Share

Chapter 16: Brenn's Problem

"Ano ba ang ibibigay ko sa kanya? Lahat naman nasa kanya na," bulong ni Ellie sa sarili, habang nakatingin sa labas ng bintana ng bus. Pinag-iisipan kung paano pasasalamat si Gil.

Kahit naiinis siya dito kailangan niyang bigyan ng konsuwelo ang pagtulong nito sa kanya. Ang totoo iniiwasan niyang magkaroon ng utang na loob sa Presidente, kahit nangyari na nga. Isang taon lang ang kontratang pinirmahan pero pakiramdam niya ang tagal. Ayaw niyang matali sa pagiging talent ng TheCompany. Gusto niya tuloy magsisi kung bakit pumirma ng kontrata.

Bumaba si Ellie sa bus. Mula sa bus stop ten minutes walk hanggang sa building ng TheCompany. Private vehicle at taxi lamang ang nakakaraan sa area na 'yon.

Huminto siya sa pedestrian crossing kasama ng ilang taong tatawid.

"Hi Ms. Ellie!"

Napalingon si Ellie, si Dale. Nakangiti ito sa kanya. Para siyang nakakita ng liwanag sa mukha ni Dale. Kung lagi niyang makikita ito sa umaga, kumpleto na ang araw niya. Ginantihan niya ito ng ngiti.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status