Tumutunog ang cellphone ni Gil sa ibabaw ng mesa. Sinilip niya ito ng makita kung sino ang nakaregister sa screen. Pinatay niya uli at muling bumalik sa ginagawang pagreview ng mga report.
"Mr. President narito na po si Mr. Dante Soliman." Tinig ng secretary ni Gil mula sa intercom phone. "Papasukin mo." Isinara ni Gil ang binabasang report saka tumayo at sinalubong ang bisita. Si Dante Soliman ay kaibigan ni Gil noong college pa bagamat magkaiba sila ng kursong kinuha. Magkakilala na sila noong panahong nasa senior high pa lamang ngunit hindi sila naging malapit sa isa't isa. Noong nagcollege, iisang university ang kanilang pinasukan kaya doon sila naging magkabuddy. Maliban pa dito naging nueurosurgeon ni Dante si Gil noong sumailalim ito sa spinal cord surgery dahil sa car accident six years ago. May pagkakataon kailangang magperformed ng surgery si Gil kahit hinahawakan na niya ang TheCompany sa mga unang taon. Loyal paring siya sa sinumpaang tungkulin bilang surgeon. Iilan lamang ang nuerosurgeon sa bansa at hindi niya matatanggihan ang kaibigan lalo na kung nasa peligro ang buhay nito. Kaya malaki ang utang na loob ni Dante kay Gil. "Parang may nagbago sa'yo?" Ang tinutukoy ni Gil ang outfit ni Dante. Naka baseball cap ito. May wireless earphone sa kanang tenga. Kapansin-pansin din ang white T-shit na suot nito na may tatak na I AM WEB MASTER at knee ripped black jeans na tinernuhan ng black rubber shoes. "Ito ba?" sabay tawa. Tinangal ang suot na cap. "Ito ang pinasuot sa akin ni misis dahil sa school affair ang anak kong bunso. Mini me matching. Hindi na ako nagpalit. Ang cool di ba? Ang education system ngayon kakaiba na." "Tama ka," sang-ayon na sagot ni Gil. "Ang alpha generation ay kakaiba sa generation natin." "Alam mo Gil, dapat mag-asawa ka na. Napag iiwanan ka na, para maintindihan mo ang nararanasan ko. Tama na ang pagiging bachelor. Masaya ang may anak. Masaya ang may pamilya." Tumawa si Gil ng mahina. "No one can say we're in the same path." Niyaya niyang umupo sa sofa ang kaibigan. Hindi kalayuan sa kanyang office table. "Sabagay madali kang makakakuha ng partner dahil calling card mo pa lang ginto na." "Puro ka biro." Ilang sandali may kumatok sa pinto. Pumasok ang secretary ni Gil may dalang tray na may lamang dalawang tasa ng black coffee. Pagkababa ng tasa nagpaalam at lumabas din agad. Nalaghap ni Dante ang aroma ng kape. Inabot ang tasa at nilanghap ang usok. "Hindi ka parin nagbabago ng taste ng kape. Amoy pa lang alam ko ng roasted arabica 'to." "Dala ko 'yan noong may business tour ako last year sa Indonesia. Ang vice-chairman na taga Sumatra nilibot niya ako sa kanilang coffee plantation noong nalaman niyang marami akong alam tungkol sa coffee beans." "Well, ang Indonesia ang isa sa top producer ng kape." "Right, fourth largest coffee producer and exporter." Inabot din ni Gil ang tasa ng kape at uminom ng marahan. "Ano ang dahilan kung bakit biglaan ang pagpapunta mo sa akin," inilapag niya ang tasa ng kape na halos kalahati na ang laman. "Hindi naman siguro para lang mag coffee ceremony tayong dalawa." Napangiti si Gil, alam niyang seryoso ang kaibigan. Mula sa side table kinuha ni Gil ang isang 3X2 inches black box, malaki lang ng kaunti sa kahon ng posporo. Binuksan ni Gil ang kahon sa harapan ni Dante. Flash drive ang laman. "Pinadala ito ng brother ko six months ago. It allegedly contains evidence about the company." Inabot ni Gil kay Dante ang kahon. "Whoa! Sound intriguing." "Sinubukan kong buksan pero hindi ko ma-access, encrypted files." "It means confidential data. Hindi maglalagay ng password ang admin ng gumawa nito kung walang pinoprotektahan. So we need to decrypt the files." "Exactly!" "Gusto mong kalaykayin ko ang lahat ng narito?" "Oo, d'yan ka eksperto. Hindi 'yan ipadadala ng kapatid ko kung hindi importante. Gusto kong malaman ang katotohanan." Senior software engineer si Dante, ito ang gumawa ng bagong system software na ginagamit ng TheCompany. Ang program application at tools ng lahat ng department ay may kanya-kanyang password na ginagamit. Exclusive itong dinevelop ni Dante sa pamamagitan ng kakaibang network company log in. May sarili itong data structures at algorithms na hindi kayang mabukasan ng kung sinuman. Ginamitan din ito ng anti-hacking software at encryption. Gumawa din si Dante ng special flash drive na naglalaman ng lahat ng password ng lahat ng department. Kaya din nitong mag-extract ng loses files at maghacked ng files ng TheCompany. Ang nag-iisang flash drive ay nasa pag-iingat ni Gil. "Ano pala ang status sa pinaiimbestigahan mo?" tanong ni Dante. "Wala pa but the minions are moving. Hindi na yata maiiwasan sa ganitong kalaking company. There is fox in the henhouse," makahulugang sagot ni Gil. "Sa tono ng boses mo parang may nangyayaring hindi maganda." "Someone entered my office last time. Nataon na on leave ang secretary ko at nagpapalit ng bagong CCTV ang maintenance. Mula nang i-manage ko ang TheCompany parang naging perfectionist ako o baka nagtriggered ang OCD ko. Kaya alam ko kung may ibang gumalaw ng table ko." "Baka napaparanoid ka lang dahil sa dami ng iniisip mo sa company." "Hindi ko alam, sana ganoon nga." "Magpahinga ka rin hindi puro ka negosyo." Payo sa kanya ni Dante. "Minsan mag golf tayo, matagal ka ng hindi nakakasama ng group." Tumango si Gil. Matagal na nga siyang hindi nakakalabas ng opisina sa dami ng kanyang schedule meeting nalilimutan na niyang magpahinga. "Sige, ipa check ko ang schedule ko." Mahigit isang oras tumagal ang pag-uusap ng dalawa. Nang lumaon personal na hinatid ang kaibigan sa lobby ng TheCompany bago ito umalis. Samantala pumunta si Gil sa meeting room kung saan naghihintay ang mga department head. Pumasok siya ang umupo sa ulunang bahagi. "Mr. Brenn," tawag ni Gil sa bagong head ng Sales Department. Tutok ang mata sa binabasang report. "Kumusta ang project development ng Mix Entertainment?" Ang team ni Brenn ang nakikipag-usap sa mga bagong clients at gumagawa ng kontrata. Hawak nito ang sales planner at specialist. Sila rin ang madalas na nakikipagkita sa mga bagong client. "A-Ah sir, may changes sa theme," paliwanag ni Brenn kay Gil. "The project still on going." "Then." Blanko ang ekspresyon ng mukha ni Gil. Naghihintay ng tamang sagot na gusto marinig. "Ganito kasi sir, nanghingi ng bagong airing schedule ang Mix Entertaiment dahil nagkaroon ng problema sa budget. Which mean hindi sapat ang budget sa theme na gusto nilang mangyari." "Ibig sabihin ba niyan sa atin ang problema?" tanong niya sabay sarado ng hawak na folder. Tumayo siya at lumapit kay Brenn. Hinawakan ang dalawang balikat. "No sir," kinakabahan si Brend, hindi parin masanay sa ugali ng boss. Eight months palang itong head ng sales pero hindi parin masanay kapag kausap ang boss. Alam ng lahat na may pagkadominante ito. "Kanino?" "May issue po sila sa quotation natin medyo nataas po sila. Kaya kailangan baguhin ang theme." "Ah, nataas pala sila," sagot ni Gil. Tinapik ng tatlong beses ang balikat ni Brenn at muling bumalik sa inuupuan. "Well, hindi natin problema 'yon. Hindi naman tayo mall para magbigay ng discount. Ano tayo charity worker, laging maawa?" "Tama po kayo sir." "So anong dapat gawin sa project na ito?" "Mag follow-up email sir para masabihan sila," sagot na lang ni Brend. "No!" "N-no sir?" takang tanong ni Brend. "Bakit no sir." Halatang na pressure. Alam nito na madalas magresigned ang mga staff ng department na hinahawakan dahil hindi kinakaya ang pressure. "Mr. Brend, how long have you been working on it?" "One month sir." " One month? Did you calculate the time and effort in that project?" Tumaas ang boses ni Gil. "Don't waste your time. If you know that the project is a failure, look for another project. Kung tututukan ninyo ang ganyang proyekto hindi tayo uusad. Learn to say next!" Lumabas ang pagka straight forward ni Gil sa kanyang mga staff. Mula ng hawakan niya ang TheCompany naging istrikto siya sa mga empleyado. Kaya naman marami ang lihim na naiinis kay Gil. Kabaligtaran ang maamo nitong mukha sa ugali nito. Nagkakatinginan na lamang sa isa't isa ang iba mga head. Kailangan nilang paghandaan ang kanilang report. Perfectionist si Gil. Hindi ito basta-basta nakukumbisi sa mga hokus-pokus na report. Hinihimay nito ang lahat ng detalye ng report. "Y-yes sir." Mahinang sagot ni Brenn tila umurong ang kanyang dila. "Hayaan mo sila ang lumapit sa atin," matigas na sabi ni Gil. "Sundin mo ako, okay!" "Yes, sir."Gabi. Tatlong araw ng nasa bahay si Ellie, tulad ng inaasahan deadma ang mga follow-up calls niya at ang huli pinatayan pa siya ng phone. "Sana hindi na kami magkita, nakakainis siya. Paglakarin talaga ako hanggang office. Haist!" Gumawa na lamang si Ellie ng business page. Matagal din ang two weeks suspension kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makabenta. Nagpost siya ng mga picture ng condominium at nilagyan ng caption para maging eye catcher sa audience. Naglagay din siya ng video at nilapatan ng kanyang voice over. Natutunan niya ang digital marketing sa training sa real estate. Hindi katagalan may notification na pumasok. Nag inquire ng location at sample computation pero hindi pa maituturing na hot prospect. Habang sinasagot niya ang inquiry tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng kama. Dinampot niya ito ng matukoy kung sino. "Oi bakit?" "Hulaan ko, nasa dating site ka no! Gabing-gabi na gising ka pa," sabi sa kabilang linya. Boses lalake, ang best
"Good Morning President," bati ng mga nakakasalubong ni Gil habang naglalakad sa lobby ng TheCompany kasama ang kanyang driver-assistant na si Mr. Ed. "Good Morning." Napansin ni Gil na nakatingala ang ilang employees sa isinasabit na tarpulin. "Ano ba ang nakalagay sa tarpulin, Mr. Ed?" "Ang nakapasa sa audition kahapon," sagot nito. "Ang agent ng MDC nakapasok din sir." "O, I won't be surprised." Lumaylay ang malaki at malapad na tarpulin sa mismong dadaanan ni Gil. Nakaprint ang half body picture ng tatlong napiling residence vlogger-model. Maliban dito, hindi nakaligtas sa paningin ni Gil ang bulungan ng ilang empleyado na naroon. May mga backer daw ito sa loob kaya nakapasa sa audition. Sa lahat ng ayaw niya ang mga side comment na walang basehan. "Ibig sabihin may talent talaga sila," medyo inilakas ni Gil ang boses para masawata ang bulungan. "To be fair enough gusto kong ma meet ang mga new talents." "Yes, sir." Nang marinig ito ng mag empleyado agad
CONTRACT AGREEMENT. Ito ang nakasulat sa unang page ng papel na nasa ibabaw ng long table. Tatlong set ito, para kina Ellie, Damian at Mariz. Nakaupo si Ellie sa ikaapat na silya, katabi niya si Damian at katabi naman nito si Mariz. Nasa harapan nila ang kanilang kontrata. Kasama sa meeting room ang tatlong judge sa audition maliban kay Brenn. "Nasa ibabaw ng table ang contract ninyo," sabi ni Ms. Cynthia. "Basahin n'yo muna then kung okay sa inyo ang laman ng contract, please sign and return the contract, okay." Agad nilipat ni Ellie ang pahina sa huling page. Nakita niya agad ang compensation, forty five thousand pesos sa bawat paglabas. Akala niya thirty thousand lang sabi ni Brenn sa kanya. At may additional allowance na matatanggap habang nagkakaroon ng shooting. Natuwa siya ng mabasa ito. Habang binabasa ni Ellie ang laman ng contract lumapit si Dale. "Sorry, Ms. Ellie nagkapalit kayo ni Mariz ng contract." Lapit ni Dale sa kanya. Si Dale ang head ng Administrative Depart
Kinabukasan sa TheCompany naghihintay si Ellie sa tapat ng elevator, 9:00 ng umaga ang call time nila para sa unang shooting. May dala siyang dalawang malaking paper bag. Ang isang paper bag ay damit na gagamitin niya sa shooting at ang isa ay may laman na dalawang kahon ng plantsa at isang kahon ng blender. Order ito sa kanya ng dalawang kaibigan ni Brenn. Sa ganitong mga raket nakakakuha siya ng mga referral ng condo at extra income narin. Bumukas ang pinto ng elevator at pumasok si Ellie. Ilang segundo lang ang pagitan, sumakay ng elevator si Dale. "Hi Ms. Ellie!" bati sa kanya. Pinindot nito ang 5th floor. Nakita nitong parehong may hawak ang kamay ni Ellie. "Sa 9th floor ka tama ba, Ms. Ellie?" "Yes sir Dale," malambing niyang tugon. Ang ganda ng umaga niya nakita niya si Dale. "Puwede ka ng elevator attendant sir. Alam mo kung saan floor bababa ang tao." Nagkatawanan silang dalawa. Habang pasarado ang pinto ng elevator muli ito bumukas. Biglang pumasok si Gil at ang
Dumating sa kanilang bahay si Gil, bumaba ng sasakyan mula sa back seat. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng bahay, naririnig niya sa labas ang boses ng ama na may kausap. Pumasok siya sa loob ng bahay. Naratnan niya ang ama sa maluwang nilang sala kasama ang pamilyar na mukha, si congressman Zamora Madrigal. Sa harapan ng dalawa, may dalawang baso at bote ng brandy na wala pang bawas. Sa hindi kalayuan nakita naman niya ang kanyang ina sa art gallery corner ng kanilang bahay na kausap ang isang babaeng nakatalikod, si Danna ang bunsong anak ng pamilya Madrigal. Alam na niya ang dahilan kung bakit sapilitan siyang pinauwi ng maaga. "O, Gil narito ka na," bati ng kanyang ama. "Remember congressman Zamora Madrigal." "Yes pa." Lumapit si Gil sa mga ito at inabot ang kanan kamay sa kaibigan ng ama. "Kumusta po, congressman." "Mabuti naman hijo. Ang tagal nating hindi nagkita." Inabot ang kamay ni Gil. "Ang gandang lalaki ng anak mo, Rafael. Mukhang marami na itong pinaiyak
"Bilisan mo ang paglalakad Ellery, late na ako," tinig ni Ellie mula sa cellphone na hawak ni Ellery. "Hihintayin kita dito sa lobby." "Ala-una pala ang call time mo, ate tapos kung anu-ano ang kinakalikot mo sa bahay. Ako pa ang pinagmamadali mo. Alam mo naman may case study kaming pupuntahan. Malelate ako sa ginagawa mo, ate." Tinatahak ni Ellery ang daan papuntang TheCompany, bitbit sa kanang kamay ang damit ni Ellie na nakalagay sa garment suit bag. Lakad-takbo na ang ginagawa nito para hindi rin mahuli sa kanyang appointment. Bumabagsak ang sukbit niyang leather porfolio bag sa balikat. May nadaanan si Ellery na opening ng cafe store. Nagpaputok ng confetti poppers, sakto sa kanyang pagdaan. Maraming confetti ang nalaglag sa kanya na dumikit pa sa kanyang buhok at damit. "Basta bilisan mo na, dami ka pang sinasabi." Pinatay ni Ellie ang phone para hindi na marinig ang reklamo ng kapatid. Nawala sa isip ni Ellie na ala-una ng hapon ang call time ng shoot. Naglilinis si
"Sige magkita tayo ngayon gabi," sabi ni Gil sa kausap niya sa phone. "Hintayin mo ang tawag ng secretary ko." Pinatay niya ang phone. Tumayo siya at lumakad palabas ng kanyang office. "Ms. Lalaine, book me dinner for two at Manhattan Resto bar at 7:00 tonight." "Yes sir." "And please cancel all my appointments from 5:00 pm onwards. At huwag mong ipaalam kung saan ako pupunta." "Yes President." Si Dante ang kausap niya kanina sa phone. Ayon dito nabuksan niya na ang files ng flash drive na binigay niya. Matagal na niyang hinihintay ang araw na ito. Kaya nakaramdam siya ng tensyon at kaba. Gayunpaman, kailangan niyang labanan pakiramdam na ito. Naground siya sa office. Samantala, muling tumunog ang phone ni Ellie habang naglalakad papunta sa shooting area. Notification text galing kay Maan. Saglit siyang huminto at binasa ang mensahe. "Ngayon ka pumunta bago mag 5:00 pm. Magsign na sila ng contract." Pagkabasa ni Ellie, nawindang ang kanyang utak. Gusto na niyang umalis agad.
"Hi sir, what can I do for you?" tanong ni Mona kay Gil ng makasalubong. Namukhaan niya ito. "I'm looking for Ms. Ellie." "Ah si Ms. Ellie." Tinitigan ni Mona si Gil mula ulo hanggang paa. Paanong hindi niya ito matatandaan ito ang client ni Ellie na pinagpustahan nila ng coffee macchiato na hindi natupad. "Ah, Ikaw sir ang na tour ni Ms. Ellie last time." "Yes." "Nasa client's room po si Ms. Ellie, sir." Itinuro ni Mona ang client's room. Dahil salamin ang pinto nakita ni Gil si Ellie sa loob. Maliban kay Ellie naroon ang boss nito at dalawa pang tao. Kahit hindi niya nadidinig ang pag-uusap halata sa kilos na nakikipagtalo si Ellie. "Sorry sir baka matagalan pa 'yan. Kung ayos lang sa'yo sir, p'wede mo siyang hintayin sa client's lounge sa first floor." Tama ang hinuha ni Gil, may tensyong nagaganap sa loob ng client's room. Kahit ang kaharap nararamdaman niya ng negative mood. "Hindi na siguro. Kung p'wede sa'yo ko na lang ibigay itong wallet niya. Naiwan sa kots