Share

Chapter 0006

last update Last Updated: 2024-09-03 21:05:22

Kinabukasan ay pumasok si Serene sa kanyang pinapasukang paaralan at pagkatapos ng klase niya ay agad siyang dumi-diretso sa pinapasukan niyang part-time job. Ganun ang naging set-up niya sa loob ng tatlong araw, sa tatlong araw na iyon ay napansin niya na hindi niya nakikita si Reid sa paaralan at mukhang hindi ito pumapasok sa hindi malamang dahilan. Dahil doon ay medyo gumaan pa rin kahit na papano ang pakiramdam niya dahil sa wala nang panggulo sa buhay niya.

Isa pa ay hindi niya naman kayang labanan si Reid dahil nga napakayaman nito at kapag ginawa niya iyon ay alam niya na siya lang ang mapapahiya. Kaya nang hindi niya ito makita ilang araw na ay mas nakahinga siya ng maluwag at napaisip na sana ay tumigil na nga ito ng tuluyan sa pagpasok doon. Ang mga katulad naman nilang mayayaman ay hindi naman mahalaga kung makapagtapos sila o hindi dahil hindi naman iyon magkakaroon ng malaking epekto sa mga ito dahil tiyak na sila naman ang mga magmamana ang mga negosyo ng mga pamilya ng mga ito.

Nang magtanghali ay agad na nagtungo si Serene sa cafeteria upang kumain sana ngunit pagdating niya pa lamang doon ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone kung saan ay may tumatawag. Hindi niya kilala kung sino ang tumatawag na iyon ngunit pinili niya pa ring sagutin ito at nang mga oras na iyon  sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya ng wala sa oras. Nang sagutin niya ang tawag at narinig niya ang sinabi ng tumawag ay bigla na lamang namutla ang kanyang mukha ng wala sa oras.

Halos nangingilid ang kanyang luha na nagtatakbo at nagmamadaling umalis doon patungo sa ospital. Nang makarating siya sa ospital ay agad siyang nagtungo sa emergency room at doon nga niya nakita ang kanyang ina na nakahiga sa hospital bed at may mga tubo sa buong katawan nito at may naiwan pang bakas ng dugo sa bibig nito. Nang makita niya ang itsura ng kanyang ina ng mga oras na iyon ay pakiramdam niya ay tila ba siya pinagbagsakan ng langit at lupa.

Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanyang doktor at nagtanong. “Kamag-anak ka ba ng pasyente?” tanong nito sa kaniya.

Nang lingunin niya ito ay agad siyang napaluhod sa harap nito habang tumutulo ang kanyang mga luha. “Dok, pakiusap, iligtas ninyo ang aking ina. Gawin niyo po ang lahat para gumaling siya…” humahagulgol na sabi niya rito.

Puno ng awa ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang braso at pilit siyang itinayo. Nang mga oras na iyon ay patuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay tumitig ito sa kanyang mga mata at humugot ng malalim na hininga. “Hija, tatapatin na kita.” sabi nito at pagkatapos ay muling napabuntung-hininga. “Binigyan na namin ng first aid ang iyong ina pero malaki ang posibilidad na baka ma-coma siya. Ang pwede ko lang i-advice ay baka mas maganda na magpa-ECMO kaagad pero hija, napakamahal nun. Idagdag pa ang gagastusin niya sa ICU araw-araw. Ang estimate ko ay baka nasa mga 30,000 pesos ang isang araw niya hanggang 100,000 depende sa mga aparato na ikakabit sa kaniya at ang survival rate niya ay nasa 50% lamang.” sabi nito sa kaniya.

Nang marinig niya iyon ay halos hindi siya makagalaw. Hindi siya magawang ibuka ang kanyang bibig upang sumagot sa doktor. Napakagat-labi na lamang siya. Hindi nagtagal ay nagpaalam na sa kaniya ang doktor kung saan ay naiwan siya doon mag-isa. Napatitig siyang muli sa kanyang ina at wala siyang magawa kundi ang mapaiyak na lamang. Saan siya kukuha ng ganung kalaking pera? Pero ayaw niya rin na mawala ang kanyang ina. Handa siyang gawin ang lahat para rito.

Ilang minuto pa siyang umiyak hanggang sa tinawag siya ng isang nurse at kailangan daw niyang magbayad. Lumabas nga siya upang magbayad at ang binayaran niya lahat para sa araw na iyon ay 50,000 pesos na kaagad. Halos kung tutuusin nga ay isang oras pa lamang mahigit doon ang kanyang ina. Ang ipinambayad niya doon ay mula sa kanyang part-time job. Halos iyon lang ang laman ng kanyang atm card kaya ngayon ay wala na siyang pera.

Kung ngayon ay may naibayad pa siya at nakabitan nang mga aparato ang kanyang ina at hindi siya namatay doon ngunit napaisip siya, paano na bukas at sa mga susunod pang mga araw? Saan na siya kukuha ng pangbayad niya? Nakatayo si Serene sa harap ng bintana ay sobrang kirot ng puso niya. Bigla niyang naalala na noong bata pa siya at may lagnat siya ay palagi siyang binabantayan ng kanyang ina at inaalagaan kahit na pagod din ito lagi sa trabaho.

Ang kanyang ama kasi ng mga panahong iyon ay hindi nagtatrabaho kundi palagi lang itong naglalasing. Dahil sa gastusin at pagkain nila sa pang-araw araw ay halos sa pagkain lang napupunta ang sahod ng kanyang ina at ang budget sa kanyang pag-aaral ay wala. Kaya minsan, napipilitan na magdoble ng trabaho ang kanyang ina para lang makapag-aral siya.

Kapag pa wala ng pera ang kanyang ama upang ipambili ng inumin ay binubugbog nito ang kanyang ina upang makahingi lang ito ng pera hanggang sa halos magsuka na nang dugo ang kanyang ina at halos matanggal na ang dalawang ngipin nito sa harapan. Mas pinili nitong magpabugbog kesa bigyan nito ang kanyang ama ng pera.

Malinaw pa sa kanyang alaala ang mga sinabi nito noong mga panahong iyon. “Pang bayad iyon ng tuition f*e ni Serene kaya hindi ko iyon pwedeng ibigay sayo. Gustong-gusto niyang makapag-aral kaya handa akong gawin ang lahat para makatapos alng siya…” sabi nito habang tumutulo pa ang dugo sa gilid ng labi nito.

Nang maalala niya ang tagpong iyon ay bigla na lamang napuno ng luha ang mukha ni Serene. Walang ginawa ang kanyang ina kundi ang protektahan siya sa lahat ng bagay ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay napakawalang-silbi pa rin niya. Napayuko siya at pinigilan ang kanyang mga hikbi.

Ilang sandali pa ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay bigla siyang napakagat labi at nagpunas ng kanyang mga luha upang itago ang kanyang nararamdaman.

Lumabas siya ng silid ng kanyang ina at pagkatapos ay sinagot ang tawag. Ang tumawag ay ang matandang babae at pinapapunta siya nito sa mansyon. Dahil rito ay hindi na siya nakatanggi pa at pansamantalang iniwan niya ang kanyang ina.

Related chapters

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 0007

    Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin sa wakas si Serene sa mansyon ng mga Smith. Nang mga oras na iyon ay ibinaba ng isang kasambahay sa pear wood coffee table ang umuusok pang tinapay. Dahil nga gustong-gusto ng matandanag babae si Serene ay talaga namang nagpapaluto siya ng masarap na meryenda kapag alam niyang darating ito doon. Nang pumasok si Serene sa loob ay agad niya itong nakita maging ang nakahandang meryenda para sa kaniya.Nang makita siya ng matanda ay agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito. “Hija, narito ka na pala. Halika maupo ka, nag-utos ako sa chef na ipagluto ka ng cinnamon roll dahil ito ang paborito mo hindi ba?” nakangiting sabi nito sa kaniya.Ilang sandali pa ay napahigpit si Serene sa kanyang mga palad habang papalapit rito at kinakabahan. Isa pa, iniisip niya na hindi lang siya basta nagpaunlak sa imbitasyon nitong pumunta doon kundi dahil sa gusto niyang humingi rito ng tulong kahit na alam niya na magiging nakakahiya siya sa m

    Last Updated : 2024-09-03
  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 0008

    Halos kaladkarin siya nito patungo sa may sasakyan na nakaparada sa harapan ng mansyon. Pagkabukas nito ng pinto ng kotse ay mabilis siya nitong pinapasok nang walang pag-iingat at dali-dali rin naman itong sumakay sa loob pagkatapos ay malakas na isinira ang pinto ng kotse kung saan ay halos napapikit siya dahil sa lakas ng tunog.Ang kabaitan sa mukha nito ng mga oras na iyon ay tila ba naglahong parang isang bula nang makapasok ito ng tuluyan sa loob. Napalitan ng napakalamig na ekspresyon ang mukha nito ng mga oras na iyon. “Paandarin mo.” utos niya sa nasa harapan ng sasakyan kung saan ang magnetic voice nito ay napaka-kaaya aya ngunit ang tono nito ay nakakatakot. Nang marinig niya ito ay agad na umahon ang kaba sa kanyang dibdib.Halos nangingig ang kamay niyang nilingon ito. “Sa-saan mo ako dadalhin?” nauutal na tanong niya rito.Malamig ang gwapong mukha ni Pierce ng mga oras na iyon at hindi nagsalita. Ang babaeng nasa tabi niya ay isang manloloko kung saan maging ang kanyan

    Last Updated : 2024-09-04
  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 0009

    Niyakap niya ng sobrang higpit ang mga hita nito at kahit na anong tulak nito sa kaniya ay hindi siya bumitaw sa pagkakahawak doon. Ang lalaking ito na lamang ang tanging pag-asa niya. Patuloy ang pag-agos ng kanyang luha at pagkatapos ay muling nagmakaawa rito. “Kailangan ko talaga ng pera…” humihikbing sambit niya rito. Halos mapatawa naman si Pierce dahil sa hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa babae. Kanina lamang ay takot na takot ito para sa buhay nito ngunit ngayon ay kung ay tila nawala na parang bula ang takot nito. Sa mga oras na iyon ay inis na inis na siya rito at galit na galit na rin. Ilang sandali pa ay halos maubos na ang pasensiya niya. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito at sinubukang tanggalin ang pagkakahawak nito sa kanyang mga hita ngunit napakahigpit ng pagkakahawak nito roon. Takot na takot naman si Serene nang mga oras na iyon at halos manginig ang buong katawan niya. Kahit na ganun ay mahigpit pa rin siyang kumapit sa hita nito at pagkatapos

    Last Updated : 2024-09-06
  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 0010

    Ang sasakyan ay mabilis na nawala sa kalagitnaan ng gabi. Ilang minuto pang nanatili sa ganuong ayos si Serene bago siya tuluyang tumayo. Mabuti na lamang at maraming dumadaan doong sasakyan. Hindi siya sumakay ng bus at matyaga siyang naghintay ng taxi upang doon sumakay. Nang makasakay siya ay kaagad siyang nagpa-diretso sa ospital.Isa pa, wala siyang balak bitawan ang bag na hawak niya hanggat hindi niya nasisiguro na naibayad na nga niya iyon ng lubusan sa ospital kung saan a doon naman ito talaga nakalaan. Dahil sa perang iyon ay paniguradong makakaligtas ang kanyang ina sa bingit ng kamatayan na kinasasadlakan nito ng mga oras na iyon.Kinabukasan, pagkatapos ng kanyang klase ay nagpunta kaagad si Serene sa mikt tea shop kung saan siya nag papart time job. Ilang sandali pa, sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho ay bigla na lamang silang nagkaroon ng napakalaking order at hiniling sa kaniya na siya mismo ang maghatid ng order sa ikaanim na palapag ng mall kung nasaan ang sineha

    Last Updated : 2024-09-06
  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 0011

    Nang marinig ni Serene ang sinabi nito ay bigla na lamang namutla ang kanyang mukha. Alam niya na tama si Reid sa sinabi nito at wala siyang kakayahan na lumaban rito. Isa pa ay alam niya na kaagad kung ano ang magiging dulot sa kaniya ng tsismis na ipapakalat nito kung sakali. Hindi niya hahayaang sirain nito ang pagkatao niya.Ilang sandali pa ay biglang lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya at nang mapansin ni Reid ang pagbabago sa ekspresyon niya ay halatang naging masaya ang mukha nito. “Ano ka ba, hindi kita sasaktan dahil paliligayahin lang naman kita. Halikan na lang muna kita para gumaan ang loob mo.” sabi nito sa kaniya.Maituturing niya itong isang pampagana para sa gagawin nilang pagsasaya mamaya. Ilang sandali pa ay mabilis na tinakpan ni Serene ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay tumitig kay Reid bago siya nagsalita. “Natatakot ako. Nabalitaan ko na may kasintahan ka at galing din siya sa kilalang pamilya. Kapag nalaman niya ang tungkol r

    Last Updated : 2024-09-06
  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 0012

    Nang makita naman ng lalaki kung sino ang lumabas sa silid ay hindi siya nangahas na pumasok pa o ni sumilip sa loob ng silid kundi dali-dali na lang din siyang tumalikod at umalis doon. Samantala, dahan-dahan namang napadausdos si Serene hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Pagkaraan lamang ng ilan pang minuto ay lumabas na rin siya doon.Sa katunayan ay hawak niya sa kanyang kamay ang isang recording pen na nasa kanyang bulsa ng mga oras na iyon. Mabuti na lang din at may dala siyang ganuon at mabuti na lang din at naalala niya ang sinabi ni Pierce nang mga nakaraang araw sa elevator.Si Beatrice na pinsan ni Pierce ay ang kasintahan nito at sinabi sa kaniya ni Reid na hindi ito natatakot sa babae ngunit halata naman sa mukha nito na nagsisinungaling lamang ito. Isa pa, napaisip siya na kung talagang may pakialam ito at may interes ito sa relasyon nila ng Beatrice na iyon ay tiyak na hindi ito mangangahas na gumawa ng kahit na anumang kabalbalan na maaaring makasira sa relasyon ng mg

    Last Updated : 2024-09-06
  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 0013

    Pagkatapos lamang sabihin iyon ni Pierce ay agad na itong tumalikod at humakbang na palabas at halatang naman na tila ba ayaw na siya nitong makita pa. Sa isang iglap ang mga mukha ng mga pumasok kanina kasama nito ay biglang nalukot. Ilang sandali pa ay tiningnan siya ng direktor ng paaralan ng matalim. “Ipinapangako po naming aayusin namin ito at pagbubutihin.” habol nitong sabi sa papalabas na si Pierce.Nang tuluyan ngang makalabas si Pierce ay bumaling ang director sa kaniya. “Lumabas ka!” walang kagatol-gatol na sabi nito sa kaniya.Nang mga oras naman na iyon ay nakatulala lang si Serene habang nakatitig sa galit na galit na mukha nito. Hanggang sa muli na naman niyang narinig ang pagsigaw nito. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Lumabas ka!” ulit nitong sabi sa kaniya.Napakuyom na lamang ang mga kamay niya bago siya naglakad palabas ng silid at ni hindi man lang niya nagawang nagsalita bago siya umalis.Pagkaalis niya ay pinalabas ng direktor ang lahat at hindi nagtagal ay n

    Last Updated : 2024-09-06
  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 0014

    Nang umalis si Amber sa silid ay nag-scroll muna si Serene sa kanyang cellphone at biglang may dumaan sa kanyang wall na isang post. Ang isang sikat na international club ay naghahanap ng waitress at kada gabi ay dalawang libo ang sweldo bukod pa sa magiging komisyon niya sa alak. Dahil doon ay kaagad siyang nag-message sa page na iyon upang mag-inquire. Sayang naman iyon dahil malaki-laki din iyon.GABI na sa club na iyon. Sa loob ng isang silid ay umupo si Pierce doon na may hawak na sigarilyo sa kanyang mga daliri habang naka-dekwatro pa. Hindi nagtagal ay nakita niya ang ilang waitress na pasulyap-sulyap sa kaniya at ang mga tingin ng mga ito ay kakaiba na para bang ngayon lang sila nakakita ng kasing gwapo niya.“Miss pwede bang tigilan mo na ang pagtitig sa kaibigan ko?” sabi ni Connor na hindi na nakapagpigil pa kung saan ay may hawak na rin naman itong babae sa tabi nito. “Alam mo bang mas malamig pa iyan sa yelo? Bakit hindi na lang ako ang piliin mong tingnan?” pilyong sabi

    Last Updated : 2024-09-06

Latest chapter

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 132.3

    ILANG MINUTO DIN sa labas si Serene bago siya bumalik sa silid ni Pierce. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong bihis na. Puno ng pagtataka at pag-aalala ay agad niya itong nilapitan. “Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Bigla niya tuloy naalala ang tawag kanina at dahil doon ay hindi niya namalayang nakaramdam ng pagkabalisa sa kanyang puso. “Saan ka pupunta?” tanong niya ulit dito nang hindi ito sumagot sa unang tanong niya kanina.“Well, pinapatawag ako ni DAd.” sagot nito sa kaniya na bigla niyang ikinatigas bigla. Naisip niya bigla ang petsa kung kailan nila dapat kuhanin ang sertipiko at may ilang araw na lang ang nalalabi. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pagkatapos ay biglang nagtanong.“Gusto mo bang makipaghiwalay?” tanong niya rito at hindi ito sumagot sa kaniya. Malalim lang itong nakatingin sa kanyang mga mata at ang pananahimik nito ay malinaw ng sagot sa kaniya. Napakuyom ang kanyang mga palad. B

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 132.2

    NANG NASA IBANG BANSA pa sila ay naunang nagising si Pierce kaysa kay Serene kung saan ay nanatili itong tulog marahil sa matinding panghihina. Dahil nga sa wala namang nakitang problema sa pagsusuri kay Serene ay agad niyang ipinaayos ang lahat at sumakay sila sa isang helicopter upang makauwi sa bansa para doon na rin tuluyang magpagaling.Pagdating nila doon ay muli niyang ipinasuri si Serene kung saan ay naging pareho lang din naman ang lumabas na resulta at nanatili pa rin itong tulog sa sumunod na araw na para bang nag-iipon ng lakas nito. Maharil ay talagang matindi ang kanyang pinagdaanan kung kayat mas lalo pang tumindi ang galit na naramdaman niya sa lalaking iyon.Ilang sandali pa ay yumakap si Serene kay Pierce nang marinig niya ang sinabi nito kung paano sila nakauwi ngunit pagkasandal niya sa dibdib nito ay may naalala siya kung kaya ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya at tumingin dito. “Si Mike? Nasaan siya? Patay na ba siya?” tanong niya rito.Umiling si

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 132.1

    NAKATITIG PA RIN ANG nurse sa kaniya na puno ng pakikisimpatya ang mga mata. “Makakapagpahinga na siya…” sabi ng nurse sa kaniya.“Hindi, hindi iyon. Ilang taon na siya?” tanong niya rito.“Mag-iisang daan.” sagot naman nito at medyo natakot ang nurse dahil baka nagkamali siya ng pagsabi kung ilang taon na ito kaya muli niyang dinampot ang record niya at chineck ito. “Tama nga ako.” sabi nitong muli pagkaraan ng ilang sandali.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Ibig sabihin ay hindi pa patay si Pierce at nagkamali lang siya. Sa mga oras na iyon ay isang malamig na boses ng isang lalaki ang nagmula sa likuran niya. “Serene.” tawag nito sa kaniya at ang boses nito ay pamilyar na pamilyar sa kaniya.Dahil dito ay dahan-dahang lumingon si Serene at doon nga niya nakita ang isang lalaki na nakasuot ng isang hospital gown sa likod niya at nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa kaniya na may madilim na mga mata. “Anong ginagawa mo diyan? At bakit umiiyak ka?”

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 131.5

    SA ISANG IGLAP AY napuno siya ng pangamba nang makita niya itong nakatayo doon. Anong ginagawa pa nito doon? Nababaliw na ba ito? Anong magagawa nito mag-isa laban sa napakaraming tauhan ni Mike? Wala!Ilang sandali pa ay biglang napuno ng ilaw ang dibdib nito na kulay pula galing sa mga baril ng mga tauhan ni Mike dahilan para labis siyang kabahan. Ang mukha ni Pierce ay walang katakot takot habang nakatingin sa kaniya.Samantala, tuwang-tuwa naman si Mike habang nakatingin kay Pierce at hindi na nag-isip pa at pagkatapos ay mabilis na itinaas ang kanyang kamay upang mag-utos na paputukan ito ng baril ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay bigla na lang may dumagundong mula sa itaas kaya napatingala siya ng wala sa oras at doon niya nga nakita ang ilang helicopter mula sa itaas at sa sumunod na segundo ay nagpaulan ang mga ito ng bala.Dahil sa pagkabigla ay halos mamanhid ang mga tenga ni Serene at puno ng pagkalito ang kanyang isip. Sa gitna ng pag-ulan ng mga bala ay

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 131.4

    NAPUNO NG PAWIS ang noo ng driver. “What should we do now sir?” kabadong tanong nito."He doesn't dare to blow up the bridge. If it blows up, he won't be able to stay in any country, especially here." sagot ni Pierce sa driver ng sasakyan.Binalingan ni Pierce si Serene. “Huwag kang magpaloko sa panggigipit niya. Magtiwala ka sa akin.” sabi niya at hinalikan ang noo nito.Hindi naman maiwasang mapatitig ni Serene sa mukha ni Pierce kung saan ay pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha ngunit ang kanyang boses ay biglang gumaralgal. “Naniniwala ako sayo Pierce… naniniwala ako…” sabi niya ngunit sa kabila nun ay iba ang iniisip niya. Hindi na niya kayang masaktan pa ito ng dahil lang sa kaniya. Napakarami na nitong ginawa.Ilang sandali pa ay nagdilim ang mga mata nito. “Hindi kita papayagang sumama sa kaniya!” mariing sabi nito at ang kanyang mga mata ay halos mag-apoy. Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa sumunod na segundo ay agad niyang sin

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 131.3

    HALOS MAUNTOG si Serene kay Pierce nang bigla na lang ulit magpreno ang driver. Ilang sandali pa ay narinig na nila ang kinakabahang tinig ng contact person nila. “May humarang sa daan!” sigaw nito.Biglang napatingin sina Pierce at Serene sa may harapan nila at doon nga nila nakita ang isang sasakyan na humarang sa harapan nila at sa isang sulyap ay agad na nakilala ni Serene ang sasakyan na iyon. Iyon ang gamit ng mga tauhan sa lugar na tinakasan niya! Bigla siyang napakuyom ng kanyang kamay at ilang sandali pa ay bumaba mula sa sasakyan ang isang lalaki na sa isang sulyap ay agad na niyang nakilala na si Mike pala.Ang sinasakyan nila ay kasalukuyang nahinto sa kalagitnaan ng tulay kung saan ay walang gaanong dumadaan. Doon niya napansin na hindi lang pala iisang sasakyan ang humarang sa daan nila kundi tatlo at napakaraming mga tauhan ni Mike ang bumaba sa mga sasakyan na may dalang ibat-ibang mga baril.Hindi naman nagpahuli ang driver ng sasakyan at mabilis na naglabas ng baril

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 131.2

    NANG MARINIG NI PIERCE ang sinabi ng contact nila ay hindi niya maiwasang mapaisip at magtanong. “Ang boss ba ng lugar na iyon ay may kaugnayan sa FS Group?” tanong niya rito.Agad naman itong sumagot. “Hindi ko alam ang direktang koneksyon niya doon pero sa pagkakaalam ko ay marami siyang mga ari-arian sa ibat-ibang mga bansa.” sabi nito.Dati nang inimbestigahan ni Pierce ang insidente tungkol sa pagiging agresibo noon ni Sharmaine kung saan ay nalaman niya na ang gamot na itinurok dito ay may kaugnayan sa FS Group. Hindi niya maiwasang isipin na may koneksyon ang boss ng Imperial Palace sa FS Group. Ngunit ang boss sa lugar na iyon ay hindi ganun kadaling hanapin dahil ang sabi-sabi ay iilang tao lang ang nakakakilala sa tunay nitong mukha.Ilang sandali pa ay napabuntung-hininga ang contact nila at seryosong nagsalita. “Hindi kayo dapat makampante dahil sa koneksyon ng taong iyon ay tiyak na hindi niya kayo hahayaang makalabas ng bansa. Hahabulin at hahabulin niya kayo kaya dapat

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 131.1

    NANG MARINIG ito ni Serene ay agad na namutla ang kanyang mukha. Sa kabila nito ay hinawakan naman ng mahigpit ni Pierce ang kamay niya at sinabi sa malalim na boses. “Hindi. Hindi ko siya isusuko sa kanila.” mabilis na sabi nito.“Pero siya ang target ng mga tao dito at halos lahat sila ay regular customer ng lugar na ito.” sabi ng contact at ang tinutukoy ay ang ilang lalaking lumapit sa kanila. Habang nag-uusap sila ni Pierce ay mas lalo pa namang dumami ang mga lalaking lumapit sa kanila.Hindi na nila pinansin pa si Xixi na nakahandusay na sa sahig ng mga oras na iyon dahil ang kanilang mga atensyon ay na kay Serene na. Ang mga lalaking nagsilapitan sa kanila ay mabangis na nagsingiti at nagsasalita ng banyagang salita.Ilang sandali pa ay bigla na lang may isang lalaki na iniunat ang kamay upang hilahin siya ngunit mabilis siyang inilagay ni Pierce sa likod nito. “Don’t you ever touch her!” mariing sigaw ni Pierce habang nagtatagis ang mga bagang. Dahil doon ay natahimik ang lah

  • FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE   Chapter 130.5

    NAPAKATAHIMIK NANG GABI at mahigpit na nakahawak si Serene sa braso ni Pierce nang mga oras na iyon. Paglabas nila sa kanilang silid ay may mga nakasalubong silang parehas ang suot sa kanila. Ang mga lalaki ay nakasuot ng kulay itim na suit at maskara na kulay itim din samantalang ang mga babae naman ay nakasuot ng kulay puting dress at puting maskara rin.Bagamat nakamaskara silang dalawa ay hindi pa rin maipagkakaila na sila iyon lalo na kung pamilyar ang makakakita sa kanila. Ngunit ang kanilang mga pigura ay nakakuha ng atensyon lalo pa ang napakaganda ng hubog ng katawan niya. Nagpapasalamat na lang din siya sa maskara dahil doon ay hindi siya makikilala ng iba na siya ang babaeng nakatakas ilang araw na ang nakakaraan. Ilang sandali pa ay biglang may isang matabang lalaki na naka-maskara rin at pagkatapos ay itinuro siya ng hindi sinasadya. “What is your number?” tanong nito sa kaniya.Ang mga babae kasi na ipinapasok doon ay may kaniya-kanyang number at kapag natapos na ang may-

DMCA.com Protection Status