Share

KABANATA 2

Author: Chinitiko
last update Huling Na-update: 2025-02-11 10:17:27

"I..isang milyon?" Nanginginig ang boses ko habang inuulit ang halagang binanggit niya. Halos lumambot ang mga tuhod ko.

Tumango si Nanay, bakas sa mukha niya ang pagod at pangamba. "Kung hindi tayo makakabayad sa loob ng isang linggo, mawawala sa atin ang bahay. Makukulong ako, Alexis."

Napaatras ako, hindi makapaniwala. Isang linggo? Kahit magdoble o mag-triple kayod ako sa pamamasada sa buong buhay ko, hindi ko kakayanin 'yon!

"Nay, may ibang paraan siguro. Pwede tayong humingi ng palugit—o kaya naman..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Alam kong walang ibang paraan.

"Alexis, ito na lang ang natitirang solusyon." Mahina ngunit matigas ang boses ni Nanay. "Kailangan mong tanggapin ang kasal kay Theo."

Napaupo ako sa maliit na sofa , yakap ang sarili. Hindi ko kailanman inisip na darating ako sa ganitong sitwasyon—na ang sarili kong ina ang magtutulak sa akin sa isang kasal na hindi ko ginusto.

Napakuyom ako ng kamao. Iniwasan kong umiyak sa harapan ni Nanay. Hindi ko gustong makita niya akong mahina.

"Kung papayag ako, mababayaran ba lahat ng utang natin?" Nanginginig ang boses ko nang tanungin ko siya.

Tumango siya. "Oo. Si Fernando na ang bahala sa lahat. Ang mahalaga lang ay pakasalan mo ang anak nyang si Theo."

Napalunok ako, hindi sigurado kung kaya kong lunukin ang lahat ng ito. Pero ano ang pagpipilian ko? Kung hindi ako papayag, mawawala ang bahay namin. Makukulong si Nanay. Wala kaming matutuluyan.

Wala akong pagpipilian.

Pumikit ako, pilit pinapakalma ang sarili ko. "Kailan ang kasal?"

Nakita kong bahagyang lumiwanag ang mukha ni Nanay. "Sa loob ng dalawang linggo."

Dalawang linggo? Ganun kabilis?

Humugot ako ng malalim na hininga. "Sige."

Nanginginig ang buong katawan ko habang binibitawan ang salitang iyon.

Pumayag na ako.

Ngunit sa loob-loob ko, alam kong nagsisimula pa lang ang bangungot ko.

"Salamat, anak! Salamat!"

Niyakap ako ni Nanay nang mahigpit, at sa unang pagkakataon, naramdaman kong masaya siya dahil sa akin. Buong buhay ko, palaging may pagkadismaya sa kanyang mga mata tuwing tinitingnan niya ako. Pero ngayon, puro saya ang nakikita ko.

Dapat ba akong matuwa?

Alam kong para sa kanya, ito ang tamang desisyon. Pero para sa akin? Para bang pinipilit kong lunukin ang isang bagay na hindi ko kayang tanggapin.

Pagkatapos niyang bumitaw sa yakap, agad siyang tumayo at kinuha ang cellphone niya. "Tatawagan ko na si Fernando! Sasabihin kong pumayag ka na."

Napalunok ako. Wala nang atrasan ito.

Nang bumalik ako sa kwarto, dahan-dahan kong tinanggal ang sumbrero ko at napatingin sa salamin. Bumagsak sa balikat ko ang itinatagong buhok—isang bagay na matagal ko nang kinukubli sa ilalim ng panlalaking pananamit. Sanay akong makita ang sarili ko na may maikli ang buhok.Pilit kong pinagtatakpan upang panindigan ang imahe kong lalaking-lalaki.

Paano ako magpapakasal kung ganito ang postura ko?

Ayokong magsuot ng gown.

Ayokong maglakad sa altar na parang isang babaeng ikakasal.

Hindi ko yata kayang sikmurain.

Napahawak ako sa dibdib ko, tila hinahanap ang sagot sa puso ko. Paano kung hindi lang ang kasal ang problema? Paano kung ang mismong pagkatao ko ang huhusgahan nila?

Ngayon pa lang, pakiramdam ko ay nawawala na ako sa sarili kong buhay. May paraan pa ba para makatakas dito?

Hindi ko namalayan kung gaano katagal akong nakatulala sa kisame, iniisip kung paano ko haharapin ang sitwasyong ito. Ang bigat sa dibdib ko ay parang hindi nawawala, hanggang sa hindi ko namalayang unti-unti na palang pumipikit ang mga mata ko.

Nakatulog ako nang hindi inaasahan.

Kinabukasan Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Napabalikwas ako ng bangon, medyo groggy pa mula sa pagkakatulog. Napahawak ako sa ulo ko, pilit inaalala ang lahat ng nangyari kagabi.

"Alexis, bumangon ka na. May bisita ka," tawag ni Nanay mula sa labas ng kwarto.

Napakunot ang noo ko. Bisita? Sino naman?

Mabigat ang katawan ko nang tumayo ako mula sa kama. Nag-ayos ako ng bahagya, hinubad ang gusot kong panloob na damit at nagpalit ng bago. Mabilis kong sinuklay ang mahaba kong buhok bago muling isinuksok sa ilalim ng sumbrero. Hindi ko pa kayang ipakita ang ganitong anyo sa iba.

Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Nanay sa may pintuan, nakangiti na tila may magandang balitang dala.

"Naghihintay siya sa labas," aniya, sinenyasan akong lumapit.

“Sino ba yan, nay?”nakakunot noong tanong ko.

Ngunit tanging ngiti lang ang naging tugon ni nanay kaya mas lalo akong nainis. Sino kaya ang bisitang ito?

Dahan-dahan akong lumabas, at doon, sa harap ng bahay namin, ay tumambad sa akin ang isang pamilyar na pigura.

Nakatayo si Theo Angelo Garcia—nakapamulsa, nakasandal sa mamahaling sasakyan, at nakatingin sa akin na may bahagyang nakakalokong ngiti sa labi.

"Tsk. Buti naman at nagising ka na. Ayokong maghintay ng matagal."

Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa kaba kundi dahil sa inis.

Anong ginagawa ng hambog na‘to dito?

Kaugnay na kabanata

  • The Lesbian Bride   KABANATA 3

    "Dad wants me to pick you up."dagdag pa niya.Nakakunot ang noo ko habang nakatingin kay Theo. Pinapasundo raw ako ng ama niya? At ganito kaaga?"Ni hindi pa nga ako nakakakain o nakakapaghilamos man lang.""I know," sagot ni Theo, parang walang pakialam, saka nagkibit-balikat. "Pero sinabi ni Daddy na sunduin kita ngayon. Wala na akong magagawa kung hindi sundin ‘yon."Napatingin ako sa kanya nang masama. "Magpapalit muna ako at maliligo."Napairap si Theo, sumandal sa sasakyan, at nagmurmurang "Tsk. Ang mga lalaki, hindi maarte. Pwede ka namang maligo sa mansyon."Napangisi ako sa pangmamaliit niyang iyon. "At sino’ng nagsabi sa ‘yong lalaki ako?" Saglit siyang natigilan, pero bago pa siya makasagot, mabilis akong pumasok sa bahay at dumiretso sa banyo.Narinig ko pa ang mahina niyang pagmumura. "Ang tigas ng ulo!"Sa inis ko, lalo ko pang pinatagal ang pagligo. Sinadya ko talaga. Naririnig ko ang busina ng sasakyan niya sa labas, kasabay ng katok ni Inay sa pinto ng banyo."Alexis,

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • The Lesbian Bride   KABANATA 4

    Napabuntong-hininga ako at tumango. “Oo nga, Don Fernando. Tingnan niyo nga po ang itsura ko.”Hindi ko kayang suotin ang gown na ‘yon—hindi ko nga kayang isuot kahit simpleng bestida, gown pa kaya? Buong buhay ko, sanay akong naka-maong at polo, malayo sa imahe ng isang babaeng ikakasal sa marangyang kasal na pinaplano ni Don Fernando.Napangisi si Theo, tila nagtatagumpay sa pang-aasar niya. “See? At least may alam ka sa sarili mo.”Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ko na pinatulan. Ano pa ba ang magagawa ko? Ang buhay ko ay hindi na sa akin—kinailangan kong tanggapin ang bagong mundong ginagalawan ko ngayon.“Huwag kang mag-alala, hija,” sabat ni Don Fernando. “Magpapadala ako ng pinakamagaling na make-up artist at stylist para tulungan ka. Sigurado akong magiging maganda ka sa araw ng kasal ninyo.”Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o lalong mainis. Kahit na anong gawin nila, hindi ako magiging kagaya ng babaeng gusto nilang makita. Pero wala na akong magagawa kundi sun

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • The Lesbian Bride   KABANATA 5

    “Hindi mo siya pwedeng pakasalan.”Nanlaki ang mata ko nang marinig ang prangkang sinabi ni Fate. Napakunot ang noo ko habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.“Si Theo ang pinakamamahal ko.” Halata ang panginginig sa boses niya, pero hindi niya ako nilubayan ng tingin. “Iniwan at pinaasa man niya ako, umaasa pa rin akong balang araw ay mamahalin niya ako.”Napaatras ako, tila hindi makapaniwala sa mga naririnig ko.“At kung ipipilit mong maikasal kay Theo... kalimutan mo na na bestfriend mo ako.”Parang sinampal ako ng malamig na hangin. Hindi ko akalaing kayang ipagpalit ni Fate ang pagiging magkaibigan namin para lang kay Theo—sa lalaking ilang beses ko nang nakitang sinaktan siya.“Ano?” Iyon lang ang nasabi ko habang pilit inuunawa ang bigat ng sinabi niya. “Fate, seryoso ka ba? Gano’n mo na lang itatapon ang pagkakaibigan natin dahil kay Theo?”“Hindi mo kasi naiintindihan! Mahal ko siya!” sagot niya, nangingilid ang luha. “Hindi mo siya pwedeng agawin sa akin!”Napailing

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • The Lesbian Bride   KABANATA 6

    Sa paglipas ng mga araw matapos ang aking training kasama si Ms. Bianca, dumating na rin ang araw ng aking kasal.Isinuot na sa akin ang gown, at agad kong naramdaman ang bigat nito at ang aking pagkadismaya. Masikip ito sa bewang, at ang mala-prinsesang disenyo ay malayo sa nakasanayan kong simpleng pananamit.Nagdalawang-isip pa ako kung papayag akong alisin ang aking sumbrero, ngunit wala akong nagawa. Sa harap ng salamin, tumambad sa akin ang aking mahabang buhok hanggang balikat. Para akong ibang tao.Napakababae ng aking pustura, at lalo pa itong tumingkad nang lagyan ako ng makeup at hair extensions ng baklang stylist. Nang matapos sila, halos hindi ko makilala ang aking sarili. Napakaganda ko—kahit ako mismo ay maaaring ma-in love sa sarili kong repleksyon.Isang katok ang pumukaw sa aking pagkamangha. Bumukas ang pinto at pumasok si Fate, kasunod si Inay. Kita ko sa kanilang mga mata ang labis na pagkagulat. Nanlaki ang mga mata ni Fate, habang si Inay naman ay hindi naitago

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • The Lesbian Bride   KABANATA 1

    ALEXIS'S POV"Hija, meet my son, Theo Angelo Garcia," kalmadong sabi ni Don Fernando habang nakangiti.Napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—tantya ko nasa 6’ft ang taas niya. May mahahabang pilik-mata, mestiso, at may aura ng kayabangan kung pagmamasdan."Who is this short guy, Dad?" nakangising tanong ni Theo, saka ako sinipat mula ulo hanggang paa."She, not he. She is your future wife, son," sagot ng matanda, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad akong napakunot-noo sa narinig. Halos ganoon din ang reaksyon ng hambog na lalaking nasa harapan ko. Napatingin ako kay Nanay na nasa tabi ko, at agad kong naramdaman ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay."Anak, napagkasunduan namin ng kaibigan kong si Fernando na ipakasal kayo ng anak niyang si Theo. Total, dalaga ka naman at binata si Theo. Ikaw na lang ang hindi pa nag-aasawa sa inyong magkakapatid," mahinahong paliwanag ni Inay habang malumanay akong tinitingnan.Parang b

    Huling Na-update : 2025-02-11

Pinakabagong kabanata

  • The Lesbian Bride   KABANATA 2

    "I..isang milyon?" Nanginginig ang boses ko habang inuulit ang halagang binanggit niya. Halos lumambot ang mga tuhod ko.Tumango si Nanay, bakas sa mukha niya ang pagod at pangamba. "Kung hindi tayo makakabayad sa loob ng isang linggo, mawawala sa atin ang bahay. Makukulong ako, Alexis."Napaatras ako, hindi makapaniwala. Isang linggo? Kahit magdoble o mag-triple kayod ako sa pamamasada sa buong buhay ko, hindi ko kakayanin 'yon!"Nay, may ibang paraan siguro. Pwede tayong humingi ng palugit—o kaya naman..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Alam kong walang ibang paraan."Alexis, ito na lang ang natitirang solusyon." Mahina ngunit matigas ang boses ni Nanay. "Kailangan mong tanggapin ang kasal kay Theo."Napaupo ako sa maliit na sofa , yakap ang sarili. Hindi ko kailanman inisip na darating ako sa ganitong sitwasyon—na ang sarili kong ina ang magtutulak sa akin sa isang kasal na hindi ko ginusto.Napakuyom ako ng kamao. Iniwasan kong umiyak sa harapan ni Nanay. Hindi ko gustong m

  • The Lesbian Bride   KABANATA 1

    ALEXIS'S POV"Hija, meet my son, Theo Angelo Garcia," kalmadong sabi ni Don Fernando habang nakangiti.Napako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaki—tantya ko nasa 6’ft ang taas niya. May mahahabang pilik-mata, mestiso, at may aura ng kayabangan kung pagmamasdan."Who is this short guy, Dad?" nakangising tanong ni Theo, saka ako sinipat mula ulo hanggang paa."She, not he. She is your future wife, son," sagot ng matanda, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad akong napakunot-noo sa narinig. Halos ganoon din ang reaksyon ng hambog na lalaking nasa harapan ko. Napatingin ako kay Nanay na nasa tabi ko, at agad kong naramdaman ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay."Anak, napagkasunduan namin ng kaibigan kong si Fernando na ipakasal kayo ng anak niyang si Theo. Total, dalaga ka naman at binata si Theo. Ikaw na lang ang hindi pa nag-aasawa sa inyong magkakapatid," mahinahong paliwanag ni Inay habang malumanay akong tinitingnan.Parang b

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status