. Matagal na siyang wala diyan kaya madumi. Magpapahinga na kami. Magpahinga ka na rin," ani Arthuro bago pumasok sa kanilang kuwarto ni Clara.

Nakangiting nagtungo si Isabella sa magiging kuwarto niya. Nang buksan niya iyon, makalat nga. Maalikabok at maraming kailangang linisin.

"Bukas ko na lang lilinisin ito. Sa sofa na lang ako matutulog ngayong gabi," mahinang usal niya bago isinara ang pinto.

Pagsikat ng araw, bumangon na kaagad si Isabella. Nagtimpla muna siya ng kape bago nagsimulang maglinis ng kanyang magiging kuwarto. Ilang oras din ang ginugol niya sa paglilinis no'n bago siya natapos. Lumipas pa ang isang oras, lumabas na ang kaniyang ama pati na si Clara sa kuwarto nito.

"Good morning, pa, good morning po, tita. Mag-almusal na po kayo. Magluluto po sana ako ng ulam ngayong tanghali kaso po wala akong nakitang karne sa ref," magalang niyang sabi.

"Hindi mo na kailangang gawin iyon. Sa labas na kami palagi kakain. Iiwanan na lang kita ng pera dito pambili mo ng pagkain. Kasama na rin ang ibibigay ko sa iyong pera makapaghanap ka ng trabaho. Bilisan mo sana ang paghananap dahil gusto kong kami na lang dito ng tita Clara mo," seryosong wika ni Arthuro.

Napakurap si Isabella bago pilit na ngumiti. "O-Opo, papa... hahanap po kaagad ako ng trabaho."

"Okay sige. Mabuti naman. Kainin mo na iyang niluto mo. Sa labas kami kakain ng tita mo. Ipagtimpla mo na lang kami ng kape."

Simpleng tango ang tinugon ni Isabella. Nagtungo siya sa kusina at saka nagtimpla ng kape. Hindi niya maiwasang maging malungkot. Sa totoo lang, sabik siya sa pagmamahal ng kanyang ama. Akala niya, magiging masaya ang ama niya kung makakasama siya nito ngunit hindi pala. Mas gusto ni Arthuro na umalis na kaagad siya sa bahay na iyon. Naalala niyang bigla ang sinabi sa kanya ng yumao niyang ina... hindi siya magagawang mahalin ni Arthuro dahil bunga lamang siya ng isang pagkakamali. At ang tunay na nais talaga ng ama niya noon ay ipaglaglag siya ng kanyang ina.

Hindi niya maiwasang masaktan.

Si Arthuro na lang ang natitira niyang magulang ngunit hindi pa siya nito mahal. Hindi siya nito nais makasama. At wala na siyang magagawa pa roon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • My Ninong's Contract Wife   K-5

    Lumipas ang isang linggo, pinirmahan na nga ni Clara ang divorce papers na pinadala sa kanya ni Maximus. Ngayon, hawak na ito ni Maximus at ipinaasikaso na sa kanyang abogado. Gabi na ng mga oras na iyon, marami na ring nainom na alak si Maximus kaya medyo nahihilo na siya."Tama na iyan, Maximus. Nakarami ka na eh. Maigi pang matulog ka na," suway sa kanya ni Johnny."Hayaan mo na ako. Nandito lang naman ako sa bahay. Kahit magpakalasing ako, ayos lang dahil hindi naman ako magmamaneho. Masakit sa akin na inaasikaso na ng abogado ko ang divorce namin ni Clara pero wala naman akong pinagsisisihan. Sinabi kong handa akong magbayad kahit gaano pa kalaking halaga iyan basta mapabilis lang ang process ng divorce natin. Hindi ko na matiis pang may asawa akong malandi. Makati pa sa higad.""Nagpupunta ka pa rin ba sa bahay ng kumpare mo para silipin ang asawa mo doon?"Mabagal na tumango si Maximus. "Kaninang umaga, nagtungo ako doon. At nakita kong masaya na silang nagsasama. Mga putangina

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-06
  • My Ninong's Contract Wife   K-6

    Kanina pa nakatulala si Isabella dahil iniisip niya kung tatanggapin niya ba ang alok ni Maximus sa kanya. Bumangon siya mula sa kanyang higaan at nag-iisip ng malalim. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. 'Pero twenty million iyon. Napakalaking pera. Makakabili na ako ng bahay at sasakyan sa perang iyon...' sabi niya sa isipan. Humiga siyang muli at saka nagtaklob ng kumot. Kanina pag-uwi niya, pagod na pagod siya. Lakad dito, lakad doon. Ganoon ang ginawa niya. Kung saan-saan siya naglakad para humanap ng mga nakapaskil na "Hiring." Akala niya madali lang makahanap ng trabaho pero hindi pala. Kinabukasan, matapos niyang mag-almusal, naglinis na siya ng buong bahay. At nang magising ang kanyang ama pati na si Clara, binati niya ito. "Nakahanap ka na ba ng trabaho mo?" Hindi pinansin ng kanyang ama ang pagbati niya ng magandang umaga. "H-Hindi pa po, papa pero s-susubukan ko po ulit mama. Mag-aasikaso na rin po ako. Hahanap po ulit ako ng mapapasukang trabaho," nauutal

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-07
  • My Ninong's Contract Wife   K-7

    "Salamat, Isabella. Tutal nakapirma ka na rin naman dito, sasabihin ko na sa iyo ang dahilan kung bakit ikaw ang naisipan kong offer-an nito..." Kumunot ang noo ni Isabella. "B-Bakit?" "Alam mo bang ang babaeng kasama ng tatay mo ngayon, ay dati kong kinakasama? Akala ko mag-asawa kami pero hindi pala. Peke ang kasla namin at inutos iyon ng mommy ko bago siya mamatay dahil ang nanay ng kinakasama kong si Clara, kabit ng daddy ko. Naisip ko na tama pala si mommy, kung ano ang puno, siyang bunga. Kaya mabuti na lang, hindi kami totoong mag-asawa," salaysay ni Maximus. Nagulat naman si Isabella sa kanyang nalaman. "Talaga po? Hindi ko alam..." "Iyon ang totoo. At gusto kong gumanti. Kaya handa akong gumastos ng malaki para makapaghiganti lang sa kanilang dalawa. At sana, tulungan mo ako tutal, wala namang pakialam sa iyo ang tatay mo. Alam mo bang gusto niya dating ipalaglag ka ng mama mo? Pero hindi pumayag ang mama mo kaya nagtungo siya ng probinsya. Nang malaman ko iyon, nagpr

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-07
  • My Ninong's Contract Wife   K-8

    "Grabe, ninong! Sobrang yaman niyo po pala!" nanlalaki ang matang wika ni Isabella habang pinalilibot ang paningin sa malaking bahay na iyon. "Walang silbi ang yaman na mayroon ako kung wala naman akong paggamitan nito. Siguro, kaya isa rin sa dahilan kung bakit hindi kami makabuo ni Clara ay dahil lolokohin lang din pala niya ako. Napakasama niya talaga. Sa tuwing maiisip ko ang ginawa niya, hindi ko maiwasang manginig sa galit," nangangalit ang ngiping wika ng kanyang ninong. "Ninong... huwag po kayong masyadong magpaka-stress. Kayo lang po ang magiging kawawa. Alam ko po na sobra kayong apektado sa ginawa niya pero kumalma lang po kayo. Makakaganti po kayo. Kahit ako rin, may galit ako kay papa. Talagang pinabayaan niya si mama. Wala man lang siyang naging reaksyon nang sabihing kong wala na si mama. Ang malas ko kung bakit siya pa ang dating tatay ko. Sa totoo lang po, sabik ako sa pagmamahal ng isang magulang. Akala ko, magkakaroon ako ng kakampi pa, dahil buhay pa siya na tat

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-08
  • My Ninong's Contract Wife   K-9

    Tanghali na nang magising si Isabella. Napasarap ang tulog niya dahil malambot ang kamang pinaghihigaan niya at malamig pa ang kuwartong iyon dahil sa aircon.Iniligpit niya ang kanyang pinaghigaan bago lumabas ng kuwartong iyon. Laking gulat niya nang makitang nakahanda na ang pagkain sa kusina. Malaki ang dining table doon at maraming pagkaing nakalagay doon."Magandang umaga po, ma'am Isabella. Kumain na po kayo," wika ni manang na kasambahay doon."Wow! Ang dami naman pong pagkain! Nasaan po si ninong? Kumain na po ba siya?""Oo nag-almusal na iyon. Maaga umalis. Ganoon naman pala si sir Maximus. Bihira lang iyang umalis ng bahay ng tanghali. Palagi siyang busy. Talagang pinananatili niyang maganda ang pamamalakad niya sa kompanya niya. At may inaasikaso rin siyang ibang negosyo. Kaya naman busy talagang tao si sir."Tumango-tango si Isabella. "Naku, masyado pong marami ang mga pagkain na ito! Samahan niyo po akong kumain dito!""Sige lang, kumain ka lang diyan ma'am.""Huwag niyo

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • My Ninong's Contract Wife   K-10

    "Magandang umaga, Isabella. Nandito ang apo kong si Jolly. Kasama ko na siya dito dahil ni-request ni ninong Maximus dahil naisip niya, baka nabuburyo ka dito. Kaya nandito ang apo ko para tulungan ako sa paglilinis at para may kausap ka rin," wika ni manang. Napangiti naman si Isabella bago tumingin sa dalagang katabi ng kasambahay. "Salamat po. Nasaan po pala si ninong?" "Nasa kuwarto niya yata. Puwede mo naman siyang puntahan doon. Kumatok ka na lang." "Hi, ma'am Isabella! I'm Jolly the great! Kumusta po kayo? Ako po ang magiging kachikahan mo for today and for tomorrow and forever if you want!" masiglang wika ni Jolly. Natawa si Isabella. "Hello sa iyo, Jolly. Huwag mo na akong tawaging ma'am. Isabella na lang." "Okay sige, keri boom iyan!" "Oh siya maiwan ko na muna kayong dalawa. Magwawalis na muna ako sa labas. Magchikahan na muna kayo," sambit ni manang bago umalis. Sumenyas si Isabella na maupo si Jolly sa sala. "Diyan ka muna sandali, ha? Sisilipin ko lang si

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • My Ninong's Contract Wife   K-11

    ISABELLA Hindi makapaniwala si Isabella sa dami ng binili sa kanya ni Maximus. Mamahalin ang lahat ng mga ito. Mula sa damit, bag, jewelries, make up at kung ano-ano pa. At ang pinaka ikinagulat niya ay nang bilhan siya ng kanyang ninong ng sasakyan. "N-Ninong... sobra-sobra na po yata ito," nanlalaki ang kanyang matang nakatingin sa sasakyang binili ni Maximus para sa kanya. "You need a car, Isabella. Mag-aaral ka. At medyo malayo ang magiging school mo dito. At dagdag pa doon, mahirap mag-commute. Aabutin ka pa ng gabi kung sakaling sasakay ka ng jeep. Isipin mo na lang ang init," paliwanag ng kanyang ninong. "Pero hindi po ako marunong mag-drive." "Ako ang bahala sa iyo. Tuturuan kita. Kapag hindi ako busy bukas, pagkatapos kong asikasuhin ang magiging secret wedding natin, uuwi ako kaagad dito at tuturuan kitang magmaneho." Pasimpleng kinagar ni Isabella ang kanyang labi sabay iwas ng tingin. Mabilis na tumibok ang kanyang puso sa hindi niya mawaring dahilan. Ngayon la

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12
  • My Ninong's Contract Wife   K-12

    MAXIMUS Kinabukasan, naihanda na lahat ng requirements na kakailanganin para sa secret wedding nilang dalawa ng kanyang inaanak. Nakita niya ang labis na pagkabigla sa mukha ni Isabella nang sabihin niyang ikakasal na sila ng araw na iyon. Simpleng white wedding dress na hanggang tuhod ang haba ang isinuot ni Isabella. Hindi niya naiwasang mapanganga sa gandang mayroon ang kanyang inaanak. Kitang-kita ang magandang kurba ni Isabella. Tumikhim siya bago tinuon ang paningin sa judge. Hindi nga nagawang pakinggan ni Maximus nang maayos ang sinasabi nito dahil nakatuon ang paningin niya kay Isabella. Hanggang sa matapos na lang ang seremonya at i-announce na legal na silang mag-asawa, wala pa rin siyang naintindihan. "Picture po kayo Mr. and Mrs. Raiden," wika ng photographer doon. Hindi niya nagawang ngumiti sa bawat larawang kuha sa kanila. Seryoso lang ang kanyang mukha habang si Isabella, nakangiti sa bawat kuha. Ang secretary na niya ang nag-asikaso ng iba kagaya na lang ng mga

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12

Bab terbaru

  • My Ninong's Contract Wife   K-71

    CARLA Nakatingin lamang si Carla sa orasan at hindi alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Nag-trending ang kanyang munting negosyo. Noong una, iilan lang ang umo-order sa kanya ng mga tinahi niyang mga damit pambata, mga pambahay ito at pantulog hanggang maraming nag-order dahil de-kalidad ngunit abot kaya ang presyo. Hanggang sa nagtahi na rin siya ng mga damit pantulog ng mga pang-adults at maraming bumili sa kanya. Nakapagpatayo siya ng malaking bahay at nagkaroon na din siya ng sampung empleyado na katulong niya sa kanyang negosyo. "Ma'am! May nag-order ng one thousand pieces nitong pang eight to ten years old na ternong pantulog! Kailangan nating magawa ito kaagad after one week!" wika ng isa niyang empleyado. Nakita niyang one thousand piece nga ang order at agad na itong nagbayad. Napalunok ng laway si Carla at sinabihan ang kanyang mga empleyado na magtahi na kaagad ng damit na iyon. Iyon ang nagpapakilig sa kanya. Kapag may um-order ng bultuhan. Naisip niyang baka s

  • My Ninong's Contract Wife   K-70

    ISABELLA "Nabubuwisit na ako sa Danica na ito. May anak na tayo lahat-lahat, bakit papansin na naman sa iyo? Ano siya, kapag trip niyang may kumamot sa pudáy niyang kulubot na mabaho, magme-message sa iyo?!" galit na tanong ni Isabella sa kanyang asawa. Bumuntong hininga si Maximus. "Honey, wala naman akong pakialam sa babaeng iyon. Kapag hindi tungkol sa business ang topic niya, hindi ko siya nire-reply-an. Gusto kong ipakita sa iyo na wala talaga akong pakialam sa kanya. At isa pa, masyado kang maganda at masarap para ipagpalit ko sa babaeng pinagsawaan na ng iba. Kaya wala kang dapat ikabahala." Nginisihan niya ang kanyang asawa. "Wala naman talaga akong ikinababahala dahil kapag nagloko ka, hinding-hindi mo makikita ang mga anak mo. Ilalayo ko sila sa iyo." Hinawakan siya ni Maximus sa magkabilang balikat. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko magagawa iyon? Siguro kailangan mo lang ng iyót, honey. Mainit na naman ang ulo mo eh. Halika na sa kuwarto. Dadahan-dahani

  • My Ninong's Contract Wife   K-69

    ISABELLA Isang taon ang lumipas, tuluyan na ngang namaalam ang ama ni Isabella. Ngunit sa isang taong iyon, nagkaroon ng good memories silang mag-ama. Palagi silang nagba-bonding at madalas silang lumalabas. Naburang bigla sa puso't isipan ni Isabella ang mga hindi magandang nagawa ni Arthuro sa kanya pati na ang mga nasabi nito. Kinuha ni Isabella ang labi ng kanyang ina at itinabi ito sa libingan ng kanyang ama. Para kapag dadalaw siya, silang dalawa na agad ang dadalawin niya "Kumusta ka, papa? Bantayan mo na lang po ako mula sa itaas. Miss na kita, papa. Miss ko na po kayo ni mama. Hindi man naging maganda ang simula natin nang makilala kita pero naging maganda naman ang dulo. Palagi niyo po akong gagabayan ni mama. Mahal na mahal ko po kayo," naluluhang wika ni Isabella habang hinahaplos ang puntod ng kanyang mga magulang. "Tara na, honey. Umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Ezekiel," wika ni Isabella bago humawak sa kanyang asawa. Limang buwan na siyang buntis sa

  • My Ninong's Contract Wife   K-68

    ISABELLA "Tulog na si papa. Kasama naman niya sa kuwarto iyong caregiver niya doon. Salamat, honey dahil pumayag kang dito na lang tumira si papa. Kahit na may ginawang hindi tama sa iyo si papa, pinatawad mo pa rin siya," malambing na wika ni Isabella nang tabihan niya sa kama ang kanyang asawa.Hinaplos ni Maximus ang kanyang buhok. "Kung ikaw nga pinatawad mo siya, sino ba ako? Kung ano ang ikaliligaya mo, iyon ang susuportahan ko. Mahal na mahal kita, honey..."Kinikilig na nginitian ni Isabella ang kanyang asawa. "Mahal na mahal din kita, honey. Dahil diyan, may reward ka sa akin."Pumuwesto siya sa pagitan ng hita ni Maximus at saka inalis ang suot nitong damit. Sinunod niyang alisin ang salawal ng kanyang asawa at wala na siyang itinira. Ang natutulog na alaga ni Maximus ay unti-unting nabuhay nang hawakan niya iyon. Napangiti si Isabella ng malawak nang manigas na ng husto ang sandata ng kanyang asawa. "Galit na galit kaagad ang oten mo, honey... simpleng haplos ko pa lang a

  • My Ninong's Contract Wife   K-67

    ISABELLATatlong araw na ang lumipas simula nang magpunta si Leah sa kanilang bahay at hindi na nawala sa isipan niya ang kanyang ama. Lalo na nang makita niya ang itsura nito. Malayong-malayo sa malakas na pangangatawan ni Arthuro noon. Sa isang iglap, biglang bumagsak ang katawan niya at tumanda ng husto ang itsura ng kanyang ama."Honey.... napansin ko sa iyo na parang ilang araw ka na yatang wala sa mood. Hindi ka ngumingiti at madalas na tikom ang bibig mo. May problema ba? Puwede ko bang malaman kung ano ang gumugulo sa iyo?" malumanay na tanong ni Maximus sa kanya.Tiningnan ni Isabella ang kanyang asawa bago bumuga ng hangin. "Si papa... naiisip ko siya. Nabalitaan kong hindi na siya makalakad. May nag-aalaga na lang sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil naaawa ako sa kanya. Parang gusto ko siyang makita. Pero alam kong hindi mo magugustuhan iyon..."Hinawakan siya ng kanyang asawa sa kamay. Napakurap siya bago tumingin kay Maximus na may ngiti sa labi. "Kahit ano pang sa

  • My Ninong's Contract Wife   K-66

    MAXIMUS "Bakit kailangan mo pang magpunta sa bahay, ha? Anong gusto mong palabasin? Gusto mong mag-away kami ng asawa ko?" galit na wika ni Maximus kay Danica. Ngumisi ang babae bago mapang-akit na tumingin sa kanya. "Hindi ko iyon gustong mangyari. Hinahanap lang talaga kita. At isa pa, ngayon na lang ulit ako nakapunta sa bahay mo. Kapag nakakapunta ako sa bahay mo, palaging may okasyon at tungkol sa negosyo o kompanya ang usapan. Hindi ba ako pwedeng magpunta doon ng walang ganap? Iyon bang makausap ka lang at makipagkwentuhan sa iyo?" Asar niyang tiningnan ang babae. "Nagawa mo ng manggulo sa amin noon ni Clara, tapos ngayon, gagawin mo na naman ulit? Hindi magkaparehas ng ugali si Clara at ang asawa kong si Isabella. Kaya huwag kang papansin sa akin kung gusto mong manahimik din ang buhay mo. Masaya kaming mag-asawa ngayon. Huwag mong sirain ang masaya naming pagsasama dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin sa iyo ng asawa ko," mayroong pagbabanta niyang sabi kay Danica.

  • My Ninong's Contract Wife   K-65

    ISABELLA Sinalubong ng matalim na tingin ni Isabella ang kanyang asawa. Nagtataka namang nakatingin din si Maximus sa kanya sabay kamot sa ulo. "Ho-Honey... may problema ba?" takang tanong ni Maximus sa kanya. Nginisihan niya ng naasar ang kanyang asawa. "Sino iyong Danica na nag-hi sa iyo? At bakit magkatabi pa kayo sa picture? Ano? May babae ka na?" Mabilis na umiling si Maximus. "Honey, wala akong babae. At kahit kailan, hindi ako magkakaroon ng babae. Magiging tapat ako sa iyo. Si Danica, matagal ng papansin sa akin iyan. Noong magkarelasyon pa kami ni Clara, papansin na talaga iyan. Pero hindi ko siya pinapansin. Ni minsan, hindi ko iyan pinagbigyan sa kama. Malandi kasi ang babaeng iyan. Kung sino-sinong lalaki ang nakatalik niyan." Umarko ang kilay niya habang nakatingin kay Maximus. "Ang ibig mong sabihin, dati pa talaga papansin sa iyo ang babaeng ito? At ngayon, may plano na namang magpapansin? Ano ba ang habol sa iyo ng babaeng ito? Séx?" Nagkibit balikat ang

  • My Ninong's Contract Wife   K-64

    ISABELLA "Nagustuhan mo ba ang ipinatayo kong private resort?" nakangiting tanong sa kanya ni Maximus. Nilibot niya ang kanyang paningin sa private resort na iyon. Kasya ang one hundred katao doon at may venue para sa event kagaya ng birthday, binyag o kahit anong okasyon na gaganapin sa resort na iyon. "Yes, honey... sobrang ganda ng resort na ito! Ewan ko na lang kung hindi palaging fully booked itong resort!" masayang sabi niya bago niya niyakap ang kanyang asawa. "Para sa iyo ang resort na ito. Ito ang pagkakaabalahan mong bisitahin kapag nabo-boring ka sa bahay. Naisip ko kasi na maganda ring may business kang sarili para hindi ka nalulungkot dahil nasa bahay ka lang. Alam kong gusto mo ring may ginagawa ka." Nahaplos naman ang puso ni Isabella sa sinabi ng kanyang asawa. Sa katunayan, nakaraan naisip niyang magkaroon sana ng sariling negosyo para may pagkakaabalahan siya. Hindi naman siya hirap sa pag-aalaga ng kanyang anak dahil may yaya naman ito. At katuwang niya rin

  • My Ninong's Contract Wife   K-63

    MAXIMUS Isang linggo ang lumipas matapos manganak ni Isabella, wala siyang ibang ginawa kun'di ang alagaan at asikasuhin ang kanyang mag-ina. Aminado si Maximus na hindi ganoon kadali ang maging isang magulang lalo na't sa edad niyang iyon, doon pa lang siya naging daddy. "Honey, matulog ka na. Ako na muna kay baby. Ang laki na ng eyebags mo," malambing na wika ng kanyang asawa sabay haplos sa kanyang braso. "No, honey... aalagaan ko kayo ni baby. Ikaw ang dapat magpahinga, hindi ako. Ang gusto ko ay matulog ka lang at kumain. Ako na ang bahala dito," wika niya bago ngumiti. "Hmm... parang hindi mo na kasi kaya, honey eh. Nakikita ko sa mga mata mong inaantok ka na. Ako na muna kay baby, please? Gusto ko rin siyang maalagaan," nakalabing wika ni Isabella. Bumuga siya ng hangin bago inabot sa kanyang asawa ang kanilang anak. Ngumiti nang malawak si Isabella nang buhatin niya ang kanilang anak. "Ang guwapo ng anak natin! Kaso wala yatang nakuha sa akin, ha. Baby pa lang pero nakik

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status