Sa wakas ay nabawasan na niya ang pagkakautang niya rito. Kinabukasan, nagsimulang maging abala si Serene dahil sa paglilipat ng kanyang ina niya sa nursing home. Sa tulong ng isang doktor ay nagawa niyang ilipat ang kanyang ina sa loob lamang ng isang araw. Kinabukasan ay nakatanggap siya ng isang email mula sa Melencio Designs kung saan ay isa iyong notice of employment at nakasaad din doon na sa lunes na ang umpisa niya.Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan na magiging napakaswerte niya dahil natanggap siya doon. Sa sobrang tuwa niya ay hindi siya nakatulog ng maayos buong gabi. Mabilis na lumipas ang araw at lunes na kaagad. Pinalitan na ni Serene ang kanyang cellphone, ang cellphone na bigay sa kaniya ni Mike. isa pa ay hindi na talaga mapakinabangan pa ang kanyang lumang cellphone dahil halos hindi na ito ma-touch pa. Maaga siyang gumayak at nagtungo sa kumpanya. Pagdating niya ay agad siyang nagpakilala kung saan ay agad naman siyang kinilala nito dahil ibinilin na rin naman
Agad na nakita ni Serene ang isang pares ng leather shoes at nang tingalain niya ito ay nakasalubong niya ang mga matalim nitong mga mata na nakatingin sa kaniya. Biglang nanginig ang kanyang mga kamay at ang kinakain niyang tinapay ay bigla na lamang nahulog sa lupa. Pakiramdam niya ay para siyang tinamaan ng kidlat ng mga oras na iyon.Paulit-ulit pa naman niyang sinabi sa sarili niya na dapat ay hindi magkrus ang landas nilang dalawa. Ilang sandali pa ay bigla namang may isa siyang kasamahan ang nasa likod niya kung saan ay dali-dali siya nitong hinila patungo sa gilid. “Serene nakaharang ka sa daan.” sabi nito sa kaniya.Magkahalong gulat at takot ang naramdaman niya at pagkatapos ay dali-daling yumuko rito. “Hello, Mr.Smith…” sabi niya rito.Ang mata mata naman ni Pierce ay bigla na lamang napasulyap sa suot nitong kulay blue na nameplate kung saan ay agad niyang nalaman na ito pala ang exclusive intern ng kumpanya. Pagkatapos niyang sulyapan ito ay dali-dali niya itong nilampasan
Nang mga oras na iyon ay napakalinaw na sa kaniya na para rito ay isa lamang siyang bagay para pagkakitaan nito. Dali-daling nag-init ang sulok ng kanyang mga mata at agad na tumulo ang kanyang luha kung saan ay dali-dali niya din naman itong pinunasan. “Kung wala kayong maipang bayad ay mas mainam na makulong na lang kayo!” malamig na sabi niya rito.Pagkatapos niya lang sabihin iyon ay dali-dali na niyang ibinaba ang telepono. Hindi niya maintindihan talaga kung paano naatim ng kanyang ama na sabihin sa kaniya ang mga bagay na iyon, parang hindi siya nito anak.Napahawak siya sa kanyang didbib upang pakalmahin ang kanyang sarili, dahil napakalakas ng tibok ng puso nito. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga bago tuluyang itinulak ang pinto para umalis. Eksakto namang pagbukas niya ng pinto ay bigla na lamang siyang nakarinig ng mga yabag mula sa itaas. Sa sumunod na sandali ay nakita niya si Pierce na pababa ng hagdan at pagkatapos ay nagtama ang kanilang mga mata. Hindi
Agad naman na natigilan si Serene. Akala niya ay siya lang ang nakapansin nun pero maging pala ito ay napansin ang pagkakahawig ng mga mata nila. Gayunpaman, ang mga mata ng babae ay puno ng ningning at kumpyansa habang ang kanyang mga mata ay puno ng pagkamahiyain dahil na rin sa kawalan niya ng seguridad. “Ngunit maliban doon, ay magkaiba na kayo.” sabi nito at pagkatapos ay sinulyapan ang inosente niyang mukha.“Isa kang hangal sa ginagawa mo at walang kang binatbat sa kaniya at ni hindi makakapantay kahit na kalingkingan niya.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya. Hindi siya nakasagot upang ipaliwanag ang sarili niya dahil mali ang iniisip nito. Dahil rito ay nagpatuloy pa ito. “Kung gusto mo si Mr.Smith ay mas maganda pa na kalimutan mo na yang nararamdaman mo, huwag mo siyang pagpantasyahan pa dahil hinding-hindi ka niya magugustuhan.” patuloy nitong sabi sa kaniya.“Isa pa, hindi yan ang ipinunta mo rito hindi ba? Lumugar ka Serene.” sabi nito sa kaniya.Sa halip naman na sagutin n
Samantala, sa mismong kanto ay hindi naman sinasadyang makita ni Shiela ang eksena kanina na nabangga ni Serene si Pierce at dahil doon ay biglang nagdilim ang kanyang mukha. “Serene, hindi ka talaga marunong sumunod sa pinag-usapan. Napakalakas ng loob mo na akitin si Mr.Smith. Humanda ka.” bulong niya sa kanyang isip habang nakakuyom ang kanyang mga kamay.Nagdire-diretso naman si Serene patungo sa opisina ni Shiela upang ilagay doon ang dala niyang soy milk at steamed buns. Tatalikod na sana siya at akmang paalis nang eksakto namang pumasok ito sa loob ng opisina. “Good morning Miss Shiela.” bati niya rito.Bahagya lang naman itong tumango sa kaniya at naglakad patungo sa mesa nito at pagkatapos ay may ilang dokumentong pinulot mula sa mesa nito at inabot sa kaniya. “Serene, alam kong marami kang gagawin ngayong araw pero pwede mo bang ibigay ang mga papeles nito sa isa nating kliyente mamayamang hapon pag-uwi mo?” tanong nito sa kaniya sa kaswal na tinig.Saglit naman na natigilan
Ilang sandali pa ay muli na naman niyang narinig ang tinig ng katabi ni Mr.Francisco. “Bata, mukhang napaka-ignorante mo yata? Hindi mo ba talaga kayang pagbigyan ang gusto niya? Alam mo ba kung anong mangyayari kapag hindi niya pinirmahan ang pinapipirmahan mo? Kaya mo bang bayaran iyon ha?” muli nitong tanong sa kaniya.Biglang namang napakagat-labi si Serene nang marinig niya ang sinabi nito. Iyon ay milyon-milyon at kung sakali ngang mawala iyon dahil lang sa pagtanggi niyang uminom ay tiyak na hindi niya iyon mababayaran, idagdag pa na ma posibilidad na mawalan siya ng trabaho kapag nagkataon.“Pasensya na po Mr.Francisco dahil sa inasal ko.” sabi niya at pagkatapos ay dali-dali na nga niyang pinulot ang baso ng alak sa kanyang harap at inisang lagok iyon at napapikit lalo na nang gumihit ang init sa kanyang lalamunan.Ilang sandali pa ay narinig niya ang masayang tinig ni Mr.Francisco pagkatapos niyang ilapag ang baso sa mesa at agad niyang pinunasan ang kanyang bibig. “Yan, gan
Agad naman na natigilan si Sharmaine nang marinig niya ang sinabi nito. “Pierce, anong ibig mong sabihin? Hindi ba at kakain pa tayo? Pagkatapos ay iinom?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.Wala namang ekspresyon ang mukha ni Pierce na nakatingin sa kaniya. “Pasensya na pero may gagawin pa pala ako at wala akong oras para uminom.” malamig na sagot nito sa kaniya.Hindi naman lubos maisip ni Sharmaine kung bakit bigla-bigla na lamang nagbago ang isip nito. Napasimangot siya. “Pierce naman, pagkatapos nating uminom ay handa akong paligayahin ka, alam mo ba iyon?” pinalambot niya ang kanyang tinig sa pag-aakalang magbabago ang isip nito.Bigla namang nandilim ang mga mata ni Pierce at puno ng pagkasuklam ang kanyang gwapong mukha nang bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niyang inilabas iyon at tiningnan at nakita niya galing iyon kay Beatrice. Wala sana siyang balak pansinin iyon kung hindi lang dahil sa mensahe nito.Agad na napataas ang kanyang noo at nagsalub
Samantala, sa isang madilim na silid ay naramdaman ni Serene ang pagbuhos ng maligamgam na tubig sa kanyang muka kaya nagising siya at dali-dali niyang idinilat ang kanyang mga mata. Pagkamulat niya ay bigla niyang naramdaman na para bang may kakaiba sa katawan niya at pakiramdam niya ay tila sinisiliaban ang buong katawan niya.“Gising ka na pala.” narinig niya ang tinig na iyon kaya dali niya itong nilingon. Nakita niya si Mr.Francisco na tumayo at nakangiti.Dahil rito ay agad na nanigas si Serene at pagkatapos ay nagtanong. “Nasaan ako?” tanong niya.“Sa hotel.” mabilis naman na sagot nito sa kanya. “Nalasing ka kanina kaya dinala kita rito para makapagpahinga ka.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Hindi naman naniwala si Serene rito, idagdag pa na kaunti lang ang nainom niya at kung tutuusin ay wala pang kalahating baso iyon. Noong huli ngang uminom siya ay nakaapat pa siyang baso ngunit may naaalala pa siya pero ngayon ay wala siya halos maalala kahit na nang dalhin siya sa hotel