Labis na nagulat ang nurse sa naging reaksyon ko, dahil para akong mababaliw sa narinig ko. Ngunit, nagsalita siya ulit ng mahinahon at nakangiti, tinangka akong kalmahin.
"Ma'am, kumalma po kayo. Ang ibig ko pong sabihin ay wala na po siya sa Room 96 dahil inilipat po siya sa isang VIP room para mas matutukan siya ng mga doktor bago ang operasyon," paliwanag ng nurse.Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Natuwa ako dahil totoo nga ang sinabi ni Sir Rabino—o dapat ko bang tawaging Dr. Rabino—na magiging asawa ko na.
Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap, pwedeng magbago ang lahat. Nagkaroon ako ng pag-asa para baguhin ang buhay ko at ng aking kapatid.Agad akong dinala ng nurse sa bagong kwarto ni Mio, at nasurpresa ako sa treatment na ibinibigay nila sa kapatid ko.
May nakamonitor sa heartbeat niya at may mga nurse na nagche-check ng electrolytes sa katawan niya. Sobrang nakakatuwa dahil sa wakas, matatapos din ang kanyang pagtitiis sa sakit.Lumapit sa akin si Tiya Vangie at hinawakan ang kamay ko.
"Dininig ng Diyos ang panalangin mo, Hija," nakangiting sabi nito sa akin. "Opo, Tiya. Sana tuloy-tuloy na ang paggaling ni Mio. Sana maging successful ang operasyon niya," tugon ko.Pagkatapos ng maikling usapan namin ni Tiya Vangie, pinauwi ko na muna siya at inabutan ng pera.
Dinagdagan ko ng isang daan ang perang ibinigay ko sa kanya, bilang pandagdag sa gastusin nila. Sa totoo lang, sa tuwing tinitignan ko si Tiya Vangie, naaalala ko ang aking ina na namatay kasama ang aking ama dahil sa virus na tumama sa Pilipinas isang taon na ang nakalipas."Baby, pagaling ka, okay? Nandito lang si ate sa tabi mo," malumanay kong sabi habang hinahaplos ang buhok ni Mio.
Matipid siyang ngumiti, at halatang hirap pa rin siya, kaya’t naiiyak ako tuwing tinitignan ko siya. "I love you, ate," sabi niya. Kasarap sa tenga pakinggan ang salitang iyon na galing sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.---
Kinabukasan, tulad ng napag-usapan namin ni Sir Rabino, naghintay ako sa harapan ng hospital.
Ilang minuto din akong nakatayo bago dumating ang isang kulay itim na kotse at pumarada sa harapan ko. Isang lalaking naka-uniforme na kulay puti ang lumabas at lumapit sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at niyayang pumasok na sa loob.Tahimik naming binaybay ang daan, at habang naglalakbay kami, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol kay Mio.
Lahat ng ito ay ginagawa ko para sa kanya kaya wala akong karapatang umatras lalo na’t nakikita kong gumaganda ang kalagayan niya.---
Pagkarating namin sa municipal office, pumasok ako sa loob kasama ang driver ng kotse.
Kabado at namamawis ang aking mga kamay habang iniisip ang mangyayaring kasal. Hindi ko kasi alam ang mangyayari sa susunod. Mag-aalaga ba ako ng kambal? Magiging nanay na ako in an instant?Napako naman ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa unahan, malapit sa mesa ng mayor.
Sinong mag-aakalang ikakasal ako sa lalaking matanda sa akin ng 20 taon at magiging ina na din ako sa isang iglap ng mga anak niya? Ngunit, sino ba naman ako para tumanggi sa tatlong milyong halaga?"Simulan na natin ang seremonya, Mayor," dominanteng sabi ni Rabino sa Mayor.
Naging mabilis ang mga pangyayari, at naikasal na nga kami sa harapan ng Mayor.
Pinermahan ang marriage contract bilang patunay na kami ay kasal na. Wala na akong magagawa kundi panindigan ang pagiging isang ganap na Mrs. Castillon sa loob ng isang taong kontrata.---
"Sir, ang laki naman po ng bahay niyo," namamanghang sabi ko habang papasok kami sa loob ng isang malaking mansion.
Pagkatapos naming ikasal, dinala niya ako dito, at wala akong magawa kundi sumunod sa kanya. Naging kampante naman ako na hindi ako mapapahamak sa pagsama ko sa kanya."Simula ngayon, sanayin mo na ang iyong sarili na tawagin akong Rabino. Kapag nasa harapan tayo ng mga bata, Sweetheart ang itatawag mo sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo?" seryosong tanong niya.
"Yes... Sir," sagot ko.
"Are you sure you understand?" nakakunot ang noo niyang tanong nang marinig niya ulit na tinawag ko siyang Sir.
"Yes, Rabino," sagot ko ulit.
"Good," sabi niya.
Pagkaakyat namin sa 2nd floor ng mansion, naglakad siya patungo sa isang pintuan sa kanang direksyon at huminto sa harapan ng pintuan. Nang makalapit na ako sa kanya, mahina siyang nagsalita sabay tingin sa akin.
"Remember your job. You need to introduce yourself to my twins as their mother. Nandito sila sa loob ng kwartong ito, that’s why we need to act, okay?" sabi niya.
Yumango ako at ngumiti sa kanya. Huminga siya ng malalim bago inikot ang door knob ng pintuan.
“Daddy’s here,” magiliw niyang sabi.
Sumunod ako nang pumasok siya sa loob, at pagkatapos niyang makapasok, hindi ko inaasahan ang aking matutuklasan. Ang kanyang anak na lalaki ay tahimik na nakaupo, abala sa paglalaro sa phone, habang ang batang babae naman ay nakahiga sa kama. Magkamukha silang dalawa. Ngunit ang batang babae ay mukhang maputla, at may nakakabit na dextrose sa kanyang kamay.
May sakit pala ang isa sa mga anak niya?
Nakita ko kung paano mahigpit na niyakap ni Rabino ang kanyang kambal. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang nakatingin sila sa akin na may kuryosidad.“Daddy, who is she?” tanong ng kanyang anak na lalaki.“Leo, Lea, siya ang mommy ninyo,” nakangiting sagot ni Rabino.Tantiya ko’y nasa apat na taong gulang pa lamang sila. Kita ko ang gulat sa kanilang mga mata, kasabay ng unti-unting paglitaw ng ngiti sa kanilang mga labi.“Mommy!” sigaw ng batang lalaki sabay yakap sa akin.Samantala, ang batang babae naman ay naiyak habang nakatitig sa akin, kaya agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa kamay.“Kayo po ba ang mommy namin?” nanginginig niyang tanong.Napalunok ako at tinibayan ang aking loob upang magpanggap bilang ina ng kambal.“Oo, ako ang mommy ninyo,” pagsisinungaling ko.Ngunit sa loob-loob ko, ramdam ko ang kirot ng konsensya. Kitang-kita ko sa kanilang inosenteng mga mata ang labis na pangungulila sa kanilang tunay na ina—at heto ako, walang-awang nagsisinungaling dahil
"Ginawa? Ano po bang ginawa ng dati niyang asawa?" tanong ko, puno ng pag-uusisa.Napailing si Tiya Vangie bago nagsalita, at hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya."Pinagtaksilan siya ng asawa niya. Pinag-aral niya ito ng ilang taon hanggang sa makapagtapos, ngunit sa huli, nabuntis ito at nanganak. Tinakasan siya, dala ang malaking halaga ng pera mula sa bangko niya. Ang mas masaklap pa, iniwan niya ang kambal nilang sanggol. Nabalitaan na lang niya na sumama ito sa ibang lalaki—matagal na pala siyang niloloko nito," mahabang salaysay ni Tiya Vangie.Natahimik ako, pilit iniintindi ang bigat ng mga sinabi niya. Napakasakit pala ng ginawa ng dating asawa ni Sir Rabino, kaya marahil hindi niya ito magawang balikan.Napatigil ako sa pag-iisip nang muling magsalita si Tiya Vangie. "Age doesn’t matter, hija. Napakasaya ko na malaman na si Sir Rabino pala ang napangasawa mo," aniya, nakangiti."Pero, Tiya, isang kontrata lang po ang kasal namin—kapalit ng kidney transplant ni
Nagkatinginan kami ni Rabino nang marinig ang tanong ng kapatid ko. Parang may bumara sa lalamunan ko at napalunok na lang ako ng laway. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa mga oras na iyon.“I’m Rabino Castillon. I’m your sister’s husband,” mahinahong sabi niya.Ramdam kong nag-init ang buo kong mukha sa narinig ko mula sa kanya. Nakita kong kinilig si Tiya Vangie at gumuhit ang ngiti sa labi nito nang sumulyap ito sa akin.“Husband? May asawa ka na pala, Ate?” di makapaniwalang tanong ni Mio.“Uhmm, pasensya ka na, Mio. Mabilis kasi ang pangyayari at gusto kong mag-focus ka sa pagpapagaling mo kaya hindi ko na nasabi sa’yo na ikinasal na ang ate. Huwag ka sanang magtampo sa akin, ha?” malumanay kong sabi kay Mio.Nakita ko ang pag-guhit ng ngiti sa kanyang labi bago siya bumaling ng tingin kay Rabino. Nahuli ko naman si Rabino na nakatitig sa akin—halatang binabantayan ang sagot ko. Nakakatakot magkamali sa lalaking ito. Ang pagpapanggap na asawa niya ay hindi talaga madali, pero
Napalunok laway ako sa tanong ni Mio at napatingin kay Rabino. Ngunit hindi ko makita ang kahit anong reaksyon sa mukha niya—kalmado lang siyang nakatingin sa akin."Mommy, who is he?" tanong ni Leo."K-Kapatid ko siya, baby," nauutal kong sagot."Manang, pakihatid na lang po sila sa guest room," utos ni Rabino, ngunit mahinahon ang tono ng boses niya.Agad lumapit ang matandang babae at niyaya kami paakyat sa hagdanan. Ngunit pinigilan ako ni Leo na patuloy na kumakapit sa akin."Mommy, let’s play. Lea is looking for you. Come to our room, please," lambing ni Leo."Baby, wait for me there, okay?" malumanay kong sabi."Ihahatid ko lang si Kuya Mio mo sa kwarto niya. Pupuntahan ko kayo ng ate mo sa kwarto niyo, okay?" dagdag ko pa.Sinulyapan ko si Mio at kita sa mukha niya ang pagkalito, ngunit tahimik lang siyang sumunod sa matandang babae na maid. Nagulat kami nang bumukas ang pintuan sa gilid ng hagdanan—isang elevator. Namangha ako dahil sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakita ng
“Let’s have a dinner, love. Leo, come with us,” Mahinahong sabi niya.Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa halik na iyon. Ramdam ko ang lambot ng labi niya na di pa mawala-wala sa pisngi ko. Bakit niya ako hinalikan? At love?Ilang segundo din bago ko narealize na kailangan pala naming magpanggap sa harapan ng mga bata.“Lia?” tawag niya sa akin.Nakita ko ang pagkunot-noo niya nang napatingin ako sa kanya. Nakaramdam naman ako ng hiya sa naging reaksyon ko sa mga oras na iyon.“Y..Yes Love?” nauutal na tugon ko.“Let’s have a dinner. Si Manang Lourdes na ang bahala kay Lea. Siya na din ang magpapakain sa kanya. Her Nurse will be her in the next 30 minutes,” sabi niya.Napatingin naman ako kay Manang Lourdes na nakangiting tumingin sa akin. Alam kong may kahulugan ang ngiti niyang iyon. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at naglakad na palabas ng kwarto.Pagdating namin sa dining area ay agad niyang hinila ang silya at niyaya akong umupo rito. Grabe. Dahan-dahan n
Bigla ko namang nasanggi ang malaking vase na nakalagay sa gilid ng bintana. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at kaba nang makita ko si Rabino na napatingin sa direksyon ko. Kinabahan ako ng sobra, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya.“Lia?!” sabi niya, nakakunot ang noo, at napatingin siya sa vase na nabasag ko.Halos hindi maipinta ang mukha niya sa mga oras na iyon. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko, at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.“S-Sorry, hindi ko sinasadya,” nauutal kong sabi, ang mga kamay ko ay nanginginig.“Do you know how much that is?!” bulyaw niya, ang galit sa boses niya halata. Tumingin siya sa akin ng masama, at ang pagkabigla ko ay nadagdagan ng takot.“Uhmm, magkano ba? Babayaran ko na lang,” natatarantang sagot ko, ngunit ramdam ko ang kabang dumadapo sa aking dibdib.Umiling siya, at kita ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. Napayuko na lamang ako sa hiya, alam kong mali ang ginawa kong pakikinig sa kanya habang may kausap
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Alam ko na isa akong bayaran, at kung sino-sino na lang ang mga lalaking nakakatabi ko sa kama. Ngunit sa mga sandaling iyon, parang sumabog ang tibok ng puso ko habang iniisip na magtatabi kaming matulog sa iisang kama. Iba ang pakiramdam. Unang pagkakataon ko itong maramdaman—ang makaramdam ng pagkailang sa isang lalaki.Hindi pwede. Mali ito. Asawa lang niya ako sa kontrata. Asawa niya ako sa kontrata, kaya lahat ng gagawin ko ay bahagi lamang ng trabaho ko.“Mamayang gabi, I want you to sleep beside me, Lia. No excuses. Do your job,” seryosong sabi niya.“Transfer all your things to our room. I will tell Manang Lourdes to assist you,” dagdag pa niya.Agad siyang tumalikod, hindi man lang inantay ang sagot ko. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo.Dali-dali kong isinara ang pintuan at sumandal dito. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang dibdib ko. Pinapaalalahanan ko ang sarili ko na matapos ang isa
Ilang segundo bago naproseso sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya, dahil una sa lahat, hindi ako yung babaeng maipagmamalaki niya sa lahat bilang kanyang asawa. Ikalawa, nagpapanggap lang kami sa harapan ng dalawang bata, kaya hindi na niya dapat ako ipakilala pa sa iba.“Seryoso? Kailangan ko ba talagang pumunta diyan?” tanong ko, medyo naguguluhan.“Yes, and just do what I said. Roland will be here tomorrow for your makeover and whole preparation for tomorrow night. I have to go now, love,” sabi niya sabay halik sa pisngi ko.“Leo, take care of your sister, okay? I love you, baby,” sabi niya sabay halik kay Leo.Pagkaalis niya, umakyat din si Leo patungo sa kwarto at agad kong niligpit ang pinagkainan namin, tapos hinugasan ko na din ang mga pinggan na ginamit namin para gumaan naman ang trabaho ni Manang Lourdes.Sa totoo lang, naaawa ako sa kanya dahil siya lang mag-isa ang maid dito sa napakalaking mansion at may edad na din siya. Napais
Hindi ko namalayang napangiti na pala ako habang nakatingin sa kanya. Suot niya ang isang puting long sleeves na lalong nagpaangat sa kanyang kagwapuhan. Nakafold pa ito hanggang sa kanyang mga braso kaya kita ang suot niyang relo. Ang perpekto niya.“Kumusta si Lea?” tanong niya sabay lagay ng bouquet sa side table.Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko nang ma-realize kong nag-expect akong para sa akin ang bulaklak. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin kay Lea.“Nag-convulsion siya kanina. Buti na lang naagapan agad ng doktor. Sabi naman ni Dr. Chua, wala na raw dapat ipag-alala,” sabi ko sa kanya.“I think I need to hire a doctor who can watch over her from time to time,” sagot niya.“Pero ‘di ba mas mahal iyon?” tanong ko.“Yeah, but money is just money. Mas mahal ko ang anak ko,” sagot niya.Hindi ko maiwasang humanga sa kanya dahil sa lalim ng pagmamahal niya sa kanyang mga anak. Sa akin pa lang, gumastos na siya ng milyon-milyon para lang magkaroon sila ng ina. Napangiti ako
“Mommy, call the doctor now, please!”sigaw ni Leo, nanginginig ang boses niya.Nanginginig ang buong katawan ni Lea at ako'y sobra nang nataranta, hindi ko alam ang gagawin. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan, sabay sigaw kay Manang Lourdes upang humingi ng tulong.“Manang! Manang! Tawagan niyo po ang doctor!” sigaw ko.Dali-daling lumapit si Manang sa akin at nagtanong ng taranta, “Ano bang nangyari?”“Nagconvulsion si Lia, Manang! Please tawagan niyo na ang doctor!” sigaw ko, puno ng takot.Tamang-tama, narinig ko ang doorbell. Agad ko itong binuksan, at bumungad sa akin ang isang lalaki at isang babae. Kilala ko ang babae—siya ang nurse ni Lia. Pero ang lalaki, ngayon ko lang siya nakita.“Dr. Chua, si Lea po nagconvulsion!” tarantang sabi ni Manang Lourdes.Napatingin ako kay Manang at agad binaling ang tingin ko sa lalaki. Tumakbo siya paakyat ng hagdanan patungo sa kwarto ni Lea. Siya pala ang doktor ni Lea, kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.Pagdating