Nang mga oras na iyon ay nanatili pa ring nakayakap si Serene sa matigas na dibdib ni Pierce at ang apoy sa kanyang katawan ay mas lalo pang tumindi. Wala siyang ibang gustong gawin ng mga oras na iyon kundi ang hubarin ang suot niyang damit dahil naiinitan siya ng sobra at hindi siya komportable. Idagdag pa ay ang amoy nito na para bang mas lalo pang nagpapasiklab sa init na nararamdaman niya dahilan para mas lalo pa niyang ilapit ang sarili niya rito. Gusto niya ang pakiramdam na halos magkadikit na ang mga balat nila halos at hindi niya alam kung dahil ba iyon sa epekto ng alak na ipinainom sa kaniya kanina o dahil sa kung anuman pa.Hindi niya rin alam kung ano ba ang sumapi sa utak niya at nang ibuka niya ang kanyang bibig ay napakalambing ng kanyang tinig at mukhang nang-aakit. “Asawa… hindi ako komportable ngayon…” sabi niya at halos mapaiyak. Para ba siyang sinapian at hindi niya kayang pigilin ang emosyon niya. Ang kanyang tinig ng mga oras na iyon ay tila namamaos at higit s
Nang muling magkalapit ang mga labi nila ay mas tumindi pa lalo ang init na lumukob sa kanilang dalawa, ngunit si Pierce nang mga oras na iyon ay nagkaroon ang isang reyalisasyon. Ang pakiramdam niya ngayon at nang gabing iyon ay magkapareho. Ganitong-ganito din ang naramdaman niya ng mga oras na iyon. Dahil rito ay pinilit niyang lumayo rito at pagkatapos ay hinawakan niya ang mga braso nito at nagtanong sa paos na tinig. “Sabihin mo sa akin, kanino mo unang ibinigay ang sarili mo?” tanong niya rito.Samantala, agad naman na napailing si Serene nang marinig niya ang tanong nito. Nag-iwas din siya ng tingin ngunit hinawakan nito ang kanyang baba at pilit na tinitingnan siya nito sa kanyang mga mata. “Sabihin mo sa akin. Gusto kong malaman kung kanino mo inalay ang sarili mo sa unang pagkakataon?” tanong nito muli sa kaniya.Agad siyang natigilan at sobrang lakas ng kabog ng kanyang didbib. “Isang-isang taong katulad ng buwan…” mahinang sagot niya rito. Para kasi sa kaniya, si Pierce a
Samantala, sa banyo ay agad na niyang tinanggal ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan nang tuluyan na niyang maisara ang pinto. Agad niyang nakita ang nagkalat na mga kiss mark sa buong katawan niya at hindi niya tuloy maiwasan ang muling pag-initan ng pisngi lalo pa at muli niyang naalala ang mga nangyari kagabi, kung paano siya nagmakaawa rito.Bagamat iniligtas siya nito mula sa matandang iyon ay ito naman mismo ang ang pinag-alayan niya ng kanyang katawan ng buong puso at siya pa halos mismo ang humiling sa bagay na iyon. Ilang sandali pa nga ay inumpisahan na niya ang kanyang paliligo at nagbabad ng ilang minuto sa ma bathtub para kahit na papano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam.Nang matapos siyang maligo ay agad siyang nagbihis at lumabas ng banyo. Paglabas niya ay nakita niya si Pierce na nakaupo sa may sofa at may kausap ito sa cellphone nito. Nang makita siya nitong lumabas ay napatitig ito sa kaniya at pagkatapos ay sinenyasan siya nito na maupo na muna sa kama at hi
Ang mga sinabi nito ay nagsilbing isang insulto sa pandinig ni Serene. Sa mga mata nito ay isa lang siyang babaeng magiging parausan nito kung kailan nito siya gustong gamitin at kung kailan mag-iinit ang katawan nito. Taas noo siyang tumingin rito. “Ayoko.” pagmamatigas niya rito.“Wala akong ibang masasabi kundi ang pag-isipan mo ng mabuti. Hindi porket interesado ako sayo ngayon ay palagi na lang akong magiging interesado sayo.” malamig na sabi nito sa kaniya. “At isa pa, hindi ba at iyon naman talaga ang ginusto mo?” tanong pa nito sa kaniya.Agad na namang nagsalubong ang mga kilay ni Serene. Hindi niya maintindihan ito. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya habang nakakunot ang noo.“Lumapit ka kay lola at naghintay ng pagkakataon para pakasalan ako dahil hindi lang para sa pera hindi ba?” muling tanong nito sa kaniya.Naging mabigat ang paghinga ni Serene at ang kanyang katawan ay biglang nanlamig. Ibig sabihin ay ganun ang nasa isip nito, na plinano niya ang lahat ng iyon par
Pagkatapos na umalis ni Shiela sa kanyang harapan ay napahawak si Serene sa kanyang dibdib. Si Shiela ay nagsilbing Director sa loob ng maraming taon. Kahit na mataas ang naging posisyon nito sa kumpanya at intern lamang siya ay nasa tama siya kaya kailangan niyang itama ang mali nito. Nang mag-angat siya ng kanyang ulo ay agad niyang nakita ang gwapong mukha ng lalaking nasa harap niya. Dahil doon ay biglang nanlamig ang buong katawan ni Serene.“Sir nandito na po pala kayo… good morning po.” ibinaba niya ang kanyang ulo upang batiin ito. Hindi niya alam kung kanina pa ba ito doon o kararating lamang nito. Tumabi siya daan lalo na nang marinig niya ang mga yabag nito at hindi nagtagal ay huminto ito ng ilang segundo ngunit pagkalipas lang ng ilang segundo ay hindi na niya nahintay pa ang reaksiyon nito dahil nilampasan na siya nito at umalis na nang tuluyan sa harap niya.Dahil rito ay nagmamadali naman siyang nagpunta sa opisina at naupo sa kanyang mesa upang gawin na ang kanyang mg
Ilang sandali pa ay napabuntung-hininga si Pierce at pagkatapos ay itinuro sa kaniya ang Tv na nasa harap ng kama. “Manood ka na nga lang muna ng mga pelikula.” sabi nito at pagkatapos lang nitong sabihin iyon ay bigla na lamang may kumatok sa pinto.Agad na naglakad si Serene patungo sa pinto at binuksan iyon. Pagbukas niya ay nakita niya doon aling Nena ang kasambahay ng pamilya. Nakita niyang may hawak itong tray na may lamang mangkok. “Ah ma’am ito na po ang ipinaluto ni madam na soup at ang sabi niya ay paborito daw po ito ni sir. Hindi na po ako papasok, kayo na lang po ang magpakain nito kay sir at bababa din po kaagad. Babalik na lang po ako ulit para kunin ang mangkok.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na tumango si Serene at pagkatapos ay kinuha na niya ang tray mula sa kamay nito. “Salamat po.” nakangiting sabi niya rito. Tumango lang din naman ito sa kanya at pagkatapos ay tumalikod na. Dali-dali naman siyang pumasok na sa silid at ibinaba ang dala niya sa ibabaw ng mesa at
Pagkatapos niyang maligo ay biglang nahiya si Serene dahil wala siyang suot sa ilalim ng kanyang roba. Ang suot niya kanina ay nilabhan niya lang pagkatapos niyang maligo at isinampay sa banyo. Basa pa naman ito kaya hindi niya pa iyong maisuot. Napakagat labi na lamang siya bigla at nakaramdam ng pagkalito.Napalunok siya. Kailangan niya bang lumabas ng ganuon? Na naka-bathrobe lang siya? Pagkaraan ng ilang sandali ay napabuntung-hininga na lamang siya at binuksan ang pinto ng banyo at lumabas.Nakasandal naman si Pierce sa kama habang nagbabasa ito at ni hindi man lang nag-angat ng tingin ito nang marinig nitong lumabas na siya mula sa banyo. Tahimik siyang naglakad patungo sa sofa at kumuha ng dalawang tuyong twala upang maging kumot nia at dire-diretsong nahiga na siya rito. “Patayin mo ang ilaw.” biglang sabi nito at nang marinig niya ito ay nanlamig ang buo niyang katawan bigla sa loob ng ilang segundo.Sa mga oras na iyon a bigla na lamang silang nakarinig ng pag-ubo mula sa la
Tumingin naman si Pierce sa kanyang maliit na bibig na bahagyang nakabukas at pagkatapos ay bigla siyang napalunok. Ang kanyang adams apple ay nagtaas baba. “Hindi mo ba talaga alam?” tanong niya rito.Mabilis naman na umiling si Serene dahil sa naging tanong nito. Wala talaga siyang alam.“Alam mo na ang soup na pinilit mong ipinainom sa akin ay may gamot? At iyon ay pangpagana sa kama…” mahinang bulong nito sa kaniya.Nang marinig ito ni Serene ay agad na namula ang kanyang mukha. Hindi niya alam na may halong gamot pala iyon at kung alam niya lang ay hindi niya hahayaang inumin nito iyon. Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang sinabi nito kanina na kung magkaroon man siya ng problema dahil sa pag-inom nito doon ay dapat niyang panagutan iyon lalo pa at siya ang pumilit na uminom nito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya. “Pwede bang bumangon na muna ako?” mahinang tanong niya rito.Dahil kakaiba ang pagkakahiga n