Share

Chapter 0042

Agad naman na natigilan si Sharmaine nang marinig niya ang sinabi nito. “Pierce, anong ibig mong sabihin? Hindi ba at kakain pa tayo? Pagkatapos ay iinom?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.

Wala namang ekspresyon ang mukha ni Pierce na nakatingin sa kaniya. “Pasensya na pero may gagawin pa pala ako at wala akong oras para uminom.” malamig na sagot nito sa kaniya.

Hindi naman lubos maisip ni Sharmaine kung bakit bigla-bigla na lamang nagbago ang isip nito. Napasimangot siya. “Pierce naman, pagkatapos nating uminom ay handa akong paligayahin ka, alam mo ba iyon?” pinalambot niya ang kanyang tinig sa pag-aakalang magbabago ang isip nito.

Bigla namang nandilim ang mga mata ni Pierce at puno ng pagkasuklam ang kanyang gwapong mukha nang bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niyang inilabas iyon at tiningnan at nakita niya galing iyon kay Beatrice. Wala sana siyang balak pansinin iyon kung hindi lang dahil sa mensahe nito.

Agad na napataas ang kanyang noo at nagsalub
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status