Stacey's POV Naalimpungatan ako dahil sa marahang pagyugyog. "Belle, anak, gising na." Malumanay ang boses ni mommy ngunit tila bangungot iyon sa pandinig ko. "Mom, I'm still sleepy." Ni hindi ako nagmulat ng mata, lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa unan. "We have visitors, anak. Kanina pa sila dumating. Kaya please, bangon na." Muli niya akong niyugyog. "Still too early , Mom. Sino ba 'yang bumisita ng ganito kaaga? Inaantok pa ako." Tumagilid ako ng higa at tinalikuran si mommy. "Too early? It's already ten in the morning. You considered that early? Hala! Bangon na diyan." Ano raw? Ten in the morning?Nagmulat ako ng mata. Tanghali na pala. Sabagay hindi ko masisisi ang sarili ko, alas-tres na ng madaling araw ako nakatulog. Pagkatapos akong umalis sa party kagabi, umuwi ako at nagbihis. Muli pa nga akong naligo. Pero pabalik
Last Updated : 2021-10-31 Read more