My Flawless Diamond

My Flawless Diamond

last updateLast Updated : 2024-12-25
By:  Ped XingOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
32Chapters
831views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Isang buwan bago ideklara ng dating management na bankrupt na ang TheCompany pinakilala si Gil bilang bagong Presidente at CEO. Ayon sa mga business expert imposibleng makaahon ang TheCompany dahil sa pagkalubong nito sa utang. Pero pinatunayan ni Gil na kaya niyang maging posible ang imposible. Ano pang mga balakid na haharapin ni Gil sa kabila ng tinatamasang tagumpay? Si Ellie isang baguhang real estate agent. Ano ang magiging papel niya sa buhay ni Gil? Paalala: Ang kwentong ito ay kathang- isip lamang. Ang mga karakter, lugar at sitwasyon ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may akda.

View More

Chapter 1

Chapter 1: Gil Estevez

Bumagay ang isang tasang mainit na kapeng nasa harapan ni Gil sa malamig na gabi. Ang malaking veranda ng kanilang bahay ang kanyang regular na pahingahan. Napapaligiran ito ng mga halaman, at mula rito'y tanaw ang bilog na swimming pool kung saan umaaninag ang repleksyon ng buwan.

Kinuha niya ang tasa at dahan-dahang uminom. Ilang beses siyang lumagok bago niya muling inilapag sa mesa. Sumandal siya sa silya at pinikit ang mata. Manakanakang bumubuka ang kanyang labi na parang nagsasalita.

Kahit nakapahinga ang kanyang katawan, tila nagbibilang pa rin ng numero ang kanyang utak. Ngunit kahit anong tapang ng kape na kanyang nainom, dinaig pa din ito ng pagod at antok. Hanggang tuluyan makaidlip. Bakas sa kanyang maamong mukha ang matinding pagod sa halos sampung oras sa opisina.

Gil Estevez, 36 years old, dominant boss, workaholic, bachelor at President-CEO ng TheCompany, ang kilalang advertising company sa Southeast Asia. Ang TheCompany ay may revenue na 3.109 billion USD noong 2019 at kasalukuyang tumataas pa ngayon 2023. Sa loob lamang ng pitong taon na pamamahala ni Gil. Nagkaroon ng kompanyang TheCompany sa limang bansa sa Southeast Asia, 20 offices at may 2,050 na employees.

Marami ang nagsasabi na isang genius ang CEO ng TheCompany dahil sino ang mag-aakalang mapapalago ito ni Gil gayong wala siyang alam sa advertising business. Hinawakan niya ang company isang buwan bago ideklara ng dating management na bankrupt na ito. Ayon sa mga business expert imposibleng makaahon ang TheCompany dahil sa pagkalubog nito sa utang. Pero pinatunayan ni Gil na kaya niyang maging posible ang imposible. Kaya binansagan siyang The Wise Man in Asia ng Time magazine. Ilang beses rin siyang naging cover at laman ng mga business magazine at isa siya sa top searches ng lahat ng internet engines tungkol sa successful businessmen in Asia.

Ang TheCompany ay tinayo ng kanyang ama bago ito mag asawa. Nagsimula sa maliit na kapital na may dalawang empleyado. Malapit sa University Belt ang studio type office kung saan dating nangungupahan pa ang TheCompany, kaya naman ang mga parokyano ng kanyang ama ay halos estudyante. Dati ay pagkuha lamang ng mga picture at video editing ang ginagawa dito. Maganda ang serbisyo at de-kalidad ang kanilang gawa. Naging word of mouth ang pangalang TheCompany, pagdating sa video editing hanggang nakilala ito dahil sa husay. Nagbukas ang pinto ng advertising business ng may makilalang investor ang kanyang ama. Nag-invest ng malaki sa TheCompany at nagtuloy-tuloy ang negosyo hanggang lumago.

"Gil, bakit di ka pumasok sa loob?" Ang tanong na 'yon ang nagpabalikwas kay Gil mula sa pagkakasandal. "Malamig na dito."

"Ma!"

Umupo si Mrs. Loise Estevez sa harap na silya. Kahit nasa late 60's na ang edad ng ina ni Gil, litaw parin ang sophisticated look nito. Classy ang suot nitong floral sleeveless turtleneck dress. Galing sa buena familia ang ina ni Gil at kilala ang pamilya nito sa art gallery business.

"Hinahanap ka ng papa mo kanina. Akala namin dito ka maghahapunan."

"I'm sorry," matipid niyang sagot sa ina. Inabot niya muli ang tasa ng kape at hinigop kalaunan. "Nagdinner na ako sa labas."

"Pinagluto pa naman kita ng paborito mong pagkain."

"Sorry ma, babawi ako next time."

"Or umiiwas ka sa ama mo?" tanong nito.

Inubos ni Gil ang natitirang kape sa tasa at muling ibinaba sa mesa. Humalukipkip siya sa silyang kinauupuan. Kakaiba ang lamig ng oras na 'yon, nanunuot sa kanyang katawan.

"Ma, you're jumping into conclusion. I had a meeting with our new client. Alam ninyo kung paano ako magtrabaho. I need to know the client's requirements. Expectation is very important."

"Okay, alam ko 'yan pero napapansin ko lagi kang late umuwi at kapag umaga lagi kang nagmamadali. Are you hiding something? Wala naman sigurong problema sa company para magmadali ka."

"Everything is okay, ma."

"But look at you, daig mo pa typical employee."

Napabugtong-hininga si Gil at tumingin sa ina at ngumiti. Ang totoo, iniiwasan niya ang ama dahil panay ang giit nito sa blind date. Gusto ng kanyang ama na ipakilala siya sa anak ng kaibigan nitong congressman. Halos dalawang buwan na siyang kinukulit ng ama. Wala sa priority niya ang pagkakaroon ng seryosong relasyon. Kaya naman lagi siyang nagmamadaling umalis ng bahay para makaiwas.

"I don't hide anything from you, ma. I want to keep doing my job. May mga clients na kailangang makilala in person. You know my rule, always deliver more than expected."

"Ano ang papel ng mga advertising specialist? Ikaw ang Presidente ng TheCompany but you doing like a typical employee. Sayang ang pinapapasweldo mo sa kanila."

"Ma, this project isn't easy. I'm working to get this project ASAP. Kung ipapaubaya ko ito sa kanila, I don't think so if they closed the deal. This is an international project and it cost millions of dollars. You know Radiant Corp, right?" Alam niya na hindi kumbinsido ang ina sa kanyang paliwanag.

"Yes, the top company of beauty products in Asia."

"Dealing with this company is not a casual affair. Kaya hindi ko basta maipagkakatiwala."

"Well, congratulations! You deserved it. But it's time now to trust your employees." Tumingin ito ng diretso sa mata ng anak. "Look Gil, hindi na mangyayari ang nangyari noon. Those traumatic events will not happen again. Magtiwala ka sa mga tao mo. Go out and enjoy yourself. You're getting older honey, hindi ka na bumabata."

"I know ma," tila pagsuway ang boses ni Gil. Umiling siya at muling pinikit ang mata. Nagrewind ang kanyang utak sa nangyari sa kanyang pamilya.

Bago hinawakan ni Gil ang TheCompany, ipinagkatiwala ng kanyang ama ang company sa panganay niyang kapatid na si Nick. Bumaba sa posisyon ang ama at inihalili ang kanyang kapatid. Dahil aggressive at madaling magtiwala si Nick, naging kampante ito sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa sobrang pagtitiwala sa mga taong inilagay sa posisyon, hindi nito namalayan na may masamang balak ang mga ito. Na naging dahilan nang unti-unting pagbasak ng kanilang negosyo. Sa huli sumadsad ang kanilang negosyo at nabaon sa utang.

Nadepressed ang kanyang ama ng malamang malala ang lagay ng kanilang negosyo. Naging madalas ang pagtatalo ng kanyang ama at kapatid. Isang araw ng umuwi si Gil galing ospital, nagkakagulo sa kanilang bahay dahil inatake sa puso ang kanyang ama. Na bed ridden ito sa loob ng walong buwan. Ang kanyang kapatid naman ay pumunta ng Paris. Hindi matiis ni Gil ang nangyaring pagkabigo ng kanyang kapatid. Dahil sa pakiusap ng kanyang ina na saluhin ang kompanya, wala siyang nagawa kundi ang sundin ito. Kaya kahit wala siyang interest sa negosyo ng pamilya, at labag sa kalooban na iwan ang propesyon bilang surgeon, hinawakan niya ang TheCompany na nasa malalang kondisyon. Sa tulong ng mga koneksyon at talino naisalba niya ang TheCompany sa loob lamang ng dalawang taon, at napataas pa nito ang company revenue at nakilala sa Southeast Asia.

"Ma, pumasok na tayo sa loob. Huwag na kayong mag-isip ng kung ano." Tumayo siya at umikot sa likod ng kinauupuan ng ina. Hinawakan ang dalawang balikat. "No need to worry. I can manage."

Walang nagawa si Mrs. Loise kundi tapikin ang kamay ng anak.

Kinabukasan ng hapon.

Office of the President-CEO.

Pagpasok ni Gil sa kanyang office sandali siyang napatigil at pinagmasdan ang kanyang office table. Mula ng maging President-CEO walang nakakalapit sa kanyang mesa kahit ang kanyang secretary ay off-limit. Lahat ng dadaling dokumento sa kanyang office ay dapat ilagay sa nakalaang mesa. Ginawa niya ito upang maiwasang magalaw ang kanyang mesa. Alam niya na may pumasok sa kanyang opisina. Natatandaan niya bago siya lumabas kanina para sa meeting ng mga head department, pinagsunud-sunod niya ang mga folder base sa company's priority. Ang mga folder sa ibabaw ng kanyang mesa ay nawala sa arrangement. May maliit din na awang sa drawer. Hinila niya ang executive chair. Umupo pasandal at pinagkrus ang braso. Ngumiti siya ng makahulugan. "Hindi ninyo makikita ang hinahanap ninyo," makahulugang sabi niya habang tinitigan ang family picture.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Ped Xing
Due to the amount of cleaning due to the effect of TS Kristine by Monday or as early as possible I will update the story of My Flawless Diamond. A lot of cleaning inside and outside our house. Hope everyone is safe. Writer - Ped Xing
2024-10-26 09:24:40
2
user avatar
MLorns
Hahanap ako sa bookstore ng 1 million ballpen .... Ped you were born to write. GD!
2024-08-29 20:53:00
1
32 Chapters
Chapter 1: Gil Estevez
Bumagay ang isang tasang mainit na kapeng nasa harapan ni Gil sa malamig na gabi. Ang malaking veranda ng kanilang bahay ang kanyang regular na pahingahan. Napapaligiran ito ng mga halaman, at mula rito'y tanaw ang bilog na swimming pool kung saan umaaninag ang repleksyon ng buwan. Kinuha niya ang tasa at dahan-dahang uminom. Ilang beses siyang lumagok bago niya muling inilapag sa mesa. Sumandal siya sa silya at pinikit ang mata. Manakanakang bumubuka ang kanyang labi na parang nagsasalita. Kahit nakapahinga ang kanyang katawan, tila nagbibilang pa rin ng numero ang kanyang utak. Ngunit kahit anong tapang ng kape na kanyang nainom, dinaig pa din ito ng pagod at antok. Hanggang tuluyan makaidlip. Bakas sa kanyang maamong mukha ang matinding pagod sa halos sampung oras sa opisina. Gil Estevez, 36 years old, dominant boss, workaholic, bachelor at President-CEO ng TheCompany, ang kilalang advertising company sa Southeast Asia. Ang TheCompany ay may revenue na 3.109 billion USD noo
last updateLast Updated : 2024-08-07
Read more
Chapter 2: Agent Ms. Ellie
"I, I, I, I-I've been runnin' through this strange life Chasin' all them green lights Throwin' out the shade for a little bit of sunshine. Hit me with them good vibes Pictures on my phone like Everything is so fine A little bit of sunshine... A little bit of sunshine... A little bit of sunshine..." 🎶 Masayang inaawit ni Ellie ang kantang Sunshine ng One Republic habang naglalakad sa malaking parking lot ng mall. Pasayaw sayaw pa ito habang palihim na iniipit sa wiper ng mga sasakyan ang leaflets, na dapat sa loob lamang ng mall pinamimigay. Bawal ito sa patakaran ng mall pero talagang matinik siya. Diskarte ang sabi niya walang bawal sa kanya kung walang makakakita. Nagbakasakali na may kliyenteng makuha at matulad sa kanyang kasamang agent na naka cash on the spot sales dahil sa leaflet na nakuha sa ibabaw ng kotse, 10 million cash. Noong sinuma ni Ellie ang 3% commission times 10 million less 12% tax equal 264,000! Puwera pa ang incentives na makukuha. Buhay prins
last updateLast Updated : 2024-08-07
Read more
Chapter 3: Signos
10:20 ng gabi ng makauwi si Ellie, naratnan niyang nakaipit sa gate ang billing statement ng ilaw at tubig. Napabugtong-hininga siya bago kinuha ang mga sobre. Bayaran na naman pero wala pa siyang pambayad. Dagdag pa ang renta ng inuupahan nilang bahay. Pagpasok niya sa loob ng bahay agad siyang dumiretso sa kusina. Ibinaba ang bag sa mesa. Nagbungkal ng kaldero. Marami pang kanin pero wala siyang nakitang ulam. Binuksan ang cabinet kung saan nakalagay ang stock ng delata, nakita niya ang nag iisang lata ng sardinas sa sulok. Agad niya itong kinuha at binuksan. Sumandok ng kanin. "Nanginginig na ako sa gutom." Kinakausap niya na ang sarili. Sumubo ng kanin at sardinas. Tulad ng inaasahan hindi dumating ang boss nilang si Bonne mabuti na lamang pinautang siya ni Kris ng pamasahe kundi maglalakad siya pauwi. "Ang malas ko talaga sa mga boss! Sa loob ng 8 years puro sablay ang nakukuha kong boss. Ang una, maniac! Pangalawa, narcissist ngayon naman indiyanero na kuripot pa. Paasa talaga!
last updateLast Updated : 2024-08-07
Read more
Chapter 4: One Million Ballpen
Matapos pirmahan ni Gil ang mga dokumento iniwan niya ito sa kanyang secretary, saka siya tumungo sa meeting kung saan naghihintay sina Ms. Cynthia at Rex sa meeting room ng TheCompany. "Kailangan bang i-hire ang mga talent as full time," tanong ni Gil. Habang binabasa ang report. Hindi siya sang-ayon sa pagkuha ng bagong talent para sa ilalabas na ads. Nagkaroon ng collaboration ng creative at media planning department. Lumabas sa collaboration na video vlog ang magiging concept ng ads. "What about our regular talents?" Hindi ba magkakaroon ito ng conflict sa regulat talent natin?" "No sir. The job description is only part-timer," sagot ni Rex ang head ng media planning department "We're looking new faces on these ads but project based work. Sila ang magiging residence vlogger-model natin." "Regarding sa in-house talent natin. There are not suitable for this kind of concept ads," sabat ni Ms. Cynthia. Si Ms. Cynthia, head ng creative team. Ang pinaka agresibong department. Hawa
last updateLast Updated : 2024-08-07
Read more
Chapter 5: Ellie's Client
Wala si Bonne ng makabalik si Ellie sa office, kaya hinanap niya ito sa ibang cubicle ng makasalubong ang kanilang sales coordinator na si Mona. "Hi Ms. Ellie! May good news ako sayo at may bad news!" bati nito sa kanya habang patuloy sa paglakad. "Sama ka sa akin." Wala sa loob na sumunod si Ellie hanggang makarating sa working table ng sales coordinator. "Kung bad news, alam ko na." Humila si Ellie ng silya at pabagsak na umupo. "Suspended ako ng two weeks. Ang saklap, Ms. Mona wala akong manning." "So nakita mo na pala ang memo s'yo," sagot ni Mona habang nagtype sa keyboard ng computer ng sample computation. Tumango si Ellie at tila nagmamakaawa ang mukha. "Next time sumunod ka sa policy ng mall." "Bulok siguro 'yung kotse kaya nasira ang wiper. Dapat dinadala na sa junk shop ang mga ganoong sasakyan. Sobrang gaan lang naman nito." Dinampot niya ang leaflets na nasa ibabaw ng mesa at winasiwas sa hangin. "Huwag mo ng gagawin 'yon." Mahinang tapik sa braso niya.
last updateLast Updated : 2024-08-16
Read more
Chapter 6: Digging The Truth Of The Dominant Boss
Tumutunog ang cellphone ni Gil sa ibabaw ng mesa. Sinilip niya ito ng makita kung sino ang nakaregister sa screen. Pinatay niya uli at muling bumalik sa ginagawang pagreview ng mga report. "Mr. President narito na po si Mr. Dante Soliman." Tinig ng secretary ni Gil mula sa intercom phone. "Papasukin mo." Isinara ni Gil ang binabasang report saka tumayo at sinalubong ang bisita. Si Dante Soliman ay kaibigan ni Gil noong college pa bagamat magkaiba sila ng kursong kinuha. Magkakilala na sila noong panahong nasa senior high pa lamang ngunit hindi sila naging malapit sa isa't isa. Noong nagcollege, iisang university ang kanilang pinasukan kaya doon sila naging magkabuddy. Maliban pa dito naging nueurosurgeon ni Dante si Gil noong sumailalim ito sa spinal cord surgery dahil sa car accident six years ago. May pagkakataon kailangang magperformed ng surgery si Gil kahit hinahawakan na niya ang TheCompany sa mga unang taon. Loyal paring siya sa sinumpaang tungkulin bilang surgeon. Iilan
last updateLast Updated : 2024-08-16
Read more
Chapter 7: Unexpected Audition
Gabi. Tatlong araw ng nasa bahay si Ellie, tulad ng inaasahan deadma ang mga follow-up calls niya at ang huli pinatayan pa siya ng phone. "Sana hindi na kami magkita, nakakainis siya. Paglakarin talaga ako hanggang office. Haist!" Gumawa na lamang si Ellie ng business page. Matagal din ang two weeks suspension kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makabenta. Nagpost siya ng mga picture ng condominium at nilagyan ng caption para maging eye catcher sa audience. Naglagay din siya ng video at nilapatan ng kanyang voice over. Natutunan niya ang digital marketing sa training sa real estate. Hindi katagalan may notification na pumasok. Nag inquire ng location at sample computation pero hindi pa maituturing na hot prospect. Habang sinasagot niya ang inquiry tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng kama. Dinampot niya ito ng matukoy kung sino. "Oi bakit?" "Hulaan ko, nasa dating site ka no! Gabing-gabi na gising ka pa," sabi sa kabilang linya. Boses lalake, ang best
last updateLast Updated : 2024-08-16
Read more
Chapter 8: TheCompany's Pantry
"Good Morning President," bati ng mga nakakasalubong ni Gil habang naglalakad sa lobby ng TheCompany kasama ang kanyang driver-assistant na si Mr. Ed. "Good Morning." Napansin ni Gil na nakatingala ang ilang employees sa isinasabit na tarpulin. "Ano ba ang nakalagay sa tarpulin, Mr. Ed?" "Ang nakapasa sa audition kahapon," sagot nito. "Ang agent ng MDC nakapasok din sir." "O, I won't be surprised." Lumaylay ang malaki at malapad na tarpulin sa mismong dadaanan ni Gil. Nakaprint ang half body picture ng tatlong napiling residence vlogger-model. Maliban dito, hindi nakaligtas sa paningin ni Gil ang bulungan ng ilang empleyado na naroon. May mga backer daw ito sa loob kaya nakapasa sa audition. Sa lahat ng ayaw niya ang mga side comment na walang basehan. "Ibig sabihin may talent talaga sila," medyo inilakas ni Gil ang boses para masawata ang bulungan. "To be fair enough gusto kong ma meet ang mga new talents." "Yes, sir." Nang marinig ito ng mag empleyado agad
last updateLast Updated : 2024-08-22
Read more
Chapter 9: Vlogger or Not Vlogger
CONTRACT AGREEMENT. Ito ang nakasulat sa unang page ng papel na nasa ibabaw ng long table. Tatlong set ito, para kina Ellie, Damian at Mariz. Nakaupo si Ellie sa ikaapat na silya, katabi niya si Damian at katabi naman nito si Mariz. Nasa harapan nila ang kanilang kontrata. Kasama sa meeting room ang tatlong judge sa audition maliban kay Brenn. "Nasa ibabaw ng table ang contract ninyo," sabi ni Ms. Cynthia. "Basahin n'yo muna then kung okay sa inyo ang laman ng contract, please sign and return the contract, okay." Agad nilipat ni Ellie ang pahina sa huling page. Nakita niya agad ang compensation, forty five thousand pesos sa bawat paglabas. Akala niya thirty thousand lang sabi ni Brenn sa kanya. At may additional allowance na matatanggap habang nagkakaroon ng shooting. Natuwa siya ng mabasa ito. Habang binabasa ni Ellie ang laman ng contract lumapit si Dale. "Sorry, Ms. Ellie nagkapalit kayo ni Mariz ng contract." Lapit ni Dale sa kanya. Si Dale ang head ng Administrative Depart
last updateLast Updated : 2024-08-27
Read more
Chapter 10: The Soft Side
Kinabukasan sa TheCompany naghihintay si Ellie sa tapat ng elevator, 9:00 ng umaga ang call time nila para sa unang shooting. May dala siyang dalawang malaking paper bag. Ang isang paper bag ay damit na gagamitin niya sa shooting at ang isa ay may laman na dalawang kahon ng plantsa at isang kahon ng blender. Order ito sa kanya ng dalawang kaibigan ni Brenn. Sa ganitong mga raket nakakakuha siya ng mga referral ng condo at extra income narin. Bumukas ang pinto ng elevator at pumasok si Ellie. Ilang segundo lang ang pagitan, sumakay ng elevator si Dale. "Hi Ms. Ellie!" bati sa kanya. Pinindot nito ang 5th floor. Nakita nitong parehong may hawak ang kamay ni Ellie. "Sa 9th floor ka tama ba, Ms. Ellie?" "Yes sir Dale," malambing niyang tugon. Ang ganda ng umaga niya nakita niya si Dale. "Puwede ka ng elevator attendant sir. Alam mo kung saan floor bababa ang tao." Nagkatawanan silang dalawa. Habang pasarado ang pinto ng elevator muli ito bumukas. Biglang pumasok si Gil at ang
last updateLast Updated : 2024-08-28
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status