Galit na isinara ni Pierce ang pinto ng kotse. Ilang sandali pa ay bigla na lamang niyang naramdaman ang pagbalot ng mga braso ng babae sa kanyang kamay at ginawa nitong unan iyon. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang marahas nitong hininga kung saan ay tila may mahinang pagwisik doon dahilan para malukot ang mukha niya. Dali-dali niyang hinila ang kanyang kamay mula rito.Nang tingnan niya ang kanyang kamay ay nakita niya doon ang laway nitong naiwan doon. Punong-puno ng pandidiri ang kanyang ekspresyon ng mga oras na iyon at dali-dali niyang inilabas ang kanyang panyo mula sa kanyang bulsa at pagkatapos ay pinunasan niya ito ng husto.Dahil doon ay bigla tuloy siyang nagsisi na dinala pa niya ang babaeng iyon sa kotse. Napabuntung-hininga siya dahil sa sobrang inis niya.Naramdaman ni Serene na bigla na lamang nawala ang unan niya at pagkatapos ay naramdaman niya na hindi siya komportable at dahil doon ay bigla na lamang siyang nalungkot at dali-daling napahagulgol. Pinilit niyan
Mabuti na lang at may harang ang sasakyan sa pagitan ng driver at sa kinauupuan nila kaya hindi sila nakikita ng driver. Ang kakulitan ng dalaga ay napatindi at medyo may pagka-agresibo lalo na ang mga labi nito. Ilang sandali pa ay bigla na lamang niyang naramdaman ang dila nito sa loob ng kanyang bibig at dahil doon ay halos hindi niya mapigilang mas idiin pa ang kanyang labi sa labi nito.Nang maramdaman naman ni Serene na parang halos nawawalan na siya ng hininga ay bigla siyang nagmulat ng kanyang mga mata at bigla na lamang bumagsak ang kanyang mga luha, dahil doon ay dumulas iyon patungo sa kanyang pisngi at napunta sa kanyang bibig.Nang malasahan iyon ni Pierce ay mas lalo pang nagpatindi iyon sa pagnanais niya at mas nagpatindi lang sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa nga ay bigla na lamang napagalaw ang kanyang mga kamay sa hita ng dalaga ay pinadausdos niya iyon hanggang sa loob ng palda nito.Hindi na makahinga si Serene ng mga oras na iyon. Dali-d
Sa katunayan, kagabi ay nagkamali ng akala ang kanyang driver. Sa halip na dalhin nito sa ibang silid ang babae ay dinala nito ito sa sarili niyang silid. Dahil nga meron siyang mysophobia at hindi niya gusto ang amoy ng iba sa kama ay siya na lang ang nag-adjust at natulog sa guest room. Naligo siya dahil sa nakasanayan na niya iyon.“Bakit, hindi mo ba kayang pakiramdaman ang sarili mo?” tanong niya rito at pagkatapos ay lumapit pa siya rito. Hinagod naman niya ng tingin ang kanyang sarili at pagkatapos ay nang makita niya na medyo maluwag ang pagkakatali ng suot niyang roba ay dali-dali niya itong hinigpitan at pagkatapos ay ibinalot niya ang sarili niya sa may kumot na tila ba siya isang lumpia.Nang makita ito ni Pierce ay bigla na lamang tumaas ang isang sulok ng kanyang mga labi. Mukhang nang matapos itong liguin ng kanyang mga kasambahay ay inihiga ng mga ito sa kama ng wala itong anumang saplot sa ilalim ng suot nitong roba dahil mukhang napagkamalan ng mga ito na babae niya
Ilang sandali pa ay pinaikot-ikot niya ang kanyang mga daliri at pagkatapos ay muling nagpatuloy. “Ibawas mo na lang ang bayad ng damit kaya bigyang mo na lang ako ng 30,000.” sabi niya rito. Bagamat may utang pa siya rito ay iba pa rin ang usapan nilang iyon kagabi.Nagtaas ng kilay ito sa kaniya. “Wala na ba? Baka meron pa?” tanong nito sa kaniya.“Wala na.” mabilis na sagot niya rito. Isa pa ay wala na siyang lakas pa ng loob na sabihin kung paano siya nito pinagalitan kagabi dahil sa nangyari sa pagitan nila. Ilang sandali pa ay bigla na lamang tumayo si Pierce mula sa kinauupuan nito at pagakatapos ay lumapit sa kaniya. Nang makatapat ito sa kaniya ay bigla na lamang nitong hinawakan ang kanyang baba at itinaas.“Bukod ba doon ay wala ka ng naaalala?” tanong nito sa kaniya. Napalunok na lamang siya.Habang nakatitig naman si Pierce sa mukha ni Serene ay may tuwa siyang nararamdaman lalo na at kitang-kita niya ang pagkalito sa mga mata nito.Nanlamig naman si Serene ng mga oras n
Nang marinig naman ni Serene ang sinabi nito ay biglang siya nanginig sa takot at namutla ang kanyang mukha. Bigla tuloy niyang naalala ang kwento sa kaniya ni Amber kung saan ay nakita niya sa balita ang isang babae na pinagtulungang i-rape at pinatay. Dahil doon ay sinabi niya sa isip niya na hindi na siya muling mangangahas na bumalik sa club na iyon.Napatitig si Pierce sa takot na takot nitong itsura. Lihim siyang napangiti. Akala niya ay matapang ito ngunit napaka-duwag pala nito masyado. Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang napatitig sa nakabuka nitong labi at pagkalipas lang ng ilang sandali ay biglang natuyo ang lalamunan ni Pierce.Biglang sumagi sa kanyang isipan ang eksena noong pinasok siya ng babae sa kanyang silid. Umiiyak din ito ng mga oras na iyon at tinatangka nitong tumakas mula sa kaniya ngunit mahigpit niya itong niyakap sa beywang at kinaladkad niya ito patungo sa kama. Madilim ang silid niya ng mga oras na iyon at dahil sa magkahalong pagod at antok ay na
Pagkalabas ni Serene ay dali-dali niyang binuksan ang kanyang laptop dahil tumawag muli sa kaniya si Liam at sinabi nito na thru video call na lamang daw silang mag-uusap. Nang matapos silang mag-usap ay agad niyang tinawagan ulit si Liam.“Sir, wala na tayong na tayong makukuhang impormasyon sa taong pinapahanap niyo dahil wala na siyang buhay nang matagpuan siya.” sabi nito sa kaniya.Bigla namang nagtagis ang mga bagang ni Pierce dahil sa sinabi nito at pagkatapos ay napahilot sa kanyang sentido. “Hayaan mo na lang muna ang mga tauhan doon na magpatuloy sa paghuhukay.” sabi na lamang niya.“Sige po sir.” sagot naman nito sa kaniya. “Isa pa ay mukhang ang pamilya Sermiano ay mukhang gumawa ng gulo.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Napabuntung-hininga na lamang si Pierce. “Bantayan mo ang mga magiging kilos nila.” sabi na lamang niya rito.“Opo sir.” mabilis naman na sagot nito sa kaniya.Ilang sandali pa nga ay muli na naman niyang naalala ang babaeng pinapahanap niya rito. Ang bab
Biyernes nang gabi ay nakatanggap ng tawag si Serene at sinabi sa kaniya na siya ang natanggap upang maging intern sa PhD design institute. Nang maikwento niya ito kay Amber ay bigla na lamang itong nagalit. “Ano ka ba. Hindi ba at ikaw na rin ang nagsabi na bayaw ng counselor iyon? Paano kung ito mismo ang nagsabi rito na tanggapin ka para lang makapaghiganti siya?” sabi nito sa kaniya.Bigla namang napaisip si Serene dahil sa sinabi ni Amber. Kung tutuusin ay may point naman ito. Napabuntung-hininga siya. “Kung sabagay ay baka tama ka. Dibale na lang, maghahanap na lang ako ng iba.” sabi niya rito.Tumango naman ito sa kaniya. “Oo, maghanap ka na lang ng iba tutal naman ay magaling ka. Kaysa ang mapahamak ka pa.” sabi nito sa kaniya.Kinabukasan ay pumasok si Serene sa pinapasukan niyang milktea shop sa mall. Nang mga oras na iyon ay may 100,000 na siya sa kanyang account ngunit kulang pa yon para mabayaran niya ang utang niya sa lalaking iyon. Pinalaki siya ng kanyang ina na dapat
Pagkatapos lang nun ay dali-dali niyang inilabas ang kanyang cellphone at walang ekspresyon na nag-dial. Nang marinig nya ang pagsagot mula sa kabilang linya ay mabilis siyang nagsalita. “Hello, may gusto lang po akong ipadampot rito.” sabi niya.Nang marinig naman ni Beatrice ang sinabi nito ay mas lalo pa siyang nagngitngit sa labis na galit. At ito pa talaga ang may ganang magpadampot sa kanila? Dali-dali niyang binalingan ang tauhan niya. “Anong itinatayo-tayo ninyo?! Bugbugin niyo ang walang hiyang babaeng yan hanggang sa hindi na siya makalakad pa!” galit na galit na sabi niya sa mga ito.Bahagya namang natigilan ang dalawa at nang akmang lalapit na ang dalawa sa kaniya ay bigla na lamang nadulas ang mga ito ng sabay at napadaing pareho nang bumagsak sa sahig.Biglang nanginig sa labis na galit si Beatrice at pagkatapos ay iniikot niya ang kanyang mga mata sa loob at nakita niya ang isang base na nasa gilid na lamesa kaya dali-dali niya itong inabot. “May lakas ka pa talagang tu