Home / Romance / My Flawless Diamond / Chapter 2: Agent Ms. Ellie

Share

Chapter 2: Agent Ms. Ellie

Author: Ped Xing
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"I, I, I, I-I've been runnin' through this strange life

Chasin' all them green lights

Throwin' out the shade for a little bit of sunshine.

Hit me with them good vibes

Pictures on my phone like

Everything is so fine

A little bit of sunshine...

A little bit of sunshine...

A little bit of sunshine..." 🎶

Masayang inaawit ni Ellie ang kantang Sunshine ng One Republic habang naglalakad sa malaking parking lot ng mall. Pasayaw sayaw pa ito habang palihim na iniipit sa wiper ng mga sasakyan ang leaflets, na dapat sa loob lamang ng mall pinamimigay. Bawal ito sa patakaran ng mall pero talagang matinik siya. Diskarte ang sabi niya walang bawal sa kanya kung walang makakakita. Nagbakasakali na may kliyenteng makuha at matulad sa kanyang kasamang agent na naka cash on the spot sales dahil sa leaflet na nakuha sa ibabaw ng kotse, 10 million cash. Noong sinuma ni Ellie ang 3% commission times 10 million less 12% tax equal 264,000! Puwera pa ang incentives na makukuha. Buhay prinsesa siya sa halagang P264,000 kahit hindi muna siya magtrabaho ng tatlong buwan.

Maria Samantha Eleanor Ledesma, 29 years old, newbie real estate sales agent ng Millennium Development Corporation o MDC. Ito ang top 2 developer ng mga high-rise condominium at vertical houses sa Pilipinas.

One year palang sa real estate si Ellie, lakasan lang ng loob ng pasukin niya ito. Walang experience sa pagbebenta ng condo. Medyo nahirapan siya sa una pero sabi ni Bonne normal daw at masasanay din siya. Kaya naman todo ang pakikinig niya sa kanyang mga senior. At nag attend din siya ng mga free training na provided ng company. Dagdag asset na lang ang pagiging makutata at madiskarte. Kaya wala pang isang taon tatlong unit ng condo ang ambag niya sa team ni Bonne. Sa huli, nagustuhan niya ang pagiging sales agent dahil nasa field ang trabaho maraming nakilalang tao at may nagagawa sa ibang araw kung walang manning o duty.

"Benta, benta, benta, a little bit sunshine..." sabi ni Ellie sa mga sasakyan. "Maging lucky car sana ang isa sa inyo. A little bit sunshine..."

Nagpalipat-lipat si Ellie ng kotse. Sinugurado ng walang makakalusot na kahit isang sasakyan na hindi niya malalagyan ng leaflet. Nag-iingat siya na hindi makita ng mga nag-iikot na mga security guard baka isipin na carnapper o basag kotse gang siya.

ENGG! ENGG! ENGG! ENGGGGGG!

Nagulat si Ellie ng biglang nagsirena ng malakas ang SUV na nilagyan ng leaflet.

"Lintek na!"

ENGG! ENGG! ENGG! ENGGGGGGG!

"Magbehave ka naman!"

Patuloy ang malakas na sirena ng sasakyan. May patakbong security guard ang naglilibot sa parking lot ang papunta sa kanyang kinalalagyan.

"Takbo na Ellie! Takbo!" sabi ng utak niya pero imbis na tumakbo lumakad siya ng mabilis na parang walang nangyari. Nakasalubong pa niya ang guard.

"Kuya guard," pakikay na sabi n'ya. "Eskandaloso ang sasakyan na 'yon, nakakita lang ng maganda nagsirena na agad." Sabay turo ng sasakyan.

Napatawa ang guard sa kanya. "Baka nasagi mo."

"Hindi ah, dumaan lang ako biglang nagsisisigaw. Ang sabi, ang ganda! Ang ganda! Ang ganda-ganda!" Biglang siyang tumawa ng malakas. Lumabas ang pagkataklesa. Iniwan niya ang guard at pakembot-kembot na lumakad.

Nasa loob na si Ellie ng mall. Nagpunas ng pawis sa mukha. Kanina hindi niya nararamdaman ang init pero ngayon nasa loob siya doon lang naramdaman ang tumutulong pawis sa kanyang likod. Pumunta siya sa booth kung saan nakalagay ang scale model ng binibentang high rise condo. Nadatnan niya ang dalawang kasamang sales agent na kampanteng nakaupo sa two seater couch sofa at nagkukuwentuhan habang nainom ng ice coffee in can. Imbes mamigay ng leaflets pinag-uusapan ang buhay ng ibang ahente.

"Binasa na ang tinda natin," sabi niya ng lumapit sa mga kasamang sales agent. Pinagpag ang mga leaflets. "Mga suki bili ng condo! Condo kayo d'yan!"

"Saan ka ba galing Ms. Ellie? Kanina ka pa namin hinahanap," sabi ni Kris ang sexy looks na agent.

"Naglunch na kami hindi ka na namin nahintay," sabi naman ni Maan ang matabang sales agent.

"Ayos lang, naglunch na rin ako," sagot niya pakunwari. "Dadating ba si sir?" Ang tinutukoy niyang sir ay kanyang managing director.

"Malate ng dating si sir Bonne katetext lang sa akin," sabi ni Kris.

"Ganon!" Napamaang si Ellie halatang nadismaya. "Talaga bang late lang si sir? Baka hindi na naman siya sumipot tulad noong isang araw. Grabe ha, wala na akong allowance."

Ang totoo wala ng laman ang kanyang wallet, ang natitirang pera ay pinamasahe niya kanina. Sa contract na pinirmahan sa MDC, mapuputol ang monthly allowance kapag hindi siya nakabenta sa loob ng tatlong buwan. Sa ngayon, pang-apat na buwan na siyang walang benta kaya two months na siyang walang allowance.

"Ewan ko," sagot ni Maan. "Kilala mo naman si sir sa sampung sinabi tatlo lang ang tama." Tumawa pa ito.

"Sinabi pa naman na bibigyan niya ako ng allowance pagdating niya," Pagmamaktol niyang sabi. "Think positive, Ellie. Dadating siya!" Pagpapalakas niya sa sarili.

"Parang hindi mo kilala sir kapag pera ang pinag-uusapan parang bulang biglang nawawala," dagdag pa ni Maan.

"Ang hirap kaya utangan ang taong 'yon," sabat ni Kris.

"Haist!" Nilapitan niya si Kris at umupo sa sariling binti paharap sa kasamang agent. "Ms. Kris, kapag hindi dumating si sir pahihiramin mo ako ng pamasahe." Hinimas-himas ang braso. "Wala pa akong sales ngayon samantalang kayo may benta na."

"Kailangan mo ng mag double job Ms. Ellie." Biro ni Maan.

"Double job ka d'yan! Lahat na nga pinasok ko. Jack of all trades na nga ako." Sabay tayo ng may makitang babaeng nakatingin sa scale model ng condo. "Hi ma'am condo po." Inabutan niya ng leaflets.

"Tinitignan ko lang, wala pa akong budget," sabi nito pero kinuha ng leaflets sa kanya.

"Ayos lang ma'am, libre 'yan. Baka sakaling tumama kayo sa lotto sa akin kayo kumuha." Hanggang tenga ang ngiti niya. "Kapag kumuha kayo may free kitchen showcase. Branded 'yon, ma'am. Hindi na ninyo problema ang lutuan at mga kaserola kapag nag move-in kayo."

"Talaga, promo ba 'yan?"

"Yes po! Kaya hindi maiinggit ang kapit-bahay ninyo dahil pareho kayo ng brand ng kitchen appliances. Puwera na lang ang ulam."

Natawa ng babaeng kaharap niya. "Kakatuwa ka naman magsales talk. Magkano naman ang 2 bedroom unit at reservation dito?" Sinipat-sipat ang salamin ng scale model.

"Php 8.2 million and Php50,000 ang reservation ma'am," agad niyang sabi. "Exclusive ang condo namin ma'am." Pagmamalaki pa niya. Alam naman niyang hindi ito bibili pero kailangang niyang i-entertain ang babae. Dahil posible naman maging referral ito.

"Wow, ang mahal pala! Kailangan tumaya na ako sa lotto para makabili."

"Simulan ninyo na ma'am tumaya ng lotto," ngiting sabi ni Ellie. "May 6/55 mamaya na bola, 100 M ang winning prize."

"Updated ka sa lotto," nakangiting tugon nito. "Ang reservation ba ay refundable kung hindi itutuloy ang pagbili?"

"Non-refundable na po. Automatic forfeited na po ito kapag lumagpas ng one month."

"Oh, I see. Parang ayoko ng bumili reservation pa lang ang mahal na."

"Maliit lang 'yan ma'am kung tatama naman kayo sa lotto ng 100 million putal lang 'yan. Saka ma'am 5 star ang condo namin sa cr pa lang hindi ninyo kailangan hawakan ang tank lever o 'yong handle pagkatayo ninyo sa inodoro automatic flushing."

"May censor ha."

"Yes ma'am na censor na wala ng wetpu sa inodoro."

Tumawa uli ang babae. "Nakakatawa ka talaga."

"Ganyan talaga ma'am para lahat masaya. Basta ma'am kapag tumama ka sa lotto ako ang kunin mong ahente. Heto ang pangalan ko buong-buo para hindi ninyo malimutan. Maria Samantha Eleanor F. Ledesma, Ms. Ellie for short. 'Yan po ang number ko 'wag ninyo pong iwawala. Mahal ang magpagawa ng calling card." Sabay abot ng calling card sa babae. Nakangiti parin siya.

"Sige salamat," sagot ng babaeng tuwang-tuwa sa kanya. "Ipanalangin mo na tumama ako sa lotto."

"Yes ma'am kahit sa lahat ng mga santo at santa. Balik kayo kapag tumama na kayo."

Tumango at nag thumbs up ang babae ng umalis.

Itinuloy na ni Ellie ang pamimigay ng leaflets sa mga naglalakad malapit sa kanilang booth. Marami ang tumatanggi na tila nandidiri sa papel. Meron namang tumatanggap ngunit balewala lang ito. Nasanay na siya sa attitude ng mga taong nakakasalamuha araw-araw. Iniisip niya, sa bawat isang leaflets na ipapamigay ay katumbas ng kanyang buhay. Tanggapin man o hindi ang kanyang leaflets, magpapatuloy parin siya. Hindi niya kailangang mahiya kahit deadmahin pa. Ang panuntunan niya sa real estate ay hanapin ang isang positive client sa isang libong tao. Tila isang karayom na nahulog sa dilim. Ang positive client ay isang diyamante.

Sinundan ni Ellie ang isang babae na may dalang malaking paper bag mula sa kilalang brand ng panglalaking sapatos. Palihim siyang lumapit at inihulog niya sa loob ng paper bag ang kanyang leaflets.

"Shoot! Lamang ang madiskarte."

Kaugnay na kabanata

  • My Flawless Diamond   Chapter 3: Signos

    10:20 ng gabi ng makauwi si Ellie, naratnan niyang nakaipit sa gate ang billing statement ng ilaw at tubig. Napabugtong-hininga siya bago kinuha ang mga sobre. Bayaran na naman pero wala pa siyang pambayad. Dagdag pa ang renta ng inuupahan nilang bahay. Pagpasok niya sa loob ng bahay agad siyang dumiretso sa kusina. Ibinaba ang bag sa mesa. Nagbungkal ng kaldero. Marami pang kanin pero wala siyang nakitang ulam. Binuksan ang cabinet kung saan nakalagay ang stock ng delata, nakita niya ang nag iisang lata ng sardinas sa sulok. Agad niya itong kinuha at binuksan. Sumandok ng kanin. "Nanginginig na ako sa gutom." Kinakausap niya na ang sarili. Sumubo ng kanin at sardinas. Tulad ng inaasahan hindi dumating ang boss nilang si Bonne mabuti na lamang pinautang siya ni Kris ng pamasahe kundi maglalakad siya pauwi. "Ang malas ko talaga sa mga boss! Sa loob ng 8 years puro sablay ang nakukuha kong boss. Ang una, maniac! Pangalawa, narcissist ngayon naman indiyanero na kuripot pa. Paasa talaga!

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Flawless Diamond   Chapter 4: One Million Ballpen

    Matapos pirmahan ni Gil ang mga dokumento iniwan niya ito sa kanyang secretary, saka siya tumungo sa meeting kung saan naghihintay sina Ms. Cynthia at Rex sa meeting room ng TheCompany. "Kailangan bang i-hire ang mga talent as full time," tanong ni Gil. Habang binabasa ang report. Hindi siya sang-ayon sa pagkuha ng bagong talent para sa ilalabas na ads. Nagkaroon ng collaboration ng creative at media planning department. Lumabas sa collaboration na video vlog ang magiging concept ng ads. "What about our regular talents?" Hindi ba magkakaroon ito ng conflict sa regulat talent natin?" "No sir. The job description is only part-timer," sagot ni Rex ang head ng media planning department "We're looking new faces on these ads but project based work. Sila ang magiging residence vlogger-model natin." "Regarding sa in-house talent natin. There are not suitable for this kind of concept ads," sabat ni Ms. Cynthia. Si Ms. Cynthia, head ng creative team. Ang pinaka agresibong department. Hawa

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Flawless Diamond   Chapter 5: Ellie's Client

    Wala si Bonne ng makabalik si Ellie sa office, kaya hinanap niya ito sa ibang cubicle ng makasalubong ang kanilang sales coordinator na si Mona. "Hi Ms. Ellie! May good news ako sayo at may bad news!" bati nito sa kanya habang patuloy sa paglakad. "Sama ka sa akin." Wala sa loob na sumunod si Ellie hanggang makarating sa working table ng sales coordinator. "Kung bad news, alam ko na." Humila si Ellie ng silya at pabagsak na umupo. "Suspended ako ng two weeks. Ang saklap, Ms. Mona wala akong manning." "So nakita mo na pala ang memo s'yo," sagot ni Mona habang nagtype sa keyboard ng computer ng sample computation. Tumango si Ellie at tila nagmamakaawa ang mukha. "Next time sumunod ka sa policy ng mall." "Bulok siguro 'yung kotse kaya nasira ang wiper. Dapat dinadala na sa junk shop ang mga ganoong sasakyan. Sobrang gaan lang naman nito." Dinampot niya ang leaflets na nasa ibabaw ng mesa at winasiwas sa hangin. "Huwag mo ng gagawin 'yon." Mahinang tapik sa braso niiya.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Flawless Diamond   Chapter 6: Digging The Truth Of The Dominant Boss

    Tumutunog ang cellphone ni Gil sa ibabaw ng mesa. Sinilip niya ito ng makita kung sino ang nakaregister sa screen. Pinatay niya uli at muling bumalik sa ginagawang pagreview ng mga report. "Mr. President narito na po si Mr. Dante Soliman." Tinig ng secretary ni Gil mula sa intercom phone. "Papasukin mo." Isinara ni Gil ang binabasang report saka tumayo at sinalubong ang bisita. Si Dante Soliman ay kaibigan ni Gil noong college pa bagamat magkaiba sila ng kursong kinuha. Magkakilala na sila noong panahong nasa senior high pa lamang ngunit hindi sila naging malapit sa isa't isa. Noong nagcollege, iisang university ang kanilang pinasukan kaya doon sila naging magkabuddy. Maliban pa dito naging nueurosurgeon ni Dante si Gil noong sumailalim ito sa spinal cord surgery dahil sa car accident six years ago. May pagkakataon kailangang magperformed ng surgery si Gil kahit hinahawakan na niya ang TheCompany sa mga unang taon. Loyal paring siya sa sinumpaang tungkulin bilang surgeon. Iilan

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Flawless Diamond   Chapter 7: Unexpected Audition

    Gabi. Tatlong araw ng nasa bahay si Ellie, tulad ng inaasahan deadma ang mga follow-up calls niya at ang huli pinatayan pa siya ng phone. "Sana hindi na kami magkita, nakakainis siya. Paglakarin talaga ako hanggang office. Haist!" Gumawa na lamang si Ellie ng business page. Matagal din ang two weeks suspension kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makabenta. Nagpost siya ng mga picture ng condominium at nilagyan ng caption para maging eye catcher sa audience. Naglagay din siya ng video at nilapatan ng kanyang voice over. Natutunan niya ang digital marketing sa training sa real estate. Hindi katagalan may notification na pumasok. Nag inquire ng location at sample computation pero hindi pa maituturing na hot prospect. Habang sinasagot niya ang inquiry tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng kama. Dinampot niya ito ng matukoy kung sino. "Oi bakit?" "Hulaan ko, nasa dating site ka no! Gabing-gabi na gising ka pa," sabi sa kabilang linya. Boses lalake, ang best

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Flawless Diamond   Chapter 8: TheCompany's Pantry

    "Good Morning President," bati ng mga nakakasalubong ni Gil habang naglalakad sa lobby ng TheCompany kasama ang kanyang driver-assistant na si Mr. Ed. "Good Morning." Napansin ni Gil na nakatingala ang ilang employees sa isinasabit na tarpulin. "Ano ba ang nakalagay sa tarpulin, Mr. Ed?" "Ang nakapasa sa audition kahapon," sagot nito. "Ang agent ng MDC nakapasok din sir." "O, I won't be surprised." Lumaylay ang malaki at malapad na tarpulin sa mismong dadaanan ni Gil. Nakaprint ang half body picture ng tatlong napiling residence vlogger-model. Maliban dito, hindi nakaligtas sa paningin ni Gil ang bulungan ng ilang empleyado na naroon. May mga backer daw ito sa loob kaya nakapasa sa audition. Sa lahat ng ayaw niya ang mga side comment na walang basehan. "Ibig sabihin may talent talaga sila," medyo inilakas ni Gil ang boses para masawata ang bulungan. "To be fair enough gusto kong ma meet ang mga new talents." "Yes, sir." Nang marinig ito ng mag empleyado agad

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Flawless Diamond   Chapter 9: Vlogger or Not Vlogger

    CONTRACT AGREEMENT. Ito ang nakasulat sa unang page ng papel na nasa ibabaw ng long table. Tatlong set ito, para kina Ellie, Damian at Mariz. Nakaupo si Ellie sa ikaapat na silya, katabi niya si Damian at katabi naman nito si Mariz. Nasa harapan nila ang kanilang kontrata. Kasama sa meeting room ang tatlong judge sa audition maliban kay Brenn. "Nasa ibabaw ng table ang contract ninyo," sabi ni Ms. Cynthia. "Basahin n'yo muna then kung okay sa inyo ang laman ng contract, please sign and return the contract, okay." Agad nilipat ni Ellie ang pahina sa huling page. Nakita niya agad ang compensation, forty five thousand pesos sa bawat paglabas. Akala niya thirty thousand lang sabi ni Brenn sa kanya. At may additional allowance na matatanggap habang nagkakaroon ng shooting. Natuwa siya ng mabasa ito. Habang binabasa ni Ellie ang laman ng contract lumapit si Dale. "Sorry, Ms. Ellie nagkapalit kayo ni Mariz ng contract." Lapit ni Dale sa kanya. Si Dale ang head ng Administrative Depart

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • My Flawless Diamond   Chapter 10: The Soft Side

    Kinabukasan sa TheCompany naghihintay si Ellie sa tapat ng elevator, 9:00 ng umaga ang call time nila para sa unang shooting. May dala siyang dalawang malaking paper bag. Ang isang paper bag ay damit na gagamitin niya sa shooting at ang isa ay may laman na dalawang kahon ng plantsa at isang kahon ng blender. Order ito sa kanya ng dalawang kaibigan ni Brenn. Sa ganitong mga raket nakakakuha siya ng mga referral ng condo at extra income narin. Bumukas ang pinto ng elevator at pumasok si Ellie. Ilang segundo lang ang pagitan, sumakay ng elevator si Dale. "Hi Ms. Ellie!" bati sa kanya. Pinindot nito ang 5th floor. Nakita nitong parehong may hawak ang kamay ni Ellie. "Sa 9th floor ka tama ba, Ms. Ellie?" "Yes sir Dale," malambing niyang tugon. Ang ganda ng umaga niya nakita niya si Dale. "Puwede ka ng elevator attendant sir. Alam mo kung saan floor bababa ang tao." Nagkatawanan silang dalawa. Habang pasarado ang pinto ng elevator muli ito bumukas. Biglang pumasok si Gil at ang

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • My Flawless Diamond   Chapter 29: Unexpected Guest

    Humahangos ang baguhang staff ni Dale sa pasilyo. Ang kanyang salamin sa mata ay nakapatong sa tungki ng kanyang ilong, ay mawala sa posisyon ng hindi sinasadyang mabangga si Dale sa kanyang biglang pagliko. "S-Sorry sir Dale, hindi kita napansin," sabi nito. Ang boses niya ay may halong takot at panginginig. "N-nakuha ko na po ang dokumentong pinapahanap mo, sir." Pinandilatan ni Dale ang kanyang tauhan, isang tahimik na unos ang namumuo sa kanyang mga mata. Ang matalim na titig nito ay isang ekspresyon na maaaring magpadala ng panginginig sa gulugod ng sinumang makakita. "S-sir?" Nauutal na sabi nito. Nanlalaki ang mga mata sa pag-aalala ng baka masigawan siya. Nang magsimulang tumindi ang tensyon, sumilay ang ngiti sa mukha ni Dale at lumabas ang malalim na biloy sa pisngi. "Just kidding, Ms. Anne," sagot ni Dale, ang kanyang boses ay may halong pagbibiro. "Ang mga baguhang kong staff lagi kong tinatakot sa first day nila dito sa TheCompany. Tignan mo sila pinagtatawanan ka ni

  • My Flawless Diamond   Chapter 28: Finding The Answer

    Iniharap ni Dante kay Gil ang mga dokumentong na-extract niya mula sa mga naka-archive na file ng lumang computer system habang ina-update niya ang software sa TheCompany. Sa kanyang pagsusuri doon niya nalaman na ang mga numerong nasa flash drive na binigay ni Gil ay magkatugma sa data base nang id ng empleydado. Nasa loob sila ng Manhattan Resto Bar sa mga oras na 'yon. "Tignan mo 'to, magkapareho ang id number sa number na nasa flash drive. Pero noong natrace ko ang taong may hawak ng id na ito ay pangkaraniwang empleyado lang. Imposibleng magkaroon ng access ito sa account dahil housekeeping ang trabaho niya." "Hindi kaya nililigaw tayo ng gumawa nito?" tanong ni Gil habang sinusuri ang mga dokumento. "Posible. Noong nag check ako sa data base lahat ng naritong pangalan ay wala na sa company." Ibinigay ni Dante ang isa pang papel kay Gil. "Nakalagay naman d'yan kung kailan sila nag-resigned. Nakakapagtaka lang dahil ang pagitan ng kanilang mga resignation ay halos tatlong araw

  • My Flawless Diamond   Chapter 27: Lifesaver

    Dahil sa sinabi ni Ellie, hinubad ni Gil ang suot na suit jacket at nilapag sa mesa. Kanina pa nga siya naasiwa dahil marami ang napapatingin sa kanya habang naglalakad. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang tingin ng mga tao sa kanya. Pakiramdam niya may gusto pang magpicture. "Bakit hinubad mo President?" "Naiinitan ako." "Ows?" May halong pagbibiro sa boses ni Ellie. "Baka nahiya ka lang President dahil lahat ng tao dito pangkaraniwan ang suot. Ikaw lang kaya ang naiiba." Ginala ni Gil ang kanyang mata, totoo ang sinabi ni Ellie halos lahat naka casual. May ibang naka damit pang opisina pero hindi ganoon ka pormal na tulad ng suot niya. "Alam mo Ms. Ellie, ang dami mong napapansin. Isipin mo na lang naka-cosplay ako." "Cosplay?" Tinitigan ni Ellie si Gil na parang nag-isip ng karakter na babagay sa Presidente. "O, bakit ganyan ka makatingin, Ms. Ellie?" Habang tinitigan ni Ellie si Gil. Napansin niya ang laki pala ng pagkakahawig nito sa naiisip

  • My Flawless Diamond   Chapter 26: First Time At The Night Market

    Pasado ala sais ng gabi, mabagal ang daloy ng trapiko. Sakay si Gil ng kanyang sasakyan. Tanaw niya mula sa kanyang kinauupuan ang liwanag ng ilaw sa mga nakahilerang tindahan. Nagsisimula na ring magbukas ang mga panggabing establisyemento. Marami rin ang naglalakad. Pero hindi naman doon nakatuon ang kanyang isip. "Hindi yata naging maganda ang araw mo ngayon, President," sabi ni Mr. Ed kay Gil habang nagda-drive. Nahalata ang malimit na pagbugtong-hininga nito. Alam ni Mr. Ed na kapag ganito ang aura ng Presidente maraming gumugulo sa isip. "Tama ka," maikling sagot ni Gil. Hindi maiwasan ni Gil na pag-isipan ang misteryosong mensahe ng kanyang kapatid, na tumutukoy sa lumang id. Naniniwala siya na may alam ang kanyang kapatid, ngunit tila nag-aalangan ito na pag-usapan ang tungkol dito. May pakiramdam siya na ang kanyang kapatid ay maaaring nagtatago ng sikreto. Dagdag pa ang biglaang pag-alis nito papuntang Paris ng walang pasabi. Sa aksyon ng kanyang kapatid lalong

  • My Flawless Diamond   Chapter 25: The First Battle

    "Ano bang pumasok sa isip mo kung bakit ginawa mong product endorser si Ms. Ellie? Sinabi mo isama lang siya sa casting pero ginawa mo siyang endorser," seryosong tanong ni Gil kay Dana. Halata sa boses nito ang pagtataka. Gusto niya talagang kausapin si Dana ng sarilinan tungkol sa bagong kontrata ni Ellie. Hindi ito ang kanilang napag-usapan sa simula. Hindi niya inaasahan na babaguhin ni Dana ang kontrata. Hinintay muna ni Gil na makaalis sina Ellie at Dale upang hindi marinig ng dalawa ang kanilang pag-uusapan. Bagamat hindi niya hawak ang talent management, iniisip niya rin ang kapakanan ng ibang talent na matagal na sa TheCompany. Baguhang talent si Ellie at magiging malaking isyu ito sa iba. Hindi maiiwasan magkaroon ng inggitan. Lalo na't product endorser ang kontratang pinirmahan ni Ellie. "Well, nakita ko ang kakayahan niya. Taglay niya ang karisma na hinahanap ko para sa product na i-launch namin. Ikaw na rin ang nagsabi na may potential siya," paliwanag ni Dana.

  • My Flawless Diamond   Chapter 24: Instinct

    "Ms. Ellie, you never know when the next opportunity will come when you say no today," sabi ni Gil. Nakatitig ng maigi kay Ellie. "Kung marami kang gastusin makakatulong sa'yo 'to. Lalo na kung may sinusuportahan ka. Branded pa ang pwede mong bilhing damit." "President hindi ako mahilig sa branded," sagot agad ni Ellie. "Ah, I see. Hindi ka mahilig sa branded. Just in case na may gusto kang regaluhan, I mean." Tila may gustong patungkulan si Gil. Iniisip niya ang nakitang lalaki na kasama ni Ellie sa mall. Kaya niya sinabing p'wede siyang bumili ng branded na damit. "Ahh, pero sir, ano ang katiyakan ko para..." "I will not leave you, I will always be by your side. Kaya wala kang dapat alalahanin sa kontrata. Ako na ang bahala sa lahat," dugtong pa ni Gil. "Ang pinag-usapan natin kanina of course itutuloy natin. No worry." "Dapat lang, ikaw naman ang makikinabang nito," pabulong sabi ni Ellie. "May sinasabi ka Ms. Ellie?" "A-ah wala President" Hinawi niya ang bangs na tu

  • My Flawless Diamond   Chapter 23: The Contract

    Nakatayo patalikod si Ms. Cynthia sa filing cabinet. May hinahanap siyang dokumento. Bumakas ang pinto ng kanyang opisina. "Ate, bakit si Ms. Ellie ang kinuha ng Semuel at hindi ako?" bungad na tanong ni Mariz. Hindi maipinta ang mukha sa pagkainis. Umupo ito sa gilid ng table ni Ms. Cynthia. Lumingon sandali si Ms. Cynthia at muling binalik ang paningin sa hinahanap na dokumento. "Ate wala ka bang gagawin para hindi matuloy ang kontrata ni Ms. Ellie?" "Isara mo ang pinto at window blinds," utos nito, hindi man lang lumingon. Glass wall ang dingding ng opisina ni Ms. Cynthia, kita mula sa labas ang anumang nasa loob. Sumunod si Mariz, sinara ang pinto at pinihit ang wand upang sumara ang window blinds. Saka ito umupo sa sopa set malapit sa filing cabinet. "Anong gagawin ko para makuha ko ang kontrata ng Semuel?" "Pwede ba Mariz umayos ka," mahinang sabi ni Ms. Cynthia. Tinulak ng malakas ang pinto ng filing cabinet upang sumara. Seryosong lumapit kay Mariz. "At h

  • My Flawless Diamond   Chapter 22: Ellie's Trap

    Isinabog ni Ellie ang laman ng kanyang bag nang hindi makita ang calling card na binigay sa kanya ng nakilalang babae. Kanina habang pauwi sila ni Ellery galing mall, nakak'wentuhan niya ang katabing babae sa bus. Napansin niya kasing nagba-browse ito sa cellphone ng mga property. Kinausap niya lang sandali ang babae hanggang makilala niya at binigyan siya ng calling card. Matatapos na ang buwan kaya kailangan niyang makahanap ng kliyente. Padadalhan niya ng sample computation ang nakilalang babae, para magkaroon ng bagong prospect. Nasa study table si Ellie nakaharap sa laptop. Matapos niyang padalhan ng email ang babae, sinagot niya ang ilang nag-inquire sa kanyang business page. Sa labas ng pinto ng kanyang kwarto narinig niya ang mahinang katok. Pumasok si Ellery. Suot ang bagong biling puting long sleeve polo na tinernuhan ng navy blue necktie, na may maliliit na white dot pattern. "Ate tignan mo nga, bagay ba sa akin?" Umikot ang swivel chair na kinauupuan ni Ellie.

  • My Flawless Diamond   Chapter 21: The Art of Stalking

    Titanium eyeglasses, denim maong jeans, tucked in white twin tipped polo and brown loafer ang suot ni Gil, habang naglalakad sa loob ng mall na tila pangkaraniwang tao. Kasunod niya si Mr. Ed na black suit pa rin ang suot. At sa kamay nito dala ang dalawang paper bag mula sa kilalang sport equipment store. Tumawag si Mrs. Loise kay Gil kanina sa office. Nakiusap sa kanya na ibili ng gamit ang ama para sport activity na gagamitin sa susunod na linggo. Iuutos niya sana ito sa kanyang secretary ngunit naisip niyang maselan ang ama sa mga gamit. Kilala niya ang ama na hindi basta gumagamit ng sport equipment na hindi angkop sa specification na gusto nito. Baka masayang lang at hindi magamit. Sinabayan ni Gil si Mr. Ed. Lumiko sila sa kanan kung saan kaunti na lamang ang naglalakad na tao. "Mr. Ed, kumusta ang pinapaayos ko sa inyo? Mayroon na bang lead tungkol sa lalaking pumasok sa opisina ng account department," kaswal na pagtatanong ni Gil. Diretso ang tingin sa nilalakaran.

DMCA.com Protection Status