"Dahil tapos mo ng ayusin ang mga docs at requirements ni Director Jules mag-usap tayo, Ms. Ellie." Kanina pa tinitignan ni Bonne si Ellie sa katabing mesa. Gusto niyang malamang kung paano at bakit naging talent si Ellie sa company ni Gil. Sa narinig ni Bonne kay Gil nag-aalala siya na baka iwanang bigla ni Ellie ang pagiging sales agent. Kung mangyayari ito mababawasan siya ng tao sa kanyang team. Sa nakita niyang sitwasyon kanina nakita niya kung paanong sinuportahan ni Gil si Ellie para lang mapapirma ng kontrata ang director. "Sir Bonne ano naman ang pag-uusapan natin? Ayos na lahat. Heto na sa kamay ko ang signed contract agreement ni Director Jules! Photo copy of ID with 3 specimen signature pa! At higit sa lahat ang post dated check para sa deffered cash! Ang saya-saya ko!" Sinadyang ilakas ni Ellie ang boses upang marinig ng team ni Vaness na sa kanya pumirma ng kontrata ang director. Nasa katabing cubicle nila ang office nila Vaness. Kanina lamang nakasalubong niya it
"Ano ba ang ibibigay ko sa kanya? Lahat naman nasa kanya na," bulong ni Ellie sa sarili, habang nakatingin sa labas ng bintana ng bus. Pinag-iisipan kung paano pasasalamat si Gil. Kahit naiinis siya dito kailangan niyang bigyan ng konsuwelo ang pagtulong nito sa kanya. Ang totoo iniiwasan niyang magkaroon ng utang na loob sa Presidente, kahit nangyari na nga. Isang taon lang ang kontratang pinirmahan pero pakiramdam niya ang tagal. Ayaw niyang matali sa pagiging talent ng TheCompany. Gusto niya tuloy magsisi kung bakit pumirma ng kontrata. Bumaba si Ellie sa bus. Mula sa bus stop ten minutes walk hanggang sa building ng TheCompany. Private vehicle at taxi lamang ang nakakaraan sa area na 'yon. Huminto siya sa pedestrian crossing kasama ng ilang taong tatawid. "Hi Ms. Ellie!" Napalingon si Ellie, si Dale. Nakangiti ito sa kanya. Para siyang nakakita ng liwanag sa mukha ni Dale. Kung lagi niyang makikita ito sa umaga, kumpleto na ang araw niya. Ginantihan niya ito ng ngiti.
Bumagay ang isang tasang mainit na kapeng nasa harapan ni Gil sa malamig na gabi. Ang malaking veranda ng kanilang bahay ang kanyang regular na pahingahan. Napapaligiran ito ng mga halaman, at mula rito'y tanaw ang bilog na swimming pool kung saan umaaninag ang repleksyon ng buwan. Kinuha niya ang tasa at dahan-dahang uminom. Ilang beses siyang lumagok bago niya muling inilapag sa mesa. Sumandal siya sa silya at pinikit ang mata. Manakanakang bumubuka ang kanyang labi na parang nagsasalita. Kahit nakapahinga ang kanyang katawan, tila nagbibilang pa rin ng numero ang kanyang utak. Ngunit kahit anong tapang ng kape na kanyang nainom, dinaig pa din ito ng pagod at antok. Hanggang tuluyan makaidlip. Bakas sa kanyang maamong mukha ang matinding pagod sa halos sampung oras sa opisina. Gil Estevez, 36 years old, dominant boss, workaholic, bachelor at President-CEO ng TheCompany, ang kilalang advertising company sa Southeast Asia. Ang TheCompany ay may revenue na 3.109 billion USD noo
"I, I, I, I-I've been runnin' through this strange life Chasin' all them green lights Throwin' out the shade for a little bit of sunshine. Hit me with them good vibes Pictures on my phone like Everything is so fine A little bit of sunshine... A little bit of sunshine... A little bit of sunshine..." 🎶 Masayang inaawit ni Ellie ang kantang Sunshine ng One Republic habang naglalakad sa malaking parking lot ng mall. Pasayaw sayaw pa ito habang palihim na iniipit sa wiper ng mga sasakyan ang leaflets, na dapat sa loob lamang ng mall pinamimigay. Bawal ito sa patakaran ng mall pero talagang matinik siya. Diskarte ang sabi niya walang bawal sa kanya kung walang makakakita. Nagbakasakali na may kliyenteng makuha at matulad sa kanyang kasamang agent na naka cash on the spot sales dahil sa leaflet na nakuha sa ibabaw ng kotse, 10 million cash. Noong sinuma ni Ellie ang 3% commission times 10 million less 12% tax equal 264,000! Puwera pa ang incentives na makukuha. Buhay prins
10:20 ng gabi ng makauwi si Ellie, naratnan niyang nakaipit sa gate ang billing statement ng ilaw at tubig. Napabugtong-hininga siya bago kinuha ang mga sobre. Bayaran na naman pero wala pa siyang pambayad. Dagdag pa ang renta ng inuupahan nilang bahay. Pagpasok niya sa loob ng bahay agad siyang dumiretso sa kusina. Ibinaba ang bag sa mesa. Nagbungkal ng kaldero. Marami pang kanin pero wala siyang nakitang ulam. Binuksan ang cabinet kung saan nakalagay ang stock ng delata, nakita niya ang nag iisang lata ng sardinas sa sulok. Agad niya itong kinuha at binuksan. Sumandok ng kanin. "Nanginginig na ako sa gutom." Kinakausap niya na ang sarili. Sumubo ng kanin at sardinas. Tulad ng inaasahan hindi dumating ang boss nilang si Bonne mabuti na lamang pinautang siya ni Kris ng pamasahe kundi maglalakad siya pauwi. "Ang malas ko talaga sa mga boss! Sa loob ng 8 years puro sablay ang nakukuha kong boss. Ang una, maniac! Pangalawa, narcissist ngayon naman indiyanero na kuripot pa. Paasa talaga!
Matapos pirmahan ni Gil ang mga dokumento iniwan niya ito sa kanyang secretary, saka siya tumungo sa meeting kung saan naghihintay sina Ms. Cynthia at Rex sa meeting room ng TheCompany. "Kailangan bang i-hire ang mga talent as full time," tanong ni Gil. Habang binabasa ang report. Hindi siya sang-ayon sa pagkuha ng bagong talent para sa ilalabas na ads. Nagkaroon ng collaboration ng creative at media planning department. Lumabas sa collaboration na video vlog ang magiging concept ng ads. "What about our regular talents?" Hindi ba magkakaroon ito ng conflict sa regulat talent natin?" "No sir. The job description is only part-timer," sagot ni Rex ang head ng media planning department "We're looking new faces on these ads but project based work. Sila ang magiging residence vlogger-model natin." "Regarding sa in-house talent natin. There are not suitable for this kind of concept ads," sabat ni Ms. Cynthia. Si Ms. Cynthia, head ng creative team. Ang pinaka agresibong department. Hawa
Wala si Bonne ng makabalik si Ellie sa office, kaya hinanap niya ito sa ibang cubicle ng makasalubong ang kanilang sales coordinator na si Mona. "Hi Ms. Ellie! May good news ako sayo at may bad news!" bati nito sa kanya habang patuloy sa paglakad. "Sama ka sa akin."Wala sa loob na sumunod si Ellie hanggang makarating sa working table ng sales coordinator."Kung bad news, alam ko na." Humila si Ellie ng silya at pabagsak na umupo. "Suspended ako ng two weeks. Ang saklap, Ms. Mona wala akong manning."So nakita mo na pala ang memo s'yo," sagot ni Mona habang nagtype sa keyboard ng computer ng sample computation. Tumango si Ellie at tila nagmamakaawa ang mukha. "Next time sumunod ka sa policy ng mall.""Bulok siguro 'yung kotse kaya nasira ang wiper. Dapat dinadala na sa junk shop ang mga ganoon sasakyan. Sobrang gaan lang naman nito." Dinampot niya ang leaflets na nasa ibabaw ng mesa at winasiwas sa hangin. "Huwag mo ng gagawin 'yon." Mahinang tapik sa braso niiya. "Policy is polic
Tumutunog ang cellphone ni Gil sa ibabaw ng mesa. Sinilip niya ito ng makita kung sino ang nakaregister sa screen. Pinatay niya uli at muling bumalik sa ginagawang pagreview ng mga report. "Mr. President narito na po si Mr. Dante Soliman." Tinig ng secretary ni Gil mula sa intercom phone. "Papasukin mo." Isinara ni Gil ang binabasang report saka tumayo at sinalubong ang bisita. Si Dante Soliman ay kaibigan ni Gil noong college pa bagamat magkaiba sila ng kursong kinuha. Magkakilala na sila noong panahong nasa senior high pa lamang ngunit hindi sila naging malapit sa isa't isa. Noong nagcollege, iisang university ang kanilang pinasukan kaya doon sila naging magkabuddy. Maliban pa dito naging nueurosurgeon ni Dante si Gil noong sumailalim ito sa spinal cord surgery dahil sa car accident six years ago. May pagkakataon kailangang magperformed ng surgery si Gil kahit hinahawakan na niya ang TheCompany sa mga unang taon. Loyal paring siya sa sinumpaang tungkulin bilang surgeon. Iilan