"Richard, apo, nag-ayos ako ng isang blind date para sa 'yo."
Malinaw ang tinig ni Bernard Gold, matanda na ngunit buo pa rin ang boses, habang naglalakad sa loob ng isang eleganteng luxury villa—malawak ang espasyo, marmol ang sahig, may hanging chandelier at mamahaling mga painting na nakasabit sa bawat dingding. Nakaupo sa mamahaling leather sofa ang kanyang apo, si Richard Gold, 29 years old. May seryosong tindig, matangkad, maayos ang bihis, at may sharp, commanding eyes na tila laging nakabantay. Tahimik siya ngunit ang presensya niya ay agad mapapansin. "Lolo Bernard, kababalik ko lang galing abroad, gusto mo agad akong isalang sa blind date? At isa pa, dating is not my thing. Bumalik ako kasi sabi mo kailangan ko nang hawakan ang kumpanya," malamig niyang sambit habang nakasandal sa sofa. "Apo, halos mag-trenta ka na pero wala pa rin akong nakikitang apo sa tuhod! Kailan mo ba ako pasasayahin?" sagot ni Bernard, sabay buntong-hininga na may kasamang biro. "Grandpa—" sasabat pa lang si Richard nang putulin siya nito. "Galing ka ng abroad pero wala ka man lang naiuwi. Nung kabataan ko, dalawa-dalawang babae ang nauuwi ko kada taon!" tawa ni Bernard, kita ang pagkatuwa. "Lolo, ayoko sa mga foreigner. Alam mo naman, karamihan sa kanila, ginagamit lang tayo para makaahon sila sa buhay." "Bakit yung kakilala ko, gumamit ng foreigner para makaahon siya sa buhay?" sabay tawa ulit ni Bernard. "Hindi ako bumalik para maghanap ng asawa, bumalik ako para hawakan ang kumpanya," seryoso niyang tugon. "Hay nako apo, kayamanan na naman ang iniisip mo. Paano kung pagod ka na at wala kang pamilya? Hindi mo ba gusto ng totoong kasamang magmamahal sa 'yo?" Napailing si Richard. "Sa estado ko, puro pera lang ang habol ng mga babae. Walang tunay na pagmamahal." "Eh paano nga silang lalapit kung para kang may death stare? Baka nga akala nila papatayin mo sila sa tingin pa lang!" natatawang biro ni Bernard. Napaisip si Richard saglit. May dahilan kung bakit ganoon siya sa mga babae—isang dahilan mula sa nakaraan. "Mabuti na yung hindi sila lumapit kung hindi rin naman totoo ang pakay nila." "Eh paano kung dumating ang isa na totoo? Na hindi natatakot? Na kayang tumingin sa 'yo pabalik?" seryosong tanong ni Bernard habang nakatingin sa apong si Richard. Tumaas ang kilay ni Richard. "Kahit tumingin siya, ako naman ang hindi titingin. Alam ko na ang mga babae sa panahon ngayon—kapangyarihan, kayamanan, at katanyagan lang ang hanap nila." "Hindi lahat," sabat ni Bernard, "kaya nga kailangan mong kilalanin muna. Hindi lahat ng babae pare-pareho." "Lolo, mayaman ako. Alam kong hindi ako ang habol nila. Alam ko kung paano sila tumingin—nang may pagkalkula. Para silang may price tag sa ulo ko." Napabuntong-hininga si Bernard. "Baka naman dahil ganyan ka mag-isip, kaya wala kang nakikilalang totoo." Tahimik si Richard. Nakatitig lang sa sahig. Nagpatuloy si Bernard, medyo mas malumanay na ngayon ang tono. "Alam mo ba kung paano ko nakilala ang lola mo?" Napatingin si Richard sa kanya. "Isa lang akong karpintero noon. Hindi ako kilala, walang pera, walang pangalan. Pero ang lola mo—galing sa kilalang pamilya. Nakilala ko siya sa isang proyekto sa bahay nila. Una ko siyang nakita, naka-daster lang, nagsusulat sa may bintana. Nung una, akala ko imposibleng mapansin ako. Pero alam mo anong ginawa niya?" "Ano?" "Lumapit siya. Kinausap ako. Pinakilala ang sarili niya. Sa kabila ng bawal, sa kabila ng galit ng pamilya niya… pinili pa rin niya akong mahalin. Iniwan niya lahat para sa akin. Dahil mahal niya ako." Hindi agad nakasagot si Richard. Nanatili siyang tahimik habang pinoproseso ang narinig. "Kaya sinasabi ko sa 'yo, apo," dagdag ni Bernard, "may mga babae pa ring handang magsakripisyo para sa tunay na pag-ibig." "Panahon niyo 'yon, Lolo," malamig na sagot ni Richard. "No'ng panahong ‘yon, may tunay pa. Pero ngayon? Kung wala kang pera, who you ka sa kanila. Hindi na uso ang pagmamahal." Napailing si Bernard. "Kanunuod mo kasi ng short reels ‘yan! Wala na, nasapian ka na ng algorithm!" Natawa ng kaunti si Richard pero agad ring sumeryoso. "And for the record, Lolo, ayoko sa blind date. Hindi ako pupunta." "Eh kung sabihin kong magkasakit ako?" biglang sambit ni Bernard. "Lolo naman…" "Masama pakiramdam ko apo," kunwaring napahawak sa dibdib si Bernard. "Inaatake ako ng katandaan. Parang... nahihilo ako…" Naalarma si Richard at biglang lumapit. "Lolo! Ayos ka lang? Kailangan ba ng doktor?" "Hindi na, anak. Ang kailangan ko lang… ay makita kang masaya. May asawa. May partner sa buhay. Hindi ‘yung puro trabaho lang." "Lolo…" "Hangga't hindi ka nagpapakasal… mananatili akong mahina. Mahina at… malungkot…" kunwaring umiiyak na si Bernard. Napapikit si Richard at napabuntong-hininga. "Fine! Sige na. Pupunta na ako at hahanap ng asawa." Biglang umayos si Bernard at ngumiti nang tagumpay. "Talaga? Totoo ba 'yan?" "Oo, oo. Basta tumigil ka na diyan sa drama mo." "Promise?" tanong pa ni Bernard, medyo may pilit. Napakamot ng ulo si Richard. "Promise." Biglang tumawa si Bernard na parang batang nanalo sa jackpot. "Yes! Promise mo ‘yan, ha!" Tumango si Richard habang hawak ang sentido. "Oo na nga." "Pero apo," sambit ni Bernard habang nangingiti, "kung pupunta ka sa date, no scaring the girl away, okay?" Ngumisi si Richard. "Pupunta ako… pero may isang kondisyon." Kaagad na sumeryoso si Bernard. "Anong kondisyon?" Ngumiti si Richard, may halong kalokohan sa mata. .... ... Sa sumunod na eksena, natagpuan ni Bernard ang kanyang sarili sa gilid ng kalsada. Nakasuot siya ng lumang polo at faded na pantalon, mukhang simpleng mamamayan na ni hindi mo iisiping may kaya. Sa tabi niya, naka-wheelchair si Richard—nakasuot ng simpleng damit, may suot pang cap na bahagyang tumatabing sa kanyang maamong ngunit seryosong mukha. Hawak ni Bernard ang isang karton na may sulat: "BABAYARAN KO NG MALAKING HALAGA KADA BUWAN ANG KUNG SINO MANG MAGPAPAKASAL SA AKING APO. Napatingin si Bernard sa kanyang apo. "Ano ba itong plano mo? Paano ka makakahanap ng asawa kung meron kang sakit?" "Relax ka lang, Lolo," malamig ngunit kalmado ang tinig ni Richard. "Dito ko malalaman kung sino ang may malasakit sa akin kahit sa ganitong kalagayan ko." Napabuntong-hininga si Bernard, bahagyang napailing. Pero sa kabila ng pagkaduda, nilapitan niya ang isang babaeng naglalakad sa sidewalk—may dalang eco bag at mukhang kararating lang mula palengke. "Miss," sambit ni Bernard habang nakangiti, "gusto mo bang pakasalan ang apo ko?" Tumigil ang babae, itinaas ang kilay bago tumingin sa mag-lolo. "Anong sakit ng anak mo?" tanong niya habang binabasa ang hawak ni Bernard na karatula. "Magbabayad ng malaking halaga bawat buwan—kapalit ng kasal sa aking apo," binasa niya, medyo nagulat. "Magkano naman ang ibabayad mo?" tanong pa niya, nakapamewang. Ngumiti si Bernard, halatang kabado pero pinilit maging kalmado. "Miss, may sakit ang apo ko. Hindi siya nakakatayo, lumpo siya mula pa noong bata. Pero, bilang allowance, magbibigay ako ng twenty thousand pesos buwan-buwan." Napakunot ang noo ng babae, sabay ngisi at tawa. "Gusto mo akong mag-alaga ng isang lumpo para sa maliit na halagang ‘yan? Nagpapatawa ka ba?" Umikot siya sa pwesto't lumakad palayo, iniling ang ulo. "Hoy, miss, teka!" sigaw ni Bernard pero hindi na lumingon ang babae. Tuluyan na itong nawala sa paningin nila. Napakamot ng ulo si Bernard, saka napailing. "Sinabi ko sa 'yo apo, ang hirap ng kondisyon mo. Wala talagang gustong magpakasal kung ganyan kalagayan mo." Tumitig si Richard sa kawalan, nananatili ang malamig niyang ekspresyon. "Kung walang tatanggap sa akin sa ganitong kondisyon, hindi ako magpapakasal." Napabuntong-hininga si Bernard, tila nawawalan na ng pag-asa, nang biglang may lumapit at narinig ang isang tinig. "Pakakasalan ko siya."Lumawak ang ngiti ni Bernard nang marinig ang boses ng babae. Tumingin siya at pinaulit ang narinig, "Miss, anong sabi mo? Pakakasalan mo ang apo ko?"Tumango si Fae habang nakangiti. "Opo, pakakasalan ko po siya." Sabay sulyap kay Richard. Nagtagpo ang kanilang mga mata—at sa ilang segundo, tila bumagal ang oras.'Wow, he is so handsome… sayang lang at lumpo siya. Pero dahil may bayad, okay na 'to kahit maliit, basta magtuloy-tuloy lang ang pagbabayad ng bills sa ospital ni Mama,' bulong ni Fae sa kanyang isip habang nakatitig kay Richard.'Ang babaeng ito?' tanong ni Richard sa sarili habang tinitingnan si Fae. 'Talaga nga bang handa siyang magpakasal kahit ganito ang kalagayan ko?'Tumawa si Bernard, pinutol ang tahimik na pag-uusap ng kanilang mga mata. "Magaling, magaling! Kung ganun, magiging grand daughter-in-law na kita!" Masiglang tawa niya.Napatingin si Richard sa kanyang lolo, kita sa mukha nito ang kasiyahan.'Nagagawa kong makatitig sa babaeng ito? Mukhang iba siya sa ib
Habang nasa labas si Richard, tahimik niyang pinanood ang pinto ng apartment na isinara ni Fae. Tumayo siya mula sa wheelchair, tumitig sa paligid ng hallway—malamig ang ekspresyon ng kanyang mga mata, puno ng kalkuladong katahimikan."Faerie White," bulong niya.Mabilis niyang kinuha ang kanyang selpon at nag-dial. Ilang sandali pa, sumagot ang isang magalang na boses mula sa kabilang linya."President, nakabalik ka na," bati ng lalaki sa kabilang linya."Kevin," ani Richard, walang paligoy. "Nais kong imbestigahan ang isang tao. Buong detalye. Pati background ng pamilya.""Sino po, sir?""Faerie White.""Faerie White?" ulit ni Kevin, may halong tuwa sa boses. "Aba, mukhang interesado na sa isang babae ang aming cold president.""Tumigil ka," malamig na putol ni Richard. "Gusto ko lang malaman kung anong klaseng tao ang babaeng ito.""Sino ba siya sa 'yo at gusto mong kalkalin ang buong buhay niya?" tanong ni Kevin, halatang napukaw ang interes."Asawa ko siya."Tahimik si Kevin. Pag
Sa loob ng Villa ng mga White, nakaupo sa malambot na sofa ang mag-inang Glenda at Geraldine. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng antigong orasan sa dingding."Anong gagawin natin kung hindi na bumalik si Fae?" tanong ni Geraldine habang iniikot ang hawak na tasa ng tsaa. "Paano natin siya mapipilit na pakasalan si Mr. Lenard kung tuluyan na siyang hindi magpapakita?"Nag-cross arms si Glenda, hindi natitinag ang ekspresyon. "Hindi ako naniniwalang hindi siya babalik. Kilala ko si Fae. Babalik at magmamakaawa 'yon para ipagpatuloy natin ang pagbabayad sa bills ng nanay niya."Ngumisi si Geraldine, may bahid ng kasiguraduhan. "Oo nga, Ma. Sa ugali ni ate, siguradong hindi niya kayang pabayaan ang mama niya. Kahit ano pang pride niya, babalikan pa rin niya tayo."Sabay silang ngumiti nang masama. Tila ba sigurado na sila sa magiging hakbang ni Fae. Ngunit hindi nila inaasahan ang biglang pagbukas ng pinto.Lumabas si Fae mula sa anino ng pintuan, may hawak na maliit na bag
Everest Corp.Pagdating ni Fae sa kumpanya, bumaba siya ng taxi at tiningnan ang malaking gusali ng Everest Corp. Kumakabog ang dibdib niya, pero agad niyang inangat ang sarili at ngumiti."Kaya mo 'to, Fae. Magaling ka. Walang imposible!" bulong niya sa sarili habang hinihigpitan ang hawak sa envelope ng kanyang resume.Pagpasok niya sa loob ng building, sinundan niya ang direksyon patungo sa interview room. Pagbukas niya ng pinto ng waiting area, napansin niya ang dami ng mga aplikante — may iba't ibang edad, porma, at mukhang seryoso ang mga mukha."Ang dami pala," bulong niya sa sarili, sabay huminga nang malalim. "Okay lang 'yan, laban lang!"Tumayo siya sa isang tabi, nag-ayos ng buhok at nilaro ang ID sling sa kanyang leeg.Ilang saglit pa, dumating ang isang lalaki na may bitbit na clipboard. Matikas ang tindig at may propesyonal na aura. Tumayo ito sa harap ng mga naghihintay at nagsalita."Good morning, everyone. Welcome to Everest Corp. We have several available positions i
Mabilis na nag-isip si Richard ng paraan. Umubo siya ng tuyo bago pa makapagsalita ang manager, sabay tulak sa lalaking nasa likod niya."Hindi, baka na-misunderstood mo," sambit ni Richard, kunwari kalmado. "Siya si Mr. Gold, ang President." Sabay tulak kay Kevin sa unahan.Natulala ang manager at ang assistant ni Richard, pero agad silang binigyan ni Richard ng isang malupit na tingin — 'Sumakay kayo, or else.'"Siya si Mr. Gold?" tanong ni Fae, nakakunot noo habang nakatingin sa lalaki.Tumango si Richard, pilit ang ngiti. "Tama, siya si Kevin Gold, ang president." sabay siko kay Kevin.Napailing si Kevin pero ngumisi rin, alam na niya ang pinaplano ni Richard.'Aba, scapegoat pala ako rito,' isip niya. Inayos ang suot na suit, nilagyan ng konting yabang ang tindig at nagsalita."Tama, ako si Kevin Gold, President ng kumpanya," seryoso ang tingin kay Fae. "Narito ako para icheck ang subsidiary ng Gold Prime Enterprise."Tapos hinarap niya ang manager, "Lead the way to my office."M
Tumingin si Richard sa dalawa at agad niyang napansin ang mapaglarong ngiti ni Kevin. Humakbang siya papasok at isinara ang pintuan sa kanyang likuran."Anong nakakatawa?" tanong niya habang matalim ang tingin kay Kevin.Ngumiti si Kevin, bahagyang umiling."Siya pala si Mrs. Gold," aniya. "Hindi na ako magtataka kung bakit interesado ka sa kanya." Pang-aasar ni Kevin na may halong biro.Humakbang si Richard at umupo sa upuan ng president, habang nakatayo pa rin sa gilid niya si Kevin at ang manager. Hindi na nakatiis ang manager at nagtanong, curious ang mukha."President… yung aplikanteng iyon ba… si Mrs. Gold?"Sumandal si Richard at bubuka na sana ang bibig para sumagot, ngunit inunahan siya ni Kevin na biglang tumawa."Hindi pa ba halata?" sabay ngisi kay Richard. "Nagpa-imbestiga ako tungkol sa kanya, syempre sa utos ng mahal nating presidente." Pasimpleng biro nito.Napakunot ang noo ng manager."Pero bakit kailangan pa niyang dumaan sa interview kung ganun?"Nagsalita na si Ri
Ngumiti si Fae, pilit na nagpakita ng kabaitan. "Jane, hindi ko alam na dito ka pala nagtatrabaho," sambit niya.Ngunit malamig ang naging tugon ni Jane. "Hindi ka tanggap. Umalis ka na."Natigilan ang dalawa pang nag-iinterview, halatang nagulat sa inasal ng Director ng Marketing Team. Hindi pa man nagsisimula ang interview, mariin nang tinanggihan ang aplikante."Director Jane," ani ng isa, pilit nilalagay sa ayos ang sitwasyon. "Hindi pa po nagsisimula ang interview. Ni hindi pa natin tinitingnan ang résumé niya."Sinang-ayunan naman ito ng isa pang kasama."Oo nga, Director Jane. Baka talent siya. Kailangan nating salain—"Pero malamig at mariing pinutol sila ni Jane. "Kapag sinabi kong hindi tanggap, ibig sabihin HINDI TANGGAP!"Natahimik ang dalawa. Alam nilang hindi nila kayang banggain si Jane — hindi dahil sa posisyon nito bilang director, kundi dahil ang tito nito ang head ng HR department. Isang salita lang ni Jane sa kanyang tito at pareho silang mawawalan ng trabaho.Ngum
Pumasok ang isang dominating na lalaking nasa edad singkwenta. Malapad ang balikat, seryoso ang aura, at halatang sanay mag-utos. Napangiti si Jane, halatang nabuhayan ng loob nang makilala ang bagong dating."Tito Chase!" mabilis niyang bati, halos nagtatatalon sa saya.Tumayo rin agad ang dalawang nag-iinterview at magalang na bumati."Good afternoon, Sir Chase," sabay nilang sabi — ang Head ng HR Department ng Everest Corp.Tumingin si Chase sa paligid, pansing may tensyon sa silid. Napatingin siya kay Fae, tapos kay Jane."Anong nangyayari rito?" malamig at mabigat ang boses niya.Nagpakita ng smug na expression si Jane, confident dahil naroon ang kanyang tito."Tito, may tao rito na hindi marunong makaintindi ng human language," may panlalait niyang sambit, sabay turo kay Fae."Sinabi ko na ngang hindi siya tanggap, pero ayaw pa rin niyang umalis. Mukhang kailangan ko pang i-spell bago niya maunawaan."Ngumisi siya nang matalim kay Fae na para bang siya ang nanalo.Sumimangot si
Ngumisi nang may panunuya si Glenda, "Akala ko kung sinong bayani na ang dumating, mukhang ang mahirap mong asawa lang pala," sarkastiko niyang sabi habang tutawa nang bahagya.Malamig ang tingin ni Richard sa dalawa at hindi agad nagsalita.'Mukhang ang dalawang ito ang half-sister at stepmom ni Fae. Tila naparito sila upang manggulo,' naisip niya habang pinipigil ang sarili.Humakbang siya palapit at sa isang iglap, sinipa ang isa pang lalaking may hawak kay Fae."Huwag mong hawakan ng marumi mong kamay ang asawa ko," anas niya, malamig at puno ng babala sabay hila kay Fae papalapit at itinago sa kanyang likod.Nag-cross arms si Glenda, hindi pa rin nawawala ang kayabangan."Napaka-tapang mo naman? Mag-isa ka lang, naglakas-loob kang labanan ang dalawang taong 'to?"Umiling si Richard, "Labanan? Nilayo ko lang sila sa asawa ko. Pero kung laban ang usapan…" Tumitig siya kay Glenda, isang napakalamig at nakakasindak na titig, "…hindi ako magpapakita ng awa."Nanlamig ang paligid. Halo
"Kahit anong pilit mo sa akin ngayon," mariing sabi ni Fae habang nananatiling nakatitig kay Glenda, "hinding hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Mangarap ka ng gising, Glenda, dahil kahit kailan—hindi mangyayari ang binabalak mo!"Tumikhim si Glenda, tumingala nang bahagya at ngumisi ng malamig, parang isang kontrabidang sanay sa tagumpay ng pananakot."Akala mo ba, Fae, ikaw pa rin ang may hawak ng alas?" bulong niya. "Baka nakakalimutan mo, nasa kamay kita ngayon."Nagpatuloy sa pagpupumiglas si Fae, pilit kumakawala. "Bitawan n'yo ako!" galit niyang sigaw.Ngunit lalong humigpit ang hawak ng mga lalaki sa kanya.Napuno na si Glenda. Sa isang iglap, inabot niya ang mukha ni Fae.PAK!Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ng dalaga.Natigilan si Fae, gulat sa sakit at bigat ng kamay ni Glenda. Mariing kinagat niya ang kanyang ngipin, inipon ang lahat ng lakas bago muling tumingin kay Glenda."Wala kang mapapala sa ginagawa mo!" singhal niya. "Kahit pahirapan mo ako, hin
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Fae sa malamig na tono.Walang paalam na humakbang si Glenda papasok, kasunod si Geraldine. Pasimpleng nagbugaw ng kung anong imahinasyong langaw si Glenda habang lumilinga-linga."Ano ba naman 'yan, Fae," umpisa ni Glenda, "nagtitiis ka sa ganitong lugar? Kung umuwi ka na lang sa White Villa, edi sana naka-aircon ka pa. Hindi yung..." Tumingin siya sa paligid, kita ang pagtataas ng kilay. "...ganitong maliit at luma pang apartment. Diyos ko, ang sofa, parang vintage."Sumingit si Geraldine, nakatakip ang ilong habang tumitingin-tingin sa paligid."Oo nga, Ate. Sa Villa, hindi ganito ang lagay mo. Sukat lang yata ng walk-in closet ko 'tong buong apartment mo."Nakasimangot na lumapit si Fae, "Kung naparito kayo para pilitin akong bumalik, umuwi na lang kayo. Hindi ako uuwi, kahit anong pamimilit o pananakot pa ang gawin ninyo."Hindi man lang naupo sina Glenda at Geraldine, halatang iniisip na marumi o masisira ang kanilang branded outfits ng mga
Hindi pinahalata ni Richard ang galit at ngumiti na lang kay Fae."Good job, Mrs. Gold. I'm proud of you."Ngumiti si Fae at nagpatuloy sa pagsubo. Habang kumakain, hindi niya maiwasang mapasulyap kay Richard. Napansin ito ni Richard at bahagyang napakunot ang noo."May dumi ba sa mukha ko? Kanina ka pa sulyap nang sulyap," tanong ni Richard.Ngumiti si Fae. "Ang gwapo mo pala," ani niya.Biglang naging proud ang mukha ni Richard. "Lagi naman akong gwapo. Ngayon mo lang ba napansin?"Tumawa si Fae. "Alam kong gwapo ka, iba lang pagka-gwapo mo ngayon kasi good mood ako."Napailing si Richard. "Ah ganun pala? Depende ang pagka-gwapo ko sa mood mo?"Ngumiti lang si Fae bago iniba ang usapan. "By the way, gusto ko sanang i-celebrate 'tong simula ng magandang buhay natin…" Tumigil siya saglit, tila nag-iisip. "Saan mo gustong kumain?""Imperial Hotel," agad na sagot ni Richard.Halos mabilaukan si Fae habang sumubo ng kanin. Agad niyang kinuha ang baso at uminom ng tubig."Imperial Hotel?!
"Ma'am?" takang tanong ni Fae, sabay turo sa sarili. "Ako ba 'yung tinatawag mong Ma'am?"Muling inulit ni Kevin, halatang kabado."Ma'am, mali ang iniisip mo—" hindi niya naituloy ang sasabihin nang umubo at tumayo si Richard."Bakit mo ako tinatawag na Ma'am, Mr. Gold?" tanong ni Fae, nakataas ang kilay.Magsasalita pa sana si Kevin nang biglang umepal si Richard. "Mr. President, sa tingin ko tapos na ang pag-aayos ni Manager Morgan sa ibaba."Biglang may nag-click sa utak ni Kevin."Ah oo! Oo nga pala," sabay tawang sambit. "Naalala ko, kailangan ko pa palang i-check yung mga inayos ni Morgan."Tumingin siya kay Fae at Richard. "Richard, nandito na ang asawa mo… maiwan ko muna kayo, iche-check ko yung pag-aayos sa ibaba."Bago pa makapagsalita si Fae, sumingit na si Richard. "Okay, Mr Gold, salamat." sabay magalang na hinatid palabas ng opisina.Habang palabas si Kevin, mahina at may pagbabantang bumulong si Richard, "May kasalanan ka sa'kin."Tumingin si Kevin at nakita ang matali
Ilang minuto bago ang pagdating ni Fae.Sa loob ng opisina ng presidente, nakaupo si Richard sa malaking leather chair sa likod ng executive desk, habang si Kevin naman ay relax na nakaupo sa single sofa sa harap niya, may hawak na tablet at ilang papel."So far sir, maganda ang takbo ng Everest Corp. Tumaas ng 12% ang sales ng mga industrial equipment natin this quarter," ulat ni Kevin habang sinusuri ang tablet.Tumango si Richard, kaswal na nakasandal at naglalaro ng paperweight sa kamay."Good. Paano naman yung bagong project natin sa south? Yung construction equipment distribution?""Ayun sir, on track na. Kakapirma lang ng kontrata with two major contractors sa Cebu. They'll be getting 60% of their heavy equipment from us," sagot ni Kevin, sabay abot ng isang folder.Binuklat ni Richard ang folder at nagbasa-basa."Not bad. Gusto ko, Kevin, bantayan mo 'to. Siguraduhin mong walang sablay, lalo na sa delivery at after-sales service. Ayokong may bad feedback d'yan.""Yes sir. Naka
Pagkalabas nina Morgan at Fae mula sa interview room, agad na nagsalita si Fae,"Sir Morgan, I just agreed to that offer para lang matahimik yung dalawang 'yon. Pero… may iba pa bang available na posisyon? Kasi honestly, I'm not after that title."Natigilan si Morgan, saglit na nag-isip habang naglalakad sila sa hallway.'Matagal nang gustong makuha ni Chase ang Director position,' naisip niya, 'pero hindi siya pwedeng ilagay doon. Abusado, mapagmataas… at alam niyang inoobserbahan pa siya kaya hindi nagmamadali.'Napabuntong-hininga si Morgan at nagpatuloy sa isip, 'Ang dami ring qualified na aplikante pero hindi ko kayang isugal ang ibang tao sa posisyong 'to, siguradong magiging target sila ni Chase. Pero si Ms. Faerie… she's different. Qualified siya — at asawa siya ng presidente. Ang gagawin ko na lang ay iulat ang kaganapan, at sigurado akong hindi tatahimik na lang ang president kung may ginawa si Chase sa madam. Kaya't wais ang ideya na ibigay sa kanya ang posisyong ito.'Tumi
Mabilis na sumugod si Jane sa harap ni Fae, "Fae! Wala kang galang!" singhal niya, "Bakit mo tinatanong si Manager Morgan nang ganyan? Hindi ka pa nga empleyado, kung umasta ka, akala mo kung sino!"Tahimik pero madiin ang tingin ni Fae kay Jane, saka siya ngumiti ng mapanukso. "Jane, bakit ka na-eexcite? May mali ba kung humihingi ako ng opinyon mula sa isang manager? Hindi ba't mas maayos na may second opinion lalo na kung tungkol sa posisyon sa kumpanya? Well…" sabay tingin kay Morgan, "kayo na nga mismo ang nagsabi na magaling ako sa ilang bagay, so bakit hindi natin hayaang si Manager Morgan ang magdesisyon? Baka naman may ibang department na mas mapapakinabangan ako?"Natigilan si Jane. Hindi siya makapaniwala na ginamit mismo ni Fae ang sarili nilang pambobola laban sa kanila. Saglit siyang natameme, pero hindi siya papayag na mawalan ng kontrol sa sitwasyon.Napangisi siya at nagkunwaring kalmado. "Faerie White," sarkastikong tawa ni Jane, "masyado yatang mataas ang tiwala mo
Napalingon ang lahat at kaagad na natigilan si Chase."Manager Morgan…" sambit niya nang makita ang lalaking pumasok.Humakbang si Morgan, may madilim na ekspresyon. Sa loob-loob niya, kung nahuli siya ng ilang sandali at may nangyari kay Fae, hindi niya alam kung paano niya iyon ipapaliwanag kay Richard.Kanina lang, habang nasa opisina ng presidente, ibinilin ni Richard sa kanya na huwag pababayaan si Fae. Ayusin ang posisyon nito ayon sa kanyang skills at tratuhin siya tulad ng ibang empleyado para hindi siya maghinala. Bagamat sinabing tratuhin na parang ordinaryong aplikante, alam niya — asawa pa rin ng presidente ang babaeng ito na nagngangalang Faerie White.Huminto si Morgan sa harap nila, at malamig na tumitig kay Chase."Anong nangyayari rito, Chase?" tanong niya sa malamig na boses.Kinakabahang nag-ayos ng sarili si Chase, lumunok nang mariin bago sumagot."Manager Morgan, kasi… may nakita akong aplikante at inaayos ko lang ang kanyang posisyon sa aking opisina. Nakita ko