Share

Chapter 0058

Inihatid ni Mike si Serene sa ikaapat na palapag, dahil nga alam niyang nanghihina si Serene ay sa pangalawang palapag na sila sumakay ng elevator. Nang maihatid siya ni Mike sa tapat ng kanyang silid ay tumayo na ng tuwid si Serene at bahagyang lumayo siya rito. “Mike, salamat sa paghatid mo sa akin rito.” sabi niya rito.

“Serene, mukhang napakaganda ng kumpanyang napasukan mo.” nakangiting sabi ni Mike rito lalo na at alam niya ang ikaapat na palapag na iyon ay naroon ang mga pinakamahal na silid sa hotel na iyon. Pagkatapos ay ngumiti siya. Ilang sandali pa nga ay napatitig siyang muli sa mukha ni Serene at nang makita niyang mapula pa rin ito ay agad na siyang nagpaalam rito. “Pumasok ka na at magpahinga. Kapag may kailangan ka pa ay tawagan mo lang ako.” sabi niya rito.

“Okay, sige. Salamat.” sabi niya rito.

Tumalikod na rin si Mike pagkatapos at siya naman ay pumasok na rin sa kanyang silid at eksakto rin naman dumaan ang tagapaglinis ng mga silid sa kanyang tapat at binati pa s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status