She sways her hips sexily and seductively. The way she slowly dance her body turns on the fire. But what makes her more interesting is the mask she is wearing. Lance Mcniel Montereal was seduced that night. He paid millions just to own her but she ran away. Suddenly, fate brought them together. Destiny says she will be his future sister-in-law.
Lihat lebih banyakStacey's POV
Matikas ang tindig ni Denver habang nakatayo sa harap. Nakasuot siya ng kulay asul na polo shirt na tinernuhan niya ng maong. Bagamat simple lamang ang kanyang istilo ng pananamit, hindi maikakaila ang kakisigan nitong taglay. Hindi rin maikukubli ang kumpiyansa nito sa pagsasalita.
"Our next target is Mister Minandro Guo; drug Lord at pinaghihinalaang head ng human trafficking sa bansa."
Nag-flash sa tig-iisa naming hawak na i-pad ang presention na nasa malaking LED screen.
"One of the richest men in Asia," saad ni Red na nakatingin sa hawak niya. Nakasuot naman ito ng kulay puting shirt na ginunting ang manggas hanggang sa bandang tagiliran at ginawang sando. Sumisilip tuloy ang abs ng mokong. Tinernuhan niya ito ng rugged jeans. Nakasuot din siya ng itim na sobrero, labas ang hibla ng buhok niya dahil medyo may kahabaan ito. Kung plaplantasahin lamang ang magulo niyang buhok, pwede siyang pagkamalang korean oppa, tambay na oppa.
"So how could we trap the rat?" turan ni Thirdy. Nakasuot naman ito ng white shirt na tinernuhan lang niya ng jogger pants. Nalalapit ito sa istilo ni Red bagamat maiksi ang medyo kulot nitong buhok.
"Look on the second slide," utos ni Denver. Tumalima naman kami.
"Mahilig sa babae," saad ni Red kasunod ng pagsipol.
"Mapapasabak na naman si Stacey," saad ni Thirdy na tumingin sa'kin. He even smirked.
"We can't risk her. As you can see in your ipad, it is stated there that Mr. Guo has a very tight security. Kaya nga wala pang nakakahuli sa kanya," sabad naman ni Zach. Wala siyang nangiti-ngiti. Hitsura siyang mahirap biruin. At sa suot niya ngayon na black three-piece suit, parang siya ang boss namin.
I am one of the boys. We are secret agent. Secret to the point na kahit pamilya ko, 'di nila alam. Ang alam nila sa'kin, happy-go-lucky na anak. Pero matitiis ba nila ako , eh nag-iisang anak lang naman ako.
Red, Zach, Thirdy and Denver are the original members. Hindi sana ako nasama sa grupo nila kung kaya nilang mang-akit ng lalaki. Oo! Iyon ang trabaho ko, kung lalaki ang target, ako ang star. Madalas naman puro lalaki ang target kaya 'di nila ako makick-out sa grupo nila. At take note, hindi lang basta lalaki, madalas matandang lalaki, dirty old man. Big yuck! Diring-diri ako pero parte kasi ito ng trabaho ko, trabahong labis na nagpapasaya sa'kin.
Zodiac ang tawag sa grupo namin. Kilala na ang grupo ng Zodiac kaya todo ingat kami para hindi makilala ang real identity namin.
"That's right, mahihirapan tayong makapasok. Unless makapasok si Stacey sa bar na kaisa-isang pinupuntahan ni Minandro Guo." Pagdating sa katwiran, siya ang magandang iharap kay Zach dahil pareho silang ayaw magpatalo. Sila kasi 'yong tipo ng ipaglalaban at ipaglalaban ang katwiran nila.
"Okay, let me work on that," saad ni Red kasabay ng pagtaas ng paa niya upuang nasa harap niya. Pagdating sa hacking and things about technology, sila ni Thirdy ang star.
"So, ako pala ang pain," walang kangiti-ngiting saad ko. No hard feelings, sanay naman ako.
"Kailangan maipasok si Stacey bilang star dancer. Dahil madalas, sila ang pinapatos ni Mr. Guo," saad ni Denver na iginala pa ang paningin sa'min upang makita sa mukha namin kung may pagtutol.
"We have no problem on that. Kayang-kaya ni Stacey 'yan." Nakangiting bumaling sa'kin si Thirdy matapos niyang sabihin iyon.
"And what's the next move?" turan naman ni Zach. Salubong parin ang kilay nito.
"Simple lang, make sure na sa gabing 'yon, mapupuno ang VIP room para no choice si Mr. Guo kundi iuwi si Stacey," saad ni Denver diretso ang tingin kay Zach.
"Hihingi tayo mismo ng tulong sa kapulisan para makahiram tayo ng assets nila. Sila ang pupuno ng VIP rooms," sunod niyang turan kasabay ng paggala ng paningin niya sa'min.
Zodiac is a private organization, si Denver ang humaharap sa mga kliyente namin. Siya ang tumatayong lider namin pero kapag kaming lima ang magkakaharap, walang lider-lider. Lahat kami pantay-pantay. Lahat naman ng tinatanggap naming misyon ay galing sa iba't-ibang government organization, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Hindi pa namin naranasang tumanggap ng misyon mula sa private individual. Iyon ay para na rin maiwasang ma-involved ang Zodiac sa illegal activities. Ang trabaho namin ay sugpuin ang illegal, hindi ang palawigin ito.
"And how sure are you na maiuuwi ni Mr. Guo si Virgo?" usisa ni Zach. Virgo is my codename.
"Dahil minsan na ring nangyari. Minsan nang nag-uwi si Mr. Guo ng babae," agad na sagot ni Denver. Buo ang loob, walang kahit anong bahid ng pag-aalinlangan.
"Pa'no naman tayo makakapasok?" sunod na tanong ni Zach, diretso ang tingin kay Denver. Walang kaemo-emosyon.
"Sinong nagsabing papasok tayo? Si Stacey lang ang papasok sa loob."
"What?! Are you out of you mind, Ledesma?!" Napakalakas ang boses nito. Lumabas rin ang litid nito sa leeg.
"Nagawa na natin 'yon sa Bangkok. Magagawa din natin ngayon." Mahinahon ang boses nito pero matalim ang tingin na ipinukol kay Zach.
"What do you want me to do then? Seduce him or have sex with him?" I interrupted them bago pa sila magbangayan. Sa tinginan palang kasi nila nangangamoy away na.
"Kaya mo bang sikmurahin 'yong second option?"
"No way!" palatak ni Zach bago ko pa masabing ayoko.
"Forget that plan, let's proceed to plan B," sunod na turan ni Zach.
"Okay. The plan B is two weeks from now, Mr. Guo will be attending an event-----"
"Wait! Two weeks from now? I'm sorry but I'll be busy on that week. Let 's just do the plan A." Sumabat na ako bago pa siya matapos sa sasabihin niya.
"Oh sorry, woman. Pero 'di ako payag sa plan A," kontra ni Zach, masama din ang ipinukol niyang tingin sa'kin. Ito talaga ang number one konta-bida sa grupo.
"Kung wala kang tiwala sa'kin, Zach, huwag kang sumama! Hindi naman siguro masamang subukan. Nagawa naman natin dati sa Bangkok, magagawa din natin ngayon!" Hindi ko nagawang itago ang inis ko.
Nagawa kong mapigilan ang papausbong ng hidwaan sa pagitan nila ni Denver kanina pero mukhang hindi ko yata magagawang awatin ang sarili ko.
Parang ganito rin ang sitwasyon sa isa naming naging misyon sa Bangkok noon kaya hindi ko maintindihan ang pagkontra niya. Risky ang nangyari noon pero nagawa naman naming pagtagumpayan iyon.
"Really? You're proud with that Bangkok incident? That incident where you almost got rape." Pinaningkitan niya ako ng mata.
Ginantihan ko siya ng matalim na tingin. Kailangan pa niya talagang banggitin 'yon! O gusto lang niyang ipaalala na siya ang nagligtas sa'kin nang gabing iyon?
"Chilax, guys! Ganito nalang, let's just vote," awat ni Red.
"I think that's a good suggestion, dude," segunda naman ni Thirdy.
"Okay. Let's vote then. Who wants to do the plan A?" Denver asked.
Ako ang unang nagtaas ng kamay. Nakakabwisit din kasi 'tong Zach na 'to eh.
Sumunod na nagtaas si Denver. At sumunod na nagtaas ng kamay si Red.
Pinandilatan ko si Zach. Ano ka ngayon, Montereal? Edi talo ka!
Nang akmang magtataas na rin ng kamay si Thirdy. Tumayo na si Zach.
"Okay fine! Tutal magkakampi naman kayo. Let's do it! Better, let's adjourn this meeting and start the preparation!" madiin niyang turan bago lumabas at pabalyang isinara ang pintuan.
"Dabog pa more, Montereal! Paki ko ba sa'yo!" masungit kong saad kahit alam kong 'di na niya maririnig.
Napasipol naman si Red, nakapaskil sa mukha niya ang nakakalokong ngiti. Pigil rin ang ngiti na Thirdy na nag-iwas ng tingin nang mapatingin ako sa kanya.
"Narinig niyo ba ang sinabi ni Mister CEO? Meeting adjourned na raw." Wala namang kangiti-ngiting saad ni Denver kasabay ng pagpatay niya ng LED screen sa harap.
Ibinalik ko naman ang tingin ko sa dalawang siraulo na nakaupo sa bandang kanan ko.
"Bawal ngumiti!" asik ko sa kanila bago nirolyo ang mata ko. Kaso sa halip na matakot ang dalawa, lalo lang silang humalakhak.
Sa mga sumunod na araw ay naging abala kami sa mga preparasyon sa aming misyon. Gayunman, nang dumating ang araw ng misyon ay 'di ko magawang hindi makaramdam ng kabog ng dibdib.
"Ito na siguro ang huling misyon ko kasama ang grupo," I said while looking at the mirror and putting my lipstick on.
"What?" Red hissed.
Napatigil rin sa pagsusuot ng suit si Zach. Kitang-kita ko ang pagtitig niya sa'kin mula sa salamin.
"Is that a prank?" Thirdy asked without looking at me. He keeps on checking his gun.
"She's serious. Mag-aasawa na 'yan," Saad ni Denver habang inaayos ang bag niya.
"Is that true?" baling sakin ni Thirdy.
I just nodded. Binigyan ko sila ng expression na parang wala lang sa'kin ang topic. Hindi naman tamang ngumiti ako dahil arranged marriage lang naman iyon. Hindi rin tamang magpaawa ako dahil wala 'yon sa vocabulary ko.
"Whoa. Parang nakakatampo. Bakit sa'ming apat, si Denver lang ang nakakaalam?" turan ni Red na naglakad palapit sa'kin.
"Like duhh, do I need to tell everything that is happening to me? I also need privacy, guys!" turan kong parang nagsusungit pero ang totoo, hindi ko lang feel na ikwento sa kanila ang mga DI KANAIS-NAIS NA GANAP sa buhay ko.
"Who's the man?" Zach asked. As usual, I can't figure out any emotion on his face. Tsk! POKER FACE, minsan tuloy iniisip ko kung tao ba siya o robot.
Ganito talaga kaming lima, nagkakatampuhan at nagbabangayan pero sa loob ng apat na taon. Never kaming nabuwag.
"You'll meet him soon," I said as I bring my attention to the mirror. Iyon na lang ang sinabi ko para 'di na siya mag-usisa pa.
"Ang baby girl namin, mag-aasawa na. Siguro mahal niya kaya siya magpapasakal-----I mean magpapakasal," Thirdy said while laughing.
"Siguro nga," saad naman ni Red. Nag-apir pa ang dalawang sira-ulo.
Tumingin ng makahulugan sa'kin si Denver. Alam niya kasing arrange marriage lang iyon.
"Ako nalang kaya pakasalan mo. You know I'm a sweet guy," saad ni Red na inakbayan pa ako.
"Hands off, Bernoulli!" saad ni Zach na tinanggal ang kamay ni Red na nakaakbay sa'kin.
Napatingin si Red kay Zach. Pati rin ako, napatingin sa kanya dahil pakiramdam ko ang lakas ng boses niya.
"Konting respeto lang sa FUTURE HUSBAND niya!" sunod niyang turan bago kami talikuran. Pinagdiinan talaga niya ang salitang future husband. Parang gustong ipamukha sa'kin na nakikipag-akbayan pa ako eh malapit na nga akong ikasal. Tsk!
Dinampot niya ang back pack niya sa sofa at dumeretso sa pintuan.
"Hurry up! May misyon pa tayo," turan niya bago tuluyang lumabas ng unit.
"May regla ba 'yon? Ang sungit!" Thirdy said. Patuloy parin siya sa pag-aayos ng gamit niya.
"Hindi ka pa ba sanay? Matagal na siyang ganyan," saad kong hindi napigilang mapahalukipkip. 'Di ko nga alam kung pa'no nila naging kaibigan 'yon eh. I mean, looking at this three, siya lang naman ang naiiba ng ugali. Medyo seryoso din naman si Denver pero kaya naman niyang sabayan ang topak nina Red at Thirdy.
"Ganyan siguro 'pag allergic sa babae," turan naman ni Red.
"I agree to that!" saad naman ni Thirdy na tumatawa pa.
Nailing na lang ako. Itong dalawang 'to kasi mga malilibog eh. Palibhasa pa-iba-iba ng babae. TSK! Iyon din naman ang maganda kay Zach. Sa apat na taon namin bilang magkakagrupo. Wala pa siyang ipinakilalang babae sa'min. Ewan ko kung pihikan ba o malihim lang.
"He's not allergic to women. He is just loyal to the only woman of his life," saad ni Denver.
Aba! Mukhang may alam 'tong lalaking 'to ha. TSISMOSO talaga 'to. No wonder, kaya pala siya ang reseacher ng grupo. Pati nga ang arrange marriage ko nadiskubre niya. Hindi ko alam kung pa'no niya nalaman basta isang araw tinanong na lang niya ako kung papayag ba ako sa arrange marriage na gusto ni daddy.
Tinanong ko siya kung pa'no niya nalaman, pero sagot lang niya, 'I have source'.
"Really? Parang wala naman 'yon sa vocabulary ni Montereal," Thirdy said. Si Zach kasi ang tipo ng lalaking masungit at parang ang hirap landiin dahil sa taas ng standard. Parang napakahirap niyang abutin o lapitan.
"You know what, let's just hurry. Baka lalong magalit 'yon." Turan ko kasabay ng pagtayo ko at pagkuha sa pouch ko.
"You're right!" segunda naman ni Red na tumayo na rin at kinuha ang gamit niya.
Walang imikan ang grupo habang nasa byahe kami papunta sa bar. Pare-pareho kaming may kanya-kanyang hawak na gadgets maliban kay Thirdy na siyang nagda-drive ng van.
"We're here!" Thirdy announced.
Itinago ko ang cellphone ko at nagsipaghanda na rin sila ng gamit.
"Before we enter the bar. Alam na ba ninyo ang gagawin?" saad ni Denver tumigil ang tingin niya sa'kin.
"Ofcourse, we're not stupid, Ledesma!" Zach said coldly.
Napanguso nalang si Denver dahil sa sagot ni Zach. Bad mood na naman ata 'to. Well, palagi naman itong masungit.
"Ikaw Stacey, did you keep everything in mind? Remember this, do everything para maakit si Mr. Guo," mahinahong ni Denver na humawak pa sa magkabilang balikat ko.
"What if I failed? Sa loob ng bar ko siya aakitin. Sa dinami-dami ng GRO doon, pa'no ako makakasigurong ako ang pipiliin niya," I said. Kinakabahan ako. Seducing men is not new to me. Pero mukhang iba yata ang gabing ito. Hindi nalang sa harapan ng iisang lalaki ako sasayaw kundi may iba pang guest na maaaring makasira ng plano. Para tuloy gusto ko ng umatras samantalang tapang-tapangan ako noong nakaraan.
"Don't worry. Sigurong iuuwi ka niya. I already told to the bar owner not to entertain anyone except Mr. Guo," magaang wika ni Red. Kung paano nila na-kontrol ang owner ng bar, iyon ang hindi ko alam. But knowing Red and Denver, siguradong may pangba-blackmail na namang naganap.
"You've been doing this for four years, be confident, woman. Sabi mo nga nakaya mo noon sa Bangkok, kaya kakayanin mo rin ngayon!" mapaklang turan ni Zach.
Tsk! Hindi pa ba 'to nakaka-move on sa huli naming pagtatalo? Bakit parang nase-sense ko ang bitterness sa tono niya. Palibhasa kasi natalo siya sa botohan.
"Yeah! And besides, hindi ka naman namin pababayaan," turan ni Red na hinagod ako sa likod.
"Nasa tabi-tabi lang kami," segunda naman ni Thirdy.
"We are team, Virgo. Walang iwanan," saad naman ni Denver.
Pakiramdam ko na-boost ang confidence ko dahil sa mga sinabi nila. Itong Zach na 'to lang talaga ang bwisit eh! Siya lang itong KJ palibhasa bitter siya kasi against siya sa plano.
Alright! I know, kakayanin ko 'to. Nasa likod ko ang Zodiac. May tatlong spy camera na nakadikit sa maskarang isusuot ko. Hindi naman halatang camera ang mga iyon, mukha lang itong mga beads. Meron ding audio recorder sa suot kong hikaw.
I inhale and exhale.
"Okay. Let the show begin!" I said confidently.
----Amvernheart----
Stacey's POV Proposal ng isang CEO palpak matapos muntikang makunan ang girlfriend! When a proposal gone wrong! Trending! The unforgettable proposal! Proposal of the year! Napangiwi na lang ako nang mabasa ko ang mga headline. Viral na rin ang video ng proposal ni Lance. Naka-live pala ang proposal niya kahapon. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at tinungo ang terrace. Bagot na bagot na ako. Gusto ko sanang lumabas kahit halos kauuwi lang namin mula sa hospital. Ayos na ayos naman ang pakiramdam ko. Para ngang mas lalo akong magkakasakit kung nandito lang ako sa bahay. Ayon sa doctor, ayos lang naman daw ang baby. Huwag lang daw akong bigyan ng stress. At nakita ko kagabi kung paano nagsisi si Lance na gano'n pa ang naisip niyang pakulo sa proposal. "Sweetie, ba't bumangon ka?" Taranta itong lumapit sa'kin. "Hindi ka dapat kilos ng kilos. Baka mapa'no ang baby n
Stacey's POVNapsulyap ako sa bilog na wall clock na nakasabit sa dingding ng sala. Pasado alas otso na rin ng gabi pero wala pa si Lance. Ngayon lang siya na-late ng uwi. Madalas nga ay under time siya sa trabaho. Minsan half day lang siya o kaya kapag sinumpong ay absent siya. Kapag sobrang importante ay sinasama niya ako.Nabalik-balik ako ng lakad para mabawasan ang pagbayo ng dibdib ko.Ano bang nangyari? Bakit hanggang ngayon, wala pa siya?Muntik na akong mapatili nang biglang mag-ring ang cellphone.Mabilis kong sinunggaban iyon sa pag-aakalang si Lance iyon.Ngunit gano'n na lamang ang pagkadismaya ko nang makita ko ang screen.Red Bernoulli calling...Hindi ko sinagot. Hinayaan kong matapos ang tawag.Kung hindi kasi pang-aasar ang sadya niya, siguradong tsismis lang ang hanap niya.Ilang sandali lang ay muling nag-ring ang cellphone ko.Si Red ulit ang tumatawag.Hays
Stacey's POV "Hey, sweetie? Are you alright?" turan ni Lance na hinalikan ako sa noo at lalong niyakap.I can feel his warmth under this white sheets.We are both naked and just done with our multiple orgasm.I felt his hardness poking my thigh.Gagong 'to! May energy pa yatang natitira.Kailan ba siya mapapagod?"Lumayo ka nga ng kaunti sa'kin." Pagsusungit ko sa kanya. Bahagya ko rin siyang itinulak.Defense mechanism lang. Baka mamaya bumigay na naman ang beauty kong marupok. Isang haplos lang niya at siguradong talo na naman ako. "Naaalibadbaran ako sa'yo!" Nakita ko naman ang pagkalukot ng mukha niya."Nagsusungit ka na naman, sweetie. Gusto mo ba pa ng isa pang round?" Nakatawang biro niya.Pinandilatan ko siya."Baka gusto mo ng sapak?" Iniambaan ko siya ng suntok."Ito naman. Joke lang naman."Agad akong tumayo sa kama at hinablot ang robe na nakakalat sa sahig. Kaagad kong isinuot iyon."Huwag mo akong
Stacey's POVPagkaalis pa lang ni Lance sa mesa namin ay siya namang paglapit ng waiter sa table namin.May inilapag itong orange juice sa mesa. Matingkad ang kulay no'n. Bigla tuloy akong natakam. Paborito ko pa naman ang orange juice."Para sa inyo daw ma'am" Matamis ang ngiti nito."Salamat." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.Yumukod naman siya bilang tugon bago siya humakbang paalis.Kinuha ko ang juice at tinikman iyon. Matamis at masarap. Nagawa kong mainom ang kulang-kulang na kalahati ng laman ng baso."Pa'no kaya nalaman ni Lance na paborito ko ang orange juice?" Usal ko sa isip ko.Habang hinihintay ko siya ay pasimple kong iginala ang tingin ko sa paligid. Mangilan-ngalan lang ang costumer na pawang magkakapareha.Ipinilig ko ang ulo ko nang maramdam ko ang panlalabo ng paligid. Tila hinihila ang mata kong pumikit.Kumurap-kurap ako. Ramdam kong may mali. Alam kon
Lance Mcneil's POV Nahilo si Stacey? Nakaramdam ako ng pag-aalala. Mukha naman siyang okay kanina. Parang gusto ko tuloy magsisi na iniwan ko pa siya. Napunta ang tingin ko sa hawak kong calling card. Nandito pala si Yvonne sa restaurant, hindi ko napansin. At siya pa ang tumulong kay Stacey. Hinugot ko ang cellphone ko at kaagad na nagtipa. Bago ko pa magawang tawagan ang number na nasa calling card ay nakatanggap na ako ng mensahe mula kay Yvonne. Nanlamig ako nang makita ko ang litratong ipinadala niya. Litrato iyon ni Stacey. May busal ito sa bibig. Nakaupo ito at nakatali sa silya. Suot pa rin niya ang bestidang suot niya kanina pero magulo ang buhok nito. Sa ibaba ng ipinadala niyang larawan ay may ipinadala siyang mensahe. Come back to me or she will die. Para akong tinakasan ng kaluluwa. Hindi pala tinulungan ni Yvonne si Stacey kundi kinidnap niya. Kaag
Stacey's POV Mabilis kong itinulak si Red at umayos ng tayo. Napasipol si Thirdy. Napatikhim naman si Denver. Nanatili namang nakatayo roon si Lance. Nakasimangot. "Aray naman! Matapos kitang saluhin, tratratuhin mo ako ng ganyan!" Humawak ito sa d****b niya kung saan ko siya tinulak. "Sobrang sakit sa heart." Inambaan ko siya ng suntok. "Black eye, gusto mo? Gigil na talaga ako sa'yo eh!" "Ang sama talaga ng ugali mo! Tumanda ka sanang dalaga!" Nakanguso pa ito. Ang sarap niya sanang hambalusin. Bumaling ito kay Zach. "Pa'no, Zach? Uwi na kami. Pinapalayas na kami eh." I rolled my eyes. "Okay. I'll send you outside." Ibinaba ni Zach ang trophy sa mesa. Nagpatiuna na rin ito sa paglalakad. Sumunod sa kanya si Red na bubulong-bulong na napakasama raw ng ugali ko. Sumunod naman si Thirdy sa kanila. "We gotta go, Stacey." Paalam ni Denver na tinugon ko na lang ng tango. Nang
Stacey's POV "By the way guys, are you familiar with Zodiac?" Iginala ko ang paningin ko sa Zodiac. Mukhang nagulat din sila. "Nevermind! I gotta go." Maya-maya ay saad ni Lance. Tuluyan nitong pinihit ang seradura at humakbang palabas ng kwarto niya. "Bebe mo ba 'yon?" Kaagad na tanong ni Red. "Oo nga! Mukhang familiar ang name niya." Bulalas naman ni Thirdy. Kumunot-noo ito at kumibot-kibot ang kanyang labi na tila ba may pilit na inaaalala. "Tanda ko na!" Biglang bulalas niya. Sumilay sa labi niya ang ngiti. Nagningning ang mga mata nito. "Siya 'yong ex-jowa ng designer." Sunod niyang turan. Pinanlakihan ko ng mata si Thirdy! Ang daldal ng lalaking 'to! Kaasar! Gusto-gusto na talaga siyang takbuhin at i-tape ang bunganga niya. Masolo ko lang 'to at talagang kukutusan kita. Nakalimutan na niya yata ang usapan naming gawing sikreto ang pagpapa
Stacey's POV"Ano na? May tinatago ba kayo sa'min , Kuya?" Salubong ang kilay ni Lance. Bakas sa mukha niya ang labis na pagdududa.Napalunok na lang ako.Anong sasabihin ko?Hindi naman nagpatinag si Zach. Nagsalubong din ang kilay nito at walang alinlangang sinalubong ang titig niya."Ano namang itatago namin sa inyo?"Hindi kakikitaan ng bahid ng guilt o pagsisinunggaling si Zach.Infairness sa robot na 'to, mukhang naka-program sa kanya ang mag-deny."Ang pagkamatay ni Liam, Kuya?"Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Zach. Nakita ko rin ang mariing pagdampi ng mga labi niya."Bakit nagkataong sabay silang na kidnap ni Stacey? At bakit nando'n ka rin? Di ba may business trip ka noon?" Sunod-sunod na tanong ni Lance.Napapikit na lang ako. Mukhang napapagtagpi-tagpi na niya ang lahat."You're paranoid, Lance!" Nanggagalaiting bulalas ni Zach."Ano ba kayong magkapari
Stacey's POVNagising akong wala na si Lance sa tabi ko. Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Akala ko pa naman ay gigising akong kayakap ko pa rin siya.Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Wala na sa sahig ang damit ko. Maayos na itong nakatupi sa bedside table.Bumangon ako at saka sumandal sa headboard ng kama."You're awake! Gusto mo na bang kumain?"Agad akong napalingon sa pintuan kung saan nagmula ang tinig.Natagpuan ko roon si Lance. Nakasuot ito ng kulay itim na sando at jogger. Nakangiti siyang lumapit sa'kin. Nagniningning ang mga mata nito."Ba't ganyan ka makangiti?" Pagtataray ko sa kanya para maitago ang hiya ko. Pasimple ko ring hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kumot.Lalo namang lumawak ang ngiti niya kasabay ng pag-upo niya sa gilid ng kama."Bawal na bang ngumiti ngayon?"I rolled my eyes."Hindi ba nagugutom, sweetie? Gusto mo bang magdal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen