Nang makarating si Serene sa hotel ay nagdire-diretso siya sa elevator.
Nang mga oras na iyon ay hindi nagsalita si Liam at nakamasid lamang sa binibini. Ang Solace International ay ang pinaka-upscale club sa lungsod at malinaw na hindi iyon isang lugar para sa isang ordinaryong kolehiyala.
Nag-iwas naman ng tingin si Pierce at nagpatuloy sa kanyang paglalakad na parang wala siyang nakita. Wala siyang pakialam kung bakit lumitaw doon ang babae.
Samantala, habang paakyat si Serene sa taas ay pababa naman ang dalawang waiter na may misteryosong tingin sa kaniya. Nang sumara ang elevator ay nagsalita ang isa. Tulak-tulak nito ang isang maliit na cart na natatakpan ng isang piraso ng itim na tela. “Talagang ang bongga mag-tip ni sir Reid sa tuwing may special request siya ano.” sabi nito sa kasama.
Galit naman na nilingon ng kasama nito ang nagsalita. “Itikom mo yang bibig mo. hindi natin dapat pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.” sita nito sa kaniya.
Sa halip na tumigil ito ay muli na naman itong nagsalita. “Nakita mo ba iyong babaeng nakasalubong natin? Mukha napakabata pa niya at napaka-inosente. Hindi ko alam kung kakayanin niya ang katulad ni sir Reid dami na nang dinala niyang babae dito na pinaglaruan.” sabi nito. “Nakita mo ba kung gaano siya kabalisa? Ang mga estudyante talaga ngayon ay mukha lang na mga inosente pero ang totoo ay ginagamit na rin nila ang mga katawan nila para maghanap buhay.” dagdag pa nito at pagkatapos ay napailing bago silang naghiwalay na dalawa ng kasama nitong isa ring waiter.
Naiwan namang nakatayo lang doon si Liam at pagkatapos ay dali-daling sumunod sa kanyang amo. “Sir, gusto niyo bang malaman kung ano ang sitwasyon ngayon ng binibini?” tanong niya rito.
Bigla namang napaisip si Pierce ng wala sa oras nang marinig niya ang sinabi ni Liam. noong una, dahil nga ang lola niya ang nagdala sa babaeng iyon doon ay hindi niya ito pina-imbestigahan lalo na ang background nito. Nang maisip niya na baka isang sinungaling at manggagamit ang babae ay biglang nandilim ang kanyang mukha. Baka mamaya ay binabalak na pala ito ay wala pa siyang kaalam-alam.
“I-check mo ang background niya hanggang sa kaliit-liitang detalye ng pagkatao niya.” malamig na sabi niya rito.
“Opo sir.” sagot naman nito.
MAY ISINEND na sa kaniya ang kanyang ama na room number at nasa itaas iyon. Out of service ang cellphone ng kanyang ina kaya dali-dali siyang pumunta doon na labis ang pag-aalala. Pagkahawak niya ng pinto at pinihit iyon ay dali-daling nag-click ito kaya agad niyang itinulak ang pinto at pumasok sa loob, pagkasara ng pinto ay nagulat siya nang muli itong mag-click at mukhang nag-lock ang pinto mula sa labas.
“Baby nandito ka na pala.” isang malambing na tinig ang nagmula sa loob ng silid.
Napangiwi si Serene nang marinig niya ito at biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Nang umikot siya ay agad niyang nakita ang lalaki, kasabay nito ay napakunot siya ng kanyang noo. “Ikaw? Bakit ka nandito?” tanong niya.
Ang lalaki ay nakasuot ng hawaiian-style na floral shirt at ang lalaki ay walang iba kundi si Reid Madrigal. Ang lalaking ito ay isa sa pinaka mayaman na nag-aaral sa pinapasukan niya. Nasa ibang department ito ngunit minsan na niya itong na-encounter dahil sa isang event. Dahil rito ay bigla siyang hindi napalagay at napaatras siya sa pinto.
“O, bakit ka umaatras?” tanong nito sa kaniya.
“Anong binabalak mong gawin?” kinakabahang tanong niya rito.
Tumaas ang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kaniya. “Hindi mo ba alam na ibinenta ka sa akin ng tatay mo? Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin ko sayo?” tanong nito sa kaniya at pagkataposa y naglakad palapit sa kaniya kung saan ay bigla na lamang siya nitong hinawakan sa kamay at kinaladkad siya nito papunta sa sofa.
Agad na namutla ang mukha ni Serene ng marinig niya ang sinabi nito. “Kalokohan ang sinasabi mo.” sabi niya rito at pilit na tinatanggal ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Dahil rito ay mabilis na inilabas nito ang cellphone at pagkatapos ay ipinakita sa kaniya ang patunay na nagsend nga ito sa kanyang ama.
“Si Felipe Hidalgo ang pangalan ng iyong ama hindi ba?” tanong nito habang ipinapakita nito sa kaniya ang screenshot sa cellphone nito.
Habang tinitingnan iyon ni Serene ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Sa halagang isang daang libong piso ay ibinenta siya ng kanyang ama sa lalaking ito?
Nang makita naman ni Reid ang kaawa-awa nitong itsura ay bigla siyang hindi naging komportable kaya mabilis niya itong inakbayan. “Kung hindi mo sana ako iniwasan, hindi sana tayo hahantong sa ganito. Masyado ka kasing pakipot.” sabi niya rito at napangisi. Sa totoo lang nang makita niya ito sa unang pagkakataon ay hindi siya nakatulog sa buong magdamag. Naging pantasya niya ito ay nangako siya sa sarili niya na makakatabi niya rin ang babae isang araw at ngayon na nga ang araw na iyon sa wakas.
“Baby, ang maliit na perang iyon ay wala lang sa akin. Kapag napasaya mo ako ngayong gabi ay handa pa kitang bigyan ng higit pa doon.” anas nito at bigla na lamang siyang hinawakan sa mukha at gustong halikan siya.
Dahil rito ay pilit na nagpumiglas si Serene at itinikom niya ng mahigpit ang kanyang bibig at iniiwas ang kanyang mukha sa labis na pandidiri. Dahil sa ginawa niya ay lubha itong nainis at biglang nandilim ang mga mata. Hinawakan nito ang kanyang buhok at bigla na lamang siya nitong iniuntog sa coffee table na nasa harap nila.
Malakas na tumaa ang ulo ni Serene sa sulok ng coffee table. Bigla siyang napadaing sa sakit ng wala sa oras dahil sa ginawa nito. Dahil sa sakit ng ulo niya ay tila ba bigla siyang nawalan ng lakas.
“Bitch! Huwag mo akong inisin ngayon dahil wala akong balak na maglaro ngayon!” galit na galit na sabi nito.
Hawak-hawak pa rin ito hanggang sa mga oras na iyon ang kanyang buhok at ang isang kamay naman nito ay ginagamit nito upang buksan ang pantalon nito. “Dahil masyado kang pakipot ay tuturuan kita ng leksiyon.” sabi nito sa kaniya.
Nang mga oras na iyon ay nahihilo pa rin si Serene ngunit nang makita niya ang kamay ni Reid na pilit na binubuksan ang suot nitong pantalon ay bigla siyang sumigaw. “May asawa na ako! Kung maglalakas ka ng loob na hawakan ako ay hinding-hindi ka niya sasantuhin!” sigaw niya rito na puno ng desperasyon.
Nang maring naman ito ni Reid ay bigla siyang natawa ng malakas. “Nagbibiro ka ba ha? Anong akala mo sa akin madaling matakot? Dito sa lungsod na ito, sino sa tingin mo ang mangangahas na saktan ako?” nakataas ang sulok ng labi niyang tanong rito at punong-puno ng pagmamayabang ang tinig. Malakas ang loob niyang sabihin iyon dahil alam niya na totoo naman iyon. Sa laki ng impluwensiya ng pamilya nila ay walang mangangahas na saktan siya.
Biglang namutla ang mukha ni Serene nang marinig niya ang sinabi nito sa kaniya. Minsan na niyang narinig ang background ng pinagmulang pamilya nito at alam niyang napakama-impluwensiya rin kung kayat hindi kayang takutin ng mga ordinaryong tao. Nang makita malapit-lapit na nitong mabuksan ang pantalon nito ay doon na siya hindi nagdalawang isip na muling magsalita. “Si Pierce Smith ang asawa ko!” sigaw niya rito.
Nang marinig ito ni Reid ay bigla siyang natigilan. Sa lungsod na iyon, si Pierce Smith ay kilala ng lahat. Ang kalupitan at determinasyon nito sa paggawa ng mga bagay-bagay ay nagpasndak sa karamihan ng mga katunggali nito sa negosyo bagamat bata pa ito ay kapag narinig na ang pangalan nito, lahat ay kakabahan. “Anong sabi mo? Si Pierce Smith ng Smith’s Group?” tanong nito sa kaniya.
“Oo, siya nga!” sagot niya rito at dahan-dahang umayos ng upo. Biglang natahimik ito ng ilang segundo hanggang sa bigla na lamang itong natawa ng malakas. Tumawa ito ng tumawa na para bang isang baliw.
“Ang lakas ng loob mo na sabihin na asawa mo si Pierce Smith, nakakatawa ka. Yung totoo naka-high ka ba? O nananaginip ka? O baka naman iyon ang pangarap mo?” natatawa pa rin nitong tanong sa kaniya.
Napailing si Reid habang nakatawa. Kahit na bugbugin siya ngayon ay hindi siya maniniwala sa sinasabi ng babaeng ito. Isang kahangalan iyon. Muli niyang hinawakan ang buhok nito at pagkatapos ay sinimulan niyang tanggalin ang pagkakabutones naman ng pantalon nito.
Hindi niya matanggal iyon ng minsanan dahil nagpupumiglas ito. Ilang sandali pa ay bigla na lamang nahulog mula sa bulsa ng pantalon nito ang isang kahon na maliit. Natigil siya sa kanyang ginagawa at pinulot ito. Doon niya nakita na ang kahon pala na nahulog mula sa bulsa nito ay contraceptive pills!
Nang makita ito ni Serene ay doon na niya napagtanto na sa sobrang pagmamadali niya ay hindi niya pala iyon natanggal sa bulsa niya.
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Reid ng mga oras na iyon. Dahil doon ay bigla niyang hinila ang damit ni Serene at ibinaba ang kwelyo nito hanggang sa balikat nito at doon tumambad sa kanyang paningin ang ilang bakas ng kiss mark. Biglang nagtagis ang bagang niya dahil rito at umahon ang matinding galit sa kanyang dibdib. Siniguro sa kaniya ng tatay ni Serene na ang kanyang anak ay inosente at birhen pa. Ngayon niya nalaman na niloko pala siya ng tatay nito!
“Akala ko pa naman ay inosente at birhen ka pa! Umasa pa naman ako na ako ang unang sisibak sayo pero nagpasibak ka na pala sa iba!” galit na galit na sabi nito.
Nang mga oras na iyon ay biglang napuno ng pawis ang noo ni Serene, takot na takot siya. Hindi niya alam kung ano pa ang pwede nitong gawin sa kaniya nang bigla na lamang tumunog ang doorbell.
Ding-dong.
Dahil rito ay nabuhayan ng pag-asa si Serene tiniis niya ang sakit at malakas ng sumigaw nang bumukas ang pinto. “Tulong!” sigaw niya.
Pilit namang kumalma si Reid. “Pasok.” sabi niya.“Sir, ito na po ang gusto ninyo.” sabi ng waiter at ini-swipe nito ang card at pumasok sa loob tulak-tulak ang isang trolley. Dahil doon ay bigla na lamang ulit namutla ang mukha ni Serene. Mukhang kasabwat nito ang waiter na kapapasok lamang.Biglang napatingin si Reid sa mukha ni Serene kung saan ay bigla na lamang siyang napalunok nang makita niya ang kagandahan nito. “Tatawag na lang ako kapag may kailangan ako.” sabi niya rito.Napatingin naman si Serene sa pinto kung saan ay malapit na ang waiter doon at tiyak niya na kapag sumara iyon ay muli na namang mala-lock iyon kaya inipon niya ang natitira pa niyang lakad at biglang hinila ang trolley na nasa tabi niya ay hinila patungo kay Reid. dahil doon ay nagkaroon ng malakas na ingay at ang lamang ng trolley ay nagkandalaglagan sa sahig. Pinilit niyang tumayo at dali-daling tumakbo patungo sa pinto upang makalabas siya habang hawak-hawak ang tiyan niya na sa mga oras na iyon ay nan
Nang makita ni Pierce ang lumuluhang mukha ng dalawa ay hindi niya maipaliwanag ngunit bigla na lamang niyang naalala ang babaeng nakaniig niya kagabi. Tahimik itong umalis at ni hindi man lang niya ito nakausap o ni natandaan ang mukha nito. Isa pa ay ayaw niyang magkautang siya sa iba. Kung mahahanap lang niya ito ay handa siyang bayaran ito para mawalan siya ng utang rito. Ngunit ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo.~~~Makalipas lamang ang limang minuto ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Serene at nang tingnan niya ito kung ano iyon ay nakita niya ang isang text message na galing sa isang hindi niya kilalang number. “Hindi pa tapos ang nangyari kanina. Dapat kang magkusa na lumapit sa akin sa loob ng tatlong araw dahil kung hindi ay baka hindi mo kayanin ang gagawin ko.” sabi ng text message at habang binabasa niya iyon ay isang tao lang naman ang mabilis na pumasok sa isip niya. Alam niya na kaagad na ang text message na iyon ay galing kay Reid.Hindi niya na laman
Kinabukasan ay pumasok si Serene sa kanyang pinapasukang paaralan at pagkatapos ng klase niya ay agad siyang dumi-diretso sa pinapasukan niyang part-time job. Ganun ang naging set-up niya sa loob ng tatlong araw, sa tatlong araw na iyon ay napansin niya na hindi niya nakikita si Reid sa paaralan at mukhang hindi ito pumapasok sa hindi malamang dahilan. Dahil doon ay medyo gumaan pa rin kahit na papano ang pakiramdam niya dahil sa wala nang panggulo sa buhay niya.Isa pa ay hindi niya naman kayang labanan si Reid dahil nga napakayaman nito at kapag ginawa niya iyon ay alam niya na siya lang ang mapapahiya. Kaya nang hindi niya ito makita ilang araw na ay mas nakahinga siya ng maluwag at napaisip na sana ay tumigil na nga ito ng tuluyan sa pagpasok doon. Ang mga katulad naman nilang mayayaman ay hindi naman mahalaga kung makapagtapos sila o hindi dahil hindi naman iyon magkakaroon ng malaking epekto sa mga ito dahil tiyak na sila naman ang mga magmamana ang mga negosyo ng mga pamilya ng
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin sa wakas si Serene sa mansyon ng mga Smith. Nang mga oras na iyon ay ibinaba ng isang kasambahay sa pear wood coffee table ang umuusok pang tinapay. Dahil nga gustong-gusto ng matandanag babae si Serene ay talaga namang nagpapaluto siya ng masarap na meryenda kapag alam niyang darating ito doon. Nang pumasok si Serene sa loob ay agad niya itong nakita maging ang nakahandang meryenda para sa kaniya.Nang makita siya ng matanda ay agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito. “Hija, narito ka na pala. Halika maupo ka, nag-utos ako sa chef na ipagluto ka ng cinnamon roll dahil ito ang paborito mo hindi ba?” nakangiting sabi nito sa kaniya.Ilang sandali pa ay napahigpit si Serene sa kanyang mga palad habang papalapit rito at kinakabahan. Isa pa, iniisip niya na hindi lang siya basta nagpaunlak sa imbitasyon nitong pumunta doon kundi dahil sa gusto niyang humingi rito ng tulong kahit na alam niya na magiging nakakahiya siya sa m
Halos kaladkarin siya nito patungo sa may sasakyan na nakaparada sa harapan ng mansyon. Pagkabukas nito ng pinto ng kotse ay mabilis siya nitong pinapasok nang walang pag-iingat at dali-dali rin naman itong sumakay sa loob pagkatapos ay malakas na isinira ang pinto ng kotse kung saan ay halos napapikit siya dahil sa lakas ng tunog.Ang kabaitan sa mukha nito ng mga oras na iyon ay tila ba naglahong parang isang bula nang makapasok ito ng tuluyan sa loob. Napalitan ng napakalamig na ekspresyon ang mukha nito ng mga oras na iyon. “Paandarin mo.” utos niya sa nasa harapan ng sasakyan kung saan ang magnetic voice nito ay napaka-kaaya aya ngunit ang tono nito ay nakakatakot. Nang marinig niya ito ay agad na umahon ang kaba sa kanyang dibdib.Halos nangingig ang kamay niyang nilingon ito. “Sa-saan mo ako dadalhin?” nauutal na tanong niya rito.Malamig ang gwapong mukha ni Pierce ng mga oras na iyon at hindi nagsalita. Ang babaeng nasa tabi niya ay isang manloloko kung saan maging ang kanyan
Niyakap niya ng sobrang higpit ang mga hita nito at kahit na anong tulak nito sa kaniya ay hindi siya bumitaw sa pagkakahawak doon. Ang lalaking ito na lamang ang tanging pag-asa niya. Patuloy ang pag-agos ng kanyang luha at pagkatapos ay muling nagmakaawa rito. “Kailangan ko talaga ng pera…” humihikbing sambit niya rito. Halos mapatawa naman si Pierce dahil sa hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa babae. Kanina lamang ay takot na takot ito para sa buhay nito ngunit ngayon ay kung ay tila nawala na parang bula ang takot nito. Sa mga oras na iyon ay inis na inis na siya rito at galit na galit na rin. Ilang sandali pa ay halos maubos na ang pasensiya niya. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito at sinubukang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanyang mga hita ngunit napakahigpit ng pagkakahawak nito roon. Takot na takot naman si Serene nang mga oras na iyon at halos manginig ang buong katawan niya. Kahit na ganun ay mahigpit pa rin siyang kumapit sa hita nito at pagkatapos
Ang sasakyan ay mabilis na nawala sa kalagitnaan ng gabi. Ilang minuto pang nanatili sa ganuong ayos si Serene bago siya tuluyang tumayo. Mabuti na lamang at maraming dumadaan doong sasakyan. Hindi siya sumakay ng bus at matyaga siyang naghintay ng taxi upang doon sumakay. Nang makasakay siya ay kaagad siyang nagpa-diretso sa ospital.Isa pa, wala siyang balak bitawan ang bag na hawak niya hanggat hindi niya nasisiguro na naibayad na nga niya iyon ng lubusan sa ospital kung saan a doon naman ito talaga nakalaan. Dahil sa perang iyon ay paniguradong makakaligtas ang kanyang ina sa bingit ng kamatayan na kinasasadlakan nito ng mga oras na iyon.Kinabukasan, pagkatapos ng kanyang klase ay nagpunta kaagad si Serene sa mikt tea shop kung saan siya nag papart time job. Ilang sandali pa, sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho ay bigla na lamang silang nagkaroon ng napakalaking order at hiniling sa kaniya na siya mismo ang maghatid ng order sa ikaanim na palapag ng mall kung nasaan ang sineha
Nang marinig ni Serene ang sinabi nito ay bigla na lamang namutla ang kanyang mukha. Alam niya na tama si Reid sa sinabi nito at wala siyang kakayahan na lumaban rito. Isa pa ay alam niya na kaagad kung ano ang magiging dulot sa kaniya ng tsismis na ipapakalat nito kung sakali. Hindi niya hahayaang sirain nito ang pagkatao niya.Ilang sandali pa ay biglang lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya at nang mapansin ni Reid ang pagbabago sa ekspresyon niya ay halatang naging masaya ang mukha nito. “Ano ka ba, hindi kita sasaktan dahil paliligayahin lang naman kita. Halikan na lang muna kita para gumaan ang loob mo.” sabi nito sa kaniya.Maituturing niya itong isang pampagana para sa gagawin nilang pagsasaya mamaya. Ilang sandali pa ay mabilis na tinakpan ni Serene ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay tumitig kay Reid bago siya nagsalita. “Natatakot ako. Nabalitaan ko na may kasintahan ka at galing din siya sa kilalang pamilya. Kapag nalaman niya ang tungkol r