Nang magising si Serene ay sumisikat na ang araw sa may labas ng bintana. Inilibot niya ang kanyang tingin sa hindi pamilyar na lugar at ilang segundo pa ang dumaan bago niya naalala na nasa mansyon nga pala siya ng mga Smith. Ilang sandali pa ay nilingon niya ang kanyang tabi at medyo may naiwang bakas pa doon na nagpapahiwatig na may nahiga doon. Ibig lang sabihin ay sa iisang kama lang sila natulog na dalawa. Dahil rito ay agad na nag-init ang pisngi ni Serene lalo na nang maisip niya na hindi lang pala siya mag-isa ang natulog sa kama. Dali-dali siyang bumaba ng kama at nagtungo sa banyo upang maghanap ng pwede niyang maisuot. Mabuti na lamang at may damit na sa mga cabinet ng mga oras na iyon kaya dali-dali siyang nagbihis at naghilamos na rin. Nagsuklay din siya dahil bahagyang gulo-gulo ang kanyang buhok bago niya napagpasyahang lumabas na ng silid.Paglabas niya sa silid ay bababa na sana siya ngunit narinig niya ang galit na tinig ng matanda mula sa sala sa second floor kung s
Hindi mapigilan ni Pierce na mapapikit ang kanyang mga mata. Ano ang ibig nitong sabihin sa sinabi nito? Mabilis siyang napanguso. “You do know how to settle accounts, pero alam mo ba kung paano ako nagsumikap para lang matulungan ka ng gabing iyon? At kagabi, iyon na iyon? Ni hindi mo man lang ako binigyan ng full meal. How about you pay me back?” tanong niya rito.Nang marinig iyon ni Serene ay agad na namula ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahan na ganun na lang kadali para rito na sabihin ang mga salitang iyon. nag -isip siya ng pwede niyang sabihin rito at nakapag-isip din naman siya kaagad. “Kung kailangan mo talaga, pwede ka namang magka-girlfriend at huwag mo ng isipin si lola, hindi ko sasabihin sa kaniya.” sabi niya rito.Natigilan naman ng ilang segundo si Pierce bago unti-unting nagdilim ang kanyang gwapong mukha nito. Napakalakas ng loob nito at halos ipagtulakan isya nito sa ibang babae at pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay nakakababa iyon. Nagtagis ang kanyang mg
Sa sumunod na pag-ikot ng bote ay nagulat siya nang tumigil ang bote sa tapat niya. Ilang sandali pa ay nakita niya ang pagngiti sa kaniya ni ALliyah. “Serene, truth or dare?” tanong nito sa kaniya.Agad na napalunok si Serene dahil sa tanong nito sa kaniya. Alam niya sa sarili niya na hindi niya makakayang sagutin ang mga tanong ng mga ito kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang piliin ang dare. Pinagdikit niya ang kanyang mga labi bago siya sumagot. “Dare.” sagot niya rito.Ilang sandali pa ay lumingon si Alliyah sa kabilang mesa at pagkatapos ay nakangiting nagsalita. “Pumunta ka sa kabilang mesa at kuhanin ang isa sa mga number ng mga naroon.” sabi nito sa kaniya. Napalunok si Serene. Hindi niya kilala ang mga nasa kabilang mesa dahil hindi pa siya doon lumilingon.Samantala, sa kabilang side kung nasaan sila ay nakaupo doon sina Pierce at Connor. Nakita niya na patingin-tingin sa kanila si Serene at kaya si Connor ay napalingon na rin rito. Ilang sandali pa ay napangisi si C
Magkasalubong naman ang mga kilay ni Pierce nang mga oras na iyon at pilit na pinipigilan ang kanyang emosyon. Mas gugustuhin pa talaga ng babaeng iyon na hingin ang number ng isang tao na hindi niya naman lubos na kilala kaysa kaniya. Napakagaling talaga nito!Gayunpaman ay nakita niya na napahimas si Connor sa baba nito na para bang nag-aalala. “Hmm, pero ang ganda niya ah lalo na ang mga mata nito. Napaka-mapang-akit.” sabi nito bigla. Dahil sa sinabi nito ay napahigpit naman ang hawak niya sa baso kung saan ay bigla na lang iyong nabasag habang hawak niya at bumagsak sa sahig.Gulat na gulat naman bigla si Connor at napatingin rito. “Pierce?” tanong niya upang alamin kung ano ang naging problema.Walang ekspresyon ang mukha nitong sumagot. “Burahin mo ang number niya.” sabi nito sa kaniya.Agad na nagsalubong naman ang kilay ni Connor nang marinig niya ang sinabi nito sa kaniya. “What? Bakit? Bakit ko naman buburahin?” naguguluhang tanong niya rito.“Dahil hindi ko pinapayagan na
Samantala, pagkatapos nilang maglaro ay pumunta sila sa pool area na nasa pangalawang palapag lang din naman at nang makita niya ang kanyang mga kasamahan na nagsasaya at nag-eenjoy sa pagkuha ng mga larawan ay nanatili lamang siya doong nakaupo.“Akala ko pa naman ay napaka-inosente niya, yun pala ay napakamapaglaro niya.” sabi ni Connor kay Pierce na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin natatapos sa pagdradrama nito.“Uminom ka na nga lang. Ang dami mo pang sinasabi diyan.” malamig naman na sabi ni Pierce rito. Sa kaiingay nito ay maging siya ay hindi maiwasang mainis.Agad naman na tumahimik si Connor pagkatapos dahil sa takot na baka mas lalo pang magalit si Pierce. Itinaas niya ang kanyang kamay upang magtawag ng waiter upang magdala muli ng isang panibagong baso. Nang dumating ito doon ay ipinagsalin sila ng alak nito.Agad niya naman iyong ibinigay kay Pierce. Agad naman nitong kinuha iyon at ininom na walang ekspresyon ang mukha. Pagkatapos lamang nitong humigop ng ala
Inihatid ni Mike si Serene sa ikaapat na palapag, dahil nga alam niyang nanghihina si Serene ay sa pangalawang palapag na sila sumakay ng elevator. Nang maihatid siya ni Mike sa tapat ng kanyang silid ay tumayo na ng tuwid si Serene at bahagyang lumayo siya rito. “Mike, salamat sa paghatid mo sa akin rito.” sabi niya rito.“Serene, mukhang napakaganda ng kumpanyang napasukan mo.” nakangiting sabi ni Mike rito lalo na at alam niya ang ikaapat na palapag na iyon ay naroon ang mga pinakamahal na silid sa hotel na iyon. Pagkatapos ay ngumiti siya. Ilang sandali pa nga ay napatitig siyang muli sa mukha ni Serene at nang makita niyang mapula pa rin ito ay agad na siyang nagpaalam rito. “Pumasok ka na at magpahinga. Kapag may kailangan ka pa ay tawagan mo lang ako.” sabi niya rito.“Okay, sige. Salamat.” sabi niya rito.Tumalikod na rin si Mike pagkatapos at siya naman ay pumasok na rin sa kanyang silid at eksakto rin naman dumaan ang tagapaglinis ng mga silid sa kanyang tapat at binati pa s
Nang marinig ito ni Pierce ay parang tinamaan ng kidlat ang buong katawan niya. Kaya ba ito uminom noon ng husto at nagta-trabaho ito ng part time sa mall at nagtiis itong mabugbog dahil lang sa pera at tiniis nito ang lahat ng iyon para lang mabayaran siya?Pero ano ang dahilan ng pakikipaglapit nito sa kanyang lola noong una kung hindi lang para sa pera? Ang mga mata ni Pierce ay biglang kumislap ang mga mata niya dahil sa kagustuhan niya pang magtanong ulit rito. Siguro ay ginawa lang nito iyon dahil gusto nitong maglaro at maging dahilan iyon para makahuli ito ng mayamang lalaki. O baka may lalaki na ito ngunit ayaw niya lang itong banggitin sa kaniya.“Mr. Smith pwede mo na ba akong bitawan?” tanong ni Serene rito lalo na at nakasuot siya ng damit na halos wala ng matakpan ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Nang mag-isip ng ilang segundo ay muli na naman siyang nagsalita. “Wala na akong utang sayo ngayon kaya mas mabuti na magkaroon tayo ng distansiya.” sabi niya rito.Ang ka
Napakagat sa mga labi si Pierce. “Kung ayaw mo ng pera ay sabihin mo kung anong gusto mo. kahit na ano. Pwede ka ring maging isang first-class na designer basta maging masunurin ka lang.” sabi niya rito.Dahil naman sa sinabi nito ay mas lalo pang nagalit si Serene. Sobra siya nitong insultuhin at gusto nitong gawing walang kabuluhan ang kanyang ginawang pag-aaral sa loob ng ilang taon? Mabilis na sumabog ang kanyang pinipigilang emosyon. Dali-dali niya itong itinulak bigla at itinaas ang kamay at sinampal ito. Ang malutong na tunog dahil sa kanyang pagsampal ang umalingawngaw sa loob ng silid.Naging marahas din ang kanyang paghinga dahil sa pinipigilan niyang galit at maging ang kanyang mga mga mata ay namumula na sa galit. “Nakakadiri ka!” sigaw niya rito.Biglang lumamig sa loob ng silid. Tinitigan siya nito ng mapanganib na para bang gusto siya nitong sakalin na lang bigla. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na hindi pa ipinapanganak ang mangangahas na sampalin ako?” malamig at nakak