**Ranzzel's Point of View**Nakarating ako sa bahay galing sa trabaho at nakita kong kumpleto sila ngayon sa sala. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang half-sister ko na si Michelle at ang kasintahan ko na si Silver na magkatabi sa sofa at kaharap ang mga pamilya namin. Lumakad ako papalapit sa kanila habang may pagtataka pa rin sa mukha ko. "Pa, anong nangyayari dito?" Napatingin si papa sa akin na walang emosyon ang mukha, at ganun na rin ang madrasta ko na ina ni Michelle. Wala na kasi ang ina ko at pumanaw na siya noong pinanganak niya ako.Kaya laking galit ng ama ko sa akin habang lumalaki ako. Masakit sa puso kung bakit ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng ina ko. "Baby," tawag ni Silver sa akin na kinatingin ko agad sa kanya."Ranzzel, sit down, dahil may i-a-annunsyo ako sa inyo kaya ko kayo pinatawag lahat dito." Dahan-dahan akong umupo sa sofa at lumapit sa akin si Silver kasabay nun ay ang paghawak niya sa kamay ko. Hindi maiiwasan ang pagkasira ng mood ni Mich
Terakhir Diperbarui : 2025-03-05 Baca selengkapnya