Nakatayo ang dalawa at tanging ang likod lamang ni Serene ang nakikita ni Ford, hindi nito kita ang kanyang mukha.“Gusto mo ba siya?” tanong ni Ford sa kaniya bigla.Agad naman na nagdilim ang mga mata ni Pierce nang marinig niya ang tanong nito. “Hindi.” malamig na sagot nito sa kaniya.May hawak siya sa kanyang kamay na isang paper bag kung saan ay nakalagay ang gamot na ipinakuha ng doktor sa kaniya. Biglang nalukot ang kanyang mukha ng hindi niya namamalayan habang nakatingin sa mga ito. Sa tagal niyang nanguha ng gamot ay hindi niya akalain na ang babae ay nakikipag-usap na pala ito sa iba pagbalik niya.Ang awa na nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay biglang napalitan ng labis na galit. Nasulyapan naman ni Ford ang mukha ni Pierce at mas ginatungan pa ang inis na nakapaskil sa mukha nito. “Iyan si Mike Antonio, ang Deputy Director ng Department of Cardiac Surgery. Halos kababalik niya lang din mula sa ibang bansa at siya ang pangalawang pinakagwapong doktor sa opsital, su
Sa sobrang hiya ni Serene ay halos hindi siya mapakali. Bakit ba kasi iyon na ang unang pumasok sa isip niya? Ang malaking kamay ng lalaki ay humahaplos sa kanyang likod at habang dumadampi ito sa malambot niyang balat ay mas naginginig pa lalo ang kanyang katawan. “Masakit…” daing niya.Nang mga oras naman na iyon ay tila ba naging walang bigat ang katawan ng dalaga habang nakapakandong sa kaniya kung saan ay tila kasing gaan lamang ito ng papel. Dahil rito ay muli na namang nandilim ang kanyang mga mata. Pilit niyang itinanim sa kanyang isip na bata pa ito.Ilang sandali pa ay kumunot ang kanyang noo at hinawakan ang payat nitong braso at pi naupo nya ito ng tuwid. Ang kamay naman ni Pierce na humawak sa kanyang braso ay mas madiin na ang pagkakahawak doon kaya hindi maiwasan ni Serene na hindi makaramdam ng sakit kaya napakagat-labi na lamang siya at tiniisi iyon at hindi niya sinubukang ibuka ang kanyang bibig upang sabihin rito na nasasaktan siya sa labis na takot.Ibinaba nit
Napaisip siya bigla dahil sa sinabi nito. Bakit naman sana niya hindi sasabihin ang mga iyon e pauulit-ulit siya nitong inalipusta at pinahiya. Nag-isang linya ang mga kilay nito at bakas sa gwapong mukha nito ang galit dahil sa sinabi nito. “Sa tingin mo ba ay dapat na magpasalamat pa ako sa isang tulad mo na pinakasalan kita kahit na peke lamang iyon at dahil lang kay lola? Napakayabang mo. dapat ikaw nga ang magpasalamat sa akin dahil ang katayuan mo ay napakalayo kumpara sa akin.” nagtataas baba ang dibdib nitong sabi sa kaniya.Habang nakatingin naman si Serene sa mukha nito ay bigla niyang naisip na tama naman ito. Napakagat siya sa kanyang labi. “Tama ka, alam ko na kahit na anong kayod pa ang gawin ko ay hinding-hindi ako makakapantay kahit na kailan sa katayuan mo at tama ka rin na dapat akong magpasalamat sayo dahil hindi lahat ng tao ay pwedeng makalapit sa isang kagaya mo pero sa totoo lang, wala sa akin kung ano ang meron sayo at sa pamilya mo. kaya kong magsumikap para m
Napakunot naman ng noo si Mike nang marinig niya ang sinabi ni Serene dahil napakapormal naman ng tawag nito sa kaniya. Napabuntung-hininga siya. “Serene, bakit hindi mo na ako tinatawag na Kuya?” tanong niya rito kung saan ay halong hinanakit din ang kanyang tinig.Dahil rito ay medyo napahiya naman si Serene nang marinig niya ang sinabi nito ngunit agad din naman siyang sumagot rito. “Hindi na ako bata.” sagot niya rito.Noon ay paulit-ulit niya itong tinatawag na kuya at ni hindi niya nakita noon ang mali doon dahil mga bata pa sila. Kung tutuusin ay ilang taon lang naman ang tanda nito sa kaniya at napaka-awkward naman na para sa kaniya kung tatawagin niya pa rin itong kuya hanggang sa mga oras na iyon.Tinititigan naman ni Mike ang batang babae noon ngayon ay dalagang-dalaga na at napakaganda rin, nang makita niya itong muli sa unang pagkakataon ay talaga namang nagulat siya dahil pakiramdam niya ay napakabilis ng panahon. “Tumanda na talaga si Serene, ngunit ang tawagin akong Dr
Sa katunayan, halos ilang araw din siyang nag-isip tungkol doon at ilang beses niyang pinagsabihan ang kanyang sarili na ayaw niya din naman itong makita kaya hindi siya gagawa ng bagay na ikagagalit nito. Mabilis na napailing si Serene, ayaw niyang makita ito at ayaw din siya nitong makita kaya dali-dali siyang tumalikod at sumunod kay Mike.Pumunta sila sa pangalawang palapag kung saan ay tanaw mula doon ang napakagandang ilog. Samantala, nang makita naman si Mike ng waiter ay dali-dali itong ngumiti at pagkatapos dali siyang sumagot. “Same as usual.” sabi nito.Samantala, sa taas ng hagdan ay umakyat din sa pangalawang palapag kasama ang babae. Dali-dali niyang ibinaling ang kanyang ulo sa takot na baka makita siya nito. Ngunit nakita niya na bigla na lang lumingon sa gawi niya ito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng wala sa oras.Sa kabutihang palad ay dumating ang waiter upang maghain ng complimentary bread. Nang lingunin niya muli ang gawi ng hagdan ay wala na ang dalawa
Ngunit sa halip na pakawalan siya nito a humakbang pa ito pasulong sa kaniya kung saan ay patuloy pa siyang napaatras lalo hanggang sa ang kanyang likod ay tuluyan na ngang tumama sa pader at wala na siyang maatrasan pa.Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin rito hanggang sa itaas nito ang dalawa nitong kama at tuluyan ngang iniharang sa kanyang ulo. Matalim ang mga matang nakatingin ito sa kaniya. “Gaano kayo kalapit ng lalaking iyon ha?” tanong nito sa kaniya at masyado na ring malapit ang kanilang distansiya kung saan ay ang hininga nito ay tumatama na halos sa kanyang mukha at masasabi niyang napakabango nito. Sa labis na takot niya ay yumuko siya dahil hindi na niya kayang matagalan pa ang mga mata nito na halos parang patayin na siya dahil sa sobrang talim.Samantala, bukod sa nakita niya na magkayakap ito kanina nang bumaba sila sa sasakyan ay narinig niya rin ang pagbanggit ng lalaki ng pera kaya tiyak na ibinibenta na naman nito ang sarili para sa pera. Pagkatapos ay kung
Dahil medyo natagalan na si Serene sa pagpunta sa banyo ay nag-alala na si Mike kaya tumayo na siya mula sa kanyang kinauupuan at sumunod sa banyo upang tingnan si Serene.Takot na takot naman si Serene at halos manlamig ang buo niyang katawan at mahigpit niyang hinawakan si Pierce sa braso nito at umaasa na titigil na ito sa ginagawa at lalayo na sa kaniya. Narinig niya ang papalapit na mga yabag at halos lumundag ang puso niya nang mga oras na iyon. Sa kagustuhan niyang lumayo ito sa kaniya ay inihanda na niya ang kanyang sarili upang kagatin ito ngunit bigla na lamang siya nitong binitawan at mas hinigpitan pa ang hawak sa kanyang mukha. “May balak ka na namang kagatin ako?” walang emosyong tanong nito sa kaniya.Bago pa man siya makasagot sa tanong nito ay muli lang siya nitong hinalikan ulit at sa puntong iyon ay mas marahas pa kaysa sa nauna kanina na para bang pinaparusahan siya nito sa klase ng paghalik nito sa kaniya. Akala pa naman niya ay lalayo na ito ng tuluyan ngunit it
Sa wakas ay nabawasan na niya ang pagkakautang niya rito. Kinabukasan, nagsimulang maging abala si Serene dahil sa paglilipat ng kanyang ina niya sa nursing home. Sa tulong ng isang doktor ay nagawa niyang ilipat ang kanyang ina sa loob lamang ng isang araw. Kinabukasan ay nakatanggap siya ng isang email mula sa Melencio Designs kung saan ay isa iyong notice of employment at nakasaad din doon na sa lunes na ang umpisa niya.Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan na magiging napakaswerte niya dahil natanggap siya doon. Sa sobrang tuwa niya ay hindi siya nakatulog ng maayos buong gabi. Mabilis na lumipas ang araw at lunes na kaagad. Pinalitan na ni Serene ang kanyang cellphone, ang cellphone na bigay sa kaniya ni Mike. isa pa ay hindi na talaga mapakinabangan pa ang kanyang lumang cellphone dahil halos hindi na ito ma-touch pa. Maaga siyang gumayak at nagtungo sa kumpanya. Pagdating niya ay agad siyang nagpakilala kung saan ay agad naman siyang kinilala nito dahil ibinilin na rin naman