At a young age, Faerie White feels less than free. As the oldest daughter of the struggling White family, she is used to being trampled on by her powerhungry father, her jealous stepmother, and her wicked half-sister-all those would-be conquerors within the family. With her dear mother literally hanging onto life and with imminent financial ruin hovering over the family like a dark storm cloud, Fae is given an icy ultimatum: either marry a notorious first-class playboy or subject her own mother to wait until medical attention comes to a standstill. But then, life has a different direction that it can take her. Richard Gold is the wheelchair-bound heir no one takes seriously. Fae sees something else in him: a man with fire behind those silent eyes. In an offer that has him proposing a marriage of convenience and also offering to cover her mother's medical expenses, Fae produces a life-altering decision. What she doesn't expect, however, is that Richard's secret power isn't the hobbled recluse that everyone assumes that he is. He hides from a world that determines his worth purely based on his status as the secret power behind a multi-billion empire. Unknowingly, Fae has married the king of it all. As she evolves from drowning daughter to dominating wife, Fae learns to wield power in her own right. Taking on corporate espionage, family betrayal, and identity theft in the heat of a high-end kitchen. Through love, lies, and freedom wars, she destroys all the lies that once chained her down. But when the ultimate secret drops-about her real father and the fortune she is about to inherit the enemies come rising from every corner and even love will have to be put to the test.
View MoreNapalingon din ang lahat sa direksyon, nakita nila ang isang lalaking nakatayo sa pinto.Napansin ng lalaki ang kakaibang tensyon sa silid at mga titig na parang may mali."Anong ginagawa mo sa silid na ito?" Malamig na tanong ni Chase, "hindi mo ba alam na ginagamit pa ang silid?""A-ah... pasensya na po sir," alanganing sabi ng janitor, "akala ko po kasi natapos nang gamitin ang silid dahil oras na ng tanghalian."Napakamot ng ulo ang lalaki, halatang nahihiya."Babalik na lang po ako mamaya," sabay yuko niya bilang paghingi ng paumanhin bago isinara ang pinto at mabilis na umalis bitbit ang kanyang mop."Tsk!" Napanguso si Jane, halatang inis na nainis dahil sa pagkaantala ng eksena.Muling tumingin si Chase kay Fae, kinapalan ang mukha at inuulit ang tanong."So… ano na, Ms. Faerie? Kapag pumayag ka, pwede ka na mag-start agad sa office ko, ngayon din." Sabay ngisi.Nagpipigil ng galit si Fae, ramdam niya ang init ng kanyang tainga, ngunit alam niyang kailangan niyang makapasok sa
Pumasok ang isang dominating na lalaking nasa edad singkwenta. Malapad ang balikat, seryoso ang aura, at halatang sanay mag-utos. Napangiti si Jane, halatang nabuhayan ng loob nang makilala ang bagong dating."Tito Chase!" mabilis niyang bati, halos nagtatatalon sa saya.Tumayo rin agad ang dalawang nag-iinterview at magalang na bumati."Good afternoon, Sir Chase," sabay nilang sabi — ang Head ng HR Department ng Everest Corp.Tumingin si Chase sa paligid, pansing may tensyon sa silid. Napatingin siya kay Fae, tapos kay Jane."Anong nangyayari rito?" malamig at mabigat ang boses niya.Nagpakita ng smug na expression si Jane, confident dahil naroon ang kanyang tito."Tito, may tao rito na hindi marunong makaintindi ng human language," may panlalait niyang sambit, sabay turo kay Fae."Sinabi ko na ngang hindi siya tanggap, pero ayaw pa rin niyang umalis. Mukhang kailangan ko pang i-spell bago niya maunawaan."Ngumisi siya nang matalim kay Fae na para bang siya ang nanalo.Sumimangot si
Ngumiti si Fae, pilit na nagpakita ng kabaitan. "Jane, hindi ko alam na dito ka pala nagtatrabaho," sambit niya.Ngunit malamig ang naging tugon ni Jane. "Hindi ka tanggap. Umalis ka na."Natigilan ang dalawa pang nag-iinterview, halatang nagulat sa inasal ng Director ng Marketing Team. Hindi pa man nagsisimula ang interview, mariin nang tinanggihan ang aplikante."Director Jane," ani ng isa, pilit nilalagay sa ayos ang sitwasyon. "Hindi pa po nagsisimula ang interview. Ni hindi pa natin tinitingnan ang résumé niya."Sinang-ayunan naman ito ng isa pang kasama."Oo nga, Director Jane. Baka talent siya. Kailangan nating salain—"Pero malamig at mariing pinutol sila ni Jane. "Kapag sinabi kong hindi tanggap, ibig sabihin HINDI TANGGAP!"Natahimik ang dalawa. Alam nilang hindi nila kayang banggain si Jane — hindi dahil sa posisyon nito bilang director, kundi dahil ang tito nito ang head ng HR department. Isang salita lang ni Jane sa kanyang tito at pareho silang mawawalan ng trabaho.Ngum
Tumingin si Richard sa dalawa at agad niyang napansin ang mapaglarong ngiti ni Kevin. Humakbang siya papasok at isinara ang pintuan sa kanyang likuran."Anong nakakatawa?" tanong niya habang matalim ang tingin kay Kevin.Ngumiti si Kevin, bahagyang umiling."Siya pala si Mrs. Gold," aniya. "Hindi na ako magtataka kung bakit interesado ka sa kanya." Pang-aasar ni Kevin na may halong biro.Humakbang si Richard at umupo sa upuan ng president, habang nakatayo pa rin sa gilid niya si Kevin at ang manager. Hindi na nakatiis ang manager at nagtanong, curious ang mukha."President… yung aplikanteng iyon ba… si Mrs. Gold?"Sumandal si Richard at bubuka na sana ang bibig para sumagot, ngunit inunahan siya ni Kevin na biglang tumawa."Hindi pa ba halata?" sabay ngisi kay Richard. "Nagpa-imbestiga ako tungkol sa kanya, syempre sa utos ng mahal nating presidente." Pasimpleng biro nito.Napakunot ang noo ng manager."Pero bakit kailangan pa niyang dumaan sa interview kung ganun?"Nagsalita na si Ri
Mabilis na nag-isip si Richard ng paraan. Umubo siya ng tuyo bago pa makapagsalita ang manager, sabay tulak sa lalaking nasa likod niya."Hindi, baka na-misunderstood mo," sambit ni Richard, kunwari kalmado. "Siya si Mr. Gold, ang President." Sabay tulak kay Kevin sa unahan.Natulala ang manager at ang assistant ni Richard, pero agad silang binigyan ni Richard ng isang malupit na tingin — 'Sumakay kayo, or else.'"Siya si Mr. Gold?" tanong ni Fae, nakakunot noo habang nakatingin sa lalaki.Tumango si Richard, pilit ang ngiti. "Tama, siya si Kevin Gold, ang president." sabay siko kay Kevin.Napailing si Kevin pero ngumisi rin, alam na niya ang pinaplano ni Richard.'Aba, scapegoat pala ako rito,' isip niya. Inayos ang suot na suit, nilagyan ng konting yabang ang tindig at nagsalita."Tama, ako si Kevin Gold, President ng kumpanya," seryoso ang tingin kay Fae. "Narito ako para icheck ang subsidiary ng Gold Prime Enterprise."Tapos hinarap niya ang manager, "Lead the way to my office."M
Everest Corp.Pagdating ni Fae sa kumpanya, bumaba siya ng taxi at tiningnan ang malaking gusali ng Everest Corp. Kumakabog ang dibdib niya, pero agad niyang inangat ang sarili at ngumiti."Kaya mo 'to, Fae. Magaling ka. Walang imposible!" bulong niya sa sarili habang hinihigpitan ang hawak sa envelope ng kanyang resume.Pagpasok niya sa loob ng building, sinundan niya ang direksyon patungo sa interview room. Pagbukas niya ng pinto ng waiting area, napansin niya ang dami ng mga aplikante — may iba't ibang edad, porma, at mukhang seryoso ang mga mukha."Ang dami pala," bulong niya sa sarili, sabay huminga nang malalim. "Okay lang 'yan, laban lang!"Tumayo siya sa isang tabi, nag-ayos ng buhok at nilaro ang ID sling sa kanyang leeg.Ilang saglit pa, dumating ang isang lalaki na may bitbit na clipboard. Matikas ang tindig at may propesyonal na aura. Tumayo ito sa harap ng mga naghihintay at nagsalita."Good morning, everyone. Welcome to Everest Corp. We have several available positions i
Sa loob ng Villa ng mga White, nakaupo sa malambot na sofa ang mag-inang Glenda at Geraldine. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng antigong orasan sa dingding."Anong gagawin natin kung hindi na bumalik si Fae?" tanong ni Geraldine habang iniikot ang hawak na tasa ng tsaa. "Paano natin siya mapipilit na pakasalan si Mr. Lenard kung tuluyan na siyang hindi magpapakita?"Nag-cross arms si Glenda, hindi natitinag ang ekspresyon. "Hindi ako naniniwalang hindi siya babalik. Kilala ko si Fae. Babalik at magmamakaawa 'yon para ipagpatuloy natin ang pagbabayad sa bills ng nanay niya."Ngumisi si Geraldine, may bahid ng kasiguraduhan. "Oo nga, Ma. Sa ugali ni ate, siguradong hindi niya kayang pabayaan ang mama niya. Kahit ano pang pride niya, babalikan pa rin niya tayo."Sabay silang ngumiti nang masama. Tila ba sigurado na sila sa magiging hakbang ni Fae. Ngunit hindi nila inaasahan ang biglang pagbukas ng pinto.Lumabas si Fae mula sa anino ng pintuan, may hawak na maliit na bag
Habang nasa labas si Richard, tahimik niyang pinanood ang pinto ng apartment na isinara ni Fae. Tumayo siya mula sa wheelchair, tumitig sa paligid ng hallway—malamig ang ekspresyon ng kanyang mga mata, puno ng kalkuladong katahimikan."Faerie White," bulong niya.Mabilis niyang kinuha ang kanyang selpon at nag-dial. Ilang sandali pa, sumagot ang isang magalang na boses mula sa kabilang linya."President, nakabalik ka na," bati ng lalaki sa kabilang linya."Kevin," ani Richard, walang paligoy. "Nais kong imbestigahan ang isang tao. Buong detalye. Pati background ng pamilya.""Sino po, sir?""Faerie White.""Faerie White?" ulit ni Kevin, may halong tuwa sa boses. "Aba, mukhang interesado na sa isang babae ang aming cold president.""Tumigil ka," malamig na putol ni Richard. "Gusto ko lang malaman kung anong klaseng tao ang babaeng ito.""Sino ba siya sa 'yo at gusto mong kalkalin ang buong buhay niya?" tanong ni Kevin, halatang napukaw ang interes."Asawa ko siya."Tahimik si Kevin. Pag
Lumawak ang ngiti ni Bernard nang marinig ang boses ng babae. Tumingin siya at pinaulit ang narinig, "Miss, anong sabi mo? Pakakasalan mo ang apo ko?"Tumango si Fae habang nakangiti. "Opo, pakakasalan ko po siya." Sabay sulyap kay Richard. Nagtagpo ang kanilang mga mata—at sa ilang segundo, tila bumagal ang oras.'Wow, he is so handsome… sayang lang at lumpo siya. Pero dahil may bayad, okay na 'to kahit maliit, basta magtuloy-tuloy lang ang pagbabayad ng bills sa ospital ni Mama,' bulong ni Fae sa kanyang isip habang nakatitig kay Richard.'Ang babaeng ito?' tanong ni Richard sa sarili habang tinitingnan si Fae. 'Talaga nga bang handa siyang magpakasal kahit ganito ang kalagayan ko?'Tumawa si Bernard, pinutol ang tahimik na pag-uusap ng kanilang mga mata. "Magaling, magaling! Kung ganun, magiging grand daughter-in-law na kita!" Masiglang tawa niya.Napatingin si Richard sa kanyang lolo, kita sa mukha nito ang kasiyahan.'Nagagawa kong makatitig sa babaeng ito? Mukhang iba siya sa ib
"Faerie White, sinasabi ko sa 'yo—kung hindi ka magpapakasal kay Mr. Lenard, maghanap ka na ng paraan para mabayaran ang bills ng ina mo sa ospital!"Kinuyom ni Fae ang kanyang kamao, pilit pinipigil ang matinding emosyon na nararamdaman. Si Faerie White, ang panganay na anak ng mga White sa Makati City, ay isang babaeng kilala sa kanyang tahimik ngunit matatag na paninindigan. Ngunit kahit ganoon, mahirap manatiling kalmado sa gitna ng ganitong uri ng pang-aalipusta.Ang pamilya White ay isang second-rate household sa mundo ng mga elitista—nagsusumikap makisabay ngunit laging nasa ilalim ng anino ng mas makapangyarihang pamilya."Tita Glenda!" singhal ni Fae sa babaeng nakatayo sa harap niya—si Glenda White, ang kanyang mapagkunwaring stepmother. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa isang playboy!"Tumawa si Glenda. Isang malamig at mapanuyang tawa."Akala mo ba may pagpipilian ka?" muling banta ni Glenda. "Kung ayaw mong malagutan ng hininga ang mahal mong ina, mas mabuti pang sundin ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments