Chapter: Chapter 32: A Cheerful Heart Ang lugar na pinagdalhan ni Gil kay Ellie ay kakaibang lugar, na may simpleng mga mesa na gawa sa kahoy at mga canvas painting na nakasabit sa mga dingding. Ito ang uri ng lugar na tila isang lihim, isang nakatagong hiyas sa pusod ng metropolis. "Kafeneio," basa ni Ellie sa pangalan ng shop. "Dapat kape namin." Gustong magpatawa ni Ellie ng lumapit sila ni Gil sa counter. Hindi napigilan ni Ellie ang mapangiti sa kanyang biro. Natawa tuloy ang dalawang lalake na nasa counter.Mahinang siniko ni Gil si Ellie. "Greek word 'yan na ang ibig sabihin ay coffee," mahinang sabi ni Gil kay Ellie. Natutop tuloy ni Ellie ang sariling bibig. Ngumisi na lang siya para hindi siya magmukhang tanga. "Iced americano ang sa akin," sabi ni Ellie. "With extra shot ha." "No," sabi ni Gil na nakataas ang kilay. "Hindi ka pa kumakain, kaya hindi ka p'wedeng magkape." sagot niya na malumanay ngunit matigas ang tono.Itinagilid ni Ellie ang kanyang ulo, patungo ang tingin kay Gil. Nakakunot ang kanyang no
Huling Na-update: 2024-12-25
Chapter: Chapter 31: Ellie's StrategyPumasok si Ellie sa mall, nagsisimula nang kumapal ang tao. Dito na siya dumiretso matapos makipagkita kay Mariz. Duty niya ngayong araw. Habang naglalakad bumubulong sa kanyang isipan ang pakikipag-usap kay Mariz, ngunit desidido siyang iwaksi ito. Pagkatapos ng lahat, mayroon siyang trabaho na dapat gawin, at hindi niya nais na makagambala ito. Habang palapit siya sa kanilang booth sinalubong siya ni Maan, nakita niya ang pananabik sa mga mata nito. "Miss Ellie!" Kaway ni Maan sa kanya. "Buti naman dumating ka na. Mayroon kang inquiry sa leaflet mo. Sinabi nila na tawagan mo sila kaagad. Heto ang cellphone number na iniwan nila kanina. Nandito lang sila sa restaurant kumakain." Bumilis ang tibok ng puso ni Ellie. Kahit negative vibes ang pinabaon sa kanya ni Mariz, mayroon naman Maan na may positibong pasalubong sa kanya. "Whoa! Magandang balita 'yan," sagot niya, ang boses niya ay napuno ng kumpiyansa. "Kapag positive buyer Ms. Ellie magpa-snack ka naman." Parang mainit
Huling Na-update: 2024-12-21
Chapter: Chapter 30: The Age GapNakatayo si Ellie sa tabi ng kalan, ang masarap na aroma ng bawang sa kawali ay pumupuno sa hangin habang siya ay naggigisa. Ito ang kanyang ritwal sa umaga ang magluto ng almusal para sa kanilang dalawa ni Ellery. Naputol ang maindayog na tunog ng spatula sa kawali. Narinig niya ang ring ng kanyang cellphone sa mesa sa sala. Huminto si Ellie, sumulyap sa orasan na nakasabit sa dingding. Maaga pa lang, hindi niya maiwasang magtaka kung sino ang tatawag ng ganoong oras. Imposible namang kliyente. Pinunasan niya ang kanyang mga kamay sa tuwalyang nakasabit at naglakad patungo sa sala. Sa screen nakaregister ang hindi pamilyar na numero, ang mga digit nito ay sumasayaw na parang isang palaisipan. Huminga siya ng malalim, kinuha niya ang telepono. "Hello?" "Ellie?" Pamilyar kay Ellie ang boses sa kabilang linya. "Mariz?" Hinayaan niyang magsalita si Mariz sa kabilang linya. Nakinig lamang siya. Hindi nagtagal ibinababa ni Ellie ang cellphone. "Bakit naman niya ako gustong ka
Huling Na-update: 2024-12-19
Chapter: Chapter 29: Unexpected GuestHumahangos ang baguhang staff ni Dale sa pasilyo. Ang kanyang salamin sa mata ay nakapatong sa tungki ng kanyang ilong, ay mawala sa posisyon ng hindi sinasadyang mabangga si Dale sa kanyang biglang pagliko. "S-sorry sir Dale, hindi kita napansin," sabi nito. Ang boses niya ay may halong takot at panginginig. "N-nakuha ko na po ang dokumentong pinapahanap mo, sir." Pinandilatan ni Dale ang kanyang tauhan, isang tahimik na unos ang namumuo sa kanyang mga mata. Ang matalim na titig nito ay isang ekspresyon na maaaring magpadala ng panginginig sa gulugod ng sinumang makakita. "S-sir?" Nauutal na sabi nito. Nanlalaki ang mga mata sa pag-aalala ng baka masigawan siya. Nang magsimulang tumindi ang tensyon, sumilay ang ngiti sa mukha ni Dale at lumabas ang malalim na biloy sa pisngi. "Just kidding, Ms. Anne," sagot ni Dale, ang kanyang boses ay may halong pagbibiro. "Ang mga baguhang kong staff lagi kong tinatakot sa first day nila dito sa TheCompany. Tignan mo sila pinagtatawa
Huling Na-update: 2024-12-03
Chapter: Chapter 28: Finding The AnswerIniharap ni Dante kay Gil ang mga dokumentong na-extract niya mula sa mga naka-archive na file ng lumang computer system habang ina-update niya ang software sa TheCompany. Sa kanyang pagsusuri doon niya nalaman na ang mga numerong nasa flash drive na binigay ni Gil ay magkatugma sa data base nang id ng empleydado. Nasa loob sila ng Manhattan Resto Bar sa mga oras na 'yon. "Tignan mo 'to, magkapareho ang id number sa number na nasa flash drive. Pero noong natrace ko ang taong may hawak ng id na ito ay pangkaraniwang empleyado lang. Imposibleng magkaroon ng access ito sa account dahil housekeeping ang trabaho niya." "Hindi kaya nililigaw tayo ng gumawa nito?" tanong ni Gil habang sinusuri ang mga dokumento. "Posible. Noong nag check ako sa data base lahat ng naritong pangalan ay wala na sa company." Ibinigay ni Dante ang isa pang papel kay Gil. "Nakalagay naman d'yan kung kailan sila nag-resigned. Nakakapagtaka lang dahil ang pagitan ng kanilang mga resignation ay halos tatlong araw
Huling Na-update: 2024-11-28
Chapter: Chapter 27: LifesaverDahil sa sinabi ni Ellie, hinubad ni Gil ang suot na suit jacket at nilapag sa mesa. Kanina pa nga siya naasiwa dahil marami ang napapatingin sa kanya habang naglalakad. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang tingin ng mga tao sa kanya. Pakiramdam niya may gusto pang magpicture. "Bakit hinubad mo President?" "Naiinitan ako." "Ows?" May halong pagbibiro sa boses ni Ellie. "Baka nahiya ka lang President dahil lahat ng tao dito pangkaraniwan ang suot. Ikaw lang kaya ang naiiba." Ginala ni Gil ang kanyang mata, totoo ang sinabi ni Ellie halos lahat naka casual. May ibang naka damit pang opisina pero hindi ganoon ka pormal na tulad ng suot niya. "Alam mo Ms. Ellie, ang dami mong napapansin. Isipin mo na lang naka-cosplay ako." "Cosplay?" Tinitigan ni Ellie si Gil na parang nag-isip ng karakter na babagay sa Presidente. "O, bakit ganyan ka makatingin, Ms. Ellie?" Habang tinitigan ni Ellie si Gil. Napansin niya ang laki pala ng pagkakahawig nito sa naiisip
Huling Na-update: 2024-11-19