Samantala, pagkatapos nilang maglaro ay pumunta sila sa pool area na nasa pangalawang palapag lang din naman at nang makita niya ang kanyang mga kasamahan na nagsasaya at nag-eenjoy sa pagkuha ng mga larawan ay nanatili lamang siya doong nakaupo.“Akala ko pa naman ay napaka-inosente niya, yun pala ay napakamapaglaro niya.” sabi ni Connor kay Pierce na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin natatapos sa pagdradrama nito.“Uminom ka na nga lang. Ang dami mo pang sinasabi diyan.” malamig naman na sabi ni Pierce rito. Sa kaiingay nito ay maging siya ay hindi maiwasang mainis.Agad naman na tumahimik si Connor pagkatapos dahil sa takot na baka mas lalo pang magalit si Pierce. Itinaas niya ang kanyang kamay upang magtawag ng waiter upang magdala muli ng isang panibagong baso. Nang dumating ito doon ay ipinagsalin sila ng alak nito.Agad niya naman iyong ibinigay kay Pierce. Agad naman nitong kinuha iyon at ininom na walang ekspresyon ang mukha. Pagkatapos lamang nitong humigop ng ala
Inihatid ni Mike si Serene sa ikaapat na palapag, dahil nga alam niyang nanghihina si Serene ay sa pangalawang palapag na sila sumakay ng elevator. Nang maihatid siya ni Mike sa tapat ng kanyang silid ay tumayo na ng tuwid si Serene at bahagyang lumayo siya rito. “Mike, salamat sa paghatid mo sa akin rito.” sabi niya rito.“Serene, mukhang napakaganda ng kumpanyang napasukan mo.” nakangiting sabi ni Mike rito lalo na at alam niya ang ikaapat na palapag na iyon ay naroon ang mga pinakamahal na silid sa hotel na iyon. Pagkatapos ay ngumiti siya. Ilang sandali pa nga ay napatitig siyang muli sa mukha ni Serene at nang makita niyang mapula pa rin ito ay agad na siyang nagpaalam rito. “Pumasok ka na at magpahinga. Kapag may kailangan ka pa ay tawagan mo lang ako.” sabi niya rito.“Okay, sige. Salamat.” sabi niya rito.Tumalikod na rin si Mike pagkatapos at siya naman ay pumasok na rin sa kanyang silid at eksakto rin naman dumaan ang tagapaglinis ng mga silid sa kanyang tapat at binati pa s
Nang marinig ito ni Pierce ay parang tinamaan ng kidlat ang buong katawan niya. Kaya ba ito uminom noon ng husto at nagta-trabaho ito ng part time sa mall at nagtiis itong mabugbog dahil lang sa pera at tiniis nito ang lahat ng iyon para lang mabayaran siya?Pero ano ang dahilan ng pakikipaglapit nito sa kanyang lola noong una kung hindi lang para sa pera? Ang mga mata ni Pierce ay biglang kumislap ang mga mata niya dahil sa kagustuhan niya pang magtanong ulit rito. Siguro ay ginawa lang nito iyon dahil gusto nitong maglaro at maging dahilan iyon para makahuli ito ng mayamang lalaki. O baka may lalaki na ito ngunit ayaw niya lang itong banggitin sa kaniya.“Mr. Smith pwede mo na ba akong bitawan?” tanong ni Serene rito lalo na at nakasuot siya ng damit na halos wala ng matakpan ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Nang mag-isip ng ilang segundo ay muli na naman siyang nagsalita. “Wala na akong utang sayo ngayon kaya mas mabuti na magkaroon tayo ng distansiya.” sabi niya rito.Ang ka
Napakagat sa mga labi si Pierce. “Kung ayaw mo ng pera ay sabihin mo kung anong gusto mo. kahit na ano. Pwede ka ring maging isang first-class na designer basta maging masunurin ka lang.” sabi niya rito.Dahil naman sa sinabi nito ay mas lalo pang nagalit si Serene. Sobra siya nitong insultuhin at gusto nitong gawing walang kabuluhan ang kanyang ginawang pag-aaral sa loob ng ilang taon? Mabilis na sumabog ang kanyang pinipigilang emosyon. Dali-dali niya itong itinulak bigla at itinaas ang kamay at sinampal ito. Ang malutong na tunog dahil sa kanyang pagsampal ang umalingawngaw sa loob ng silid.Naging marahas din ang kanyang paghinga dahil sa pinipigilan niyang galit at maging ang kanyang mga mga mata ay namumula na sa galit. “Nakakadiri ka!” sigaw niya rito.Biglang lumamig sa loob ng silid. Tinitigan siya nito ng mapanganib na para bang gusto siya nitong sakalin na lang bigla. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na hindi pa ipinapanganak ang mangangahas na sampalin ako?” malamig at nakak
Isang hapon, habang nasa coffee room at bigla siyang kinalabit ni Alliyah. “Serene, nakita mo ba yung babaeng pumasok kanina sa opisina ni Mr. Smith kaninang tanghali?” tanong nito sa kaniya.Ito ang unang pagkakataon na may babaeng pumunta sa ospina ng kanilang boss simula nang dumating ito sa kumpanya. Dahil doon, lahat ng tao sa opisina ay iyon na lang ang pinag-usapan. Mabilis na umiling si Serene. Hindi niya ito nakita dahil napaka-abala niya sa kanyang trabaho.Napatango-tango naman si Alliyah dahil sa sagot niya. “Alam mo, medyo maganda siya. Isa pa ay mukha siyang anak mayaman at napaka-sexy din niya. Gusto pala ni Mr. Smith ang mga ganung itsura. Panigurado kapag siya nagpakasal, napakarami ang masasaktan.” sabi nito at pagkatapos nun ay sabay na silang lumabas doon pagkatapos.Habang naglalakad, biglang napatingin si Serene sa opisina ni Pierce ng wala sa oras at sa sandaling iyon ay bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina. Nakita niya na lumabas mula doon si Pierce na m
Muli siyang nag-dial sa pangalawang pagkakataon at sa pagkakataong iyon ay si Beatrice naman ang tinawagan niya. Ang pinsan ni Pierce. Nakadalawang ring muna bago nito sinagot ang tawag niya. Hindi na niya hinintay pa na magsalita ito dahil siya na ang naunang nagsalita. “Beatrice, ako ito si Sharmaine at halos kararating-rating ko lang galing saibang bansa at may nakita akong bag na bagay na bagay sayo. Nasaan ka ngayon? Ihahatid ko ito sayo.” sabi niya rito.“Ah, sige. Magkita tayo.” sagot naman nito kaagad at nang ibaba niya ang tawag ay agad na naging matalim ang mga mata niya. Humanda ka Pierce, bulong niya sa isip-isip niya.Sa sumunod na araw, pumunta si Serene sa nursing home upang bisitahin ang kanyang ina sa umaga upang matapos niya ang kanyang mga iginuguhit naman sa hapon. Habang abala siya sa kanyang ginagawa ay halos hindi na niya namamalayan pa ang pagdaan ng oras hanggang sa naputol ang kanyang konsentrasyon nang mag-ring ang kanyang cellphone. Agad niyang tiningnan ku
Sa ward, nang maisara nag pinto ay tuluyan nang itinapon ng kanyang ama ang pagpapanggap nito at pagkatapos ay idinuro siya nito. “Ikaw na walang hiyang babae ka! Bakit sa tingin porque nakapag-aral ka kung sino ka na kung umasta ha? Anong ipinagmamalaki mo? Samantalang kung tutuusin ay nakapag-aral ka lang naman dahil sa pagbenta ng sarili mo sa mga lalaki! Pwe!” sabi nito sa kaniya at ang tono ng boses nito ay diring-diri pa.Sinong mag-aakala na ang mga maruming salita na mga iyon ay sa sarili niyang ama pa manggagaling. Matapos ng ilang taon na pagtitiis sa ugali nito ay hindi na niya napigilan pang sagut-sagutin na ito. “Ginagawa mo ang lahat ng ito para lang sa pera hindi ba? Sabihin niyo, magkano ang kailangan ninyo?” malamig na tanong niya rito.Ang kanyang mga naging salita ay bigla namang nagpabuhay sa dugo nito at pagkatapos ay biglang umamo ang mukha nito. “Ang beywang ko ngayon ay talagang hindi na mapakinabangan at halos hindi na ako makapagtrabaho pa kaya hindi ko alam
Ilang sandali pa ay unti-unting bumaba ang bintana ng kotse at agad niyang nakita ang nakakasurang mukha ni Reid. “tingnan mo nga naman, hindi ko inaasahang makikita ko ang isang napakagandang dilag na gaya mo rito ngayon.” sabi nito at pagkatapos ay bumaba ito ng kotse.Agad naman na sumimangot si Serene at pagkatapos ay hindi niya ito pinansin. Tinalikuran niya ito at pagkatapos ay humakbang. Sa daki ng taong pwede niyang makita ng mga oras na iyon ay ito pa talaga. Nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang maramdaman na niyang hinawakan nito ang kanyang pulso. “Saan ka ba pupunta at mukhang nagmamadali ka?” tanong nito sa kaniya.Dali-dali niyang hinila ang kamay niya mula rito ngunit nanatiling mahigpit ang hawak nito doon. Ayaw niya sana itong kausapin ngunit wala siyang choice. Umikot ang kanyang mga mata sa sobrang inis. “Wala kang pakialam.” malamig na sagot niya rito. “At isa pa, pwede bang bitawan mo ako at kung hindi ay sisigaw ako rito.” sabi niya.Ngunit sa halip na bita