Napabuntong-hininga ako at tumango. “Oo nga, Don Fernando. Tingnan niyo nga po ang itsura ko.”
Hindi ko kayang suotin ang gown na ‘yon—hindi ko nga kayang isuot kahit simpleng bestida, gown pa kaya? Buong buhay ko, sanay akong naka-maong at polo, malayo sa imahe ng isang babaeng ikakasal sa marangyang kasal na pinaplano ni Don Fernando. Napangisi si Theo, tila nagtatagumpay sa pang-aasar niya. “See? At least may alam ka sa sarili mo.” Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ko na pinatulan. Ano pa ba ang magagawa ko? Ang buhay ko ay hindi na sa akin—kinailangan kong tanggapin ang bagong mundong ginagalawan ko ngayon. “Huwag kang mag-alala, hija,” sabat ni Don Fernando. “Magpapadala ako ng pinakamagaling na make-up artist at stylist para tulungan ka. Sigurado akong magiging maganda ka sa araw ng kasal ninyo.” Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o lalong mainis. Kahit na anong gawin nila, hindi ako magiging kagaya ng babaeng gusto nilang makita. Pero wala na akong magagawa kundi sundin ang tadhana ko. Tahimik akong naupo habang pinagmamasdan ang wedding planner na abala sa pagpapakita ng iba’t ibang disenyo ng gown at iba pa. Sa tabi ko, si Theo ay mukhang walang pakialam at halatang gusto nang matapos ang lahat ng ito. Pagkatapos magpaalam ng wedding planner at ng kanyang assistant, pakiramdam ko ay mas lumuwag ang aking paghinga. “Uuwi na po ako,” paalam ko. Ngunit bago pa ako makaalis, tinawag ni Don Fernando si Theo. “Ihatid mo siya pauwi,” utos nito sa anak, walang pagbibigay ng pagkakataong tumanggi. “Aba, kaya ko namang mag-isa,” sagot ko agad, hindi maitago ang iritasyon. Ngunit tila hindi ako narinig ni Don Fernando. Ang titig niya kay Theo ay matigas at puno ng awtoridad—isang tingin na halatang kinatatakutan ng anak. Napansin ko kung paano nanigas ang panga ni Theo. Halatang ayaw niya, ngunit hindi niya kayang sumuway. Sa kabila ng pagpipilit niyang maging matigas, kita ko ang pagpigil niya ng inis habang tumatango nang marahan. Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko gusto ang kasal na ‘to, pero kung may isang bagay na kinagigiliwan ko, iyon ay ang makita si Theo na nagagalit. Ewan ko ba, pero may kung anong tuwa akong nararamdaman tuwing nakikita ko siyang naiinis. Tahimik kaming lumabas at sumakay sa kotse niya. Ni hindi niya ako tinulungan sa pagsara ng pinto—hindi rin naman ako nag-expect. Habang nagmamaneho siya, nanatili akong tahimik, nakatingin lang sa labas ng bintana. Pero kahit hindi ako tumitingin sa kanya, ramdam kong naiinis siya. Napansin kong mas madiin ang hawak niya sa manibela. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya. Nang malapit na sa amin, bigla akong nagsalita. “Dito mo na lang ako ibaba.” Napatingin siya sa akin saglit. “Hindi pa ‘to sa bahay mo.” “Alam ko,” sagot ko. “Ibaba mo na lang ako dito.” “Fine.” Nagkibit-balikat siya at agad na huminto. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin at bumaba na lang nang hindi nagpaalam. Halos kasabay ng pagsara ko ng pinto ang pag-arangkada ng sasakyan niya. Napailing ako, natatawa pa rin sa inis niyang reaksyon. Habang naglalakad pauwi, pakiramdam ko’y mabigat ang dibdib ko. Kailangan kong pakalmahin ang sarili. Napadaan ako sa isang maliit na tindahan sa kanto at agad na lumapit. “Ate, isang kaha nga,” sabi ko, sabay abot ng pera. Tiningnan ako saglit ng tinderang may bahagyang kunot sa noo bago inabot ang yosi. Kinuha ko iyon at dali-daling sinindihan ang isang stick. Isang malalim na hitit, kasunod ng mabagal na pagbuga ng usok—parang kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam ko. Matapos ubusin ang yosi, tinapik ko ang labi ko gamit ang likod ng kamay, saka nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating ko sa bahay ni Fate, agad niya akong pinatuloy at inalok ng snacks. Kumuha siya ng juice sa kusina at tinapay, saka inilapag sa harapan ko. “Kain ka muna,” aniya, nakatitig sa akin na parang nag-aalangan. Napangiti ako nang bahagya at tumango. “Salamat.” Ngunit kahit anong pilit kong kumain, halata pa rin ni Fate na may bumabagabag sa akin. Hindi nagtagal, hindi na siya nakatiis at diretsong nagtanong. “Ano na naman ‘to?” Huminga ako nang malalim, pinakiramdaman ang bigat sa dibdib bago tuluyang nagsalita. “Magpapakasal na ako sa isang lalaki, Fate.” Labis siyang nagulat. Sa halip na sumagot agad, ilang segundo niya akong tinitigan, bago napatawa. “Teka, anong kalokohan na naman ‘to? Hindi mo ako maloloko, ha!” Umiling ako. “Hindi ako nagbibiro, Fate. Seryoso ‘to. Kagustuhan ni Nanay.” Unti-unting nawala ang tawa niya, napalitan ng pagtataka. “Sino naman ang masuwerteng lalaking ‘yan?” Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Si Theo Angelo Garcia.” Nanlaki ang mata niya. “What?!” Nakita kong biglang nanigas ang katawan niya sa narinig. Tila hindi siya makapaniwala. Ilang segundo siyang tahimik bago biglang napatingin sa akin, halatang gulat na gulat. “Bakit?” tanong ko nang makita ko ang reaksyon niya.“Hindi mo siya pwedeng pakasalan.”Nanlaki ang mata ko nang marinig ang prangkang sinabi ni Fate. Napakunot ang noo ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.“Si Theo ang pinakamamahal ko.” Halata ang panginginig sa boses niya, pero hindi niya ako nilubayan ng tingin. “Iniwan at pinaasa man niya ako, umaasa pa rin akong balang araw ay mamahalin niya ako.”Napaatras ako, tila hindi makapaniwala sa mga naririnig ko.“At kung ipipilit mong maikasal kay Theo... kalimutan mo na na bestfriend mo ako.”Parang sinampal ako ng malamig na hangin. Hindi ko akalaing kayang ipagpalit ni Fate ang pagiging magkaibigan namin para lang kay Theo—sa lalaking ilang beses ko nang nakitang sinaktan siya.“Ano?” Iyon lang ang nasabi ko habang pilit inuunawa ang bigat ng sinabi niya. “Fate, seryoso ka ba? Gano’n mo na lang itatapon ang pagkakaibigan natin dahil kay Theo?”“Hindi mo kasi naiintindihan! Mahal ko siya!” sagot niya, nangingilid ang luha. “Hindi mo siya pwedeng agawin sa akin!”Napailing
Sa paglipas ng mga araw matapos ang aking training kasama si Ms. Bianca, dumating na rin ang araw ng aking kasal.Isinuot na sa akin ang gown, at agad kong naramdaman ang bigat nito at ang aking pagkadismaya. Masikip ito sa bewang, at ang mala-prinsesang disenyo ay malayo sa nakasanayan kong simpleng pananamit.Nagdalawang-isip pa ako kung papayag akong alisin ang aking sumbrero, ngunit wala akong nagawa. Sa harap ng salamin, tumambad sa akin ang aking mahabang buhok hanggang balikat. Para akong ibang tao.Napakababae ng aking pustura, at lalo pa itong tumingkad nang lagyan ako ng makeup at hair extensions ng baklang stylist. Nang matapos sila, halos hindi ko makilala ang aking sarili. Napakaganda ko—kahit ako mismo ay maaaring ma-in love sa sarili kong repleksyon.Isang katok ang pumukaw sa aking pagkamangha. Bumukas ang pinto at pumasok si Fate, kasunod si Inay. Kita ko sa kanilang mga mata ang labis na pagkagulat. Nanlaki ang mga mata ni Fate, habang si Inay naman ay hindi naitago
ALEXIS'S POV"Hija, meet my son, Theo Angelo Garcia," kalmadong sabi ni Don Fernando habang nakangiti.Napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—tantya ko nasa 6’ft ang taas niya. May mahahabang pilik-mata, mestiso, at may aura ng kayabangan kung pagmamasdan."Who is this short guy, Dad?" nakangising tanong ni Theo, saka ako sinipat mula ulo hanggang paa."She, not he. She is your future wife, son," sagot ng matanda, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad akong napakunot-noo sa narinig. Halos ganoon din ang reaksyon ng hambog na lalaking nasa harapan ko. Napatingin ako kay Nanay na nasa tabi ko, at agad kong naramdaman ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay."Anak, napagkasunduan namin ng kaibigan kong si Fernando na ipakasal kayo ng anak niyang si Theo. Total, dalaga ka naman at binata si Theo. Ikaw na lang ang hindi pa nag-aasawa sa inyong magkakapatid," mahinahong paliwanag ni Inay habang malumanay akong tinitingnan.Parang b
"I..isang milyon?" Nanginginig ang boses ko habang inuulit ang halagang binanggit niya. Halos lumambot ang mga tuhod ko.Tumango si Nanay, bakas sa mukha niya ang pagod at pangamba. "Kung hindi tayo makakabayad sa loob ng isang linggo, mawawala sa atin ang bahay. Makukulong ako, Alexis."Napaatras ako, hindi makapaniwala. Isang linggo? Kahit magdoble o mag-triple kayod ako sa pamamasada sa buong buhay ko, hindi ko kakayanin 'yon!"Nay, may ibang paraan siguro. Pwede tayong humingi ng palugit—o kaya naman..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Alam kong walang ibang paraan."Alexis, ito na lang ang natitirang solusyon." Mahina ngunit matigas ang boses ni Nanay. "Kailangan mong tanggapin ang kasal kay Theo."Napaupo ako sa maliit na sofa , yakap ang sarili. Hindi ko kailanman inisip na darating ako sa ganitong sitwasyon—na ang sarili kong ina ang magtutulak sa akin sa isang kasal na hindi ko ginusto.Napakuyom ako ng kamao. Iniwasan kong umiyak sa harapan ni Nanay. Hindi ko gustong m
"Dad wants me to pick you up."dagdag pa niya.Nakakunot ang noo ko habang nakatingin kay Theo. Pinapasundo raw ako ng ama niya? At ganito kaaga?"Ni hindi pa nga ako nakakakain o nakakapaghilamos man lang.""I know," sagot ni Theo, parang walang pakialam, saka nagkibit-balikat. "Pero sinabi ni Daddy na sunduin kita ngayon. Wala na akong magagawa kung hindi sundin ‘yon."Napatingin ako sa kanya nang masama. "Magpapalit muna ako at maliligo."Napairap si Theo, sumandal sa sasakyan, at nagmurmurang "Tsk. Ang mga lalaki, hindi maarte. Pwede ka namang maligo sa mansyon."Napangisi ako sa pangmamaliit niyang iyon. "At sino’ng nagsabi sa ‘yong lalaki ako?" Saglit siyang natigilan, pero bago pa siya makasagot, mabilis akong pumasok sa bahay at dumiretso sa banyo.Narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura. "Ang tigas ng ulo!"Sa inis ko, lalo ko pang pinatagal ang pagligo. Sinadya ko talaga. Naririnig ko ang busina ng sasakyan niya sa labas, kasabay ng katok ni Inay sa pinto ng banyo."Alexis,

“Hindi mo siya pwedeng pakasalan.”Nanlaki ang mata ko nang marinig ang prangkang sinabi ni Fate. Napakunot ang noo ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.“Si Theo ang pinakamamahal ko.” Halata ang panginginig sa boses niya, pero hindi niya ako nilubayan ng tingin. “Iniwan at pinaasa man niya ako, umaasa pa rin akong balang araw ay mamahalin niya ako.”Napaatras ako, tila hindi makapaniwala sa mga naririnig ko.“At kung ipipilit mong maikasal kay Theo... kalimutan mo na na bestfriend mo ako.”Parang sinampal ako ng malamig na hangin. Hindi ko akalaing kayang ipagpalit ni Fate ang pagiging magkaibigan namin para lang kay Theo—sa lalaking ilang beses ko nang nakitang sinaktan siya.“Ano?” Iyon lang ang nasabi ko habang pilit inuunawa ang bigat ng sinabi niya. “Fate, seryoso ka ba? Gano’n mo na lang itatapon ang pagkakaibigan natin dahil kay Theo?”“Hindi mo kasi naiintindihan! Mahal ko siya!” sagot niya, nangingilid ang luha. “Hindi mo siya pwedeng agawin sa akin!”Napailing
Napabuntong-hininga ako at tumango. “Oo nga, Don Fernando. Tingnan niyo nga po ang itsura ko.”Hindi ko kayang suotin ang gown na ‘yon—hindi ko nga kayang isuot kahit simpleng bestida, gown pa kaya? Buong buhay ko, sanay akong naka-maong at polo, malayo sa imahe ng isang babaeng ikakasal sa marangyang kasal na pinaplano ni Don Fernando.Napangisi si Theo, tila nagtatagumpay sa pang-aasar niya. “See? At least may alam ka sa sarili mo.”Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ko na pinatulan. Ano pa ba ang magagawa ko? Ang buhay ko ay hindi na sa akin—kinailangan kong tanggapin ang bagong mundong ginagalawan ko ngayon.“Huwag kang mag-alala, hija,” sabat ni Don Fernando. “Magpapadala ako ng pinakamagaling na make-up artist at stylist para tulungan ka. Sigurado akong magiging maganda ka sa araw ng kasal ninyo.”Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o lalong mainis. Kahit na anong gawin nila, hindi ako magiging kagaya ng babaeng gusto nilang makita. Pero wala na akong magagawa kundi sun