Share

Chapter 0057

Samantala, pagkatapos nilang maglaro ay pumunta sila sa pool area na nasa pangalawang palapag lang din naman at nang makita niya ang kanyang mga kasamahan na nagsasaya at nag-eenjoy sa pagkuha ng mga larawan ay nanatili lamang siya doong nakaupo.

“Akala ko pa naman ay napaka-inosente niya, yun pala ay napakamapaglaro niya.” sabi ni Connor kay Pierce na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin natatapos sa pagdradrama nito.

“Uminom ka na nga lang. Ang dami mo pang sinasabi diyan.” malamig naman na sabi ni Pierce rito. Sa kaiingay nito ay maging siya ay hindi maiwasang mainis.

Agad naman na tumahimik si Connor pagkatapos dahil sa takot na baka mas lalo pang magalit si Pierce. Itinaas niya ang kanyang kamay upang magtawag ng waiter upang magdala muli ng isang panibagong baso. Nang dumating ito doon ay ipinagsalin sila ng alak nito.

Agad niya naman iyong ibinigay kay Pierce. Agad naman nitong kinuha iyon at ininom na walang ekspresyon ang mukha. Pagkatapos lamang nitong humigop ng ala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status