Bigla siyang napatitig sa gwapong mukha nito at pagkatapos ay napabulong sa kaniyang isip. ‘Walang iba kundi ikaw iyon Lucas. Sampung taon na kitang minamahal.’
Matinding kirot ang naramdaman ni Annie sa kaniyang puso ng mga oras na iyon. Napakuyom siya ng kaniyang mga kamay at sumagot ng mahinahon. “Hindi na mahalagang malaman mo pa kung sino siya dahil mayroon na siyang ibang mahal at balak na magpakasal muli.”
…
BAHAGYANG kumunot ang noo ni Lucas nang marinig niya ang sagot ni Annie. “Magpakasal muli? Nag- asawa na siya?” gulat na tanong niya sa naging sagot nito. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay hindi niya mapapantayan ang lalaking iyon na may asawa na sa puso nito.
Bahagya itong tumango. “Napilitan siya sa pagpapakasal sa babaeng pinakasalan niya dahil sa pamilya niya na pakasalan ang isang taong hindi naman niya mahal. Ngayon ay bumalik na ang babaeng totoong minahal nito at malapit na silang ikasal.” sagot nito.
Nang marinig niya ang sinabi nito ay hindi niya maiwasan ang hindi magalit sa lalaking tinutukoy nito.
“Pwes isa siyang basura. Dalawang babae ang sinaktan niya at niloko sa iisang pagkakataon.” galit na saad niya at pagkatapos ay napabuntung- hininga. “Ang mga lalaking katulad ng ganun ay hindi mo dapat nagugustuhan, kung may pagpipilian ka naman ay maghanap ka ng iba yung mas magiging masaya hindi katulad ng isang iyon.” pagalit na saad niya rito.
“Alam ko.” sagot nito.
Natahimik siya. Sampung taon na niya itong nagugustuhan at halos buong kabataan na nito iyon, napakahabang taon na ang sampung taon at alam niya na mahirap na itong mabago pa. Alam niya na kung may pwede lang pumalit sa taong iyon pagkatapos ng mahabang panahon na iyon ay malamang sa malamang ay ginawa na sana nito.
Ang pag- ibig na sobrang lumalim na ay mahirap ng kalimutan at alam niyang hindi iyon basta- basta na lamang nawawala kahit na lumipas ang maraming taon dahil mananatili lamang itong naroon.
…
‘LUCAS alam mo ba sampung taon na kitang mahal? Ang taong sinasabi ko ay ikaw. Ikaw at wala ng iba pa.’ naikuyom ni Annie ang kaniyang kamay at sinabi iyon sa kaniyang isip.
Nakita niya na nagsalubong ang kilay ni Lucas tumingin ito sa kaniya at tila ba may iniisip.
“Annie…” biglang tawag nito sa kaniya.
“Hmm?” sagot niya rito.
“WALA.” umiling siya bilang sagot rito.
Bigla siyang napaisip na tila ba pakiramdam niya ay siya ang tintukoy ni Annie sa sinasabi nito ngunit iwinaksi na lamang niya iyon sa kaniyang isip. Napakaimposible na siya ang tinutukoy nito na lalaking mahal nito. Naaalala niya na noong ikakasal pa lamang siya ay sinabi sa kaniya nito na walong taon na niyang gusto ang taong iyon pero noong panahong iyon ay apat na taon pa lang silang magkakilala kaya sigurado siya na hindi siya iyon. Ibang tao ito.
…
Pagkaalis ni Lucas ay mabilis siyang bumaba sa kusina upang hanapin sa basurahan ang itinapon niya kanina na ultrasound picture. Mabilis niya rin namang nahanap ito at pagkatapos ay pinakinis ito sa ibabaw ng mesa upang itago niya ulit.
Pagkatapos niyang maayos ito ay bigla na lamang sumama ang pakiramdam niya at tila nahihirapan siyang huminga. Baka pagod lang ako, sabi niya sa kanyang isip kaya naisipan niyang pumunta sa sala upang magpahinga. Kaagad siyang nahiga sa sofa at hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Hanggang sa bigla na lamang nag- ring ang kanyang cellphone na dahilan ng pagkagising niya. Agad niyang sinagot ang tawag.
“Hmm…” sagot niya dahil hindi pa rin siya lubusang gising at namumungay pa rin ang kaniyang mga mata.
“Natutulog ka pa rin?” bumungad sa kaniya ang tinig ni Lucas na napaka- banayad na katulad pa rin ng dati.
“Kakagising ko lang.” sagot niya rito.
“Malapit ng magtanghali tandaan mo, bumangon ka na at kumain. Naibigay ko na pala kay Kian ang regalo ko at ihahatid niya ito mamaya.” sabi nito.
Agad na napakunot ang noo niya ng marinig niya ang sinabi nito. “Regalo? Anong regalo?” wala sa sariling tanong niya rito.
“Regalo para sa ikalawang anibersaryo ng kasal natin. Hindi naman porke’t nag- file ako ng divorce kaninang umaga at hindi pa naman ito natatapos kaya kinikilala pa rin kita bilang asawa ko at alam ko pa rin naman ang mga obligasyon ko sayo. Kung mayroon kang gusto pa ay sabihin mo lang sa akin.” sabi nito.
Napabuntung- hininga siya dahil sa sinabi nito. Bakit ba kasi ito ganito, napaka- maalalahanin ito at napaka- perpekto, wala man lang siyang makitang mali rito. Ang mali lang ay hindi siya nito nagawang mahalin.
Nahila siya mula sa kaniyang pag- iisip nang marinig niyang muli ang tinig ni Lucas.
“Gusto kong humingi sayo ng pasensiya dahil nagkaroon ng kaunting problema sa regalo kaya binigyan kita ng isa pa.” sabi nito.
“Okay. salamat.” simpleng sagot niya rito at hindi niya alam ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Bigla niya tuloy naalala na noong nakaraang buwan ay pumunta sila sa isang jewerly auction kasama ito. May isang pares ng jasper na hikaw sa auction na tumugma sa jade na bracelet na ibinigay ng lolo nito sa kaniya noo. Emerald green ang mga ito, magaganda sa kaniyang paningin at hindi niya maitago na nagustuhan niya ang mga iyon sa unang tingin pa lamang niya.
Hindi niya alam na naka- plaster pala sa buong mukha niya ang pagkamangha niya sa mga iyon kaya biglang sinabi sa kaniya ni Lucas na, “kung gusto mo ay ikukuha kita ng katulad ng mga iyon.” sabi nito.
Napailing siya. “Huwag na. Masyadong mahal ang mga iyon.”
Sa kabila ng pagiging kasal nila kahit na may kasunduan sila ay nahihiya pa rin siyang gumastos ng malaking pera lalo na at pera iyon ni Lucas na kung tutuusin ay hindi niya naman pinagpaguran.
“It will be our second anniversary soon, kaya isipin mo na lang na regalo ko iyon sa iyo at kung nahihiya ka na tanggapin iyon bakit hindi mo na lang ako bigyan ng regalo bilang kapalit.” nakangiting sabi nito sa kaniya at sa hindi inaasahan ay nagkaroon nga siya ng ireregalo sana rito.
Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ang inihanda niyang regalo sana niyang inihanda rito ay nasira dahil lang sa pagbanggit nito ng diborsyo. Hindi niya tuloy maiwasan na tila ba nararamdaman ng Diyos na walang mangyayari sa kanilang dalawa at iyon na ang tamang oras para maghiwalay sila.
Ilang sandali pa nga pagkatapos nilang mag- usap ni Lucas sa telepono ay kaagad na dumating sa kanilang bahay si Kian. Agad nitong inabot sa kaniya ang regalong sinabi nito kaninang magkausap sila sa telepono.Regalo? Muli niyang naitanong sa kaniyang isip habang nakatitig sa hawak niya. Naghanda siya ng isang regalo niya na ilang araw niyang pinag- isipan kaya nga lang ang nakakalungkot ay hindi nito ito gusto. Aalis na sana si Kian pagkatapos na pagkatapos nitong maibigay sa kaniya ang regalo ni Lucas nang pigilan niya ito.Hinila niya ito hanggang sa kusina at pagkatapos ay binuksan niya ang ref at maingat na inilabas doon ang cake.“Ako mismo ang gumawa nitong cake at gutso kong tulungan mo ako at dalhin natin ito sa kaniya.” sabi niya kay Kian na bahagyang natigilan dahil sa sinabi niya.…Biglang naalala ni Kian ang mga salita na sinabi sa kaniya kanina ng kaniyang boss na si Lucas.“Kung sabihin niya na dalhan mo ako ng cake ay tumanggi ka.” bilin nito sa kaniya kanina.Napatin
“Ingatan mo ang sarili mo…” sabi ni Lucas sa kaniya at bago nito tuluyang ibaba ang telepono.“Sige salamat.” sagot niya rito kahit na hindi niya alam kung narinig ba siya nito.Kahit na mahina lamang ang tinig ni Trisha sa background ay rinig na rinig niya ang binanggit nitong candlelight dinner. Sa kanilang ikalawang anibersaryo ay nakipag- candlelight dinner ito sa iba. Napakasaklap ng kalagayan niya kung tutuusin dahil totoo ngang nagbalik na ang babaeng minahal nito kahit na napakahirap niyang paniwalaan ang bagay na iyon pero iyon ang totoo.At ang katotohang iyon ang sumampal at gumising sa kaniya sa ginawa niyang pantasya niya. Wala na siyang kailangang sabihin pa dahil sa loob ng dalawang taon ay wala pa rin siyang panama kay Trisha. Bakit nga ba kasi iniisip niya na pipiliin siya ni Lucas? Kapag ba sinabi niya rito na buntis siya?Bigla siyang nakaramdam ng tuwa dahil sa hindi niya sinabi rito ang tungkol sa pagbubuntis niya kung hindi ay pinahiya niya siguro ang sarili niya
Nagtatakang napatingin sa kaniya si Annie. Naguguluhan. “Naaalala ko pa noong pinakasalan ko siya ay ikaw ang unang- unang tumutol sa kasal namin pero ngayong nalaman mong naghiwalay kami ay nagagalit ka pa. Hindi ba dapat ay ikaw ang unang maging masaya dahil tuluyan na kaming maghihiwalay?” tanong niya rito.“Noon iyon, iba na ngayon. Noong una aaminin ko na hindi talaga kita gusto noon para kay Lucas pero noong makilala kita ay nag- iba ang pagtingin ko sayo. Isa pa ay kasal na kayo, ang kasal ay dapat ninyong pahalagahan dahil hindi naman isang laro ang pagpapakasal. At isa pa…” ibinitin nito ang sinasabi at nagpatuloy, “Mas bagay ka pa rin naman para kay Lucas kaysa sa Trisha na iyon.” makahulugang sabi nito sa kaniya bago siya nito tinalikuran. Hindi na niya nagawang magsalita pa o ni sumagot man lang rito.Naipilig na lamang niya ang kanyang ulo at mabilis na tumalikod din doon upang tawagin na lamang niya ang driver. Kailangan na niyang maiuwi ang kanyang asawa. Mabilis niya
Mabilis na bumangon si Lucas nang marinig niya ang sinabi nito at agad na kinuha mula sa kaniya ang cellphone. Umalis ito sa kama at pagkatapos ay lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina. Nanatili siyang nakahiga sa kama at pinanuod lamang ito. Ilang minuto itong nakipag- usap kay Trisha at medyo malayo si Lucas sa kanya kaya hindi niya marinig ang pinag- uusapan ng mga ito.Tanging ang ekspresyon lamang nito ang kanyang nakikita. Pagkatapos nitong tapusin ang tawag ay lumapit sa kaniya si Lucas. Tiningnan niya ito na nakataas ang kilay.“Hindi ko sinasadyang masagot ang tawag ni Trisha. Hindi ba siya nagalit?” tanong niya rito.“Hindi naman. Ipinaliwanag ko sa kaniya kung bakit,” huminto ito at pagkatapos ay sumulyap sa kaniya. “At sinabi ko na mag- asawa tayo kaya normal lang na sa iisang kama tayo matulog.” sabi nito.“Yeah.” sarkistong sagot
“Doc, ano kasi buntis ako. Safe ba na inumin ko ang mga gamot na ibibigay mo sa akin?” napakunot ang noong tanong nito at muling tumayo. “Papalitan ko itong gamot at sa halip na inumin mo ay bibigyan na lang kita ng pangpahid.” sabi nito at muling naglakad paalis sa harap niya.“Pasensiya na po.” tanging nasabi na lamang niya.Pagkaalis ng doktor ay iyon naman ang eksaktong pagpasok sa loob ni Lucas. Bakas sa mukha nito ang galit kaya napalunok na lamang siya. Malamig na tumingin ito sa kaniya.“Marunong kana palang magsinungaling ngayon Annie.” malamig na sabi nito sa kaniya.Alam na niya kaagad kung ano ang tinutukoy nito. Ang pagsisinungaling niya tungkol sa pag- inom niya ng gamot.Mabilis siyang nag- iwas ng tingin rito at napayiko dahil alam niya na mali talaga siya. “Pasensiya na hindi ko intensiyon na magsinungaling sa
“Kailan kapa natutong magpa-cute—” hindi pa natatapos magsalita si Lucas nang bigla na lamang silang nauntog pareho dahil sa biglaang pagpreno ng kanilang driver.Mabuti na lamang sa dibdib siya ni Lucas napasubsob dahil kung hindi ay baka nagkabukol na siya ng wala sa oras.“Pasensiya na po Sir hindi ko po sinasadya.” paghingi ng tawad ng driver kay Lucas.Wala naman itong nagawa kundi ang mapabuntung hininga na lamang. “Mag-ingat ka sa pagmamaneho.” tanging sabi na lamang nito. Ilang sandali pa ay lumayo siya mula kay Lucas at umayos ng upo.“Kailan ka pa natutong magpa-cute ng ganuon?” muling tanong nito sa kaniya na ikinakibit balikat niya lamang.“Ikaw ang nagsabi sa akin na pakiusapan ka diba?” saad niya na gamit muli ang malambing niyang tinig at pagkatapos ay napangisi.Sa loob ng
Pagkaalis ni Lucas ay mabilis din naman sinenyasahan ni Trisha ang kasama nitong babae na si Lucy na iwan muna sila sandali. Naiwan silang dalawa na magkaharap. Akmang magsasalita na sana si Annie nang maunahan siya ni Trisha sa pagsasalita.“Ganun talaga si Lucas kapag ako na ang pinag-uusapan handa siyang gawin kahit ano para sa akin.” sabi nito na may halo pang pagmamayabang ang tinig.“Nakita mo naman na sinabi ko ng si Lucy na lang ang kukuha ngunit hindi siya pumayag.” dagdag nito at kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya sanang marinig ang mga sinasabi nito at mga susunod na sasabihin pa nito dahil ayaw niyang marinig pa mula rito kung paano ito mahalagahan ni Lucas.Bigla niyang naalala ang mga mahahalagang araw sa kanila bilang mag-asawa. Hindi nga nakakalimutan ni Lucas ang kahit na anumang okasyon sa buhay nila ngunit laging si Kia lamang ang gumagawa ng paraan sa lahat, ang pumipili
“Oo.” sagot niya dahil magiging asawa naman na niya ang lalaking sinasabi niya na nagugustuhan niya sa matagal na panahon.Pero ngayon ay tila siya nagising sa kanyang panaginip. Kung nagsasabi man ito ng totoo ibig sabihin lang ay una pa lang ay nagsinungaling na sa kaniya si Lucas. Tatlong taon? Napakuyom ang kanyang mga kamay. Gusto niyang matawa dahil sa ginawa niya.Isa lang siyang panakip butas. Halos maiyak pa siya noon sa labis na tuwa dahil tuluyan ng tinanggap ni Lucas na kalimutan na si Trisha at gusto nitong magsimula ng bagong buhay kasama siya ngunit isa lang pala iyong palabas. Napakatanga niya talaga.“You are so naive Annie.” sabi ni Trisha at napailing. “Paano ka niya pakakasalan kung ako ang mahal niya? Isa pa ay alam mo ba kung bakit ka niya binigyan ng kasunduan na magsasama kayo ng tatlong taon pagkatapos ay mag-file ng divorce? Dahil para magkasama kaming
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka