Lumawak ang ngiti ni Bernard nang marinig ang boses ng babae. Tumingin siya at pinaulit ang narinig, "Miss, anong sabi mo? Pakakasalan mo ang apo ko?"
Tumango si Fae habang nakangiti. "Opo, pakakasalan ko po siya." Sabay sulyap kay Richard. Nagtagpo ang kanilang mga mata—at sa ilang segundo, tila bumagal ang oras. 'Wow, he is so handsome… sayang lang at lumpo siya. Pero dahil may bayad, okay na 'to kahit maliit, basta magtuloy-tuloy lang ang pagbabayad ng bills sa ospital ni Mama,' bulong ni Fae sa kanyang isip habang nakatitig kay Richard. 'Ang babaeng ito?' tanong ni Richard sa sarili habang tinitingnan si Fae. 'Talaga nga bang handa siyang magpakasal kahit ganito ang kalagayan ko?' Tumawa si Bernard, pinutol ang tahimik na pag-uusap ng kanilang mga mata. "Magaling, magaling! Kung ganun, magiging grand daughter-in-law na kita!" Masiglang tawa niya. Napatingin si Richard sa kanyang lolo, kita sa mukha nito ang kasiyahan. 'Nagagawa kong makatitig sa babaeng ito? Mukhang iba siya sa ibang babae… siguro naman hindi siya mukhang—' naputol ang iniisip ni Richard nang biglang magsalita si Fae. "Magkano ba ang makukuha ko kung pakakasalan ko siya?" diretsong tanong niya kay Bernard. Napangisi si Richard. 'Mukhang pera.' Agad na nanlamig ang kanyang ekspresyon. Tumawa si Bernard at itinaas ang dalawang daliri. "Dalawang daang—" "Twenty thousand pesos!" singit ni Richard. Natigilan si Bernard at napatingin sa kanyang apo. Tumingin pabalik si Richard na tila nagsasabing, ‘Huwag kang lalampas.' ‘Naku, itong batang ito! Dalawang daang milyon ang usapan namin, bakit nabawasan ng ilang zero?' napailing si Bernard sa isip habang pasimpleng kinagat ang kuko. "Twenty thousand?!" gulat na sambit ni Fae. ‘Sapat na ito para mabayaran ang buwanang stay ni Mama sa ospital,' bulong niya sa sarili. Ngumisi si Richard. 'Tsk! Pare-pareho lang talaga sila. Pera lang ang habol.' "Mahirap lang kami," patuloy ni Richard. "Yung buwanang ibabayad sa 'yo, galing sa pensyon ng lolo ko. Wala akong bahay, walang kotse, at wala akong trabaho." Tila may hint ng pang-uuyam sa kanyang tono, sinusubok kung babawi si Fae. "Hindi pa naman huli ang lahat. Pwede ka pang—" "Huwag kang mag-alala," singit ni Fae, matatag ang boses. "Magtatrabaho ako para alagaan ka." Nagulat si Bernard. Maging si Richard ay napalingon, bahagyang natigilan. "Ano? Pakakasalan mo ako kahit na—" "Pakakasalan kita at aalagaan, kahit ano pang sitwasyon mo… basta makuha ko ‘yung buwan-buwang bonus," sambit ni Fae habang malapad na nakangiti. Tumawa si Bernard at tiningnan ang kanyang apo. 'Hay, apo. Sinabi ko sa 'yo eh, may ganitong babae pa rin sa mundo.' naisip niya habang nagpapakita ng isang matagumpay ng ngiti. Napatingin si Richard sa kanyang lolo habang malalim ang iniisip. ‘Mukhang masaya si Lolo… sige, papayag muna ako sa kasal na ‘to. Pansamantala. Matahimik lang ang matanda sa pag set-up ng blind dates para sa akin. Idivorce ko na lang siya sa hinaharap.' "Pero," dagdag ni Richard, "itong pensyon ng lolo ko… hindi magtatagal. Baka makalipas ang ilang taon, maputol na rin ‘yon." "Okay lang!" mabilis na sagot ni Fae. ‘Sapat na ang ilang buwan para makaipon ako at matustusan ang gastos ni Mama,' naisip niya. Napapikit si Richard, hindi inasahan ang sagot ni Fae. Tumawa si Bernard. "Ano pang ginagawa niyo? Halika na! Pumunta na tayo at magparehistro na kayo ng kasal!" "Ngayon na?" gulat na tanong ni Richard. Pero bago pa siya makapagsalita pa ulit, agad na sumingit si Fae at itinulak ang wheelchair niya. "Tayo na sa Civil Registry Office!" sambit ni Fae na parang excited pa. .... ... Sa sumunod na eksena, natagpuan ni Richard ang kanyang sarili na lumabas ng Civil Registry Office na tila wala pa rin sa sarili. Katabi niya si Bernard na hindi maitago ang saya. Tumawa ito habang sinisiko ang apo. "Sa wakas! Kasal na ang apo ko!" masayang sigaw ni Bernard. "Maiwan ko na muna kayo, a-attend pa ako ng yoga class!" Dagdag pa niya sabay talikod at naglakad paalis na tila ba bata sa tuwa. Naiwan sina Richard at Fae sa harap ng gusali. Tumingin si Fae kay Richard at ngumiti. "Uwi na tayo," sabi niya. "Uuwi?" tanong ni Richard, halatang naguguluhan. "Saan uuwi?" Ngumiti si Fae, sabay pumuwesto sa likod ng wheelchair. "Saan pa? Edi sa bahay natin." Napakurap si Richard, halatang hindi handa sa ideya. "Teka, teka… magsasama tayo sa iisang bubong?" Tumigil si Fae, tila may naalala. "Ay oo nga pala, wala ka nga palang bahay." Sandaling natahimik siya, bago muling ngumiti. "Don't worry, nangungupahan ako sa isang apartment. Doon tayo titira." Muli siyang tumulak sa wheelchair ni Richard. "Teka, teka!" muling tutol ni Richard. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Napakunot ang noo ni Fae. "Ano bang ibig mong sabihin?" Huminga nang malalim si Richard. "Ibig kong sabihin… babae ka, lalaki ako, tapos magsasama tayo sa iisang bubong?" "So what?" sagot ni Fae, diretso ang tingin. "Legally married naman na tayo." "Pero—" "Walang pero-pero!" sabay tulak muli ni Fae. "Halika na." Nanlaki ang mata ni Richard habang tinutulak siya ng walang pakundangang babae. ‘Hindi ako makapaniwala…' bulong niya sa sarili. .... Sa sumunod na eksena, dumating na sila sa inuupahang apartment ni Fae. Pagpasok pa lang, agad na inikot ni Richard ang kanyang mata. Magulo. Nagkalat ang mga pinagbihisang damit sa sofa, tambak ang hugasin sa lababo, at may mga basurang hindi pa nailalabas. May amoy na parang instant noodles at lumang takeout food. Isinara ni Fae ang pinto mula sa likod at napansin din ang kaguluhan. Napakagat siya sa labi. ‘Naku! Nakalimutan ko ngang maglinis. Ang aga ko kasing umalis kanina!' Nilingon niya si Richard—na gulat na gulat habang nakatitig sa buong paligid. Sinundan niya ang paningin ni Richard at doon niya nakita ang isang bagay na nagpabulaga sa kanya. Isang sexy na underwear, kulay pula, nakalatag sa lamesa. 'Vivian… Diyos ko ka!' bulong ni Fae habang napapikit sa hiya. Mabilis niyang inikot ang wheelchair at binuksan ang pinto bago inilabas si Richard. "Dito ka muna sa labas. Maglilinis lang ako nang mabilis!" Natigilan si Richard. "Ha? Wait lang, teka lang—" Blag! Isinara ni Fae ang pinto at naiwan siyang mag-isa sa hallway. Tahimik ang paligid. Tanging tunog lamang ng isang uwak ang narinig sa di kalayuan. "Ano ba 'tong pinasok ko…" bulong ni Richard habang napapailing.Habang nasa labas si Richard, tahimik niyang pinanood ang pinto ng apartment na isinara ni Fae. Tumayo siya mula sa wheelchair, tumitig sa paligid ng hallway—malamig ang ekspresyon ng kanyang mga mata, puno ng kalkuladong katahimikan."Faerie White," bulong niya.Mabilis niyang kinuha ang kanyang selpon at nag-dial. Ilang sandali pa, sumagot ang isang magalang na boses mula sa kabilang linya."President, nakabalik ka na," bati ng lalaki sa kabilang linya."Kevin," ani Richard, walang paligoy. "Nais kong imbestigahan ang isang tao. Buong detalye. Pati background ng pamilya.""Sino po, sir?""Faerie White.""Faerie White?" ulit ni Kevin, may halong tuwa sa boses. "Aba, mukhang interesado na sa isang babae ang aming cold president.""Tumigil ka," malamig na putol ni Richard. "Gusto ko lang malaman kung anong klaseng tao ang babaeng ito.""Sino ba siya sa 'yo at gusto mong kalkalin ang buong buhay niya?" tanong ni Kevin, halatang napukaw ang interes."Asawa ko siya."Tahimik si Kevin. Pag
Sa loob ng Villa ng mga White, nakaupo sa malambot na sofa ang mag-inang Glenda at Geraldine. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng antigong orasan sa dingding."Anong gagawin natin kung hindi na bumalik si Fae?" tanong ni Geraldine habang iniikot ang hawak na tasa ng tsaa. "Paano natin siya mapipilit na pakasalan si Mr. Lenard kung tuluyan na siyang hindi magpapakita?"Nag-cross arms si Glenda, hindi natitinag ang ekspresyon. "Hindi ako naniniwalang hindi siya babalik. Kilala ko si Fae. Babalik at magmamakaawa 'yon para ipagpatuloy natin ang pagbabayad sa bills ng nanay niya."Ngumisi si Geraldine, may bahid ng kasiguraduhan. "Oo nga, Ma. Sa ugali ni ate, siguradong hindi niya kayang pabayaan ang mama niya. Kahit ano pang pride niya, babalikan pa rin niya tayo."Sabay silang ngumiti nang masama. Tila ba sigurado na sila sa magiging hakbang ni Fae. Ngunit hindi nila inaasahan ang biglang pagbukas ng pinto.Lumabas si Fae mula sa anino ng pintuan, may hawak na maliit na bag
Everest Corp.Pagdating ni Fae sa kumpanya, bumaba siya ng taxi at tiningnan ang malaking gusali ng Everest Corp. Kumakabog ang dibdib niya, pero agad niyang inangat ang sarili at ngumiti."Kaya mo 'to, Fae. Magaling ka. Walang imposible!" bulong niya sa sarili habang hinihigpitan ang hawak sa envelope ng kanyang resume.Pagpasok niya sa loob ng building, sinundan niya ang direksyon patungo sa interview room. Pagbukas niya ng pinto ng waiting area, napansin niya ang dami ng mga aplikante — may iba't ibang edad, porma, at mukhang seryoso ang mga mukha."Ang dami pala," bulong niya sa sarili, sabay huminga nang malalim. "Okay lang 'yan, laban lang!"Tumayo siya sa isang tabi, nag-ayos ng buhok at nilaro ang ID sling sa kanyang leeg.Ilang saglit pa, dumating ang isang lalaki na may bitbit na clipboard. Matikas ang tindig at may propesyonal na aura. Tumayo ito sa harap ng mga naghihintay at nagsalita."Good morning, everyone. Welcome to Everest Corp. We have several available positions i
Mabilis na nag-isip si Richard ng paraan. Umubo siya ng tuyo bago pa makapagsalita ang manager, sabay tulak sa lalaking nasa likod niya."Hindi, baka na-misunderstood mo," sambit ni Richard, kunwari kalmado. "Siya si Mr. Gold, ang President." Sabay tulak kay Kevin sa unahan.Natulala ang manager at ang assistant ni Richard, pero agad silang binigyan ni Richard ng isang malupit na tingin — 'Sumakay kayo, or else.'"Siya si Mr. Gold?" tanong ni Fae, nakakunot noo habang nakatingin sa lalaki.Tumango si Richard, pilit ang ngiti. "Tama, siya si Kevin Gold, ang president." sabay siko kay Kevin.Napailing si Kevin pero ngumisi rin, alam na niya ang pinaplano ni Richard.'Aba, scapegoat pala ako rito,' isip niya. Inayos ang suot na suit, nilagyan ng konting yabang ang tindig at nagsalita."Tama, ako si Kevin Gold, President ng kumpanya," seryoso ang tingin kay Fae. "Narito ako para icheck ang subsidiary ng Gold Prime Enterprise."Tapos hinarap niya ang manager, "Lead the way to my office."M
Tumingin si Richard sa dalawa at agad niyang napansin ang mapaglarong ngiti ni Kevin. Humakbang siya papasok at isinara ang pintuan sa kanyang likuran."Anong nakakatawa?" tanong niya habang matalim ang tingin kay Kevin.Ngumiti si Kevin, bahagyang umiling."Siya pala si Mrs. Gold," aniya. "Hindi na ako magtataka kung bakit interesado ka sa kanya." Pang-aasar ni Kevin na may halong biro.Humakbang si Richard at umupo sa upuan ng president, habang nakatayo pa rin sa gilid niya si Kevin at ang manager. Hindi na nakatiis ang manager at nagtanong, curious ang mukha."President… yung aplikanteng iyon ba… si Mrs. Gold?"Sumandal si Richard at bubuka na sana ang bibig para sumagot, ngunit inunahan siya ni Kevin na biglang tumawa."Hindi pa ba halata?" sabay ngisi kay Richard. "Nagpa-imbestiga ako tungkol sa kanya, syempre sa utos ng mahal nating presidente." Pasimpleng biro nito.Napakunot ang noo ng manager."Pero bakit kailangan pa niyang dumaan sa interview kung ganun?"Nagsalita na si Ri
Ngumiti si Fae, pilit na nagpakita ng kabaitan. "Jane, hindi ko alam na dito ka pala nagtatrabaho," sambit niya.Ngunit malamig ang naging tugon ni Jane. "Hindi ka tanggap. Umalis ka na."Natigilan ang dalawa pang nag-iinterview, halatang nagulat sa inasal ng Director ng Marketing Team. Hindi pa man nagsisimula ang interview, mariin nang tinanggihan ang aplikante."Director Jane," ani ng isa, pilit nilalagay sa ayos ang sitwasyon. "Hindi pa po nagsisimula ang interview. Ni hindi pa natin tinitingnan ang résumé niya."Sinang-ayunan naman ito ng isa pang kasama."Oo nga, Director Jane. Baka talent siya. Kailangan nating salain—"Pero malamig at mariing pinutol sila ni Jane. "Kapag sinabi kong hindi tanggap, ibig sabihin HINDI TANGGAP!"Natahimik ang dalawa. Alam nilang hindi nila kayang banggain si Jane — hindi dahil sa posisyon nito bilang director, kundi dahil ang tito nito ang head ng HR department. Isang salita lang ni Jane sa kanyang tito at pareho silang mawawalan ng trabaho.Ngum
Pumasok ang isang dominating na lalaking nasa edad singkwenta. Malapad ang balikat, seryoso ang aura, at halatang sanay mag-utos. Napangiti si Jane, halatang nabuhayan ng loob nang makilala ang bagong dating."Tito Chase!" mabilis niyang bati, halos nagtatatalon sa saya.Tumayo rin agad ang dalawang nag-iinterview at magalang na bumati."Good afternoon, Sir Chase," sabay nilang sabi — ang Head ng HR Department ng Everest Corp.Tumingin si Chase sa paligid, pansing may tensyon sa silid. Napatingin siya kay Fae, tapos kay Jane."Anong nangyayari rito?" malamig at mabigat ang boses niya.Nagpakita ng smug na expression si Jane, confident dahil naroon ang kanyang tito."Tito, may tao rito na hindi marunong makaintindi ng human language," may panlalait niyang sambit, sabay turo kay Fae."Sinabi ko na ngang hindi siya tanggap, pero ayaw pa rin niyang umalis. Mukhang kailangan ko pang i-spell bago niya maunawaan."Ngumisi siya nang matalim kay Fae na para bang siya ang nanalo.Sumimangot si
Napalingon din ang lahat sa direksyon, nakita nila ang isang lalaking nakatayo sa pinto.Napansin ng lalaki ang kakaibang tensyon sa silid at mga titig na parang may mali."Anong ginagawa mo sa silid na ito?" Malamig na tanong ni Chase, "hindi mo ba alam na ginagamit pa ang silid?""A-ah... pasensya na po sir," alanganing sabi ng janitor, "akala ko po kasi natapos nang gamitin ang silid dahil oras na ng tanghalian."Napakamot ng ulo ang lalaki, halatang nahihiya."Babalik na lang po ako mamaya," sabay yuko niya bilang paghingi ng paumanhin bago isinara ang pinto at mabilis na umalis bitbit ang kanyang mop."Tsk!" Napanguso si Jane, halatang inis na nainis dahil sa pagkaantala ng eksena.Muling tumingin si Chase kay Fae, kinapalan ang mukha at inuulit ang tanong."So… ano na, Ms. Faerie? Kapag pumayag ka, pwede ka na mag-start agad sa office ko, ngayon din." Sabay ngisi.Nagpipigil ng galit si Fae, ramdam niya ang init ng kanyang tainga, ngunit alam niyang kailangan niyang makapasok sa
Ngumisi nang may panunuya si Glenda, "Akala ko kung sinong bayani na ang dumating, mukhang ang mahirap mong asawa lang pala," sarkastiko niyang sabi habang tutawa nang bahagya.Malamig ang tingin ni Richard sa dalawa at hindi agad nagsalita.'Mukhang ang dalawang ito ang half-sister at stepmom ni Fae. Tila naparito sila upang manggulo,' naisip niya habang pinipigil ang sarili.Humakbang siya palapit at sa isang iglap, sinipa ang isa pang lalaking may hawak kay Fae."Huwag mong hawakan ng marumi mong kamay ang asawa ko," anas niya, malamig at puno ng babala sabay hila kay Fae papalapit at itinago sa kanyang likod.Nag-cross arms si Glenda, hindi pa rin nawawala ang kayabangan."Napaka-tapang mo naman? Mag-isa ka lang, naglakas-loob kang labanan ang dalawang taong 'to?"Umiling si Richard, "Labanan? Nilayo ko lang sila sa asawa ko. Pero kung laban ang usapan…" Tumitig siya kay Glenda, isang napakalamig at nakakasindak na titig, "…hindi ako magpapakita ng awa."Nanlamig ang paligid. Halo
"Kahit anong pilit mo sa akin ngayon," mariing sabi ni Fae habang nananatiling nakatitig kay Glenda, "hinding hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Mangarap ka ng gising, Glenda, dahil kahit kailan—hindi mangyayari ang binabalak mo!"Tumikhim si Glenda, tumingala nang bahagya at ngumisi ng malamig, parang isang kontrabidang sanay sa tagumpay ng pananakot."Akala mo ba, Fae, ikaw pa rin ang may hawak ng alas?" bulong niya. "Baka nakakalimutan mo, nasa kamay kita ngayon."Nagpatuloy sa pagpupumiglas si Fae, pilit kumakawala. "Bitawan n'yo ako!" galit niyang sigaw.Ngunit lalong humigpit ang hawak ng mga lalaki sa kanya.Napuno na si Glenda. Sa isang iglap, inabot niya ang mukha ni Fae.PAK!Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ng dalaga.Natigilan si Fae, gulat sa sakit at bigat ng kamay ni Glenda. Mariing kinagat niya ang kanyang ngipin, inipon ang lahat ng lakas bago muling tumingin kay Glenda."Wala kang mapapala sa ginagawa mo!" singhal niya. "Kahit pahirapan mo ako, hin
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Fae sa malamig na tono.Walang paalam na humakbang si Glenda papasok, kasunod si Geraldine. Pasimpleng nagbugaw ng kung anong imahinasyong langaw si Glenda habang lumilinga-linga."Ano ba naman 'yan, Fae," umpisa ni Glenda, "nagtitiis ka sa ganitong lugar? Kung umuwi ka na lang sa White Villa, edi sana naka-aircon ka pa. Hindi yung..." Tumingin siya sa paligid, kita ang pagtataas ng kilay. "...ganitong maliit at luma pang apartment. Diyos ko, ang sofa, parang vintage."Sumingit si Geraldine, nakatakip ang ilong habang tumitingin-tingin sa paligid."Oo nga, Ate. Sa Villa, hindi ganito ang lagay mo. Sukat lang yata ng walk-in closet ko 'tong buong apartment mo."Nakasimangot na lumapit si Fae, "Kung naparito kayo para pilitin akong bumalik, umuwi na lang kayo. Hindi ako uuwi, kahit anong pamimilit o pananakot pa ang gawin ninyo."Hindi man lang naupo sina Glenda at Geraldine, halatang iniisip na marumi o masisira ang kanilang branded outfits ng mga
Hindi pinahalata ni Richard ang galit at ngumiti na lang kay Fae."Good job, Mrs. Gold. I'm proud of you."Ngumiti si Fae at nagpatuloy sa pagsubo. Habang kumakain, hindi niya maiwasang mapasulyap kay Richard. Napansin ito ni Richard at bahagyang napakunot ang noo."May dumi ba sa mukha ko? Kanina ka pa sulyap nang sulyap," tanong ni Richard.Ngumiti si Fae. "Ang gwapo mo pala," ani niya.Biglang naging proud ang mukha ni Richard. "Lagi naman akong gwapo. Ngayon mo lang ba napansin?"Tumawa si Fae. "Alam kong gwapo ka, iba lang pagka-gwapo mo ngayon kasi good mood ako."Napailing si Richard. "Ah ganun pala? Depende ang pagka-gwapo ko sa mood mo?"Ngumiti lang si Fae bago iniba ang usapan. "By the way, gusto ko sanang i-celebrate 'tong simula ng magandang buhay natin…" Tumigil siya saglit, tila nag-iisip. "Saan mo gustong kumain?""Imperial Hotel," agad na sagot ni Richard.Halos mabilaukan si Fae habang sumubo ng kanin. Agad niyang kinuha ang baso at uminom ng tubig."Imperial Hotel?!
"Ma'am?" takang tanong ni Fae, sabay turo sa sarili. "Ako ba 'yung tinatawag mong Ma'am?"Muling inulit ni Kevin, halatang kabado."Ma'am, mali ang iniisip mo—" hindi niya naituloy ang sasabihin nang umubo at tumayo si Richard."Bakit mo ako tinatawag na Ma'am, Mr. Gold?" tanong ni Fae, nakataas ang kilay.Magsasalita pa sana si Kevin nang biglang umepal si Richard. "Mr. President, sa tingin ko tapos na ang pag-aayos ni Manager Morgan sa ibaba."Biglang may nag-click sa utak ni Kevin."Ah oo! Oo nga pala," sabay tawang sambit. "Naalala ko, kailangan ko pa palang i-check yung mga inayos ni Morgan."Tumingin siya kay Fae at Richard. "Richard, nandito na ang asawa mo… maiwan ko muna kayo, iche-check ko yung pag-aayos sa ibaba."Bago pa makapagsalita si Fae, sumingit na si Richard. "Okay, Mr Gold, salamat." sabay magalang na hinatid palabas ng opisina.Habang palabas si Kevin, mahina at may pagbabantang bumulong si Richard, "May kasalanan ka sa'kin."Tumingin si Kevin at nakita ang matali
Ilang minuto bago ang pagdating ni Fae.Sa loob ng opisina ng presidente, nakaupo si Richard sa malaking leather chair sa likod ng executive desk, habang si Kevin naman ay relax na nakaupo sa single sofa sa harap niya, may hawak na tablet at ilang papel."So far sir, maganda ang takbo ng Everest Corp. Tumaas ng 12% ang sales ng mga industrial equipment natin this quarter," ulat ni Kevin habang sinusuri ang tablet.Tumango si Richard, kaswal na nakasandal at naglalaro ng paperweight sa kamay."Good. Paano naman yung bagong project natin sa south? Yung construction equipment distribution?""Ayun sir, on track na. Kakapirma lang ng kontrata with two major contractors sa Cebu. They'll be getting 60% of their heavy equipment from us," sagot ni Kevin, sabay abot ng isang folder.Binuklat ni Richard ang folder at nagbasa-basa."Not bad. Gusto ko, Kevin, bantayan mo 'to. Siguraduhin mong walang sablay, lalo na sa delivery at after-sales service. Ayokong may bad feedback d'yan.""Yes sir. Naka
Pagkalabas nina Morgan at Fae mula sa interview room, agad na nagsalita si Fae,"Sir Morgan, I just agreed to that offer para lang matahimik yung dalawang 'yon. Pero… may iba pa bang available na posisyon? Kasi honestly, I'm not after that title."Natigilan si Morgan, saglit na nag-isip habang naglalakad sila sa hallway.'Matagal nang gustong makuha ni Chase ang Director position,' naisip niya, 'pero hindi siya pwedeng ilagay doon. Abusado, mapagmataas… at alam niyang inoobserbahan pa siya kaya hindi nagmamadali.'Napabuntong-hininga si Morgan at nagpatuloy sa isip, 'Ang dami ring qualified na aplikante pero hindi ko kayang isugal ang ibang tao sa posisyong 'to, siguradong magiging target sila ni Chase. Pero si Ms. Faerie… she's different. Qualified siya — at asawa siya ng presidente. Ang gagawin ko na lang ay iulat ang kaganapan, at sigurado akong hindi tatahimik na lang ang president kung may ginawa si Chase sa madam. Kaya't wais ang ideya na ibigay sa kanya ang posisyong ito.'Tumi
Mabilis na sumugod si Jane sa harap ni Fae, "Fae! Wala kang galang!" singhal niya, "Bakit mo tinatanong si Manager Morgan nang ganyan? Hindi ka pa nga empleyado, kung umasta ka, akala mo kung sino!"Tahimik pero madiin ang tingin ni Fae kay Jane, saka siya ngumiti ng mapanukso. "Jane, bakit ka na-eexcite? May mali ba kung humihingi ako ng opinyon mula sa isang manager? Hindi ba't mas maayos na may second opinion lalo na kung tungkol sa posisyon sa kumpanya? Well…" sabay tingin kay Morgan, "kayo na nga mismo ang nagsabi na magaling ako sa ilang bagay, so bakit hindi natin hayaang si Manager Morgan ang magdesisyon? Baka naman may ibang department na mas mapapakinabangan ako?"Natigilan si Jane. Hindi siya makapaniwala na ginamit mismo ni Fae ang sarili nilang pambobola laban sa kanila. Saglit siyang natameme, pero hindi siya papayag na mawalan ng kontrol sa sitwasyon.Napangisi siya at nagkunwaring kalmado. "Faerie White," sarkastikong tawa ni Jane, "masyado yatang mataas ang tiwala mo
Napalingon ang lahat at kaagad na natigilan si Chase."Manager Morgan…" sambit niya nang makita ang lalaking pumasok.Humakbang si Morgan, may madilim na ekspresyon. Sa loob-loob niya, kung nahuli siya ng ilang sandali at may nangyari kay Fae, hindi niya alam kung paano niya iyon ipapaliwanag kay Richard.Kanina lang, habang nasa opisina ng presidente, ibinilin ni Richard sa kanya na huwag pababayaan si Fae. Ayusin ang posisyon nito ayon sa kanyang skills at tratuhin siya tulad ng ibang empleyado para hindi siya maghinala. Bagamat sinabing tratuhin na parang ordinaryong aplikante, alam niya — asawa pa rin ng presidente ang babaeng ito na nagngangalang Faerie White.Huminto si Morgan sa harap nila, at malamig na tumitig kay Chase."Anong nangyayari rito, Chase?" tanong niya sa malamig na boses.Kinakabahang nag-ayos ng sarili si Chase, lumunok nang mariin bago sumagot."Manager Morgan, kasi… may nakita akong aplikante at inaayos ko lang ang kanyang posisyon sa aking opisina. Nakita ko