“Sandali!” sabi nito. Ilang sandali muna siyang nanatili mula sa kanyang kinatatayuan at napaisip kung dapat ba na tumalikod siya at muling humarap sa mga ito hanggang sa naisip niya na bawal nga pala siyang mambastos ng mga customer lalo na at iyon pa lang ang first time niyang pumasok doon. Baka mamaya ay masisante siya kaagad. Muli siyang humarap sa mga ito. Pinaningkitan ng lalaki ang suot niyang nameplate. “Serene Hidalgo?” banggit nito sa pangalan niya. Dahil doon ay napatango siya rito kahit na bahagya siyang natigilan.“Magsalin ka ng alak para sa amin.” sabi nito sa kaniya. Nanatili naman siya doong nakatayo at hindi kumikibo. Hindi niya alam kung susunod ba siya o ano sa utos nito. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” tanong nito sa kaniya.Sa mga oras na iyon ang lahat ng naroon ay nakatingin sa kaniya at bigla siyang napalunok. Wala siyang nagawa kundi ang maglakad pasulong upang sundin ang utos nito. Dali-dali siyang dumampot ng isang bote
Pabagsak na ibinaba ni Pierce ang baso na hawak niya at inagaw mula sa kamay nito ang bote ng alak at pagkatapos ay tumitig sa mga mata nito. “Hindi ba at nandit ka para mag-serve ng alak? O ito, inumin mo.” malamig na sabi niya rito.Mabilis naman na ibinaba ni Serene ang kanyang ulo at napatitig sa alak. Mabilis siyang napailing rito. “Hindi ako umiinom.” sabi niya rito.“Talaga, hindi? Sigurado ka ba? Kahit ba sabihin ko na sampung libo ang isang baso?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay sumandala sa sofa na may tamad na tingin sa kaniya at mukha ding bagot na bagot ito. “Kahit makailan ka, uminom ka hanggang sa kaya mo.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Agad na nanlaki ang mga mata ni Serene dahil sa sinabi nito. Napalunok siya at napaisip. “Sampung libo ang isang baso?” ulit niyang tanong rito.Mabilis naman itong tumango sa kaniya. Napakagat-labi si Serene ng mga oras na iyon. Sampung libo? Kung kwekwentahin ay limang araw na rin niyang sahod iyon doon ang isang baso pero h
Pagkatapos lang niyang inumin ang ikaapat na baso ay bumagsak na siya sa sahig. Nang makita siya ni Connor ay agad itong napasimangot sa kaniya. “Miss, nagmamatigas ka ba talaga? Huwag kang masyadong ma-pride at humingi ka na ng tawad kay—”“Hindi, gusto kong uminom.” putol niya sa sinasabi nito at pagkatapos ay muli na namang uminom ng isa bang baso. Nang mga oras na iyon ay hilong-hilo na siya at ilang sandali pa ay bigla na lamang niyang itinaas ang kanyang kamay at itinuro si Pierce. “Ikaw… babayaran mo ako diba? Ang sama… sama mo…” bulong niya habang napapapikit. Hilong-hilo na talaga siya at halos matumba na rin siya mula sa kanyang pagkakatayo.Samantala, gulat na gulat naman si Connor dahil sa ginawa ng babaw. Sa buong syudad ay wala pang nangahas na duruin ang isang Pierce Smith dahil kilala nila ito. Hindi siya nakapagsalita. Bukod pa doon ay paulit-ulit nitong ibinulong na napakasama daw ni Pierce.Mabilis naman na napakuyom ang kamay ni Pierce dahil rito. Dahil sa epekto
Galit na isinara ni Pierce ang pinto ng kotse. Ilang sandali pa ay bigla na lamang niyang naramdaman ang pagbalot ng mga braso ng babae sa kanyang kamay at ginawa nitong unan iyon. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang marahas nitong hininga kung saan ay tila may mahinang pagwisik doon dahilan para malukot ang mukha niya. Dali-dali niyang hinila ang kanyang kamay mula rito.Nang tingnan niya ang kanyang kamay ay nakita niya doon ang laway nitong naiwan doon. Punong-puno ng pandidiri ang kanyang ekspresyon ng mga oras na iyon at dali-dali niyang inilabas ang kanyang panyo mula sa kanyang bulsa at pagkatapos ay pinunasan niya ito ng husto.Dahil doon ay bigla tuloy siyang nagsisi na dinala pa niya ang babaeng iyon sa kotse. Napabuntung-hininga siya dahil sa sobrang inis niya.Naramdaman ni Serene na bigla na lamang nawala ang unan niya at pagkatapos ay naramdaman niya na hindi siya komportable at dahil doon ay bigla na lamang siyang nalungkot at dali-daling napahagulgol. Pinilit niyan
Mabuti na lang at may harang ang sasakyan sa pagitan ng driver at sa kinauupuan nila kaya hindi sila nakikita ng driver. Ang kakulitan ng dalaga ay napatindi at medyo may pagka-agresibo lalo na ang mga labi nito. Ilang sandali pa ay bigla na lamang niyang naramdaman ang dila nito sa loob ng kanyang bibig at dahil doon ay halos hindi niya mapigilang mas idiin pa ang kanyang labi sa labi nito.Nang maramdaman naman ni Serene na parang halos nawawalan na siya ng hininga ay bigla siyang nagmulat ng kanyang mga mata at bigla na lamang bumagsak ang kanyang mga luha, dahil doon ay dumulas iyon patungo sa kanyang pisngi at napunta sa kanyang bibig.Nang malasahan iyon ni Pierce ay mas lalo pang nagpatindi iyon sa pagnanais niya at mas nagpatindi lang sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa nga ay bigla na lamang napagalaw ang kanyang mga kamay sa hita ng dalaga ay pinadausdos niya iyon hanggang sa loob ng palda nito.Hindi na makahinga si Serene ng mga oras na iyon. Dali-d
Sa katunayan, kagabi ay nagkamali ng akala ang kanyang driver. Sa halip na dalhin nito sa ibang silid ang babae ay dinala nito ito sa sarili niyang silid. Dahil nga meron siyang mysophobia at hindi niya gusto ang amoy ng iba sa kama ay siya na lang ang nag-adjust at natulog sa guest room. Naligo siya dahil sa nakasanayan na niya iyon.“Bakit, hindi mo ba kayang pakiramdaman ang sarili mo?” tanong niya rito at pagkatapos ay lumapit pa siya rito. Hinagod naman niya ng tingin ang kanyang sarili at pagkatapos ay nang makita niya na medyo maluwag ang pagkakatali ng suot niyang roba ay dali-dali niya itong hinigpitan at pagkatapos ay ibinalot niya ang sarili niya sa may kumot na tila ba siya isang lumpia.Nang makita ito ni Pierce ay bigla na lamang tumaas ang isang sulok ng kanyang mga labi. Mukhang nang matapos itong liguin ng kanyang mga kasambahay ay inihiga ng mga ito sa kama ng wala itong anumang saplot sa ilalim ng suot nitong roba dahil mukhang napagkamalan ng mga ito na babae niya
Ilang sandali pa ay pinaikot-ikot niya ang kanyang mga daliri at pagkatapos ay muling nagpatuloy. “Ibawas mo na lang ang bayad ng damit kaya bigyang mo na lang ako ng 30,000.” sabi niya rito. Bagamat may utang pa siya rito ay iba pa rin ang usapan nilang iyon kagabi.Nagtaas ng kilay ito sa kaniya. “Wala na ba? Baka meron pa?” tanong nito sa kaniya.“Wala na.” mabilis na sagot niya rito. Isa pa ay wala na siyang lakas pa ng loob na sabihin kung paano siya nito pinagalitan kagabi dahil sa nangyari sa pagitan nila. Ilang sandali pa ay bigla na lamang tumayo si Pierce mula sa kinauupuan nito at pagakatapos ay lumapit sa kaniya. Nang makatapat ito sa kaniya ay bigla na lamang nitong hinawakan ang kanyang baba at itinaas.“Bukod ba doon ay wala ka ng naaalala?” tanong nito sa kaniya. Napalunok na lamang siya.Habang nakatitig naman si Pierce sa mukha ni Serene ay may tuwa siyang nararamdaman lalo na at kitang-kita niya ang pagkalito sa mga mata nito.Nanlamig naman si Serene ng mga oras n
Nang marinig naman ni Serene ang sinabi nito ay biglang siya nanginig sa takot at namutla ang kanyang mukha. Bigla tuloy niyang naalala ang kwento sa kaniya ni Amber kung saan ay nakita niya sa balita ang isang babae na pinagtulungang i-rape at pinatay. Dahil doon ay sinabi niya sa isip niya na hindi na siya muling mangangahas na bumalik sa club na iyon.Napatitig si Pierce sa takot na takot nitong itsura. Lihim siyang napangiti. Akala niya ay matapang ito ngunit napaka-duwag pala nito masyado. Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang napatitig sa nakabuka nitong labi at pagkalipas lang ng ilang sandali ay biglang natuyo ang lalamunan ni Pierce.Biglang sumagi sa kanyang isipan ang eksena noong pinasok siya ng babae sa kanyang silid. Umiiyak din ito ng mga oras na iyon at tinatangka nitong tumakas mula sa kaniya ngunit mahigpit niya itong niyakap sa beywang at kinaladkad niya ito patungo sa kama. Madilim ang silid niya ng mga oras na iyon at dahil sa magkahalong pagod at antok ay na