Share

Chapter 0002

Makalipas ang kinse minutos ay lumabas na ng banyo si Pierce na nakatapis lamang ng twalya sa ibabang bahagi ng katawan niya at ang kanyang malawak na balikat ay nakalantad kung saan ay puno ng sekswal na tensyon. Lumapit siya sa kama at dali-daling iniangat ang kumot at doon niya napagtanto na wala nang lamang ang higaan at kaunting mantsa na lamang ng dugo ang naiwan sa bedsheet.

Hindi napigilan ni Pierce na sumimangot at pagkatapos ay dali-daling tumawag sa kanyang assistant na si Liam. pagkasagot na pagkasagot pa lamang nito ng kanyang tawag ay agad na itong nagsalita. “Sir, nalaman namin na ang mga tao pala ni Blake ay may ginawa kagabi.” sabi nito sa kaniya.

Sa kasalukuyan, siya ang pinakasikat na tagapagmana ng kanilang pamilya at ang pamilya nila ay kilala ng lahat dahil sila ang pinakamayaman sa lungsod na iyon. Ang lakas naman ng loob nito na kalabanin siya. Tumaas ang sulok ng labi niya at pagkatapos ay nagsalita. “Bago magdilim ay gusto kong makita ang pagkalugi ng taong iyon.” malamig na sabi niya rito.

“Okay po sir.” mabilis naman itong sumagot sa kaniya at pagkatapos ay pinatay na niya ang tawag at nag-umpisa na siyang magbihis. Nang nasa huling butones na siya ng kanyang polo ay bigla siyang napasulyap sa kulay pulang mantsa sa kama at bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkairita kaya dali-dali niyang muling dinampot ang kanyang cellphone upang tawagan muli si Liam.

“Gusto ko rin na imbestigahan mo kung sino yung babaeng pumasok sa kwarto ko kagabi.” sabi niya rito.

Saglit naman na natigilan si Liam nang marinig niya ang sinabi ng kanyang amo dahil hindi niya inaasahan na sa higpit ng pagbabantay nila ay may nakalusot pa rin pala kagabi. Agad siyang tumugon rito. “Sige po sir, mayroon pa po ba kayong ibang utos?” tanon niya rito.

Malamig na sumagot si Pierce rito. “Gusto kong kontakin mo ang babaeng ipinakasal sa akin ni lola at gusto kong ihanda mo ang mga kailangan para sa paghihiwalay namin.” sabi niya rito.

~~~

Pagkababa ni Serene ng bus ay agad siyang bumili ng pills sa botika. Alam niya na malapit na silang maghiwalay at natatakot siya na baka mabuo pa ang namagitan sa kanilang dalawa kagabi lalo pa at napakabata pa niya at ni hindi pa siya nakakapagtapos ng kolehiyo.

Ilang sandali pa ay dali-dali na siyang umuwi sa bahay nila at naligo. Habang nasa banyo ay nakita niya ang kanyang mukha at ang mga pulang marka sa ibat-ibang bahagi ng katawan niya. Bigla tuloy siyang nahiya at hindi na siya naglakas pa ng loob na tingnan pa ang mga ito. Sa totoo lang ay hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend noon at hindi niya akalain na ganun pala kasakit sa unang pagkakataon. Pakiramdam niya ay napunit ang bahaging iyon ng katawan niya, nang maalala na naman niya iyon ay bigla na naman niyang naramdaman ang takot. Ilang sandali pa ay natapos na siyang maligo, pagkatapos ay bigla na lamang siyang nakatulog.

Sa kalagitnaan ng gabi ay bigla na lamang sumakit ang ibabang bahagi ng tiyan ni Serene at mas tumitindi pa ang sakita habang tumatagal. Dahil doon ay wala na siyang nagawa pa kundi ang pumunta na sa ospital. Ilang sandali pa ay nahiga na siya sa kama at doon na sinipat ng doktor ang pagkababae niya. Nataon pa naman na lalaki ang doktor kaya hiyang-hiya siya. “First time?” tanong nito sa kaniya. Dahil sa tanong nito ay agad na namula ang kanyang mukha at pagkatapos ay walang magawa kundi ang tumango.

“Pumutok ang copus luteum, mabuti na lang at walang masyadong dugo. Kailangan mo lang uminom ng mga gamot at gagaling din ito kaagad. Idagdag pa ay baka malapit ka na ring datnan.” sabi nito sa kaniya. Mariin naman niyang ipinikit ang kanyang mga mata at hindi nangahas na tingnan ang doktor dahil sa matinding hiya. Ilang sandali pa ay napatingin sa kaniya ang doktor. “Ineng, ilang taon ka na ba? May consent ka ba noong gawin ito sayo? Kung wala ay baka kailangan nating tumawag ng police para sa mga susunod pa nating gagawing procedures.” biglang sabi nito sa kaniya.

Ang dahilan kung bakit nito sinabi ang mga bagay na iyon ay mukhang napakabata pa ng pasyente niya. Napakaliit din ng mukha nito na kasing laki lang yata ng palad niya at namamaga din ang mga mata nito na para bang kanina pa ito nag-uumiyak.

Dahil sa tanong ng doktor ay magkahalong gulat at takot ang naramdaman niya ng mga oras na iyon. “May, may asawa na po ako at, at siya ang…” nauutal na sagot niya at ni hindi na niya kayang tapusin pa ang kanyang sinasabi sa labis na hiya niya.

Nang marinig naman ito ng doktor ay agad itong napakunot ang noo at handa na sanang ibuka ang bibig nang bigla na lamang may pumasok na nurse. “Dok, may emergency sa bed #3.” sabi ng nurse. Dahil doon ay agad na tumayo ang lalaki at lumabas ng silid.

Dahil doon ay nakahinga ng maluwag si Serene at mabuti na lamang ay nakapaglabas na ito ng gamot ng mga oras na iyon kaya dali-dali na niya iyong kinuha at nagmamadaling lumabas ng ospital. Pagkagaling niya sa ospital ay agad siyang umuwi upang makainom na ng gamot. Ngunit sa kabila nun ay hindi pa rin nawawala ang sakita kaya nagpahinga pa siya ng isang araw at natulog lang siya maghapon. 

Nang bandang alas singko ng hapon ay nagulat siya nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula sa kanyang ama. “Anak, binugbog ang nanay mo habang naglilinis ng cr sa hotel. Halika rito dali.” sabi nito sa kaniya at pinatay na ang tawag.

Dahil doon ay kinabahan siya kaagad at nagmamadaling nagbihis at nagpunta sa hotel.

~~~

Sa harap ng hotel, nakasuot ng tailored suit si Pierce at lumabas mula sa Rolls-Royce ang kanyang payat at tuwid na pigura at pagkatapos ay napatingin siya sa kanyang paligid. Nakasunod sa kaniya si Liam kung saan ay hawak-hawak na nito ang divorce agreement. “Sir, ang sabi ninyo ay gusto pa ninyong magdagdag ng isa pang property hindi ba? Pinili ko ang isang malaking lupa na malapit sa dagat para sa binibini. Malapit din ito sa lungsod at may maayos na mga daan. Sa tingin niyo sir okay lang po ba?” tanong nito sa kaniya habang naglalakad.

Sa katunayan, isang beses pa lang din na nakita ni Liam si Serene nang araw na ikasal ang mga ito ngunit ang kanyang memorya ay mas matalas kaysa sa karaniwan kaya kahit na papano ay medyo natatandaan pa niya ang mukha nito.

“Oo.” mabilis na sagot ni Pierce rito. Bagamat ang kasal na namagitan sa kanila ay sa papel lamang, ang babaeng iyon ay naging malapit sa kanyang lola. Isa pa, ang babaeng nakasama niya sa silid niya ay pinanghihinayangan niya dahil ni hindi niya man lang ito nakilala.

Upang pumayag lang ito na makipaghiwalay sa kaniya ay handa siyang bigyan ito ng maraming ari-arian at malaking halaga. Isa pa, wala lang naman sa kaniya ang mga perang ibibigay niya rito dahil hindi niya naman ito ikahihirap. Bigla niyang naalala ang kanyang lola, tiyak na kapag nalaman nito iyon ay hindi ito papayag. Nilingon niya si Liam. “huwag mo munang ipaalam kay lola.” sabi niya rito.

“Masusunod sir.” sagot naman nito kaagad. Ilang sandali pa ay nauna na ito sa kanyang naglakad nang bigla na lamang itong huminto.

“Anong problema?” tanong niya rito.

“Sir, nandito ngayon ang binibini. Ayun po siya.” turo nito sa harapan nila kung saan ay agad niya naman itong sinundan ng tingin.

May isang babae sa harapan nila na nakasuot ng simpleng t-shirt at jeans at kasing laki lang ng palad niya ang mukha nito at may balingkinitang beywang. Sa totoo lang ay ito ang unang pagkakataon na nakita niya ng malinaw ang mukha nito. Noong araw na ikasal silang dalawa ay ni hindi niya ito tinapunan ng tingin kahit na isang sulyap man lang kahit na ilang beses siyang pinilit ng kanyang lola na lapitan ito. Sa pagtingin rito ay parang naramdaman niyang tila ba pamilyar ito sa kaniya na hindi niya maipaliwanag. Pero sigurado siya na hindi niya pa nakita ito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myrna Adagio
nothing ..i think ok nmn
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status