Share

Chapter 0022

Nang marinig naman ni Serene ang sinabi nito ay biglang siya nanginig sa takot at namutla ang kanyang mukha. Bigla tuloy niyang naalala ang kwento sa kaniya ni Amber kung saan ay nakita niya sa balita ang isang babae na pinagtulungang i-rape at pinatay. Dahil doon ay sinabi niya sa isip niya na hindi na siya muling mangangahas na bumalik sa club na iyon.

Napatitig si Pierce sa takot na takot nitong itsura. Lihim siyang napangiti. Akala niya ay matapang ito ngunit napaka-duwag pala nito masyado. Ilang sandali pa ay bigla na lamang siyang napatitig sa nakabuka nitong labi at pagkalipas lang ng ilang sandali ay biglang natuyo ang lalamunan ni Pierce.

Biglang sumagi sa kanyang isipan ang eksena noong pinasok siya ng babae sa kanyang silid. Umiiyak din ito ng mga oras na iyon at tinatangka nitong tumakas mula sa kaniya ngunit mahigpit niya itong niyakap sa beywang at kinaladkad niya ito patungo sa kama. Madilim ang silid niya ng mga oras na iyon at dahil sa magkahalong pagod at antok ay na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status