Wala si Bonne ng makabalik si Ellie sa office, kaya hinanap niya ito sa ibang cubicle ng makasalubong ang kanilang sales coordinator na si Mona.
"Hi Ms. Ellie! May good news ako sayo at may bad news!" bati nito sa kanya habang patuloy sa paglakad. "Sama ka sa akin." Wala sa loob na sumunod si Ellie hanggang makarating sa working table ng sales coordinator. "Kung bad news, alam ko na." Humila si Ellie ng silya at pabagsak na umupo. "Suspended ako ng two weeks. Ang saklap, Ms. Mona wala akong manning." "So nakita mo na pala ang memo s'yo," sagot ni Mona habang nagtype sa keyboard ng computer ng sample computation. Tumango si Ellie at tila nagmamakaawa ang mukha. "Next time sumunod ka sa policy ng mall." "Bulok siguro 'yung kotse kaya nasira ang wiper. Dapat dinadala na sa junk shop ang mga ganoong sasakyan. Sobrang gaan lang naman nito." Dinampot niya ang leaflets na nasa ibabaw ng mesa at winasiwas sa hangin. "Huwag mo ng gagawin 'yon." Mahinang tapik sa braso niiya. "Policy is policy. Kapag nahuli ka uli, one month ka ng walang manning." "Really, isang buwan talaga?" "Yes." Tuloy lang ito sa pagtype habang nagsasalita. "Lupit naman." "Ang good news alam mo na?" "Ano ba ang good news?" "May lumabas kang commission at may..." Hindi pa natatapos ang magsalita si Mona ng biglang napatayo si Ellie. Naalala niya ang totoong pakay. "Nasaan pala si sir Bonne, Ms. Mona? Hay, kapag di ko siya nakita, hindi ako makakauwi." Lumapit siya katabing cubicle at patingkayad na sumilip. "Si sir Bonne naroon sa client's room kausap ang client mo." "Client ko?" Biglang napaupo uli si Ellie. Dumukwang sa table ni Mona. Halos magkadikit ang kanilang mukha. "Sinong client ko? Sino? Sino?" "Ano ka ba Ms. Ellie, baka magkapalit na tayo ng mukha." Itinulak ni Mona ang ulo ni Ellie gamit ang dalawang daliri." May bunga rin pala ang mga diskarte mo. Nakuha ng client ang leaflets mo." "Talaga! My precious stone!" Kumislap ang kanyang mata. Pumalakpak ng mahina. "Hay, hindi mo pa sure kung positive client 'yan. Nagbibilang ka na agad ng pera." "Ang nega mo talaga kahit kailan. Malay mo mapaqualify ko siya. Magreserve! Isipin mo nagpunta pa rito sa office, ibig sabihin interesado." "Harinawa." "Kapag napareserve ko ito, ililibre kita ng paborito mong iced macchiato with extra milk sa loob ng one week." "Sure yan?" Tumango si Ellie. Sigurado sa sagot. "Dahil diyan ikaw na ang magdala ng sample computation na ginagawa ko. Para ma meet mo ang client. Siguraduhin mo na mapapareserve mo 'yan." "Yes! Sabi nga sa kdrama, fighting!" Umupo si Ellie katapat ang lalaki. Ito ang kanyang precious stone. Sa pananamit pa lang ng kanyang kaharap, level-up na agad. Lutang ang kaputian nito sa suot nitong black Dolce and Gabbana suit, fit sa malapad nitong balikat. Dagdag pa ang suot nitong Patek Philippe na wrist watch, wow na wow si Ellie. Magaling siyang kumilatis pagdating sa kasuotan. Sa dami niyang nakasamuhang tao araw-araw, alam niya na ang pinagkaiba ng branded at fake. "Sir, siya si Ms. Ellie. Sa kanya ang leaflets na dala mo." Tumango ang lalaki. Kumuha si Ellie ng calling card sa bag at binigay sa kaharap. Agad namang inabot ito. Tinignan saglit at ibinaba sa mesa. "Kailan mo gusto mag-unit tour, sir?" walang pasakalyeng tanong ni Ellie. Hindi man lang niya pinakilala ng maayos ang kanyang sarili. Kailangan niya ng sales sa month na ito kaya hindi na siya magpapaliguy-ligoy. "Available ako today para i-tour ka, sir." "Okay," matipid na sagot ng kliyente. "Ngayon na sir?" sabat ni Bonne. "Kung available siya, why not." Tumingin ito kay Ellie. "Yes available ako. Tara na sir." "Ms. Ellie, kailangan mong magbook ang tripping vehicle, one day before the tripping," sabi ni Bonne. "A, oo nga pala. Nalimutan ko," napakamot ng sintindo si Ellie. "Medyo excited lang. Pasenya na sir bukas na lang." "I have a car," sabat ng lalaki. "Mas okay sa akin mag site tour ngayon kaysa sa ibang araw," paliwanag nito sa kanila. "I'm a busy person so it might be difficult for you to contact me again." "'Yon naman pala sir Bonne, may sarili naman palang sasakyan si sir. E, di go na kami. Ako na ang bahalang mag site tour sa kanya," paggigiit ni Ellie. Kailangan niyang mapasite tour at mapareserve ang kliyente para magkaroon ng sales. Hindi siya p'wedeng magsayang ng oras. Sumang-ayon si Bonne. Sa loob ng kotse. "Branded ang suit. Mamahalin ang relo. May sariling car, may sariling driver. Ibig sabihin mapera ito," bulong ni Ellie sa sarili. "Ayos na magkakasales na ako. Claim it Ellie! Claim it!" Ipinakita ni Ellie ang fully furnished unit sa kanyang client. Ipinakita niya ang bawat sulok at ibinigay ang detalye. Mula sa sukat ng studio type hanggang 3 bedroooms. Ipinakita niya rin ang dressed up unit para magkaroon ng idea ang kanyang kliyente, kung paano malalagyan ng mga gamit. Halos mapaos na si Ellie sa kapapaliwanag. Wala itong mga tanong. Pabor ito kay Ellie. Less question, less mistake. Halos okay lang ang sagot nito. Hinawakan lang nito ang mga dingding at kinatok-katok. Binuksan ang pinto ng mga cabinet na tila nag iinspect. Hinawi ang kurtina at lumabas sa balcony. Naghahalo ang hampas ng lamig at init ng hangin. Sumilay sa kanila ang unti-unting paglubog ng araw at ang munting kutiptap ng ilaw mula sa mga katabing building. "The higher the floor, the more expensive but the view is the key to set the value." Saglit tumingin ang kliyente kay Ellie. "Tama ka sir." Tumango lang ang kliyente sa kanya at muling bumalik sa model unit. Sumunod si Ellie. "Alam mo sir ang condo namin hindi pahuhuli sa amenities. Like fitness center, game room, swimming pool, sky lounge, sky garden, function hall and private theater." "Okay." "Then, malapit din sa mga mall kung gusto mong mag shop galore. Nearby din lang ang mga exclusive school. At public school meron din. Sobrang lapit nito sa church kung church goer ka. Good pick na talaga ang condo namin, sir." "Okay." "Kung may emergency cases kayo sa bahay ninyo sir, 10 minutes drive lang sa pinakamalapit na hospital. Sa dami ng mga condominium na pagpipilian ninyo ang pinaka the best, ang condo namin," pagmamalaking sabi niya. "Okay." "At kung pagod kayo at kailangan ninyo ng swabeng music at kaunting alcohol sa fifth floor may bar station tayo, sir." "Okay." "Kung okay naman sa inyo ang lahat. Ang wala naman kayong mga tanong pwede na kayong mag sign up ng reservation today." "No." Bumagsak ang mundo ni Ellie ng marikinig ito. Nakaramdam siya ng rejection. Sa dami ng sinabi niya hindi niya ito nakumbinsi. Ang akala niyang precious stone hindi pala. "O-kay sir," nanlumo siya. Biglang nawala ang excitement sa kanyang katawan." Dito tayo sir sa may table." Yaya niya. "Paki fill-up ng client information ninyo." Inilipag niya sa mesa ang papel at kasama ng ballpen. Kinuha naman ng kanyang kliyente ang ballpen. "One million ba ang halaga ng ballpen na ito?" "Ha?" "Itong ballpen mo, magkano ang halaga nito? One million ba?" "Joke ba 'yan, sir? Wala naman one million para sa pangkaraniwang ballpen." "Ganoon ba, akala ko may espesyal dito sa ballpen mo," dagdag sabi nito habang nagsusulat. "Wala naman." "Anyway, I will keep in touch. Pag-aralan ko muna ang mga details. Nasa akin naman ang calling card mo." Ito ang salitang ayaw marinig ni Ellie pagkatapos ng site tour dahil alam niyang hindi ito totoo. Marami na siyang naging client na ganito ang sinabi pero hindi ito nangyayari. At kung siya ang tatawag madalas deadma ang kanyang calls. Sa pangalawang pagkakataon nareject siya. "Hindi pwedeng ganon," halos pabulong na sabi niya sa sarili. "Sabihin mong tawagan mo ako." "May sinasabi ka?" "Ah wala sir, imagination nyo lang 'yon," ngumiti siya ng peke. Tumayo na ang kanyang client at humakbang palabas. Kinuha ni Ellie ang client's form at ballpen, at dali-daling inilagay sa bag. Hindi siya papayag na doon lang matatapos ang kanyang site tour. Kailangan niyang maka first base para mapareserve ito. Sa labas ng lobby, nakita niyang naghihintay ang driver at ang sasakyan nito. Sinabayan niya ito papunta sa kotse. Tumatakbo ang kanyang utak. Naisip niya na kapag nasa loob na sila ng sasakyan magstory telling siya para makumbinsi. "Hindi na kita maisasabay, out of the way ang route ko sa office mo," biglang sabi nito habang binubuksan ang pinto sa passenger seat. Rejected uli si Ellie. "Ah, walang problema hindi talaga ako sasabay, may imeet pa akong client," kunwaring sabi niya. "Oo meron pa akong isang site tour." Ang kanyang plano ay nabalewala. Pero kahit ganoon, umaasa siyang ihahatid siya pabalik sa office pero hindi pala. Tatlong beses siyang nareject. Nang makaalis na ang kliyente saka lang ito nagreklamo. "Grabe hindi man lang niya ako pinasabay! Ang sama niya! Naisip ba niya na baka wala akong pamasahe! Haist kainis!" Kinuha niya sa bag ang client information. "Gil Estevez pala ang pangalan mo! Lintek ka!"Tumutunog ang cellphone ni Gil sa ibabaw ng mesa. Sinilip niya ito ng makita kung sino ang nakaregister sa screen. Pinatay niya uli at muling bumalik sa ginagawang pagreview ng mga report. "Mr. President narito na po si Mr. Dante Soliman." Tinig ng secretary ni Gil mula sa intercom phone. "Papasukin mo." Isinara ni Gil ang binabasang report saka tumayo at sinalubong ang bisita. Si Dante Soliman ay kaibigan ni Gil noong college pa bagamat magkaiba sila ng kursong kinuha. Magkakilala na sila noong panahong nasa senior high pa lamang ngunit hindi sila naging malapit sa isa't isa. Noong nagcollege, iisang university ang kanilang pinasukan kaya doon sila naging magkabuddy. Maliban pa dito naging nueurosurgeon ni Dante si Gil noong sumailalim ito sa spinal cord surgery dahil sa car accident six years ago. May pagkakataon kailangang magperformed ng surgery si Gil kahit hinahawakan na niya ang TheCompany sa mga unang taon. Loyal paring siya sa sinumpaang tungkulin bilang surgeon. Iilan
Gabi. Tatlong araw ng nasa bahay si Ellie, tulad ng inaasahan deadma ang mga follow-up calls niya at ang huli pinatayan pa siya ng phone. "Sana hindi na kami magkita, nakakainis siya. Paglakarin talaga ako hanggang office. Haist!" Gumawa na lamang si Ellie ng business page. Matagal din ang two weeks suspension kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makabenta. Nagpost siya ng mga picture ng condominium at nilagyan ng caption para maging eye catcher sa audience. Naglagay din siya ng video at nilapatan ng kanyang voice over. Natutunan niya ang digital marketing sa training sa real estate. Hindi katagalan may notification na pumasok. Nag inquire ng location at sample computation pero hindi pa maituturing na hot prospect. Habang sinasagot niya ang inquiry tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng kama. Dinampot niya ito ng matukoy kung sino. "Oi bakit?" "Hulaan ko, nasa dating site ka no! Gabing-gabi na gising ka pa," sabi sa kabilang linya. Boses lalake, ang best
"Good Morning President," bati ng mga nakakasalubong ni Gil habang naglalakad sa lobby ng TheCompany kasama ang kanyang driver-assistant na si Mr. Ed. "Good Morning." Napansin ni Gil na nakatingala ang ilang employees sa isinasabit na tarpulin. "Ano ba ang nakalagay sa tarpulin, Mr. Ed?" "Ang nakapasa sa audition kahapon," sagot nito. "Ang agent ng MDC nakapasok din sir." "O, I won't be surprised." Lumaylay ang malaki at malapad na tarpulin sa mismong dadaanan ni Gil. Nakaprint ang half body picture ng tatlong napiling residence vlogger-model. Maliban dito, hindi nakaligtas sa paningin ni Gil ang bulungan ng ilang empleyado na naroon. May mga backer daw ito sa loob kaya nakapasa sa audition. Sa lahat ng ayaw niya ang mga side comment na walang basehan. "Ibig sabihin may talent talaga sila," medyo inilakas ni Gil ang boses para masawata ang bulungan. "To be fair enough gusto kong ma meet ang mga new talents." "Yes, sir." Nang marinig ito ng mag empleyado agad
CONTRACT AGREEMENT. Ito ang nakasulat sa unang page ng papel na nasa ibabaw ng long table. Tatlong set ito, para kina Ellie, Damian at Mariz. Nakaupo si Ellie sa ikaapat na silya, katabi niya si Damian at katabi naman nito si Mariz. Nasa harapan nila ang kanilang kontrata. Kasama sa meeting room ang tatlong judge sa audition maliban kay Brenn. "Nasa ibabaw ng table ang contract ninyo," sabi ni Ms. Cynthia. "Basahin n'yo muna then kung okay sa inyo ang laman ng contract, please sign and return the contract, okay." Agad nilipat ni Ellie ang pahina sa huling page. Nakita niya agad ang compensation, forty five thousand pesos sa bawat paglabas. Akala niya thirty thousand lang sabi ni Brenn sa kanya. At may additional allowance na matatanggap habang nagkakaroon ng shooting. Natuwa siya ng mabasa ito. Habang binabasa ni Ellie ang laman ng contract lumapit si Dale. "Sorry, Ms. Ellie nagkapalit kayo ni Mariz ng contract." Lapit ni Dale sa kanya. Si Dale ang head ng Administrative Depart
Kinabukasan sa TheCompany naghihintay si Ellie sa tapat ng elevator, 9:00 ng umaga ang call time nila para sa unang shooting. May dala siyang dalawang malaking paper bag. Ang isang paper bag ay damit na gagamitin niya sa shooting at ang isa ay may laman na dalawang kahon ng plantsa at isang kahon ng blender. Order ito sa kanya ng dalawang kaibigan ni Brenn. Sa ganitong mga raket nakakakuha siya ng mga referral ng condo at extra income narin. Bumukas ang pinto ng elevator at pumasok si Ellie. Ilang segundo lang ang pagitan, sumakay ng elevator si Dale. "Hi Ms. Ellie!" bati sa kanya. Pinindot nito ang 5th floor. Nakita nitong parehong may hawak ang kamay ni Ellie. "Sa 9th floor ka tama ba, Ms. Ellie?" "Yes sir Dale," malambing niyang tugon. Ang ganda ng umaga niya nakita niya si Dale. "Puwede ka ng elevator attendant sir. Alam mo kung saan floor bababa ang tao." Nagkatawanan silang dalawa. Habang pasarado ang pinto ng elevator muli ito bumukas. Biglang pumasok si Gil at ang
Dumating sa kanilang bahay si Gil, bumaba ng sasakyan mula sa back seat. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng bahay, naririnig niya sa labas ang boses ng ama na may kausap. Pumasok siya sa loob ng bahay. Naratnan niya ang ama sa maluwang nilang sala kasama ang pamilyar na mukha, si congressman Zamora Madrigal. Sa harapan ng dalawa, may dalawang baso at bote ng brandy na wala pang bawas. Sa hindi kalayuan nakita naman niya ang kanyang ina sa art gallery corner ng kanilang bahay na kausap ang isang babaeng nakatalikod, si Danna ang bunsong anak ng pamilya Madrigal. Alam na niya ang dahilan kung bakit sapilitan siyang pinauwi ng maaga. "O, Gil narito ka na," bati ng kanyang ama. "Remember congressman Zamora Madrigal." "Yes pa." Lumapit si Gil sa mga ito at inabot ang kanan kamay sa kaibigan ng ama. "Kumusta po, congressman." "Mabuti naman hijo. Ang tagal nating hindi nagkita." Inabot ang kamay ni Gil. "Ang gandang lalaki ng anak mo, Rafael. Mukhang marami na itong pinaiyak
"Bilisan mo ang paglalakad Ellery, late na ako," tinig ni Ellie mula sa cellphone na hawak ni Ellery. "Hihintayin kita dito sa lobby." "Ala-una pala ang call time mo, ate tapos kung anu-ano ang kinakalikot mo sa bahay. Ako pa ang pinagmamadali mo. Alam mo naman may case study kaming pupuntahan. Malelate ako sa ginagawa mo, ate." Tinatahak ni Ellery ang daan papuntang TheCompany, bitbit sa kanang kamay ang damit ni Ellie na nakalagay sa garment suit bag. Lakad-takbo na ang ginagawa nito para hindi rin mahuli sa kanyang appointment. Bumabagsak ang sukbit niyang leather porfolio bag sa balikat. May nadaanan si Ellery na opening ng cafe store. Nagpaputok ng confetti poppers, sakto sa kanyang pagdaan. Maraming confetti ang nalaglag sa kanya na dumikit pa sa kanyang buhok at damit. "Basta bilisan mo na, dami ka pang sinasabi." Pinatay ni Ellie ang phone para hindi na marinig ang reklamo ng kapatid. Nawala sa isip ni Ellie na ala-una ng hapon ang call time ng shoot. Naglilinis si
"Sige magkita tayo ngayon gabi," sabi ni Gil sa kausap niya sa phone. "Hintayin mo ang tawag ng secretary ko." Pinatay niya ang phone. Tumayo siya at lumakad palabas ng kanyang office. "Ms. Lalaine, book me dinner for two at Manhattan Resto bar at 7:00 tonight." "Yes sir." "And please cancel all my appointments from 5:00 pm onwards. At huwag mong ipaalam kung saan ako pupunta." "Yes President." Si Dante ang kausap niya kanina sa phone. Ayon dito nabuksan niya na ang files ng flash drive na binigay niya. Matagal na niyang hinihintay ang araw na ito. Kaya nakaramdam siya ng tensyon at kaba. Gayunpaman, kailangan niyang labanan pakiramdam na ito. Naground siya sa office. Samantala, muling tumunog ang phone ni Ellie habang naglalakad papunta sa shooting area. Notification text galing kay Maan. Saglit siyang huminto at binasa ang mensahe. "Ngayon ka pumunta bago mag 5:00 pm. Magsign na sila ng contract." Pagkabasa ni Ellie, nawindang ang kanyang utak. Gusto na niyang umali
Ang lugar na pinagdalhan ni Gil kay Ellie ay kakaibang lugar, na may simpleng mga mesa na gawa sa kahoy at mga canvas painting na nakasabit sa mga dingding. Ito ang uri ng lugar na tila isang lihim, isang nakatagong hiyas sa pusod ng metropolis. "Kafeneio," basa ni Ellie sa pangalan ng shop. "Dapat kape namin." Gustong magpatawa ni Ellie ng lumapit sila ni Gil sa counter. Hindi napigilan ni Ellie ang mapangiti sa kanyang biro. Natawa tuloy ang dalawang lalake na nasa counter.Mahinang siniko ni Gil si Ellie. "Greek word 'yan na ang ibig sabihin ay coffee," mahinang sabi ni Gil kay Ellie. Natutop tuloy ni Ellie ang sariling bibig. Ngumisi na lang siya para hindi siya magmukhang tanga. "Iced americano ang sa akin," sabi ni Ellie. "With extra shot ha." "No," sabi ni Gil na nakataas ang kilay. "Hindi ka pa kumakain, kaya hindi ka p'wedeng magkape." sagot niya na malumanay ngunit matigas ang tono.Itinagilid ni Ellie ang kanyang ulo, patungo ang tingin kay Gil. Nakakunot ang kanyang no
Pumasok si Ellie sa mall, nagsisimula nang kumapal ang tao. Dito na siya dumiretso matapos makipagkita kay Mariz. Duty niya ngayong araw. Habang naglalakad bumubulong sa kanyang isipan ang pakikipag-usap kay Mariz, ngunit desidido siyang iwaksi ito. Pagkatapos ng lahat, mayroon siyang trabaho na dapat gawin, at hindi niya nais na makagambala ito. Habang palapit siya sa kanilang booth sinalubong siya ni Maan, nakita niya ang pananabik sa mga mata nito. "Miss Ellie!" Kaway ni Maan sa kanya. "Buti naman dumating ka na. Mayroon kang inquiry sa leaflet mo. Sinabi nila na tawagan mo sila kaagad. Heto ang cellphone number na iniwan nila kanina. Nandito lang sila sa restaurant kumakain." Bumilis ang tibok ng puso ni Ellie. Kahit negative vibes ang pinabaon sa kanya ni Mariz, mayroon naman Maan na may positibong pasalubong sa kanya. "Whoa! Magandang balita 'yan," sagot niya, ang boses niya ay napuno ng kumpiyansa. "Kapag positive buyer Ms. Ellie magpa-snack ka naman." Parang mainit
Nakatayo si Ellie sa tabi ng kalan, ang masarap na aroma ng bawang sa kawali ay pumupuno sa hangin habang siya ay naggigisa. Ito ang kanyang ritwal sa umaga ang magluto ng almusal para sa kanilang dalawa ni Ellery. Naputol ang maindayog na tunog ng spatula sa kawali. Narinig niya ang ring ng kanyang cellphone sa mesa sa sala. Huminto si Ellie, sumulyap sa orasan na nakasabit sa dingding. Maaga pa lang, hindi niya maiwasang magtaka kung sino ang tatawag ng ganoong oras. Imposible namang kliyente. Pinunasan niya ang kanyang mga kamay sa tuwalyang nakasabit at naglakad patungo sa sala. Sa screen nakaregister ang hindi pamilyar na numero, ang mga digit nito ay sumasayaw na parang isang palaisipan. Huminga siya ng malalim, kinuha niya ang telepono. "Hello?" "Ellie?" Pamilyar kay Ellie ang boses sa kabilang linya. "Mariz?" Hinayaan niyang magsalita si Mariz sa kabilang linya. Nakinig lamang siya. Hindi nagtagal ibinababa ni Ellie ang cellphone. "Bakit naman niya ako gustong ka
Humahangos ang baguhang staff ni Dale sa pasilyo. Ang kanyang salamin sa mata ay nakapatong sa tungki ng kanyang ilong, ay mawala sa posisyon ng hindi sinasadyang mabangga si Dale sa kanyang biglang pagliko. "S-sorry sir Dale, hindi kita napansin," sabi nito. Ang boses niya ay may halong takot at panginginig. "N-nakuha ko na po ang dokumentong pinapahanap mo, sir." Pinandilatan ni Dale ang kanyang tauhan, isang tahimik na unos ang namumuo sa kanyang mga mata. Ang matalim na titig nito ay isang ekspresyon na maaaring magpadala ng panginginig sa gulugod ng sinumang makakita. "S-sir?" Nauutal na sabi nito. Nanlalaki ang mga mata sa pag-aalala ng baka masigawan siya. Nang magsimulang tumindi ang tensyon, sumilay ang ngiti sa mukha ni Dale at lumabas ang malalim na biloy sa pisngi. "Just kidding, Ms. Anne," sagot ni Dale, ang kanyang boses ay may halong pagbibiro. "Ang mga baguhang kong staff lagi kong tinatakot sa first day nila dito sa TheCompany. Tignan mo sila pinagtatawa
Iniharap ni Dante kay Gil ang mga dokumentong na-extract niya mula sa mga naka-archive na file ng lumang computer system habang ina-update niya ang software sa TheCompany. Sa kanyang pagsusuri doon niya nalaman na ang mga numerong nasa flash drive na binigay ni Gil ay magkatugma sa data base nang id ng empleydado. Nasa loob sila ng Manhattan Resto Bar sa mga oras na 'yon. "Tignan mo 'to, magkapareho ang id number sa number na nasa flash drive. Pero noong natrace ko ang taong may hawak ng id na ito ay pangkaraniwang empleyado lang. Imposibleng magkaroon ng access ito sa account dahil housekeeping ang trabaho niya." "Hindi kaya nililigaw tayo ng gumawa nito?" tanong ni Gil habang sinusuri ang mga dokumento. "Posible. Noong nag check ako sa data base lahat ng naritong pangalan ay wala na sa company." Ibinigay ni Dante ang isa pang papel kay Gil. "Nakalagay naman d'yan kung kailan sila nag-resigned. Nakakapagtaka lang dahil ang pagitan ng kanilang mga resignation ay halos tatlong araw
Dahil sa sinabi ni Ellie, hinubad ni Gil ang suot na suit jacket at nilapag sa mesa. Kanina pa nga siya naasiwa dahil marami ang napapatingin sa kanya habang naglalakad. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang tingin ng mga tao sa kanya. Pakiramdam niya may gusto pang magpicture. "Bakit hinubad mo President?" "Naiinitan ako." "Ows?" May halong pagbibiro sa boses ni Ellie. "Baka nahiya ka lang President dahil lahat ng tao dito pangkaraniwan ang suot. Ikaw lang kaya ang naiiba." Ginala ni Gil ang kanyang mata, totoo ang sinabi ni Ellie halos lahat naka casual. May ibang naka damit pang opisina pero hindi ganoon ka pormal na tulad ng suot niya. "Alam mo Ms. Ellie, ang dami mong napapansin. Isipin mo na lang naka-cosplay ako." "Cosplay?" Tinitigan ni Ellie si Gil na parang nag-isip ng karakter na babagay sa Presidente. "O, bakit ganyan ka makatingin, Ms. Ellie?" Habang tinitigan ni Ellie si Gil. Napansin niya ang laki pala ng pagkakahawig nito sa naiisip
Pasado ala sais ng gabi, mabagal ang daloy ng trapiko. Sakay si Gil ng kanyang sasakyan. Tanaw niya mula sa kanyang kinauupuan ang liwanag ng ilaw sa mga nakahilerang tindahan. Nagsisimula na ring magbukas ang mga panggabing establisyemento. Marami rin ang naglalakad. Pero hindi naman doon nakatuon ang kanyang isip. "Hindi yata naging maganda ang araw mo ngayon, President," sabi ni Mr. Ed kay Gil habang nagda-drive. Nahalata ang malimit na pagbugtong-hininga nito. Alam ni Mr. Ed na kapag ganito ang aura ng Presidente maraming gumugulo sa isip. "Tama ka," maikling sagot ni Gil. Hindi maiwasan ni Gil na pag-isipan ang misteryosong mensahe ng kanyang kapatid, na tumutukoy sa lumang id. Naniniwala siya na may alam ang kanyang kapatid, ngunit tila nag-aalangan ito na pag-usapan ang tungkol dito. May pakiramdam siya na ang kanyang kapatid ay maaaring nagtatago ng sikreto. Dagdag pa ang biglaang pag-alis nito papuntang Paris ng walang pasabi. Sa aksyon ng kanyang kapatid lalong
"Ano bang pumasok sa isip mo kung bakit ginawa mong product endorser si Ms. Ellie? Sinabi mo isama lang siya sa casting pero ginawa mo siyang endorser," seryosong tanong ni Gil kay Dana. Halata sa boses nito ang pagtataka. Gusto niya talagang kausapin si Dana ng sarilinan tungkol sa bagong kontrata ni Ellie. Hindi ito ang kanilang napag-usapan sa simula. Hindi niya inaasahan na babaguhin ni Dana ang kontrata. Hinintay muna ni Gil na makaalis sina Ellie at Dale upang hindi marinig ng dalawa ang kanilang pag-uusapan. Bagamat hindi niya hawak ang talent management, iniisip niya rin ang kapakanan ng ibang talent na matagal na sa TheCompany. Baguhang talent si Ellie at magiging malaking isyu ito sa iba. Hindi maiiwasan magkaroon ng inggitan. Lalo na't product endorser ang kontratang pinirmahan ni Ellie. "Well, nakita ko ang kakayahan niya. Taglay niya ang karisma na hinahanap ko para sa product na i-launch namin. Ikaw na rin ang nagsabi na may potential siya," paliwanag ni Dana.
"Ms. Ellie, you never know when the next opportunity will come when you say no today," sabi ni Gil. Nakatitig ng maigi kay Ellie. "Kung marami kang gastusin makakatulong sa'yo 'to. Lalo na kung may sinusuportahan ka. Branded pa ang pwede mong bilhing damit." "President hindi ako mahilig sa branded," sagot agad ni Ellie. "Ah, I see. Hindi ka mahilig sa branded. Just in case na may gusto kang regaluhan, I mean." Tila may gustong patungkulan si Gil. Iniisip niya ang nakitang lalaki na kasama ni Ellie sa mall. Kaya niya sinabing p'wede siyang bumili ng branded na damit. "Ahh, pero sir, ano ang katiyakan ko para..." "I will not leave you, I will always be by your side. Kaya wala kang dapat alalahanin sa kontrata. Ako na ang bahala sa lahat," dugtong pa ni Gil. "Ang pinag-usapan natin kanina of course itutuloy natin. No worry." "Dapat lang, ikaw naman ang makikinabang nito," pabulong sabi ni Ellie. "May sinasabi ka Ms. Ellie?" "A-ah wala President" Hinawi niya ang bangs na tu