Ngunit bago pa man ako makapagsalita, biglang tumunog ang phone niya at agad niya itong sinagot. Narinig kong tinatawag niyang "Attorney" ang kausap niya sa kabilang linya.
“Okay. Thank you, Atty. Cuanco. We’ll be there in fifteen minutes,” sabi niya.
Pagkababa ng phone, tumingin siya sa akin at lumapit. Amoy na amoy ko na naman ang pabango niya na nagdudulot ng kakaibang sensasyon. Yumuko na lang ako, naramdaman ko kasi ang matalim niyang titig sa akin.
“We need to go. Naghihintay si Atty. Cuanco sa atin. The contract is ready, and we need to sign it,” seryosong sabi niya, saka lumabas ng pintuan.
Nagcheck-in lang pala kami dito para alukin niya akong maging asawa, hindi dahil sa gusto niya ng serbisyo ko. Pero aaminin ko, naging magaan ang loob ko ngayong gabi. Bukod sa nakapagpahinga ang katawan ko, nakahanap ako ng solusyon sa problema ko. Hindi ko akalain na sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ako pinapabayaan ng Diyos. Dininig niya ang panalangin ko na makahanap ng paraan upang gumaling ang kapatid ko.
Namuo ang katahimikan sa pagitan namin habang binabaybay ang daan. Ilang sandali pa, huminto kami sa tapat ng isang restaurant.
Agad siyang bumaba, kaya bumaba na din ako at pinagmasdan ang malaking restaurant na nasa tapat namin. Konti lang ang tao, hindi umabot ng sampo. Inikot ko ang tingin ko habang nakasunod sa kanya.
Sa unahan, nakita ko ang isang matandang lalaking nakasuot ng puting longsleeve at nakaneck tie. Nakasalampak at may ipinatong na envelope sa lamesa. Agad siyang umupo sa harapan ng mesa, kaya umupo na rin ako. Sino ba naman ako para alalayan niyang umupo?
“Here’s the contract, Doc,” nakangiting sabi nito sabay inabot ang brown envelope.
Binuksan niya agad ang envelope, kinuha ang dokumento, at binasa. Sa totoo lang, ramdam ko ang kaba ko at hindi ako komportable sa pagkakaupo ko sa mga oras na iyon.
“Read it,” utos niya sabay abot ng dokumento.
Napalunok ako ng laway sa binasa kong mga rules. Isa na dito ang bawal magkagusto sa isa’t-isa. Hindi naman siguro posible na magkagusto ako sa kanya. Maliban sa layo ng agwat ng edad namin, wala din sa bokabularyo ko ang magmahal ng lalaki, dahil alam kong masasaktan lang ako. Isa akong bayaran, at madumi ang trabaho na pinasok ko, kaya tanggap ko na ang tadhana ko.
Nagpatuloy pa ako sa pagbabasa at nakalagay dito na kailangan ko lang magpanggap na ina sa harapan ng kanyang mga anak. Kailangan din naming magpanggap na in love sa isa’t-isa sa harapan ng mga bata. Ginagawa ba niya talaga ito para sa mga anak niya? Bakit hindi na lang niya hanapin ang totoong ina ng mga anak niya at makipagbalikan dito upang mabuo ang pamilya nila?
Ngunit gustuhin ko mang pagsabihan siya, nanaig pa rin sa akin ang kagustuhang tanggapin ang kontrata. Para kay Mio na may sakit, at para na rin makapagbagong buhay na.
“Is that clear to you?” tanong niya.
“You should obey all the rules written on that contract, so please pay attention to it,” dagdag pa niya.
“Yes, Sir. Noted,” sagot ko, na medyo nagmamadali.
Agad ko na ngang pinermahan ang kontrata at ganun din siya, saka namin ito ibinigay kay Atty. Cuanco. Nag-sulat si Rabino sa isang cheque at inabot ito kay Atty. Cuanco bago siya nagpaalam at umalis.
Pagkaalis ni Atty. Cuanco, napansin kong nakatitig siya sa akin. Medyo nailang ako at mabilis na umiwas ng tingin.
“Okay na po ba, Sir? Pwede na po ba akong umuwi?” tanong ko sa kanya.
“Yes. But make sure you will wait in front of CST Hospital tomorrow. Someone will pick you up for our rush wedding,” seryosong sagot niya.
“Rush wedding?” nagulat kong tanong.
“Yes, in the Mayor’s office, so be ready. I don’t want you to be late, lalo na’t may mahalaga pa tayong pupuntahan pagkatapos ng kasal,” sagot niya, bago tumayo at naglakad palabas.
Wow. Hindi ba niya ako ihahatid sa hospital? Iiwan niya lang ako basta-basta pagkatapos kong makapirma ng kontrata?
Pero bahala na. Kailangan ko na talagang pumunta sa hospital para icheck ang kalagayan ni Mio.
--
Pagkarating ko sa hospital, agad akong naglakad papasok at sumakay ng elevator papunta sa kwarto ni Mio. Nang makarating na ako sa tapat ng pintuan ng kwarto niya, agad kong binuksan ito. Ngunit labis akong nagulat nang wala na si Mio sa kama.
“Mio?!” kabadong sambit ko.
Agad akong lumabas at nakasalubong ko ang isang nurse na naglalakad patungo sa direksyon ko. Nilapitan ko ito agad.
“Nurse, nasaan po yung kapatid ko? Nasaan po ang pasyente sa room 96?” nagpapanic na tanong ko.
“Hala, hindi pa po ba kayo nainform, Ma’am?” tanong ng nurse na nagpabilis ng tibok ng aking puso.
“A...anong ibig niyo pong sabihin?” nauutal na tanong ko.
“Wala na po ang pasyente...” hindi pa niya natuloy ang sasabihin nang napasigaw na ako.
“Hindi! Sinungaling ka!” bulyaw ko.
Labis na nagulat ang nurse sa naging reaksyon ko, dahil para akong mababaliw sa narinig ko. Ngunit, nagsalita siya ulit ng mahinahon at nakangiti, tinangka akong kalmahin."Ma'am, kumalma po kayo. Ang ibig ko pong sabihin ay wala na po siya sa Room 96 dahil inilipat po siya sa isang VIP room para mas matutukan siya ng mga doktor bago ang operasyon," paliwanag ng nurse.Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Natuwa ako dahil totoo nga ang sinabi ni Sir Rabino—o dapat ko bang tawaging Dr. Rabino—na magiging asawa ko na.Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap, pwedeng magbago ang lahat. Nagkaroon ako ng pag-asa para baguhin ang buhay ko at ng aking kapatid.Agad akong dinala ng nurse sa bagong kwarto ni Mio, at nasurpresa ako sa treatment na ibinibigay nila sa kapatid ko.May nakamonitor sa heartbeat niya at may mga nurse na nagche-check ng electrolytes sa katawan niya. Sobrang nakakatuwa dahil sa wakas, matatapos din ang kanyang pagtitiis sa sakit.Lumapit sa akin si Tiya Vangie at hinaw
Nakita ko kung paano mahigpit na niyakap ni Rabino ang kanyang kambal. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang nakatingin sila sa akin na may kuryosidad.“Daddy, who is she?” tanong ng kanyang anak na lalaki.“Leo, Lea, siya ang mommy ninyo,” nakangiting sagot ni Rabino.Tantiya ko’y nasa apat na taong gulang pa lamang sila. Kita ko ang gulat sa kanilang mga mata, kasabay ng unti-unting paglitaw ng ngiti sa kanilang mga labi.“Mommy!” sigaw ng batang lalaki sabay yakap sa akin.Samantala, ang batang babae naman ay naiyak habang nakatitig sa akin, kaya agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa kamay.“Kayo po ba ang mommy namin?” nanginginig niyang tanong.Napalunok ako at tinibayan ang aking loob upang magpanggap bilang ina ng kambal.“Oo, ako ang mommy ninyo,” pagsisinungaling ko.Ngunit sa loob-loob ko, ramdam ko ang kirot ng konsensya. Kitang-kita ko sa kanilang inosenteng mga mata ang labis na pangungulila sa kanilang tunay na ina—at heto ako, walang-awang nagsisinungaling dahil
"Ginawa? Ano po bang ginawa ng dati niyang asawa?" tanong ko, puno ng pag-uusisa.Napailing si Tiya Vangie bago nagsalita, at hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya."Pinagtaksilan siya ng asawa niya. Pinag-aral niya ito ng ilang taon hanggang sa makapagtapos, ngunit sa huli, nabuntis ito at nanganak. Tinakasan siya, dala ang malaking halaga ng pera mula sa bangko niya. Ang mas masaklap pa, iniwan niya ang kambal nilang sanggol. Nabalitaan na lang niya na sumama ito sa ibang lalaki—matagal na pala siyang niloloko nito," mahabang salaysay ni Tiya Vangie.Natahimik ako, pilit iniintindi ang bigat ng mga sinabi niya. Napakasakit pala ng ginawa ng dating asawa ni Sir Rabino, kaya marahil hindi niya ito magawang balikan.Napatigil ako sa pag-iisip nang muling magsalita si Tiya Vangie. "Age doesn’t matter, hija. Napakasaya ko na malaman na si Sir Rabino pala ang napangasawa mo," aniya, nakangiti."Pero, Tiya, isang kontrata lang po ang kasal namin—kapalit ng kidney transplant ni
Nagkatinginan kami ni Rabino nang marinig ang tanong ng kapatid ko. Parang may bumara sa lalamunan ko at napalunok na lang ako ng laway. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa mga oras na iyon.“I’m Rabino Castillon. I’m your sister’s husband,” mahinahong sabi niya.Ramdam kong nag-init ang buo kong mukha sa narinig ko mula sa kanya. Nakita kong kinilig si Tiya Vangie at gumuhit ang ngiti sa labi nito nang sumulyap ito sa akin.“Husband? May asawa ka na pala, Ate?” di makapaniwalang tanong ni Mio.“Uhmm, pasensya ka na, Mio. Mabilis kasi ang pangyayari at gusto kong mag-focus ka sa pagpapagaling mo kaya hindi ko na nasabi sa’yo na ikinasal na ang ate. Huwag ka sanang magtampo sa akin, ha?” malumanay kong sabi kay Mio.Nakita ko ang pag-guhit ng ngiti sa kanyang labi bago siya bumaling ng tingin kay Rabino. Nahuli ko naman si Rabino na nakatitig sa akin—halatang binabantayan ang sagot ko. Nakakatakot magkamali sa lalaking ito. Ang pagpapanggap na asawa niya ay hindi talaga madali, pero
Napalunok laway ako sa tanong ni Mio at napatingin kay Rabino. Ngunit hindi ko makita ang kahit anong reaksyon sa mukha niya—kalmado lang siyang nakatingin sa akin."Mommy, who is he?" tanong ni Leo."K-Kapatid ko siya, baby," nauutal kong sagot."Manang, pakihatid na lang po sila sa guest room," utos ni Rabino, ngunit mahinahon ang tono ng boses niya.Agad lumapit ang matandang babae at niyaya kami paakyat sa hagdanan. Ngunit pinigilan ako ni Leo na patuloy na kumakapit sa akin."Mommy, let’s play. Lea is looking for you. Come to our room, please," lambing ni Leo."Baby, wait for me there, okay?" malumanay kong sabi."Ihahatid ko lang si Kuya Mio mo sa kwarto niya. Pupuntahan ko kayo ng ate mo sa kwarto niyo, okay?" dagdag ko pa.Sinulyapan ko si Mio at kita sa mukha niya ang pagkalito, ngunit tahimik lang siyang sumunod sa matandang babae na maid. Nagulat kami nang bumukas ang pintuan sa gilid ng hagdanan—isang elevator. Namangha ako dahil sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakita ng
“Let’s have a dinner, love. Leo, come with us,” Mahinahong sabi niya.Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa halik na iyon. Ramdam ko ang lambot ng labi niya na di pa mawala-wala sa pisngi ko. Bakit niya ako hinalikan? At love?Ilang segundo din bago ko narealize na kailangan pala naming magpanggap sa harapan ng mga bata.“Lia?” tawag niya sa akin.Nakita ko ang pagkunot-noo niya nang napatingin ako sa kanya. Nakaramdam naman ako ng hiya sa naging reaksyon ko sa mga oras na iyon.“Y..Yes Love?” nauutal na tugon ko.“Let’s have a dinner. Si Manang Lourdes na ang bahala kay Lea. Siya na din ang magpapakain sa kanya. Her Nurse will be her in the next 30 minutes,” sabi niya.Napatingin naman ako kay Manang Lourdes na nakangiting tumingin sa akin. Alam kong may kahulugan ang ngiti niyang iyon. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at naglakad na palabas ng kwarto.Pagdating namin sa dining area ay agad niyang hinila ang silya at niyaya akong umupo rito. Grabe. Dahan-dahan n
Bigla ko namang nasanggi ang malaking vase na nakalagay sa gilid ng bintana. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at kaba nang makita ko si Rabino na napatingin sa direksyon ko. Kinabahan ako ng sobra, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya.“Lia?!” sabi niya, nakakunot ang noo, at napatingin siya sa vase na nabasag ko.Halos hindi maipinta ang mukha niya sa mga oras na iyon. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko, at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.“S-Sorry, hindi ko sinasadya,” nauutal kong sabi, ang mga kamay ko ay nanginginig.“Do you know how much that is?!” bulyaw niya, ang galit sa boses niya halata. Tumingin siya sa akin ng masama, at ang pagkabigla ko ay nadagdagan ng takot.“Uhmm, magkano ba? Babayaran ko na lang,” natatarantang sagot ko, ngunit ramdam ko ang kabang dumadapo sa aking dibdib.Umiling siya, at kita ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. Napayuko na lamang ako sa hiya, alam kong mali ang ginawa kong pakikinig sa kanya habang may kausap
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Alam ko na isa akong bayaran, at kung sino-sino na lang ang mga lalaking nakakatabi ko sa kama. Ngunit sa mga sandaling iyon, parang sumabog ang tibok ng puso ko habang iniisip na magtatabi kaming matulog sa iisang kama. Iba ang pakiramdam. Unang pagkakataon ko itong maramdaman—ang makaramdam ng pagkailang sa isang lalaki.Hindi pwede. Mali ito. Asawa lang niya ako sa kontrata. Asawa niya ako sa kontrata, kaya lahat ng gagawin ko ay bahagi lamang ng trabaho ko.“Mamayang gabi, I want you to sleep beside me, Lia. No excuses. Do your job,” seryosong sabi niya.“Transfer all your things to our room. I will tell Manang Lourdes to assist you,” dagdag pa niya.Agad siyang tumalikod, hindi man lang inantay ang sagot ko. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo.Dali-dali kong isinara ang pintuan at sumandal dito. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang dibdib ko. Pinapaalalahanan ko ang sarili ko na matapos ang isa
Hindi ko namalayang napangiti na pala ako habang nakatingin sa kanya. Suot niya ang isang puting long sleeves na lalong nagpaangat sa kanyang kagwapuhan. Nakafold pa ito hanggang sa kanyang mga braso kaya kita ang suot niyang relo. Ang perpekto niya.“Kumusta si Lea?” tanong niya sabay lagay ng bouquet sa side table.Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko nang ma-realize kong nag-expect akong para sa akin ang bulaklak. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin kay Lea.“Nag-convulsion siya kanina. Buti na lang naagapan agad ng doktor. Sabi naman ni Dr. Chua, wala na raw dapat ipag-alala,” sabi ko sa kanya.“I think I need to hire a doctor who can watch over her from time to time,” sagot niya.“Pero ‘di ba mas mahal iyon?” tanong ko.“Yeah, but money is just money. Mas mahal ko ang anak ko,” sagot niya.Hindi ko maiwasang humanga sa kanya dahil sa lalim ng pagmamahal niya sa kanyang mga anak. Sa akin pa lang, gumastos na siya ng milyon-milyon para lang magkaroon sila ng ina. Napangiti ako
“Mommy, call the doctor now, please!”sigaw ni Leo, nanginginig ang boses niya.Nanginginig ang buong katawan ni Lea at ako'y sobra nang nataranta, hindi ko alam ang gagawin. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan, sabay sigaw kay Manang Lourdes upang humingi ng tulong.“Manang! Manang! Tawagan niyo po ang doctor!” sigaw ko.Dali-daling lumapit si Manang sa akin at nagtanong ng taranta, “Ano bang nangyari?”“Nagconvulsion si Lia, Manang! Please tawagan niyo na ang doctor!” sigaw ko, puno ng takot.Tamang-tama, narinig ko ang doorbell. Agad ko itong binuksan, at bumungad sa akin ang isang lalaki at isang babae. Kilala ko ang babae—siya ang nurse ni Lia. Pero ang lalaki, ngayon ko lang siya nakita.“Dr. Chua, si Lea po nagconvulsion!” tarantang sabi ni Manang Lourdes.Napatingin ako kay Manang at agad binaling ang tingin ko sa lalaki. Tumakbo siya paakyat ng hagdanan patungo sa kwarto ni Lea. Siya pala ang doktor ni Lea, kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.Pagdating
Ilang segundo bago naproseso sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya, dahil una sa lahat, hindi ako yung babaeng maipagmamalaki niya sa lahat bilang kanyang asawa. Ikalawa, nagpapanggap lang kami sa harapan ng dalawang bata, kaya hindi na niya dapat ako ipakilala pa sa iba.“Seryoso? Kailangan ko ba talagang pumunta diyan?” tanong ko, medyo naguguluhan.“Yes, and just do what I said. Roland will be here tomorrow for your makeover and whole preparation for tomorrow night. I have to go now, love,” sabi niya sabay halik sa pisngi ko.“Leo, take care of your sister, okay? I love you, baby,” sabi niya sabay halik kay Leo.Pagkaalis niya, umakyat din si Leo patungo sa kwarto at agad kong niligpit ang pinagkainan namin, tapos hinugasan ko na din ang mga pinggan na ginamit namin para gumaan naman ang trabaho ni Manang Lourdes.Sa totoo lang, naaawa ako sa kanya dahil siya lang mag-isa ang maid dito sa napakalaking mansion at may edad na din siya. Napais